4
Ito ang panahon kung kailan umiikot ang mga “validators” ng GGB sa buong lalawigan na may kalahok na opisyal ng Barangay tulad ng Kapitan at kaniyang mga Konsehal, Kalihim, Ingat-yaman, atbp.; maging ng kanilang mga ‘volunteer workers’ tulad ng mga Mother Leader (ML), Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), Barangay Health Workers (BHW); maging ang mga barangay tanod upang makilahok sa patimpalak ng galing at husay sa paglilingkuran sa kanilang nasasakupan. Gayundin ang mga Volunteer Groups na may kani-kaniyang target groups na tinutulungan ay may kategorya din upang mabigyang pagkilala ang mga natatanging grupo in public service. Nagsimula po ang validation sa buwan ng Agosto at natapos ng Setyembre para sa taong ito. Depende rin po kasi sa dami ng nakilahok para sa iba’t-ibang kategorya. Tunay pong mahirap ang atas na naibigay sa mga validators upang suyurin ang bawa’t barangay sa Lalawigan ng Bulacan upang makita, makausap, at maranasan ang paglilingkod na ating binibigyang pansin at pinapahalagahan sa kompetisyong ito. Iyong GALING na hinahanap natin upang masabing tunay na maganda at epektibo ang nagawa, nagagawa at magagawa pa nila para sa kanilang barangay. Iba’t-ibang anggulo ng pagseserbisyo publiko ang aming nakikita at nadidiskubre upang talagang maging kapaki-pakinabang sa buong barrio. Hindi matatawaran ang ginagawa nilang paghahanda o pagsasa-ayos ng kanilang Gusaling Pambarangay kung saan napapaloob ang kanilang mga programa/proyekto at mga kaakibat na dokumento (files,reports, visuals, atbp.), organisasyon at pagkakaisa ng mga bumubuo sa namamahala sa barangay. Talaga namang may namumukod tangi at mayroon din namang parang wala lang. Sumatutal ay kaiga- igaya naman, ngunit alam natin na may ibubuga pa at ikasasa-ayos pa kung makukuha lamang ang tunay na kahulugan ng pagiging isang nagkakaisang barangay; nagtutulungan, nagdadamayan, nagbibigayan, at nagmamahalan bilang magkakapamilya para sa iisang adhikain …. ang kaunlaran, kapayapaan, at kaayusan ng bawat isa at ng pamayanan. Sapagkat ang BARANGAY bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan. Pinakamaliit man subalit pinakamalaki ang impluwensiyang nagagawa sa pamayanan dahil dito nagsisimula ang disiplina, moralidad, kaalaman, kultura at paniniwala ng mga mamamayan ng sambayanang Bulakenyo. ‘Ika nga, kung matibay ang pundasyon, siguradong hindi matitibag ang pagsasamahan kahit na sinuman o anuman ang kaharaping sagwil para umunlad at lumago kahit sa simple lang na pag-angat ng kabuhayan. Pagkatapos po nang ‘validation’ ay ita-tally ang kanilang nakuhang puntos o grado para mapili ang mga FINALISTS na haharap sa ‘screening committee.’ “And the rest is history. ” Para matukoy at magawaran ng pagkilala sa Araw ng Gawad Galing Barangay Awarding Ceremony na ginanap noong Disyembre 4, 2017. Ito po ay upang kilalanin ang mga katangi-tanging Barangay officials and workers at maging halimbawa sa iba pang barangay na mag-excel para sa kanilang nasasakupan. Ang karangalan po ay upang maging inspirasyon para sa iba at makumbinsi ang iba para gumawa para sa kaniyang BARANGAY. Tungo sa mapanagutang paglilingkod. PANAHON NG ‘Gawad Galing Barangay’ SA LALAWIGAN Taon 2017 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph

Taon 2017 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 PANAHON NG ‘Gawad ... · Hindi matatawaran ang ginagawa nilang paghahanda o pagsasa-ayos ng kanilang Gusaling Pambarangay kung saan napapaloob

