25
Arts Unang Markahan – Modyul 6: Kuwentong kay Ganda! 2

Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

  • Upload
    others

  • View
    24

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

Arts Unang Markahan – Modyul 6:

Kuwentong kay Ganda!

2

Page 2: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Kuwentong Kay Ganda Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Melanie S. Berrame Editor: Jose C. Tala Ed D

Nelson Oliva Tagasuri: Saturnino D. Dumlao Tagaguhit: Oliver V. Arevalo Tagalapat: Cristal A. Delos Reyes Tagapamahala:

Nicolas T. Capulong, PhD Librada M. Rubio, PhD Ma. Editha R. Caparas,EdD Nestor P. Nuesca, EdD Engelbert Agunday, PhD Felegina Bugay Jose C. Tala, EdD

Page 3: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

2

Arts Unang Markahan – Modyul 6:

Kwentong kay Ganda!

Page 4: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts –

Baitang 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

para sa araling Kwentong kay Ganda!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,

nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at

pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng

mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K

to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay

ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto

na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at

oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral

upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng

paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin

ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,

inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga

gawaing nakapaloob sa modyul.

Page 5: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts – Baitang 2 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 6 ukol sa

Kwentong kay Ganda !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa

iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na

dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman

mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita

natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang

lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o

balik-aral upang matulungan

kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa

naunang leksyon.

Page 6: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

iv

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain

o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka

ng maikling pagtalakay sa

aralin. Layunin nitong

matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing

para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto

ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi

ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung

anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Page 7: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

v

Isagawa

Ito ay naglalaman ng

gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong

kaalaman o kasanayan sa

tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na

naglalayong matasa o

masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay

sa iyong panibagong gawain

upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa

Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga

tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat

ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng

modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

vi

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit

ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag

lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang

bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago

lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa

modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang

bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa

pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto

ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa

iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o

tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng

pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga

gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang

konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa

nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at

makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay

na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Page 9: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

1

Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang

malinang ang iyong kaalaman, kasanayan at likas na

pagkamalikhain na inyong mga natutunan sa nakaraang

aralin. Maliwanag at payak ang pagkakasulat ng mga

paraan sa bawat gawain upang madali mong

masundan ang mga ito at malaya mong maipahayag

ang iyong imahinasyon at damdamin at paglikha ng sarili

mong kwento.

Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang

mga sumusunod na kasanayan:

Natutukoy ang iba’t ibang hugis sa nasabing

kwento

Nagagamit ang iba’t ibang kulay sa pagguhit ng

hugis

Napapahalagahan ang taglay na katangian ng

mga kwento sa bawat indibidwal

Page 10: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

2

Subukin

Suriin ang mga larawan sa baba at tukuyin ang mga

hugis ng mga ito.

Page 11: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

3

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang iba’t ibang

hugis, linya at tekstura na magagamit sa pagguhit ng

mukha.

Ang susunod na aralin ay tungkol sa mga kwento

na may kaugnayan sa nakaraang aralin. Halina ating

alamin at tuklasin ang mga kwentong nakapaloob sa

ating aralin

Aralin

1

Kuwentong kay

Ganda!

Balikan

Page 12: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

4

Tuklasin

Basahin at unawain ang kwento. Sagutan ang

susunod na aktibidad.

A. Base sa kwentong iyong nabasa, iguhit sa loob ng

kahon ang mga hugis na nabanggit at kulayan ito

katulad nang pagkulay ni Bea sa mga hugis na iginuhit ni

Anna.

May magkaibigan na palaging naglalaro at

nagpapagalingan. Si Anna na palaging

pinagmamalaki ang taglay niyang kagalingan sa

pagguhit ng iba’t ibang hugis at si Bea naman na

may talento sa iba’t ibang pang-akit na kulay. Isang

umaga tinawag ni Anna si Bea upang maglaro at

magpakitang gilas. Nagsimulang gumuhit si Anna ng

parisukat, tatsulok, parihaba at bilog. Namangha si

Bea at hindi nagpatalo kaya naman sinimulan

niyang kulayan ang mga hugis na iginuhit ni Bea.

Kulay dilaw para sa parisukat, pula sa tatsulok, berde

sa parihaba, at asul sa naman sa bilog.

Page 13: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

5

Ayusin ang mga sumusunod na ginulong mga letra

(jumbled letters) upang makumpleto ang mga

sumusunod na pangungusap.

