20
ARALIN 4: WASTONG PANGANGALAGA NG KASUOTAN

Epp 6 he aralin 4- wastong pangangalaga ng kasuotan

Embed Size (px)

Citation preview

ARALIN 4:WASTONG

PANGANGALAGA NG KASUOTAN

WASTONG PANGANGALAGA NG KASUOTAN:1. Wastong pamamaraan ng

paglalaba.2. Pag-aalmirol ng kasuotan.3. Wastong pamamaraan ng

pamamalantsa.4. Wastong pagtatabi ng mga

naplantsang kasuotan.

5.Pag-aalis ng mantsa sa kasuotan.6. Pagkukumpuni ng sirang kasuotan.7. Wastong paraan ng pagsusulsi.8. Wastong paraan ng pagtatagpi.9. Mga Pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa pangangalaga ng mga kagamitan.

GAWAIN: Sa loob ng tatlong minuto, ilista sa inyong papel ang tamang mga hakbang sa paglalaba.

Wastong Pamamaraan ng Paglalaba:1. Ihanda ang mga kagamitan sa

paglalaba.2. Ihiwalay ang puting damit sa

may kulay o de kolor.3. Basaing isa-isa at kusutin nang

bahagya sa tubig upang maalis at lumuwag ang ibang dumi sa damit. Unahin ang puting damit.

4. Isagawa ang unang pagsasabon. Maglagay ng sabon sa batyang may katamtamang dami ng tubig. Isa-isang kusutin dito ang mga damit. Simulan sa mga pirasong puti at di-gaanong marumi. Bigyang pansin ang mga bahagi ng damit na madaling kapitan ng dumi tulad ng kwelyo, leeg, manggas, kilikili, at laylayan.

5. Banlawan at sabuning muli. Ikula ang mga puting damit. Tiyakin na ang kulahan ay malinis at malayo sa mga tutulong dumi o liliparing mga dahon o dumi.

6. Banlawan ng 3 beses ang mga damit na may kulay o de kolor hanggang sa maalis ang bula ng sabon sa tubig. Baligtarin ang mga ito at pigaing mabuti. Isampay sa malilim na lugar.

7.Banlawan ang mga puting damit pagkatapos maikula ng ilang oras at sabuning muli. Banlawan hanggang sa luminaw ang tubig.

8.Isampay sa araw. Lagyan ng sipit ang mga sampay upang hindi tangayin ng hangin.

PAG-AAMIROL ng KASUOTAN:Mga Kasuotang karaniwang inaalmirulan:1. Koton• Kurtina• Punda• Kubrekama

PAG-AALMIROL: - ang mga kasuotang naalmirulan ay :1. Madulas2. Makinis 3. Hindi madaling

marumihan. 4. Hindi madaling

magusot.

HAKBANG sa PAG-AALMIROL:1.Magpakulo ng 5 tasang

tubig.2.Maghalo ng 1 tasang

almirol sa kaunting tubig at unti-unting ibuhos sa kumukulong tubig.

3. Huwag tigilan ang paghalo upang hindi magbuo-buo ang solusyon. Maaaring dagdagan ang tubig upang makuha ang gustong lapot.

4. Ihalo ang solusyon sa kaunting tubig. Ilubog muna ang puting kasuotan at pigain. Tiyaking lahat ng panig ng kasuotan ay naalmirulan.5. Isampay sa lugar na nasisikatan ng araw. Itabi sa isang kahon, kapag tuyo na.

PAG-AALIS NG MARKA SA KASUOTAN:1. Dugo -ibabad ang damit sa malamig na tubig. Labhan at kusutin sa malamig at masabong tubig.2. Katas ng prutas -buhusan ng kumukulong tubig ang bahaging may mantsa.

3. Chewing gum -patungan ng yelo ang bahaging may chewing gum. Hayaang tumigas ito. Kumuha ng mapurol na kutsilyo at unti-unting kayurin ang chewing gum hanggang sa matanggal.4. Tsokolate -ilubog ang bahaging may mantsa sa mainit na tubig. Labhan sa tubig na may sabon.

5. Tinta -kuskusin ng puting mantikang panluto. Labhan sa tubig na may sabon.6. Kalawang -lagyan ng kaunting asin ang bahaging may kalawang at pigaan ng kalamansi o dinurog na kamyas.

7. Pintura -pahiran ang bahaging may mantsa ng turpentina. Kuskusing mabuti hanggang sa maalis. Labhan sa tubig na may sabon.

8. Mantika -buhusan ng mainit na tubig ang bahaging may mantsa bago ito labhan sa tubig na maligamgam.

9. Kandila -kuskusin ng mapurol na kutsilyo ang bahaging may kandila. Takpan ng mamasa-masang papel at plantsahin ng ilang ulit ang bahaging may mantsa hanggang sa masipsip ng papel ang natunaw na kandila.

10. Tagulamin -ibilad sa araw ang mantsang nilagyan ng kalamansi at asin. Ulitin hanggang sa maalis ang lahat ng mantsa.