20
1 Mary Grace H. Gonzales Pagsusuri sa mga Modelo at Teorya sa Pag-aaral ng Bilingguwalismo at Pagtatamo ng Ikalawang Wika (W2) o Second Language (L2) Modelo/Teorya: Spolsky’s Framework Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/modelo: Ang mga bata ay maaaring magtagumpay sa pagtatamo ng ikalawang wika kung ang pagkakaunlad ng unang wika ay nabigyan na ng pansin, lalo na sa pagpapaunlad ng bokabularyo at konseptong may kaugnayan sa pag-aaral. Ang bata ay kailangang makaabot sa isang partikular na lebel ng pagkatuto sa L1 bago siya tuluyang magtagumpay na matuto sa L2. (Spolsky, 2010) Paano iuugnay ng guro ng wika ang edad ng mag-aaral sa pagkatuto ng wika? Ang isang tanong ay kung kailan ba dapat magsimula ang pagtuturo ng L2, kaugnay nito ay dapat ring isipin kung gaano katagal dapat mag-aral ang mga bata. Tatlong kondisyon ang inihain ni Spolsky, una, ang pormal na pag-aaral sa klasrum ay nangangailangan ng kasanayan sa pagsusuri, kaya, mas mabuting mas may edad ang mag-aaral; ikalawa, mas bukas ang mga bata sa pag-aaral ng L2 sa mga sitwasyong impormal, kaya mas madaling turuan ang mga bata gamit ang dulog-impormal; at ikatlo; dahil paborable para sa mga bata ang natural na sitwasyon, ang pagtuturo ng wika ay nangangailangan ng paglikha ng mga sitwasyong pangwika sa klasrum. Ang desisyon kung kailan ituturo ang ikalawang wika ay hindi karaniwang nagmumula sa mga guro ng wika o kaya sa mga eksperto sa pagtuturo ng L2. Ang sistema ng edukasyon ay karaniwang gumagawa muna ng desisyon hinggil sa tamang edad ng pag-aaral ng ikalawang wika batay sa politikal o ekonomikal na dahilan, at saka nila ipagtatanggol ang ginawang desisyon. (Cook, 1996) Nagkakaroon ng politikal na desisyon sa pagpapatupad ng mga patakarang pangwika, kaya ang kapangyarihan at estado ay nakakaapekto sa pagiging puro o hindi ng isang wika. Ang mga desisyong pangwika ay mga desisyong politikal at ekonomikal. Kadalasan, ang mga desisyong may kinalaman sa wika ay hindi gaanong mahalaga at hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga may kapangyarihan, na ang interes ay nakatuon sa kapangyarihan at pera. (Baker, 1993) Pinagtuunan din ng pansin ni Spolsky ang language policy. Tatlong komponent ng patakarang pangwika ng isang speech community, una, ang language practices, o ang nakasanayang patern ng pagpili sa mga varayting bumubuo sa wika; ikalawa, sa language beliefs o ideology o ang mga paniniwala tungkol sa wika at sa paggamit ng wika; at sa anumang espesipikong pagsisikap na baguhin o impluwensiyahan ang mga

Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga paliwanag at pagsusuri tungkol sa Bilingguwalismo. Isina-Filipinong nilalaman at paliwanag para sa mga kumukuha ng kurso sa pag-aaral ng Linggwistiks at Bilinnguwalismo at sa Wikang Filipino.

Citation preview

Page 1: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

1

Mary Grace H. Gonzales Pagsusuri sa mga Modelo at Teorya sa Pag-aaral ng Bilingguwalismo at Pagtatamo ng Ikalawang Wika (W2) o Second Language (L2) Modelo/Teorya: Spolsky’s Framework Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/modelo:

Ang mga bata ay maaaring magtagumpay sa pagtatamo ng ikalawang wika kung ang pagkakaunlad ng unang wika ay nabigyan na ng pansin, lalo na sa pagpapaunlad ng bokabularyo at konseptong may kaugnayan sa pag-aaral. Ang bata ay kailangang makaabot sa isang partikular na lebel ng pagkatuto sa L1 bago siya tuluyang magtagumpay na matuto sa L2. (Spolsky, 2010) Paano iuugnay ng guro ng wika ang edad ng mag-aaral sa pagkatuto ng wika? Ang isang tanong ay kung kailan ba dapat magsimula ang pagtuturo ng L2, kaugnay nito ay dapat ring isipin kung gaano katagal dapat mag-aral ang mga bata. Tatlong kondisyon ang inihain ni Spolsky, una, ang pormal na pag-aaral sa klasrum ay nangangailangan ng kasanayan sa pagsusuri, kaya, mas mabuting mas may edad ang mag-aaral; ikalawa, mas bukas ang mga bata sa pag-aaral ng L2 sa mga sitwasyong impormal, kaya mas madaling turuan ang mga bata gamit ang dulog-impormal; at ikatlo; dahil paborable para sa mga bata ang natural na sitwasyon, ang pagtuturo ng wika ay nangangailangan ng paglikha ng mga sitwasyong pangwika sa klasrum. Ang desisyon kung kailan ituturo ang ikalawang wika ay hindi karaniwang

nagmumula sa mga guro ng wika o kaya sa mga eksperto sa pagtuturo ng L2. Ang sistema ng edukasyon ay karaniwang gumagawa muna ng desisyon hinggil sa tamang edad ng pag-aaral ng ikalawang wika batay sa politikal o ekonomikal na dahilan, at saka nila ipagtatanggol ang ginawang desisyon. (Cook, 1996) Nagkakaroon ng politikal na desisyon sa pagpapatupad ng mga patakarang pangwika, kaya ang kapangyarihan at estado ay nakakaapekto sa pagiging puro o hindi ng isang wika. Ang mga desisyong pangwika ay mga desisyong politikal at ekonomikal. Kadalasan, ang mga desisyong may kinalaman sa wika ay hindi gaanong mahalaga at hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga may kapangyarihan, na ang interes ay nakatuon sa kapangyarihan at pera. (Baker, 1993) Pinagtuunan din ng pansin ni Spolsky ang language policy. Tatlong komponent ng patakarang pangwika ng isang speech community, una, ang language practices, o ang nakasanayang patern ng pagpili sa mga varayting bumubuo sa wika; ikalawa, sa language beliefs o ideology o ang mga paniniwala tungkol sa wika at sa paggamit ng wika; at sa anumang espesipikong pagsisikap na baguhin o impluwensiyahan ang mga

Page 2: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

2

gawing ito sa anumang paraan ng interaksyon, pagpaplano, o pagsasaayos. (Heidemana, 2010) Mga Layunin ng teorya/modelo:

