Gamit ng mga bantas

  • View
    1.924

  • Download
    16

Embed Size (px)

Text of Gamit ng mga bantas

GAMIT NG MGA BANTAS

GAMIT NG MGA BANTAS

1. Tuldok o Period (.)2. Pananong o Question Mark (?)3. Padamdam o Interjection (!)4. Kuwit o Comma (,)5. Kudlit Apostrophe ()6. Gitling o hyphen (-)7. Tutuldok o Colon (:)8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)9. Panipi o Quotation Mark ( )10. Panaklong o Parenthesis ( )11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis ()

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit. B. Sa pangalan at salitang dinaglat Halimbawa: Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang Basic Christian Living. C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang balangkas, talaan. Halimbawa: A. 1.

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:

A. Sa pangungusap na patanong. Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba? B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Halimbawa: Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo!Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana, saan ka nag-aaral ngayon?B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham- pangkaibigan. Halimbawa: Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo,

C. Pagkatapos ng OO at HINDI. Halimbawa: OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang sumama. D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Halimbawa: Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.

E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham. Halimbawa: Nobyembre 14, 2008 Project 8, Quezon City F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Halimbawa: Ayon kay Rizal, Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.

5. PAGGAMIT NG KUDLIT() - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa:Siyat ikaw ay may dalang pagkain.Akoy mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Halimbawa: mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. Halimbawa: dalagangbukid (isda) Bahaghari

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Halimbawa: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique mag-pal maka-Johnson mag-Sprite mag-Corona mag-Ford mag-Japan E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan Halimbawa: mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona mag-Ford magfo-Ford mag-Japan magja-Japan mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang. Halimbawa: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Halimbawa: isang-kapat (1/4) limat dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6)

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. Halimbawa: Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz Perlita Orosa-Banzon

7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa. B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal. Halimbawa: Dr. Garcia: Bb. Zorilla: C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal. Halimbawa: Ginoo; Bb; B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. Halimbawa: Kumain ka ng maraming prutas; itoy makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal. C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

9. PANIPI ( ) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa: Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan, sabi ng Pangulo. B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at ibat ibang mga akda. Halimbawa: Nagbukas na muli ang Manila Times. Isang lingguhang babasahin ang Liwayway. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang Anak Dalita. C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong Computer Programming.

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere. B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao. C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa: Jose P. Rizal ( 1861 1896 )

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS () - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, Halimbawa: Pinagtibay ng Pangulong Arroy B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin. Halimbawa: Kung ikawy maliligo sa tubig ay aagap upang

12. GATLANG( ) Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkaabala o pagbabago ng kaisipan.Halimbawa: Nagkita kami ni Fe sa reunion subalit hindi kami nagkausap.

B. Ginagamit sa paghihiwalay sa isang bagay na binibigyanng diin o kapana panabik.Halimbawa. Pagbutihan mo ang pagsagot sa pagsusulit nang makapasa ka na.

SALAMAT SA PAKIKINIG

Ulat ni Mam ROSANA R. DAVIDhttps://teksbok.blogspot.com/2010/08/wastong-gamit-ng-mga-bantas.html