2
DOLE Regional Offices Regional Office No. II Turingan Building, Campos Street, Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan Tel. Nos.: (078) 844-0133; 844-6265 Telefax No.: 844-2728 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro2.dole.gov.ph Regional Office No. III Regional Government Center Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga Telefax Nos.: (045) 455-1613; 455-1614 E-mail: [email protected] Website: ro3.dole.gov.ph Regional Office No. IV-A 3rd and 4th Floors, Andenson Bldg. II, Barangay Parian, Calamba City, Laguna Tel. No.: (049) 545-7360 Fax. No.: 545-7357 E-mail: [email protected]; [email protected]; [email protected] Website: calabarzon.dole.gov.ph Regional Office No. V Doña Aurora Street, Old Albay, Legaspi City Telefax Nos.: (052) 481-0768; 480-3058 E-mail.: [email protected] Website: ro5.dole.gov.ph Regional Office No. VI Swan Rose Building Commission Civil Street, Jaro, Iloilo City Telefax Nos.: (033) 320-8026; 509-0400 E-mail.: [email protected]; [email protected] Website: ro6.dole.gov.ph Negros Island Region (NIR) St. Therese of Child Jesus St., Claytown Daro, Dumaguete City Tel No: (035) 266-2778 Fax No: (035) 422-9741 E-mail :[email protected] Regional Office No. VII 3rd and 4th Flrs., DOLE—RO7 Building General Maxilom Avenue, cor. Gorordo Avenue, Cebu City Tel. Nos.: (032) 266-9722; 266-2792 Fax. No.: 416-6167 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro7.dole.gov.ph Regional Office No. VIII DOLE Compound, Trece Martires Street, Tacloban City Tel. No.: (053) 325-6293 Fax. No.: 523-4220 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro8.dole.gov.ph Regional Office No. X Monte Carlo Building, RER Phase I, National Highway, Kausawgan, Cagayan de Oro City Tel. No.: (088) 857-2218 Fax. No.: 857-1930 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro10.dole.gov.ph Regional Office No. XI 4th Floor, Davao Ching Printers Bldg., Dacudao Ave. cor. Lakandula Street, Agdao, Davao City Tel. No.: (082) 227-4289 Fax. No.: 226-2671 E-mail: [email protected] Website: ro11.dole.gov.ph Regional Office No. XII 102 Acepal Building, Mabini Extension, Koronadal City Telefax Nos.: (083) 228-2190; 520-0125 E-mail: [email protected] Website: ro12.dole.gov.ph For further inquiries, visit or call: BUREAU OF WORKERS WITH SPECIAL CONCERNS 9th Floor, G.E. Antonino Building, J. Bocobo Street cor. T.M. Kalaw Avenue, Ermita, Manila Tel. Nos.: (632) 404-3336; 527-2804 Telefax No.: (632) 527-5858 E-mail: [email protected] Website: www.bwsc.dole.gov.ph Ano-ano ang mga priority courses sa TVETA? Ang mga prayoridad na kurso sa TVETA ay iyong mga natukoy sa HRD Master Plan in the sugarcane industry Magkano ang maaaring ma-avail ng kwalipikadong grantee sa TVETA? Ang halaga ng tulong na maaring matanggap sa TVETA ay nakabatay sa kaukukulang TESDA rates na umiiral sa target na lugar. Kung sakaling ang kursong napili ay nangangailangan ng competency examination, ang 50% ng assessment fee ay sasagutin ng EDAP. Depende sa kursong napili, ang tulong sa TVETA ay maari ding ibigay sa pamamagitan ng starter kits, allowance pang-renta ng bahay o pambili ng pagkain, at iba pang kaubnay na gastusin sa training. Subalit, ang halagang kakailanganin ng mga benepisyaryo sa kanilang On-the-Job Training ay hindi sasagutin ng EDAP. Anu-ano ang mga dokumento na kailangang isumite ng aplikante ng TVETA? Sertipikadong kopya ng marka mula sa school registrar o Report Card (Form 138), kung high school graduate; Sertipikadong kopya ng academic records, kung ang aplikante ay may academic units na natapos sa kolehiyo ; Sertipikasyon galing sa Mill, Planters Association o Planter Member para alamin kung ang student–grantee ay dependent ng manggagawa sa asukal or unaffiliated small sugarcane planter. Ito ay dapat suportado ng Cash Bonus Special Payroll. Kopya ng sertipiko ng kapanganakan o iba pang dokumento na magpapapatunay ng relasyon ng grantee sa manggagawa sa ilohan o tubuhan. Iba pang dokumento na maaaring hingin ng program partner. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT Bureau of Workers with Special Concerns SAP-Educational Assistance Program (EDAP) As of August 19, 2016