Ang layunin ng mga paniniwala ni Spolsky ay una, ipakitang ang patakarang pangwika ay isang politikal na desisyon na may epekto sa pagkatuto ng wika, sapagkat ang pagtuturo ng ikalawang wika ay idinidikta ng mga makapangyarihan sa lipunan, na maaaring mga pinuno ng gobyerno, mga may impluwensya sa ekonomiya, at sino pa mang maituturing na mahalagang kabahagi o stakeholders sa lipunan. Ikalawa, dahil nga sa isa itong politikal na desisyon, apektado ang pag-aaral ng mga kabataan ng ikalawang wika, sapagkat hindi napagtutuunan ng pansin ang edad at kakayahan ng bawat bata sa pag-aaral ng ikalawang wika batay sa kanilang edad. Kung gayon, layunin ni Spolsky na bigyang-diing mahalagang tingnan ang edad ng bata sa pag-aaral at pagkatuto ng ikalawang wika. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Maganda ang mga teorya ni Spolsky, na isang eksperto sa pagpaplanong pangwika, tungkol sa kaugnayan ng edad ng bata sa pag-aaral ng L2. Mas mabuti aniyang matuto ang bata kung mas may edad na kaysa sa mga batang halos wala pang muwang, sapagkat kailangan ang pag-unawa, kakayahang mag-isip, at mag-analisa sa pag-aaral ng L2. Ang teoryang ito ni Spolsky ay magagamit ng anumang institusyon na nagsasagawa ng mga pagpaplanong pangwika, at ng iba‟t ibang bansang nais maging multilinggwal. Kailangan nilang matutunan na hindi dapat basta-basta ipinatutupad ang isang patakaran kung anong wika ang dapat ituro sa mga paaralan, kailanagan ding mapag-aralang mabuti kung anong edad dapat ituro ang isang wika. Sa aking palagay ay dapat matutunan ng lahat ng administrador ng lahat ng mga paaralan sa Pilipinas na pahalagahan ang ganitong paniniwala upang hindi ipagpilitan sa mga musmos ang pagtuturo ng Ingles. Ang teoryang ito ni Spolsky ay sumusuporta sa adhikain ng mga eksperto sa wika na maging tama at angkop sa edad ang pagtuturo sa ibang wika. Gayundin, sumusuporta ito sa adhikain ng mga mapagmahal sa wika na huwag basta isantabi ang unang wika. Maaari rin nitong gisingin ang sektor ng mga dalubwika o linggwista upang magbigay ng kanilang paninidigan sa pagtuturo ng ikalawang wika at huwag lamang umasa at basta pumayag sa idinidikta ng mga makapangyarihan sa lipunan. Sa Pilipinas kasi, hindi pa halos isinisilang ang bata ay puro Ingles na ang musika o edukasyonal na cd ang ipinaparinig ng mga ina sa kanila. Sa preschool, puro Ingles ang mga instruksyonal na materyal na ginagamit ng mga paaralan, lalo na ng mga

Page 3: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

3

pribadong paaralan. Ingles ang itinuturo kahit sa mga dalawang taong gulang na bata. Ito ay kahit wala pa silang matibay na pundasyon sa kanilang dapat na maging unang wika, ang Wikang Filipino (WF). Kaya naman ang nangyayari sa ngayon ay nagkakabaliktad na, ang Ingles ang nagiging W1 at ang Filipino ay nagiging W2 na lamang. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Analisis sa mga Kagamitang Pampagtuturong ginagamit sa mga Pribadong Paaralan sa mga Preschool sa Dasmariñas Cavite

2. Obserbasyon at Pagsusuri sa piling mag-aaral sa preschool sa wikang ginagamit nila sa mga pangunahing gawain sa bahay

3. Pagsusuring Kombersasyonal: Epekto ng Mass Media sa Pagkatuto ng W2 ng mga kabataang edad 2-6.

Modelo/Teorya: Ellis’ Framework Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/modelo:

Para kay Ellis, napakaraming varyabol ang kailangang ikonsidera sa konteksto ng bawat taong nag-aaral ng ikalawang wika. May tinatawag si Ellis na explicit at implicit knowledge na mahalaga bago ang pagtatamo ng ikalawang wika. Para sa kanya, bago maging malinaw at maunawaang mabuti ng isang tao ang ikalawang wika (explicit knowledge), kailangan munang mabigyang-pansin ang ibinibigay na kaalaman o magkaroon ng noticed input, halimbawa ay ang paisa-isang salita sa W2. Kapag nangyari ito ay saka pa lamang maaaring magkaroon ng komprehensyon o comprehended input. Kapag ito ay naunawaan na, maisasama (intake) na ito ng isang tao sa kanyang mga nalalaman upang maging kabahagi ng kanyang iba pang kaalaman (implicit knowledge). Kapag ito ay kabahagi na ng sistema ng wika ng isang tao, magagamit na niya ito sa pakikipag-usap o sa pagsulat, kaya magkakaroon na siya ng L2 output. Sa ganitong

proseso, ang isang tao ay masasabing nagtamo o unti-unting nagtatamo ng ikalawang wika o nai-input niya ito sa kanyang sarili (L2 input). (Ellis, 1985) Samakatuwid, ang proseso ng pagtatamo ng ikalawang wika para kay Ellis ay may kaugnayan sa wikang layuning matutuhan o matamo at sa sistema ng kaalaman ng isang tao. Kailangan munang magkaroon ng aplikasyon o integrasyon ng ikalawang wika sa kabuuang sistema ng utak o kaalaman ng tao bago ito tuluyang matamo (acquisition). Kaya naman nagbigay si Ellis ng tatlong pamamaraan sa pagpapaunlad ng pagkatuto sa ikalawang wika sa silid-aralan. Una, kailangang alam ng guro ang mga pangunahing teorya sa pagkatuto. Ikalawa, maaaring magsagawa ng mga pananaliksik tungkol sa

Page 4: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

4

natural na pagtatamo ng wika, parehong L1 at L2. At ikatlo, maaaring magsagawa ng empirikal na pag-aaral sa pagkatuto ng ikalawang wika sa silid-aralan gamit ang eksperimentasyon o hypothesis-testing, o kaya ay ekploratoryong pag-aaral (interpretative-exploratory). (Ellis, 1990) Ang unang kailangang pagtuunan ng pansin ng isang guro o tagapagsuri ay ang classroom process research o ang pag-unawa kung paano naisasakatuparan o nagagawa ang mga „social events‟ sa pamamagitan ng wikang ginagamit sa klasrum. Kaya kailangan rin niyang malaman ang mga pangunahing teorya sa pagkatuto at kailangan rin niya ng detalyadong obserbasyon sa mga paangyayari sa klasrum, kilos at saloobin ng mga mag-aaral. Ikalawa, kailangang suriin niya kung paano ang pagtuturo (instruction) kasabay ng L2 acquisition o pagtatamo ng ikalawang wika upang malaman kung ang pormal na pagtuturo ay nagreresulta sa pagtatamo ng bagong kaalaman sa L2 at kung tagumpay ba ang paraan ng pagtuturo. Maaaring pagkumparahin ang pagtatamo ng ikalawang wika ng mga batang natural na natamo ito at ng mga batang dumaan sa pormal na pagtuturo. Ikatlo, ang eksperimentasyon o kaya naman ay etnograpiya ay maaaring gawin sa pag-

aaral ng interaksyon sa klasrum at pagtatamo ng L2. Sa pamamagitan ng mga metodong ito ay masusuri kung paanong ang interaksyon sa klase ay nakakaapekto sa pagtatamo ng L2 at kung aling paraan ng interaksyon ang pinakaepektibong nagdudulot ng pagtatamo ng L2. Walo ang naging pangunahing salik ng matagumpay na pagtatamo ng ikalawang wika ayon kay Ellis. Una, kailangang marami ang “intake” o ang ibinibigay na input o wika ng guro upang matutunan ito ng bata. Ikalawa, mahalaga ang komunikasyon gamit ang wikang nais matutunan. Ikatlo, kung may kakayahan ng bata na kontrolin ang content ng kanyang sinasabi. Ikaapat, kung ang mga bagay na pinag-uusapan ay laging nakikita (prinsipyong “here and now”) sa kinalalagyan ng bata. Ikalima, ang husay ng bata sa pagganap sa mga tungkulin o pangngailangan sa wika o speech acts. Ikaanim, ang input ay kailangang puno ng direktiba ng guro tungkol sa mga pamilyar na sitwasyon. Ikapito, ang input ay kailangang ginagamit sa iba pang malawak na usapan ng guro at mag-aaral. At huli, kailangang nagagamit ng bata ang wikang layuning matutunan (target language) kahit walang intensyong makipag-usap, at nagagawa nilang ulitin ang mga salitang mahalaga para sa kanila. (Nunan, 2009a) Natuklasan din ni Ellis na nagpapakita ng pag-unlad at pagkalinang sa kakayahan ng isang bata sa isa pang wika kung ang pagtuturo ay umiikot sa malawak na palitan o komunikasyon at sa pakikibahagi sa tuluy-tuloy na daloy ng pakikipag-interaksyon, kaysa sa pagbibigay lang ng sunud-sunod na mga gawain. Ayon sa kanya, mas

