1
Pebrero 2017 71 70 Liahona MGA BATA Ni Jessica Larsen Batay sa tunay na buhay “Ang Diyos ang [mahalin]; Buong pusong [gawin ang magagawa natin]” (Aklat ng mga Awit Pambata, 14). S iyam i-multiply sa pito ay 63. Anim i-multiply sa walo ay . . . 42? Hindi, mali iyon! Galit na binura ni Luca ang sagot niya. “Tapos na ang oras!” sinabi ng titser ni Luca. “Ipasa na ninyong lahat ang inyong pagsusulit.” “Naku po!” naisip ni Luca. “Pero hindi pa ako tapos!” Napabuntong-hininga si Luca nang ipasa niya ang kanyang pagsusulit. Kailangan niyang makakuha ng 90 porsyento sa kanyang inorasang pagsusulit para mai- pasa ang kanyang mga multiplication table at maging Eksperto sa Multiplication ng klase, ngunit hindi niya alam kung paano gagawin ito! Sa pag-aaral ng banal na kasulatan ng kanyang pamil- ya noong gabing iyon, nagbasa si Itay mula sa Doktrina at mga Tipan: “Samakatwid, kung ikaw ay hihingi sa akin ay makatatanggap ka; kung ikaw ay kakatok ay pagbubuksan ka” (D at T 6:5). Napaupo nang diretso si Luca. Iyon ang sagot! Panalangin! Nagsimula si Luca na magdasal bawat araw para maging magaling siya sa kanyang inorasang multi- plication test. Gagana ito. Kailangang gumana ito. Sa wakas, siya ay magiging isang Eksperto sa Multiplication! Noong Martes, umuwi si Luca mula sa paaralan at kinuha ang kanyang basketball. “Kailangan mo ba ng tulong sa pag-aaral?” tanong ni Inay. “Hindi po! Nagawan ko na po ng paraan!” sinabi ni Luca nang lumabas siya sa pinto. Sobra siyang naniwala sa pagdarasal na hindi na niya inilabas ang kan- yang mga flash card para mag-aral ng math. Noong Biyernes, alam ni Luca na maipapasa niya ang pagsusulit. Subalit pag- kaupo niya para sagutan ito, hindi dumating ang mga sagot, at mas mababa pa ang nakuha niya kaysa noong una! Nanlulumong naglakad si Luca pauwi mula sa bus stop. Nagdasal siya nang husto para maging Eksperto sa Multiplication. Bakit hindi sinagot ng Ama sa Langit ang kanyang panalangin? Nang makauwi siya, naglaro siya ng basketball hanggang umuwi si Itay mula sa trabaho. Bumusina si Itay nang palapit na siya. “Kumusta sa eskuwela?” tanong ni Itay. “Hindi po masyadong mabuti,” nakatungong sina- bi ni Luca. “Hindi ko maipasa ang aking pagsusulit sa multiplication.” “Nalulungkot akong marinig iyan,” sabi ni Itay. Itinaas niya ang kanyang mga kamay para pasahan siya. “Dapat ay pumasa ako!” sabi ni Luca. “Nagdasal ako nang husto. Itay, sabi mo na sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin. Tiyak na hindi Niya sinagot ang sa akin ngayon!” “Nagpraktis ka ba gamit ang iyong mga flash card?” tanong ni Itay. “Hindi po.” “Nag-aral ka ba talaga?” “Hindi po,” sabi ni Luca. “Pero nagdasal ako nang buong linggo!” Pinadribol ni Itay ang bola at tiningnan si Luca. “Sa totoo lang, tila pareho ang basketball at multi- plication. Paano ka naging napakagaling sa basketball?” “Nag-praktis po ako,” sabi ni Luca. “Tama, kaya kapag nagdasal tayo na tulungan ka ng Ama sa Langit bago maglaro, hindi natin ipinapanala- nging parang madyik na gawin ka Niyang mas magaling na basketball player. Ano ang ipinagdarasal natin?” “Na maalala ko po ang mga napraktis ko,” sabi ni Luca. “Tama. Napakabisa ng panala- ngin kapag ginagawa natin ang ating bahagi at hinihiling din sa Ama sa Langit na tulungan tayo,” sabi ni Itay. “Kaya ang bahagi ko ay ang pag-aralan ang aking mga flash card?” tanong ni Luca. “Tumpak,” sabi ni Itay, na ipinasa ang bola paba- lik kay Luca. Napabuntong-hininga si Luca at tumira. Tumalbog ang bola sa ring. “OK. Maraming dapat gawin. Pero sa tingin ko’y makapag-aaral po ako nang mabuti at mahi- hiling sa Ama sa Langit na tulungan ako.” “Ganyan nga!” sabi ni Itay. “O, handa ka na ba sa kaunting one-on-one?” Ngumiti si Luca at inagaw ang bola mula kay Itay. “Sige po! Basta po tutulungan rin po ninyo akong mag-aral.” “Sige,” sabi ni Itay. “Anim i-multiply sa walo ay” “Apatnapu’t walo!” sabi ni Luca, na tumira ulit. Sa pagkakataong ito ay pumasok ang bola sa ring. Sa gitna ng pagpapraktis at pagdarasal, magiging Eksperto siya sa Multiplication. ◼ Ang awtor ay naninirahan sa Texas, USA. MGA PAGLALARAWAN NI JOSH TIMOTHY Malapit na ang pagsu- sulit. Pero may plano si Luca. “Dati ay gusto kong matuto kung paano gawin ang mga monkey bar, pero nalaglag ako. Kaya sinubukan ko ulit, ngunit nalaglag uli ako. Hanggang sa pangatlong bar lang ang kaya ko. Nanalangin ako sa Ama sa Langit na tulungan akong maging matapang. Pagkatapos ng aking panalangin, nadama kong handa akong sumubok muli. Sa pagkakataong iyon ay umabot ako sa pang-apat na bar! Tapos ay sa panlima! Humuhusay na ako! Alam ko na tutulungan ako ng Ama sa Langit na maging matapang sa patuloy na pagsisikap para mas humusay pa ako.” Lily S., edad 7, Arkansas, USA sa Multiplication Eksperto

