24
Filipino sa Piling Larang (Akademik) Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG SANAYSAY 12

Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

  • Upload
    others

  • View
    45

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Filipino sa Piling Larang

(Akademik)

Modyul 8: Pagsulat ng

AkademikongSulatin:

LARAWANG SANAYSAY

12

Page 2: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …
Page 3: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Filipino – Baitang 11/12 Self-Learning Module (SLM) Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Akademikong Sulatin: Larawang

Sanaysay

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gina F. Balasoto

Editor: Gilda V. Vilches

Tagasuri: Neirene Rosemae a. Castillon

Tagaguhit: Lhyryn Jaranilla

Tagalapat: Gina F. Balasoto

Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director

Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director

Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent

Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent

Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD

Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS

Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM

Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor

Juliet F. Lastimosa - CID Chief

Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS

Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator

Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Page 4: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

12

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 8:

PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN:

LARAWANG SANAYSAY

Page 5: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang

Akademikong Pagsulat.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

.

Page 6: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa

pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subikin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

Page 7: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o

sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Alamin

Pagbati!

Isa sa mga kadalasang ginagawa ng tao sa kanyang buhay ay ang

paglalakbay sa iba’t ibang magagandang lugar. Kaakibat rito ang pagkuha

ng mga larawan mula sa mga nakakatawag-pansin na mga tanawin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng gawaing gagabay sa iyo kung

paanong mapahalagahan sa malikhaing pamamaraan ang mga larawang

iyong nakuha mula sa paglalakbay.

Layunin nitong magabayan ka sa pagsulat ng essay/sanaysay sa mga

nakuha mong larawan. Ito ay tinatawag na Larawang Sanaysay.

Makatutulong ang mga gawaing ito sa paglinang ng iyong kakayahan sa

pagsulat ng essay bilang tugon sa pangangailangan sa iyong piniling

larangan.

Ano ba ang ibig sabihin ng Larawang Sanaysay? May ideya ka ba

kung paano ito gawin? Ano ang layunin ng Larawang Sanaysay?

Sa araling ito ay mahahasa ang iyong haraya sa pagbuo ng mga

matatalinghagang salita na iyong i-angkop sa larawang iyong tinutukoy.

Ikaw ay silbing maging isang manlalakbay.

Ang layunin ng modyul na ito na makamit natin ang

pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto na:

Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

CS_FA11/12PB-Om-o-112

Handa ka na ba sa ating paglalakbay?

Page 9: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Subukin

Bago pa man natin isa-isahin ang nilalaman ng modyul, kailangan mo

munang sagutin ang paunang pagsubok.

I.Panuto: Tukuyin ang katangian ng isang sulating akademiko. Isulat ang salita

TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di- wasto. 1

_______1. Ang larawang sanaysay ay isang sulatin kung saan higit na nakakarami

ang larawan kaysa sa salita o panulat.

_______2. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang agenda lalo na’t karamihan

ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.

_______3. Ang paglalagay ng larawan sa pagsulat ng larawang sanaysay ay di-

dapat isaayos.

_______4. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta

lamang sa mga larawan.

_______5. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng

mambabasa ang isusulat sa larawang sanaysay.

_______6. Sa pagbuo ng larawang sanaysay ay dapat gumamit ng iba-ibang

larawan sa pagbuo ng isang kaisipan.

_______7. Hindi kailangang maipakita sa kabuuoan ang layunin ng pagsulat o

paggawa ng larawang sanaysay

_______8. Isipin ang estado ng iyong mambabasa sa iyong gagawing larawang

sanaysay.

_______9. Ibatay sa kaisipan at interes ng mambabasa ang ginawang larawang

sanaysay

______10. Caption ang tawag sa pangungusap na nasa ilalim ng larawan.

______11. Ang sanaysay ay kailangang magpapahiwatig ng kabuuang kwento ng

larawan.

______12. Walang pagkakaiba ang lakbay-sanaysay sa larawang sanaysay.

______13. Kailangang gumamit ng mas maraming matalinghagang pahayag sa

pagbuo ng larawang sanaysay.

Page 10: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

______14. Kailangang di- organisado ang pagsulat ng sarawang sanaysay.

______15. Mas marami ang salita kaysa larawan ang pagsulat ng larawang

sanaysay.

Balikan

Sagutin ang mga sumusunod na pahayag bilang balik-tanaw sa mga natalakay batay sa

agenda.

1. Ano ang ibig sabihin ng katitikan ng pulong?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

2. Magbigay ng kahalagahan ng katitikan ng pulong.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

3. Magbigay ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

Page 11: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Tuklasin

Gawain 1- Pagpapanood ng isang video clip tungkol sa Larawang Sanaysay

( https://www.choosephilippines.com )

Prosesong Tanong:

1. Anong nais ipabatid ng video sa manood? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2. Anong porsyon ng video ang mas nakakuha ng iyong atensyon? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Ano ang sinisimbolo ng larawang napili? ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Gawain 2 - Basahin ang sanaysay.