Page 5: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

5

mahalaga ang “exposure” kaysa sa “instruction”. Mas nalilinang ang bata kung tuturuang ng mga gawaing pangkomunikasyon sa halip na magpokus sa pagtatanong lang sa mga ito. (Nunan, 2009b) Mga Layunin ng teorya/modelo:

Ang layunin ng teoryang ito ay alamin kung paano naaapektuhan ang performans ng mga mag-aaral sa sa pasalitang gawain (oral tasks) kung sila ay binibigyan ng guro ng ng: 1) panahon para sa pagpaplano (pre-task planning time) o kaya ay 2) online planning time o kaya ay kung 3) wala silang oras para sa pagpaplano. (Samuda, 2008). Ipinapakita ni Ellis na hindi nangyayari ang pagkatuto ng ikalawang wika kung walang angkop na estrukturang sinusunod ang guro (task structure) para sa mga gawain ng mga bata, o kung walang maayos na kondisyon upang maisagawa ang pagkatuto (facilitative learning conditions). Layunin ni Ellis na maunawaan kung paano nagaganap ang sosyalisasyon sa loob ng klasrum at kung paanong ang mga interaksyong ito ay nakakatulong upang matutunan ng isang indibidwal ang ikalawang wika. Gayundin, layunin ng kanyang teorya na patunayan na ang paraan ng pagtuturo o instruksyon ay maaaring may kaugnayan sa pagtatamo ng W2. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Mahusay ang mga teorya ni Ellis tungkol sa kaugnayan ng mga nagaganap sa pagtuturo sa silid-aralan sa pagtatamo ng ikalawang wika (W2). Detalyado at malinaw ang mga layunin ng kanyang modelo. Tatlo ang pinakapangunahing bagay na nais niyang pagtuunan ng pansin ng sinumang magsusuri ng L2. Una, ano ang mga nagaganap sa loob ng silid-aralan; ikalawa, may interaksyon bang nabubuo sa mga gawain sa klasrum at paano nakukuha ng isang mag-aaral ang isang wika mula sa mga interaksyong ito; at ikatlo, paano nakakaapekto ang pormal na instruksyon sa pagkatuto ng bata ng isa pang wika? Ang tatlong ito ay madaling makita sa reyalidad, at madaling maobserbahan ng kahit na sinong guro. Kung ilalapat ang mga metodong iminungkahi ni Ellis sa pagtatamo ng W2, madaling magagawa ito ng isang mananaliksik lalo na kung siya ay isang guro at malay sa mga kalakaran sa klasrum. Nagturo ako sa preschool at elementarya at napansin kong sa murang edad na tatlo ay maaari nang matuto ang bata ng Ingles, o anumang wikang ituturo ng guro, o kaya ay lagi niyang nakikita o napapanood. Kahit halos hindi pa nakapagsasalita nang tuwid na Filipino ang mga tatlong taong bata, madali silang matuto ng Ingles kung ang pagtuturo ay Ingles. Kaya nilang ulit-ulitin ang mga mahahabang pangungusap sa

Page 6: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

6

Ingles, “Good morning, how are you, how do you do, I‟m glad to be with you,” lalo na kung araw-araw ay iniuutos (directives) na sabihin nila ito. Madali rin nilang matutuhan ang Español dahil sa kapapanood ng Dora the Explorer sa loob ng klasrum. Kaya naman nainiwala ako kay Ellis na ang interaksyon at pormal na instruksyon, gayundin ang anumang estratehiyang ginagamit ng guro sa pagkatuto ng wika ay nakakaapekto sa pagtatamo ng ikalawang wika. Ibig sabihin ang paraan ng pagtuturo ang kailangang bigyan ng pagtaya ng mga guro upang mabalanse ang pagkatuto sa unang wika at ikalawang wika. Ang nangyayari nga lang sa Pilipinas sa ngayon, ang pokus ay wala na sa unang wika, bagkus ay nasa pagtuturo ng Ingles na lamang. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Classroom Observation gamit ang pagtatala (field notes), video at audio recordings sa mga Pribadong Paaralang Elementarya sa Dasmariñas, Cavite

2. Diary analysis ng mga tala ng mga guro sa pribadong paaralang elementarya sa paggamit ng wikang Ingles ng mga mag-aaral

3. Focus Group Interview sa mga guro ng Ingles sa mga pribadong paaralang elementarya tungkol sa mga estratehiya at kagamitang ginagamit nila sa pagtuturo ng Ingles

Modelo/Teorya: Lambert’s Model Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/modelo:

Para kay Lambert, ang bilingguwalismo ay nagbibigay ng dagdag na kakayahan sa utak ng tao na makapag-isip nang mas malawak, nakakapagpaunlad ng IQ na isang tao, at gayundin ang verbal na IQ. Bukod pa rito, may dalawa siyang mahalagang ambag sa larangan ng pananaliksik sa bilingguwalismo. Una ay ang tungkol sa sa Aptitude o Linguistic Aptitude, at ang tungkol sa Motivation. Ang Motivation ay may kaugnayan sa kagustuhan ng isang tao na maging katulad ng isang tinitingalang grupo sa isang komunidad pangwika. Ang Aptitude ay ang dahilan kung bakit ang ibang indibidwal ay mas mahusay sa wika kaysa sa iba. Kaugnay nito ay ang Achievement o pagtatamo ng wika o pagiging mahusay sa isang wika. Sa kanyang pag-aaral ang sinuri nila ay ang French achievement . May siyam siyang naging panukatan sa pagtukoy kung gaano na kataas ang lebel ng natamong wika ng mga indibidwal na sinuri. Dalawa rito ay ang French Achievement at Integrative Motive Dimension. Kung ang una ay may kaugnayan sa Aptitude ng isang indibidwal, ang huli naman ay may kaugnayan sa mga saloobin at motibasyon ng tao.

