24
1

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

1

Page 2: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

2

Praymer sa Karapatan sa Pagkain

Copyright 2008Philippine NGO Coalition on Food Securityand Fair Trade (PNLC)

Pinangasiwaan niMylene Saluta

Isinulat niBernardo D. Larin

Niley-awt niArnel Rival

Iginuhit niEugene Bacasmas

*Ang babasahing ito ay nailathala sa tulongpinansyal ng Management andOrganizational Development forEmpowerment (MODE).

Para sa karagdagang impormasyon,kumontak sa:

Philippine NGO Coalition on Food Securityand Fair Trade (PNLC)c/o MODE #99 Matimtiman St., SikatunaVillage, Quezon CityTel. Nos. 435-365:2 at 426-1126E-mail: [email protected]: www.mode.org

Page 3: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

3

SA PAGKAIN

PRAYMER SAKARAPATAN

Page 4: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

4

ALAM MO BANG ISA RING

KARAPATAN ANG PAGKAKAROON

NG PAGKAIN SA ATING MGA HAPAG? HA? ANG ALAM KOLANG PO, DAPAT LAGI

AKONG BUSOG.HE-HE-HE.

(Nag-uusap ang magpinsang si Iska at si Kwatog. Si Iskaay dalagang 35-taong gulang at nagtatrabaho sa isanginstitusyong tumutulong sa mga magsasaka. Si Kwatognaman ay malusog na labindalawang taong batang lalaki.)

Iska: Hoy, Kwatog, alam mo bang ang pagkakaroon ngpagkain sa ating mga hapag ay isa ring importantengkarapatan?”

Kwatog: Ha? Ang alam ko lang dapat lagi akong busog,hehe. Pero seryoso, hindi ba pag sinabing human rights,tungkol ‘yan sa pagra-rally, torture at mga salvaging?

Page 5: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

5

Iska: Ayan, puro kasi pagkain nasa kukote mo. Anghuman rights ay hindi lamang mga pampulitikang kalayaantulad ng pagboto, freedom of speech, at iba pa. Kasamarin sa ating mga karapatan ang pagtiyak ng pamahalaangnatutugunan ang ating mga pangkabuhayan at panlipunangpangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, tirahan atkalusugan.

Isa pa, tila magkakakambal ang mga pampulitikangkarapatan at pang-ekonomiyang karapatan, nagtutulunganpara sa pangkabuuang kaunlaran, kalayaan, at dignidad ngbawat mamamayan.

Kwatog: Wow, parang batman & robin!

Iska: “Sandata nating mga mamamayan ang kalayaangmagpahayag at makisali sa pagpapatakbo ng pamahalaanupang makamit ang mga pangkabuhayan at panlipunangkagalingan. Halimbawa, paano magkakaroon ng sapat napasahod at benepisyo ang mga manggagawa kung hindisila mag-oorganisa at magsasagawa ng mga pagkilosupang maipaabot sa mga kapitalista at pamahalaan angkanilang mga kahilingan?”

Pero sa kabilang banda, hindi rin natin epektibongmagagamit ang mga kalayaang ito kung hindi natutugunanang ating mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain,edukasyon at kalusugan. Paano boboto nang maayos angisang taong walang pinag-aralan? O makakasama sa mgapampulitikang aktibidad ang mga taong ang laging iniisip ay

Page 6: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

6

kung saan manggagaling ang tanghalian o hapunan ngkanilang pamilya?”

Kwatog: “Ibig bang sabihin nito tungkulin ngpamahalaang bigyan tayo ng pagkain?” Yehey!!!

Iska: “Hmmm, oo pero sa ilangpagkakataon lang tulad ngkalamidad at gyera kung saankailangan ng tulong ng mgabiktima upang sila aymakakain nang maayos.

Tungkulin din nggobyernong tulungangmagkaroon ng pagkainang mga sektor at

BUKOD SA MALAYANGPAGPAPAHAYAG, KARAPATANDIN NATING MABUHAY NANG SAPAT.

TUNGKULIN BA NGPAMAHALAANG BIGYANTAYO NG PAGKAIN?

