5
Proyekto sa Fil 2 Ipinasa nina: Jhoy Elannie Y. Bonutan Jesse Mar P. Caro Jico-Jee P. Diabakid Lloyd Anthony S. Olarte Dexter M. Zaspa Abril 23, 2013

Proyekto Sa Fil 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

:)

Citation preview

Page 1: Proyekto Sa Fil 2

Proyekto

sa

Fil 2

Ipinasa

nina:

Jhoy Elannie Y. Bonutan

Jesse Mar P. Caro

Jico-Jee P. Diabakid

Lloyd Anthony S. Olarte

Dexter M. Zaspa

Abril 23, 2013

Page 2: Proyekto Sa Fil 2

Disiplina: Earth Science/Biology

Kapag Pumula ang Tubig

1.)Buod

Ang Red Tide ay isang pandaigdigang suliranin na pwedeng bumagabag

sa mga tao sa isang iglap lamang. Ang terminong ito ay nagaganap sa ilang

lugar sa karagatan o tubig-alat. Bukod sa kulay-pula, pwede rin itong maging

kulay-kape o kulay-dilaw. Ang Red tide ay sanhi ng ilang uri ng dinoflagellates.

Ang dinoflagellate ay isang selulang lumot na may mga nakausling tulad-buhok

na tinatawag na flagellum (gamit sa paglangoy). Mayroong 2,000 na uri ng

dinoflagellates at karamihan sa mga ito ay nagtataglay ng mapaminsalang lason

na maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng mga lamang-dagat na isa sa mga

pangunahing pagkain nating mga tao. Ilan sa mga nagpapalubha ng epidemyang

ito ay ang duming natatapon o itinatapon natin sa karagatan at mga natural na

phenomena na sanhi ng kalikasan. Sa ngayon, hindi natin ito kayang lunasan

ngunit maaari natin itong maagapan sa pamamagitan ng pagiging responsable

sa pag-aalaga ng ating inang kalikasan.

Page 3: Proyekto Sa Fil 2

2.)Kongklusyon

Ang Red Tide ay hindi isang ordinaryong suliranin na pwedeng

ipagwalang-bahala nalang. Ito ay parang isang sakit ng dagat na kung hindi

maaagapan ay magdudulot sa mga tao ng pagkalason na pwedeng mauwi sa

kamatayan. Magiging dahilan rin ito ng paghina o pagkawala ng kabuhayan ng

mga mangingisda. Kaya, ang bawat tao ay dapat mamulat na sa pangyayaring

ito. Dapat iwasan na ng mga tao at ng ilang malalaking industriya na magtapon

ng mga dumi na maaaring mapunta sa katubigan. At, ang suliraning ito ay dapat

pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

3.)Damdamin- Matapos naming basahin ang teksto ay nakaramdam kami ng

matinding pakabahala. Hindi lang para sa amin kundi pati na rin sa ibang tao.

Lalo’t lalo na sa mga taong sa tabing-dagat nakatira at pangingisda ang

pangunahing ikinabubuhay.

Tono- Seryoso, dahil kalmado ngunit walang pag-aalinlangang ipinahiwatig ng

manunulat sa mga mambabasa ang isang impormasyong nakasalalay ang

kaligtasan ng sangkatauhan.

Pananaw- Unang panauhan (natin)

Page 4: Proyekto Sa Fil 2

4.)Hulwaran at Organisasyon

Depinisyon- Binigyang-kahulugan ng manunulat ang mga

terminong Red Tide, dinoflagellate, flagellum, atbp.

Problema at Solusyon- Itinalakay sa teksto ang suliranin na tungkol

sa Red Tide at kung paano ito malalapatan ng sapat na lunas.

Sanhi at Bunga- Itinalakay sa teksto ang mga kadahilanan ng

pagusbong ng Red Tide at ang mga epekto nito.

Pag-iisa-isa o Enumerasyon- Gumamit ng simpleng pag-iisa-isa

ang manunulat sa teksto kung saan itinalakay niya ang mga

sintomas ng pagkalason sa Red Tide.