38

Click here to load reader

Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Uri ng Pangungusap

Citation preview

Page 1: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Uri ng Pangungusap batay sa Layon

1. Naglalarawan – Ang pangungusap na naglalarawan ay may layuning ipakita ang ayos, hugis, anyo, kulay ng isang tao, pook, pangyayari o damdamin.

Halimbawa:a. Isang luntiang harding napalilibutan ng makakapal na damo at makukulay na

bulaklak ang bumati sa akin sa bahay na iyon. (Lugar)

b. Si Grace ang kaibigang maaasahan, mapagkatiwalaan at masasandalan sa kabila ng kanyang pagiging patpatin at masakitin, hindi ito naging hadlang upan magustuhan siya ng kanyang mga kaklase. (Tao)

c. Matamlay at malungkot ang bata nang nalaman niyang hindi na siya makapag-aral. (Damdamin)

2. Nagsasalaysay – Ang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at nagsasalaysay ng mga pangyayari.

Halimbawa:

a. Isang gabi, lumabas ako ng bahay upang magpahangin nang biglang may di-kilalang lalaki ang lumapit sa akin. Agad akong napatakbo nang mabilis papasok sa aming tahanan upang humingi ng saklolo.

b. Umakyak ang bata sa puno ng bayabas. Pinitas niya ang malalaking bunga at isinilid sa dala-dalang buslo. Nagmamadali itong bumaba at nananabik na kainin ang pinitas na prutas.

c. Masayang isinuot ni Betty ang kanyang magarang damit para sa dadaluhang Kaarawan ng kaibigan. Nagpahatid siya sa kanyang kuya sa bahay ng kaibigan at doon ay nagpakasaya kasama ng iba pang mga kaibigan at kaklase.

3. Naglalahad - Ang pangungusap na naglalahad ay may layuning magpaliwanag o maglinangng isang gawain, proseso, pangyayari, salita, kahulugan o

konsepto.

- Ang paglalahad ay pagsasabi ng katotohanan. Ito ay nagbibigay ng impormasyon o kaalaman.

Halimbawa:

Page 2: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

a. Ang mga kabataan ngayon ay nahaharap sa magkasalungat na kaisipan, mithiin at saloobing likha ng matuling agos ng pagbabago. (pagbibigay-impormasyon)

b. Dalawang magkasunod na insidente ng pagkamatay na pinaniniwalaang sanhi ng heat stroke ang nangyari sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila kahapon kung saan isang taxi driver at isang pasahero ng bus ang nalagutan ng hininga habang nasa biyahe. (Balita)

c. Sa pagluluto, tiyaking ihanda muna ang kagamitang gagamitin at ang mga sangkap na

kakailanganin sa pagluluto. (Panuto)

4. Nangangatwiran - Ang pangungusap na nangangatwiran ay nanghihikayat o nangungumbinsi na tanggapin ng kausap ang isang ideya o kaisipan. Upang maabot ang

layuning ito, kailangan mayroong pantulong na ideya o matibay na katwiran para sa pangunahing ideya.

- Ito ay may dalawang bahagi, ang una ay ang pangunahing ideya o ang pinakagustong sabihin at ang pangalawang bahagi ay ang pantulong na

ideya o ang katwiran na magpapatibay sa pangunahing ideya.

Halimbawa:

a. Mabuting ituro ang matematika sa wikang katutubo dahil mas madali itong maiintindihan ng mga mag-aaral.

b. Mas mahusay gumuhit si Joy kaysa kay Mae sapagkat mas marami siyang patimpalak na napanalunan sa aspeto ng pagguhit.

c. Sinasabing masusukat ang kasaganaan ng isang bansa sa mga naninirahan dito, kung healthy umano ang bawat Filipino ay kasunod na nito ang healthy din na

ekonomiya.

Gawain A

Page 3: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Panuto: Salungguhitan ang pangungusap na naglalarawan sa bawat bilang.

Gawain BPanuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng titik A – D sa patlang. Isulat ang Layon ng mga pangungusap sa loob ng parihaba.

________ 1. Maya-maya ay may narinig akong malakas na pagsabog.

________ 2. Pagdating ko doon, tumingin-tingin ako sa mga paninda.

________ 3. Bigla akong napatakbo papalabas ng palengke.

________ 4. Kanina, pumunta ako sa palengke.

________ 5. Naisip kong bumili ng gulay at isda.

Gawain CPanuto: Pagtambalin ang mga parirala upang mabuo ang mga pangungusap na naglalahad. iliin lamang ang letra ng tamang sagot at isulat sa loob ng bituin.

1. Ang kagandahang-asal A. maging mapayapa ang mundo.

1. Kahanga-hanga ang katapatan ng isang mag-aaral nang minsa'y nakapulot ito ng bag na naglalaman ng limpak-limpak na pera. Hindi siya nagdalawang-isip na ibigay ito sa kanyang guro upang mahanap ang tunay na may-ari. Tunay ngang siya'y dapat na tularan.

2. Bawat tao’y nabibilang sa kanyang pamilyang naninirahan sa ilalim ng isang bubong. Siya’y may tungkulin at pananagutan bilang kasambuhay. Ang isang ulirang kasambuhay ay marunong makisama, makiisa at makilahok sa lahat ng mga gawain o suliranin ng pamilya.

3. Likas sa tao ang pagnanais na makabatid ng nagaganap sa kanyang paligid. Siya’y mapagmatyag, mapagmasid at mapag-usisa. Sa madaling salita, siya’y nakikibalita. Nagbabasa rin siya ng pahayagan, nakikinig sa radio at nanonood ng telebisyon upang makabalita.

4. Ibinili si Rose ng kanyang nanay ng bago at paborito niyang sapatos. Matagal niya na itong pinapangarap kaya naman nagsusumikap siya sa kanyang pag-aaral bilang pasasalamat sa magulang sa kabutihang ipinapakita nito.