Page 7: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

7

mamamayang hindi kaya o nahihirapang makakuha ngsapat na pagkain tulad ng mga bata, matatanda, maykapansanan, at mga nagdarahop sa buhay.”

Iska: “Ayon sa United Nations (UN), ang karapatan sapagkain ay natutupad kung ang mga tao ay lagingnakakakuha o nakakabili ng sapat at masustansyangpagkaing nagtitiyak ng pisikal at mental na kalusugan at ngpamumuhay na may dignidad. Kailangan ding angkop sakultura ng mga tao ang mga pagkaing ito.”

AYON SA UN, NATUTUPADANG KARAPATANG ITO

KUNG TAYO AY NAKAKA-KUHA NG SAPAT ATMASUSTANSIYANG

PAGKAIN.

PAANO NATINMALALAMAN KUNG

NATUTUPAD NGA ITO?

Page 8: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

8

Kwatog: “Wow, hebigat naman ng pakahulugan mo sakarapatan sa pagkain pero sa tutoong buhay, paanomalalaman kung naisasakatuparan nga ba ito?”

Iska: “Dito papasok ang mga elemento ng karapatan sapagkain. Ibig sabihin, kung may nagkukulang sa mgasangkap na ito, may mga paglabag o problema sapagpapatupad ng karapatan sa pagkain.”

Kwatog: “Eh ano nga ‘yung mga elementong ito, angdami mo namang pasakalye.”

Iska: “Eto, ipaskil ko na lang sa dingding, baka mainip kapag inisa-isa ko, tulugan mo pa ko. Basahin mo na lang!”

Page 9: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

9

1. Dapat may food security o seguridad sa pagkain ang isangbansa at tiyaking tatagal ang mga likas na yaman nitongpinagkukunan ng pagkain para sa susunod na henerasyon.

2. Ang pagkain ay dapat na nagbibigay ng sapat na sustansyapara sa pisikal at mental na pag-unlad ng isang tao atupang magampanan niya ang kanyang papel at mga gawainsa buhay.

3. Kailangan ding ligtas ang pagkain mula sa anumangmapanganib na sangkap tulad ng dumi at lason dulot nghindi tamang pagproseso at kontaminasyon.

4. Presensya ng pagkain. Ibig sabihin, dapat may pagkainkapag kailangan ng mga tao. Maaaring itinanim oinalagaan nila sa mga bakuran nila o maaaring nabibili sapalengke o talipapa. Mangyayari lamang ito kung maymaayos na sistema ng produksyon at distribusyon ngpagkain sa bansa.

5. Pang-ekonomikong access sa pagkain. Dapatabot-kayang halaga ang presyo ng sapat napagkain at hindi nasasakripisyo ang ibangpangangailangan ng pamilya tulad ng edukasyon,kalusugan, bahay, at iba pa.

6. Pisikal na access sa pagkain. Ibig sabihin, angsapat na pagkain ay abot-kamay ng lahatmaging ng mga may kapansanan, mga sanggolat bata, at matatanda. Kailangan ding bigyanng ispesyal na atensyon ang mga biktima ngkalamidad, mga kaguluhan, at iba pangemergency situations.

7. Panghuli, dapat ding maging katanggap-tanggapsa mga tao ang pagkain batay sa kanilang kulturaat mga kinagawian.

KARAPATAN SA PAGKAINMGA ELEMENTO NG

Page 10: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

10

Kwatog: “Ngeks, madugong usapin pala itongkarapatan sa pagkain. Akala ko basta busog ang mga tao,ok na. Eh, di ba, noodles nga lang solve ka na?Napapanood ko nga sa T.V., Lucky Me ang ipinapamigay nggobyerno sa mga biktima ng baha.”

Iska: “Yun nga ang problema eh, kahit na merongAccelerated Hunger Mitigation Program (AHMP) ang atingpamahalaan, tila sablay ito sa mga elementong nabasanatin kangina. Halimbawa, ano bang sustansya angmakukuha ng mga tao sa noodles?”

“Pangalawa, hindi sapat na ibsan lamang ng gobyerno angkagutuman kundi tumbukin nito ang mga tunay naproblemang nagdudulot ng kahirapan at kagutuman saating mga kababayan.”

