Click here to load reader

Proyekto Sa Filipino at Religion 10

  • View
    157

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Proyekto Sa Filipino at Religion 10

Proyekto sa Filipino at Religion 10 Gng. Teresita Garlit G. Fredric Tan

_____________________________________

Ipiniresenta ni Neil Anthony D.L Florin 10-SPC

I.

KapanganakanA. Petsa at Lugar

Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1996 sa St. Vincent Hospital sa lungsod ng Parang Marikina City.

B. Pangalan, Edad, Trabaho ng mga magulang at kapatid Ang pangalan ng aking tatay ay Norman V. Florin. Siya ay nagtatrabaho sa isang kumpanya na ang tawag ay Success Unlimited Enterprises. Ito ay matataguan sa Quezon City. Siya ay 47 taong gulang at ipinanganak noong Mayo 9, 1965. Siya ang tumatayong Manager sa Collection Department ng kumpanya at pinagkakatiwalaan din siya sa ibang mga gawain.

Ang pangalan naman ng aking nanay ay Anna Lea D.L Flroin. Siya ay 41 taong gulang at ipinanganak noong Marso 5, 1970. Siya ay nagtatrabaho sa isang kilalang bangko na ang tawag ay Metrobank. Ito ay matatagpuan sa Sta. Elena, Marikina. Siya ay isang empleyado sa bangko na iyon.

Ang pangalan naman ng aking mga kapatid ay Adrian D.L Florin at Cedric D.L Florin. Ang aking kapatid na si Adrian ay 12 taong gulang at ipinanganak noong Hulyo 6, 2000. Siya ay nasa Ika-anim na baiting ng mababang paaralan at nag-aaral din siya sa paaralang Marist.

Ang aking kapatid naman na si Cedric ay 6 taong gulang at ipinanganak noong Nobyembre 22, 2005. Siya ay nasa Ika-unang baiting ng mababang paaralan at nagaaral din sa paaralang Marist.

C. Sino Ako? Ako si Neil Anthony D.L Florin, 15 taong gulang at ipinanganak noong Agosto 7, 1996. Ako ngayon ay nasa Ika-apat at Ika-huling taon na ng aking paglalakbay sa mataas na paaralan. Ako ay isang uri ng estudyante na masipag pag gusto ang kanyang ginagawa at gagawin ang lahat ng makakaya para makakuha ng mataas na marka sa eskuwelahan. Ako din ang uri ng estudyante na mahiyain sa publiko ngunit bukas sa aking mga kaibigan. Malalapitan dina ako kung ikaw ay may kailangan at madaling pakisamahan. Ang aking madalas na kahinaan ay madalas akong magpaapekto sa iba sa kanilang mga sinasabi tungkol sa akin. Pero ginagawa ko ang lahat para baliwalain ang kanilang mga sinasabi. Lagi akong nananalangin sa Diyos para gabayan ako araw-araw sa buhay. Sa tingin ko naman ay laging nakikinig ang Diyos sa akin sa tuwing ako ay mananalangin sa kanya sapagkat nararamdaman ko na lagi nya akong tinutulungan sa tuwing mayroon akong problema. Nandiyaan din ang aking mga magulang na laging umaalalay sa tuwing ako ay may problema kaya nagpapasalamat din ako na sila ang naging aking mga magulang.

D. Ano ang simbolo ng buhay ko? Ano ang sinasabi nito tungkol sa akin? Bakit? Para sa akin, ang simbolo ng aking buhay ay tubig dahil tulad ng tubig ako ay isang tao na marunong makisama sa iba at marunong makibagay at makiramdam sa mga tao. Ngunit tulad din ng tubig, madali akong maapektuhan nang sinasabi ng iba tungkol sa akin at madali rin akong maapektuhan ng mga nakapaligid sa akin. Ito ang sinasabi ng simbolo ng aking buhay tungkol sa akin dahil nirerepresenta nito ang aking mga katangian at sinisimbol nito ang paraang ng aking pamumuhay at pakikisalamuha sa tao.