SAP Educational Assistance Program (EDAP) · walang bagsak na marka sa kahit anong asignatura; Tapusin ang kursong kinuha sa loob ng naayon na bilang ng taon; Sumunod sa mga tuntunin

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SAP Educational Assistance Program (EDAP) · walang bagsak na marka sa kahit anong asignatura; Tapusin ang kursong kinuha sa loob ng naayon na bilang ng taon; Sumunod sa mga tuntunin

DOLE Regional Offices

Regional Office No. II Turingan Building, Campos Street, Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan Tel. Nos.: (078) 844-0133; 844-6265 Telefax No.: 844-2728 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro2.dole.gov.ph

Regional Office No. III Regional Government Center Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga Telefax Nos.: (045) 455-1613; 455-1614 E-mail: [email protected] Website: ro3.dole.gov.ph

Regional Office No. IV-A 3rd and 4th Floors, Andenson Bldg. II, Barangay Parian, Calamba City, Laguna Tel. No.: (049) 545-7360 Fax. No.: 545-7357 E-mail: [email protected]; [email protected]; [email protected] Website: calabarzon.dole.gov.ph

Regional Office No. V Doña Aurora Street, Old Albay, Legaspi City Telefax Nos.: (052) 481-0768; 480-3058 E-mail.: [email protected] Website: ro5.dole.gov.ph

Regional Office No. VI Swan Rose Building Commission Civil Street, Jaro, Iloilo City Telefax Nos.: (033) 320-8026; 509-0400 E-mail.: [email protected]; [email protected] Website: ro6.dole.gov.ph Negros Island Region (NIR) St. Therese of Child Jesus St., Claytown Daro, Dumaguete City Tel No: (035) 266-2778 Fax No: (035) 422-9741 E-mail :[email protected]

Regional Office No. VII 3rd and 4th Flrs., DOLE—RO7 Building General Maxilom Avenue, cor. Gorordo Avenue, Cebu City Tel. Nos.: (032) 266-9722; 266-2792 Fax. No.: 416-6167 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro7.dole.gov.ph

Regional Office No. VIII DOLE Compound, Trece Martires Street, Tacloban City Tel. No.: (053) 325-6293 Fax. No.: 523-4220 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro8.dole.gov.ph

Regional Office No. X Monte Carlo Building, RER Phase I, National Highway, Kausawgan, Cagayan de Oro City Tel. No.: (088) 857-2218 Fax. No.: 857-1930 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro10.dole.gov.ph

Regional Office No. XI 4th Floor, Davao Ching Printers Bldg., Dacudao Ave. cor. Lakandula Street, Agdao, Davao City Tel. No.: (082) 227-4289 Fax. No.: 226-2671 E-mail: [email protected] Website: ro11.dole.gov.ph

Regional Office No. XII 102 Acepal Building, Mabini Extension, Koronadal City Telefax Nos.: (083) 228-2190; 520-0125 E-mail: [email protected] Website: ro12.dole.gov.ph

For further inquiries, visit or call: BUREAU OF WORKERS WITH SPECIAL CONCERNS

9th Floor, G.E. Antonino Building, J. Bocobo Street cor. T.M. Kalaw Avenue, Ermita, Manila Tel. Nos.: (632) 404-3336; 527-2804 Telefax No.: (632) 527-5858 E-mail: [email protected] Website: www.bwsc.dole.gov.ph

Ano-ano ang mga priority courses sa TVETA?

