30
ANG KAUTUSAN TUNGKOL SA DUGO AT PAGKAIN Ang dinuguan ay isang pagkain o ulam na karaniwang paborito ng mga Pilipino. Subalit may mga Cristiano na kinokondena ang pagkain nito pati na anumang hayop na binigti. Ang ibig sabihin ng binigti ay mga hayop na hindi pinatulo ang dugo o kaya ay hayop ay namatay sa sarili. Kaugnay ng pananampalatayang Cristiano aalamin natin at susuriin ang mga bahagdan ng panahon tungkol sa mga pagkain na ipinahintulot ni Amang Yahweh na kainin ng tao. Aalamin din natin at sisiyasatin kung kasalanan nga ba hanggang ngayon ang kumain nang dugo ng hayop. ANG PINAPAYAGANG KAININ NOONG UNANG PANAHON Nang lalangin ni Amang Yahweh ang unang tao ang ipinahintulot lamang Niyang kaininin noon ay pawang pananim na nagkakabinhi. Gaya nang mga gulay at bunga ng punongkahoy na may buto. Bawal ang pagkain ng karne dahil hindi iniutos ang pagpatay at pagkain ng hayop. Kaya natural na bawal din ang pagkain ng dugo. PAGKAIN MGA HALAMAN AT PUNONGKAHOY NA NAGKAKABINHI At sinabi ng Dios, narito, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa’t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo’y magiging pagkain. GENESIS 1:29 Matapos ang bahang gumunaw sa sanlibutan ang pagbabawal sa pagkain ng karne at nang dugo ay nagpatuloy hanggang sa panahon ni Noe. Sa mga panahong nabanggit ay iisa lang ang wika ng tao at ni hindi pa isinisilang ang lahing Israelita. Sa mga panahon ding nabanggit ay wala pang kautusan na nasusulat na ibinibigay ang Dios sa tao. SA PANAHON NI NOE BAWAL KAININ ANG DUGO Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. 1

Dugo at Pagkain

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Dugo at Pagkain

Citation preview

Page 1: Dugo at Pagkain

ANG KAUTUSAN TUNGKOL SA DUGO AT PAGKAIN

Ang dinuguan ay isang pagkain o ulam na karaniwang paborito ng mga Pilipino. Subalit may mga Cristiano na kinokondena ang pagkain nito pati na anumang hayop na binigti. Ang ibig sabihin ng binigti ay mga hayop na hindi pinatulo ang dugo o kaya ay hayop ay namatay sa sarili.

Kaugnay ng pananampalatayang Cristiano aalamin natin at susuriin ang mga bahagdan ng panahon tungkol sa mga pagkain na ipinahintulot ni Amang Yahweh na kainin ng tao. Aalamin din natin at sisiyasatin kung kasalanan nga ba hanggang ngayon ang kumain nang dugo ng hayop.

ANG PINAPAYAGANG KAININ NOONG UNANG PANAHON

Nang lalangin ni Amang Yahweh ang unang tao ang ipinahintulot lamang Niyang kaininin noon ay pawang pananim na nagkakabinhi. Gaya nang mga gulay at bunga ng punongkahoy na may buto. Bawal ang pagkain ng karne dahil hindi iniutos ang pagpatay at pagkain ng hayop. Kaya natural na bawal din ang pagkain ng dugo.

PAGKAIN MGA HALAMAN AT PUNONGKAHOY NA NAGKAKABINHIAt sinabi ng Dios, narito, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na

nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa’t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo’y magiging pagkain.

GENESIS 1:29

Matapos ang bahang gumunaw sa sanlibutan ang pagbabawal sa pagkain ng karne at nang dugo ay nagpatuloy hanggang sa panahon ni Noe. Sa mga panahong nabanggit ay iisa lang ang wika ng tao at ni hindi pa isinisilang ang lahing Israelita. Sa mga panahon ding nabanggit ay wala pang kautusan na nasusulat na ibinibigay ang Dios sa tao.

SA PANAHON NI NOE BAWAL KAININ ANG DUGOBawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga

sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong

kakanin. GENESIS 9:3-4

PAGBABAWAL SA PAGKAIN NG DUGO SA LUMANG TIPANSa panahon ng pag-iral ng kautusan sa Lumang Tipan na ibinigay kay Moises para tuparin ng

mga Israelita, may permiso na ibinigay si Amang Yahweh para sa pagkain ng karne. May mga uri nga lang ng hayop na pwede at hindi pwedeng kainin ang karne. Pero mahigpit pa rin na bawal ang pagkain ng dugo (Levitico 11:1-47). Ang hayop kapag pinapatay ay dapat patuluin ang dugo sa lupa. Dahil kung hindi, magkakasala ang tao sa pagkain ng laman nang hayop na may kasamang dugo (I Samuel 14:32-34). Sa kautusan ng Lumang Tipan itinititig ng Dios ang Kanyang mukha laban sa sinumang sumusuway sa ipinagbabawal Niyang pagkain ng dugo.

Sa pag-iral ng kautusan na nasusulat sa Lumang Tipan na ibinigay sa mga Israelita ay luminaw ang dahilan, kung bakit ipinagbawal ni Amang Yahweh sa tao na kumain ng dugo ng hayop. Dahil ang dugo ng hayop ay magsisilbing pantubos sa kasalanan na gagawin sa ilalim ng ritwal ng hain at handog na susunugin para sa Israelita (Levitico 4:1-35).

SA LUMANG TIPAN UTOS NG DIOS NA BAWAL KUMAIN NG DUGOAt sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na

nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking

1

Page 2: Dugo at Pagkain

mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihihiwalay ko sa kanyang bayan.

Sapagka’t ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka’t ang dugo’y siyang tumutubos dahil sa buhay.

Kaya’t aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.

At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.

Sapagka’t tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya’t sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka’t ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.

LEVITICO 17:10-14

Sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop ang mga kasalanan ng mga Israelita ay tinutubos taun-taon sa pamamagitan ng hain at handog na sinusunog sa takdang panahon.

