3
28 August 2018 Publications WIKA NG SALIKSIK by: Ronalene Grace A. Tapang Teacher III, Mariveles National High School – Poblacion Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 2018, inilunsad and temang “Filipino: Wika ng Saliksik” na naglalayong ipakilala ang paggamit ng wikang pambansa bilang instrumento sa pagsulat ng mga teksto o manuskritong pang- akademiko. Ang pambihirang pagkilala na ito ay nagbibigay-daan din upang isulong ang intelektwalisasyon ng Filipino, ang ating sariling wika. Ang pananaliksisk ay isang masusi at sistematikong paraan upang pag-aralan ang iba’t-ibang paksa. Dahil dito ay nakakakalap ng malaking bahagi ng datos o impormasyon kung saan tiyak na naipapaliwanag at nalilinaw ang mga inkwiri tungkol sa sari-saring suliranin. Ang paggamit ng sariling wika bilang midyum ng pag-aaral at pananaliksik ay patungo sa tiyak na pag-unlad ng edukasyon, komunikasyon, at ekonomiya. Importanteng maintindihan natin ang bawat punto at batayan kaya’t kinilala ang Filipino bilang wika ng saliksik gayun din ang epekto nito. Malaki ang gampanin ng paggamit ng wika sa larangan ng edukasyon. Ang mabilis na pagproseso ng impormasyon ng mga mag-aaral ay nakakatulong sa intelektwalisasyon ng anumang uri ng kaalaman. Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay una, naipapahayag nito ang damdamin, pananaw, opinyon, at personalidad ng isang indibidwal. Pangalawa, nalulubos ang gamit ng wika sa mga akdang pampanitikan kung saan nilalapat ang gawang masining o estetiko. Pangatlo, naipaaalam nito ang napakaraming datos o informasyon hatid ng mundo sa paraang mas maiintindihan.

WIKA NG SALIKSIK - depedbataan.com · Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay

  • Upload
    lethuy

  • View
    303

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: WIKA NG SALIKSIK - depedbataan.com · Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay

28 August 2018

Publications

WIKA NG SALIKSIK

by:

Ronalene Grace A. Tapang Teacher III, Mariveles National High School – Poblacion

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 2018, inilunsad and temang

“Filipino: Wika ng Saliksik” na naglalayong ipakilala ang paggamit ng wikang

pambansa bilang instrumento sa pagsulat ng mga teksto o manuskritong pang-

akademiko. Ang pambihirang pagkilala na ito ay nagbibigay-daan din upang isulong

ang intelektwalisasyon ng Filipino, ang ating sariling wika.

Ang pananaliksisk ay isang masusi at sistematikong paraan upang pag-aralan

ang iba’t-ibang paksa. Dahil dito ay nakakakalap ng malaking bahagi ng datos o

impormasyon kung saan tiyak na naipapaliwanag at nalilinaw ang mga inkwiri tungkol

sa sari-saring suliranin. Ang paggamit ng sariling wika bilang midyum ng pag-aaral at

pananaliksik ay patungo sa tiyak na pag-unlad ng edukasyon, komunikasyon, at

ekonomiya.

Importanteng maintindihan natin ang bawat punto at batayan kaya’t kinilala ang

Filipino bilang wika ng saliksik gayun din ang epekto nito. Malaki ang gampanin ng

paggamit ng wika sa larangan ng edukasyon. Ang mabilis na pagproseso ng

impormasyon ng mga mag-aaral ay nakakatulong sa intelektwalisasyon ng anumang

uri ng kaalaman.

Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may

kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay una,

naipapahayag nito ang damdamin, pananaw, opinyon, at personalidad ng isang

indibidwal. Pangalawa, nalulubos ang gamit ng wika sa mga akdang pampanitikan

kung saan nilalapat ang gawang masining o estetiko. Pangatlo, naipaaalam nito ang

napakaraming datos o informasyon hatid ng mundo sa paraang mas maiintindihan.

Page 2: WIKA NG SALIKSIK - depedbataan.com · Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay

28 August 2018

Publications

Pang-apat, gamit ang midyum na mas nauunawaan ng nakararami, nababatid niyang

kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magnigay-

kahulugan, makipagtalo at pumuna--mga punto patungo sa pagnanais o

pangangailangan na manaliksik.

Ang wikang Filipino ay may direktang epekto din sa ekonomiya. Ayon sa isang

pag-aaral nila Baaco, et al. mula sa Facultad ng Sining at Panitik sa Universidad ng

Santo Tomas, napatunayan na ang paggamit ng sariling wika ay makatutulong sa

pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Ang wikang Filipino, bukod sa

paghahandog ng pagkakakilanlan sa mga mamayan, ay may positibong epekto sa

ekonomiya ng bansa. Sa paggamit ng ating sariling wika sa bawat transaksyon sa

gobyerno at iba pang pribadong sektor sa lipunan ay lalong nakakapagbigay sigla sa

kadahilanang mas madaling gamitin at magkaintindihan ang mga tao.

Malayo pa ang ipaglalaban upang tuluyang makamit ang intelektwalisasyon ng

Filipino. Ngunit ang hakbang na ito, ang pagkilala na ang Filipino ay Wika ng

Pananaliksik, ay mabuting simulain upang ito ay makamit.

References:

Davao Catholic Herald (2018). Ang Filipino: Wika ng Saliksik.

http://www.davaocatholicherald.com/2018/07/ang-filipino-wika-ng-saliksik/

Jeffrey De Leon. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.

https://www.scribd.com/doc/147232061/KOMUNIKASYON-SA-

AKADEMIKONG-FILIPINO

Page 3: WIKA NG SALIKSIK - depedbataan.com · Ang komunikasyon, gamit ang sariling wika sa kabilang banda, ay may kapangyarihan at tungkulin na hindi masukat. Ilan sa mga dahilan nito ay

28 August 2018

Publications

Baaco et al. (2013). Ang Kahalagan at mga Kadahilanan kung bakit Wikang Filipino

ang ating Wikang Pambansa at ang Kaugnayan Nito sa Unlad Pang-ekonomiya

https://www.scribd.com/doc/109042737/Ang-Kahalagan-at-Mga-Kadahilanan-

Kung-Bakit-Wikang-Filipino-Ang-Wikang-Pambansa-at-Ang-Kaugnayan-Nito-Sa-

Unlad-Pang-ekonomiya