Page 7: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

7

Kung ang isang bansa ay gustong mapanatili ang isang wika, ipinapasa nila ito sa susunod na henerasyon. Kung gusto nila matuto ng isa pang wika, pag-aaralan nila itong mabuti. May epekto rin aniya ang pagtingin ng mga tao sa isang kultura sa motibasyon nila kung nanaiisin ba nilang matutunan ang isang wika. Ang proficiency at achievement ay matatamo samakatuwid sa pagkakaroon ng aptitude ng isang tao, at depende sa mga salik na nakakaapekto sa kanyaang mga saloobin at motibasyon. Mga layunin ng teorya/modelo:

Layunin ng mga teorya ni Lambert na ipakita ang kahalagahan ng ilang mga salik sa pagtatamo ng wika. Una na dito , mahalagang tingnan ang aptitude ng isang tao sa isang wika; sumunod dito ay ang motibasyon ng isang tao sa pagkatuto ng wika. Sa pamamagitan ng dalawang ito, masusukat ang language achievement at gayundin ang proficiency ng isang tao. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Kakaunti lamang ang nasusulat tungkol kay Lambert at sa kanyang mga paniniwala. Karamihan sa mga nasulat ay kasama niya ang kaibigang si Gardner at maiikling talata lamang ang inilaan sa pagtalakay. Para sa akin, may kalabuan ang kanyang teorya tungkol sa Language Aptitude at Motivation. Hindi gaanong maliwanag ang konsepto ng Aptitude na iniuugnay sa Proficiency at Achievement. Bagaman masasabing isa itong panukatan, dahil ang pinag-aralan nila ay iisang speech community lamang, hindi masabi kung maaaring iangkop ang Aptitude sa pagsusuri ng ibang wika bukod sa French. Maganda ang konsepto ng Motivation. Naniniwala akong may mga nagtutulak sa bawat tao upang matuto ng ikalawang wika. May motibo ang bawat isa para magsikap na pag-aralan o gustuhing pag-aralan ang isa pang wika. Iyan ay kung titingnan ang pagkatuto ng ikalawang wika bilang isang intensyonal na gawain, hindi isang bagay na natatamo nang natural. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Pagsusuri kung paano sinusukat ang language aptitude batay sa mga ESL teaching modules ng piling mga paaralang pandayuhan sa Cavite 2. Etnograpiya sa mga pamayanang Koreano: pagsusuri sa pag-aaral ng wikang Ingles batay sa Motibasyonal na prinsipyo ni Lambert 3. Pagsusuri sa lebel ng achievement o proficiency ng mga misyonerong Mormon sa wikang Filipino sa pamamagitan ng participant observation at pagtatala at pag-uuri ng mga salita

Page 8: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

8

Modelo/Teorya: Gardner’s Socio-educational model Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/modelo:

Motibasyon ang pangunahing konsiderasyon sa kahandaan ng mga mag-aaral sa komunikasyon. Para kay Gardner, ito ay ang kombinasyon ng pagsisikap at kagustuhang matamo ang isang layuning matutunan ang isang wika, kasama na rin ang magagandang atityud tungkol sa pag-aaral ng wika.

Ang motibasyon ang sumusukat sa lawak ng kagustuhan ng isang indibidwal na matutuhan ang isang wika dahil sa kasiyahang nakukuha niya mula sa gawaing iyon. Hindi ito nasusukat sa ibinibigay na pagsisikap (effort) lamang dahil maaaring kumilos ang isang tao nang may pagsisikap pero hindi tunay na may motibasyon. Maaaring maituring na motibasyon ang pagiging perpeksyonista ng isang indibidwal sa isang gawain, ang kagustuhang matuwa ang magulang o guro, ang matinding pangangailangan, o kaya ay mga “social pressure” mula sa guro, eksaminasyon, o premyong mula sa magulang. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng isang reluctant second language speaker. (Nunan, 2009). Dalawang sangkap ang nakikita ni Gardner na may kaugnayan sa tagumpay sa pagtatamo ng ikalawang wika, ang motibasyon at aptitude. Ang motibasyon ay binubuo ng dalawang pangunahing salik, ang atityud tungkol sa sitwasyong pampagkakatuto sa guro o sa kurso, at ang tinatawag na “integrativeness”. Ang integrativeness ay binubuo ng kompleks na mga salik kaugnay sa kung paano itinuturing ng indibidwal ang kulturang nasasalamin niya mula sa ikalawang wika. Ang tagumpay ng pagtatamon ng ikalawang wika ay nakasalig, ibig sabihin, sa motibasyon at aptitude. Ang motibasyon ay nakadepende sa atityud at “integrativeness”. Ang atityud at pagiging integratibo ay nagmumula sa kapaligiran o kontekstong kinalalagyan ng mga mag-aaral (social milieu). Isang paraan para malaman kung magtatagumpay ang pagtatamo ng W2 ay kung ano ang atityud ng kanilang mga magulang. Mahalaga ring tingnan kung ano ang tingin ng mga bata sa mga tagapagsalita ng L2 at kung gaano niya pinahahalagahan ang pagkatuto ng ikalawang wika. Mga layunin ng teorya/modelo: Ipinaliliwanag ni Gardner kung paano nakakaapekto ang indibidwal na mga salik at ang pangkalahatang katangian ng lipunan sa pagkatuto ng ikalawang wika. Ipinakikita rin ni Gardner na may kinalaman ang atityud na isang bata at ang lipunang ginagalawan niya para sa tagumpay ng pagtatamo niya ng wika, dahil ang mga ito ang magbibigay o magtatanggal ng kanyang motibasyon sa pagkatuto.

Page 9: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

9

Maaaring gamitin ang modelong ito sa mga lokal na sitwasyon kung saan ang mga batang nag-aaral ng isa pang wika ay may kontak sa isang partikular na grupong ang wika ay siya nilang pinag-aaralan. Mahirap itong iaplay kapag ang mga bata ay halos walang kontak sa mga taong nagsasalita ng ikalawang wika. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Simple ang modelo. Halos alam na ng lahat ang kaugnayan ng wika sa lipunan at sa sosyal na aspekto kaya naman madaling maunawaan ang konsepto ni Gardner. Pero dahil rin sa kasimplehan nito, maaari itong magkaroon ng maraming interpretasyon. Maaaring isipin na ang ibig sabihin lang naman ng modelo ni Gardner ay tungkol sa kaugnayan ng lipunan sa pagkatuto ng ikalawang wika ng mga indibidwal o kaya naman ay maaaring pumasok ito sa malawak na paksa sa kultura o sa indibidwal na pagkakaiba-iba ng bawat nagsasalita. Sa pangkalahatan, madaling gamiting batayan ang Socio-educational model ni Gardner at maaari itong iaplay sa iba‟t ibang larangan. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Pagsusuri sa mga Banyagang Mag-aaral na kumukuha ng kursong Filipino para sa Banyaga ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas, taong 2011-2012 (rating scales ng atityud, motibasyon, karanasan; panayam) 2. Persepsyon ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas na kumukuha ng kursong English Proficiency Program ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas (sarbey at interbyu) 3. Epekto ng mga Programa ng Language Learning Center ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas sa motibasyon ng mga mag-aaral ng CLA sa paggamit ng wikang Ingles bilang ikalawang wika sa pamantasan (sarbey, panayam)

Modelo/Teorya: The Acculturation Model of Second Language Learning Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/modelo:

Ang modelo ni Schumann ay tungkol sa Acculturation o sa pagiging bahagi ng isang indibidwal ng isang target na kultura, (Cook, 1996) o ang kulturang nais niyang tularan, pag-aralan, o tanggapin. Nangyayari ang acculturation kapag epektibong naka-adap ang isang tao o grupo ng tao sa mainstream culture, ang kulturang namamayani, na maaaring kultura ng mga mananakop o ng lugar na nilipatan. Sa akulturasyon, nakaka-adap ang isang tao o grupo ng tao sa panibagong kultura nang hindi kinakalimutan ang kanilang unang kutura. May proseso ng pagdaragdag ng kanilang naadap na mainstream culture sa sariling kultura na patuloy nilang pinaniniwalaan st isinasabuhay.