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Ito ang panahon kung kailan umiikot ang mga “validators” ng GGB sa buong lalawigan na may kalahok na opisyal ng Barangay tulad ng Kapitan at kaniyang mga Konsehal, Kalihim, Ingat-yaman, atbp.; maging ng kanilang mga ‘volunteer workers’ tulad ng mga Mother Leader (ML), Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), Barangay Health Workers (BHW); maging ang mga barangay tanod upang makilahok sa patimpalak ng galing at husay sa paglilingkuran sa kanilang nasasakupan. Gayundin ang mga Volunteer Groups na may kani-kaniyang target groups na tinutulungan ay may kategorya din upang mabigyang pagkilala ang mga natatanging grupo in public service. Nagsimula po ang validation sa buwan ng Agosto at natapos ng Setyembre para sa taong ito. Depende rin po kasi sa dami ng nakilahok para sa iba’t-ibang kategorya. Tunay pong mahirap ang atas na naibigay sa mga validators upang suyurin ang bawa’t barangay sa Lalawigan ng Bulacan upang makita, makausap, at maranasan ang paglilingkod na ating binibigyang pansin at pinapahalagahan sa kompetisyong ito. Iyong GALING na hinahanap natin upang masabing tunay na maganda at epektibo ang nagawa, nagagawa at magagawa pa nila para sa kanilang barangay. Iba’t-ibang anggulo ng pagseserbisyo publiko ang aming nakikita at nadidiskubre upang talagang maging kapaki-pakinabang sa buong barrio. Hindi matatawaran ang ginagawa nilang paghahanda o pagsasa-ayos ng kanilang Gusaling Pambarangay kung saan napapaloob ang kanilang mga programa/proyekto at mga kaakibat na dokumento (files,reports, visuals, atbp.), organisasyon at pagkakaisa ng mga bumubuo sa namamahala sa barangay. Talaga namang may namumukod tangi at mayroon din namang parang wala lang. Sumatutal ay kaiga-igaya naman, ngunit alam natin na may ibubuga pa at ikasasa-ayos pa kung makukuha lamang ang tunay na kahulugan ng pagiging isang nagkakaisang barangay; nagtutulungan, nagdadamayan, nagbibigayan, at nagmamahalan bilang magkakapamilya para sa iisang adhikain …. ang kaunlaran, kapayapaan, at kaayusan ng bawat isa at ng pamayanan.

Sapagkat ang BARANGAY bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan. Pinakamaliit man subalit pinakamalaki ang impluwensiyang nagagawa sa pamayanan dahil dito nagsisimula ang disiplina, moralidad, kaalaman, kultura at paniniwala ng mga mamamayan ng sambayanang Bulakenyo. ‘Ika nga, kung matibay ang pundasyon, siguradong hindi matitibag ang pagsasamahan kahit na sinuman o anuman ang kaharaping sagwil para umunlad at lumago kahit sa simple lang na pag-angat ng kabuhayan. Pagkatapos po nang ‘validation’ ay ita-tally ang kanilang nakuhang puntos o grado para mapili ang mga FINALISTS na haharap sa ‘screening committee.’ “And the rest is history. ” Para matukoy at magawaran ng pagkilala sa Araw ng Gawad Galing Barangay Awarding Ceremony na ginanap noong Disyembre 4, 2017. Ito po ay upang kilalanin ang mga katangi-tanging Barangay officials and workers at maging halimbawa sa iba pang barangay na mag-excel para sa kanilang nasasakupan. Ang karangalan po ay upang maging inspirasyon para sa iba at makumbinsi ang iba para gumawa para sa kaniyang BARANGAY. Tungo sa mapanagutang paglilingkod.

PANAHON NG ‘Gawad Galing Barangay’ SA LALAWIGAN

Taon 2017 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN

Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph

7 Pang CSOs

Naakredita ng SP

PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 44-2017

AN ORDINANCE FURTHER AMENDING THE REVISED CHARTER OF THE BULACAN POLYTECHNIC COLLEGE (BPC) BY THE COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED). PANLALAWIGANG KAUTUSAN

BLG. 45-2017 “AN ORDINANCE ESTABLI- SHING THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BULACAN ON-THE-JOB TRAINING ASSISTANCE PROGRAM AND APPROPRIATING FUNDS THEREOF.”

KAPASIYAHAN BLG. 548-T'17

ISANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPAABOT NG PAGKILALA AT PAGBATI ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, SA PANGUNGUNA NI IGG. PUNONG LALAWIGAN WILHELMINO M. SY-ALVARADO, AT ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA PAMUMUNO NI IGG. PANGALAWANG PUNONG LALAWIGAN DANIEL R. FERNANDO, SA LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN NA NAPABILANG SA GUINNESS BOOK OF WORLD RECORD NOONG SETYEMBRE 19, 2017 DAHIL SA KANILANG “WORLD’S LARGEST LANTERN PARADE.”

KAPASIYAHAN BLG. 624-T’17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN NA KANIYANG KAKATAWANIN AT NG DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) NA KAKATAWANIN NI REGIONAL DIRECTOR, ATTY. ANA C. DIONE, CPA HINGGIL SA PAGKAKALOOB NG HULI NG HALAGANG P2,000,000.00 SA LALAWIGAN NG BULACAN SA ILALIM NG DOLE LIVELIHOOD PROGRAM BILANG TULONG SA MGA KALALAWIGANG DISPLACED OVERSEAS FILIPINO WORKERS AT KANILANG PAMILYA.