Ang mga prayoridad na kurso sa TVETA ay iyong mga

natukoy sa HRD Master Plan in the sugarcane industry

Magkano ang maaaring ma-avail ng kwalipikadong

grantee sa TVETA?

Ang halaga ng tulong na maaring matanggap sa

TVETA ay nakabatay sa kaukukulang TESDA rates na

umiiral sa target na lugar. Kung sakaling ang kursong

napili ay nangangailangan ng competency examination,

ang 50% ng assessment fee ay sasagutin ng EDAP.

Depende sa kursong napili, ang tulong sa TVETA ay

maari ding ibigay sa pamamagitan ng starter kits,

allowance pang-renta ng bahay o pambili ng pagkain,

at iba pang kaubnay na gastusin sa training. Subalit,

ang halagang kakailanganin ng mga benepisyaryo sa

kanilang On-the-Job Training ay hindi sasagutin ng

EDAP.

Anu-ano ang mga dokumento na kailangang

isumite ng aplikante ng TVETA?

Sertipikadong kopya ng marka mula sa school

registrar o Report Card (Form 138), kung high

school graduate;

Sertipikadong kopya ng academic records, kung

ang aplikante ay may academic units na natapos

sa kolehiyo ;

Sertipikasyon galing sa Mill, Planters Association o

Planter Member para alamin kung ang

student–grantee ay dependent ng manggagawa sa

asukal or unaffiliated small sugarcane planter. Ito

ay dapat suportado ng Cash Bonus Special Payroll.

Kopya ng sertipiko ng kapanganakan o iba pang

dokumento na magpapapatunay ng relasyon ng

grantee sa manggagawa sa ilohan o tubuhan.

Iba pang dokumento na maaaring hingin ng

program partner.

Republic of the Philippines DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Bureau of Workers with Special Concerns

SAP-Educational Assistance

Program (EDAP)

As of August 19, 2016

Page 2: SAP Educational Assistance Program (EDAP) · walang bagsak na marka sa kahit anong asignatura; Tapusin ang kursong kinuha sa loob ng naayon na bilang ng taon; Sumunod sa mga tuntunin

Ano ang Educational Assistance Program o EDAP?

Ang Educational Assistance Program o EDAP ay tulong

pang-edukasyon sa ilalim ng Social Amelioration

Program o SAP. Ang programang ito ay binubuo ng

dalawang bahagi: 1) College Educational Assistance o

CEA; at 2) Technical Vocational Education and Training

Assistance o TVETA. Ang pondo na ginagamit sa

pagpapatupad ng programang ito ay nagmumula sa 9%

Socio-Economic Project Fund ng SAP sa ilalim ng R.A.

6982.

Sino ang mga maaring maging benepisyaryo ng

EDAP ?

Lahat ng mga manggagawa sa ilohan at tubuhan, at ang

mga direktang miyembro ng kanilang pamilya na walang

hanapbuhay ay maaring maging benepisyaryo ng EDAP

sa kondisyon na ang mga ito ay pumasa sa mga

kwalipikasyong nakasaad sa Department Order 158-16

o Guidelines sa pagpapatupad ng EDAP.

Ang bawat benepisyaryo ng EDAP ay patuloy na

makatatanggap ng tulong sa ilalim ng programa kahit na

ang manggagawa ay hindi na kabilang sa produksyon o

paggawa ng asukal sa kadahilanang siya ay nagkasakit/

namatay / nagretiro o di kaya naman ay natanggal sa

trabaho. Mapuputol lamang ang tulong mula sa EDAP

sakaling ang trabahador ay kusang magbitiw sa trabaho

o lumipat sa ibang industriya.

Ano ang College Educational Assistance o CEA?

Ang CEA ay isang programa na nagbibibigay ng

pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong estudyante

na nagnanais kumuha ng kurso na natukoy o kinilala sa

Human Resource Development Master Plan in the

Sugarcane Industry o inirekomenda ng Sugar Tripartite

Council.

