37
Ang Pato? (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Zaldy lumapit kay PNoy Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (1) ROXAS CITY, Capiz, Philippines - Inamin kahapon ni Pangulong Aquino na lumapit sa Palasyo ang kampo ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan upang ialok ang pagiging state witness nito kaugnay ng Maguindanao massacre.

Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Ang Pato?

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM

 

 

Zaldy lumapit kay PNoy

Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (1)

ROXAS CITY, Capiz, Philippines - Inamin kahapon ni Pangulong Aquino na lumapit sa Palasyo ang kampo ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan upang ialok ang pagiging state witness nito kaugnay ng Maguindanao massacre.

Page 2: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Sinabi ng Pangulo sa media briefing sa lungsod na ito matapos niyang mamahagi ng tulong sa magsasaka at mahihirap, hindi niya nakaharap si Gov. Ampatuan subalit nagpahatid ito ng kagustuhan na tumulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pag-aalok ng sarili nitong maging testigo laban sa kanyang ama na si Andal Ampatuan Sr. at kapatid na Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Ayon kay Aquino, ang alok ni Ampatuan ay walang kaakibat na anumang kondisyon kaya mananatili pa rin siyang may kaso.

Ayon sa Pangulo, pag-aaralan ng kanyang legal team ang offer ni Gov. Zaldy para alamin kung makakatulong ba ito sa kaso at kung kwalipikado nga ito na maging testigo ng gobyerno.

Gusto naman ng mga kaanak ng biktima ng massacre na makausap ng personal si Aquino para kumbinsihin ito na huwag tanggapin ang alok ni Zaldy.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, wala silang nakikitang batayan o justification para maging state witness si Ampatuan. Kailangan umanong dumaan sa batas ang magiging state witness at isipin ang mga private complainants.

Isa lamang daw ang nakikitang dahilan ng dating regional governor sa balak na pagbaligtad sa pagkakadawit sa masaker, at ito ay ang itanggi ang kinalaman sa krimen.

Ang malinaw daw ngayon, isa si Zaldy sa akusado sa Maguindanao massacre.

Ayon naman kay Ako Bicol Party List Rep. Rodel Batocabe, sa ilalim ng section 17 rule 119, mayroong mga requirements upang maging state witness kabilang dito na kung ang testimonya ay hiniling, walang direktang ebidensya ang prosekusyon na magtuturo maliban sa testimonya ng akusado, ang testimonya ng akusado ay mag-uugnay, ang akusado ay hindi lalabas na most guilty at ang akusado ay hindi nahatulan sa anumang kaso na sangkot ang moral turpitude.

Giit ni Batocabe, sa lahat ng nabanggit na probisyon ay hindi pasok sa requirements si Zaldy. (Dagdag ulat nina Doris Franche at Gemma Garcia)

Plunder uli vs GMA sa PCSO scam

Ni Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (4)

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng bagong graft at plunder sa tanggapan ng Ombudsman kahapon ng umaga si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo dahilan sa umano’y maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong pangulo pa ito ng bansa.

“This does not just involve stealing money. This involves stealing money from the poor,” ayon kina Bayan Muna party-list Reps. Teodoro Casiño at Neri Colmenares.

Ang pagsasampa ng kaso ng naturang mga mambabatas ay nag-ugat nang ibulgar ni dating PCSO general manager Rosario Uriarte na may P325 milyong halaga na nakuha ang Arroyo administration sa pondo ng PCSO bilang intelligence funds mula taong 2008 hanggang 2010.

Sinabi ni Uriarte na si Arroyo mismo ang nag-apruba sa pagpapalabas sa naturang pondo.

Page 3: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Personal namang tinanggap ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro ang kasong naisampa ng naturang mga kongresista.

GMA, Mike idiniin sa dayaan sa 2007 Maguindanao polls

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (5)

MANILA, Philippines - Matapos talikuran ang sariling ama at kapatid, idiniin naman ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan sina dating pangulo at ngayo’y Rep. Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo na umano’y nasa likod ng dayaan sa halalan noong 2007 sa Maguindanao.

Sa isang panayam kay Zaldy ng ABS-CBN, ibinunyag nito na puno ng dayaan ang halalan nong 2007. Enero 2007 pa lamang anya ay buo na ang planong lutin ang halalan at ang promotor umano ay ang dating unang ginoo.

Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy Aquino, Sen. Panfilo Lacson at Sen. Alan Peter Cayetano na tumatakbo sa pagka-senador noon ay idinagdag umano sa boto ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

Alumpihit umano si Arroyo na maipanalo si Zubiri dahil nakakahiya raw mabokya ang manok ng Pangulo. Nagpadala din umano ng dagdag na pera si Arroyo para maareglo ang nangyaring dayaan.

Agad namang itinanggi ng dating first gentleman ang akusasyon ni Ampatuan. Pinabulaanan din ni Zubiri na may kinalaman siya sa sinasabing dayaan.

Alok ni Zaldy pinalagan ng pamilya ng mga minasaker

Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (2)

MANILA, Philippines - Ibinasura ng mga pamilya ng 58 biktima ng “2009 Maguindanao massacre” angalok ni Zaldy Ampatuan.

Sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya ng 15 sa mga biktima, hindi nila kailangan ang testimonya ni Zaldy dahil sapat umano ang kanilang mga ebidensya upang idiin ang buong angkan ng mga Ampatuan at daan pang kasabwat sa krimen.

Ipinaliwanag ni Roque na hindi sapat ang sinasabi ni Zaldy na wala siya sa lugar nang krimen nang maganap ito dahil sa kasama siya sa sabwatan tulad ng kanyang ama na si Andal Sr. na wala rin sa lugar ng masaker.

Hindi pa nababasahan ng sakdal si Zaldy dahil sa nakabinbin nitong petisyon sa Court of Appeals na humihiling na maalis ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga suspek habang una nang nagbigay ng “not guilty plea” ang kanyang nakababatang kapatid na si Andal Jr. at ama na si Andal Sr.

Page 4: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Bago ang alok ni Zaldy, una nang may lumutang na impormasyon na isang matinding away ang namagitan sa pagitan nito at ng kanyang ama at kapatid at hindi nagkikibuan habang nakadetine sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Sinisisi umano ni Zaldy si Andal Jr. dahil sa pagtuloy sa masaker sa kabila ng kanya umanong oposisyon dito dahil kasama ang mga miyembro ng media.

Tumibay pa ito makaraang ihiwalay si Zaldy ng selda na nakaditine sa cell number 6 habang ang mag-amang Andal Sr at Jr. ay nasa cell number 1.

Kinukuwestiyon rin ni Roque ang motibo ni Zaldy sa tangkang pagbaligtad kung saan maaari umano na nais lamang nitong iwasan ang mga kaso laban sa kanya. Posible rin umano na si Zaldy ang nais nilang iligtas sa kaso upang maisalba nito ang kapangyarihan at ari-arian na nananatili pa sa Maguindanao para sa kanilang pamilya.

Mga obispo handa na sa 'face-to face' sa mga senador

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (1)

MANILA, Philippines - Handa ang anim na Obispo na inaakusahang tumanggap ng sports utility vehicle (SUV) mula sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na makipag-face to face sa mgaSenador kaugnay ng kanilang isasagawang imbestigasyon ngayon.

Kabilang sa mga kumpirmadong dadalo sa Senate hearing ay sina Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos, Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, Bontoc-Lagawe Bishop Rodolfo Beltran, Basilan Bishop Martin Jumoad at Zamboanga Archbishop Romulo Valles.

Si Quevedo umano ang magiging “spokesman” o tagapagsalita ng grupo sa pagdinig na gagawin ngayong alas-9:30 ng umaga.

Ayon kay Quevedo, nagpasya silang dumalo sa pagdinig dahil nais nilang maibigay ang kanilang panig at malinawan na ang mga katanungan sa isyung ibinabato sa mga Obispo.

Tiniyak naman ni Senator Teofisto Guingona, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na magiging patas sila at papakinggan ang panig ng mga Obispo.

Sinabi pa ni Guingona na mas makakabuting hintayin na lamang ang sasabihin at paliwanag ng mga Obispo tungkol sa mga mamahaling sasakyan. (Doris Franche/Malou Escudero)

2 Pinoy ligtas sa bitay sa China!

Ni Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Dalawang Pinoy na sinentensyahan ng bitay sa China ang ligtas na sa tiyak na kamatayan dahil sa kasong drug smuggling matapos na mabigyan ng commutation o pagpapababa sa kanilang parusa.

Page 5: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibinaba sa life imprisonment o habambuhay na pagkabilanggo ang naging desisyon ng Hangzhou Intermediate People’s Court sa dalawang Pilipino, isang babae at isang lalaki na magkasunod na naaresto sa Hangzhou noong Oktubre 25 at 27, 2008.

Hinatulan ng parusang kamatayan na may 2-year reprieve ang dalawang hindi pinangalanang Pinoy na nagsilbing drug mules nang mapatunayang nagdala ng mahigit sa 1.2 kilong heroin sa kanilang bagahe papasok sa China.

Sinabi ng DFA na naging basehan ng korte ang ipinakitang magandang asal at gawain sa loob ng kulungan ng dalawang Pinoy.

Kaso ng leptospiros tumaas

Ni Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Health Secretary Enrique Ona ang publiko na huwag maglaro sa tubig baha at gumamit ng rubber boots upang maiwasan ang leptospirosis matapos na muling tumaas ang bilang nito.

Mula Enero hanggang Hunyo 25, 2011, umaabot sa 521 kaso ang naireport o mataas ng 65.4 porsiyento kumpara sa nakaraang taon na umabot lamang sa 315 cases. Naitala naman sa 38 ang namatay.

Karamihan sa mga kaso ay mula sa Western Visayas, 131 cases; Bicol Region, 64, at Davao Region, 56.

Ang leptospirosis ay isang uri ng impeksiyon na nakukuha mula sa tubig na kontaminado ng mga ihi ng daga.

Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, panginginig, matinding pananakit ng ulo na maaaring mauwi sa meningitis, problema sa pag-ihi at paghinga na posibleng humantong sa kamatayan.

Mga sangkot sa pagbili ng choppers, rubber boats pinakakasuhan ng DILG

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang mga sangkot sa maanomalyang pagbili ng rubber boats at choppers noong termino ni dating PNP chief Gen. Jesus Verzosa.

Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Robredo na malinaw umano sa naging imbestigasyon na may naganap na katiwalian sa pagbili ng nasabing mga sasakyan.

Sinasabing nagkakahalaga ng P131.5 milyon ang 75 units ng rubber boats na dapat sana ay gagamitin para sa emergency situation noong panahon ng Ondoy ngunit hindi naman umano nagamit dahil pawang mga depektibo dahil hindi magkatugma ang mga bangka at ang mga makina nito na lulubog umano.

Page 6: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Dahil dito, nabubulok at nakatiwangwang na lamang ang nasabing sasakyan sa tanggapan ng PNP Maritime Group na isang paglustay na naman sa kabang yaman ng ating pamahalaan.

