28
Aralin sa Wikang Filipino para sa SMP 3 Inihanda ni: Evelyn Sanchez Makadados, MBA Guro sa Asignatura SEKOLAH INDONESIA DAVAO

Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

Aralin sa Wikang Filipino

para sa SMP 3

Inihanda ni:

Evelyn Sanchez Makadados, MBA

Guro sa Asignatura

SEKOLAH INDONESIA DAVAO

Page 2: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

Ang Bantas - ay mga simbolo o pananda na ginagamit sa pagsusulat upang mabigyan ng kahulugan at kabuluhan ang mga pangungusap nang sa ganun madaling maintindihan ang ibig ipahiwatig ng manunulat.

Page 3: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

Ang mga uri ng Bantas

1. Tuldok o Period (.)2. Pananong o Question Mark (?)3. Padamdam o Interjection (!)4. Kuwit o Comma (,)5. Kudlit Apostrophe (‘)6. Gitling o hyphen (-)7. Tutuldok o Colon (:)8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)9. Panipi o Quotation Mark (“”)10. Panaklong o Parenthesis ( )11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)

Page 4: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

    A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.

    Halimbawa:     Igalang natin ang Pambansang Awit.

    B. Sa pangalan at salitang dinaglat

    Halimbawa:    Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.    Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang

“Basic Christian Living”

    C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang  balangkas, talaan.

    Halimbawa:     A. 1.

Page 5: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:

    A. Sa pangungusap na patanong.

    Halimbawa:     Ano ang pangalan mo?    Sasama ka ba?

    B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag- aalinlangan sa diwa ng  pangungusap.

    Halimbawa:     Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Page 6: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo!Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.Aray! Naapakan mo ang paa ko.

Page 7: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi 

    A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.

    Halimbawa:     Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.    Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

    B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.

    Halimbawa:     Mahal kong Marie,    Nagmamahal,    Sa iyo kaibigang Jose,    Tapat na sumasaiyo,

Page 8: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    C. Pagkatapos ng OO at HINDI.

    Halimbawa:     OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.    HINDI, ayaw niyang sumama.

    D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.

    Halimbawa:     Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.    Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.

Page 9: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.

    Halimbawa:     Nobyembre 14, 2008    Project 8, Quezon City

    F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng  pangungusap.

    Halimbawa:    Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at     malansang isda”.

Page 10: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa:

Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

Page 11: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

    A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

    Halimbawa:     araw-araw isa-isa apat-apat    dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila    masayang-masaya

Page 12: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay      nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.

    Halimbawa:     mag-alis nag-isa nag-ulat    pang-ako mang-uto pag-alis    may-ari tag-init pag-asa

Page 13: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

    Halimbawa:     pamatay ng insekto - pamatay-insekto    kahoy sa gubat - kahoy-gubat    humgit at kumulang - humigit-kumulang    lakad at takbo - lakad-takbo    bahay na aliwan - bahay-aliwan    dalagang taga bukid - dalagang-bukid

    Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan,  hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.    Halimbawa:     dalagangbukid (isda)    buntunghininga

Page 14: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang     bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang     pagbabago sa ispeling

    Halimbawa:    maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino    pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique    mag-pal maka-Johnson mag-Sprite    mag-Corona mag-Ford mag-Japan

Page 15: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay     nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong     tanging ngalan

    Halimbawa:     mag-Johnson magjo-Johnson    mag-Corona magco-Corona    mag-Ford magfo-Ford    mag-Japan magja-Japan    mag-Zonrox magzo-Zonrox

Page 16: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

    Halimbawa:     ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika- 20 pahina    ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

Page 17: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

    Halimbawa:    isang-kapat (1/4)    lima’t dalawang-kalima (5-2/5)    tatlong-kanim (3/6)

    H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang  bana o asawa.

    Halimbawa:    Gloria Macapagal-Arroyo

Page 18: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

    Halimbawa:    isang-kapat (1/4)    lima’t dalawang-kalima (5-2/5)    tatlong-kanim (3/6)

    H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang     bana o asawa.

    Halimbawa:    Gloria Macapagal-Arroyo    Conchita Ramos-Cruz    Perlita Orosa-Banzon

    I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

    Halimbawa:    Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

Page 19: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

 A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

    Halimbawa:     Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.    B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.    Halimbawa:     Dr. Garcia:    Bb. Zorilla:

Page 20: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa     kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

    Halimbawa:     8:00 a.m Juan 16:16

Page 21: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig

    A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating     panimula ng liham pangalakal.

    Halimbawa:     Ginoo;    Bb;

Page 22: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi     pinag-uugnay ng pangatnig.

    Halimbawa:    Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.    Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

    C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung     nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.

    Halimbawa:     Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng     pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

Page 23: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita 

    A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang     tuwirang sipi.

    Halimbawa:     “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

Page 24: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin,     aklat at iba’t ibang mga akda.

    Halimbawa:    Nagbukas na muli ang “Manila Times”.    Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.    Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.

    C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

    Halimbawa:    Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

Page 25: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

    A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

    Halimbawa:     Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere

Page 26: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

    B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang     kawastuhan.

    Halimbawa:     Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.      C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.

    Halimbawa:    Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

Page 27: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin. 

    A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.     Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay     may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala     ay sa hulihan ng pangungusap.

    Halimbawa:     Pinagtibay ng Pangulong Arroy …

    B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.

    Halimbawa:    Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

Page 28: Uri Ng Bantas at Mga Gamit Nito

MARAMING SALAMAT SA

INYONG PAKIKINIG!

EVIE