DUGO NG HAYOP PANTUBOS SA KASALANAN MINSAN SA ISANG TAON At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana,

minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

EXODO 30:10

ANG TAKDANG PANAHON NG PAGTUBOS TAUN-TAONAt ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa

kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos ay ilalabas sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang dumi.

At ang magsusunog ay maglalaba ng kanyang mga suot, at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento.

At ito’y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo: Sa ikapitong buwan ng ikasampung araw ng buwan, ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo:

Sapagka’t sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon.

Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; ito’y palatuntunang magpakailan man.

LEVITICO 16:27-31

2

Page 3: Dugo at Pagkain

DUGO NG PANGINOON PANTUBOS SA MGA KASALANAN

Sa Lumang Tipan ang ritwal ng paghahandog patungkol sa kasalanan ay isang palatuntunan na itinakda nang Dios na magpakailan man. Kaya dapat na magpatuloy ito sa ilalim ng Bagong Tipan. Nagpatuloy naman ito subalit may transisyon o pagbabago sa paraan ng pagganap:

Ang nagsisilbing handog ngayon patungkol sa mga kasalanan ng tao ay hindi na dugo ng hayop kundi dugo ng Panginoong JesuCristo;

Ang dugo ng hayop bilang pantubos sa mga kasalanan ng mga Israelita ay wala ng silbi dahil pinalitan na ito ng mas mahalagang dugo: Ang dugo nang Panginoong JesuCristo.

DUGO NI CRISTO ANG MAS MABUTING HANDOGAt ayon sa kautusan ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis

ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.Kinakailangan nga na ang anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin

ng mga ito; ngunit ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kaysa rito.

Sapagka’t hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintunad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin.

At siya’y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas ang kaniyang sarili, na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili.

Sa ibang paraan ay kailangan na siya’y magbatang madalas mula ng itatag ang sanglibutan: datapuwa’t ngayon ay minsan siya’y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

HEBREO 9:22-26

Dugo at buhay ng Panginoong JesuCristo ang nagsisilbing handog at sakripisyo ngayon para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Siya mismo ang nagpahayag nito sa ilalim ng Bagong Tipan.

DUGO NI CRISTO PARA SA KAPATAWARAN NG MGA KASALANANSapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa

ikapagpapatawad ng mga kasalanan. MATEO 26:28

Ang dugo ng hayop na dating ginagamit sa ritwal ng pagpapatawad ng mga kasalanan taun-taon ay wala nang kabuluhan --- dahil ang tunay at ganap na katubusan ay nasa dugo ni Cristo.

KATUBUSAN NA KAY CRISTO JESUS

Palibhasa’y inaaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:

Na siyang inilagay ng Dios na naging pampalubag loob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios.

ROMA 3:24-25Dugo nang Panginoong JesuCristo ang nagsisilbing panglinis sa lahat ng mga kasalanan.

Kaya higit itong mas mabuting handog kaysa dugo ng hayop dahil makapagliligtas ito ng kaluluwa.

3

Page 4: Dugo at Pagkain

DUGO NI CRISTO LUMILINIS SA LAHAT NG KASALANANNguni’t kung tayo’y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag,

ay may pakikisama tayo sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. I JUAN 1:7

Subalit may malaking pagkakaiba kung literal na bibigyan ng kahulugan ang tungkol sa dugo ng hayop at dugo ng Panginoon bilang handog sa Dios:

Sa Lumang Tipan ang dugo ng hayop ay bawal kainin at ang laman naman ng hayop ay sinusunog sa paghahandog.

Sa Bagong Tipan ang dugo ng Panginoong JesuCristo ay ipinaiinom at ang Kanyang laman naman ay ipinakakain.

ANG PAG-INOM NG DUGO AT PAGKAIN NG LAMAN NG PANGINOONSinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo,

Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kanyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya’y aking ibabangon sa huling araw.

Sapagka’t ang aking laman ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin.

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako’y sa kaniya.

Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako’y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama’y mabubuhay dahil sa akin.

JUAN 6:53-57

Sabi nang Panginoong JesuCristo: “Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; Sapagka’t ang aking laman ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin; Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako’y sa kaniya.”

Malinaw na magkaiba ang Lumang Tipan at Bagong Tipan sa paraan ng ritwal para sa pagpapatawad ng kasalanan: Sa Lumang Tipan ang dugo ng hayop ay ibinubuhos sa lupa at ang laman ng hayop ay sinusunog; Samantalang sa Bagong Tipan ang dugo ng Panginoong JesuCristo ay ipinaiinom at ang Kanyang laman ay ipinakakain.

Ang Panginoong JesuCristo ay may isinagawang ritwal para sa pag-inom ng Kanyang dugo at pagkain ng Kanyang laman. Ang ritwal ay isinagawa ng Panginoon sa pisikal na paraan para gunitain ang Kanyang sinabi sa Aklat ni Juan (6:53-57). Ang ritwal sa pag-inom ng dugo at pagkain nang laman ng Panginoong JesuCristo ay nagsisilbing ala-ala ng huli Niyang hapunan sa piling ng Kanyang mga alagad.

RITWAL NG PAGKAIN NG TINAPAY AT PAG-INOM NG DUGOAt samantalang sila’y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay at

pinagpala at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

4

Page 5: Dugo at Pagkain

At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

MATEO 26:26-28

Matapos lisanin ng Panginoong JesuCristo ang lupa ang ritwal sa pag-inom ng Kanyang dugo at pagkain ng Kanyang laman sa pisikal na kalagayan ay ipinagpatuloy ng Kanyang mga alagad. Ito ay bilang paggunita at pahayag sa Kanyang naging pagpapakasakit at kamatayan sa krus hanggang sa Kanyang pagbabalik sa lupa.

ANG RITWAL NG TINAPAY AT ALAK SA PANAHON NG MGA APOSTOLSapagka’t tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na

ang Panginoong Jesus ng gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol at sinabi,

Ito’y aking katawan na pinagputolpuputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

Sapagka’t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.

