12
Kagawaran ng Edukasyon Agham 3 May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Erwin A. Pascual Manunulat Felipe W. Marapao Jr. Tagapagsuri Edward R. Montojo Armida S. Oblinada Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

Kagawaran ng Edukasyon Agham 3

May Buhay at Walangbuhay

Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Erwin A. Pascual

Manunulat

Felipe W. Marapao Jr.

Tagapagsuri

Edward R. Montojo

Armida S. Oblinada

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …
Page 3: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

Inaasahan

Ang modyul na ito ay idisenyo at isinulat alang-alang sa iyong

pagkatuto. Ito ay para tulungan ka na maunawaang lubos ang

May buhay at walang buhay sa ating kapaligiran. Ang saklaw ng

modyul na ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon ng

pagkatuto. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang malawak na antas

ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos

ayon sa standard na pagkakasunod ng kurso ngunit ang

pagkakasunod nito ayon sa iyong pagbabasa ay maaaring

mabago ayon sa aklat na iyong kasalukuyang ginagamit.

Ang modyul na ito ay magtuturo sa inyo ng tungkol sa mga

bahagi ng hayop at gawain nito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:

1. Matukoy ang mga may buhay at walang buhay sa ating

kapaligiran.

Unang Pagsubok

Alamin ang antas ng iyong pagkatuto. Sagutan ang

pagsusulit na ito. Piliin ang letra ng iyong sagot at isulat ito sa

patlang.

_____1. Alin sa sumusunod na pangkat ang may buhay

A. Bato, Kahoy, Damo C. Lupa, Puno, Papel

B. Hangin, Tubig, Lupa D. Suso, Bulate, Kabute

_____2. Si Lorena ay nanonood sa Knowledge Channel kung saan

pinapakita ang pag usbong ng isang buto ng halaman.

Ipinapakita dito na:

A. Ang buto ay may buhay

B. Ang buto ay malambot

C. Ang buto ay walang buhay

D. Ang buto ay hindi maiuuri sa anumang pangkat

Page 4: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

_____3. Paano mo masasabi na buhay ang isang Aso?

A. Ito ay lumalaki, nakakapagparami at gumagalaw

B. Ito ay nakakakita, nakakarinig at nakakaamoy

C. Ito ay may taong nag-aalaga

D. Tama ang sinasabi ng A at B

_____4. Ano ang mangyayari kapag ang iyong tanim na Okra ay

matagal na hindi nadidiligan?

A. Ito ay liliit

B. Ito ay mananatili sa dati

C. Ito ay malalanta at matutuyo

D. Ito ay magiging malusog at luntian

_____5. Alin sa mga sumusunod ang may buhay?

A. B. C. D.

Balik-tanaw

Mayroong iba’t ibang uri ng mga bagay tayong

nakakasalamuha araw-araw. Maaring ito ay may buhay (Living

Things) o hindi nabubuhay (Non – Living Things).

Panuto: Kulayan ng ASUL ang mga bagay na may buhay at PULA

naman kung ito ay walang buhay.

Page 5: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

Maikiling Pagpapakilala ng Aralin

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng bagay na matatagpuan sa

ating mga tahanan. Tukuyin ang mga ito sa pamamagitan ng

Pagkahon sa mga bagay na may buhay at Pagbilog

sa mga bagay na walang buhay.

Page 6: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

Gawain

Gawain 1.1Pagtukoy sa bagay na may Buhay sa ating Bahay

Panuto: Iguhit ang puso kung ang bagay ay may buhay at

tatsulok naman kung ito ay hindi/walang buhay. Isulat ang sagot

sa patlang.

____________1. Sapatos

____________2. Hangin

____________3. Kuneho

____________4. Pusa

____________5. Nanay

____________6. Upuan

____________7. Halaman

____________8. Bato

____________9. Tatay

____________10. Tubig

May Buhay o Walang Buhay

Ang ating mundo ay puno ng napakaraming bagay na

matatagpuan sa lupa, sa hangin at maging sa tubig.

Ang mga bagay na may buhay ay humihinga, kumakain,

lumalaki, gumagalaw at nakakapagparami. Karamihan sa mga

may buhay ay umaasa o nakadepende sa ibang mga bagay.

Ang mga bagay na walang buhay ay maaring manatili sa

mundo kahit hindi umaasa sa iba pang bagay sa paligid. Hindi nito

kailangang kumain upang manatili.

Bawat isa, may buhay o walang buhay ay may mahalagang

papel o gampanin sa atin at sa kapaligiran.

Page 7: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

Gawain 1.2 Tamang Pagpili

Panuto: Pumili sa kahon at ilagay ito sa tamang kinabibilangan

nito. Pagsamahin ang mga May Buhay at Hindi /Walang buhay.

May Buhay Hindi o Walang buhay

Gawain 1.3 Ang Kaugnayan ng bawat isa.

Panuto: Tukuyin ang mga salita kung may buhay o walang buhay.

