Upload
others
View
47
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Kagawaran ng Edukasyon
Agham 3 Mga Bahagi ng Hayop at Gawain Nito
Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Rhea Janina V. Bohol
Manunulat
Felipe W. Marapao Jr.
Tagapagsuri
Edward R. Montojo
Armida S. Oblinada
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
Inaasahan
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat alang-alang sa
iyong pagkatuto. Ito ay para tulungan ka na maunawaang lubos
ang mga bahagi ng hayop at gawain nito. Ang saklaw ng modyul
na ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto.
Ang wikang ginamit ay kinikilala ang malawak na antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos
ayon sa standard na pagkakasunod ng kurso ngunit ang
pagkakasunod nito ayon sa iyong pagbabasa ay maaaring
mabago ayon sa aklat na iyong kasalukuyang ginagamit.
Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng tungkol sa mga
bahagi ng hayop at gawain nito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:
1. Makikilala ang mga bahagi ng katawan ng hayop at gawain
nito.
Unang Pagsubok
Alamin ang antas ng iyong pagkatuto. Sagutin ang pagsusulit
na ito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
_____1. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng katawan ng isang
kabayo ang pareho sa katawan ng kalabaw?
A. buntot B. pakpak C. palikpik D. sungay
_____2. Ano ang ginagamit ng nasa larawan upang
makalangoy?
A. bibig B. hasang C. palikpik D. kaliskis
_____3. Anong bahagi ng katawan ng palaka ang kanyang
ginagamit para ito ay makaiwas sa mga malalaking hayop sa
paligid?
A. bibig B. paa C. ulo D. buntot
3
_____4. Ang mga hayop tulad ng kalabaw, baka at kambing ay
may buntot at sungay. Saan ginagamit ng mga hayop ang mga
bahaging ito ng kanilang katawan?
A. panlangoy B. pangkain C. proteksyon D. pagtalon
_____5. Ano ang ginagamit ng isang isda upang makahinga sa
ilalim ng tubig?
A. hasang B. kaliskis C. pakpak D. palikpik
Balik-tanaw
Ang mga hayop ay may iba’t – ibang bahagi. Ang mga
bahagi ay magkakaiba ayon sa uri ng hayop. Ang mga bahaging
ito ay may iba’t ibang gawain. Ating alamin ang mga bahagi ng
hayop at mga gawain nito.
Panuto: Kulayan ang mga larawan ng hayop ayon sa iba’t ibang
bahagi ng mga ito.
May Sungay - ASUL May Pakpak – PULA May Buntot – BERDE
Parehong may buntot at sungay - DILAW
4
Maikiling Pagpapakilala ng Aralin
Maraming bahagi ng katawan ang mga hayop. Narito ang
ilan sa mga halimbawa ng hayop. Maaari mo bang sabihin ang
mga bahagi ng kanilang katawan at gawain ng bawat isa? Isulat
ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Pangalan ng Hayop Bahagi ng Katawan at Gawain Nito
1.
Isda
2.
Kalabaw
3.
Bibe
4.
Agila
5.
Kambing
1. _________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
2._________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
3._________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
4._________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
5._________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
5
Gawain
Gawain 1.1 Bahagi ng Katawan ng Hayop at Gawain Nito
Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng katawan ng mga hayop at
gawain nito. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa
patlang.
1. Paa _______________________
2. Pakpak ____________________
3. Bibig _______________________
4. Palikpik_____________________
5. Sungay_____________________
Bahagi ng Katawan ng mga Hayop at Gawain nito
Ang mga hayop ay may iba’t – ibang bahagi. Ang mga
bahaging ito ay kanilang ginagamit upang ang mga ito ay
makagalaw, makakain, makalangoy, makahinga at
maproteksyunan ang kanilang sarili.
Ang mga bahagi ng katawan na ginagamit sa pagkuha ng
pagkain ay mga tuka, ngipin, bibig, at dila.
Ang mga bahagi ng katawan na ginagamit pamproteksyon
sa ibang hayop ay mga sungay, at buntot.
Ang bahagi ng katawan na ginagamit sa paggalaw ay paa
(pantakbo, pantalon, panlakad), pakpak(panlipad), palikpik at
buntot (panglangoy).