Ilan sa bawat pamilya ang maaaring makinabang sa

College Educational Assistance?

Dahil sa limitadong bilang ng iskolar na inilaan sa bawat

milling district, isa lamang sa bawat pamilya ang

maaaring makinabang sa apat (4) o limang (5) taong

tulong para sa kursong pang kolehiyo.

Gayunman, ang mga manggagawa sa ilohan at tubuhan

at kanilang pamilya ay maaari namang kumuha ng

Technical Vocational Education and Training Assistance

ng sabay-sabay.

Anu-ano ang mga prioridad na kurso sa College

Education Assistance?

Ang mga kursong binibigyang prayoridad sa CEA ay ang

mga nakalista sa DOLE in-demand courses at advisory

ng Commission on Higher Education (CHED) gaya ng

mga sumusunod:

Priority A (Base sa mga pangunahing pangangailangan

ng industriya):

Kursong pang-inhinyero at iba pang kursong may

kinalaman sa agham pang-agrikultura na

kinakailangan ng industriya;

Iba pang espesyal na kursong technical na naayon sa

pangangailangan ng industriya gaya ng Associate in

Sugar Production and Management at iba pang

katulad na kurso;

Iba pang kursong maaring matukoy ng DOLE ayon sa

konsultasyon sa SRA.

Priority B (Iba pang kursong maituturing na in-demand sa

bansa):

Machine Operator (NC2), Machinery Technician (NC3

-5), Welding, Electrical Installation at iba pang mga

katulad na kurso; at

Iba pang kursong maaring matukoy ng CHED at

TESDA.

Magkano ang ibinibigay na college assistance sa

kwalipikadong grantee?

Ang bawat grantee ay makatatanggap ng Php30,000.00

kada semestre o Php60,000 kada taon bilang maximum

na halaga ng college assistance, sila man ay naka-enroll

sa kursong aabot ng higit sa dalawang semestre kada

taon. Ang tulong pinansyal ay maaaring gamitin na

pambayad sa tuition, laboratory fees, uniporme, libro,

pagkain, pamasahe at iba pang gastusin ng grantee sa

paaralan.

Anu-ano ang mga dapat gawin ng grantee upang

makatanggap ng CEA?

Mag-patala kaagad sa CHED accredited educational

institution pagkatapos na maaprubahan ang

scholarship grant;

Kumuha ng full load batay sa naaprubahang

kurikulum;

Panatiliin ang markang 80% o katumbas nito at

walang bagsak na marka sa kahit anong asignatura;

Tapusin ang kursong kinuha sa loob ng naayon na

bilang ng taon;

Sumunod sa mga tuntunin at kondisyon na

nakasaad sa kontrata sa pagitan ng estudyante at ng

provider.

Paalala: Ang mga grantee ay maaring mapayagang

magpalit ng kurso sa loob lamang ng una hanggang

ikalawang taon sa kolehiyo sa kondisyong ang kukuning

kapalit na kurso ay naayon pa din sa mga natukoy na

prayoridad na kurso sa CEA.

Ang mga nakapagtapos na benepisyaryo ng CEA ay

maari ding obligahing mamasukan sa mga trabaho sa

industriya ng asukal sa loob ng dalawang taon, kung

masisigurong may nakahandang trabaho para sa kanila

o di kaya naman ay hikayating tumulong sa mga

proyektong pang-edukasyon sa mga mahihirap na

komunidad bilang kapalit ng tulong na natanggap.

Ano ang Technical Vocational Education and

Training Assistance o TVETA?

Ang TVETA ay tulong para masuportahan ang

pangangailangan ng mga manggagawa sa ilohan o

tubuhan sa edukasyon o pagsasanay, pag-aaral ng mga

teknolohiya o pagkuha ng mga praktikal na kasanayan

na magiging kapakipakinabang sa industriya ng asukal at

makakatulong sa kabuhayan at kita ng grantee.