“Ito kasing AHMP ay tila pangpropaganda o pang-pogipoints lamang ng Pangulong Arroyo bilang reaksyon sainilalabas na survey ng Social Weather Station (SWS) nahumigit kumulang ay 20% o 3.8 milyong pamilyang Pilipinoang nagugutom. Mula sa bilang na ito, 725,000 na pamilyaang nakakaranas ng matinding kagutuman ”

Kwatog: “Waah, ang seryoso mo naman dyan! Peroano nga ba ang dapat na ginagawa ng pamahalaan upangmaisakatuparan ang karapatan sa pagkain?”

“Saka teka, bakit puro gobyerno ang inaasahan natin?”

Page 11: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

11

Iska: “Syempre, kaya nga tayo nagluklok ng pamahalaanat binigyan ito ng kapangyarihang mamuno dahil inaasahannating bibigyang katuparan nito ang ating mga karapatan.Bukod dito, ang gobyerno rin ang pumirma sa mgainternasyunal na kasunduan hinggil sa karapatang pantao,kasama na ang karapatan sa pagkain.

Pero tama ka, meron ding tungkuling dapat gampanan angmga tao para lubusang makamit ang kanilang mgakarapatan. Unang-una na nga dyan ay ang aktibongpakikilahok sa mga pampublikong usapin at pagkuha ngmga karapatan at benepisyong ibinibigay ng gobyerno.”

“Balik tayo sa pamahalaan, ang mga obligasyon nito sakarapatan sa pagkain ay pwedeng hatiin sa tatlo;

ANO BA MGA TUNGKULINNG PAMAHALAAN

KAUGNAY NG KARAPATANSA PAGKAIN?

ANG OBLIGASYON NGGOBYERNO SA KARAPATAN SA

PAGKAIN AY NAHAHATI SA TATLO:IRESPETO, PROTEKTAHAN, AT

ISAKATUPARAN ITO.

Page 12: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

12

irespeto, protektahan, at isakatuparan angkarapatang ito.”

Kwatog: “Ayan ka na naman, ang lalim mo na namangmagsalita, nagugutom tuloy ako!”

Iska: “Hindi, madali lang intindihin ‘to. Kapag sinabingirespeto ang karapatan sa pagkain, ibig sabihin hindi itodapat gumawa ng mga hakbang na puputol, hahadlang osisira sa kasalukuyang pinagkukunan ng pagkain ng mgatao.

PAANO NAMAN �YUNGPAGPROTEKTA SA

KARAPATAN SA PAGKAIN?

DAPAT IPAGTANGGOL NGGOBYERNO ANG PAGLIKHA OPAGKUHA NG PAGKAIN NGMGA TAO LABAN SA MGAMAKASARILING INTERES.

Page 13: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

13

Halimbawa, hindi ito dapat magpatupad ng mga proyekto oprogramang masama ang epekto sa kakayahan ng mgakagubatan, pangisdaan, at mga lupang sakahan na lumikhang pagkain.”

Kwatog: “Paano naman ‘yung pagprotekta sakarapatan sa pagkain?”

Iska: “Ito naman ‘yung mga aksyon at hakbang nakailangang gawin ng pamahalaan upang ipagtanggol angpaglikha o pagkuha ng pagkain ng mga mamamayan labansa mga makasariling interes.

Matingkad na halimbawa nito angtungkulin ng gobyernongpangalagaan ang kapaligiran atlikas na yaman laban saoperasyon ng mapanirangpagmimina. Ngunit kabaligtarannito ang nangyayari, mismongpamahalaan pa ang nag-iimbitasa mga dambuhalangkorporasyong magmina.

Hindi na ito natuto sa mga trahedyang naganap kaugnay ngpagmimina tulad ng nangyari sa Marinduque kung saanisang buong ilog ang namatay dahil sa pagdaloy ng lasongkemikal mula sa minahan ng Marcopper. Ang tinamaan ngmagaling na korporasyon, hindi man lang tumulong sa pag-aayos ng mga sinira nito at wala rin namang nagawa ang

* PAGMIMINA* SIRANG KALIKASAN* KAKULANGAN SA PAGKAIN

Page 14: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

14

gobyerno natin para pagbayarin ito.