Bukod sa rubber boats, pinakakasuhan din ng kalihim ang mga opisyales ng PNP na sangkot naman sa maanomalyang pagbili ng choppers na lumitaw na segunda mano.

Ang choppers o Robinson R44 helicopters na may kabuuang halagang P105 milyon na unang sinabing brand new subalit lumitaw na second hand ang dalawa rito.

Samantala, handa naman si Verzosa na harapin ang imbestigasyon hinggil sa sumingaw na umano’y overprice na helicopter at rubber boats sa panahon ng kaniyang panunungkulan noong 2009.

Sa pahayag ni Verzosa na ipinarating sa mediamen sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Benjamin delos Santos, wala siyang nilabag sa proseso ng procurement sa sinasabing mga overprice na chopper at rubber boat.

“Systems & procedures are in place in the PNP bidding processes. Complete staff action is undertaken before it reaches me for approval and I have no knowledge or information of any irregularities or violation of the procurement law,” paliwanang ni Verzosa. (Ricky Tulipat/Joy Cantos) 

Multi-million scam sa PRC ibinisto

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (2)

MANILA, Philippines - Binuko ng isang kongresista ang nakalkal nitong panibagong multi-million pesos scam na kinasasangkutan umano ng dating Arroyo administration.

Ibinunyag ni Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla na nalugi ang taumbayan nang payagan ng gobyerno ang computerization program ng Professional Regulation Commission (PRC) na nagkakahalaga ng P225 million.

Sabi ni Padilla, naubos ang pondo para sa computerization program subalit hindi naman ito napakinabangan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Kamara na 2003 pa dapat natapos ang kontrata pero naubos ang pondo dahil sa napakalaking consultation fee para sa mga consultants na umaabot sa mahigit P30 milyon.

Galit na galit din ang kongresista na dahil umaabot sa milyon-milyong piso ang nagastos sa web portal ng PRC para sana mapabilis ang pagkuha ng lisensya at pagpaparehistro ng mga professionals.

Subalit isinara din lamang umano ito noong 2009 dahil sa umano’y palpak na serbisyo nito. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

Operasyon namin ligal - Meridian

Ni Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

Page 7: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang Meridian Vista Gaming Corporation sa patuloy na pagbabale-wala nina Justice Secretary Leila De Lima at DILG Secretary Jess Robredo sa naunang desisyon ng mababang hukuman at maging ng Court of Appeals na ligal ang operations ng gaming firm at hayaang manatili ang betting stations nito sa labas ng Cagayan Economic Zone habang binubusisi pa ng Korte Suprema ang isyu para sa pinal na desisyon.

Sinabi ni Raul Banderas, tagapagsalita ng Meridian, na sa desisyon ng Court of Appeals CA-GR SP No. 115304 ay nakasaad ang husga nitong “ligal ang jai-alai games ng Meridian sa economic zone ng Cagayan, maging ang betting stations nito sa labas ng CEZA kung kaya’t dapat igalang at hindi dapat abalahin ng kapulisan ang naturang business operations.”

“Ang hatol ng CA na pumapabor sa Meridian ay iniapela at kasalukuyang dinidinig sa Korte Suprema kaya dapat lang na lahat ng interested parties sa usapin, tulad ng DOJ, DILG at PNP, ay mag-observe ng status quo bilang respeto sa Mataas na Hukuman,” pagdidiin ng spokesman ng gaming firm.

Ayon pa kay Banderas, hindi umano kinukwestiyon ng Games and Amusement Board ang ligalidad ng Meridian operations taliwas sa mga inilathala na umano’y sinusubuan ng maling impormasyon ng mga naghahangad na mapatigil ang operasyon ng ligal na jai-alai games.

Ayon pa kay Banderas, ikinabahala rin ng Meridian management ang timing ng panggigipit sa kanila nina de Lima, Robredo at ng kapulisan dahil itinaon umano ang pagpursige ng mga ito na mapahinto ang kanilang operations sa panahon ng muling pamamayagpag ng jueteng at ng nakaambang paglunsad ng Loterya ng Bayan na kilalang dating Small Town Lottery o STL.

Pagbaklas sa malalaswang billboard, aprub sa DepEd

Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (2)

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang kampanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa ginagawng pagbaklas sa mga malalaswang billboard sa Edsa.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, may malaking epekto umano sa murang kaisipan ng mga kabataan ang mga nabanggit na billboard na kung magpapatuloy o hindi aalisin ay akala nila ay tama lamang ang magpakita ng katawan sa publiko.

Sinabi ng kalihim, imbes na seksing modelo, nakabubuti kung ituon ng mga grupo ng mga nasa hanay ng advertising ang mga magagandang asal at tradisyon ang ilalagay sa mga billboard.

Inihayag pa ni Luistro na ang kalsada ay maituturing sa silid aralan dahil pinapansin at binabasa ng isang bata ang ano mang nakalagay o nakasulat sa mga nabanggit na billboard.

Magugunita na noong Lunes ay pinasimulan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang pagbaklas sa mga seksing billboard sa kahabaan ng Edsa.

PROBINSIYA

Page 8: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

READ OTHER NEWS Advertisements

Police colonel dedo sa ambush

Nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

BATANGAS, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang isang mataas na opisyal ng pulisya matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Taal, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas police director ang napatay na si P/Supt. Rodney Ramirez, 42, ng P. Burgos Street sa Barangay Anak Dagat sa bayan ng Lemery, Batangas , naging hepe ng pulisya sa Sta. Rosa City sa Laguna at kasalukuyang naka-assign sa Personnel Holding and Accounting Unit ng Batangas PNP Provincial Office.

Lumilitaw na nagbibisekleta si Ramirez sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Butong nang harangin at ratratin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng L-300 van (TKY-349) bandang alas-9:45 ng umaga.

Napag-alamang inabandona ng gunmen ang kanilang sasakyan at naglakad na lamang patungo sa Sta. Teresita, Batangas.

Idineklarang patay sa Lemery Doctor’s Hospital ang biktima matapos mapuruhan sa ulo.

“I feel sad and disgusted. We just finished the Padyak Laban sa Kriminalidad, a joint awareness effort ito ng PNP, private and public sector and government para sa peace and order ng lalawigan tapos nangyari ang insidenteng ito,” pahayag ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa text message.

Pinaniniwalaang may kinalaman ang drug syndicate sa pagkakapatay kay Ramirez bilang dating intelligence officer ng Batangas PNP.

“Last year pa s’ya nakakatanggap ng death threat at surveillance sa kanya mula sa mga sindikato ng droga sa Batangas,” dagdag pa ni Acio.

Mag-inang balikbayan, 1 pa kinidnap

Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Naghasik na naman ng lagim ang mga bandidong Abu Sayyaf matapos kidnapin ang mag-inang balikbayan at pinsang lalaki sa Barangay Tictabon, Sacol Island sa silangang bahagi ng Zamboanga City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Director Felicisimo Khu, hepe ng Directorate for Police Operations –Western Mindanao ang mga biktimang sina Gerfayeatths Lunsmann, 50; Kevin Lunsmann, 14, anak ni Gerfayeatths sa kaniyang mister na Aleman at kamag-anak nitong si Romnick Jackaria, 19.

Ang mag-ina ay nagbalikbayan para bumisita sa kaniyang biological family sa nasabing isla.

Nabatid na ang dating pangalan ng matandang Lunsmann ay Jerpa Usman pero pinalitan ito matapos ampunin ng mag-asawang Kano noong 9-anyos pa lamang ito.

Page 9: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Kinidnap ang mag-ina sa kanilang tahanan dakong alas-3 ng madaling araw, isang araw matapos dumating sa Zamboanga City noong Hulyo 11 mula sa Virginia , USA.

Napag-alamang bumisita sa bahay ng mag-ina si Jackaria mula sa Basilan kung saan naganap ang pagdukot.

Lumilitaw na isinakay sa pump boat ang mga biktima na patungo sa direksyon ng Brgy. Sengad, Tuburan, Basilan.

May teorya ang pulisya at militar na kasabwat ng grupo ni Abu Sayyaf Kumander Pula si Jackaria.

Kaugnay nito, bumuo na rin ng Crisis Management Committee ang lokal na pamahalaang ng Zamboanga City para sa ligtas na pagbawi sa mga bihag.

Suspek sa P.5M nakawan sa SBMA kilala na

Ni Alex Galang (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

OLONGAPO CITY, Philippines – Natukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa pagkawala ng P.5 milyong halaga ng ari-arian sa Media Production Department sa Subic Bay Metropolitan Aurthority.

Lumilitaw sa final report ni Special Agent Levi Dalida ng Investigation Office ng Law Enforcement Department na inside job ang naganap na nakawan noong Martes (Hunyo 21) kung saan nilimas ang mga high-end electronic equipments kabilang ang Panasonic videocamera at EOS Canon 5D

Sa ulat ni Dalida, natukoy na isang malapit na kamag-anak ng opisyal ng nasabing departamento at tumatayonfg SBMA consultant ang tinukoy na suspek base na rin sa pahayag ng nag-iisang testigo mula sa Maintenance Dept.

Nabatid na namataan ng testigo ang suspek na may bitbit na dalawang bag matapos lumabas sa opisina ng Media Production Department noong Huwebes ng umaga bago matuklasan ang pagnanakaw. Pormal naman kinasuhan ang suspek na ngayon ay nagtatago.

2 dedo sa killer truck

Ni Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang sibilyan matapos masalpok ang kanilang motorsiklo ng trailer truck sa Gen. Aguinaldo Highway, Barangay Lalaan sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Estrella Hospital sina Robert Abril, 16, ng Brgy. Buho at Oscar Banega Javana ng Brgy. Tubuan habang nadakma naman ang drayber ng truck na si Arnel Estives, 36, ng Tatalon, Quezon City. Ayon kay PO2 Arwin Torres, naganap ang road mishap dakong alas-10 ng gabi kung saan nahagip ng truck (RHE169/PUR739) ng Melaco Enterp. Corp. ang motorsiklo (WD1928) ng dalawa.

Page 10: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Obrero utas sa mag-utol

Ni Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

QUEZON, Philippines – Sabog ang ulo at namatay noon din ang isang 30-anyos na obrero matapos na pagbabarilin ng mag-utol na lalaki dahil lamang sa awayan ng kanilang mga anak kamakalawa ng umaga sa Barangay Concepcion sa bayan ng Lopez, Quezon. Napuruhan sa ulo si Vicente Losande y Clete habang tugis naman ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Romeo Clete y Borabo, 45 at Ronald Clete, 24. Ayon kay SPO4 Raul Paraiso, isang araw bago ang pamamaslang ay nag-away ang 10-anyos na anak ng biktima at anak ng isa sa mga suspek. Hindi nagustuhan ng mag-utol ang ginawang pananaway ng biktima sa bata na naging dahilan upang magtanim sila ng galit at isagawa ang krimen.