I CORINTO 11:23-26

Ang paalala ni Apostol Pablo tuwing magsasagawa ng ritwal sa pag-inom ng dugo at pagkain ng laman nang Panginoong JesuCristo ay siyasatin muna nang tao ang sarili at magmuni-muni sa pananampalataya. Dahil ang pag-inom ng dugo at pagkain ng laman ng Panginoon ay personal na pagtanggap ng tao sa Panginoong JesuCristo bilang Dios na Tagapagligtas (Tito 2:13-14). Kaya personal din na kailangang gawin ng tao ang tungkulin sa pananampalataya (Juan 14:12).

TAO SIYASATIN ANG SARILIKaya’t ang sinumang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na

di nararapat, ay magkakasala sa dugo at katawan ng Panginoon.Datapuwa’t siyasatin ng tao ang kanyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at

uminom sa saro.Sapagka’t ang kumakain at umiinom ay kumakain at umiinom ng hatol sa

kaniyang sarili kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.I CORINTO 11:27-29

Ang pananampalataya ay espiritual dahil nasa espiritu ang buhay at wala sa laman. Kaya naman ang pisikal na ritwal ay may kakambal na pananagutang espiritual sapagkat ang salita ng Panginoong JesuCristo ay Espiritu at buhay.

ESPIRITU BUMUBUHAY SA LAMAN WALANG PAKINABANGAng espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang

pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.

JUAN 6:63

5

Page 6: Dugo at Pagkain

Ang buong katungkulan ng tao ay sundin ang mga utos ni Amang Yahweh kaya ito ang ginampanan ng Panginoong JesuCristo. Pisikal na ginagampanan ang mga utos ng Dios para sa espiritual na pakinabang at kaligtasan ng kaluluwa ng tao.

TUNGKULIN NG TAO SUNDIN MGA UTOS NG DIOS Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin

mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.ECCLESIASTES 12:13

Ngayon ang mga kautusan ng Dios na dapat tuparin ng tao ay tanging ang mga nasusulat sa Bagong Tipan at ang Panginoong JesuCristo lamang ang tanging Tagapamagitan (Gawa 2:36; 4:12). Sinabi ito ni Amang Yahweh mismo sa mga Apostol ni Cristo ng magbagong-anyo ito sa bundok na kasama si Moises at Elias.

UTOS NG AMA ANG KANYANG ANAK ANG PAKIKINGGAN

 At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:

 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.

 At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.

 At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.

 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.

MATEO 17:1-5

Sa ilalim ng Bagong Tipan ang pamantayan ngayon sa pagtupad sa mga utos at kalooban ni Amang Yahweh ay ang mga ginampanan o ginawa nang Panginoong JesuCristo lalo na ang mga aral na Kanyang itinuro (Juan 14:23-24). Hindi kabilang dito ang pagpapahirap at ang Kanyang pagkakapako sa krus, dahil hindi Niya ito ginawa kundi ginawa sa Kanya ng mga Romano.

MANANAMPALATAYA GAGAWIN ANG GINAWA NG PANGINOON

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.

JUAN 14:12Ang umiibig sa Panginoong JesuCristo ay umiibig din sa Ama at ang mga salita ng Panginoon

ay pawang nagmula kay Amang Yahweh na Siyang nagsugo sa Kanya. MGA SALITA NG PANGINOON NAGMULA SA AMA

Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.

6

Page 7: Dugo at Pagkain

Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

JUAN 14:23-24

Ang literal o pisikal na pag-inom ng dugo at pagkain ng laman ng Panginoong JesuCristo sa pamamagitan ng alak at tinapay ay paggunita sa Kanyang huling hapunan sa piling ng mga alagad. Ito ay ginawa Niya bago inialay ang Kanyang sariling buhay sa kamatayan sa krus. Ang kahulugang espiritual sa pagkain ng laman ng Panginoong JesuCristo ay pagsunod sa Kanyang mga utos at ang pag-inom naman ng dugo ay tanda o simboliko ng pagtitiis at pagpapakasakit.

Ang pagkain ng Panginoon ay gawin ang kalooban ni Amang Yahweh. Kaya ang pagkain naman ng tao sa laman ng Panginoong JesuCristo ay gawin ang Kanyang mga ginawa (Juan 14:12).

PAGKAIN NG PANGINOON GAWIN ANG KALOOBAN NG AMASinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban

ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.JUAN 4:34

PAGKAIN NG LAMAN AT PAG-INOM NG DUGO PAGSUNOD SA PANGINOON Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo,

Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.

Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya.

Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.

Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.

JUAN 6:53-58

Ang katumbas ng pag-inom ng dugo at pagkain ng laman ng Panginoon ay pagtalima sa evangelio at pagtitiis sa mga pagsubok ng buhay habang ang tao ay namumuhay pa sa lupa.

PAG-INOM NG DUGO PAGTITIIS AT PAGPAPAKASAKIT SA ARAL NG EVANGELIO Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na

pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:

Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

7

Page 8: Dugo at Pagkain

Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:

Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?

I PEDRO 4:12-17

Kung susuway ang tao sa mga utos ng Panginoong JesuCristo ay para na rin siyang sumuway kay Amang Yahweh. Ang pagsuway ay katumbas ng paghatol sa sarili na gaya ng pag-inom ng dugo at pagkain ng laman nang Panginoon kung hindi karapat-dapat ang tao (I Corinto 11:27-29). Ang tao habang nabubuhay sa lupa ay kailangang patuloy na makipaglaban sa kasalanan dahil ang makapagtitiis hanggang sa wakas ang siyang maliligtas (Mateo 24:13). Kaya pagdating sa pananampalataya ang pangunahing kaaway ng tao ay ang Kanyang sarili.

KASALANAN KAAWAY NG TAONa masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya,

na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.

Sapagka't dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo'y huwag magsihina, na mang-lupaypay sa inyong mga kaluluwa.

Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan:

HEBREO 12:2-4

Ang tao ay binili ng Panginoong JesuCristo kay Amang Yahweh sa halaga ng Kanyang dugo, kaya dapat Siyang luwalhatiin ng tao maging sa kalagayang pisikal o espiritual man.