Page 10: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

10

Ayon pa kay Schumann, mas mataas ang lebel ng acculturation ng indibidwal, mas mataas ang antas ng pagkatuto niya ng ikalawang wika. Dahil nga isa itong proseso ng pag-adap, may kaugnayan din ang acculturation sa pagkakabuo ng mga pidgin. Ang pidgin ay ang wikang nabubuo bilang solusyon sa problema ng dalawang grupong walang magkatulad na wikang magagamit upang magkaunawaan (Cook, 1996) o ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika na pinaghalu-halo ang kanilang mga wika para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Kapag natutunan ng isang bata ang pidgin at nagamit hanggang sa kanyang pagtanda, tinatawag itong creole. Kaya naman sinasabing kailangang malaman ng mga taong nais matuto ng ikalawang wika ang dahilan niya o ng pamayanang kanyang kinabibilangan sa pag-aaral at pagkatuto ng isa pang wika. Kung magkaiba ang layunin ng guro at ng persepsyon ng lipunan, walang patutunguhan ang pagtuturo. Layunin ng teorya/modelo:

Sa acculturation, layuning ipakita ang relasyon ng target groups (grupong may ibang wika o kultura) sa L2 groups o mga taong nais matuto o kaya ay nag-aaral ng ikalawang wika. Dahil nakadepende ang pagkatuto sa relasyon ng dalawang ito, kailangang magkaroon ng akulturasyon ang nag-aaral ng ikalawang wika sa kulturang nais matutuhan. Layunin din nitong ipakita na sa lipunan, kung saan maaaring may kolonisasyon at imigrasyon ay talagang may pangangailangang makiugnay, makisama, at mag-adap

ang mga tao sa namamayaning kultura sa anumang dahilan, halimbawa ay para mabuhay, makahanap ng trabaho, o dahil sa sariling kagustuhan lamang nila. Kailangan ring malaman ng mga guro kung paano ituturo ang ikalawang wika sa isang partikular na grupo, dahil maraming salik ang maaaring makaapekto sa kanilang pagkatuto, tulad ng mga pidgin at creole na maaring taglay nila; maaari ring hindi sila acculturated at hindi gaanong bukas sa ikalawang wika; maaari ring may ibang kultura o paniniwalang nakakaapekto sa kanilang pagkatuto. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Madaling maunawaan ang konsepto ng acculturation ni Schumann. Halos lahat ay makaka-relate sa teoryang ito, dahil kahit paano, lahat tayo ay nakaranas ng ganito. Kinakailangan nating makaadap sa isang bagong kultura mula sa kulturang kinasanayan na natin. Kinailangan nating umalis sa ating comfort zone kung minsan, upang matuto ng mga bagong bagay. Kapag nasanay na tayo sa mga ito, unti-unti, matututunan na natin ang lahat ng kailangan nating malaman tungkol sa bagong kultura. Ganoon ang acculturation.

Page 11: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

11

Personal at hindi gaanong malalim ang dating ng teorya, para lamang itong self-explanatory sa una. Pero sa pagpasok ng konsepto ng pidgin at creole, mas napalalim ang teorya. Magagamit ang acculturation model sa pagpapaliwanag sa maraming sitwasyon sa ngayon sa iba‟t ibang bansa sa daigdig na maraming nabuong wika sa tawag ng pangangailangan at globalisasyon. Mas gusto ko ang teoryang ito kaysa sa asimilasyon, sapagkat sa acculturation, pinahahahalagahan pa rin ang unang kultura, na siya namang dapat mangyari sa halip na kalimutan at tanggalin sa isip ang nakagisnan nating kultura. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Diskursong Bilingguwal ng mga Pilipinang tindera sa Mong Kok Night Market sa Hong Kong. (nanatili sa HK ng 3 hanggang 5 taon, nakatuntong sa elementarya o hayskul, may interaksyon sa mga Chinese at Pilipino) 2. Denativation sa wika ng mga makabagong Hanunuo Mangyan sa Pinamalayan, Oriental Mindoro sa pagbaba sa lungsod (kabataan, nag-aaral, pumunta sa lungsod o kapatagan, nagsusuot ng t-shirt at makabagong damit, gumagamit ng cellphone at iba pang teknolohiya) 3. Acculturation Strategies ng mga Koreano sa Cavite (nagsasalita ng Filipino, 5-10 taon nang naninirahan sa Pilipinas) Modelo/Teorya: Accomodation Theory Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/ modelo:

Ang Accomodation Theory ay interaktibo at tinatanggap ang mga bagong kultura ngunit isinasama pa rin ang pagtuturo sa dati nang kultura. Nakikisabay sa minority culture ang dominanteng kultura samantalang ang mga nasa minority culture naman ay tumatanggap din ng pagbabago mula sa mainstream. Nagbibigayan ang dalawang kultura. Sa mga guro, ito ay ang pagiging bukas sa mga bagong trend sa pagtuturo

ngunit patuloy pa ring ginagamit ang mga tradisyonal at time-tested methods at inilalangkap dito ang sariling kulturang kinabibilangan nila. Layunin ng teorya/modelo:

Layunin nitong ipakita na maaaring pagsabayin ang pagtamo ng dalawang kultura at wika at maaaring magamit ang mga ito samga paraang makakatulong sa paglinang sa

sarili at sa lipunang kinabibilangan. Layunin din nitong ipakita ang pangangailangang mapatatag ang guro upang patuloy na makaagapay sa mga pagbabago sa lipunan at maituro ang mahahalagang pamana ng ating unang kultura o sariling kultura.

Page 12: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

12

Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Maaaring magamit ang teoryang ito sa pagpapaliwanag sa mga makabagong sitwasyon ngayon kung saan marami sa atin ay nagiging bukas sa mga pagbabago ngunit hindi nagiging limitado sa mga bagong kalakaran lamang, bagkus ay tinatanggap pati ang mga naunang paniniwala at kultura. Nangyayari ito sapagkat sa lawak at dami ng mga pagbabago sa ngayon, hindi maaaring hindi natin buksan ang ating isipan upang pag-aralan at tanggapin ang mga pagbabagong ito upang makaagapay tayo sa mundo. Mabuti ang teoryang ito para sa mga nakatatanda sa atin na mayroong tendensiyang maging purista o konserbatibo sa kanilang mga paniniwala, at tila ayaw tanggapin ang mga pagbabago sa wika. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Pagsusuri sa Wikang Text sa mga sulating pangklase ng mga piling mag-aaral ng Dalubhasaan ng Malalayang Sining (CLA) 2. Komparatibong Pag-aaral sa Netspeak ng mga Pilipino at mga Singaporean 3. Persepsyon ng mga Fakulti ng Dalubhasaan ng Malalayang Sining (CLA) sa mga bagong kalakaran sa wika (maling grammar, maling bigkas, mga sumusulpot na bagong salita, at iba pa) Modelo/Teorya: Krashen’s Monitor Model Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/ modelo:

Ayon kay Krashen, may dalawang posibleng uri ng kaalaman sa linggwistiks, ito ay ang kaalamang natamo (acquired knowledge) at ang kaalamang natutunan (learnt knowledge). Ang isang uri ng kaalaman ay ang kaalamang natamo sa pamamagitan ng natural na paraan sa impormal na sitwasyon, o ang tinatawag na acquisition. Ito ang anyo ng lahat ng kaalaman sa unang wika, at maaaring ng ilan sa ikalawang wika. Binubuo ito ng mga tuntunin, prinsipyo, at iba pang hindi konsyus na nakuha natin mula sa pag-uukol ng atensyon.