2 tiklo sa P1M shabu

Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Dalawa-katao na pinaniniwalaang nagpapakalat ng bawal na droga sa Boracay Island ang naaresto ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng P1 milyong halaga ng shabu sa Caticlan Airport, Malay, Aklan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina JonajimLima at Alexander Mildred na kapwa nakatira sa Pasay City. Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may nakalusot na bawal na droga sa domestic airport na dadalhin sa Boracay Beach Resort. Kaagad naman inilatag ang operasyon hanggang sa madakma ang dalawa na nakumpiskahan ng tatlong pekete ng shabu na may timbang na 50 gramo.

Doktor, ex-Army nagduelo, patay pareho

Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (3)

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang doktor na armado ng baril at isang dating sundalo na armado naman ng patalim makaraang magduelo matapos na magtalo dulot ng maingay na inuman ng huli sa tinitirhan nilang gusali, kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Dead-on-the-spot ang 35-anyos na si Rommel Salarda, dating miyembro ng Philippine Army, at naninirahan sa Unit 409 Building 1 MRB Diego Silang, C5, Brgy. Ususan, ng naturang lungsod.

Nalagutan naman ng hininga dakong alas-12 ng tanghali sa Medical City Hospital sa Pasig City si Dr. Frank Grego Sr., dahil sa tinamong saksak sa katawan.

Naaresto naman ng pulisya si Frank Grego Jr., anak ng doktor na kasamang lumusob sa tapat ng building unit ni Salarda.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, sinabi ni Raquel Salarda, misis ng nasawing si Rommel, na nag-iinuman ang kanyang mister at mga kaibigan na sina Richard Pamin at Eddie Boy Guinoo dakong alas-2:40 ng madaling-araw nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Page 11: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Nang kanyang puntahan, dito niya nakita ang asawa na duguang nakabulagta sa ikalimang palapag ng gusali. Sinabi naman ng isa pang saksi na si Lenlen Caugiran na nakita niya si Dr. Grego sa aktong pinapuputukan ng baril si Salarda.

Sa dagdag na imbestigasyon, nabatid na tinungo ng mag-amang Grego ang lugar ng pinag-iinuman nina Salarda matapos na magalit dahil sa matinding ingay ng mga ito kahit madaling-araw na. Dito nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa undayan ng saksak ni Salarda si Dr. Grego na nagawa namang makaganti at paputukan ang dating sundalo.

Agad namang isinugod ng mga kaanak ang doktor sa Medical City sa Pasig City kung saan binawian rin ito ng buhay matapos ang siyam na oras.

Narekober naman ng pulisya sa lugar ng krimen ang duguang patalim na hawak ni Salarda at siyam na basyong bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Transport groups pumalag sa pag-alagwa sa presyo ng petrolyo

Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Nagprotesta ang mga transport group sa panibagong pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo kahapon.

Iginiit ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na niloloko ng mga oil companies ang mga mamamayan dahil sa hindi pa naman umano nauubos ang stock na langis na inimport ng mga kompanyang ito sa mas mababang halaga kaya hindi pa napapanahon ang pagtataas nila.

Magugunitang muli na namang lumobo ang presyo ng petrolyo makaraang magpatupad ng “big-time price hike” ang mga kompanya ng langis umpisa kahapon ng hatinggabi.

Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Pilipinas Shell at Eastern Petroleum ang pagtataas ng P2 kada litro sa presyo ng premium at unleaded na gasolina habang iniakyat din ng mga ito ng P1.50 kada litro ang presyo ng regular na gasolina. Nasa P.80 sentimos kada litro naman ang iniakyat sa presyo ng diesel at kerosene ng naturang mga kompanya.

Dakong alas-6 naman ng umaga nang sumunod dito ang Chevron Philippines na nagtaas din ng kahalintulad na presyo ng nabanggit na mga produkto sa kabila ng pagtanggi na walang monopolya sa gasolina sa bansa. Inaasahan namang susunod dito ang iba pang kompanya ng langis partikular ang Petron Corporation na tumigil na sa pagpapadala ng advisory.

Muling ikinatwiran ng mga kompanya ng langis ang pagtaas din ng contract price nito sa internasyunal na pamilihan na kailangang salaminin sa lokal na merkado.

Guwardiya ng LTO, utas sa ambush

Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

Page 12: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang security guard na nakatalaga sa Land Transportation Office (LTO) habang sakay ng kanyang motorsiklo ng dalawang hindi pa kilalang riding-in tandem sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Joseph Dela Cruz, 41, at naninirahan sa Sitio Palanas C. Vastra, Quezon City.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib at tiyan ang biktima at namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 9:20 ng gabi sa kahabaan ng C5 Road, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.

Base sa testimonya sa pulisya ng isang testigo, lulan ang biktima sa kanyang kulay itim na motorsiklo (UK-2485) nang habulin at tapatan ng dalawang hindi pa kilalang suspek lulan din ng motor saka pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang dalawa na kapwa nakasuot ng helmet at jacket na itim.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at ma-dakip ang mga salarin.

Tatlo pang carjacking syndicate minamanmanan

Ni Ricky Tulipat (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Tatlo pang grupo ng carjacking syndicate ang minamanmanan ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) bukod pa sa Dominguez group, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) kahapon.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. George Regis, hindi lamang anya sa Dominguez carjacking group nakatuon ang pansin ng kanilang pagtugis dahil may iba pang grupo na nabuo ngayon na siya namang gumagawa ng carjacking incident sa lungsod at kailangan ng mahinto.

Ayon pa sa opisyal, ang nasabing mga grupo ay gumagala ngayon sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila pero nakapokus ang kanilang operasyon sa lungsod Quezon.

Sa pamamagitan anya ng pang-aagaw ng sasakyan nagagamit nila itong pondo para naman mapiyansahan ang ibang kasamahang naaresto.

Kabilang anya dito ang “Onad group,” na ang ilan sa mga miyembro ay naaresto pero nagawang makapagpiyansa.

Sabi ni Regis, ang naturang gang ay dating nakapokus sa pagnanakaw, pero nag-iba ng operasyon tulad ng carjacking dahil dito malaki ang kita.

Ang isa pa umanong gang ay umano’y pinamumunuan ng isang Francis Briones, na ayon kay Regis ay nakapagpiyansa ng P600,000. Dagdag pa rito ang gang na pinamumunuan naman ng isang Edong Maglalang na ang target naman, ayon kay Regis ay mga Mitsubishi vans.

Page 13: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Ang gang na ito anya ay sangkot din sa hijacking at pagtangay ng mga nakaparadang motorsiklo.

Bombay inakyat-bahay, pati aso tinangay

Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Bombay ang biniktima ng ‘Akyat Bahay gang’ at pati ang kanyang alagang aso ay tinangay ng mga kawatan sa Mandalulong City, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na dumulog sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong police ay nakilalang si Simmardeep Singh B. Srah, residente ng San Rafael St., Brgy.Plainview ng nasabing lungsod.

Sa testimonya ng biktima, sinabi nito na nagising siya ng ganap na alas-5:00 ng umaga at nakitang sira-sira na ang main door ng kanyang tahanan at nawawala na ang kanyang pera na P150,000 at mga importante nitong kagamitan.

Kabilang sa mga tinangay ng mga kawatan ay ang kanyang Samsung TV, computer, laptop, Nike shoes, dalawang cellphone at iba pa. Hindi rin umano pinatawad ng mga magnanakaw at kasama sa dinala ang kanyang alagang isang “Pomeranian dog” na nagkakahalaga ng P10,000.

“Pati ang aso ko, napamahal na sa akin dahil sa tuwing umuuwi ako ng tahanan ay siyang sumasalubong sa akin ay tinangay din,” anang biktimang negosyante.

Mag-utol kinasuhan sa pagpatay sa staff ni VM Isko Moreno

Ni Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office ang magkapatid na isang pulis at jail officer na sinasabing responsable sa pamamaril at pamamaslang sa administrative staff ni Manila Vice Mayor Isko Moreno. Sina PO2 Geoffrey Borromeo ng Headquarters Support Unit ng National Capital Regional at JO1 Fredderick Borromeo, nakatalaga sa Manila City Jail at kapwa naninirahan sa Franco St. Tondo, Maynila ay kasalukuyang nakalalaya subalit positibong kinilala ng 16- anyos na anak ng biktimang si Jonathan Ignacio, 37. Kasabay nito, kinumpirma naman ni MCJ warden Sr. Supt. Ruel Rivera na tao niya si Fredderick kung kaya’t agad niya itong pinapuntahan sa nasabing address subalit bigo ang kanyang mga tauhan. Lumilitaw din sa salaysay ng anak ng biktima na nakaaway ng kapatid ni Ignacio na si Alexander ang kapatid ng mga Borromeo na si Sirdeniel. Nasapak ni Alexander si Sirdeniel sa mukha kung kaya’t nagsumbong ito sa mga kapatid. Dito ay hinanting nina Geoffrey at Fredderick si Alexander subalit nang hindi mahagilap ay si Jonathan ang pinaghigantihan.

Guro ginulpi ng kapamilya

Ni Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

Page 14: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

MANILA, Philippines - Isang guro ang pinagtulungang gulpihin ng kanyang mga magulang at kapatid matapos itong magpaalam na makikipag-live-in na sa kanyang boyfriend na isang German national kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Precious Calamaya-Naturales, 23, dalaga, ng Celina Homes, Camarin, ng nabanggit na siyudad na nagtamo ng maraming sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kanyang kapamilya. Nahaharap naman sa kasong physical injuries ang kanyang mga magulang na sina Alexiz, 47; at Lea, at kapatid na si Jasser, 24. Sa reklamo ng dalaga sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay. Ayon sa biktima, mahinahon siyang nagpaalam sa kanyang ina na makikisama na sa kanyang boyfriend na German national at iiwan na nito ang kanyang Canadian na kasintahan. Sa halip na makarinig ng payo mula sa kanyang ina, ay pinagtatalakan na ito, sinabunutan at pinagsasapak at tumulong pa sa pananakit ang tatay at kuya . “Gusto po kasi nila yung Canadian citizen, ayaw po nila yung German kasi daw po matanda na sa edad na 60,” ani pa ni Precious. Dahil dito, agad namang nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang biktima para ireklamo ang mga magulang at kapatid.

Empleyada ng SSS, nagbigti

Ni Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Dahil sa labis na kalungkutan sa buhay, isang empleyada ng Social Security System (SSS) ang nagpakamatay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan si Ma. Yolanda De Leon 48, tubong Pangasinan, encoder ng SSS at residente ng Block 10-A Lot 7, Kingston 1 Brgy. 171, Bagumbong ng nabanggit na siyudad matapos na magbigti. Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ang nakabiting katawan ng biktima sa terrace sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon sa katulong ng biktima na si Raiza Bagalasa, umakyat ito sa itaas upang tawagin ang amo para kumain subalit laking gulat nito nang bumulaga sa kanya ang nakabigting katawan ng biktima. Agad na humingi ng tulong si Bagalasa sa kanilang mga kapitbahay na sila namang tumawag sa himpilan ng pulisya. Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad na isang kurtina ang ipinulupot ng biktima sa leeg nito habang ang dulo ay nakatali sa kongkretong terrace ng bahay na naging dahilan ng agarang kamatayan nito. Bago naganap ang insidente, ilang araw na umanong napapansin ni Bagalasa ang amo na malungkot at palaging nagmumukmok sa loob ng kanyang silid.