sa pang-apat na bar! Tapos ay sa panlima! …...70 Liahona Pebrero 2017 71 MGA BATA Ni Jessica Larsen Batay sa tunay na buhay “Ang Diyos ang [mahalin]; Buong pusong [gawin ang magagawa

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: sa pang-apat na bar! Tapos ay sa panlima! …...70 Liahona Pebrero 2017 71 MGA BATA Ni Jessica Larsen Batay sa tunay na buhay “Ang Diyos ang [mahalin]; Buong pusong [gawin ang magagawa

P e b r e r o 2 0 1 7 7170 L i a h o n a

MG

A BATA

Ni Jessica LarsenBatay sa tunay na buhay

“Ang Diyos ang [mahalin]; Buong pusong [gawin ang magagawa natin]” (Aklat ng mga Awit Pambata, 14).

Siyam i-multiply sa pito ay 63. Anim i-multiply sa walo ay . . . 42? Hindi, mali iyon!Galit na binura ni Luca ang sagot niya.“Tapos na ang oras!” sinabi ng titser ni Luca. “Ipasa

na ninyong lahat ang inyong pagsusulit.”“Naku po!” naisip ni Luca. “Pero hindi pa ako tapos!”

Napabuntong-hininga si Luca nang ipasa niya ang kanyang pagsusulit. Kailangan niyang makakuha ng 90 porsyento sa kanyang inorasang pagsusulit para mai-pasa ang kanyang mga multiplication table at maging Eksperto sa Multiplication ng klase, ngunit hindi niya alam kung paano gagawin ito!

Sa pag-aaral ng banal na kasulatan ng kanyang pamil-ya noong gabing iyon, nagbasa si Itay mula sa Doktrina at mga Tipan: “Samakatwid, kung ikaw ay hihingi sa akin ay makatatanggap ka; kung ikaw ay kakatok ay pagbubuksan ka” (D at T 6:5).

Napaupo nang diretso si Luca. Iyon ang sagot! Panalangin!

Nagsimula si Luca na magdasal bawat araw para maging magaling siya sa kanyang inorasang multi-plication test. Gagana ito. Kailangang gumana ito. Sa wakas, siya ay magiging isang Eksperto sa Multiplication!

Noong Martes, umuwi si Luca mula sa paaralan at kinuha ang kanyang basketball.

“Kailangan mo ba ng tulong sa pag-aaral?” tanong ni Inay.

“Hindi po! Nagawan ko na po ng paraan!” sinabi ni Luca nang lumabas siya sa pinto. Sobra siyang naniwala sa pagdarasal na hindi na niya inilabas ang kan-yang mga flash card para mag-aral ng math.