TAO BINILI SA HALAGASapagkat kayo’y binili sa halaga; luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan

ang Dios.I CORINTO 6:20

Sa hindi malamang dahilan ang nabanggit na talata ay nagkaroon ng seryosong pagkukulang sa paghalaw dahil ganito ang sinasabi ng talata mula sa wikang Ingles:

“For ye are bought with a price: therefore glorify God in your body and in your spirit, which are God’s (I Corinthians 6:20 KJV).” Ang dapat na pagkakasalin ay ganito: “Sapagkat kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ang Dios sa inyong katawan at sa inyong espiritu sapagkat ito ay sa Dios.”

Ang dugo ng hayop kailan man ay hindi ganap na makapag-aalis o makalilinis man ng kasalanan. Kaya dapat ulitin ang ritwal ng paghahandog patungkol sa kasalanan taun-taon. Sa ritwal na ginampanan ng Panginoon ay ganap na pinalitan ng Kanyang dugo ang dugo ng hayop bilang handog patungkol sa kasalanan – kaya buong-buo ngayon na nawalan na ng kabuluhan

8

Page 9: Dugo at Pagkain

ang dugo ng hayop sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Dahil dito, kaya hindi na rin nagkakasala ang tao sa pagkain ng dugo ng hayop na sa simula pa ay karaniwang lutong pagkain para sa mga Pilipino.

DUGO NG HAYOP HINDI MAKAPAG-AALIS NG KASALANANSapagka’t ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na

darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng hain na laging inihahandog sa taon-taon.

Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? Sapagka’t sa mga nagsisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.

Nguni’t sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.

Sapagka’t di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapag-alis ng mga kasalanan.

HEBREO 10:1-4

Ang Lumang Tipan ay pinagtibay sa dugo ng hayop -- samantalang ang Bagong Tipan ay pinagtibay sa dugo ng Panginoong JesuCristo. Saan man daanin, di hamak na mas mahalaga ang dugo ni Cristo kaysa dugo ng hayop. Kaya sa panahong ito ang umiiral na kautusan ngayon ay kautusang Cristiano o Kautusan ng Panginoong JesuCristo at hindi kautusan ni Moises: Ang atang na kautusan ni Moises o ang mga kautusan ng Lumang Tipan ay tanging para lamang sa mga Israelita at hindi para sa mga Cristiano. Ang kautusan ng Panginoong JesuCristo ay para sa lahat at Siya ang tagapanagot sa isang higit na mas mabuting tipan, ang Bagong Tipan. Sinumang Israelita na nanatili sa kautusan ng Lumang Tipan ay may talukbong, kaya gayundin ang sinumang Cristiano na nanatili na ginagamit ang mga kautusan ni Moises (II Corinto 3:14-18).

PANGINOON TAGAPANAGOT NG LALONG MABUTING TIPANAy gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting

tipan.At katotohanang sila’y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka’t

dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy:Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailan man ay may pagka-

saserdote siyang di mapapalitan.Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios

sa pamamagitan niya, palibhasa’y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.

HEBREO 7:22-25Ang paghahandog patungkol sa mga kasalanan na ginagawa taun-taon sa panahon ng

Lumang Tipan ay nag-karoon ng transisyon – sa Bagong Tipan minsan na lamang ito gagampanan pero magpakailan man at ito ay sa pamamagitan ng bautismo sa tubig at bautismo ng Espiritu Santo at Apoy. Ang ritwal ng mga doktrina ng mga bautismong ito o paglilinis ay para sa kapatawaran ng mga mga kasalanan at daan tungo sa buhay na walang hanggan (Hebrew 6:2 KJV).

WALA NG PAGHAHANDOG NG HAYOP PATUNGKOL SA KASALANANSa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagka-

handog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.

9

Page 10: Dugo at Pagkain

At katotohanang ang bawa’t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaaalis kailan pa man ng mga kasalanan:

Nguni’t siya ng makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man ay umupo sa kanan ng Dios.

Buhat noon ay naghihintay hanggang ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kanyang mga paa.

Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay Kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinagiging-banal.

HEBREO 10:10-14

Wala ng paghahandog patungkol sa mga kasalanan na gaya noong una sa Lumang Tipan. Sapagkat sa Bagong Tipan si Cristo na ang tinatanggap at nagsisilbing handog ng tao sa Dios patungkol sa sariling mga kasalanan. Sa Bagong Tipan may ganap na kapatawaran na sa mga kasalanan sa pamamagitan ng ritwal ng bautismo sa tubig sa pangalan ng Panginoong JesuCristo.

KAPATAWARAN SA KASALANAN NASA BAGONG TIPAN At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala ng paghahandog na

patungkol pa sa mga kasalanan.HEBREO 10:18

Sa ilalim ng Bagong Tipan sa dugo at katawan ng Panginoon nakikipag-isa ang bawat Cristiano (I Corinto 10:16). Kaya ngayon ang kasalanan ay sa dugo at katawan din ng Panginoong JesuCristo nakaatang at hindi na sa dugo ng hayop (I Corinto 11:27-29). Kaya espiritual man o materyal na gampanan ang ritwal sa pagkain ng dugo at laman ng Panginoong JesuCristo, dapat itong isagawa ng may kabanalan.

ANG BATAYAN SA BAGONG TIPAN NA BAWAL KUMAIN NG DUGO Sa Bagong Tipan may tatlong talata na karaniwang ginagamit ng iba bilang halimbawa na

bawal kumain ng dugo ng hayop. Iisa-isahin natin itong suriin para maunawaan kung ano nga ba ang tunay na sinasabi ng mga talata. Kung may direktang utos nga ba ang Espiritu Santo na ipinagbabawal sa Bagong Tipan ang pagkain ng dugo ng hayop.

PULONG UKOL SA PAGSULAT NA HUWAG KUMAIN NG DUGODahil dito’y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil

ay nangagbabalik-loob sa Dios.Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila’y magsilayo sa mga ikahahawa sa

diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti at sa dugo.GAWA 15:19-20

Nagkaroon ng pagtatalo ang mga alagad ng Panginoong JesuCristo tungkol sa mga Gentil na nangagbalik-loob sa Dios. Ang gusto ng ibang mga Judio ay pasunurin ang mga Gentil na naging Cristiano sa kautusan ni Moises na sila ay tuliin at pagbawalan sa pagkain ng dugo. Subalit hindi ito minagaling ng kapulungan kundi sila ay nagkasundo na sumulat na lamang sa kanila na “magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti at sa dugo.”