Page 15: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

EDITORYAL - Baklasin din streamers ng mga politician

Tunay na health care ng masa ang kailangan

AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

NANG Presidente pa si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, sinasabing nakamit ng administrasyon ang pagkakaroon ng health insurance para sa nakararaming Pilipino. Taong 1995 pa nang maging ganap na batas ang Philhealth.

Pero sabi ng survey ng Social Weather Station noong 2010, 36 porsiyento lang ng mga Pilipino ang mayroong PhilHealth coverage. Ni hindi umabot man lang sa kalahati. Hindi madaling puntiryahin ang layuning ito para sa isang dahop na bansa tulad ng Pilipinas.

Sa matagal na panahon, malaking problema ang mga hindi nabibigyan ng karampatang pangangalaga sa kalusugan. Mga taong dahil sa sobrang kahirapan ay namamatay na lang nang hindi nalalapatan ng lunas.

Kaugnay nito, tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi mawawala ang impormal na sektor sa mga programang pangkalusugan ng gobyerno.

Tama ang obserbasyon ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. Nananatili ang isyung pangkalusugan na pangunahing problema ng bansa. Ayon sa pag-aaral ng Malacañang, nabatid na naitsa-puwera ang maralitang sektor sa pagpapatupad ng National Health Insurance Act of 1995.

Layunin ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na magkaroon ng health insurance ang bawat Pilipino. Pero hindi ito ganap na naisakatuparan. Ani Ochoa, sa panunungkulan ni P-Noy ay higit na isasaalang-alang ng gobyerno ang kapakanan ng mga dukha nang sa gayon ay magamot sa ospital ang kanilang karamdaman kahit wala silang pera.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng targeting system ng conditional cash transfer ng Department of Social Welfare and Development ay agad nilang matutukoy ang mga taong nararapat na isama sa mga programang pangkalusugan na isusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Page 16: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Malaking bahagi ang kalusugan sa nilikhang Philippine Development Plan (PDP) 2011-2016 ng administrasyong Aquino. Harinawang matamo ng gobyerno ang target na ito sa kapakanan ng ating milyun-milyong mahihirap na mamamayan.

Oo nga’t mahirap ang bansa pero sa wastong pangangasiwa ng pananalapi na walang korapsyon, kayang-kayang isakatuparan ang mithiin ng programa.

'Tunay o sarsuwela lang?' BAHALA SI BITAG Ni Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

NAUNA nang sinaluduhan ng BITAG ang tigasing desisyon ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos sa pag papatanggal nito ng sexy billboard ng mga naka-karsunsilyong atleta.

Ngayon,si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino naman.

Harap-harapan niyang ipinakita ang kaniyang pagkontra sa mga higante’t naglalaswaang billboard sa kahabaan ng EDSA.

Walang kaabug-abog, pinatanggal niya ang mga ito kasunod ng ginawa ni Mayor Abalos.

Bukod pa rito ang dahilang hindi pa nabibigyan ng aprubadong permit ang mga billboard na ito dahil sa nilalaman ng advertisement ng mga produkto.

Sinasang-ayunan ng BITAG si Chairman Tolentino na dapat magkaroon ng komite na susuri sa itsura at nilalaman ng mga isasampay na billboard ng mga produkto sa lansangan.

Ang bubuo sa komiteng ito, opisyal ng gobyerno, re-presentante ng religious sector at ng advertising industry. Ito ang ibig naming sabihin, taong 2007 pa lamang na natumbok at sana’y maitupad ni Chairman Tolentino.

Kung iisipin, napakagandang malaman ang planong ito ng MMDA, ngayon pa lamang marami na ang natutuwa para mawala na ang mga eye sore na sexy billboard sa lansangan.

Mabuti na lamang, meron pang mga taong may bombolyas para diretsahang tumaliwas sa malalaswang ideya ng mga kumpanyang nasa likod ng sexy billboard.

Ang siste, ‘wag sanang mag-ningas kugon lamang ang mga taong ito, lalo na si MMDA Chairman Tolentino. Huwag sanang hanggang dada lamang ang kaniyang mga plano laban sa mga malalaswang komersiyal sa lansangan.

Parte ng krusada ng BITAG na mawala na sa mga kalsada ang mga dambuhala at naglalaswaang billboard na ito na matagal na naming tinutuligsa.

Patuloy na magmamasid ang BITAG. Sana hindi mauwi sa sarsuwelang pa-labas ang mga eksenang pagpapatanggal sa mga sexy billboard.

Page 17: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Isa pang mausok na komentaryo

REPORT CARD Ni Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

PATULOY kong sinusubaybayan ang mga development sa kampanya laban sa paninigarilyo. Nilabas kamakailan ang pinakahuling 2011 global tobacco report ng World Health Organization (WHO). Ayon sa datos, six million katao ang mamamatay sa taong ito dahil sa paggamit sa tobacco products. 10% nito, o 600,000, ay hindi gumagamit ng anumang tobacco products (sigarilyo, cigars, pipes, chewing tobacco). Mamamatay sila dahil minalas lang na masagap ang masamang usok ng tobacco – mga kasama sa bahay o sa trabaho ng mga tobacco addicts.

Kasabay nito’y hinimok muli ng WHO ang mga bansang hindi pa gumagamit ng malalaking graphic health warnings na umpisahan na ito. Ayon sa WHO, subok na ang epekto ng ganitong mga panakot bilang motibas- yon sa pagtigil ng mga addict. Malaki rin ang naitutulong nito upang matanggal ang appeal ng paninigarilyo sa mga non-smokers na nagpaplano pa lang. Karamihan sa mga ito ay bata.

Labingsiyam na bansa na ang nagpapatupad ng pictorial health warnings sa tobacco products. Alam ng mga nagbabasa ng REPORT CARD na hindi pa napapabilang ang Pilipinas sa hanay ng 19 na bansang may ganitong malasakit sa kanilang mamamayan. Ang administrative order (A.O.) ng ating DOH na nagmamando sa paglagay ng pictorial health warnings ay patuloy na hinaharang ng mga tobacco companies sa hukuman. Kung may batas sana – at hindi karaniwang A.O. – ay wala nang kukuwestiyon at wala nang hahadlang. Ang kaso’y hindi naman maaasahan ang ating congressman at senador na bilisan ang pagkilos. Sayang naman ang mga “pakiusap” sa kanila ng mga tobacco companies. At ipasa man ang pinakahihintay na batas, mapapapirma mo ba diyan ang

No. 1 smoker ng Pilipinas? Mas may pag-asa pa siguro na malagyan ng picture niya ang mga kaha ng sigarilyo kaysa mga picture ng naaagnas na baga. Ewan ko lang kung maging motibasyon ito upang mapatigil ang mga naninigarilyo.

Ang bawat maliit na hakbang na makapagbibigay ng maagang paunawa sa lipunan tungkol sa peligro ng paninigarilyo ay ma-laking tagumpay para sa kalusugan ng lahat.

Bulong

K KA LANG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

APAT na pangalan na lang ang nasa listahan umano ni President Aquino para pagpilian kung sino ang susunod na Ombudsman. Ang Ombudsman ay pinipili at tinatalaga ng presidente, hindi binoboto ng mamamayan, kaya sa presidente mananagot para sa lahat ng kanyang gagawin habang nasa Tanggapan ng Ombudsman. At dahil ang mamamayan ang “boss” ng presidente, ang mamamayan ang boss na rin ng Ombudsman. Sa Pilipinas, ang trabaho ng Ombudsman ay imbestigahan at kasuhan ang sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno na akusado ng katiwalian o korapsyon. Sila ang nagbabantay, at nagbabanta na rin sa mga gagawa ng katiwalian at korapsyon sa gobyerno. Ganun kaimportante at kahalaga ang trabaho ng

Page 18: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Ombudsman. Kapag hindi naganap ng Ombudsman ang kanyang trabaho, wala nang makakapigil pumasok sa katiwalian mula sa gobyerno. Ganun ang nangyari sa panahon ni Merceditas Gutierrez.

Nang hirangin ni dating President Arroyo si Gutierrez bilang Ombudsman, marami ang nangarap na malilinis na ang gobyerno dahil babae na ang Ombudsman at hindi magpapabor kaninoman. Pero may mga nadismaya rin dahil kaklase at kaibigan ni Mike Arroyo. Baka nabulungan si Arroyo na siya na ang ilagay, para kaalyado. Ang nangyari nga, pinaboran ni Gutierrez ang lahat ng kaalyado ni Arroyo, at inipit at kinasuhan naman ang mga kritiko at kalaban nila. Nang matapos na si Arroyo, nagmatigas at nanatili si Gutierrez bilang Ombudsman kahit malakas na ang panawagan na siya’y bumitiw na lang at huwag nang tapusin ang kanyang termino. Na-impeach, at tuluyan na ring bumitiw. Ngayon, sunud-sunod nang nakakasuhan ang mga kaalyado ni Arroyo na nasangkot sa mga mala-laking anomalya, katiwalian at korapsyon, kasama ang dating presidente. Kung tutuusin, ang inaasahan nilang si Gutierrez na siyang magbibigay proteksyon sa kanila kapag wala na sila sa kapangyarihan ang nagsilbing mitsa para sa mas matinding paghahabol sa kanila ngayon.

Magsilbi sana itong halimbawa na hindi dapat kaibigan o kaalyado ang tinatalagang Ombudsman. Ang sabi nga, ang tunay na Ombudsman ay ang isang taong walang kaalyado, walang kaibigan, walang kaklase, at walang kamag-anak sa gobyerno, para tunay na magampanan ang kanyang tungkulin. Walang kakampihan, walang ipagtatanggol, walang papanigan. Kaya kung may mga hinala, usapin, pasaring na may binubulong na pangalan kay President Aquino para maging sunod na Ombudsman, iyon ang unang pangalan na dapat tanggalin na sa listahan ng mga pagpipilian, at baka maulit lang ang isang Merceditas Gutierrez, hindi ba?

Isa pang mausok na komentaryo

REPORT CARD Ni Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

PATULOY kong sinusubaybayan ang mga development sa kampanya laban sa paninigarilyo. Nilabas kamakailan ang pinakahuling 2011 global tobacco report ng World Health Organization (WHO). Ayon sa datos, six million katao ang mamamatay sa taong ito dahil sa paggamit sa tobacco products. 10% nito, o 600,000, ay hindi gumagamit ng anumang tobacco products (sigarilyo, cigars, pipes, chewing tobacco). Mamamatay sila dahil minalas lang na masagap ang masamang usok ng tobacco – mga kasama sa bahay o sa trabaho ng mga tobacco addicts.