E. Ano ang pinakamaganda kong katangian? Bakit? Ang pagtitiwala at pananalig sa Disyos ang pinakamaganda kong katangian dahil madalas akong magdasal sa kanya. Ako ay laging humihingi ng tulong sa tuwing ako ay may problema. Unang beses akong matutong magdasal noong ako ay bata pa lamang dahil tunuruan ako ng aking lola. Lagi din sinasabi sa akin ng aking mga magulang na lagi lang magdasal sa tuwing mayroon akong problema at sa tuwing ako ay natatakot.

F. Ano ang pinakamahina kong katangian? Bakit? Madaling maapektuhan sa sinasabi ng iba ang pinakamahina kong katangian dahil madalas kong iniintindi ang sinasabing iba tungkol sa akin. Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit madalas akong magpaapekto sa iba ngunit ginagawa ko ang lahat para mawala na ang mahina kong katangian kong ito.

II.

Pinag-aralan

A. Mga Paaralang Pinasukan Noong ako ay nasa nursery at kinder, ang paaralan na aking pinasukan ay IUF Montessori School na ngayon ay kilala na bilang IMS International Montessori School. Ang paaralang Marist naman ang aking pinasukan noong ako ay Prep hanggang ngayong Ika-apat na taon na sa mataas na paaralan.

B. Mga Parangal na Natanggap Noong ako ay nasa mababang paaralan, isa akong consistent honor at noong ako ay nasa ika-apat na baiting, kasama ng aking mga kagrupo ay nagwagi kami sa isang paligsahan sa larangan ng Matematika at kami ay nasa ikaunang pwesto.

C. Bilang isang mag-aaral ng Taong 10, ano ang mga hamon na kailangan kong harapin sa taon na ito? Bilang isang mag-aaral ng Taong 10, ang mga hamon na dapat kong harapin ngayong taon ay ang hamon ng pagiging handa sa kolehiyo sa susunod na taon. Para sa akin ito ang pinakamahirap na hamon na haharapin ko ngayon dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa para sa mga kakaharapin kong mga problema pag ako ay nasa kolehiyo na sa susunod na taon. Kasama na rin sa hamon na ito ay ang paghahanda ko sa mga pagsusulit upang makapasa ako sa mga kilala at prehisteryosong unibersidad ng pilipinas. Ang isa pang hamon na kakaharapin ko ngayong taon ay ang hamon ng responsibilidad at hirap ng pag-aaral ng isang estudyante na nasa ika-apat na taon ng mataas na paaralan. Dapat kong magampanan ng maayos ang responsibilidad ko ngayong taon upang makapagtapos na maganda ang iiwan kong ala-ala sa Marist. Dapat ko ding gampanan ang aking responsibilidad dahil magsisilbi din itong paghahanda bago ako mag-kolehiyo.

D. Handa ko na bang harapin ang buhay sa kolehiyo? Bakit? Alam ko sa sarili ko na malayo pa bago ako maging handa sa buhay kolehiyo dahil nasanay ako na malapit lang ang aking eskuwelahan sa aming bahay pero kung ako ay magiging estudyante ng isang unibersidad ay maninibago rin ako sa bago kong kapaligiran. Ang isa pang dahilan kung bakit hindi pa ako handa sa buhay kolehiyo ay hindi ko pa magagampanan ng maayos ang responsibilidad ng estudyante na nasa kolehiyo. Para magampanan ko ang responsibilidad ng isang estudyante na nasa kolehiyo ay kailangan kong seryosohin ang huling taon ko sa mataas na paaralan.

E. Handa ko na bang harapin ang bagong kabanata ng buhay ko? Bakit? Para sa akin, hindi pa ko handa na harapin ang bagong kabanata ng buhay ko dahil kailangan ko pang ihanda ang aking sarili na harapin an mas mahihirap na problema sa buhay at kailangan ko rin ihanda ang aking sarili na harapin at gampanan ng maayos ang mga magiging responsibilidad ko sa hinaharap.

III.