Panlakad Panlipad Panglangoy
Pangkain Pangsalita Pamproteksyon
6
Gawain 1.2 Mga Halimbawa ng Hayop, Mga Bahagi at Gawain ng
Bawat Isa
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng hayop na may bahagi ng
katawan na binabanggit sa ibaba at ibigay ang gawain nito. Isulat
ang sagot sa patlang.
1. Pakpak ________________________________
Gawain __________________________
2. Paa ____________________________________
Gawain___________________________
3. Buntot __________________________________
Gawain ___________________________
4. Sungay__________________________________
Gawain___________________________
5. Bibig ___________________________________
Gawain___________________________
Gawain 1.3 Magkabahagi, Magkatugma
Panuto: Iguhit ang kung tama ang gawain ng katawan ng
mga hayop sa ibaba at kung mali. Isulat ang sagot sa
patlang.
_________1. Ibon – Pakpak = para sa pagtakbo
_________2. Isda – Hasang =para makalangoy nang mabilis
_________3. Kabayo – Paa= para makatakbo at makalakad
_________4. Manok – tuka = para makakain
_________5. Palaka – legs= para makatalon
7
Gawain 1.4 Bahagi at Gamit
Panuto: Tukuyin ang bahagi ng katawan ng hayop at isulat ang
gamit nito.
A. Bahagi ng katawan_______________
B. Gamit_____________________________
_____________________________________
_____________________________________
A. Bahagi ng katawan_______________
B. Gamit_____________________________
_____________________________________
_____________________________________
A. Bahagi ng katawan_______________
B. Gamit_____________________________
_____________________________________
_____________________________________
A. Bahagi ng katawan_______________
B. Gamit_____________________________
_____________________________________
_____________________________________
A. Bahagi ng katawan_______________
B. Gamit_____________________________
_____________________________________
_____________________________________
8
Tandaan
1. Ang mga bahaging ito ng kanilang katawan ay ginagamit
upang sila ay makagalaw, makakain, makalangoy, makahinga, at
maproteksyunan ang kanilang sarili.
2. Ang tuka, ngipin, bibig, at dila ay mga bahagi ng katawan
ng hayop na ginagamit sa pagkuha ng pagkain.
3. Ang sungay at buntot ay mga bahagi ng katawan ng
hayop na ginagamit pamproteksyon sa ibang hayop.
4. Ang paa, pakpak, palikpik at buntot ay mga bahagi ng
katawan na ginagamit sa paggalaw. Ang paa ay ginagamit sa
pantakbo, pantalon, at panlakad. Samantalang ang pakpak ay
ginagamit panlipad. Ang palikpik naman ay ginagamit panlangoy.
Pag-alam sa mga Natutunan
Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng katawan ng hayop.
Science Kagamitan ng mga Mag aaral 3 p. 62
_________________1.
_________________2.
_________________3.
_________________4.
_________________5.
_________________1.
_________________2.
_________________3.
_________________4.
_________________5.
Buntot Katawan Leeg Paa Pakpak Ulo
9
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na mga hayop ang may sungay?
A. B. c C. D.
2. Karaniwang makikita ang isang kalabaw sa bukid upang
tumulong sa mga magsasaka. Ang mga bahagi ng katawan ng
isang kalabaw ay sungay, ulo, katawan, paa, at buntot. Ano ang
ginagamit na bahagi ng isang kalabaw upang makatulong sa
bukid?
A. buntot B. katawan C. mukha D. paa
3. Inatasan ka ng iyong nanay na pakainin ang inyong alagang
aso. Ano ang ginagamit na bahagi ng inyong alagang aso
upang makakain?
A. bibig B. buntot C. katawan D. paa
4. Sa inyong virtual class sa google classroom, nagpakita ang
inyong guro ng mga larawan na may bibig, hasang, palikpik at ito
ay lumalangoy. Alin sa mga larawan na ito ang tinutukoy?
A. B. C. D.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga bahagi ng
katawan ng hayop na nasa larawan?
A. tuka, mukha, pakpak, katawan
B. palikpik, hasang, katawan, bibig
10
C. sungay, hasang, katawan, pakpak
D. mukha, sungay, katawan, paa, buntot
6. Anong bahagi ng katawan ng hayop ang magkatulad sa
larawan?
A. pakpak at tuka
B. paa at sisiw
C. maliit na paa at palong
D. sisiw at balahibo
7. Anong bahagi ng katawan na ang gamit ay pamproteksyon
ng hayop na nasa larawan?