Kasabay nito’y hinimok muli ng WHO ang mga bansang hindi pa gumagamit ng malalaking graphic health warnings na umpisahan na ito. Ayon sa WHO, subok na ang epekto ng ganitong mga panakot bilang motibas- yon sa pagtigil ng mga addict. Malaki rin ang naitutulong nito upang matanggal ang appeal ng paninigarilyo sa mga non-smokers na nagpaplano pa lang. Karamihan sa mga ito ay bata.

Labingsiyam na bansa na ang nagpapatupad ng pictorial health warnings sa tobacco products. Alam ng mga nagbabasa ng REPORT CARD na hindi pa napapabilang ang Pilipinas sa hanay ng 19 na bansang may ganitong malasakit sa kanilang mamamayan. Ang administrative order (A.O.) ng ating DOH na nagmamando sa paglagay ng pictorial health warnings ay patuloy na hinaharang ng mga tobacco companies sa hukuman. Kung may batas sana – at hindi karaniwang A.O. – ay wala nang kukuwestiyon at wala nang hahadlang. Ang kaso’y hindi naman maaasahan ang ating congressman at senador na bilisan ang pagkilos. Sayang naman ang mga “pakiusap” sa kanila ng mga tobacco companies. At ipasa man ang pinakahihintay na batas, mapapapirma mo ba diyan ang

Page 19: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

No. 1 smoker ng Pilipinas? Mas may pag-asa pa siguro na malagyan ng picture niya ang mga kaha ng sigarilyo kaysa mga picture ng naaagnas na baga. Ewan ko lang kung maging motibasyon ito upang mapatigil ang mga naninigarilyo.

Ang bawat maliit na hakbang na makapagbibigay ng maagang paunawa sa lipunan tungkol sa peligro ng paninigarilyo ay ma-laking tagumpay para sa kalusugan ng lahat.

'Huling tagay' CALVENTO FILES Ni Tony Calvento (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

BOTE ng alak at pulutan ang pinagsasaluhan ng magkakaibigan noong ika-9 ng Disyembre 2009 sa isang birthday party. Habang tumatagay ng alak ang isang lalaki, sunod sunod na putok ang narinig mula sa likod ng puno ng mangga.

Nagdapaan ang lahat. May bumuwal na isang lalaki at duguan. Sumaboy ang alak sa lupa at mabilis namang humalo sa dugo. Sunod- sunod pang putok ng baril ang narinig. Sa takot, nagtakbuhan ang mga kainuman. Naiwan ang biktima na nag-iisa.

Matapos na mawala ang usok mula sa pulbura at tumahimik ang paligid ay isa-isang nagbalikan ang mga taong kasama sa inuman. Dahan-dahan nilang nilapitan ang lalaking nasa lupa at agaw buhay. Siya ay si Mamerto Villanueva o Mameng. Mabilis siyang dinampot ng kanyang mga kasama at sinugod pa sa ospital. Pagdating doon ay dineklara siyang ‘dead on arrival’.

Makalipas ang ilang minuto sa hindi kalayuan ay biglang nagiba ang pintuan ng isang tahanan. Pumasok ang pulis kasama ang mga tanod ng barangay. Dire-diretso sila at hinatak mula sa kama ang isang lalaki. Nagpumiglas ito at nagtanong kung bakit. Matigas siyang sinagot ng pulis “Sa presinto na lang namin ipapaliwanag”. Sinakay siya sa sasakyan ng pulis. Ikinulong siya sa kasong ‘murder’. Itinuturo siya ng dalawang testigo na nasa likuran ng pamamaril kay Mameng.

“Walang kasalanan ang kapatid ko! Nasa bahay siya ng mangyari ang patayan. Bakit nila sinasangkot ito?” mga katagang paulit-ulit na isinisigaw ni Maria Parco ng Imus Cavite ng siya ay magpunta sa aming tanggapan.

Sinabi niya sa amin na nagkamali ang mga testigo na nagdiin sa kanyang kapatid. Ang mga testigong ito ay sina Gerardo at Cecilia Batiao.

Ayon sa kanilang salaysay na ibinigay kay Police Investigator PO1 Michael Sabino sa harap ni SPO4 Margarito Alba, si Rommel ay biglang dumating na may hawak hawak na maiksing baril. Walang sabi-sabi ay bigla na lamang binaril ng dalawang beses itong si Mameng.

Nagtangka agad na tumakas si Rommel ngunit siya ay sinunggaban ng isa nilang kaibigan na si Ruel Valledo. Sila’y nagpambuno ngunit maging si Ruel ay pinalo umano ng baril sa batok. Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas si Rommel

Page 20: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Ipinaalam ni Maria ang sinapit ng kapatid sa asawa nitong si Dorina na ‘domestic helper’ sa Hongkong. Kinausap nito ang kasamahan domestic helper na may asawang abogado na si Atty. Onofre Manalad.

Nag-‘file’ ito ng Urgent Motion for Release and Setting of Case for Regular Preliminary Investigation, ang ibig sabihin nito dahil hinuli si Rommel na hindi dumaan sa normal na imbestigasyon, ito ay hinihiling nila na sumailalim sa isang regular ng preliminary investigation.

Hindi pa man naaaksyunan ang kanilang ‘motion for release’ ay binawi ni Cecilia Batiao ang kanyang salaysay.

Ika-4 ng Enero inamin niyang hindi niya nakita ang pumatay kay Mameng.

“Nais kong ituwid ang aking unang sinabi upang hindi na magdusa si Rommel na walang kinalaman o sala sa pagkamatay ni Mamerto” paliwanag ni Cecilia.

Matapos magbigay ng salaysay sa pulis ang mag-asawa ay umalis si Gerardo. Iniwan nito ang pamilya at nagtago sa Laguna. Nakonsensiya naman itong si Cecilia kaya binawi ang unang salaysay.

Isinumite ng kanilang abogado ang bagong salaysay ni Cecilia para ito’y tanggapin ng prosecutor upang mapawalan na itong si Rommel.

Sa naganap na ‘hearing’ hindi nag-‘object’ ang ‘prosecutor’ sa kanilang ‘motion for preliminary investigation’. Ito ay sa kadahilanang wala na silang testigo para ipagpatuloy ang kaso. Bumaliktad na ang mag-asawa.

“Pinagtataka ko talaga kung bakit hindi pa matapos-tapos ang kaso ni Rommel. Wala ng testigo. Wala ring kasalanan ang kapatid ko.” hinanakit ni Maria.

Itinampok namin ang kanyang problema sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00-4:00 ng hapon).

Bilang tulong, ini-‘refer’ namin siya kay Attorney Noemi SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang kasong ito’y isang ‘inquest case’ na nasa ‘jurisdiction’ na ng hukuman. Bagamat binawi ng mag-asawang testigo ang kanilang salaysay sa pamamagitan na isang ‘Affidavit of Recantation’. Kinailangan resulbahin muna ng korte ang unang isinampa na ‘motion’ para maibalik sa ‘Prosecutor’s Office’. Sa kasamaang palad ay namatay ang kanilang abogado noong Oktubre 2010, kaya natulog ang kaso. Nasa diskresyon ng hukom kung papayag na maibalik ang kaso sa prosecutor’s office o ituloy ang kaso sa hukuman,

Kadalasan kasing ginagawa ng hukom, kapag binabawi ang testimonya ng testigo inuupo ito para ipaliwanag sa korte kung bakit nita ginawa ito. Ang pagbawi kasi ng unang testimonya ay maaring mabahiran ng pagdududa na nagkaroon ng sabwatan o palitan ng pera sa pagitan ng mga taong sangkot sa usaping ito. Nag-iingat lamang ang ating korte o batas na basta lamang pakawalan ang isang akusado na may kasalan dahil sa aregluhan. Kung pagbibigyan ng hukom ang unang motion ng kanilang abogado, ito’y ibabalik sa prosecutor’s office kung saan maaring ma‘dismiss’ ang kaso base sa pagbawi ng mag-asawa.

Kung hindi naman, ang korte ay magtatakda ng paglilitis kung saan iuupo ang mag-asawa para doon sabihin ang kanilang pagbawi. Hindi rin dito natatapos ang usaping ito. Ang kagalang-galang na hukom ay maaring tignan kung ano o sino pa ang pwedeng tumestigo laban sa akusado. Pagkatapos ng lahat ng iyon doon

Page 21: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

lamang maaring gumawa ng desisyon ang hukom at kung makikita niya na walang legal na basehan upang tumayo ng kaso, idi-dismiss niya ito at papawalan si Rommel.

Naiintindihan ko din ang mga hinaing ito ng pamilya ni Rommel na hindi makatarungan na siya ay nakakulong na wala umanong kasalanan. Ganyan ang tamang proseso ng ating batas. Kapag itinuloy ng hukom ang paglilitis, pwede silang maghain ng ‘Motion for Speedy Trial’ para hindi na tumagal si Rommel sa kulungan. (KINALAP NI JONNA DAMIAN)

Ang aming programa sa radyo ay bukas sa anumang talakayan para sa mga complainants na walang kakayahang magpunta sa aming tanggapan. I-text niyo lamang sa mga numerong 09213263166 o sa 09198972854 at sasagutin namin on-air ang inyong problema.

Ang landline ay 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Orcollo babandera sa Pinas

Ni Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Dennis Orcollo ang walong pambato sa pool ng Pilipinas na kakampanya sa Asian Pocket Billiard Union (APBU) Guinness World Series of Pool 10 ball tournament na gagawin sa Mal Taman Anggrek sa Jakarta, Indonesia.

Makakasama ni Orcollo sa kompetisyong itinakda mula Hulyo 13 hanggang 17 sina Roberto Gomez, Carlo Biado, Jundel Mazon, Warren Kiamco, Jech Jech LImen, John Salazar at Jeffrey de Luna na pilit na tutulungan si Mazon na matiyak na hindi mawawala ang titulo ng torneo sa bansa.

Si Mazon ay siyang nagkampeon sa nagdaang edisyon at tinalo niya si Irsal Nasution ng Indonesia para makamit ang $40,000 unang gantimpala.

Si Orcollo ay lumahok din pero noong nakaraang taon at tumapos lamang siya sa pagsalo sa mula ika-9 hanggang 16th puwesto para sa $800 gantimpala.

Malaki ang tsansa na mahigitan ni Orcollo ang naipakita sa taong ito matapos ang magagandang inilalaro sa mga naunang kompetisyon.

Hinirang siyang kampeon ng World 8-Ball Championship bukod pa sa Derby City Classic 9-ball division at tumapos din sa ikatlong puwesto sa World 9-Ball Championship.

Sa kabuuan, si Orcollo ay nangunguna sa talaan ng kinita na sa $81,740 premyo at numero uno rin siya sa hanay ng World Pool Association (WPA).

“Laban naman ako lagi sa mga sinasalihan ko. Pero okey naman sa akin na iba ang manalo basta Filipino,” wika ni Orcollo.

Kasama ni Orcollo at Mazon sa main draw habang sina Gomez, Biado, Kiamco, Limen, Salazar at De Luna ay dadaan muna sa qualifying tournament na gagawin sa Kenari Billiard Hall.

