Po at Opo Sa Dugo Ng Liping Bayanihan

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/25/2019 Po at Opo Sa Dugo Ng Liping Bayanihan

    1/4

    PO AT OPO SA DUGO NG LIPING BAYANIHAN

    ng Sangapulo Lucinda Ocampo

    Isang gawing nakasanayan na sa ating mga Pilipino ay ang pagsabi ng po

    at opo sa mga nakatatanda. Nagtatawagan din tayo ng kuya at ate, tito at tita, tay

    at nay, boss at madam, pogi at maganda, bagaman hindi naman magkaano-ano.

    Bahagi na ng ating malawak na kultura ang pagiging magalang. Ang katangian

    nating ito ang nagbibigay ng kaibahan sa mga Pilipino sa ibang lipi ng tao.

    Ang wika at kultura ay magkabuhol, parang mag-asawang magkatambal

    sa diskarte upang mabuhay. Samakatuwid ay pinapasigla ng ating mabuting

    pananalita ang kultura ng bayan ng mga bayani. Ayon kay Alfred Whitehead

    !"#$%, ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito& bawat wika

    ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. 'indi man

    napapansin at hindi man naipagpapagmamalaki ng karamihan sa atin, ang po at

    opo ay nakaugalian na ng mahabahaba nang salinlahing Pilipino na mula pa sa

    pinag-ugatan ay may kultura nang napakagalang at napakamapagkumbaba.

    Ang (po at opo) ay di umanong nagbuhat mula sa apo at oo apo, na sa

    kinalaunan ay umikli lamang. Ito ay dahil sa dalas ng paggamit, tulad ng nangyari

    sa paggamit ng (silent *) sa Ingles, kung saan dahil mas madaling bigkasin ang

    (knife) bilang (nayf) kaysa sa unang bigkas nito na (ku-nayf) ay nawala ang

    tunog ng titik k. *ung susuriin muli ang halimbawang ito, nagbabago ang wika o

    salita sa dalas ng paggamit nito. Ang apo sa sinaunang wikang katutubo ay

    maaaring magpakahulugan sa +aykapal o sa matanda o sa isang panginoon. Isa

    itong ebidensya na mula pa sa sinauna nating kinabihasnan ay nakatatak na sa

    isang Pilipino ang pagiging magalang at mapagkumbaba, bilang mga taong

    naniniwala sa halaga ng karangalan sa pagpapakababa.

    Isa pang gawi na hindi dapat kaligtaan ng isang Pilipino ay ang

    pagmamano sa nakatatanda. *abahagi ng paghatid ng pananampalatayang

  • 7/25/2019 Po at Opo Sa Dugo Ng Liping Bayanihan

    2/4

    *ristyano, ang mga spanyol ang nagturo sa atin sa pagmamano, na nag-umpisa

    sa paghalik sa mga kamay ng mga prayle. *ung ikukumpara ang nakasanayang

    pagmamano natin sa mga spanyol maging sa ibang kanluraning bansa, tanging

    ang mga iginagalang sa Simbahang *atoliko lamang ang hinahandugan ng

    ganitong pagpapakita ng mabuting-asal. Naging kultura na ng mga Pilipino ang

    humingi ng pahintulot sa mga nakatatanda upang basbasan sila para sa biyaya at

    mabuting kapalaran. Ang kaugaliang ito ay hindi lamang nag-uudyok ng

    paggalang sa mga nakatatanda, kung hindi pati rin ang pagkilala sa karunungan

    na naipon sa di mabilang na uban ng kanilang buhok sa bawat araw ng parehong

    pagsubok at biyaya, at kasawian at mainam na kapalaran.

    Ang isang banyaga sa ating bansa ay hindi malilimutan ang kanyang

    pagdayo hindi lamang dahil sa mga sining na likas na kanyang makikita sa

    Pilipinas na lupain ng gintot bulaklak, ngunit pati na rin sa pag-ibig na nasa

    kanyang palad, ika nga ng makatang si 'useng Batute. *ilala ang mga Pilipino sa

    kagandahang-loob at sa magiliw na pagtanggap sa mga bisita. Isang kahihiyan sa

    isang Pilipino ang hindi magpakita ng respeto at hiya sa napadayo. Bukod dito,

    hindi matitiis ng isang Pilipino ang kapanabikang makakilala ng mga tao at

    maipakilala rin ang sarili sa mga ito. Alinman sa dalawang kadahilanang ito, hindi

    maikakailang bukas ang tahanan ng isang uan /ela 0ru1 kahit pa siya ay

    mangutang para sa maipapakain sa mga bibisita. Ang tahanan ng isang Pilipino ay

    laging para sa mga tao.