KAPASIYAHAN BLG. 510-T'17

KAPASIYAHAN NA NAGPAPAABOT NG MATAAS NA PAGKILALA AT PAGBATI ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, SA PANGUNGUNA NG IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, PUNONG LALAWIGAN AT ANG BUMUBUO NG SANGGUNIANG PAN- LALAWIGAN SA PANGUNGUNA NG IGG. DANIEL R. FERNANDO, PANGALAWANG PUNONG LALAWIGAN, SA MGA ATLETANG BULAKENYO NA LUMAHOK AT NAGBIGAY KARANGALAN SA ATING BANSA SA ISINAGAWANG 9TH ASEAN PARA GAMES NA GINANAP SA KUALA LUMPUR, MALAYSIA NOONG SETYEMBRE 17-23, 2017

KAPASIYAHAN BLG. 647-T'17

KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY ANG SUSOG SA INTERNAL RULES OF PROCEDURE NG IKA-9 NA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN NA MADAGDAGAN ANG BILANG NG MGA LUPON SA STANDING COMMITTEES (2016-2019) NG INDIGENOUS CULTURAL COMMUNITIES COMMITTEE, GAYUNDIN ANG PAGTATALAGA KAY IGG. NORMA S. ROQUE BILANG TAGAPANGULO NG NASABING LUPON.

KAPASIYAHAN BLG. 566-T'17

KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG KAGAWARAN NG INTERYOR AT PAMAHALAANG LOKAL NA KAKA- TAWANIN NI CATALINO S. CUY, OIC, DILG, PATUNGKOL SA IMPLEMEN- TASYON NG 911 EMER -GENCY CALL CENTER SA ATING LALAWIGAN.

KAPASIYAHAN BLG. 646-T'17

ISANG KAPASIYAHAN NA MAGALANG NA HINIHILING SA MGA SANGGUNIANG BAYAN AT LUNGSOD SA LALAWIGAN NG BULACAN ANG PAGLIKHA NG “COMMITTEE ON LIVELIHOOD AND SMALL TO MEDIUM ENTERPRISES” UPANG MAGING KABALIKAT AT PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA PROGRAMA AT PROYEKTONG PANGKABUHAYAN.

4th Quarter

Pito (7) pang Civil Society Organizations

(CSOs) ang napagkalooban ng

Akreditasyon ng Sangguniang

Panlalawigan para sa ika-apat na

tremestre (4th quarter) ng taong 2017.

Ito ang mga sumusunod: 1. Bulacan Association of Technical Vocational Schools JIH Bldg., Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan 2. Catajan Homeowners and Neighborhood Association, Inc. (CHONAI) Sitio Catajan, Brgy., Loma De Gato, Marilao, Bulacan 3. Civil Society Organization of Pulilan, Inc. Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan 4. Area F, E, B Tricycle Transport Service Cooperative Lot 1 Blk. 29 Purok 5 Barangay San Pedro, City of San Jose Del Monte, Bulacan 5. Pagkasararo Kan Gabos Na Bicolnon Sa Loma De Gato, Inc. Blk. 52 Lot 5 Harmony Hills II, Loma de Gato, Marilao, Bulacan 6. DTMI - Bulacan Academy Alumni Association, Inc. Daan Estacion, San Jose, Bulakan, Bulacan 7. Bagong Buhay B-Citrus Tricycle Transport Service Cooperative Blk 3 Lot 125 Brgy. Citrus, City of San Jose Del Monte, Bulacan

KAPASIYAHAN BLG. 550-T'17

KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA DEED OF DONATION SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG SMART COMMUNICATIONS, INC., NA KAKATAWANIN NI G. RAY C. ESPINOSA, CHIEF CORPORATE SERVICE OFFICER. ,HINGGIL SA PAGKAKALOOB NG HULI NG FIRETRUCK AT OUTDOOR LED BILLBOARD SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.

KAPASIYAHAN BLG. 632-T'17 ISANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPATIBAY SA “5 YEAR INSTITUTIONAL DEVELOPMENT PLAN NG BULACAN POLYTECHNIC COLLEGE.

3

Ang Legislative Digest ay

inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang

taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang

tanggapan.

Telepono Blg. – (044) 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph

OCTOBER NOVEMBER DECEMBER TOTAL

A. NUMBER OF SESSIONS CONDUCTED

1. Regular 4 5 4 13

2. Special - - - -

TOTAL 4 5 4 13

B. NUMBER OF RESOLUTIONS/ORDINANCES ENACTED

1. Provincial Resolutions 48 56 59 163

2. Provincial Ordinances 2 2 2 6

3. Provincial Appropriation Ordinances - - - -

4. Municipal/City Resolutions (reviewed) 10 4 5 19

5. Municipal/City Ordinances (reviewed) 26 21 47 94

TOTAL 46 43 71 160

C. NUMBER OF COMMITTEE MEETINGS/ PUBLIC HEARINGS

CONDUCTED

1. Committee Meetings 10 7 11 28

2. Public Hearings 1 0 1 2

D. SPECIAL PROGRAMS/PROJECTS

1. Broadcast of SP Radio Program “SP Files” every Wednesday 3 3 2 8

2. Printing of SP Quarterly Newsletter “Legislative Digest” for 2nd Quarter - - 1 1

3. Maintenance/Updating of SP Web ** ** ** **

** - Continuous

4

MAKINIG AT MAKISANGKOT! sa Radio Program ng Sangguniang Panlalawigan na:

“SP Files”

Mapapakinggan tuwing araw ng MIYER

Radyo Bulacan, 103.9 FM

sa talapihitan ng inyong mga radyo.

Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R. Santos, Anthony Amizona (Kuya Tonton) and

Divina Gracia R. Jimenez (Ate Divine).

SUMMARY OF ACCOMPLISHMENT 4th Quarter

(October – December 2017)

GAWAD GALING KALUSUGAN namam umarangakda sa 4th quarter ng 2017 kaalinsabay ng pagpapakilala ng RED ORCHID AWARD sa KAPITOLYO

2

Hindi lang Barangay ang binigyang pagkilala maging ang mga tauhan sa Health Unit ng bawat bayan naman para sa huling kapat ng taong 2017 ay pinuntahan din po ng validation team sa ngalan ng Provincial Health Office ng Pamahalaang Panlalawigan para sa natatanging alagad ng kalusugan sa ating lalawigan. It po ay para sa lahat ng mga Public Health Workers sa mga Pambayan at Panlungsod na Tanggapan ng Kalusugan at Pampublikong Ospital ng Lalawigan ng Bulacan. Ilang bayan din po ang lumahok para sa titulong naturan at binisita ang kanilang mga Rural Health Unit at centers upang makita ang kalagayan at kalidad ng serbisyo na kanilang ipinagkakaloob sa ating mga kababayan. Kahanga-hanga ang mga Health centers na naisasaayos ang kanilang mga lugar at napapanatiling updated sa gamit, posters, information and sufficient medical supplies, ang mga mamamayan batay sa mga serbisyong handog ng Pamahalaang Lokal at Panlalawigan. Gayundin ang mga programang angkop sa pangangailangan ng pamayanan upang mabilis na matugunan ang pangangailangang medikal ng taong bayan. Hindi matatawaran ang dedikasyon ng isang tunay na naglilingkod lalo na sa larangan ng medisina kaya’t masasabi natin na ang mga municipal/city health officer ng bawat bayan/ lungsod ay lubhang may mahalagang papel na ginagampanan sa komunidad upang mapanatili ang magandang kalusugan sa pamayanan dahil kasabihan nga na “ang malusog na mga mamamayan ang susi sa maunlad na pamayanan.” ‘We are counting on our health officers and a supportive team to ensure a healthy, service-oriented and proactive health units that we can count on and be assured that they are giving the BEST service worthy of recognition.’ Kaugnay nito, kinilala ni Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa pagpapagal at kontribusyon ng mga nagsipagwagi para sa isang quality public health service at nagpahayag ng kasiyahan para sa mga Bulakenyos, “Nagpaspaalamat tayo sa Department of Health sa pag-a-allocate ng P70 million para sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan at makaaasa kayo na sa unang quarter ng 2018 ay wala kayong makikitang magpapaypay, ipapa-aircon natin ang mga ward at lalagyan ng mga telebisyon,” aniya. Humabol pa ang pagpapakilala sa Red Orchid Award para sa isang Tobacco-free (Smoking-free) province na matagal na rin namang hinahangad na makamtan ng ating lalawigan. Isang paglilinis sa hangin na hinihingahan ng mga Bulakenyo at pagpapahalga sa buhay na nawawala o umiigsi bunsod ng paninigarilyo anumang uri nito. Ang ‘NO SMOKING’ ay ginawan na rin ng Executive Order ng Pangulong Duterte, ang EO 26, na siya namang pinagbatayan upang ipagpatuloy ng lalawigan ang laban sa bisyong ito; sa pamamagitan ng pagsusulong ng sarili nating ordinansa na nakapasok na sa ating Sangguniang Panlalawigan. Hindi madali … subalit maisabatas nawa nang sa gayon ay mapanalunan natin ang laban sa masamang dulot ng pagsisigarilyo. This has been a long fight already that we are campaigning and wanting to be a reality. Sana ay patuloy na pag-aralan at susugan upang maisakatuparan ang naturang ordinansa. Na alam nating makakatulong ng lubos sa katiwasayan and safety ng ating kapaligiran. Kay gandang pagmasdan at tirhan ang isang pamayanan na malaya sa usok at sakit na dulot ng sigarilyo, ika nga ng mga No smoking advocates. GO FOR SMOKE-FREE BULACAN!