4
KAB. 9|9L 2: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD 385 9L 2: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD – MGA SENYALES SA PAGKAIN AT PAKIKIPAG-UGNAYAN KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN 15 Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan nila. Sa paggamit ng mga tunog, kilos ng katawan at mga ekspresyon ng mukha (na tinatawag rin na senyas), nalalaman ng mga tagapangalaga kapag handa na silang kumain at natutuwa sa mga interaksiyon, at kapag kailangan rin nila ng pahinga o kapag busog na. Mahalaga ang mga senyas dahil natutulungan nila ang mga tagapangalaga na maunawaan ang pangangailangan ng mga bata kapag hindi nila kayang magsalita. Kapag nakilala at nirespeto ng mga tagapangalaga ang mga senyas na ito, nagiging mas matagumpay ang pagpapakain at mga interaksiyon sa mga bata. Gamitin ang tsart na ito at mga larawan bilang sanggunian para sa pagkilala sa mga senyas. Hayaan ninyong gabayan kayo nito sa pagtugon sa mga batang nasa pangangalaga ninyo. May mga senyas na halata at may ilan na hindi halata. Ang dalawang pangunahing uri ng senyas na ibinabahagi sa manwal na ito ay: Mga Senyas sa Paglahok – mga senyas na “handa nang magsimula” Mga Senyas sa Pagtigil – mga senyas na “handa nang magpahinga” MGA SENYAS SA PAGLAHOK MGA SENYAS SA PAGTIGIL o Matingkad at dilat ang mga mata o Malumay ang mga kilay ngunit nakataas o Maaliwalas ang mukha o Nakangiti o Tumititig sa iba o Humahagikhik o Nag-iingay nang masaya o Gumagawa ng mga tunog na parang kumakain (sumusupsop, pinatutunog ang labi o dila) o Ibinabaling ang ulo at katawan patungong tagapangalaga at sa pagkain o likido o Nasa bibig ang kamay o Nasa ilalim ng baba ang kamay o Nasa ibabaw ng tiyan ang kamay o Nakabukas ang palad at nakaunat nang maluwag ang daliri o Nakaabot ang braso papuntang tagapangalaga at/o sa pagkain o likido o Banayad at dahan-dahan na mga kilos ng katawan (hindi pabigla- bigla, matigas o pawasiwas) o Bagot na itsura ng mata at mukha o Nakakunot o nakababa ang kilay o Nakasimangot, nakanguso, umiiyak o Nakakunot ang noo o Kumukurap ang mata o nakapikit nang madiin o Umiiwas ng tingin sa iba o Nakasara nang madiin ang labi o Mabilis ang paghinga o Mas madalas ang ingay at kilos ng pagsupsop o Nag-aalburoto, umaangal o umaatungal o Umuubo, nabibilaukan, namumuwalan, lumuluwa, dumudura o nasusuka o Naghihikab o sinisinok o Umiiling o Inilalayo ang ulo at katawan mula sa tagapangalaga at sa pagkain o likido o Inilalapit ang kamay sa tainga, mata o sa likod ng ulo at leeg o Nagsasabi ng “hindi” o “tigil” gamit ang mga kamay o Pinagsasama ang kamay o Iniuunat at ibinubuka ang mga daliri o Kumakapit sa sariling mga damit at/o sa katawan o Hinahampas ang mesa/tray at ikinakaway ang mga braso pataas at pababa o Tumutulak o humihila palayo sa pagkain o tagapangalaga o Nakaunat o naninigas ang mga braso at/o hita o Sumisipa o Gumagapang o lumalakad palayo o Nakakatulog agad kapag pinapakain

KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN · KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN. 15. Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan

  • Upload
    others

  • View
    81

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN · KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN. 15. Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan

K AB . 9 | 9 L 2 : MG A H A N D OU T P A R A SA MG A T AG A PA N G A LA G A

A T MG A KO MU N I D A D

385

9L 2: MGA HANDOUT PARA SA MGA TAGAPANGALAGA AT MGA KOMUNIDAD – MGA SENYALES SA PAGKAIN AT PAKIKIPAG-UGNAYAN KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN15 Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan nila. Sa paggamit ng mga tunog, kilos ng katawan at mga ekspresyon ng mukha (na tinatawag rin na senyas), nalalaman ng mga tagapangalaga kapag handa na silang kumain at natutuwa sa mga interaksiyon, at kapag kailangan rin nila ng pahinga o kapag busog na. Mahalaga ang mga senyas dahil natutulungan nila ang mga tagapangalaga na maunawaan ang pangangailangan ng mga bata kapag hindi nila kayang magsalita. Kapag nakilala at nirespeto ng mga tagapangalaga ang mga senyas na ito, nagiging mas matagumpay ang pagpapakain at mga interaksiyon sa mga bata. Gamitin ang tsart na ito at mga larawan bilang sanggunian para sa pagkilala sa mga senyas. Hayaan ninyong gabayan kayo nito sa pagtugon sa mga batang nasa pangangalaga ninyo. May mga senyas na halata at may ilan na hindi halata. Ang dalawang pangunahing uri ng senyas na ibinabahagi sa manwal na ito ay:

① Mga Senyas sa Paglahok – mga senyas na “handa nang magsimula” ② Mga Senyas sa Pagtigil – mga senyas na “handa nang magpahinga”

MGA SENYAS SA PAGLAHOK MGA SENYAS SA PAGTIGIL

o Matingkad at dilat ang mga mata o Malumay ang mga kilay ngunit

nakataas o Maaliwalas ang mukha o Nakangiti o Tumititig sa iba o Humahagikhik o Nag-iingay nang masaya o Gumagawa ng mga tunog na

parang kumakain (sumusupsop, pinatutunog ang labi o dila)

o Ibinabaling ang ulo at katawan patungong tagapangalaga at sa pagkain o likido

o Nasa bibig ang kamay o Nasa ilalim ng baba ang kamay o Nasa ibabaw ng tiyan ang kamay o Nakabukas ang palad at nakaunat

nang maluwag ang daliri o Nakaabot ang braso papuntang

tagapangalaga at/o sa pagkain o likido

o Banayad at dahan-dahan na mga kilos ng katawan (hindi pabigla-bigla, matigas o pawasiwas)

o Bagot na itsura ng mata at mukha o Nakakunot o nakababa ang kilay o Nakasimangot, nakanguso, umiiyak o Nakakunot ang noo o Kumukurap ang mata o nakapikit nang madiin o Umiiwas ng tingin sa iba o Nakasara nang madiin ang labi o Mabilis ang paghinga o Mas madalas ang ingay at kilos ng pagsupsop o Nag-aalburoto, umaangal o umaatungal o Umuubo, nabibilaukan, namumuwalan, lumuluwa, dumudura o

nasusuka o Naghihikab o sinisinok o Umiiling o Inilalayo ang ulo at katawan mula sa tagapangalaga at sa pagkain

o likido o Inilalapit ang kamay sa tainga, mata o sa likod ng ulo at leeg o Nagsasabi ng “hindi” o “tigil” gamit ang mga kamay o Pinagsasama ang kamay o Iniuunat at ibinubuka ang mga daliri o Kumakapit sa sariling mga damit at/o sa katawan o Hinahampas ang mesa/tray at ikinakaway ang mga braso pataas

at pababa o Tumutulak o humihila palayo sa pagkain o tagapangalaga o Nakaunat o naninigas ang mga braso at/o hita o Sumisipa o Gumagapang o lumalakad palayo o Nakakatulog agad kapag pinapakain

Page 2: KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN · KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN. 15. Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan

K AB . 9 | 9 L 2 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A

A T MG A KO MU N I D A D

386

MGA SENYAS SA PAGLAHOK

Tumititig sa Iba Umaaliwalas ang Mukha Maningning at Dilat ang Mata

Nakangiti at Nasa Bibig ang Kamay

Nasa Bibig ang Kamay Nakabaling ang Ulo sa Tagapangalaga

Ang mga senyas sa paglahok ay mga senyas na nagugutom na ang bata at handa na silang makipag-ugnayan sa iyo.

Kapag nagpapakita ang bata ng mga senyas na ito, binibigyan ka niya ng berdeng ilaw para bigyan siya ng pagkain o ugnayan.

Page 3: KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN · KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN. 15. Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan

K AB . 9 | 9 L 2 : MG A H A N D OU T PA R A SA MG A T AG APA N G A LA G A

A T MG A KO MU N I D A D

387

MGA SENYAS SA PAGTIGIL

Ang pag-iyak ang pinakahuling senyas na ginagamit ng sanggol para mapakitang gutom siya. Magdudulot ng mas madaling pagpapakain at mas masasayang mga sanggol ang pagpansin sa maagang mga senyas na gutom na ang sanggol bago sila magsimulang umiyak. Tingnan ang mga senyas—hindi ang orasan.

Papaiyak o Ngumingiwing Mukha

Nakabuka ang Daliri at Nakainat Humihikab

Ang mga senyas sa pagtigil ay mga senyas na busog na ang bata o labis-labis ang interaksiyon na mayroon sila.

Kapag nagpapakita ang bata ng mga senyas na ito, binibigyan ka niya ng pulang ilaw para tumigil siyang pakainin, bigyan siya ng pahinga at tulungan siyang kumalma. Nakatutulong ang pagpasok ng mga Gawain sa pagpapakalma (sumangguni sa Apendiks 9K).

Kumakapit sa Sarili Umiiwas ang Ulo at Nakakunot ang Kilay

Nakakunot ang Kilay at Nakahawak ang Kamay sa

Tainga

Page 4: KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN · KOMUNIKASYON NG BATA SA PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN. 15. Maraming paraan ang mga sanggol at bata na maipahayag nila ang mga gusto at pangangailangan