Hindi sinasabi na nagkakasala ang konsepto ng sulat kundi “magsilayo o umiwas” na nagmula sa wikang Ingles na “abstain” na hango naman sa wikang Griego “APECHOMAI” (apekh-om-ahee) na may kahulugan din sa wikang Ingles na “to distant oneself”. Parehong “lumayo o umiwas” ang halaw mula sa orihinal na pinagkunan ng talata. Kaya walang bahagi ito na ang ibig sabihin ay nagkakasala sa pagkain ng dugo.

10

Page 11: Dugo at Pagkain

Bukod sa sulat na ginawa para sa mga Gentil, isinugo din nang mga alagad sina Judas at Silas upang magsalita ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang bibig:

IKABUBUTI PAG-IWAS SA DUGOSapagka’t minagaling ng Espiritu Santo at namin, na huwag kayong atangan

ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan.Na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo,

at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.

GAWA 15:28-29

Muli, hindi sinasabing nagkakasala ang konsepto kundi “magsilayo o umiwas” at mula pa rin sa wikang Ingles na “abstain o distant oneself.” Tiyak na ang sinabi ng mga alagad ng Panginoong JesuCristo ay ibinatay nila sa kanilang kaugalian at nakasanayan na ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Subalit ang kalayaan na magdesisyon tungkol sa pagkain ng dugo ay iniwan ng mga alagad sa desisyon ng mga Cristianong Gentil.

Alam nang mga tunay na Cristiano na ang tungkol sa mga dios-diosan at pakikiapid ay kasalanan. Dahil sinususugan ito ng iba pang mga talata ng Bagong Tipan. Subalit ang tungkol sa dugo at binigti ay ibang bagay. Dahil walang sinasabi sa Bagong Tipan na ang pagkain ng dugo ng hayop at anumang hayop na binigti ay kasalanan. Naging mabigat lang ang mensahe ng mga talata dahil may parirala na nagsasabing: “Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin.”

Ang totoo, may pagkukulang sa pagkakasalin ang nabanggit na parirala, dahil mula sa orihinal na wikang Ingles ay ganito ang sinasabi: “For it seemed good to the Holy Ghost, and to us, to lay upon you no greater burden.” Ang “seemed” ay nag-ugat mula sa wikang Griyegong “DOKEO” (dok-eh’-o) na may kahulugan ding “to think.” Ang mas akmang salin sa salitang Tagalog ng nabanggit na parirala ay: “Sapagkat inakala naming minagaling ito ng Espiritu Santo at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin.”

Hindi akma ang pagkakasalin na “minagaling ng Espiritu Santo at namin,” dahil nangahulugan ito sa Bagong Tipan na pinagkasunduan talaga ng Espiritu Santo at ng mga alagad na ipagbawal sa mga Gentil ang pagkain ng dugo ng hayop. Wala talagang sinasabi o direktang utos ang Espiritu Santo o ang mga alagad na bawal nga ang pagkain ng dugo ng hayop. Ang mga alagad ay nagbigay lamang ng payo o paalala at nasa desisyon na ng mga Gentil kung susunod sila o hindi. Marahil ang nasumpungan ng mga alagad sa kanilang panahon ay mga Gentil na kumakain ng pagkain na may halong dugo. Gaya ng mga Pilipino na may mga pagkain na may halong dugo at lutong dinuguan na isang delikasiya sa Pilipinas. ANG PAGLILINIS SA LAHAT NG PAGKAIN

Mahirap isipin at magulong unawain na tanggapin ang aral na bawal ang pagkain ng dugo at pagkatapos ay isipin rin na kailangang inumin mo ang dugo ng Panginoon at kainin ang Kanyang laman. Ang dugo ay pwede lang mainom kung sariwa o hilaw o direktang isalin sa pamamagitan ng ugat, subalit kung iluluto isa na itong ganap na pagkain (Juan 6:53-57).

Anumang isipin na mag-kasalungat pagdating sa pananampalataya ay di tumutugon sa aral ng Biblia (Filipos 4:8-9). Ang hindi pagkain ng dugo ng hayop ay kaugalian o tradisyon ng mga Judio na nakabatay sa kautusan ni Moises sa Lumang Tipan. Ang kaugalian o tradisyong ito ng mga Judio ay inakala ng ibang mga alagad na dapat ding iatang sa balikat ng mga Cristianong Gentil. Subalit hindi nila ito ipinilit, kundi pinagkaisahan nilang iwan sa mga mananampalatayang Gentil ang desisyon tungkol sa pagkain ng dugo ng hayop (Galacia 2:11-16).

11

Page 12: Dugo at Pagkain

Sa panahon ng pangangaral ng Panginoon ay wala talaga Siyang ipinagbawal tungkol sa pagkain ng dugo. Ang totoo, marami sa mga kautusan ng Lumang Tipan na kumakatawan kay Moises ay nagkaroon ng transisyon sa Bagong Tipan - isa na rito ang dugo ng hayop bilang sakripisyo na pinalitan ng dugo ni Cristo. Kaya hindi maaaring ariing ganap ang sinuman sa pamamagitan ng mga kautusan ng Lumang Tipan kundi tanging sa pamamagitan lamang ng mga kautusan ng Bagong Tipan.

Ang mga sumusunod na aralin at mga halimbawa na ating tatalakayin ay ang mga kautusan ng transisyon o mga pagbabago at paghiwalay sa kautusan ni Moises.

ANG PAGBABAGO AT PAGHIWALAY SA KAUTUSAN NI MOISES At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa

lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

GAWA 13:39

Ang mga kautusan ng Lumang Tipan ay pawang mga palatuntunan lamang na ukol sa laman na hindi makapagliligtas ng kaluluwa at espiritu. Kaya karaniwang inuulit itong gampanan o isagawa taun-taon hanggang sa panahon ng pagbabago.