Page 22: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Texters, Elasto Painters pakay ang semis

Ni Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Awtomatikong puwesto sa PBA Governors Cup semifinals ang nakataya ngayon sa Rain or Shine at Talk N’Text na makikipagtunggali sa magkahiwalay na laro ngayon sa Cuneta Astrodome.

Parehong may 4-2 karta ang Elasto Painters at Tropang Texters at kasalo sila sa ikalawang puwesto kasama ang pahingang Barangay Ginebra.

Pero kung mananalo, ay makakasama naman nila ang pahingang Petron sa susunod na yugto ng kompetisyon sa nangungunang 5-2 baraha.

Kalaro ng Rain Or Shine ang Alaska Aces sa unang bakbakan ganap na alas-5:30 ng hapon habang ang Talk N’Text ay makikipagsukatan sa Meralco dakong alas-7:45 ng gabi.

Mula sa nakakapagpataas ng morale na 116-113 overtime panalo ang Elasto Painters sa Bolts sa huling laro at nakita ang character ng tropa ni coach Yeng Guiao nang manalo pa kahit nawala ang 20 puntos na kalamangan at kinailangan pang humabol mula sa anim na puntos na pagkakaiwan sa regulation play.

Ang mahusay na si Arizona Reid na gumawa ng 22 puntos, 17 rebounds, 5 assists, 2 steals at 2 blocks ang mangunguna sa Rain or Shine para maipalasap sa Aces ang ikaapat na kabiguan sa pitong laro.

Sisikapin naman ng Tropang Texters na mapawi ang masakit na 96-101 pagkatalo sa Petron Blaze na naglaro ng All-Filipino.

Umaasa si Reyes na maibabalik ng kanyang alipores ang dating kumpiyansa na unti-unting bumababa dahil sa hirap ng mga larong dinaanan kasama nga ang pagbiyahe sa Digos at Dubai.

Pihadong bibigyan naman sila ng magandang laban ng Bolts na tulad ng Alaska ay may pantay na 3-3 baraha. 

De Jong paglalaruin na sa Azkals vs Kuwait

Ni Olmin Leyba (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Magbabalik ang defensive midfielder Jason de Jong sa Azkals kapag kinaharap nila ang Kuwait sa Hulyo 23 at 29.

Huling naglaro ang Fil-Dutch sa koponang hawak ni coach Michael Weiss nang kinaharap ng Azkals ang Mongolia sa Panaad Field sa Bacolod City.

Hindi naman siya nakasali sa AFC Challenge Cup playoff second leg laban sa Mongolia at sa group stages sa Myanmar matapos siyang suspindihin dahil sa di pagsipot sa training camp.

Page 23: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Binanggit ni Weiss na ikinokonsidera din niya si De Jong sa U23 SEA Games team sa Jakarta pero kaila-ngang magpakita na ito ng magandang asal sa pagsunod sa patakaran ng koponan.

“I’m just happy to be back. I’m back here where I belong,” wika ni de Jong matapos ang pagsasanay na ginawa ng Azkals at U23 pool sa Rizal Memorial Stadium.

Malaki ang maitutulong ni de Jong sa Azkals dahil suspendido sina midfilders Aly Borromeo at Stephan Schrock sa away game sa Kuwait.

“My role is always to be like the extra man in front of the defense, you know like play hard physically and just let no balls come through. I’m just here to help and let’s see what’s gonna happen,” dagdag pa nito.

Alam na rin niya na ang Kuwait ay pisikal kung maglaro kaya’t ngayon pa lamang ay ikinokondisyon na niya ang sarili para sa mahirap na laban.

Nakuha ng Pilipinas ang karapatang harapin ng Kuwait sa second round ng 2014 World Cup Asian qualifying nang manalo sila sa Sri Lanka sa kabuuang 5-1 iskor.

Toroman kumpiyansa sa Gilas sa Wuhan

Ni ATan (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Kumbinsido si Smart Gilas Pilipinas head coach Rajko Toroman na makakapag-uwi ng medalya ang koponan sa FIBA Asia Men’s Championship sa Wuhan, China sa Setyembre.

Sa pagdalo ng Serbian coach sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue, binigyan diin nito na ang magandang resulta sa FIBA Asia Champions Cup ang nagbibigay ng tiwala sa kakayahan ng Gilas na manalo sa Wuhan na isang London Olympics qualifying tournament.

“I don’t want to make promises. But I’m optimistic we will deliver something bigger. I think we will win a medal,” wika ni Toroman na sinamahan sa forum ni Gilas finance officer Butch Antonio.

Tumapos lamang sa ikaapat na puwesto ang Gilas sa Champions Cup ngunit tinuran ni Toroman na ang mga nakalaban ay binuo ng mga malalakas na manlalaro ng kanilang bansa bukod pa sa pagkakaroon ng tig-dalawang imports.

Ang Gilas ay naglaro taglay lamang ng isang reinforcement sa katauhan ni Marcus Douthit at hindi nila nagamit ang serbisyo ng mga PBA reinforcements na sina Kelly Williams at Jimmy Alapag.

Suportado naman ni Antonio ang kumpiyansa ni Toroman lalo nga’t nakita niya na iba na ang lakas na taglay ng Gilas ngayon.

“We’ve had a very good preparation. We have this shot of making it and doing something better,” pahayag naman ni Antonio.

Ang koponan ay sasabak naman sa Jones Cup mula Agosto 6 hanggang 14 at ito na ang huling malaking torneo na sasalihan ng koponan bago ang Fiba Asia.

Page 24: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

“This is a good preparation because we will be playing eight to nine games. This is a big test to the players,” ani pa ni Toroman.

EAC aasinta ng panalo sa JRU

Ni ATan (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Mapabilang sa mga koponang hindi pa natatalo sa liga ang hangad ng Emilio Aguinaldo College sa pagbabalik aksyon ng 87th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Makikipagbunuan ang Generals sa Jose Rizal Heavy Bombers sa unang bakbakan ganap na alas-2 ng hapon at makakasalo sila sa pahingang Letran at San Beda sa ikalawang puwesto sakaling manalo uli sa kanilang asignatura.

Papasok sa laro ang Generals mula sa 81-73 panalo sa Arellano University at naipakita ng tropa ni coach Gerry Esplana ang kanilang kakayahan na maglaro ng may pressure matapos mapag-iwanan muna ng Chiefs.

Ang Heavy Bombers naman ay magnanais na makapasok na sa win column matapos mabigo sa naunang dalawang laro.

Tila iniinda ng tropa ni sophomore coach Vergel Meneses ang pagpapakawala sa mga Nigerian players na sina Joe Etame at John Nchotu Njei dahil walang makuhang solidong laro sa mga naiwang locals para lasapin ang 67-73 at 77-86 kabiguan sa kamay ng San Sebastian College at Arellano University.

Si Elyzer Paguia na hindi masyadong nagamit sa off season ang siyang mangunguna para sa Generals sa pagsungkit ng ikalawang panalo.

Samantala, mag-uunahan naman ang Mapua at College of St. Benilde na makahagip ng kanilang unang tagumpay sa pagkikita sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Si Allan Mangahas na nagpakita ng husay sa D-League, ang aasahan sa pagpuntos pero dapat na magtrabaho ang mga malalaking manlalaro ng Cardinals tulad ni Mark Sarangay dahil hindi maglalaro ang Fil-Palestinian center na si Yousef Taha matapos suspindihiin ng liga bunga ng pambabato ng bola sa isang inbound play kay Letran guard Kevin Alas nang lasapin ng koponan ang 65-76 pagkatalo.

Aktres na negang-nega, magdedemanda!

TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

Maingay ang tsismis na idedemanda ng aktres ang mga reporter na nagsulat ng mga balita na hindi pabor sa kanya.

Page 25: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Kapag itinuloy ng aktres ang balak na pagsasampa ng kaso, lalong magiging makipot ang kanyang lumiliit na mundo.

Negang-nega ang image ngayon ng aktres dahil sa kontrobersiya na kinasangkutan niya kamakailan. May pagkakataon ang aktres na ipagtanggol ang sarili pero pinairal niya ang katigasan ng ulo.

Mas pipiliin pa niya na magdemanda kesa harapin ang problema. Magdemanda man siya o hindi, negang-nega na ang image ng aktres.

Iwa nag-ala LJ Reyes

Iba ang epekto ng pralala na six months na mawawala si Iwa Moto sa Pilipinas dahil aasikasuhin niya ang kanyang citizenship sa Japan.

Umiral ang pagiging malisyosa ng mga intrigera dahil may duda sila na buntis nga si Iwa.

Ginamit nila na basehan ang nangyari noon kay LJ Reyes na mag-aaral sa New York pero buntis pala.

Malay n’yo naman kung talagang pupunta si Iwa sa Japan para ayusin ang kanyang citizenship?

Pero dahil hindi available si Iwa for interviews, lalong lumakas ang tsismis na may inililihim siya.

Samantha Lopez manunumpa na bilang American Citizen

Kasama pala si Samantha Lopez sa cast ng Time of Your Life, ang danserye ng GMA 7 na mapapanood sa susunod na buwan.

New York based na si Samantha at umuwi lamang siya ng Pilipinas para sa taping ng Time of Your Life. Hanggang September lang si Samantha sa Pilipinas kaya dapat makunan ang mga eksena niya bago siya bumalik sa Amerika.

Inaayos na niya ang mga papeles ng kanyang nag-iisang anak na babae at mukhang matutuloy na ang pag-migrate ng bagets sa US.

Pumayag na ang anak ni Samantha na mag-aral at manirahan sa Amerika.

Manunumpa rin si Samantha bilang US citizen sa September kaya it’s a must na bumalik siya sa New York.

Aktor sinusunod ang utos ng manager, ka-live in, hiniwalayan na

Page 26: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Pinagdududahan na hiwalay na ang young actor at young actress dahil tumanggi ang una na sagutin ang mga question tungkol sa kanilang relasyon.

Iba ang obserbasyon ko. Mas malaki ang posibilidad na sinusunod ng aktor ang advice ng manager nito na huwag magsalita tungkol sa live in partner niya dahil bahagi ito ng pag-repackage sa kanyang image.

Mukhang successful naman ang pag-iwas ng aktor dahil nalilimutan na ng mga tao na tatay na siya. Hindi na rin napag-uusapan ang aktres sa mga presscon na dinadaluhan ng kanyang live in dyowa.

Mind Master balik-ere

Magbabalik na sa TV ang Mind Master, ang sariling show ni Nomer Lasala, ang mentalist na napapanood sa Showbiz Central.

Hanggang sa darating na Linggo na lang ang portion ni Nomer sa Showbiz Central dahil sa pagbabalik ng Mind Master.

Marami ang makaka-miss sa segment ni Nomer sa Showbiz Central. Iba kasi ang thrill na nararamdaman ng televiewers kapag correct na correct ang mga sagot ni Nomer sa mga iniisip ng mga celebrity guest.