5. Isang pamilya ang nakikilala ko noong ako'y nagbakasyon sa aming probinsya. Mahirap man sila, punong-puno naman ng pagmamahalan ang kanilang tahanan. Laging ipanadadama ng bawat isa ang kahalagahan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Page 4: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

2. Kung may kagandahang-asal, B. natuturo ang kabutihang-asal.

3. Ang matiwasay na pamumuha C. nasasalig sa angking mabuting asal.

4. Ang mahusay na pakikisama D. ay bahagi ng ating katauhan.

5. Sa pamilya E.nababatay sa mabuting pakikisama

Gawain DPanuto: Piliin ang angkop na pangungusap na nangangatwiran sa mga pangungusap sa ibaba Isulat ang letra ng sagot sa loob ng bilog.

1. Kailangang mag-agahan bago pumasok sa paaralan; A. May sapat na lakas at enerhiya sa klaseB. Makatipid ng baon upang makabili ng bagay-bagayC. Hindi gutumin at manghingi sa kaklase

2. Sumunod sa payo ng magulang;A. Hindi mapalo at mapagalitanB. Mabantayan ang bawat kilos at gawainC. Gabayan sa tamang landasin sa buhay

3. Mas masayang manirahan sa Pilipinas;A. Maraming magagandang tanawin at pasyalanB. Narito ang buong pamilya at kaibiganC. Malayo sa krimen at sakuna

4. Kumain ng gulay at prutas;A. Mapanatiling malusog ang pangangatawanB. Mura at abot-kaya sa bulsaC. Gumanda ang kutis

5. Matulog nang maaga;A. Tumangkad nang mabilisB. Para hindi mapagalitanC. Hindi mahuli sa eskwela

Gawain EPanuto: Tukuyin kung ang bawat talata ay naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad onangangatwiran. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

Page 5: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

SubukinPanuto: Basahin mong mabuti ang mga panuto. Isulat ang iyong mga sagot sa inyong kwaderno.

A. Tingnan ang larawan at bumuo ng tatlong (3) pangungusap na naglalarawan tungkol dito.

SAGOT:

Noong ako ay bata pa, malimit na ginagawa naming magkakalaro ang pagkikiskis ng lobo sa aming buhok. May isa sa amin ang nagwika ng ganito, “Para akong nakuryente,” at wala kaming kamalay-malay, nakalikha na pala kami ng elektrisidad na static.

SAGOT:

Mabilis, malaganap at patuloy ang pagbabago sa ating kapaligiran. Ang moog ng matatandang paniniwala at mga tradisyon ay patuloy na pinapalitan ng mga bagong kaisipan at imbensyon. Ang iba’t ibang kagamitan at kasangkapan ng tao ay nagagawa sa mabilis na paraan.

SAGOT:

Ang pag-ibig ay isang damdamin kapag nasa puso ninuman ay nakagagawa ng di kapani-paniwalang bagay. Ito’y kusang dumarating sa isang tao, subalit kung minsa’y napag-aralan. Maraming uri ng pag-ibig: pag-ibig ina, pag-ibig anak, kapatid at pag-ibig kaibigan.

SAGOT:

Dapat ba tayong sumali sa palakasan? Sa aking palagay, opo! Mahalaga ang isports upang lalong tumibay ang ating pangangatawan at listo ang pag-iisip. Bukod dito, mapapaphalagahan natin ang kooperasyon, pagkakaisa at katapatan.

SAGOT:

Ang buong sala’y makikita. Ito’y malaking kwarto, malinis at makintab, ngunit tulad ng kasangkapan – nagpapakita ng katandaan. Ang pintura sa mga pader ay nangitim na at nababakbak. Ang mga salamin ng bintana ay basag-basag. Sa pagitan ng balkonahe na katabi ng pader ay isang malaking sofa. Sa paligid ng sofa ay dalawang tuwid na silya.

Page 6: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

1. _________________________________________

2. _________________________________________

3. _________________________________________

B. Ang larawan sa ibaba ay tungkol pangyayari. Bumuo ng mga pangungusap na nagsasalaysay tungkol sa larawan.

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

C. Basahin ang isyu sa ibaba.Ang pag-ibig ba ay inspirasyon o distraksyon sa

pag-aaral?Pumili ng isang panig at bumuo ng tatlong pangungusap na nangangatwiran tungkol dito.Sundin ang ganitong paraan ng pagkakasulat :

Ang pag-ibig ay _______________ sa pag-aaral sapagkat ____________________________.

Ang Batang Pulubi

ni Margarita Andrea Mahor

Page 7: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Malakas ang pag-ihip ng hangin. Halos matangay na nito ang mga punong pilit na kumakapit sa lupa. Maraming mga natangay na mga sanga ng puno. Kahit mga tarpolin at mga basura, nakakalat sa mga daan. Baha na rin ang mga daan dahil sa sobrang daming nakabara sa mga kanal. Unti-unti nang lumiliwanag dahil sa pagsikat ng araw, ngunit hindi ito natatanaw dahil sa dami ng ulap na tumatakip dito.

Gumising ang isang bata na natutulog sa tabi ng kalsada. Inayos niya ang kanyang pinaghigaan na gawa lamang sa karton ng mga “tetrapack juice.” Tuyo naman ito kahit papaano dahil namalagi siya sa ilalim ng isang “waiting shed”. Tiniklop niya ito at inilagay sa isang supot na tinago niya sa ilalim ng kanyang higaang karton. Kulang na lang ang kanyang plastik na baso na ginagamit niya sa paghingi ng mga barya sa mga taong naglalakad, ngunit hindi niya ito mahanap. Sa sobrang lakas siguro ng ulan ay natangay na ito. Kailangang maghanap ulit ng bagong baso.