Ang isa pang uri ng kaalaman ay ang natutunang kaalaman kung saan natututo tayo mula sa konsyus na pag-unawa sa mga tuntunin, o ang tinatawag nating pagkatuto. Ito ang anyo ng karamihan sa kaalaman sa ikalawang wika na nakuha natin sa pormal na sitwasyon sa klasrum.

Page 13: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

13

Ang proseso ng pagsasalita ng ikalawang wika ay nakadepende sa natamong kaalaman ng lahat ng nag-aaral. Ang mga taong mayroong konsyus na kaalaman sa ikalawang wika ay nagagamit ito bilang Monitor ng ano ang kanilang talagang natamo. Ang isaang taong may gustong sabihin sa ikalawang wika ay mamomonitor ang kanilang sinsabi sa pamamagitan ng mga tuntuning panggramatikang alam nila. Para kay Krashen, ito ang tanging gamit ng kaalamang konsyus na natutunan. Ang mga tuntuning konsyus na natutunan ay hindi nagiging acquired knowledge para kay Krashen. (Cook, 2009) Naniniwala si Krashen na sa paggamit ng wika sa pagakomunikeyt ng kahulugan, kailangang kumuha ng subconscious knowledge ang nag-aaral. Mayroong konsyus na pagkatuto na ang pokus ay sa pagsasaulo ng taong nag-aaral ng mga tuntuning gramatikal; at mayroong subconscious na pagtatamo o acquisition. Ang bago sa paniniwala ni Krashen ay ang paniniwalang magkaiba ang mga prosesong ito; na ang pagkatuto ay hindi nangangahulugang pagtatamo. (Nunan, 2009) Lima ang pangunahing punto ni Krashen sa kanyang Monitor Model: Una: Parehong mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagkatuto at pagtatamo. Ikalawa: Ang proseso ng pagkatuto ang nagmomonitor sa resulta ng pagtatamo.

Ikatlo: May natural na hirarkiya para sa lahat ng nag-aaral ng anumang wika bilang ikalawang wika. Ikaapat: Ang pagtatamo ng mga bagong elemento ng wika ay nakadepende sa pagkakaroon ng angkop na modelo sa tamang panahon ng pagkahantad ng tao sa wika. Ikalima: Kung gaano karaming “input” ang nagiging “intake” ay nakadepende sa emosyonal na mga salik o apektibong salik. (McDonough, 2002) Layunin ng teorya/modelo:

Layunin ng modelo ni Krashen na ipakitang hindi lamang iisa ang dimensyon ng pagkatuto ng ikalawang wika. Mayroong kasanayan at kaalaman. Mayroon ding konsyus at hindi konsyus. Mayroong pagkatuto at pagtatamo. Nais bigyang-diin ni Krashen na ang pagkatuto at pagtatamo ay hindi magkasama. Hindi nangangahulugang natuto ang isang tao ay “natamo” niya rin ang kaalaman. Makatutulong ang modelong ito sa mga guro upang kanilang maunawaan na ang mga mag-aaral kung minsan ay hindi talaga “matatamo” o magkakaroon ng “acquisition” kahit pa natutunan nila ang mga konsepto o ang ikalawang wika. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Hindi ko talaga gusto ang Krashen Model kahit pa sikat na sikat ito, maraming nasusulat tungkol dito, at kahit pa mapagtatakpan nito ang incompetence ng ilang guro.

Page 14: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

14

Unang-una, ang pokus talaga ni Krashen ay sa gramatika, pero dahil sa sumikat siya, ikinabit na ng lahat sa kung saan-saang konsepto ang kanyang modelo. Sa aking palagay, hindi naman talaga intensyon ni Krashen na guluhin pati ang sosyolinggwistiks at pragmatiks. Naniniwala ako sa maraming nagsulat na kulang ang ebidensya sa matayog na mga paninindigan ni Krashen. Hindi naman talaga ito nasuportahan ng aktuwal na pagsusuri sa mga pangyayari sa klasrum o anumang sitwasyong pampagkakatuto. Hindi niya binigyang-konsiderasyon ang konteksto ng mga nag-aaral ng ikalawang wika, sapagkat malinaw naman na ang mga batayan niya ay estruktural at gramatikal lamang. Ikalawa, masyado itong malalim para sa mga hindi linggwistiks ang pokus ng pagtuturo. Hindi ito madaling magagamit o maiaaplay ng mga guro sa kanilang mga saliksik o sa pagtuturo. Kailangan nilang magkaroon ng kaalaman sa linggwistiks bago ito maunawaan, hindi ito katulad ng Acculturation at Accomodation na madaling gamitin ng lahat. Ikatlo, hindi ko alam kung bakit para sa kanya ay learning is not equal to acquisition. Naeskandalo ako nang una ko itong nabasa. Para sa akin, sa anumang natututunan ng

tao, kahit paano ay may maliit na bahagdan siyang natatamo o nakukuha ang tao mula dito, hindi maaaring walang-wala. Hindi nga magkatulad ang kahulugan ng pagkatuto at pagtatamo, ngunit ang pagkatuto ay maaari nang pagmulan ng kahit munting pagtatamo. Sa wika, hindi man natin matamo ng buo ang mga Koreanong salita, pero dahil natutunan natin ang mga ito sa paligid ngayon, kahit paano, maaaring “natamo” natin ito, maaaring sa paglipas ng panahon, sa ating pagtanda ay makakapagsalita tayo ng “annyeong haseyo” sa harap ng ating mga apo kapag ginugunita ang ating kabataan. Pero ano nga ba ang malay ni Krashen sa kapaligiran, kung nakakulong siya sa gramatika? Para kasi sa kanya, hindi na halos dapat ituro ang gramatika, dahil natutunan ito nang kusa depende sa exposure ng tao sa input. (Mcdonough, 2002) Ngunit kung hindi na ito ituturo, paano magkakaroon ng exposure sa input? Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Eksperimental na Pag-aaral sa mga Itinakdang Pagsusulit sa Gramatika para sa mga piling mag-aaral ng Criminology. (Correlation upang patunayan ang kaugnayan ng pretest at posttest; inihanda ang pagsusulit sa gramatika)

2. Diary study sa mga piling mag-aaral (itinakda ang pagdadiary tungkol sa mga natutunan; paggawa ng matrix para suriin ang natamo)

3. Etnograpiya sa isang pampublikong hayskul sa Cavite (serye ng mga interbyu sa eskwelahan; piling mga mag-aaral; random na pagpili; panayam tungkol sa klase sa English)

Page 15: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

15

Modelo/Teorya: The Balance Theory Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/ modelo:

Ang balance theory ay nagpapakita ng larawan ng isang monolingguwal na tao sa pamamagitan ng isang buong language balloon; samantalang ang bilingguwal naman ay ipinapakita sa pamamagitan ng larawan ng dalawang language balloon. May pagpapalagay na kapag ang ikalawang balloon (ikalawang wika) ay nadaragdagan,

nababawasan naman ang nasa unang balloon (unang wika). Tinawag ni Cummins na Separate Underlying Proficiency Model of Bilingualism ang magkahiwalay na balloon na tumutukoy sa dalawang wikang magkahiwalay na gumagana sa ating utak. Hindi nakakaapekto nang masama sa tao ang pagkakaroon ng dalawang wika. Katunayan, napatunayang ang bilingguwalismo ay nagdaragdag ng kakayahang kognitibo ng mga bata. Ang mga katangian ng wika ay hindi literal na magkahiwalay sa kognitibong sistema, bagkus ito ay interaktibo at maaaring mailipat upang magamit sa pag-unawa. (Baker, 1993) Layunin ng teorya/modelo:

Layunin ng modelo na ipakita ang tunay na bentahe ng bilingguwalismo, sa halip na ang kasiraan nito. Ang bilingguwalismo ay ipinakitang magkahiwalay sa unang larawan dahil ipinapakitang ang pagkakaroon ng dalawang wika ay hindi nangangahulugang kapag nadagdagan ang isa ay mababawasan ang isa, bagkus, maaaring maging kapaki-pakinabang ang parehong wika sa tao. Layunin ding ipakita dito na maaaring parehong maunawaan nang magkasabay nang tao ang dalawang wika.

Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Parang pambata ang hitsura ng modelong ito. Pati ang paliwanag dito ay simpleng intindihin, pinahihirap lamang ni Cummins ang mga termino. Ang tanging kapansin-pansin sa modelong ito ay maaaring magkaroon ito ng iba‟t

ibang interpretasyon. Malinaw na may dalawang balloon sa unang larawan, at isang balloon sa kabila, pero hindi malinaw kung ang nilalaman ng mga balloon ay nagpapalitan o hindi, o nakakaapekto sa bawat isa o hindi. Walang ginamit na mga arrow o yield sign para ipakita kung may susunod na proseso, o kung gumagalaw ang mga nilalaman ng balloon. Hindi tuloy malinaw ang kaugnayan ng unang wika sa ikalawang wika; at hindi rin malinaw ang kahulugan ng ikalawang larawan ng

Page 16: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

16

monolingguwal, kung ang balloon ba ay tumutukoy sa kawalan o pagkakaroon ng proficiency. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Pagpapalit-koda ng mga mag-aaral sa grade 6 sa isang pribadong paaralan (kailan madalas nagaganap ang code-switching, sa anong mga sitwasyon/konteksto nangyayari ito) 2. Mga Konseptong Filipino sa Bokabularyong Ingles ng mga batang edad 3-12 mula sa isang pribadong paaralan (mga pinagmulang konsepto ng mga salitang ginagamit nila, may kaugnayan ba ito sa konsepto ng salitang iyon sa wikang Filipino) 3. Observation sa isang klase sa Nursery level sa isang pribadong paaralan (kailan madalas nagagamit ang Ingles, kailan nagagamit ang Filipino) Modelo/Teorya: The Iceberg Analogy Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/ modelo:

Tinatawag rin itong Common Underlying Proficiency Model of Bilingualism ni Cummins. Ipinapakita rito na ang dalawang wika ay tulad ng dalawang iceberg na magkahiwalay sa panlabas na anyo, o kung titingnan mula sa ibabaw, pero sa ilalim ay pinag-uugnay ang dalawang wika kaya ang kanilang mga tungkulin ay hindi mapaghihiwalay, at pinoproseso sa pamamagitan ng isang sentral na sistema. May anim na bahagi ang modelong ito na nagpapakita nang kaugnayan ng unang wika at ikalawang wika sa isa‟t isa. Una: Anumang wika ang ginagamit ng isang tao, ang kaisipang nagpapatakbo sa kanyang pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at pakikinig ay mula sa iisang sentral na makina. May iisang integratibong pinagmumulan ng kaisipan ng tao kapag siya ay gumagamit ng higit sa isang wika. Ikalawa: Posibleng nangyayari ang bilingguwalismo at multilingguwalismo dahil sa ang mga tao ay may kapasidad na magtamo ng dalawa o higit pang mga wika. Maaari ring madaling magamit ng mga tao ang dalawa o higit pang wika. Ikatlo: Maaaring mapaunlad ng tao ang kanyang kakayahang magproseso ng

impormasyon at husay sa pag-aaral gamit ang dalawang wika, o kaya ay isang wika. Ikaapat: Ang ginagamit na wika sa klasrum ay dapat ganap nang nadebelop upang kognitibong makapagproseso sa klase.

Page 17: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

17

Ikalima: Ang pagsasalita, pakikinig, pagbabasa, at pagsusulat sa una o ikalawang wika ay tumutulong upang mapaunlad ang buong sistemang kognitibo ng tao. Ngunit kung hindi gaanong nadebelop ang ikalawang wika, hindi gaanong mahusay ang sistemang ito. Ikaanim: Kung ang isa o parehong wika ay parehong hindi nagagamit nang mahusay dahil sa pamumulit na gamitin ang mayoryang wika, maaapektuhan ang kognitibong gamit at ang akademikong performans ng tao. Layunin ng teorya/modelo:

Layunin ng Iceberg Theory na ipakitang ang unang wika at ikalawang wika, kahit nagagamit nang magkahiwalay ay nagmumula lamang sa iisang sistema at mananatiling may kaugnayan sa isa‟t isa. Ipinapakita rin sa teoryang ito na hindi dapat pabayaan ang pagkakaunlad at paglinang sa alinman sa una o ikalawang wika dahil sa epekto ng parehong wika sa tao. Malinaw na ipinapabatid sa atin na ang kahinaan sa unang wika o kaya sa ikalawang wika ay nakakaapekto sa kognitibong sistema ng tao, at gayundin sa kanyang mga makrong kasanayan, at maging sa kanyang akademikong kahusayan. Mapagtatanto sa teoryang ito na kailangang parehas na linangin ang unang wika at ikalawang wika upang mapaunlad ang kognitibong sistema ng tao, ang kanyang mga makrong kasanayan, at ang akademikong kahusayan. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Mahusay ang ginawang analohiya sa iceberg at sa dalawang wika. Tunay nga naman na anumang wika ang gamit natin, ay iisang utak lamang ang pinagmumulan ng mga ito. Malinaw ang paghahambing sa dalawang wikang magkaugnay sa dalawang iceberg na magkadikit. Kaya lamang, sana ay mas naging malinaw o mas grapiko pa ang paglalarawan sa pagkakaroon ng palpak na fangsyon ng dalawang wika. Maaaring ihambing ang ganitong eksena sa pagkatunaw ng mga iceberg o kaya ay tuluyang paglubog ng isa o parehong iceberg. Kung mahina ang pundasyon ng dalawang wika, matutunaw unti-unting ang dalawang iceberg, ibig sabihin, hihina ang kakayahan ng tao sa parehong wika. Kapag sa parehong wika ay parehong naging mahina ang pagkakatuto, kapwa lulubog ang dalawang iceberg, o magiging walang silbi ang mga natututunan ng isang indibidwal. Magandang malaman ng mga nagtuturo ng Ingles ang teoryang ito, nang sa ganoon ay hindi nila ipagpilitang ituro lamang ang ikalawang wika (Ingles) kahit hindi pa