Isa ring halimbawa ng dapat na pangangalaga ngpamahalaan sa ating karapatan sa pagkain ay ang mahigpitna pagbabantay sa mga pagkaing ibinebenta sa mgapamilihan. Kailangan nitong tiyaking ligtas at masustansyaang mga pagkaing binibili ng kanyang mamamayan.”

Kwatog: “Eh paano naman isasakatuparan nggobyerno ang karapatan sa pagkain?” Kapag mamimigayng pagkain, sama ko dyan ah!

Iska: “Dito naman papasok ‘yung mga positibonghakbang at mga polisiyang dapat na ipatupad ng atingpamahalaan upang matugunan ang mga suliraning hadlangsa pagkakaroon ng sapat na pagkain ng ating mgakababayan.

Unang-una na rito ang pagpapatupad ng repormangagraryo at pagsuporta sa agrikultura para lalong magingproduktibo at umangat ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Pagpapatayo ng mga kalsada upang bumilis angpagbibyahe ng mga produkto at iba pang imprastrukturanglalo pang magpapataas ng produksyon ng agrikultura atmakakatulong sa pagproseso ng pagkain.

Isa pa, mahalaga ring arugain ng pamahalaan ang kanyangmga manggagawa at tiyaking may sapat na hanap-buhayat makatarungang kondisyon sa paggawa upang

Page 15: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

15

magkaroon sila ng sapat na kita at kaseguruhan sapagkain.

Kailangan ding magpatupad ng mga polisiyang magbibigayproteksyon sa ating mga lokal na produktong pagkain atlokal na industriya laban sa pagdagsa ng mga imported napagkain mula sa ibang bansa.

Mahaba pa ang listahan ng mga dapat gawin ngpamahalaan pero ang malinaw dapat makitang ibinubuhos

PAANO NAMAN MAISASAKATUPARAN NGGOBYERNO ANG KARAPATAN SA PAGKAIN?

ITO NAMAN �YUNG MGA KONGKRETONGHAKBANG AT MGA POLISIYANG DAPAT

IPATUPAD PARA MAKATULONG SA MGA TAONGMAGKAROON NG SAPAT NA PAGKAIN.

Page 16: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

16

nito ang lahat ng kakayahan at kalakhan ng budget nito samga programang mag-aangat sa kabuhayan at magbibigayng mga batayang serbisyo sa ating mamamayan.

At syempre, kailangang nakikinig din ito sa pananaw athinaing ng taumbayan at bukas sa partisipasyon ngmamamayan sa pagsasakatuparan ng mga karapatangpantao.”

Kwatog: “Naku kung saan-saan na tayo nasuot, ehkarapatan sa pagkain lang ang pinag-uusapan natin.Napapakunot ang noo ko!”

Iska: “Ganyan talaga, magkakaugnay ang mgaproblema, kung paanong magkakaugnay din ang mga

KAILANGAN DIN NG MGA POLISIYANGMAGPOPROTEKTA SA MGA LOKAL NA

PRODUKTONG PAGKAIN LABAN SAMGA IMPORTED NA PAGKAIN.

MASALIMUOT PALANGUSAPIN ANG KARAPATAN

SA PAGKAIN.

Page 17: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

17

karapatan. Pero kung iisipin mo nga, simple lang, kapagmay sapat na kita ang mga tao at alam ang tamangnutrisyon, malaki ang tsansang makamit nila ang kanilangkarapatan sa pagkain.

“Pero ang problema nga, maraming pagkukulang at mgapaglabag sa karapatang pantao na ang resulta ay ibayongpaghihirap, kagutuman at kawalang pag-asa sa bahagi ngmga mamamayan.

Kwatog: “Sige nga,anu-ano ba ‘yang mgasinasabi mong paglabagsa karapatan sa pagkain?Mahirap na baka malabagkarapatan ko, magutom ako,hindi pwede yan!”

Iska: “Uy, sa wakastumama ka rin! Isa ngangpaglabag sa karapatan sapagkain kapag may mgataong laging nakakaranasng pagkagutom at hindi itonatutugunan ngpamahalaan.

Ganundin, kapag may pinagkaitan ng pagkain o ng paraanpara makakuha ng pagkain dahil sa kanilang kulay, lahi,kasarian, edad, relihiyon, at paniniwala. Halimbawa, kapag

ISANG PAGLABAG SAKARAPATAN SA PAGKAIN PAGMAY MGA TAONG LAGINGNAKAKARANAS NG GUTOM.

ANU-ANO PO BAANG MGA

PAGLABAG SAKARAPATAN SA

PAGKAIN?

Page 18: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

18

may dumarating na tulong na pagkain sa barangay, angkadalasang binibigyan lamang ng kapitan ay ‘yung mgakakampi nya sa pulitika. Maling-mali ito sapagkat isa itonguri ng diskriminasyon.

Nilalabag din ng pamahalaan ang karapatan sa pagkainkapag pumapasok ito sa mga internasyunal na kasunduannang hindi tinitingnan ang epekto nito sa kakayahangmakakuha ng pagkain ng mga tao. Matingkad nahalimbawa nito ang pagpasok natin sa General Agreementon Tariffs and Trade (GATT) sa ilalim ng World TradeOrganization (WTO), kung saan talo tayo dahil kahit namura ang tinatambak nilang pagkain dito, lugi naman angmga magsasaka at iba pang mga lumilikha ng pagkain dito.Saan ngayon sila kukuha ng pambili ng pagkain kungpatuloy na maghihingalo ang ating lokal na agrikultura atindustriya?”

“Sablay din kapag nagpasa ng mga batas, polisiya, atprogramang makakahadlang sa pagkakaroon o pagkuha ngpagkain ng mga tao tulad ng pag-convert sa mga lupangsakahan o kaya ay paghikayat sa malakihang pagto-trosoat pagmimina.

Sa kabilang banda, palpak din ang gobyerno sa karapatangito kapag hindi nakapagpatibay at nakapagpatupad ng mgabatas at patakarang magpapahusay sa produksyon ngpagkain at mag-aangat sa kabuhayan ng mgamamamayan.”

Page 19: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

19

Kwatog: “Eh paano nga mapapabuti ang kalagayan ngmga mahihirap? Ang tagal-tagal na ‘yang problema ngPilipinas, wala ngang presidenteng nakagawa n’yan.”

Iska: “Halimbawa, sa mga magsasaka, bakit ba silanaghihirap? Kasi bukod sa wala pa rin silang mga sarilinglupa, kulang din ang kanilang puhunan upang mapaunladnila ang kanilang mga bukirin. Ganundin, kulang na kulangang mga imprastruktura tulad ng mga kalsada upangmabilis na madala ang kanilang mga produkto sa mgapamilihan.

Sa mga manggagawa naman, kabi-kabila ang paglabag sakanilang mga karapatan na humahantong sa pagigingmiserable ng kanilang mga buhay tulad ng hindi pagbibigay

PAANO POMAPAPABUTI ANGKALAGAYAN NG

MGA MAHIHIRAP?

KAILANGANG MAIPAMAHAGI ANGLUPA SA MGA MAGSASAKA ATMABIGYAN SILA NG SUPORTA.ANG MGA MANGGAGAWA

NAMAN AY DAPAT NAMAKATANGGAP NG SAPAT NAPASAHOD AT MGA BENEPISYO.

Page 20: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

20

ng makatarungang pasahod at mga benepisyo.Binabawalan din silang mag-unyon at hindi na rin silanakakatikim ng mga benepisyo ng regular na trabahadordahil ang uso ngayon ay kontraktwalisasyon.

O kaya naman, paano makakaangat man lamang sa buhayang mga mahihirap kung kulang na kulang ang serbisyongpanlipunang nagmumula sa pamahalaan tulad ngedukasyon, kalusugan, pabahay, at iba pa. Ang problemakasi, hindi na nga prayoridad ng gobyerno ang mgaserbisyong ito, ibinubulsa pa ang kakarampot na budget napara sana sa mga pangangailangang ito.

Oo nga pala, paglabag din sa karapatan ang hindipaglalaan ng pamahalaan ng maksimum na resources opinakamataas na budget para sa katuparan ng mga

ILAN LAMANG ITO SA MGA PROBLEMANGDAPAT HANAPAN NG SOLUSYON NG

GOBYERNO PARA MAIBSAN ANGKAGUTUMAN NG MGA TAO.