Nagsimula na siyang maglakad habang hindi pa umuulan. Nakakita siya ng isang tambak ng basura sa isang tabi. Malapit pa ito sa isang kainan. Baka sakaling mayroon itong mga tinapon na plastik na baso. Nagsimula siyang maghanap. Nang siya’y nakahanap na, kinuha na niya ito at nagbakasakaling may pagkain na ring mahahanap sa basurang nasa harap niya. May nakita siyang isang “take-out” na lalagyan. Binuksan niya ito. Nakakita ito ng mga buto ng manok. Walang natirang laman. Naghanap pa siya. Bumabaho nang bumabaho ang amoy habang hinahalukay pa niya ang malaking supot ng basura. Amoy bulok, amoy ihi, amoy patay, lahat na ng amoy na hindi maganda. Ngunit tila parang wala lang sa bata. Parang sanay na itong makaamoy ng basura. Pagkatapos ng pagbukas ng ilan pang mga lalagyan, nakakita siya ng isang may tira pang kalahating spaghetti. Napangiti ang bata at tila natuwa at nakakita na siya ng kanyang almusal. Kinuha na niya ang lalagyan at lumayo sa basurahan. Umupo siya sa tabi ng isang poste at dun na pinagsaluhan ang kanyang nakuhang pagkain. Nang siya’y matapos, ibinalik na niya ang lalagyan sa supot ng basurang pinagkunan niya nito. Kahit na hindi man ito nakabubusog, masaya na rin siyang may nakain siya.

Hindi pa rin bumubuti ang panahon. Makulimlim pa rin at wala pa rin sa kalangitan ang araw. Malakas pa rin ang hangin at paambon-ambon. Nagsimula nang maglakad ang bata. Nakita niya ang isang estasyon ng tren. Naisip niyang maraming tao doon, baka maraming maawa sa kanya at bigyan siya ng kahit kaunting barya. Naghanap siya ng magandang pwesto na dinadaanan ng mga tao. Umupo siya at nilabas na ang plastik na baso. Pumosisyon na siya at nagsimulang maghintay at humingi ng barya sa mga dumadaan sa harapan niya.

Makalipas ang apat na oras at gumising ang bata. Di niya napansin na nakatulog pala siya. Nang tiningnan niya ang kanyang baso, isang limampiso ang laman, at dalawampiso. Natuwa siya sa kaunting barya na kanyang nakuha. Makabibili na ito ng pagkaing mura lang. Nanatili siya sa kanyang pwesto, umaasang baka mayroon pa siyang makuhang dagdag na barya. Tinitingnan niya ang mga dumadaan. May mga babaeng nakamake-up pa, maganda ang buhok, damit, at sapatos. Mababango rin ang amoy nila. Nakita rin nya ang isang pamilyang naglalakad. Ang ama, ina at ang kanilang anak na hawak-hawak nila sa parehong kamay. Nainggit ang bata.

Page 8: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Kung hindi sana siya namatayan ng ama at ina, baka wala siya sa kinalalagyan niya ngayon. Baka nasa loob siya ng isang bahay na mayroong mainit na tsokolateng inihanda para sa kanya ng kanyang ina, at tinuturuan naman siya ng kanyang ama sa mga gawain sa eskwelahan. Ngunit hindi naman ganon ang nangyari. Ang ama niya ay nasangkot sa isang away sa inuman at nasaksak nang hindi oras. Ang ina niya ay lalong naghirap dahil wala na silang pambayad sa ospital para sa kanyang sakit sa baga. Mahilig kasi manigarilyo ang kanyang ina. At nang lumala pa lalo ang sakit nito, hindi na nakayanan ng ina ang kanyang kalagayan at bumigay na rin. Ang bahay naman nila ay nabaha at nasira. Lahat ng kagamitan nila ay natangay ng baha o di kaya’y nanakaw na.

Sa tagal ng paglilipad ng isip ng bata ay di nya napansin na dumidilim na pala. Tiningnan nito ulit ang kanyang baso at apat na piso lamang ang nadagdag. Nagpasya na siyang maghanap ng kanyang panghapunan bago dumating ang ulan. Habang siya’y naglalakad, nakaamoy siya ng isang mabangong amoy. Amoy ito ng paborito niyang ulam na adobo. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng amoy na ito at napadpad siya sa isang karinderya. Tinanong niya kung magkano ang adobo.

“Ate, magkano ‘ho yung adobo?” tanong ng bata.

“Trenta yan. Wala pang kanin yon,” sagot ng aleng nagtitinda, habang pinapakain ang mga alaga nitong aso sa tabi ng karinderya. Kulang ang pera ng bata. Ngunit gusto niya talagang kumain nito. Sinubukan niyang humingi na lang kahit kaunti lamang.

“Ate, baka pwede naman pong humingi na lang ng adobo. Gutom na ‘ho kasi ako, at wala po akong pera.”

“Kung wala kang pambayad, hindi ka namin papakainin ng adobong pata.”

“Sige na pahingi na, eto naman oh.”

“Ano ba yan, tahol nang tahol na nga yung aso, pati tao nakikigulo din! Alis nga kayo dito lahat! Alis! Mga istorbo!”

Sumuko na ang bata at umalis na lamang. Nang siya’y papalakad palayo, may narinig siyang tumatawag sa kanya.

“Bata, bata!” Lumingon ang bata at nakita niya ang isang babaeng may hawak na dalawang supot.

“Eto bata o, busog na kasi ako at di ko maubos yung inorder ko. Kaya pinasupot ko na lang. Sayo na to. Wala namang kakanin nito sa bahay namin.”

“Wow! Sigurado ho kayo? Salamat po!” Inabot ng babae ang supot ng pagkain at umalis

Page 9: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

na. Natuwa ang bata na may mga taong may magandang kalooban pa pala dito sa mundo.

Naghanap siya ng magandang pwesto na may silong dahil nagsisimula nang pumatak ang ulan. Nakakita siya ng isang “waiting shed” at doon na namalagi. Inilatag niya ang kanyang higaang karton. Itinabi rin nya ang plastik na baso sa tabi nya, sakaling may magbigay pa sa kanya ng barya. Binuksan na niya ang supot at nakitang adobo ang laman ng binigay sa kanya ng babae. Sinimulan na niyang kainin hangga’t sa naubos na niya ito. Inisip niya na sana’y ganito siya lagi kaswerte para di na siya mamroblema sa paghingi ng pagkain.

Pagkatapos kumain itinapon na niya ang supot na pinagkainan niya sa basurahan malapit sa kanyang tabi. Madilim na at bumuhos na ang ulan. Dumoble ang lamig ng hangin at nagdasal ang bata na sana hindi siya abutan ng baha dahil katabi lang niya ang kanal sa may kalsada. Kinuha na niya ang kanyang basong may laman na barya. Nilagay niya ito sa kanyang supot at itinali sa kanyang kamay para hindi na liparin. Sa pagod ng bata, naghanda na itong matulog dahil maaga pa siya bukas sa paghingi ng barya. Pumosisyon na siya at niyakap ang plastik na baso na laman ay ang baryang nakuha niya noong araw na iyon. Unti-unting pumikit ang mata nito at tuluyan nang nakatulog.

Gawain APanuto: Mula sa pagpipilian, piliin ang lahat ng kasingkahulugan ng salitang nasa gitna. Isulat ang sagot sa mga kahong nakalaan.

mahirap hampaslupa marangal maralita pinagpala dukha nagdarahop nakaririwasa

anak-pawis magnanakaw batang lansangan ulilapalaboy laki sa layaw sindikato suwail

naghihikahos

Page 10: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Gawain BPanuto: Liliman ang bilog ng katapat ng titik ng tamang sagot.

A B C⃝7 7 7 1.Malakas ang pag-ihip ng hangin. Halos matangay na nito ang mga punong

pilit na kumakapit sa lupa. Maraming mga natangay na mga sanga ng puno. Nagpapahiwatig ito na:

A. may bagyo B. malakas ang ulan C. may lindolA B C⃝7 7 7 2. Naghanap nang naghanap ang bata ng pagkain sa basurahan na hindi

pinapansin ang dumi at baho nito, mahihinuhang:

A. May hinahanap ang bataB. Gutom na gutom na itoC. Hinahanap ang basong lalagyan ng barya

A B C

⃝7 7 7 3. Naghanap siya ng magandang pwesto na dinadaanan ng mga tao. Umupo

siya at nilabas na ang plastik na baso. Pumosisyon na siya at nagsimulang

maghintay at humingi ng barya sa mga dumadaan sa harapan niya. Nagpapahiwatig na:

A. Nakasalalay sa mga limos ng tao ang kanyang ikabubuhayB. Nagbabakasakali siyang may maawa at tutulong sa kanyaC. Umaasa lamang siya sa ibang tao

A B C

⃝7 7 7 4. Tinitingnan niya ang mga dumadaan. May mga babaeng nakamake-up pa,

maganda ang buhok, damit, at sapatos. Mababango rin ang amoy nila,

pulubi

Page 11: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

mahihinuhang:

A. Marami pa ring nakaangat sa buhayB. Naiinggit siya sa kanyang mga nakikitaC. Gusto ng batang maging katulad nila

A B C⃝7 7 7 5. Nakita rin niya ang isang pamilyang naglalakad. Ang ama, ina at ang

kanilang anak na hawak-hawak nila sa parehong kamay.

A. Nangungulila siya sa kanyang mga magulangB. Nangangarap na siya yung batang kanyang nakitaC. Nalulungkot dahil wala na siyang mga magulang

A B C⃝7 7 7 6. Sinundan ng bata ang amoy ng paborito niyang adobo mula sa karenderya.

Nagpapahiwatig ito na:

A. Gusto niyang makakain ng adoboB. Naalala niya ang adobong luto ng kanyang inayC. Gutom na gutom na siya

A B C⃝7 7 7 7. “Ano ba yan, tahol nang tahol na nga yung aso, pati tao nakikigulo din! Alis

nga kayo dito lahat! Alis! Mga istorbo.” Nagpapahiwatig ito na:

A. Naiingayan ang tinder sa tahol ng mga asoB. Nakukulitan siya sa bataC. Nagalit siya sa pang-iistorbo ng bata

A B C⃝7 7 7 8. “Eto bata o, busog na kasi ako at di ko maubos yung inorder ko. Kaya

pinasupot ko na lang. Sayo na to. Wala namang kakanin nito sa bahay namin.” Nagpapahiwatig ito na:

A. Nakonsensya ang ale dahil siya lang ang kumakainB. Naawa ang ale sa bata at binigyan ng pagkainC. Nagmamalasakit yung ale sa bata at kanyang pinakain sa karenderya

A B C

⃝7 7 7 9. “Wow! Sigurado ho kayo? Salamat po!” Inabot ng babae ang supot ng

Page 12: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

pagkain at umalis na. Natuwa ang bata na may mga taong may magandang kalooban pa pala dito sa mundo, mahihinuhang:

A. Natuwa ang bata sa kabaitan ng aleB. Hindi siya makapaniwalang makakain siya ng hapunanC. Nananabik siyang buksang ang ibinigay ng ale

A B C

⃝7 7 7 10. Sa pagod ng bata, naghanda na itong matulog dahil maaga pa siya bukas

sa paghingi ng barya. Pumosisyon na siya at niyakap ang plastik na baso na laman ay ang baryang nakuha niya noong araw na iyon. Unti-unting pumikit ang mata nito at tuluyan nang nakatulog, mahihinuhang:

A. Masaya at kontento na ang bata sa kanyang kalagayanB. Nakasanayan na niya ang buhay bilang pulubiC. Pagod na siya sa kanyang buhay

MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw upang madaling pumasok sa isip at damdamin ng magbabasa.

Bahagi at sangkap o elemento ng maikling kuwento:

A. Simulaa. Tauhan – ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan

Halimbawa: ang bida at kontrabidab. Tagpuan - pangyayarihan ng aksyon o insidente na naghahayag ng panahon

Halimbawa: tag-init, tag-ulan, oras at lugarc. Suliranin - nagpapahiwatig sa magiging problemang kahaharapin ng

pangunahing tauhan o ng tanging tauhan

B. Gitnaa. Saglit na Kasiglahan - nagpapakita sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang

nasasangkot sa problemab. Tunggalian - nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang

inilalahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan

Page 13: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

c. Kasukdulan - pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay

C. Wakasa. Kakalasan - nababatid ang kamalian o kawastuan ng mga di-inaasahang

naganap na pagbubuhol na dapat kalaginb. Katapusan - resolusyon ng kuwento at ito’y maaaring masaya o

malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan

Gawain CGawan ng balangkas ang kuwentong “ Ang Batang Pulubi“ sa pamamagitan ng plot diagram. Gamitin ang tsart na nasa ibaba.

Pamagat ng Kuwento:

Pangunahing Tauhan:

Tagpuan/Panahon:

Galaw ng mga Pangyayari:1. Simula

2. Suliranin

3. Saglit na Kasiglahan

May mga ibang kuwento na hindi na winawakasan at wala ang dalawang huling sangkap nito. Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na

lamang ang magbabasang humatol o magpasya sa dapat na kahinatnan nito. Mapaghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa. Parang kabilang na

rin sila sa mga saksi sa kuwento.

Page 14: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

4. Tunggalian

5. Kasukdulan

6. Kakalasan

7. Wakas

8. Aral na nakuha

Gawain DPanuto: Basahin ang isa pang maikling kwento at ihambing ito sa unang kwentong nabasa.

Si Nene

Si Nene. Siya yaong batang babae noon na laging nasa isang tabi lamang. Tahimik. Bihirang makipaghalubilo sa kanyang mga pinsan at kalaro. Laging gustong hawak ay libro, papel at lapis. Lagi ko siyang minamasdan. Kapag tinitingnan mo siya ay ngingiti lamang siya sa iyo. Hindi mo alam kung ano ang kanyang iniisip sa buhay.

Minsan, makikita mo sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Hindi mo alam kung ano ang mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Masyado siyang malalim. Minsan may nakita akong umaaway sa kanyang kapatid, siya ang nagtatanggol. Matalino siyang bata. Alam niya kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon na ganun.

May mga oras na kasama niya ang mga kaibigan niya; doon mo makikita na masayahin siyang bata. Pero alam mong nababalot ng kalungkutan ang kanyang buhay. Alam ko na marami siyang pangarap sa buhay, kasi minsan ko na siyang nakakwentuhan pero parang ang tagal na naming magkaibigan at magkakakilala. Siya yung batang nangangarap ng kumpletong buhay at pamilya. Gusto niya ng masayang pamilya, ngunit iyon ang wala sa kanya. Namulat sa kanyang paligid na kung sino pa ang mga kadugo ay siya pa ang nagtulak sa kanila upang sila’y malubog na mag-anak.

Nagsumikap siyang mag-aral. Ngunit tumigil muna siya dahil naospital ang kanyang ama. Labag man sa kanyang kalooban na huminto sa pag-aaral ay wala siyang nagawa. Determinado siyang magtapos kaya gumawa siya ng paraan. Gusto niyang mag-working student. Nalaman ito ng kanyang ina at siya ang pinapunta sa Maynila para doon manirahan sa kanyang mga kaanak.

Page 15: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Doon niya rin naranasan ang hirap. Ginawa siyang alila. Nalaman ito ng kanyang ina kaya muli siyang pinauwi sa kanilang probinsya. Nangako ang kanyang kapatid na panganay na noo’y magtatapos na rin sa kolehiyo na siya na ang tutulong sa kanyang pag-aaral.

Hindi nagtagal, sa pahihirap, pagtitiis at pagtitiyaga siya’y nakapagtapos. Nakapasok sa magandang trabaho at natulungan din niya ang kanyang mga kapatid at magulang. Nakabili siya ng lahat ng gusto niya. Pero sa buhay na tinatamasa niya ngayon, hindi siya nagbago. Siya pa rin ang Nene na nakilala ko noon. Ang simple…siya pa rin yung taong lagging handing tumulong kahit kanino.

Ganito lang ang buhay. Tama nga ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong lamang. Minsan nasa ilalim ka pero darating din ang araw na nasa ibabaw ka na rin. Sana anumang dumating na pagsubok sa buhay ni Nene ay makakaya niyang harapin. Alam kong kaya niya.

Mabuti ang Pagre-recycleni: Bernadette Biko

Ang basurang itatapon mo ay maaaring maging kayamanan at pakinabangan ng iba. Maraming tao ang nagsasayang ng pagkain - bumibili o kumukuha nang hindi naman kayang ubusin. Ang iba naman ay nagsasayang ng mga damit at laging bumibili ng bago kahit hindi naman masyadong kailangan.

Samantalang maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagugutom at walang damit sa katawan, maraming tao rin ang iresponsableng nagtatapon at nagsasayang na sana’y magiging sapat na para sa kanilang kapwa tao. Para sa akin, ang pagsasayang ay isang malaking

Page 16: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

kasalanan. Hindi ito makatarungan at isa lamang baluktot na pag-uugali. Hindi ito ang kailangan ng ating mundo upang maging maayos ang lahat.

Ang pagbibigay sa iba ay hindi lamang katungkulan ng mga mayayaman. Ang mga ordinaryong mamamayan na katulad natin ay may ganito ring responsibilidad sa kanyang kapwa tao. Ang tanong, paano natin maisasakatuparan ang ganitong pagtulong kasabay ng ating hangarin ng pagre-recycle? Ako’y magbabahagi ng mga tips kung paano natin magagawang tumulong kahit na maliit na bagay sa ating kapwa tao.