Pagbakwit ng Lumad sa Lianga–

Noon At Ngayon

Kenneth Roland A. Guda

Maraming beses nang nagbabakwit (evacuate) ang mga Lumad ng

Sityo Han-ayan at iba pang karatig na lugar sa Diatagon,Lianga, Surigao

delSur. Pero kasinghirap pa rin ng unang pagkakataon ang kanilang

dinaranasngayon. Narito ang ilang larawan ng bagong pagbakwit ng mga

Lumad ngLianga, gayundin ang lumang larawan ng pagbabalik nila sa

kanilang lugarnoong 2009

Page 12: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Maraming beses nang nagbabakwit (evacuate) ang mgamamamayang

Lumad ng Sityo Han-ayan (at iba pang karatig na sityo saDiatagon, Lianga,

Surigao del Sur. Pero sa bawat puwersahang paglikas sakanila,

ipinaglalaban ng mga Lumad ang kanilang karapatang makabalik

sayutangkabilin o lupang ninuno.Palagi silang tinatarget ng mga elemento

ng Armed Forces of thePhilippines (AFP) sa mga operasyong militar nito–

kahit pa malinaw sa batasng bansa at pandaigdigang batas na labag ang

pag-atake at pagkampo sasibilyang mga komunidad, lalo sa mga

eskuwelahan. Hindi na kailangangsabihin, pero labag din sa batas,

siyempre, ang pagtarget sa mga sibilyangindibidwal tulad nina Henry

Alameda (na pinaslang noong 2014) at EmeritoSamarca, Dionel Campos at

Jovillo Sinzo (pinaslang noong Setyembre 1).

Labag din sa batas, siyempre ang walang mandamyentong

panghahalughogsa mga bahay at pagkuha ng personal na pag-aari–na

nangyayari tuwinginookupa ng militar ang mga pamayanan tulad ng Han-

ayan.“Parang martial law doon ngayon,” sabi ni Eufemia Cullamat,

55,residente ng Han-ayan at lider-kababaihan. Isa siya sa 2,685 (at

dumaramipa) na indibidwal na nagbakwit sa sports complex ng munisipyo

ng Tandag,Surigao del Sur. Madaragdagan pa ito, ayon kay Cristina

Palabay,pangkalahatang kalihim ng Karapatan, dahil unti-unting

nagbabakwit na rinang karatig na mga munisipyo ng Lianga, tulad ng San

Agustin, nanakakaranas din ng matinding presensiya ng militar at grupong

paramilitartulad ng Magahat/Bagani Force.

Ang mga larawan sa ibaba, kuha ng Gabriela-Caraga at

alternatibonggrupong midya na Kilab Multimedia, ang ilan sa mga imahe ng

paghihirap ngmga bakwit na Lumad na nasa Sports Center ng Tandag,

Surigao del Sur.

Page 13: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Noong Agosto 2009, kasama ang Pinoy Weekly sa

iilangmamamahayag na nakasabay sa mahabang paglalakbay ng

nagbakwitna mga Lumad ng Sityo Han-ayan pauwi sa kanilang komunidad

mataposang isang buwang ebakwasyon sa Tandag. Mahirap ang biyahe,

peromasaya ang mga Lumad sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan at

komunidad.

Gayunman, mahirap pa rin ang naging biyahe mula Tandag pauwi ng

Han-ayan: nakasakay sa malalaking dump truck, na bumiyahe sa

malulubak na mga kalsada, paakyat ng mga bundok, hanggang di na

kayanin ng mga trak ang matatarik na daan. Bago natapos ang araw,

nakabalik na sila sa Han-ayan, nagsagawa ng mga ritwal ng pasasalamat at

naglunsad ng programa ng pasasalamat sa mga tagasuporta. Hiling natin

na muling makabalik sila sa kanilang minamahal na komunidad sa

pagkakataong ito. Ito ang mga larawan (slideshow) ni Kenneth Guda sa

biyahe pauwi ng mga bakwit ng Han-ayan noong 2009.

Sagutin mo ang mga sumusunod ayon sa binasang sanaysay.

1. Anong lugar ang nakasaad sa mga larawan?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

_______________________________________________________

2. Ano sa palagay ninyo ang ating pag-uusapan sa linggong ito?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

_______________________________________________________.

Page 14: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Natumbok mo ang tamang sagot. Binabati kita!

Suriin

Ang larawang Sanaysay – ay isang sulatin kung saan higit na nakararami

ang larawan kaysa sa salita o panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang

lakbay- sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang

larawan.

Ano ano ba ang mga dapat

tandaan sa pagsulat ng

larawang sanaysay?

Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti

sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais

ipahayag.

Ang mga nakatalang sulat sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga

larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napaka ikli.

May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi

maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan sa paksang

nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuuan ang layunin ng

pagsulat o paggawa ng pictorial essay.

Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay

mga bata, kabataan, propesyunal o masa upang maibatay sa kanilang

kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang

gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

Page 15: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Balikan mo ang halimbawa ng Larawang Sanaysay na nasa ibaba na makikita rin sa

mga unang pahina:

Larawan 1

Larawan 2

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot batay sa ideyang binigay mo.

1. Naisaayos ba nang mabuti ang mga larawan?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2. Naipakita ba ng larawan ang kabuuan ng kwento na nais ipahayag?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

Page 16: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Pag-unawa

Sagutin mo ang mga sumusunod ayon sa iyong pagkaunawa mula sa talakayan.

1. Bakit mahalagang malaman ang iyong layunin sa pagsulat ng sanaysay batay sa isang

larawang ginamit?

2. Alin sa sa larawang ipinakita ang pinaka nakatawag-pansin sa iyo at bakit?

3. Ilahad ang katangian ng isang mahusay na larawang sanaysay batay sa iyong sinuri.

Tandaan: Ang buhay ay isang paglalakabay at isang . Sa bawat hakabang ng ating

mga paa ay katumbas ng iba’t ibang karanasan na minsa’y kasayahan at

minsan nama’y kalungkutan. Ganunpaman dapat paglabanan dahil

bandang huli ay makakamit pa rin natin ang ating mga inaasam asam

basta’t Mananalig lamang.

Page 17: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Pagyamanin

Masusubok ngayon ang iyong katapatan at kalaliman ng iyong kaalaman batay sa paksang

tinalakay. Gawin ang mga sumusunod.

Gawain 1 - Maglibot ka sa inyong sariling lugar at kumuha o mag-capture ng

pinakamagandang angulo ng larawan at gawaan ng sanaysay sa tulong ng

mga dapat tandaan sa pagsulat ng larawang sanaysay.

Page 18: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Isaisip

1. Bakit kailangang matutuhan ang pagsulat ng Larawang Sanaysay?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________.

2. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng Larawang Sanaysay?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Ang bawat kaalaman na iyong

natutunan ay isang

kayamanan

na pakaingatan.

Page 19: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Isagawa

Panuto: Batay sa larawan, bumuo ka ng isang sanaysay.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Bilang gabay, narito ang pamantayan.

Pamantayan Puntos

Nakagagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng Larawang

Sanaysay

5

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na Larawang

Sanaysay

5

Nakasusulat ng isang Larawang Sanaysay batay sa maingat, wasto, at

angkop na paggamit ng wika

5

Makatotohanan ang nabuong Larawang Sanaysay.

5

Kabuuang Puntos

20

Page 20: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Tayahin

Panapos na pagsubok o post test

Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

I. Panuto: Tukuyin ang katangian ng isang sulating akademiko. Isulat ang salita

TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di- wasto.

_______1. Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakakarami ang

larawan kaysa sa salita o panulat.

_______2. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang agenda lalo na’t karamihan

ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.

_______3. Ang paglalagay ng larawan sa pagsulat ng Larawang Sanaysay ay di-

dapat isaayos.

_______4. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta

lamang sa mga larawan.

_______5. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng

mambabasa ang isusulat sa Larawang Sanaysay.

_______6. Sa pagbuo ng Larawang Sanaysay ay dapat gumamit ng iba-ibang

larawan sa pagbuo ng isang kaisipan.

_______7. Hindi kailangang maipakita sa kabuuoan ang layunin ng pagsulat o

paggawa ng Larawang Sanaysay

_______8. Isipin ang estado ng iyong mambabasa sa iyong gagawing Larawang

Sanaysay.

_______9. Ibatay sa kaisipan at interes ng mambabasa ang ginawang Larawang

Sanaysay

______10. Caption ang tawag sa pangungusap na nasa ilalim ng larawan.

______11. Ang sanaysay ay kailangang magpapahiwatig ng kabuuang kwento ng

larawan.

______12. Walang pagkakaiba ang lakbay-sanaysay sa larawang sanaysay.

Page 21: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

______13. Kailangang gumamit ng mas maraming matalinghagang pahayag sa

pagbuo ng Larawang Sanaysay.

______14. Kailangang di- organisado ang pagsulat ng Larawang Sanaysay.

______15. Mas marami ang salita kaysa larawan ang pagsulat ng Larawang

Sanaysay.

Karagdagang Gawain

Bakit kailangang matotohan ang pagsulat ng Larawang Sanaysay bilang akademikong

pagsulat?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Hanggang dito na lang.

Maraming salamat sa taus puso mong paglaan ng oras para sa iyong pagkatuto.

Pagpalain ka ng Poong Maykapal.

.

Page 22: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Susi sa Pagwawasto

Page 23: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

Sanggunian

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Batayang Aklat;Kagawaran ng Edukasyon). Quezon City: Vibal Group

Company. 2016

Page 24: Modyul 8: Pagsulat ng AkademikongSulatin: LARAWANG …

PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng

Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may

pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa

bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most

Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng

Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat

mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong

panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa

paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming

hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: [email protected]