PALATUNTUNAN NG LUMANG TIPAN UKOL LAMANG SA LAMAN

Palibhasa’y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

HEBREO 9:10

Ang mga pagbabago o transisyon ng Lumang Tipan ay isinagawa sa pamamagitan ng isang Bagong Tipan na ang nagtakda mismo ay si Amang Yahweh. Kaya una pa man ay nagpahayag na si Propeta Moises na darating ang panahon ng pagbabago. Dahil may propeta na lilitaw mula sa mga anak ni Israel na gaya niya at sa Kanya makikinig ang tao. Nagtagumpay ang Panginoong JesuCristo sa Kanyang misyon sa lupa kaya naisa-ayos ang isang Bagong Tipan.

ANG PROPETA NA LILITAW NA GAYA NI MOISES Palilitawin sa iyo ng Panginoong mong Dios ang isang propeta sa gitna mo,

sa iyong mga kapatid na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig.DEUTERENOMIO 18:15

Ang bilin ni Moises ukol sa Propetang pakikinggan ay naganap sa Bagong Tipan. Si Amang Yahweh mismo ang nagpatunay at nagsabi na ang pakikinggan ay ang Panginoong JesuCristo.

ANG PROPETA NA PAKIKINGGAN AYON SA UTOS NG AMA At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago,

at si Juan na kapatid niya, at sila’y dinalang bukod sa isang mataas na bundok.At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha

na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipag-usap sa

kaniya.At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang

tayo’y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at ang isa ay kay Elias.

12

Page 13: Dugo at Pagkain

Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.

MATEO 17:1-5

Sa panahon ng pangangaral ng Panginoong JesuCristo ay sinabi Niya na walang masamang pumapasok sa bibig. Ang masama ay ang nanggagaling sa bibig na siyang nakakahawa sa tao. Kaya sa Bagong Tipan anumang karumal-dumal na hayop na bawal kainin noon ay pwede ng makain ngayon pati na ang lutong ulam na dinuguan.

ANUMANG PAGKAIN HINDI NAKAKAHAWA SA TAOAt muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila,

Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain.Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay

makahahawa sa kaniya; datapuwa’t ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao.

Kung ang sinuman na may pakinig na ipakikinig ay making.At ng pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya

ng kaniyang mga alagad ang talinghaga.At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa

baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;

Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain.

MARCOS 7:14-19

Nilinis na ang lahat ng pagkain, kaya maging sa mga alagad ay iniutos na sa anumang bahay na kanilang pasukin ay may kalayaan silang kumain ng anumang ihain sa kanila.

KAININ ANG ANUMANG IHAINSa alin mang bahay na inyong pasukin ay sabihin ninyo muna, Kapayapaan

nawa sa bahay na ito.At kung mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa’y

mananatili sa kaniya: datapuwa’t kung wala ay babalik ito sa inyong muli.At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga

bagay na kanilang ibigay: sapagka’t ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa mga bahay-bahay.

At sa alin mang bayan na inyong pasukin, at kayo’y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo.

LUCAS 10:5-8

Ang mga sumusunod na talata ay batayan sa mga uri ng hayop na mahigpit na ipinagbabawal sa mga Israelita na kainin sa panahon ng Lumang Tipan.

MGA HAYOP NA BAWAL KAIININ SA PANAHON NG LUMANG TIPANHuwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

13

Page 14: Dugo at Pagkain

Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;

At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:

At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.

 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang

dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa

kaniyang pagkalawin;Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may

sungay;At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla,

at ang kabagkabag.At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin. Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong

maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.

DEUTERENOMIO 14:3-21Ang mga karumal-dumal na hayop na bawal kainin noon sa panahon ng Lumang Tipan ay

pwede ng makain ngayon gaya ng hayop na walang baak ang paa, hindi ngumunguya gaya ng baboy, isdang walang kaliskis atbp. kabilang na dito ang dugo ng hayop (Levitico 11:2-23) at gayundin ang mga hayop na umuusad na ang iba ay sumasayad pa ang tiyan sa lupa (Levitico 11:29-31).

Sa mga nilinis ng Dios kabilang na ang dugo ng hayop bilang pagkain. Kabilang ang dugo ng hayop sa mga nilinis, dahil kung hindi marami ang magkakasala sa panahon ngayon sa pagkain ng karne na may kasamang dugo sa laman. May mga hayop kasi ngayon na pag pinapatay ay hindi na pinatutulo ang dugo sa lupa kundi kinokoryente na lang bago katayin. Ang iba naman ay nagpapahid pa nang dugo ng hayop para mas lalong magmukhang sariwa ang tinda nilang karne.

MGA KARUMAL-DUMAL NA HAYOP NA NILINIS NA NG DIOSAt siya’y nagutom at nagnais kumain: datapuwa’t samantalang nangag-

hahanda sila, ay nawalan siya ng diwa.

14

Page 15: Dugo at Pagkain

At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa.

Na doo’y naroroon ang lahat na uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.

At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka Pedro; magpatay ka at kumain.

Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Hindi maaari Panginoon; sapagka’t kailan ma’y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.

At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios ay huwag mong ipalagay na marumi.

At ito’y nangyaring makaitlo at pagdaka’y binatak sa langit ang sisidlan. GAWA 10:10-16

Ang mga utos at halimbawa ng Panginoong JesuCristo ang ipinagpatuloy at isinakatuparan ng Apostol ng mga Gentil na si Pablo (Galacia 2:7-21). Kaya sa Bagong Tipan ipinangangaral ni Apostol Pablo na ang tao ay hindi dapat humatol nang dahil sa pagkain.

HUWAG HUMATOL SA KUMAKAIN O DI KUMAKAIN Datapuwa’t ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi

upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay:

nguni’t ang mahina’y kumakain ng mga gulay.Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi

kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka’t siya’y tinanggap ng Dios.ROMA 14:1-3

Sa pag-iral ng bagong kautusan tungkol sa pagkain, anumang karumal-dumal kainin noon kainin man ngayon ay hindi magtataguyod sa tao sa kabanalan o sa kasalanan man.

HINDI MAGIGING MASAMA O MABUTI KUNG KUMAIN O DI KUMAINDatapuwa’t ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo

masama, kung tayo’y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo’y magsikain.