Una, kung magbibigay ng mga damit, maging ito man ay bago o luma, siguraduhing ang mga ito ay malinis at nasa magandang kalagayan. Alalahanin na ang mga bibigyan ay tao rin na may dignidad kaya kailangang bigyan ng respeto at pagmamalasakit. Kailangang maipadama natin na tayo ay tumutulong sa kanila nang taos-puso. Huwag nating ipadama na sila’y tumatanggap lamang ng limos galing sa atin. Pangalawa, pumili ng karapat-dapat na tutulungan. Maraming institusyon sa ating bansa ang nangangasiwa sa mga ganitong kawang-gawa at maraming ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa mga taong kapus-palad. Laging isaisip na ang pagbibigay ng mga lumang damit na hindi na gagagamitin ay isang uri rin ng paraan ng pag-rerecycle. Hindi na ito magiging dagdag pa sa mga basurang kailangang itapon at magagamit ng iba upang maging kapaki-pakinabang na bagay. Nakatulong ka na sa kalikasan, nakatulong ka pa sa mga mahihirap na kababayan. Pangatlo, ibalot nang maayos ang mga ibibigay at gawing presentable ang mga ito kapag dadalhin na sa taong pagbibigyan. Kahit bigay lamang ang mga ito, malaki na rin itong pakinabanang sa kanila.

Laging isaisip na ang mga gamit na sana’y itatapon natin at itinuturing na basura ay laging maaaring i-recycle upang mapakinabangan ng ibang tao. Sa pamamagitan ng mga simpleng gawaing ito, mapapasaya natin ang ibang tao maging ang ating Inang Kalikasan. Basta’t laging tandaan ang reuse, reduce at recycle na panuntunan sa buhay.

SagutinPanuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Liliman ang bilog ng napiling sagot.

1. Anong uri ng akda ang “Mabuti ang Pag-rerecycle”⃝7 Sanaysay 7 Maikling Kwento 7 Tula

2. Ilang talata ang bumubo dito?⃝7 6 7 4 7 5

3. Tungkol saan ang akdang ito?⃝7 Pag-rerecycle 7 Basura 7 Pagtulong

Page 17: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

4. Bakit isang malaking kasalanan ang pagsasayang?⃝7 pag-aaksaya lamang ito ng kayamanan⃝7 isang baluktot na pag-uugali⃝7 hindi makabuluhang gawain

5. Aling talata ang nagsasabing sinuman ay maaaring makatulong sa sariling paaran?⃝7 1 7 2 7 3

6. Anong dapat isaalang-alang kung tayo ay magbibigay ng damit o bagay sa ibang tao?⃝7 siguraduhing maayos at magara ang pagkabalot nito⃝7 tiyaking hindi pa naisusuot o nagagamit ang bagay na ibibigay⃝7 mahalagang malinis at kapaki-pakinabang pa ang mga ito

7. Alin ang hindi nagsasaad ukol sa pag-rerecycle?⃝7 nagbibigay pakinabang sa lipunan at ekonomiya⃝7 napapangalagaan ang kapaligiran⃝7 agarang pagyaman dahil sa mga basura

8. Bakit mahalaga ang mag-recycle?⃝7 makatutulong ito sa kapwa at maging sa kalikasan⃝7 mapahahalagahan ang kabutihan ng isang tao⃝7 makasisiguro sa paglistas sa sandaigdigan

9. Paano makatutulong sa kapwa ang pag-rerecycle?⃝7 napapanatili nito ang malinis na kapaligiran⃝7 napapakinabangan ng iba ang mga bagay na itatapon sana⃝7 napauunlad nito ang bansa

10. Anong iba pang pamagat ang maaari nating ilapat sa akdang ito?

⃝7 Pag-rerecycle, Susi sa Pagbabago

⃝7 Nag-recycle ka na, Nakatulong ka pa!

⃝7 Mag-recycle, o kay Saya!

TALATA

Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang talata ang mapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talata:

Page 18: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

1. Magkaroon ng pasok o indensyon sa pagsisimula ng talata. Ito ay naghuhudyat ng bagong talataan at gayundin upang makapagpahinga nang panandalian ang mata ng mambabasa.

2. Ang pasok o indensyon ng talata ay karaniwang isang pulgada mula sa palugit o margin kapag sulat-kamay at limang espasyo mula sa palugit kapag makinilyado o computerized. Maaari ring gamitin ang “tab” sa keyboard para sa magkakapantay na indensyon sa lahat ng talata.

3. Sa pagtatalata ng tuwirang sinabi (direct quotation), dapat itong ihawalay sa punong talata.

4. Upang maging maliwanag, ang tuwirang sinabi ay maaaring italata nang bukod mula sa unang paglalahad kapag ang sinabi ay makikita sa bahaging hulihan ng mga pangungusap.

5. Kapay may diyalogo, ang bawat salitaan ay dapat na nakabukod sa talata upang mapakita kaagad ang palitan ng salitaan.

6. Ang haba ng talata ay ibinabatay sa dalawang bagay:

a. Ang kahalagahan at pagkamasalimuot ng paksab. Ang haba ng kabuuan ng sulatin

7. Ang isang punong kaisipan ay maaaring isang talata at ang haba ay ayon na rin sa kahalagahan ng kaisipan.

Katangian ng mabisang talata:

1. Kaisahan (Unity)

Ang isang talata ay dapat tumatalakay sa iisang kaisipan o bahagi ng kaisipan. Ito ay hindi dapat mahaluan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng isang paksa. Maging ang mga pag-uugnay ng parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi makasagabal sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa.

2. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap (Coherence)

Ang isang mabuting talata ay kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo rito. Dapat maging malinaw ang kaugnayan ng bawat pangungusap.

3. Pagbibigay-diin sa Punong Kaisipan (Emphasis)

Page 19: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Ang punong kaisipan ay dapat na mangibabaw sa mga ideyang pansuporta lamang.

Hakbang sa pagsulat ng talata:

1. Pagpili ng paksa. Tiyakin ang paksang isusulat. Kapag nakapili na ng paksa, mahigit na sa 70 bahagdan ng gawain sa pagsulat ang natugunan.