Buhay Pag-ibig

Hanggang ngayon ay wala pa akong nakakarelasyon. Kahit wala pa akong nakakarelasyon ay masya pa rin ako dahil nandyan ang aking pamilya para sumoporta sa akin. Mas gusto ko na rin na walang karelasyon dahil mas binibigyan ko nang prayoridad ang pagaaral kesa sa pag-ibig. Mas binibigyan prayoridad ko iyon dahil makakapaghintay pa ang buhay pagibig pero ang edukasyon ko ay ngayon lang at mas kailangan ko mas bigyan ng pansin iyon para maganda ang aking kinabukasan.

IV.

Kabiguan/Problema at Tagumpay

A. Bilang isang binata, anong personal na isyu o problema ang dapat kong bigyang pansin? Bakit ko ito gusto o kailangan bigyan ng pansin? Bilang isang binata ng henerasyon na ito, ang dapat na bigyan ko ng pansin ang personal na isyu ng pangmamaliit ng ibang tao sa akin. Gusto ko itong bigyan ng pansin dahil labis akong naaapektuhan nang sinasabi ng tao sa akin, mabuti man o masama. Dapat ko rin na bigyan ito ng pansin dahil gusto ko na maalis ang katangian kong ito. Maalis ko lang ito kung maniniwala lang ako sa aking sarili at hindi iintindihin ang sinasabi ng iba tungkol sa akin. V. Pangarap at Ambisyon A. Handa ba akong harapin at tumugon sa tawag at hamon ng Christian Social Responsibility? Bakit? Sa tingin ko, handa na ako sa hamon ng Christian Social Responsibility dahil alam ko na gagabayan ako ng Diyos upang magampanan ko ng tama ang aking responsibilidad sa bansa at sa aking pamayanan. Alam ko rin na kung ako ay magkamali sa aking tungkulin ay nandiyaan lagi ang Diyos upang ibalik ako sa mga tama kong Gawain. Alam ko rin na handa na ako dahil nandiyaan din ang aking mga magulang at mga kaibigan para suportahan ako na gawin ang lahat ng aking makakaya para magampanan ko ang aking tungkulin.

B. Bilang isang Kristiyano, ano sa palagay ko ang aking pinakamabigat na problema na hinaharap ng bansa sa ngayon? Bakit? Bilang isang anak ng Diyos, ang pinakamabigat na problema na kinakaharap ng bansa sa ngayon ay ang hidwaan ng bansa ng Pilipinas at ng Tsina sa usapin ng Scarborough Panatag Shoal. Para sa akin ito ang pinakamabigat na problema ng bansa ngayon dahil maaaring magkagulo at mawala ang kapayapaan sa relasyon ng Pilipinas at Tsina. Dapat ay magkaayos na ang dalawang panig dahil kapag lumala ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa ay apektado ang buong mundo. Ang isa pang dahilan kung bakit sila dapat magkaayos ay kung matapos man ang gulo sa pamamagitan ng karahasan ay walang tunay na panalo sa dalawa.

C. Paano ako makakatulong sa sarili kong paraan upang mabigyan ng solusyon ang problemang ito? Bilang isang normal na estudyante, wala akong masyadong maitutulong sa problemang ito ng bansa ngunit ang tanging magagawa ko lamang ay manalangin na sana ay magkaayos na ang dalawang bansa dahil walang magandang maidudulot ang pag-aaway nilan ito.

D. Sa buhay ko ngayon, sino ba ang Diyos? Sa buhay ko ngayon, ang papel ng diyos sa akin ay siya ang aking lakas ng loob na harapin ang mga hamon sa aking buhay. Siya din ang tumatayong sagot sa aking mga problema dahil lagi nyang binibigyan ng solusyon ang lahat ng aking problema at lagi nya akong tinutulungan sa tuwing kailangan ko ng tulong. Higit sa lahat, ang Diyos ang tagapayo ko dahil lagi nya akong binigbigyan ng payo sa tuwing ako ay may personal na problema at lagi niya akon

Search related