I CORINTO 8:8Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan kabilang na ang dugo ng hayop bilang pagkain ay maaaring

bilhin at kainin. Kabilang na dito pati ang balot na kung tutuusin ay maibibilang sa mga binigti dahil niluto sa loob ang sisiw na kasama ang dugo.

LAHAT NG PAGKAIN SA PAMILIHAN PWEDENG BILHIN AT KAININLahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong

magsipagtanong ng anuman tungkol sa budhi;Sapagka’t ang lupa ay sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.

I CORINTO 10:25-26

Mas mabuti pa sa tao ang huwag kumain ng anumang pagkaing may dugo kung ituturing niya sa kanyang sarili na nagkakasala siya ng dahil sa kanyang kinakain. Sapagkat ang kumakain ng hindi nagpapasalamat ay walang utang na loob hindi lamang sa Dios kundi pati sa nagpakain.

MAGPASALAMAT SA DIOS ANUMAN ANG GINAGAWA

15

Page 16: Dugo at Pagkain

Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griyego man, o sa iglesia man ng Dios.

I CORINTO 10:31-32

MGA LABAG KAININ AYON SA KAUTUSAN AT KONSENSYABagaman may kalayaan na pagdating sa pagkain, pinag-iingat pa rin ang tao dahil may labag

pa ring kainin ayon sa kautusan ng Bagong Tipan. Ang mga ito ay mga karaniwang pagkain na kaya bawal kainin ay dahil inihain sa mga diosdiosan o sa mga larawang inanyuan.

MAG-INGAT SA PAGKAING INIHAIN SA DIOSDIOSANTungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan,

nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan at walang Dios liban sa iisa.

Datapuwa’t magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging katitisuran sa mahihina.

Sapagka’t kung makita ng sinomang ikaw na may kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan, hindi baga titibay ang kanyang budhi, kung siya’y mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan?

I CORINTO 8:4, 9-10

Labag ang pagsamba sa anumang larawang inanyuan Biblia o lohika man ang batayan. Tao ang hahamak sa sarili kapag gumawa ng anumang larawang inanyuan at pagkatapos ay kanya itong pahiran ng langis o pabango, sabitan ng bulaklak, tirikan ng kandila at saka luhuran para manalangin. Higit na hahamakin ng tao ang sarili kapag ginawa niya ang mga bagay na nabanggit sa mga larawang inanyuan na ginawa ng mga kamay ng ibang tao (Exodo 20:4-5; Isaias 44:9-20; Jeremias 10:3-

10; Gawa 17:24-30; Roma 1:20-25; I Corinto 10:19-21; II Corinto 6:16-18; Galacia 4:4-11; I Pedro 4:3; I Corinto 10:14; Apocalipsis 21:8);.Sinasabi ng iba na ang mga larawang inanyuan ay hindi sinasamba kundi nagsisilbing paalala

lamang na may Dios. Pagkakamali pa rin ito kahit ano ang sabihin: Dahil sa tao ay isang insulto kapag sinabi o inisip na ikaw ang nakalarawan pero hindi mo mukha at hindi mo kamukha. Kung sa tao ay insulto personal ito di hamak namang mas malaking insulto ito sa Dios.

Hinahamak ng tao ang kanyang sarili kapag yumukod o lumuhod sa anumang larawang inanyuan -- sa paghamak ng tao sa kanyang sarili hinahamak din niya si Amang Yahweh na lumalang sa kanya pati na ang Panginoong JesuCristo na naging daan para sa kaligtasan ng kaluluwa ng tao.

Ang tao ay may kalayaang magdesisyon. Kapag naanyayahan sa handaan at ibig pumaroon ay hindi kailangang magtanong ng ukol sa budhi. Dahil may utos na kainin ang anumang pagkain na inihahain. Bukod dito ay sinasabi din “Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios (I Corinto 10:31).

Subalit anumang pagkain kung tukso sa pananampalataya at sasabihing ang pagkain ay hain sa isang patron ng pista o anumang larawang inanyuan, mas mabuti ang huwag kumain o kaya ay huwag na lang pumunta ng pistahan.

BUDHI HUWAG TULUTANG MAALIPUSTAKung kayo’y anyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong

pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anuman dahilan sa budhi.

16

Page 17: Dugo at Pagkain

Datapuwa’t kung sa inyo’y may magsabi, Ito’y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi.

Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka’t bakit hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba?

Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat, bakit ako’y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat.

I CORINTO 10:27-30

Para naman sa kapakanan ng sarili at delikadesa, sinuman ay hindi rin dapat makisalo sa dulang nang isang tao na may masamang ugali. Dahil ang isang tao na may masamang ugali at mapagkunwari ay tiyak na isusumbat ang kanyang ipinakain pagdating ng panahon.

HUWAG MAKISALO SA PAGKAIN NG MASAMA ANG UGALI

Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kanyang mga masarap na pagkain.

Sapagka’t kung anong iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: Kumain ka at uminom ka sabi niya sa iyo; Nguni’t ang puso niya ay hindi sumasaiyo.

Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, At iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.

KAWIKAAN 23:6-8

Ang pagkain ng dugo ng hayop ay hindi na masama at hindi na rin bawal kainin ito pati na ang mga karumal-dumal na mga hayop na dating bawal kainin noon sa panahon ng Lumang Tipan. Subalit kung ayaw ng sinuman na kumain ng dugo huwag niyang hatulan ang kumakain. Ang kumakain naman ay huwag ding humatol sa hindi kumakain ng dugo ng hayop.

Bigyan natin ng kunsiderasyon at paggalang ang bawat isa sapagkat ang pagkain ng dugo ng hayop ay hindi magtataguyod sa tao sa kasamaan at hindi rin ito magtataguyod sa kabanalan kumain man o hindi. Panginoon ang hahatol kaya hindi dapat humatol ang sinuman lalo na pagdating sa pagkain, dahil sinumang tao ay matatayo o mabubuwal sa paningin ng Kanyang sariling Panginoon (Roma 14:1-4).

KALAYAANG MAGDESISYON TUNGKOL SA PAGKAIN NASA TAO Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa.

Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon;

Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa.

17

Page 18: Dugo at Pagkain

Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo masama, kung tayo'y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo'y magsikain.

