15
FILIPINO 1 F1L3-M3

FILIPINO 1 - chatphils.com · FILIPINO 1 F1L3-M3. Ang Palalong Rosas. Sa gitna ng isang hardin, tumubo ang isang halamang rosas. Nang Ito’y magsimulang mamulaklak, maririnig ang

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • FILIPINO 1F1L3-M3

  • Ang Palalong

    Rosas

  • Sa gitna ng isang hardin, tumubo ang

    isang halamang rosas.

    Nang Ito’y magsimulang mamulaklak,

    maririnig ang paghanga ng marami.

    “Wow! Ang ganda-gandang bulaklak,’ sabi

    ng babaeng nag-aalaga dito.

  • Opo, Mama! Iyan ang

    pinakamagandang bulaklak dito sa

    hardin.’ Ayon naman ng anak na

    babae. Narinig ito ng batang-batang

    bulaklak, at iginalaw-galaw nito ang

    kanyang mga talutot, Natutuwa

    siyang marinig ang gayong mga

    papuri. Hindi lamang ang tagapag-

    alaga ang humanga kay rosas, pati

    mga kasamang bulaklak ay

    nagandahan sa kanya.

  • Sabi ni Gumamela, ‘ang tingkad ng

    iyong kulay.’

    ‘Ang bango mo naman.’ Bati ni Santan.

    Napansin din ni rosas na palagi

    siyang binibisita ng mga paruparo at

    bubuyog. Sa pakiwari ni Rosas, siya na

    nga ang reyna sa harding iyon. ‘Ang

    ganda-ganda ko talaga,’ minsan ay

    sabi ni rosas sa katabing kamya.

    ‘Tingnan mo, lahat sila ay nakatingin sa

    akin.’

  • Pero, hindi lang ikaw ang may magandang

    kulay dito sa hardin,’ sabi ni kamya.

    ‘Ano? Ako yata ang pinakamatingkad na

    kulay dito sa hardin,’ nakasimangot na wika

    ni rosas.

    ‘Oo nga, pero hindi kulay ang mahalaga sa

    mundo.’

    ‘Aba, mabango rin ako, hindi ba?’

  • Pero, wala iyon sa kulay at bango,’ sabi ni

    kamya. ‘Lahat tayo dito ay may

    magagandang katangiang ibinigay ng

    Diyos. Tingnan mo si kaktus, mayroon rin

    siyang katangiang maganda.’

    ‘Ha? Si kaktus? Iyong puro tinik? Ha! Ha!’ at

    tumawa ng malakas si rosas.

  • Huwag kang magsalita nang ganyan,

    mayroon ka ring tinik,’ at umiling-iling si

    kamya.

    ‘Basta si kaktus ay walang maipagmamalaki

    kundi ang kanyang mag tinik,’ at muling

    tumawa si rosas. ‘Ewan ko nga ba kung bakit

    hindi natutusok sina bubuyog at paruparo

    kapag dumadapo sa kanya.’

  • Narinig ni kaktus ang pamimintas ni

    rosas, pero hindi na ito sumagot. Hindi

    niya ito pinansin.

    Marami pa ang araw na dumaan,

    Araw-araw na lang, laging

    pinagtatawanan ni rosas ang matinik

    na si kaktus. Sa kanyang palagay, siya

    lamang ang pinakamagandang

    bulaklak sa buong daigdig.

  • At dumating ang tag-araw.

    Kakaiba ang tag-araw noong

    panahong iyon. Nakapapaso ang

    init ng araw. Wala ni gapatak ng

    ulan mula sa langit. Hindi rin

    gaanong nakapagdidilig ang

    tagapag-alaga. Kaunti lamang

    ang tubig na pumapatak sa mga

    gripo. Nagsimulang manilaw at matuyo ang mga dahon.

  • Pati si rosas nakaramdam na ng matinding

    init.

    ‘Hu! Ang init!’ ang daing ni rosas. ‘Natutuyo

    na ang aking mga dahon. Wala nang tubig

    na masipsip ang aking mga ugat.’ Ganito rin

    ang naramdaman ng iba pang halaman.

    Unti-unti, nanilaw ang mga dahon sa

    kakulangan ng tubig.

  • Nagsimulang lumaylay ang mag

    sanga. Parang babagsak na sila

    sa matinding init. Isa-isang nalagas

    ang mga dahon ni rosas.

    Nalalanta na rin pati ang kanyang

    mga bulaklak. Sa gitna ng hardin,

    isang halaman lamang ang

    parang hindi dumarating sa init.

    Ito ang halamang si kaktus.

  • At ngayon, pati ang ibon ay lumapit

    kay kaktus. Idinilat ni rosas ang

    kanyang bumabagsak na mga mata.

    Bidang-bida si kaktus. Isang ibon ang

    lumapit at tinusok nito ang kaktus ng

    kanyang tuka.

  • ‘Ha! Bakit?’ laking taka ni rosas.

    Umiinom pala ang ibon. May imbak

    na tubig sa kanyang katawan si

    kaktus, at hindi niya ito

    pinagdadamot sa iba.

  • Sa pagdaan pa ng mga araw, tuluyan

    nang nalagas ang mga dahoon at

    talutot ni rosas. Ang natira na lamang

    ay ang kanyang tangkay na puno ng

    tinik. Si kaktus, hayun sa hardin! Matinik

    pa rin, ngunit masaya sa kanyang

    pagbibigay ng tulong sa mga ibon at

    insektong nangangailangan.