7
Mga Instrumento ng Banda A. Instrumentong Brass Ang mga instrumentong ito ay yari sa tanso. Ang ihipan ng mga ito ay hugis kopa. Napapatunog ang mga ito sa nais na tono sa pamamagitan ng mga slides at mga piston na siyang nagpapaikli o nagpapaha-ba sa tubong dinadaanan ng hangin na nag- bibigay ng tunog. 1. Trumpeta may pinakamataas na tono sa mga instrumentong brass. Ang kanyang tatlong piston

Mga Instrumento ng Banda

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Music VI - Mga Iba't ibang instrumento ng banda

Citation preview

Page 1: Mga Instrumento ng Banda

Mga Instrumento ng Banda

A. Instrumentong BrassAng mga instrumentong ito ay yari sa

tanso. Ang ihipan ng mga ito ay hugis kopa. Napapatunog ang mga ito sa nais na tono sa pamamagitan ng mga slides at mga piston na siyang nagpapaikli o nagpapaha-ba sa tubong dinadaanan ng hangin na nag-bibigay ng tunog.

1. Trumpeta – may pinakamataas na tono sa mga instrumentong brass. Ang kanyang tatlong piston ay ginagamit upang mabago ang kanyang tono.

2. Trombone – ang pag-urong sulong ng slides nito ay nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono.

Page 2: Mga Instrumento ng Banda

3. French horn – Nababago ang tono nito sa pagbabago ng diin ng ihip at sa paggamit ng mga piston. Nababago ang timbre nito sa pamamagitan ng pagpasok ng kamay sa maluwang na dulo nito.

4. Tuba – pinakamalaki at may pinaka-mababang tono sa lahat ng instrument-tong brass.

B. Instrumentong WoodwindAng mga instrumentong ito ay may

ihipang yari sa manipis na kawayan na tinatawag na reed. May mga butas sa kata-wan ang mga instrumentong ito na binu-buksan at sinasarhan gamit ang mga pisada na itinutulak ng mga daliri.

Page 3: Mga Instrumento ng Banda

1. Clarinet – may 24 na butas ito na naka-pagbibigay ng mataas na tono.

2. Plauta (flute) – ang ihipan nito ay isang butas lamang sag awing dulo nito. Ito ay maaaring yari sa pilak o kahoy. Ang piccolo ang pinakamaliit at may pinakamataas na tono ng plauta.

3. Oboe – may ihipang yari sa dalawang reed na pinagtaklob at may pagitan. May haba itong 2 talampakan at yri sa kahoy.

4. Bassoon – ang ihipan nito ay nasa tagi-liran. Ang katawan nito ay sinlaki ng braso ng tao. Makapal ang tunog nito.

C. Instrumentong PerkusyonAng mga instrumentong ito ay pina-

palo, tinatapik o pinagtatama upang mapa-tunog.

Page 4: Mga Instrumento ng Banda

1. Tambol – pinapalo ng isa o dalawang pamalo.

2. Timpani – ito lang ang tanging perkusyon na may tiyak na tono. Hugis kaserola at bilog ang katawan nito. May mga pihitan sa gilid nito na nahi-higpitan o naluluwagan upang mapatu-nog sa nais na tono. May foot pedal ito na nakatutulong sa pagbabago ng tono nito.

3. Pompiyang – ito ay yari sa tanso. Pinagtatama ang pares nito upang magbigay ng maingay at mataginting na tunog. Maaari rring ibitin ito at paluin ng patpat na kahoy.