Datapuwa't magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging katitisuran sa mahihina.

Sapagka't kung makita ng sinomang ikaw na may kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan, hindi baga titibay ang kaniyang budhi, kung siya'y mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan?

Sapagka't sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kaniya'y namatay si Cristo.

At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito'y mahina, ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo.

Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.

I CORINTO 8:4-13

ANG PAG-AAGDONG NG BUHAY SA PAMAMAGITAN NG DUGOAng mga transisyon o mga pagbabago sa kautusan ni Amang Yahweh lalo na pagdating sa

pagkain ay ginawa para suportahan ang tao sa kanyang pangangailangan. Bunsod ito nang pangunahing hangarin na magpatuloy ang preserbasyon ng buhay ng tao sa ibabaw ng lupa lalo na sa panahon ngayon - hanggang sa ikalawang pagbabalik ng Panginoong JesuCristo sa lupa.

Ang utos ng Panginoong JesuCristo na kainin ang Kanyang laman at inumin ang Kanyang dugo ay akma lalo na sa pangkasalukuyang panahon (Juan 6:53-57). Ang pagsasalin ng dugo ng tao sa kapwa tao ay maituturing na pagpapakain o pagpapa-inom ng direkta sa katawan ng tao na hindi pinararaan sa bibig. Kaya ang ritwal na ginampanan ng Panginoong JesuCristo tungkol sa pagkain ng Kanyang laman at pag-inom ng Kanyang dugo ay maituturing na may tatlong bahagdan: Una, ang simbolikong paggunita sa Kanya sa pamamagitan ng ritwal ng pagkain ng tinapay at pag-inom ng alak; Ikalawa, ang literal na pagkain o pag-inom sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo sa ilalim ng gawaing medikal; Ikatlo, ang espiritual na kahulugan sa pamamagitan ng pagtalima sa mga aral ng evangelio tungo sa kabanalan.

Ang totoo ang dugo ng tao ay buhay at may tinig na naririnig ng Dios.

ANG DUGO NI ABEL AY DUMADAING SA DIOSAt sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay

dumadaing sa akin mula sa lupa.GENESIS 4:10

BUHAY NG LAMAN AY NASA DUGO  Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya

rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.

LEVETICO 17:14

 Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.

DEUTERENOMIO 12:23

18

Page 19: Dugo at Pagkain

Ang dugo ay buhay at aral ito sa pahayag ng Lumang Tipan na kaugnay ng mga pagbabawal. Subalit sa panahon ng pagbabago ng kautusan tungkol sa dugo sa ilalim ng Bagong Tipan, ang dugo ng tao ay lubos na nagkaroon ng kahalagahan na maitutulong ng tao sa kanyang kapwa.

Ang pagkakaloob ng dugo sa kanyang kapwa tao ay paghahandog ng buhay. Ang mag-agdong buhay sa pangaral ng Panginoong JesuCristo ay isang dakilang pag-ibig sa kapwa tao na ang hangganan ng kaganapan ay pag-ibig sa Dios (Mateo 22:36-40).

DAKILANG PAG-IBIG ANG MAG-AGDONG BUHAYWalang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang

kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.JUAN 15:13

Noon pa man ang preserbasyon ng buhay sa lupa ay mahalaga sa Dios, dahil umaasa Siya na ang tao ay magbabago at matututong umibig sa kanyang kapwa at magpapakabuti. Kaya nilinis ng Dios ang mga karumal-dumal kainin noon ay dahil din sa preserbasyon ng buhay ng tao, marami kasi ang magugutom kung patuloy itong ipagbabawal na kainin sa panahon ngayon.

PRESERBASYON NG BUHAY Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng

babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.GENESIS 7:3

UTOS NI APOSTOL PABLO NA KUMAIN PARA MABUHAYAt samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain,

na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman.

Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo.

GAWA 27:33-34Ang preserbasyon at pagliligtas ng buhay ay binigyan halimbawa ng Panginoong JesuCristo

sa pamamagitan ng isang mabuting Samaritano. Ito ay tungkol sa isang tao na tinambangan ng mga tulisan at iniwan sa ikamamatay. Dinala ito ng mabuting Samaritano sa isang bahay-tuluyan at ibinilin na alagaan bago iniwan. Sa salitang alagaan ay kailangang gawin ng mag-aalaga ang lahat, kung uso na ang pagsasalin ng dugo noon kailangan itong gawin para iligtas ang sugatan.

ANG MABUTING SAMARITANO AT LAYUNING PAGLILIGTAS NG BUHAYDatapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa

kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng

langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.

At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.

Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?

At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

19

Page 20: Dugo at Pagkain

LUCAS 10:33-37

Ang layon ni Amang Yahweh at ng Panginoong JesuCristo ay walang mapahamak na sinuman at ang pagpapahinuhod ay nananatili. Subalit huwag na natin pang hintayin na mahuli ang lahat bago tayo magsisi at ganap na magbalik-loob sa Dios (II Pedro 3:8-12).

Sa konsepto ng buhay laging may dapat mamatay para may mabuhay: Sa dagat kailangang may mamatay na halaman para mabuhay ang maliliit na isda; kailangang may mamatay na maliliit na isda para mabuhay ang malalaking isda; kailangang may mamatay na isda at mga hayop para mabuhay ang tao; para naman mabuhay ang mabuti na nasa tao kailangang mamatay ang kasamaan na nasa tao din.

KASAMAAN NA NASA SANGKAP NG TAO ANG DAPAT PATAYIN Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng

lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;

COLOSAS 3:5

Ang araling ito ay bunsod ng masidhing hangarin na malaman ang katotohanan kung patuloy nga ba na kasalanan na kumain ng dugo o hindi?

Batay sa mga naging pagsusuri sa mga aral na iniwan sa atin ng nakaraan sa pamamagitan ng Biblia, kung kasalanan sa Dios ang kumain ng dugo ng hayop noon - ngayon ay hindi na.

Sumaating espiritu ang biyaya at pagpapala ni Amang Yahweh at nang ating Panginoong JesuCristo at maghatid nawa ng liwanag at unawa sa atin ang araling ito.

BHOY ZAPATAMay Akda

20