2. Paggawa ng Balangkas. Simple lamang ang balangkas. May maikling simulang maaaring magsabi ng mga tauhan, ng tagpuan at problema o paksa. May katawan ito na katatagpuan ng mga pangyayari, kung sa salaysay; paliwanag sa mga paglalahad at mga katwiran kung sa pangangatwiran. At ang wakas na nagsasabi sa isang pangungusap kung paano nalutas ang problema o naipaliwanag ang paksa o napangatwiranan ang isyu.

3. Pangangalap ng Impormasyon. Ito ay isang pagtitipon ng mga kaalaman at impormasyong isasama sa pagsulat. Ang pangangalap ng impormasyon ay maaari ring tawaging pagpapayaman ng kaalaman ng susulat. Tumutukoy ito sa paghahanap pa at pagtitipon ng mga kaalamang hindi pa taglay ng manunulat.

4. Paggawa ng Burador. Ang pagsusulat ng burador ay ang paglalagay ng “kalamnan” sa “kalansay” na balangkas. Isulat ito nang tuloy-tuloy at huwag matakot na magbura o magkamali. Kaya burador ang tawag dito ay talagang ditto ginagawa ang pagtatama sa mga mali, pagdaragdag sa kulang o naiwang kaisipan, at pagbabawas sa labis na naisulat.

5. Pagtatama sa Burador. Dahil sa tuluy-tuloy na pagsulat ng burador, posibleng may mga dapat isamang nakaligtaan o baka wala sa balangkas kaya hindi naisama sa burador ngunit sa huli ay naipasyang dapat palang mapasama sa sulatin. Sa pagwawasto sa burador, gawin na rin ang pagtatama sa maling baybay, maling pagbabantas, at pagpapalit o pagbabago sa mga salita.

6. Pagsulat ng Pinal na Anyo. Ayon sa iniwastong burador, isulat na ang pangwakas na anyo ng sulatin. Bigyan ng particular na atensyon ang kalinisan nito, ang tamang palugit sa mga talataan, at ang tamang margin.

Gawain APanuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng talata. Isaalang-alang ang mga katangian at gabay sa pagsulat ng wastong talata.

Page 20: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Unang Talata

* Hindi ba kayo nagtataka kung bakit pag-iikot-ikot ang simbolo ng pag-rerecycle?* Sa ganitong paraan, mababawasan ang pangangailangang kumuha ng mga hilaw na materyal mula sa

kapaligiran upang makalikha ng bagong bagay.* Nakapaloob sa pagrerecycle ang mga gawain para maging posibleng magamit muli ang mga bagay.* Sa madaling sabi, walang naitatapong bagay. Ito ang dahilan kung bakit itinutur-ing ang pag-rerecycle ay isang halimbawa ng mga gawaing nakakasustini.

Ikalawang Talata

* Ibig sabihin, habang patuloy tayong ku-mukuha ng mga hilaw na materyla sa ka-paligiran, dapat din nating siguraduhin na napapangalagaan ang kapaligiran. * Ano ang gawaing nakakasustini?* Nagbibigay ng mga pakinabang sa ekonomiya at lipunan nang hindi nakakap-insala sa kapaligiran ang mga gawaing nakakasustini.* Kaya habang naririyan lagi ang papel at magagamit natin ito sa lahat ng oras, da-pat nating tandaan na naaapektuhan ang ating kapaligiran.* Hindi dapat makapinsala sa ating kapali-giran ang anumang mga kaginhawahan at luho na tinatamasa nating ngayon.* Kapag ginawa ang ganito, hindi lamang tayo makapagmamantini ng suporta para sa ating mga sarili kundi pati na rin sa at-ing kapaligiran.

Gawain BPanuto: Sumulat ng tatlong (3) talata ukol sa tanong na ibinigay.

Sa iyong sariling paraan, paano ka makatutulong sa kapwa?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 21: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Ang Matsing at ang Buwaya

Page 22: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

Si Malak, ang matsing at si Buwag, ang buwaya ay magkaibigan. Sila ay nagtutulungan.

Isang araw, ang asawa ni Buwag ay nagkasakit. Lungkot na lungkot si Buwag sa kalagayan ng asawa. Lahat ng gumagamot sa asawa niya ay nagsabing ang makagagaling lamang sa sakit ng kaniyang asawa ay atay ng isang matsing.Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa. Malapit na siya sa isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak. Lumapit siya sa punong kinauupuan ni Malak."Magandang umaga sa iyo,

Malak!" masayang bati ni Buwag. "Bakit malungkot ka at nakaharap sa ilog?"“Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil sa hindi ako marunong

lumangoy," sagot ni Malak.Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay sa

likod niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha niya ang atay nito. Inalok niya si Malak na sumakay sa kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si Malak sa likod ni Buwag. Hindi alam ni Malak na nanganganib ang kanyang buhay. Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak niyang gawin kay Malak. Natakot si Malak. Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog nang magsalita si Malak.

"Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan mong atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno," sabi ni Malak.

Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya't ibinalik niya ito. Agad na lumundag sa itaas ng puno si Malak. Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, "Salamat sa pagsasakay mo sa akin. Ang kailangan mong atay ay narito sa loob ng aking katawan. Dahil sa kaibigan kita ay ipagkakaloob ko ito sa iyo kung makakaakyat ka rito sa itaas ng puno."

Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng puno. Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.

Gawain A

Panuto: Piliin sa hanay B ang naging bunga ng mga pahayag sa hanay A. Titik lamang ang isulat sa loob ng bilog.Hanay A Hanay B

Page 23: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

1. Nagkasakit ang asawa ni Buwag A. Pinabalik niya si Malak sa

puno

2. Tanging atay ng matsing ang makapag- B. Hindi nagtagumpay si Buwag sa

gagaling sa asawa kanyang balak.