1. Si Anna ay napakagaling ________ (hitmugu) ng mga

hugis.

2. Ang hugis na ____________________ (katripasu) ay

aking naiguhit.

3. Kinulayan ni Bea ang mga ginuhit ni Anna na mga

____________(gisuh)

4. Napakahusay magkulay ni Bea ng mga hugis na

____________(loktatsu)____________(rihabapa)_______

___(iblog) at ___________ (risupakat).

5. Sina Bea at Anna ay taglay ang kagalingan sa

________________ (gupaghit).

Suriin

Page 14: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

6

Pinatnubayang Pagsasanay

Gabayan ang mag-aaral sa pagbasa ng kuwento.

May kuwento ako. Basahin at alamin ang mga kulay

na binanggit sa kuwento? Kilalanin sila.

Sa simula pa lamang, mayroon nang pitong kulay

dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel, Dilaw, Luntian,

Bughaw, Indigo at Lila. Inatasan sila ni Bathala na

magbigay ng kulay sa mundo ngunit sa hindi inaasahang

pagkakataon, hindi sila nagkakasundo-sundo. Sinabi ni

Bathala na magtulungan sila at magbigayan sa lahat ng

oras. Patuloy silang hindi nagkakasundo sa iba’t ibang

bagay. Palagi silang may kompitensya sa isa’t isa lalo na

sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, “Ako ang

pinakamaraming nagawa dito kaya ako lang na

nararapat na mabigyan ng gantimpala.” Ngunit sumagot

si Bughaw, “Anong sinasabi mo diyan na ikaw ang

maraming nagawa? Hindi hamak na mas marami akong

nagawa at inambag sa iyo.” Ngunit hindi pa natapos

ang alitan bagkus lalo pang lumala dahil nakisali sa

usapan ang iba pang mga kulay. Nagpapagalingan at

nagpapasikatan at lalong tumindi ang kompitensya.

Pagyamanin

Page 15: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

7

Narinig ni Bathala ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil

dito nagalit si Bathala at pinarusahan sila nito. Sinabi niya,

“Dahil hindi kayo nagkakasundo paparusahan ko kayo

ng ayon sa inyong kagustuhan. Dahil palagi kayong

magkakakompitensya, gusto kong malaman ninyo ang

kahalagahan ng kooperasyon sa isa’t isa. Ang

kahalagahan ng bawat isa sa inyo.” Kung kaya

pinagsama ni Bathala ang pitong kulay at sila’y naging

isa. Ang pitong kulay ay tinatawag na Bahaghari at

makikita natin ang pitong kulay na naging isa na

hanggang sa ngayon.

A. Anu–anong kulay ang binanggit sa kwento. Isulat sa

payong ang mga kulay.

Ibat-Ibang Kulay

Page 16: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

8

B. Kulayan ang mga prutas na nabanggit ayon sa

angkop nilang kulay.

Page 17: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

9

Basahin Natin:

Ang Masayang Mag-anak

Ang masayang mag-anak ay sama-samang

nagmamahalan at nagtutulungan. Ang masayang mag-

anak. Ang masayang mag-anak ay nagpapakita ng

mga mabubuting gawain. Magandang pagmasdan ang

mag-anak na nagkakaisa at masayang nagkuwentuhan.

Gawin Natin:

1. Gumuhit at kulayan ng mga larawang nagpapakita

ng pagtulong sa tahanan.

2. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa mga

mabubuting gawain ng isang masayang mag-anak.

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

______________________________

Page 18: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

10

Ang parisukat ay may apat na sulok at apat na gilid.

Halimbawa: panyo, mesa

Ang bilog ay linyang paikot sa sentro at nagtatagpo sa

tuldok na pinagmulan.

Halimbawa: pinggan at gulong

Ang tatsulok ay may tatlong gilid at may tatlong sulok. Sa

tatlong sulok na ito nagtatagpo ang mga linya.

Halimbawa: hanger, pamaypay

Ang parihaba ay pinahabang parisukat at magkatulad

ang haba ng magkatapat na dalawang pares na linya.

Halimbawa: aklat at kama

Ang lahat ng mga bagay ay may kani-kaniyang

kulay. Kung walang kulay ay magiging pangit at

nakakasawa ang ating paligid.

Ang mga kulay ay maaari ring magsaad ng iba’t

ibang damdamin tulad ng mga sumusunod.