ANG GALING MO NAMANATE ISKA. PWEDE KA NA SASUSUNOD NA ELEKSYON.

Page 21: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

21

karapatang pangkabuhayan tulad ng pagkain. Maituturingding paglabag sa karapatang pantao ang pangungurakot sapondo ng bayan at ang kawalan ng kakayahan ngpamahalaang pigilan ito.

Ilan lamang ito sa mga problemang kailangang hanapan ngpangmatagalang solusyon ng pamahalaan kung sinserotalaga ito sa paglutas sa problema ng kagutuman atmatiyak ang karapatan sa pagkain ng mga Pilipino.”

Kwatog: “Naks, ang galing mo naman Ate Iska. Pwedeka nang mangampanya sa susunod na eleksyon.”

Iska: “Ngeks, mangangampanya nga tayo pero hindi saeleksyon ng mga trapo.Ikampanya natin angpagkilala at pagtupad ngpamahalaan sa karapatansa pagkain ng mgakababayan natin!”

Kwatog: (Kamot ulo) “Ehpaano?”

Iska: “Marami tayong pwedenggawin. Simulan natin sa ngpagdaraos ng mga talakayan saating mga barangay,iskwelahan, at maging samga organisasyong

PAANO PO NATINGAGAWIN �YUN?PARANG HINDI

NAMAN NAKIKINIGMGA NASAGOBYERNO.

MAGKAKAMPANYA TAYOPERO DI SA ELEKSYON KUNDIPARA KILALANIN AT IPATUPAD

NG GOBYERNO ANGKARAPATAN SA PAGKAIN.

Page 22: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

22

kinabibilangan natin.

Maaari rin tayong maglunsad ng mga pakikipag-dayalogosa ating mga lokal na opisyal at kinatawan ng mga ahensyang pamahalaan na may kinalaman sa pagkain. Pwedenatin silang hikayating magsagawa ng food securityplanning o pagpaplano kung paano makakamit angkaseguruhan sa pagkain sa ating komunidad.

Pwede rin tayong maging aktibo sa mga local developmentcouncils at dito ipasok ang usapin ng karapatan sa pagkainat magsulong ng mga lokal na polisiyang magtataguyod sa

karapatang ito.

Saka mahalaga ring makatulongnatin ang media sa kampanyangito dahil sa lawak ngpopulasyong naaabot nito.Halimbawa, epektibo natingmapapaabot ang kaalaman satamang nutrisyon sa

pamamagitan ng radyo at T.V.

Kwatog: “Teka, sino ba tinutukoymong gagawa n’yan? Tayong dalawalang? Hehe.”

Iska: “Oo nga pala. Syempremas ok kung makakapagbuo tayo ng mga samahan sa

SINO PWEDENGGUMAWA

NYAN? TAYONGDALAWA LANG?

HE-HE-HE.

MAGTAYO NG MGASAMAHANG

MAGSUSULONG NGKARAPATAN SA PAGKAIN.

Page 23: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

23

ating mga komunidad na magsusulong sa ating interestulad ng karapatan sa pagkain. Sabi nga, mas magandakung marami at sama-sama.”

Kalaunan, pwede nang magkatulungan ang mga lokal naorganisasyon at sa pambansang lebel naman magtutulakng mga reporma, batas, polisiya, at mga programangmagrerespeto, magtatanggol, at magbibigay katuparan samga karapatang pantao tulad ng karapatan sa pagkain.”

Kwatog: “Yehey!Pagkatapos nun, pwedenang tumakbongpresidente si AteIska!”

Iska: “Ikawtalaga, tumigilka na nga.Halika tulunganmo na lang akodito sa dino-drowingkongposter.”

YEHEY! ATE ISKA,PWEDE KA NANG

TUMAKBONGPRESIDENTE!

IKAW TALAGA, HALIKA,TULUNGAN MO NA LANG AKONG

GUMAWA NG POSTER. IKAWNAMAN ANG MAG-DROWING.

Page 24: PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGKAIN

24