3. Hindi makatawid ng ilog si Malak C. Natakot si Malak

4. Hindi marunong lumangoy si Malak D. Nalungkot si Buwag

5. Isinikay ni Buwag si Malak sa kanyang likod E. Ginamit ni Malak ang kanyang isip

6. Sinabi ni Buwag ang maitim na balak nito F. Naghanap ng paraan upang

kay Malak bigyang-lunas

ang asawa

7. Naniwala si Buwag sa sinabi na Malak na naiwan G. Hindi siya makatawid sa

ilog

niya ang kanyang atay sa puno.

8. Hindi nakuha ni Buwag ang atay ng matsing H. Malungkot at nakaharap sa ilog

9. Matalino ang matsing I. Lunurin at kunin ang atay nito

10. Naisahan ni Malak si Buwag J. Bigong umuwi si Buwag

Gawain BPanuto: Bumuo ng sariling wakas ng pabula.

Page 24: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

PABULA

Ang pabula ay mga kuwentong-bayan na kathang-isip lamang at karaniwang isinasalaysay sa mga bata upang sila’y aliwin at pangaralan. Giliw at interesado sila sa mga hayop, kaya

ito ang pangunahing ginagamit na tauhan. Ang mga hayop ay ginagamit upang kumatawan sa mga katangian o pag-uugali ng tao dahil dito mas lalong maiintindihan at maisalalarawan ang aral na nais maipabatid ng akda sa mga bata. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.

Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop. Mayroon ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang Sumigaw ng Lobo” at “Ang Babaing Maggagatas” o magkahalong hayop at tao na katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.

Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?

Ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng:

maamo (tupa) masipag (langgam), mabagsik (lobo) tuso (alamid)

Noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna ng pabula.

Ano ang kahalagahan ng pabula?

Turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ikinukwento sa mga bata bago ito patulugin.

Ginagamit upang kapulutang ng mga aral sa makabgong pamamaraan. Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay ginagamit ng pamunuan ng mga kumpa-

nya upang turuan ang kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa kanilang mga katunggali

Page 25: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

sa negosyo.

Sagutin

Panuto: Isulat ang mga katangiang nangibabaw sa bawat tauhan sa pabula at sa ibaba, isulat ang aral na hatid nito sa mambabasa.

_________________________

_________________________

_________________________

“Buwag”

Page 26: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

________________________

_________________________

________________________

“Malak”

Alamat ng Ampalaya

NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.

Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga!

Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.

Aral

Page 27: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak.

Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.

Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.

Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.

"Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.

KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!

Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay.

Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya!

ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.

"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw.

"Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa.

"A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig.

"Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong

Page 28: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin.

"Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya.

Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.

Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.

MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.

Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukin n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.

Halaw http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-ampalaya/

ALAMAT

Alamat ang tawag sa pasalitang literatura na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay ng pinanggalingan ng mga

bagay-bagay sa paligid.

Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa pinanggalingan ng mga hayop at halaman.

Sinasabing ang alamat, bukod sa nakaaaliw sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ng aral upang makamit natin ang kabuuang kaunlaran.

Gawain APanuto: Piliin sa talaan ang mga angkop na salitang maipupuno sa mga patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag.

Page 29: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

1. ________________ ng bata ang nakitang bag dahil wala na itong pambili ng pagkain para sa

pamilya.

2. Walang masyadong kaibigan si Michael sa klase sapagkat siya’y ________________.

3. Sinumang dumadaan sa bahay ni Aling Petra ay kanyang ________________ kaya’t maraming

galit sa kanya.

4. Agad na ________________ ng leon ang pagkaing ibinigay sa kanya ng tagapag-alaga.

5. Hindi ko matanggap ang ________________ sa akin ng aking kaibigan tungkol sa aking

pagkatao.

6. Masyadong masalimuot ang ________________ sa Pilipinas lalo na pag mahirap ka.

7. Napamangha ang lahat sa ________________ na talentong kanyang ipinakita sa klase.

8. ________________ ang panahon dito sa Pilipinas, ngunit masarap pa ring manirahan dito.

9. Dali-daling ________________ ng pulubi ang pitakang hawak ng babae.

10. Punong-puno ng gulay at prutas ang ________________ ni Mang Jose.

Gawain B

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. a. masasaya Noong unang panahon sa bayan ng Sariwa, b. malulusog ang lahat ng uri ng gulay.

2. a.nakakatakot c. matatamlayMinsan ay may umusbong na isang b. kakaiba, maputla at walang lasang gulay, ang ampalya. Dahil

c. maganda dito, siya ay nabalutan ng inggit at laging nakasimangot. Isang gabi, nakaisip si Ampalaya na 3. a. maghiganti.

b. makipag-away dahil sa pagnanais na magkaroon din ng mga katangiang taglay ng mga c. magnakaw. 4. a. naglalaro,

* paglilitis * sinunggaban* buska * maalinsangan* ipinuslit * binubulyawan* sinaklot * balag* kagila-gilalas * bugnutin

Page 30: Uri Ng Pangungusap Batay Sa Layon.1

gulay. Habang ang lahat ay b. nagtatrabaho, iniisa-inisa niyang kinuha ang natatanging c. natutulog, 5. a. ganda

katangian ng mga gulay. Tuwang-tuwa siya nang naangkin niya ang lasa, kulay at b. sustansya 6. a. natakot c. lutong

ng lahat ng mga gulay. Kinabukasan, b. nagulat ang mga gulay nang maydi-inaasahang bisita

c. namangha 7. a. dakpin.ang dumating. Sila ay nagduda sa anyo ng bisita at napakasunduang siya’y b. patayin. Dito 8. a. Ampalaya. c. sundannapag-alaman na ang nasabing impostor ay si b. Kamatis. Siya ay nilitis at napatunayang

9. a. pinalayas. c. Talong.nagkasala kaya’t siya’y b. pinatay. Ibinigay sa kanya ang lahat ng kanyang kinuha hangga’t c. pinarusahan. ang mga ito ay nag-away-away at nagdulot sa kanya ng di-kanais-nais na anyo, kulay at 10. a. amoy. b. lasa. c. sustansya.