1. Pula kasayahan, himagsikan, katapangan

2. Asul kapayapaan, kalungkutan, katapatan,

pag-iingat

3. Luntian sariwa, tapat, payapa, matatag at

matuwid

4. Dilaw matalino, matatakutin, manlilinlang, seloso

5. Itim kalungkutan, kasamaan, lumbay

6. Rosas pag-ibig

7. Puti malinis, mapagkakatiwalaan, tiwasa

8. Lila maharlika, mayaman, marangal

Isaisip

Page 19: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

11

Larawang Isinasaad ng Kuwento

Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang

ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking

magpahayag ng iyong kalooban sa pamamagitan ng

kuwento.

1. Gabayan ang mag-aaral sa pagbasa ng kuwento.

Isang Maunos na Gabi

Malakas ang ihip ng hangin. Parang masisira ang

maliit na kubo nina Amielle. Tumutulo ang tubig mula sa

bubungan. Maya-maya’y kumislap ang kidlat kasunod

ang nagngangalit na kulog. Madilim na madilim ang

kalangitan. Nang humina na ang kulog ay narinig naman

ni Amielle ang alulong ng aso. Siya’y takot na takot

hanggang magtalakbong siya ng kumot. Nang lumaon

naalala niya ang sinabi ng kanyang lolo, “Ang tunay na

lalaki ay walang kinakatakutan.” Nataranta si Amielle

nang makita nya ang kanilang bubong ay malapit nang

bumagsak. Tinulungan nya ang kanyang mga magulang

na mailipat ang kanilang gamit sa lugar na hindi

nababasa.

Gawain

Page 20: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

12

Huwag po kayo mag-aalala Tatay, Nanay titigil din

po ang ulan. Matulog na po kayo. Napangiti ang tatay ni

Amielle. Matapang ang kanyang anak.

2. Anong bahagi ng kuwento ang iyong nagustuhan?

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________

3. Ipahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng

pagguhit ng isang larawan tungkol sa kuwento at kulayan

ito.

Page 21: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

13

Gawin ang mga sumusunod na panuto.

1. Sa pamamagitan ng lapis “marking pen” o isang

kulay ng krayon ay lumikha ng mga hugis. Maaari

kang gumamit ng iba’t ibang uri ng hugis.

2. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong ginawa.

3. Ikuwento ang pangyayari na iyong ipinahayag sa

pamamagitan ng hugis.

Tayahin

Page 22: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

14

Kulayan ang dahon batay sa bilang ng kulay.

1- pula

2- dilaw

3 - luntian

4 - bughaw

5 - lila

Karagdagang Gawain

5 4

3

2 1 3

Page 23: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

15

Susi sa Pagwawasto

Karagdagang

Gawain

1.lila

2.bughaw

3.luntian

4.dilaw

5.pula

Suriin

1.gumuhit

2.parisukat

3.hugis

4.tatsulok,

parihaba, bilog

at parisukat

5.pagguhit

Subukin

1.bilog

2.tatsulok

3.parisukat

4.parihaba

5.bilohaba

Gawain

Iskala ng Pagmamarka para sa Suriin, Pagyamanin (Gawin Natin), Isaisip, at

Gawain.

4 (napakahusay) 3 (mahusay) 2 (katamtaman) 1 (di-gaanong mahusay)

Pamantayan Pagmamarka ng Guro

Suriin Pagyamanin Isaisip Gawain

1. Paglalarawan ng Konsepto

2. Kalinisan

3. Paglamalikhain

4.Pagsunod sa panuto

5.Malinis at maayos ang

kabuuang presentasyon

Total

Page 24: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

16

Sanggunian

LRMDS “Learning Resource Portal” DepEd Learning Portal.

Last modified May 2016.

http://lrmds.deped.gov.ph

Ramilo, Rolando V., Pabilonia, Fe P., Igot, Kristel Iris E. and

Catacutan, Marco A. Music, Arts,

Physical Education and Health. 1st ed. Philippines:

Rex Book Store, INC, 2013, 186-190.

Valdecantos, Emelita C. Umawit at Gumihit. 1st ed.

Manila: Saint Mary’s Publishing Corporation,

2009, 121-122.

Page 25: Unang Markahan Modyul 6: Kuwentong kay Ganda!...11 Larawang Isinasaad ng Kuwento Ang kaisipan at damdamin ay karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Subuking magpahayag

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]