Golden Acres nakaka-depress

Hindi ko pa rin malimutan ang kalagayan ng mga senior citizen na dinalaw namin sa Golden Acres noong Lunes.

Nakaka-depress talaga ang mga eksena na nakita ko, lalo na ang isang babae na kasing-edad ko pero pinabayaan ng kanyang mga kamag-anak. Nanghihingi ng peluka ang babae dahil kalbo na siya. Dream naman ng isa pang lola na magkaroon ng transistor radio para may mapaglibangan siya.

Mga simple lang ang mga request ng mga lola pero para sa kanya, napakalaking bagay na ‘yon. Matutupad ang mga pangarap ng dalawang lola dahil may mga nangako na bibigyan siya ng wig at transistor radio.

Aiko hindi muna magdyo-dyowa, pero nagpapaligaw!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (0)

Page 27: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

| Zoom

Matapos ang mga naging kontrobersiya sa pagitan ninaAiko Melendez at ang kanyang dating karelasyon na si Mayor Patrick Meneses ay hindi pa handang pumasok muli ang aktres sa isang relasyon.

“Ngayon ko napagtutuunan ulit na alagaan ang sarili ko and siguro I can say na after ’yung bagyong dumating sa akin, ang good riddance talaga is be busy and be beautiful.

“Ayoko muna, puwede silang manligaw ’di ba? Pero hanggang diyan muna sila. Hanggang sa panahon na okay na okay na ako,” paliwanag ni Aiko.

John kumpirmadong ama na naman

Masayang-masaya si John Estrada nang makumpirmang buntis na ang asawang siPriscilla Meirelles sa pamamagitan ng pregnancy kit. Bakas na bakas ang excitement at kaligayahan sa mukha ng aktor.

“Masaya, masaya! Actually I’m really excited for her because this is her first baby. I’m excited for her parents kasi first apo nila ito. Ako of course being the father, I’m so excited magkaroon ng anak with Priscilla, it’s really a blessing,” nakangiting pahayag ni John.

Baby boy ang gusto ng actor-TV host na maging panganay na anak nila ng misis.

“Kung tatanungin ako sabi ko, gusto ko sana boy. Sana, sana, napagdarasal naman siguro ’yun,” dagdag pa ni John.

Lalong pinagbubuti ng aktor ang kanyang trabaho ngayon lalo pa’t magkakaanak na sila ni Priscilla.

Page 28: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

“Mas lalo akong dapat magtrabaho dahil panibagong miyembro ito ng pamilya ko and my wife naman supports me all the way. Pagdating sa trabaho ko, wala akong problema,” giit pa ng aktor.

Xian Lim ipinalit ni kim kay Gerald

Isa si Xian Lim sa mga malalapit na kaibigan ni Vice Ganda. Nagsimula ang kanilang magandang samahan noong naging hurado si Xian sa Showtime kamakailan.

May mga nagtatanong sa binata kung okay lang ba siyang makipag-kissing scene sa gay comedian sa isang pelikula.

“Hindi lang naman kay Vice ito. Maybe magkaroon ng kissing scene sa isang lalaki kung hindi po siya bastos, kung meron siyang moral meaning sa story, why not? Kami po’y aktor, wala po itong masamang kahulugan. We’re just doing it to inspire other people to give meaning to the character,” pahayag ni Xian.

Samantala, isa rin ang young actor na makakapareha ni Kim Chiu para sa teleseryeng Binondo Girl.

Nangangahulugan ba na siya na ang papalit kay Gerald Anderson bilang on screen partner ni Kim?

“I’m not here to replace Gerald, I’m just here. Nandito kami ni Kim Chiu para magpasaya ng audience. Nandito po ako para gampanan ang aking role na sana po ay magustuhan ng mamamayang Pilipino. Sana po ay magustuhan ninyo ang team up namin,” pagtatapos ng binata.— Reports from JAMES C. CANTOS

Sumibat na pa-Amerika, Albie tinakasan na si Andi

PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (9)

| Zoom

PIK: Mataas ang rating ng Party Pilipinas nung nakaraang Linggo.

Mukhang malakas nga ang mga baget stars ng GMA 7 dahil talagang rater sila at marami ang sumusubaybay sa kanila.

Page 29: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Kapansin-pansin na rin ang malaking pagbabago sa Party Pilipinas na kung saan bidang-bida ang mga bagets na sinaJulie Anne San Jose at Elmo Magalona pati ang mga bida ng Tween Academy: Class of 2012 na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Napatunayan na rin naming malakas talaga si JulieAnne dahil lahat na nilalabasan nitong programa ay nagri-rate.

Tatahi-tahimik lang ang dalagitang ito pero malakas pala sa masa at talagang sinusubaybayan.

PAK : Nilinaw sa amin ni Bianca King ang intrigang tumanggi siyang mag-guest sa Party Pilipinas dahil hindi mga leading ladies ang makakasama niya sa production number.

Ayon kay Bianca, ang buong akala niya ay promo ’yun ng Sinner or Saint na ang makakasama niya ay sina Kylie Padilla ng Blusang Itim at Jackie Rice ng Sisid.

Nang nalaman niyang hindi na ’yun matutuloy, tumanggi na lang ang aktres dahil gusto na lang niyang ipahinga ang Linggo niya.

Bukod sa tatlong beses sa isang linggo na taping sa Sinner or Saint, nag-aaral pa siya sa St. Benilde na alas-otso ng umaga ang pasok. Halos wala siyang tulog kapag pumapasok ng school kaya kung wala naman siyang promo, mabuting ipahinga na lang daw niya ang weekend niya.

Wala rin naman siyang karapatang mamili ng TV guesting dahil ang manager naman niya ang nagdi-decide.

BOOM : Totoo kayang tumakas na si Albie Casino at lumipad na pa-Amerika kaya wala na tayong naririnig sa kanya?

Kumalat na sa ilang social networking sites na umalis na nga ang kontrobersiyal na Kapamilya young actor para talikuran na ang maiinit na intriga, lalo na’t tinanggal siya sa pelikulang pagsasamahan sana nila nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Pero may mga nagkuwento ring nandito lang si Albie at nasa taping ngMaalaala Mo Kaya kahapon.

Fans ni Angeline Quinto naalibadbaran kay Erik Santos

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

Page 30: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

| Zoom

Seen : Naalibadbaran ang fans ni Angeline Quinto sa biro na “don’t fall in love with me” ni Erik Santos sa baguhang singer.

Scene : Win Mo, Kapuso ang pamagat ng bagong game show ni Joey de Leon sa GMA 7.

Scene : Mali ang nakalagay sa souvenir program ng Film Academy of the Philippines na si Joel Lamangan ang direktor ng Sa ’Yo Lamang. Si Laurice Guillen ang direktor ng pelikula ng Star Cinema.

Seen : Si Laguna Governor ER Ejercito ang may pinakamaraming full page ads sa souvenir program ng29th Luna Awards.

Scene : Hirap si Angelu de Leon sa pagbubuntis sa panganay nila ni Wowie Rivera. Buntis si Angelu sa kanyang third baby.

Seen : Ginagamit pa rin ng estranged wife ni Senator Chiz Escudero ang apelyido na Escudero ngunit inililihim niya na siya ang kontrobersiyal na asawa ng senador.

Scene : Sumakabilang-buhay noong Lunes ang film director at production designer na si Don Escudero. Ang Laging Naroon Ka, Hindi Magbabago at Taguan ang ilan sa mga pelikula ni Don bilang direktor.

Lovi insecure sa maliit na boobs

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00

AM Comments (3)

Page 31: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

| Zoom

Sa victory party ng Temptation Island namin nakumpirmang may hawig si Lovi Poe kay Vanessa Hudgens, ang Hollywood actress na matagal nang GF niZac Efron. Pati ang tipo ng kaseksihan ay magkapareho ang dating nina Lovi at Vanessa.

Perfect ang tingin ng marami kay Lovi, pero sa interview niJessica Soho, inamin nitong insecure siya dahil sa maliit niyang boobs. Ganunpaman, wala siyang planong magpalaki ng boobs.

Anyway, kung naseksihan tayo kay Lovi sa Temptation Island, mas sexy pa siya sa My Neighbor’s Wife. Ayaw lang nitong magkuwento sa story ng movie dahil sa September pa yata ang playdate nito. Sina Dennis Trillo at Jake Cuenca ang leading men ng movie at dito siya nagsimulang ma-link kay Jake, pero ’di sinagot kung nanliligaw ang aktor. Say ni Lovi, angKapamilya hunk na lang ang tanungin.

Tinanong si Lovi kung saan niya dinadala ang kanyang pera at nabanggit na may ipinapagawa siyang bahay sa may Taguig. Three-storey house ito at feeling namin, sa subdivision ito kung saan nakatira siBianca King.

“Basta inaayos ko ang para sa akin dahil ’di ako forever artista. I’m trying to save at nagpapagawa ako ng house and by 2012, tapos na siya,” masayang sabi ni Lovi.

Ynna inaawat na si Mark sa kareregalo ng mamahalin

Mabait at generous na BF si Mark Herras para kay Ynna Asistio at nahihiya na siya sa mga mamahaling regalo ng nobyo. Minsan, ayaw na niyang sabihin at iparinig dito kung anong gamit ang gusto niyang bilhin dahil agad siyang binibilhan.

Binigyan na siya nito ng laptop, iPhone, iPad 2, at Cannon camera at iba pang maliliit na bagay. Sinabi na niya kay Mark na ’wag na siyang bibilhan ng mga gadget dahil mas gusto niyang pinag-iipunan niya’t may trabaho naman siya, pero ayaw ng BF magpapigil.

“Naa-appreciate ko ang pagiging generous ni Mark, pero alam ko ring may pamilya siyang sinusuportahan, kaya sabi ko sa kanya ’wag na akong bibilhan, pero sige pa rin. Hindi showy si Mark, pero ’pag kami lang, sweet siya,” sabi ni Ynna.

Page 32: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Walang pakialaman sa trabaho sina Ynna at Mark at hindi nagtatanungan sa mga eksena nila sa Sisid ni Ynna at Time of Your Life ni Mark.

Derrick kotse ang ireregalo sa sarili

Birthday ni Derrick Monasterio sa Aug. 1 at plano ng bagets na bumili ng sasakyan bilang birthday gift sa sarili. Kailangan na rin naman niya ng sariling sasakyan dahil sa rami ng commitments.

Hindi pa man tapos ang pelikulang Tween Academy: Class of 2012, sinimulan naman niya ang horror movie na The Road at tiyak na masusundan pa ng maraming pelikula dahil ibi-build-up siya ng GMA 7 at GMA Artist Center.

Kahit deny nang deny, John at Bianca magka-date sa Rockwell

May nag-tweet na nakita niya sina John Prats at Bianca Manalo na magkasama sa Powerplant sa Rockwell noong Sabado ng gabi. Nagtatanong ang nakakita kung may relasyon na ang dalawa?