    Nang ang tahanan ng isang uan ay gawa pa sa kawayan at pawid, hindi

    na kinakailangan ng de-gulong na asero upang ihatid ang maglilipat-bahay sa

    bagong lupang katitirikan ng mapagtanggap na pamilya. Ang kailangan lamang

    ay ilang matitikas na balikat, at sapat na maihahandog para sa meryenda. Ang

    bayanihan ay ang pakikipagkapwa-tao na hanggang ngayon ay nakapagpapatindig

    sa balahibo ng mga dayuhang pinagpalang makakita nito.

    2ikas ang pagiging matulungin ng lahing kayumanggi, na hanggang

    ngayon ay sapat na ang isang monay at inumin, o kahit man lang ng isang

    matamis na ngiti, o ng matimyas na pagsabi ng (Salamat,) bilang gantimpala sa

  • 7/25/2019 Po at Opo Sa Dugo Ng Liping Bayanihan

    3/4

    isang kawanggawa. 'indi lamang ito, ang bayanihan ay kumakatawan sa sama-

    samang pagkilos kahit nabibigatan na, kahit ang lalakarin pa ay isang milyang

    buhangin at bato, kahit nabibilad sa matalim na sikat ng araw, alang-alang lamang

    sa hangaring maitawid ang isang tahanan sa isang mas mainam na katatayuan.

    Nakalulungkot mang isipin, subalit sa panahon ngayon na semento at

    graba na ang mga gahiganteng mga tahanang naiilawan na ng samut saring

    inobasyon, tila unti-unting naging mabigat at matigas na rin ang mga kamay ng

    isang Pilipino, at maging ang dilang datiy tikom sa poot ay nakakukuryente na.

    Saksi ang kontemporaryong may-akda na si Bob 3ng sa pagbabagong

    kultural na ito. Naibahagi niya sa kanyang aklat na Stainless Longganisa, na

    pagkatapos niyang tumulong sa isang tao ay tinanong siya nito ng, (Bakit4) Ayon

    pa sa kanya, (Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit mas abala ang mga tao

    sa pagtatanong kung bakit meron silang mga kapwang tumutulong, sa halip na

    tanungin ang sarili nila kung bakit sila e hindi. +asama na ba talaga sa panahon

    ngayon ang gumawa ng mabuti at kailangan mo na itong ipaliwanag4) 3o at

    nakaligtas ang po at opo, ang kuya at ate, ang pagmamano, at ilang bakas ng

    bayanihan kahit ilang kaharian na ang sumakop sa ating Pilipinas na minumutya,

    ngunit makaliligtas pa kaya ang mga ito sa pagbabago ng kultural na gawi ng mga

    kabataang pinagkatiwalaan ni 5at ose 6i1al4

    7ulad ng wika, ang kultura ay namamatay. *ung ang isang gawi na

    tumatatak sa ating magandang pinaglinangan ay hindi na nakikita sa ating mga

    kilos, ito ay tuluyang mawawala. +alilimutan ito tulad sa paglimot sa isang

    kaibigan na napakatagal nang hindi na nakikita.

    'indi man nakalimbag sa kasaysayan ang mga ito bilang dakilang gawa,

    hindi dapat malimot ng isang Pilipino ang dumadaloy naman sa kanyang mga

    ugat. Ang pagtalima sa karunungan na nakaguhit sa mga linya ng pangong ilong,

    ng kulay ng nabilad na balat, ng basag-basag na talampakan, ay hindi maipipilit

    sa isang indibidwal. Subalit parang pintig ng puso at sigaw ng tambuli, ito ay

    mabubuhay at patuloy na mabubuhay kung ito ay pinaninindigang pakinggan ng

  • 7/25/2019 Po at Opo Sa Dugo Ng Liping Bayanihan

    4/4

    pandama. 'indi mapapatid ang lubid na maghahatid sa mga binhi na

    magpapasibol sa mabuting-asal kung ang pagpapatibay rito ay maituturo sa

    pamamagitan ng pagpapakita sa mga ito sa bawat salin-lahi ng Pilipino.

    Isang karangalan na ang mga mabubuting kultura ay maipasa sa anak

    hanggang sa apo sa dulo ng mga daliri ng mga paa. 'indi ito mawawala kung

    hindi mismo ang Pilipino ang magtuturok ng lason sa mga ugat niya. Ang

    paggalang, pakikipagkapwa-tao, pagkagiliw at pagkakawang-gawa ay hindi

    maglalaho sa dugo ng iyong lipi kung ang mga ito ay patuloy na isasabuhay, hindi

    lamang dahil sa hangaring mapanatili ang mga sinulat ng naunang kabihasnan,

    kung hindi upang ang mayaman at napakabuti nating kultura ay matingkad pa rin

    hanggang sa magpakailanmang henerasyon.