A. buntot
B. sungay
C. paa
D. nguso
8.Alin bahagi ng katawan na ginagamit sa pagkuha ng pagkain?
A. tuka B. pakpak C. paa D. bundot
9. Alin bahagi ng katawan na ginagamit sa paglipad upang
makapunta sa ibang lugar?
A. bundot B. paa C. pakpak D. tuka
10. Alin bahagi ng katawan na ginagamit sa paggalaw tulad ng
pagtakbo, pagtalon, at paglakad?
A. paa B. tuka C. pakpak D. bundot
Sanggunian:
Libro
Science Kagamitan ng mga Mag aaral 3 p. 62
11
Larawan
Ibon August 29, 2020
https://www.google.com/search?q=bird&tbm=isch&ved=2ahUKEwiGmIT78rTpAhUN
XZQKHetmBVMQ2-
cCegQIABAA&oq=bird&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAM
gIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEENQlf4iWKObI2CsoCNoAHAAeAGAAdsEiA
GjDpIBCTEuNS4yLjUtMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEA&sclient=img&ei=pAi-
Xoa2Io260QTrzZWYBQ&bih=640&biw=1280#imgrc=z6o6RjkxLCHh_M
Palaka August 29, 2020
https://www.google.com/search?q=FROG&tbm=isch&ved=2ahUKEwjB0LDb8bTpAh
UCfpQKHdJ5BBMQ2-
cCegQIABAA&oq=FROG&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEENQkscFWI3dBWCK3wVoAHAAeACAAfA
BiAGRCJIBBTAuNi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=VQe-
XoHSLYL80QTS85GYAQ&bih=640&biw=1280
Palaka August 29, 2020
https://www.google.com/search?q=FROG&tbm=isch&ved=2ahUKEwjB0LDb8bTpAhUCfpQKH
dJ5BBMQ2-
cCegQIABAA&oq=FROG&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADI
CCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEENQkscFWI3dBWCK3wVoAHAAeACAAfABiAGRCJIBBTAu
Ni4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=VQe-
XoHSLYL80QTS85GYAQ&bih=640&biw=1280
Isda September 1, 2020https://pxhere.com/en/photo/952628
https://www.google.com/search?q=fish&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=ic%3Aspecific%2Cisc%
3Agray%2Cisz%3Al%2Cil%3Acl&sa=X&ved=0CAAQ1vwEahcKEwiguu3Q7c_rAhUAAAAAHQAA
AAAQBA&biw=1184&bih=709#imgrc=-jYRAtAH94LNsM isda
Kalabaw September 2, 2020
https://www.google.com/search?q=kalabaw&tbm=isch&ved=2ahUKEwj8952NidHrAhV9yIsBH
XnoAUsQ2-
cCegQIABAA&oq=kalabaw&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIADIC
CAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQQzoHCAAQsQMQQ1DYqDBY9q8wYOfGMG
gAcAB4AIABoQGIAbMGkgEDMC43mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=
sgVTX_xW_ZCvvA_50IfYBA&bih=709&biw=1184&tbs=ic%3Aspecific%2Cisc%3Agray%2Cisz%3Al
%2Cil%3Acl&hl=en&hl=en#imgrc=huD2271VEF3cMM kalabaw
12
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok
1. A
2. C
3. B
4. C
5. A
Pangwakas na Pagsusulit
1.C
2.D
3.A
4.B
5.D
6.A
7.B
8.A
9.C
10.A
Gawain
Gawain 1
1.MAKALAKAD
2.MAKALIPAD
3. MAKAKAIN
4.MAKALANGOY
5.PROTEKSYON
Gawain 2
1. IBON – MAKALIPAD
2. KABAYO –
MAKATAKBO
3. KALABAW –
PROTEKSYON
4. KAMBING –
PROTEKSYON
5. ISDA - MAKAKAIN
Gawain 4
1.MAKALIPAD
2. MAKATALON
3. MAKALANGOY
4. PROTEKSYON
5.
MAKATAKBO/MAKALAKAD
Pag alam sa Natutunan
1.BUNTOT
1.ULO
2. KATAWAN
2. KATAWAN
3. ULO
3. BUNTOT
4. LEEG
4. PAKPAK
5. LEGS/PAA
5. LEGS/PAA