Naalala namin ang sagot ni Bianca nang tanungin sa presscon ng The Adventures of Pureza, Queen of The Riles tungkol sa kanila ni John. Sabi nito, maraming beses na niyang nasagot ’yun at ’di rin totoo na inagaw niya ang aktor kay Rachelle Ann Go.

First movie ni Bianca ang nabanggit na pelikulang showing ngayong Wednesday, hindi siya nahirapan at nag-enjoy siya sa shooting dahil masarap katrabaho ang mga kasama lalo na si Direk SoxyTopacio.

Gustong mag-trabaho sa TV5, Geoff 'di mapakali sa GMA 7

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011

12:00 AM Comments (0)

| Zoom

Page 33: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Saan naman kaya gustong lumipat ni Geoff Eigenmann? Nabuburyong daw ito sa GMA 7 dahil sa kabila ng hindi naman siya nababakante ay wala pang kasunod ang nagtapos na Magic Palayok. Eh siya ang tipo na ayaw ng walang ginagawa. Nasasayangan siya sa oras. Kahit guesting ay wala siya ngayon.

May mga offers sa kanya to guest in TV5 pero ayaw naman siyang payagan na dapat ay maintindihan niya dahil kapag pinayagan nila siya ay magsi-set siya ng trend amongKapuso artists na may mga offers din to guest in rival networks but are not allowed to.

Si Iza Calzado, matagal ding naghintay before she got this busy. Pero ngayon inaani na niya ang pagiging mapasensiya at hindi mainipin. Geoff can learn a lesson or two from her.

Patpatin naging American hero

Taong 1941, noon ay kasalukuyang ginugutay ng giyera ang buong mundo. Matapos ang ilang ulit na pagsusumikap na makapasok sa pagsusundalo para makatulong sa pakikipagdigma kasama ang mga kaibigan at kapatid sa Allied Forces, ang bata at patpating si Steve Rogers (Chris Evans) ay tinanggap upang makasali sa isang experimental program na siyang magpapabago sa kanyang anyo at pagkatao upang maging isang Super-Soldier na kikilalanin ng mundo bilang Captain America.

Nakipag-alyado ito sa kanyang mga kaibigang sina Bucky Barnes (Sebastian Stan) at Peggy Carter (Hayley Atwell) at sa pamumuno ni Col Chester Phillips (Tommy Lee Jones), nilabanan nila ang Hydra Organization na pinamumunuan naman ni Red Skull (Hugo Weaving).

Mula sa Paramount Pictures at Marvel Entertainment, ang Captain America: The First Avenger ay ipinamamahagi sa bansa ngUnited International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na simula sa July 27.

Thelma (28)

Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (5)

“ANONG paano kapag nabiyudo si Caloy?”

May pagtataka sa tanong ni Marie kay Thelma.

“Ibig kung sabihin mag-aasawa pa kaya ‘yun?”

“Diyos ko, sino pa ba naman ang gugusto e matan-da na. Siguro ang gugusto lang kay Caloy ay yung may interes sa pera niya. Kung walang pera si Caloy, walang gugusto sa kanya. At saka wala na sigurong ibubuga ang ganun katanda. Amoy lupa na e.”

“Aba ang lalaki raw kahit na 90 na ay nakakaa-sembol pa.”

“Diyos ko naman, kung ang klase naman ni Caloy ang mag-aasembol sa akin ay huwag na lang. Buburuhin ko na lang talaga itong keps ko.”

Nagtawa si Thelma. Ngayon lang niya narinig na nagsalita ng bastos ang pinsang si Marie.

Page 34: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

“Gusto mo ay yung bata, Ate Marie.”

“Oo naman.”

“E paano ka makaka-dampot ng bata e lagi ka na lang nakakulong sa bahay mo. Tapos ay nadagdagan pa dahil inaalagaan mo si Trev. Baka wala ka nang pag-asang makatikim pa ng “luto ng Diyos”, Ate Marie.”

“Tinatakot mo naman ako.”

“E kung makipagkaibi-gan ka kaya sa foreigner? Di ba mayroong nakaka- pag-asawa dahil lamang sa pakikipagkaibigan.”

“Gusto ko nga sana ka- ya lang natatakot ako na baka ang makilala ko ay yung nam bubuntal. Di ba meron daw foreigner na kapag na lalasing ay nananakit ng asawa. Diyos ko, hindi pa naman ako gaanong marunong mag-English. Baka Englis-hin ako ay hindi ko maintin-dihan at magalit sa akin.”

Nag tawa si Thelma.

“Ang layo na agad ng iniisip mo Ate Marie. Wala ka pa ngang nakikilala ay pag-iingles na ang nasa isip mo.”

“Siyempre naman iniisip ko na ang maaaring mangyari kung sakali.”

Napatangu-tango si Thelma.

“At saka Thelma, kung ang mapapangasawa ko ay fo- reigner, halimbawa ay Kano e di ang laki ng kargada. Hin- di kaya ako mahirapan?”

Humagalpak ng tawa si Thelma. Kung anu-ano na nga ang iniisip ni Marie.

“Makakaya mo yun, Ate. Masasarapan ka pa nga.”

“Talaga bang masarap, Thelma?”

“Oo naman.”

“Hindi ka nahirapan ng una kayong magsex ni Delmo?”

“Kaunti lang. Parang kagat ng guyam.”

Napahagikgik si Marie.

“Baka naman kagat ng hantik, Thelma.”

“Hindi.”

“E bakit ang tagal niyong mag-anak ni Delmo. Inabot ng ilang taon bago kayo nakabuo. Tapos nang makabuo ay saka naman nawala.”

Page 35: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

Biglang nalungkot si Thelma. Naalala niya ang kasalanan kay Delmo. Namatay ito na ang buong paniwala ay sa kanya ang pinagbubuntis. Walang kamalay-malay na ang manunulat na si Trevor Buenviaje ang nakaasembol.

“Ay sori Thelma, bakit ba naitanong ko yun. Sori ha. Kasi’y kung saan-saan na napunta ang usapan natin.”

“Okey lang Ate. Naalala ko lang kasi si Delmo. Kasi’y malapit na ang birthday niya.”

“A ganun ba? Siya, tama na ang kuwentuhan. Bukas na lang uli. Magpahinga ka na at siguradong mapa-pagod ka na naman sa tindahan ni Caloy.”

“Sige Ate.”

Kinabukasan, pagpunta niya sa tindahan ay naroon na si Mang Caloy. Akala niya ay wala ito dahil dinala sa ospital ang asawa. Bakit kaya maaga ito? (Itutuloy)

Hulyo 13, 2011

Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

Pagtitibay: Kabuohan ang resulta ng pagmamahal.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) - Ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ay malamang manumbalik at ihanda ang sarili sa kagalakan o kalungkutan. Ang alitan sa kaibigan o kasamahan ay maisasaayos kung nanaisin subalit lalala kung papabayaan. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 23, 39 at blue.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) - Kung may balak magpakasal ngayon dapat pag-usapan upang tamasain ang kaligayahan nang pagsasama. Kung may balak lumipat ng tahanan ngayon isakatuparan upang maging masagana. Kung may balak magbukas ng negosyo ngayon dapat simulan upang maging maunlad. Lucky numbers at color of the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) - Ang pakikipagsosyalan ay inaayunan nang pagkakataon at panahon. Impluwensya ng panahon ang maging masayahin at halos lahat ay walang magiging suliranin. Magiging masaya ang makihalubilo sa mga kaibigan, kamag-anak o mga kasamahan. Lucky numbers at color of the day ay 21, 29, 35, 39 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) - Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon kaya iwasan magkunwari. Pairalin ang pagka-mahinahon dahil madali kang magalit sa biro, kantiyaw o makukulitan. Dahil sa tindi ng pangangailangan ng pera higpitan ang bigkis ng tali sa pag-badyet. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 10, 17 at white.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) - Ang pagkamarunong at pagkaismarte sa mga gawain ay mapapansin ng tagapamahala o boss. Ang suliranin sa pag-ibig o sa trabaho ay kailangan ng pagpapakumbaba pang-unawa at kung inaakalang may pagkukulang na nagawa ang paghingi ng paumanhin o tawad ay nagpapakita ng kalinisan ng hangarin. Lucky numbers at color of the day ay 5, 14, 29, 41 at pearl pink.

Page 36: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) - Hahanap ka ng paraan magiging abala kahit walang gaanong gawain. Paglilinis o pag-aayos ng tahanan, opisina o pinapasukan ang siyang sagot sa hinahanap na kaabalahan. Ang pangakong hindi natupad ng nakaraan ay maisasakatuparan kung pag-uukulan ng pansin at panahon. Lucky numbers at color of the day ay 3, 12, 18, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) - Trabaho at hanapbuhay ang siyang magiging pangunahing suliranin sa simula ng araw. Magiging mapansinin sa mga bagay na makakapagpaunlad at makakalikom ng enerhiya sa pagsisimula ng bagong hakbang sa hanapbuhay. Magiging malakas ang kaunlaran sa relasyon. Lucky numbers at color of the day ay 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) - Makakakita ng magandang pagkakataon upang magsimula ng negosyo. May pagkakataong makahanap ng paraan upang magkaroon ng seguridad sa sarili. Tahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng magulang. Kung may kahirapan noon ngayon ang simula ng kaginhawaan. Lucky numbers at color of the day ay 12, 18, 23, 33 at ruby red.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) - Kahit mabagal o maliit ang simula kung dadagdagan ang sipag at tiyaga ay malulusutan ang suliraning pinansyal. Ilagay sa mahigpit na pag-budget ang lahat ng gastusin. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit kung may mangungulit o magbibiro. Lucky numbers at color of the day ay 6, 14, 29, 36 at aquamarine.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) - Ang isyu ng nakalipas ay maaring lumitaw muli na siyang ikakagalit. Ngayon ang pagkakataong pagtuunan ng oras sa pagreresulba ng suliranin sa nakaraan. Kung magiging mahinahon at hindi idadaan sa dahas at init ng ulo ang suliranin ay parang bula na biglang mawawala. Lucky numbers at color of the day ay 1, 12, 22, 30 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Mukhang napaka-busy kaya hangga’t maari laanan ng panahon ang pagpapahinga alang-alang sa kalusugan. Makakaranas ng kasiglahan sa bandang hapon. Posibleng magalit at tumaas ang presyon ng dugo dahil sa suliranin ng anak. Maaring magkaroon ng panauhin. Lucky numbers at color of the day ay 11, 12, 28, 40 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) - Tamang panahon upang hanapan ng solusyon ang suliranin ng nakalipas. Harapin ang katotohanan na kung nagkasala, panahon na upang humingi ng tawad at kung may nagkasala panahon na upang magpatawad. Kung magagampanan ang dapat gampanan tiyak may kaunlaran sa hinaharap. Lucky numbers at color of the day ay 10, 22, 24, 30 at brown.

Komiks (July 13, 2011)

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

.

Page 37: Pilipino Star Ngayon 13-July-2011 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/22999721/303793214/name/Pilipino+Star+Ngayon...Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy