23
Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata

Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip

Inihahandog ngBibliya Para sa mga Bata

Page 2: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Isinulat ni: Edward Hughes

Inilarawan ni: Jonathan Hay

Ibinagay ni: Mary-Anne S.

Isinalin ni: Christine Cornejo

Inilimbag at ipinamamahagi ng Bible for Children

www.M1914.org

©2011 Bible for Children, Inc.Pahintulot: Ang materyal na ito ay maaaring makopya o malimbag,

ngunit hindi maaaring ipagbili.

Page 3: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Si Haring Nebukadnezar ay nanaginip, at siya ay gulong-gulo. Sa kapangyarihan ng Diyos, nasabi ni Daniel sa hari ang kahulugan ng panaginip.

Page 4: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Ang unang ginawa ni Daniel ay ilarawan ang panaginip. “Nakita ninyo po ang isang malaking rebulto, mahal na hari. Ang hugis nito ay kasindak-sindak!”

Page 5: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Ang ulo ng rebulto ay gawa sa ginto,” patuloy ni Daniel.

Page 6: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Ang dibdib at braso nito ay gawa sa pilak.”

Page 7: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Ang tiyan at hita nito ay gawa sa tanso.”

Page 8: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Ang binti ay gawa sa bakal, at ang mga paa ay pinaghalong bakal at luwad.”

Page 9: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Matapos ilarawan ang rebulto sa hari, sinabi ni Daniel ang natitirang bahagi ng panaginip.

Page 10: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Iyong nakita ang bato habang ito ay inuukit ng walang gamit na kamay,” sabi ni Daniel sa hari.

Page 11: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Humampas ang bato sa paa ng rebulto na gawa sa bakal at luwad, at ito ay nasira ng pirapiraso.”

Page 12: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Pagkatapos ang rebulto ay nadurog at naging alikabok na tinangay ng hangin palayo.” Si Daniel ay nanahimik ng sandali. “Ang bato ay lumago bilang isang malaking bundok at sinakop ang buong mundo.”

Page 13: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Namangha ang hari. Iyon mismo ang kanyang panaginip! Paano nalaman ito ni Daniel? Diyos lamang ang maaaring makapagsabi kay Daniel. Pagkatapos sinimulang sabihin ni Daniel kay Haring Nebukadnezar ang kahulugan ng panaginip.

Page 14: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

“Binigay sa iyo ng Diyos sa langit ang isang kaharian, kapangyarihan,

lakas at kaluwalhatian,”

sabi ni Daniel sahari. “Ikaw ang

ulo na ginto.”

Page 15: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Unang Kaharian

Ikalawang Kaharian

Ikatlong Kaharian

Ika-apat na Kaharian

Sinabi ni Daniel sa hari na ang kanyang malagintong kaharian ay magwawakas. Ang kahulugan ng pilak na bahagi ng rebulto ay ang pagpalit ng mas mahinang kaharian.

Page 16: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Unang Kaharian

Ikalawang Kaharian

Ikatlong Kaharian

Ika-apat na Kaharian

Ang tanso ay isa pang kaharian. At ang mga bakal at luwad ay ang ika-apat na kaharian.

Page 17: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Ang huling bagay na sinabini Daniel sa hari. “Ang

Diyos sa langit angmagtataguyod ngisang kaharian na

hindi kailanmanmasisira.”

Page 18: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Alam ng hari na Diyos lamang ang makapagbibigay kay Daniel ng karunungan upang malaman at maunawaan ang kanyang panaginip. Binigyang gantimpala ni Nebukadnezar si Daniel ng mga kayamanan at ginawa siyang isang opisyal sa kaharian.

Page 19: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Angkaharian ng

Diyos aydarating

pagkatapos ng ika-apat nakaharian.

Ang una, pangalawa, at pangatlong kaharian

ay dumating at nawala.

Page 20: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

AngMesiyas ay maghahari

sa lupa.At ito aymaaaringnalalapit

na!

Page 21: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip

isang kuwentong nanggagaling sa Salita ng Diyos, ang Bibliya,

makikita sa

Daniel 2

“Ang bukas ng iyong mga Salita ay nagbibigay ng liwanag.” Mga Awit 119:130

Page 22: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Ang Wakas

Page 23: Si Daniel at ang Mahiwagang Panaginip - chatphils.com

Sinasabi sa kuwentong ito mula sa Bibliya ang tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos na Siyang lumikha sa atin at nais Niya na

makilala natin Siya.

Alam ng Diyos na tayo'y nakagawa ng masasamang bagay na tinatawag Niyang kasalanan. Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan ngunit lubos

ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus na Siyang napako at namatay sa Krus upang pagbayaran

ang ating mga kasalanan.

Subalit hindi nanatiling patay si Hesus. Nabuhay Siyang muli atbumalik sa langit! Kung mananampalataya ka kay Hesus at hihingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan, papatawarin ka Niya. Siya ay

darating at mananahan sa iyong buhay magpakailanman.

Kung ibig mong maligtas at mapatawad sa iyong kasalanan, narito ang isang panalangin na maaari mong tularan:

“Mahal kong Diyos, naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa akin, ngunit Siya ay nabuhay muli. Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay at

patawarin Ninyo po ako sa aking mga kasalanan upang ako'y magkaroon ngayon ng bagong buhay, at sa isang araw ay makasama Kayo magpakailanman.

Tulungan po Ninyo akong mamuhay bilang Inyong anak. Amen.”

Basahin ang Bibliya at manalangin sa Diyos araw-araw! Juan 3:16