Noong Biyernes, alam ni Luca na maipapasa niya ang pagsusulit. Subalit pag-kaupo niya para sagutan ito, hindi dumating ang mga sagot, at mas mababa pa ang nakuha niya kaysa noong una!

Nanlulumong naglakad si Luca pauwi mula sa bus stop. Nagdasal siya nang husto para maging Eksperto sa Multiplication. Bakit hindi sinagot ng Ama sa Langit ang kanyang panalangin?

Nang makauwi siya, naglaro siya ng basketball hanggang umuwi si Itay mula sa trabaho. Bumusina si Itay nang palapit na siya.

“Kumusta sa eskuwela?” tanong ni Itay.“Hindi po masyadong mabuti,” nakatungong sina-

bi ni Luca. “Hindi ko maipasa ang aking pagsusulit sa multiplication.”

“Nalulungkot akong marinig iyan,” sabi ni Itay. Itinaas niya ang kanyang mga kamay para pasahan siya.

“Dapat ay pumasa ako!” sabi ni Luca. “Nagdasal ako nang husto. Itay, sabi mo na sinasagot ng Ama sa Langit

ang ating mga panalangin. Tiyak na hindi Niya sinagot ang sa akin ngayon!”

“Nagpraktis ka ba gamit ang iyong mga flash card?” tanong ni Itay.

“Hindi po.”“Nag-aral ka ba talaga?”“Hindi po,” sabi ni Luca. “Pero nagdasal ako nang

buong linggo!”Pinadribol ni Itay ang bola at tiningnan si Luca. “Sa

totoo lang, tila pareho ang basketball at multi-plication. Paano ka naging napakagaling sa

basketball?”“Nag-praktis po ako,” sabi ni Luca.

“Tama, kaya kapag nagdasal tayo na tulungan ka ng Ama sa Langit bago maglaro, hindi natin ipinapanala-nging parang madyik na gawin ka Niyang mas magaling na basketball player. Ano ang ipinagdarasal natin?”

“Na maalala ko po ang mga napraktis ko,” sabi ni Luca.

“Tama. Napakabisa ng panala-ngin kapag ginagawa natin ang ating bahagi at hinihiling din sa Ama

sa Langit na tulungan tayo,” sabi ni Itay.“Kaya ang bahagi ko ay ang pag-aralan ang

aking mga flash card?” tanong ni Luca.“Tumpak,” sabi ni Itay, na ipinasa ang bola paba-

lik kay Luca.Napabuntong-hininga si Luca at tumira. Tumalbog

ang bola sa ring. “OK. Maraming dapat gawin. Pero sa tingin ko’y makapag-aaral po ako nang mabuti at mahi-hiling sa Ama sa Langit na tulungan ako.”

“Ganyan nga!” sabi ni Itay. “O, handa ka na ba sa kaunting one-on-one?”

Ngumiti si Luca at inagaw ang bola mula kay Itay. “Sige po! Basta po tutulungan rin po ninyo akong mag-aral.”

“Sige,” sabi ni Itay. “Anim i-multiply sa walo ay”“Apatnapu’t walo!” sabi ni Luca, na tumira ulit. Sa

pagkakataong ito ay pumasok ang bola sa ring.Sa gitna ng pagpapraktis at pagdarasal, magiging

Eksperto siya sa Multiplication. ◼Ang awtor ay naninirahan sa Texas, USA.M

GA

PAG

LALA

RAW

AN N

I JO

SH T

IMO

THY

Malapit na ang pagsu-sulit. Pero may plano si Luca.

“Dati ay gusto kong matuto kung paano gawin ang mga monkey bar, pero nalaglag ako. Kaya sinubukan ko ulit, ngunit nalaglag uli ako. Hanggang sa pangatlong bar lang ang kaya ko.

Nanalangin ako sa Ama sa Langit na tulungan akong maging matapang. Pagkatapos ng aking panalangin, nadama kong handa akong sumubok muli. Sa pagkakataong iyon ay umabot ako

sa pang-apat na bar! Tapos ay sa panlima! Humuhusay na ako! Alam ko na tutulungan ako ng Ama sa Langit na maging matapang sa patuloy na pagsisikap para mas humusay pa ako.”

Lily S., edad 7, Arkansas, USA

sa MultiplicationEksperto