Page 18: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

18

tuluyang natutunan o napapaunlad ang unang wika (Filipino). Dapat ito ang isiksik sa utak ng mga gurong masyado ang pagsamba sa Ingles at minamaliit ang pagtuturo sa Filipino. Dapat nilang malaman na mahalaga ang balanseng pagkatuto ng dalawang wika upang mapaunlad ang makrong kasanayan kabilang ang mga prosesong kognitibo, at ang husay ng bata sa pag-aaral. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Pagsukat sa Kakayahan sa Filipino at Ingles ng mga piling mag-aaral ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas (pagbuo ng language test sa Filipino at Ingles, na may parehong komponent, random na pagpili ng mga sampol, aalamin ang profayl ng bawat tagatugon, gagawa ng correlation sa profayl at sa resulta ng test) 2. Video at audio analysis ng mga sesyon sa English Proficiency Program ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas (saan mas mahusay ang mga bata? sa Ingles o sa Filipino?) 3. Mga Pangkaraniwang Pagkakamali sa Wikang Filipino : Pagsusuri sa teksto ng mga sulatin ng mga piling mag-aaral ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas (ano ang kalagayan ng unang wika ng mga mag-aaral?) Modelo/Teorya: The Thresholds Theory Susing Konsepto: Pagpapaliwanag sa teorya/ modelo:

Binanggit ni Mcdonough sa isang libro niya na sa pagtatamo ng ikalawang wika, ang tao ay dumadaan sa lebel ng pagiging mahusay sa dalawang wika. Sa libro naman ni Baker, tinalakay ang Thresholds Theory ayon sa kaugnayan ng Bilingguwalismo sa Kognisyon. Makikita natin na sa teoryang ito, ipinagpapalagay na maaaring may negatibong dulot ang Bilingguwalismo. Sa unang threshold, mababa ang lebel ng kahusayan ng bata o indibidwal sa dalawang wika, hindi pa ganap ang pagkatuto niya sa parehong wika, at maaaring maranasan

niya ang mga negatibong epekto nito, tulad ng pagiging mababa ang grado sa eskuwelahan. Sa ikalawang threshold naman ay nasa katamtamang antas ng bilingguwalismo ang isang indibidwal. Maaaring mas mahusay siya sa isang wika kaysa sa isa. Maaari ring bilingguwal ang indibidwal, ngunit hindi ganap ang kahusayan sa parehong wika. Gayunman, hindi siya makararanas ng masamang epekto sa kognisyon, sapagkat mayroon siyang kaunting nalalaman. Sa ikatlong threshold naman ay ganap ang kakayahan ng indibidwal sa dalawang wika, ibig sabihin, nagagamit niya nang mahusay ang alinman sa mga wikang ito, kaya ang nararanasan niya ay ang mga positibong epekto ng bilingguwalismo sa kognisyon.

Page 19: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

19

Layunin ng teorya/modelo:

Layunin ng modelo ang ipakitang may mga lebel o antas ng kahusayan na dinadaanan ng tao bago maging ganap na bilingguwal. Unang ipinakita ay ang mababang antas ng kahusayan, sumunod ay medyo may kakayahan na, at sumunod ay mahusay na sa dalawang wika. Layunin din nitong ipakita ang kaugnayan ng bilingguwalismo sa kognisyon o sa mga proseso sa utak ng tao at sa kanyang mental na abilidad. Sinasabing mas mataas ang kinalalagyang threshold ng bata sa bilingguwalismo, mas positibo ang epekto sa kanyang kognitibong sistema. Personal na kritisismo sa teorya/modelo:

Mahusay ang pagkakalahad ng teorya bagaman sa aking palagay ay mayroon itong kulang. Pinaka-ina ang teoryang ito sa aking palagay, ng isang modelo ni Cummins na nakalatag isa-isa ang mga kakayahang kailangang matamo ng bata o ng indibidwal upang matawag na bilingguwal. Sa Thresholds kasi, masyadong simple ang ginawang paglalagay ng tatlong antas, at hindi malinaw sa akin kung gaano kalawak ang bawat antas, kung gaano katagal ang isang indibidwal nananatili sa bawat threshold, at kung ano ang mga kasanayang kailangang matamo ng isang tao upang makaakyat sa susunod na threshold. Hindi rin malinaw para sa akin, kung ano-ano ang mga partikular na kakayahan ng indibidwal na nasa bawat isang threshold. Kumbaga, ano ang basehan o kraytirya para masabing nasa unang threshold, ikalawa, at ikatlo? Malawak ang paggamit sa terminong “age-appropriate abilities” sa bawat antas, sapagkat napakaraming abilidad ang maaaring sukatin sa tao kaugnay sa kanyang kognisyon. Isa pa, malabo rin ang paggamit sa terminong “kognisyon”. Hindi malinaw kung aling partikular na kognitibong kakayahan ang naaapektuhan nang positibo kapag balanseng bilingguwal, o negatibo kapag limitadong bilingguwal. Sinasabi nilang ginagamit ang teoryang ito sa Edukasyon, pero malabo naman kung maaari itong gamitin sa ibang kursong bukod sa Wika, dahil ang “abilities” na tinutukoy sa bawat threshold ay hindi espesipiko kung tumutukoy lamang sa mga kakayahang linggwistik o maaari ring tumukoy sa iba pang abilidad. Mga Mungkahing Paksang Pampananaliksik:

1. Komparatibong Pag-aaral tungkol sa Kakayahan sa Wikang Ingles ng mga mag-aaral sa hayskul mula sa isang pribadong paaralan at isang publikong paaralan (pagsangguni

Page 20: Mga Teorya at Modelo Sa Pag-Aaral Ng Bilingguwalismo at Pagtatamo Ng W2

20

sa mga language test experts para sa pagbuo ng kraytirya sa pagsukat ng kakayahan sa Ingles) 2. Pagpapangkat-pangkat sa mga piling sulatin ng mga mag-aaral ayon sa Thresholds Theory (pagbuo ng matrix ng mga kraytirya halimbawa: may tatlong mali sa gramatika, limang mali, sampung mali; alin ang ihahanay sa unang grupo, ikalawa, at ikatlo; hindi ibubunyag ang identidad ng batang gumawa ng sulatin-student A, B, C etc.) 3. Persepsyon ng mga propesor ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas sa mga kakayahang pangwika ng mga mag-aaral (sarbey) Mga Aklat na Ginamit: Baker, C. (1993). Foundations of Bilingual Education and Bilingualism. Australia: WBC Print. Boatt-Pealston, C. & Heidemana, K. (). An Introduction to Language Policy Theory and Method. Blackwell:USA. Cook, V. (1996). Second Language Learning and Language Teaching. Ellis, R. (1985). The study of second language acquisition. Ellis. R. (1990). Instructed Second Language Acquisition. Blackwell:USA. Mcdonough, S. (2002). Applied Linguistics.

Nunan, D. (2009a). Second Language Teaching and Learning. Nunan, D. & Bailey, K.(2009b). Exploring Second Language Classroom Research. Gardner (). Bilingualism, Multilingualism, Second Language Learning. Mcgrawhill. Samuda V. & Bygate, M. (2008). Tasks in Second Language Learning. Palgrave Macmillan: NY. Selinker, L. (2008). Second Language Acquisition. Spolsky B. & Hull F. (2010). The Handbook of Educational Linguistics. Sociolinguistics and the Sociology of Language. Wiley&Blackwell:UK. p.79

Skehan, P. (1998). A Cognitive Approach to Language Learning. Oxford:USA.