Ang mga halaman at puno ay ____________ na nakatanim sa

lupa o tubig. Ang lupa at tubig ay mga ___________. Bukod sa

tinitirhan ng halaman at puno na may mga sustansyang ginagamit

upang mabuhay ay nangangailangan din ito ng sinag ng araw at

carbondioxide na nasa hangin na ang isa sa pinagmumulan ay

ang paghinga ng mga hayop at tao. Ang carbon dioxide at sinag

ng araw ay ____________ samantalang ang mga tao at hayop ay

_______________. Sa paglaki o paglago ng puno at halaman ay

nakakapagparami ang mga ito sa pamamagitan ng buto, dahon,

Baso Kalabaw Orasan

Buhay na kuryente Kambing Papel

Computer Kidlat Plato

Guro Lola Pusa

Page 8: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

sanga, at ugat. Ang mga bagay na walang buhay at may buhay

ay magkaka ugnay sa bawat isa.

Tandaan

1. Ang mga bagay na may buhay ay nakadepende sa mga

bagay na walang buhay upang sila ay makakain, lumaki,

gumalaw at patuloy na mabubuhay.

2. Bawat gawain ng mga may buhay ay maaring

makaapekto sa iba pang may buhay.

3. Ang mga may buhay ay kumakain, humihinga, lumalaki,

gumagalaw at nakakapagparami.

4. Ang mga bagay na walang buhay ay ang mga pwersa ng

kalikasan na ating nakikita o kaya naman ay mga

kasangkapan na ating ginagamit sa araw araw.

5. Bawat isang nilalang, may buhay man o wala ay nararapat

nating igalang upang tayo ay magkaroon ng payapa at

matiwasay na pamumuhay.

Pag-alam sa mga Natutunan

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay

nagpapahayag ng tamang impormasyon at MALI kung

ito ay nagpapahayag ng maling impormasyon.

____________1. Ang mga tao ay kabilang sa may buhay.

____________2. Ang mga bagay na hindi o walang buhay ay

nakakahinga.

Page 9: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

____________3. Ang tubig, araw, at hangin ay mga bagay na may

buhay.

____________4. Ang mga bagay na hindi o walang buhay ay may

sariling pandama o senses.

____________5. Ang mga bagay na may buhay ay kailangan ng

enerhiya upang patuloy na mabuhay.

ll.Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng MAY BUHAY

at WALANG BUHAY. Idikit ito sa loob ng kahon. Magbigay ng

dalawang (2) pangungusap kung bakit ito ay May Buhay at

Walang Buhay.

l. May Buhay

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

Page 10: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

ll. Walang Buhay

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Page 11: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

1. Alin sa mga sumusunod ang may buhay na nakikita at

naninirahan sa ilalim ng karagatan?

A. Bato C. Kalabaw

B. Isda D. Tubig

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng hindi

nabubuhay?

A. Kamiseta

B. Lupa

C. Susi

D. Tipaklong

3. Ang mga bagay na may buhay ay nangangailangan ng

____________ upang mabuhay.

A. Hangin, Tubig at Bato

B. Hangin, Papel at Tubig

C. Hangin, Pagkain, at Tubig

D. Hangin, Buhangin at Bato

4. Alin sa mga larawan ang hindi kabilang sa pangkat?

A. B. C. D.

5. Si Pedro at Maria ay nag-aalaga ng halaman sa kanilang

taniman. Napansin nya na ang kanilang tanim na Mustasa at

Talong ay lumalaki at namumunga. Alin ang totoo tungkol sa

halaman nina Pedro at Maria?

A. Ito ay may buhay

B. Ito ay namamatay

C. Ito ay maglalakad

D. Ito ay maaring lumipad

Sanggunian:

Pusa October 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?hl=en&authuser=0&tbm=isch&sxsrf=

Bubuyog October 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=bee+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=

Lamesa October 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=table+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=

HanginOctober 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=wind+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=

ArawOctober 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=sun+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=

Page 12: May Buhay at Walangbuhay Ikalawang Markahan Ikalimang …

Kabayo October 11,2020

https://www.google.com.ph/search?q=horse+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=

Lupa October 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=

TubigOctober 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=water+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=

Isda October 11, 2020

https://www.google.com/search?q=fish&tbm=isch&hl=enM isda

Baso October 11, 2020

https://www.google.com.iph/search?q=baso+clipart+black+and+white&tbm=is

Walis Tingting October 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=Walis+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved= -

Damit Octobe11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=Damit+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved

Kutsara October 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=kutsara+clipart+black+and+white&tbm=isc

Aso October 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=black+and+white+dog+clipart&tbm=isch&ved

Gagamba October 11, 2020

https://www.google.com.ph/search?q=gagamba+clipart+black+and+white&tbm

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok 1. D 2. A 3. D 4. C 5. D Balik Tanaw 1.Pusa-asul 2.Lamesa –pula 3.bubuyog-asul 4.hangin-pula 5.araw-pula 6. manok-asul 7.kabayo-asul 8.bato- pula 9.kidlat-pula 10.isda-asul 11.tubig-pula Maikling Pagpapakilala 1.baso –bilog 2.walis tingting-bilog 3.tipaklong –kahon 4.bulate- kahon 5.aso-kahon 6.kutsara-bilog 7. bata-kahon 8.damit-bilog

GAWAIN 1.1

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

GAWAIN 1.2 Tamang Papili

May Buhay Hindi o Walang Buhay

Guro Orasan

Pusa Computer

Kambing Baso

Lola Plato

kalabaw Kidlat

Papel

Buhay na kuryente

GAWAIN 1.2 Ang Kaugnayan ng bawat isa

1.May buhay

2.Walang buhay

3.Walang buhay

4.May buhay Pag-Alam sa mga Natutunan

1.TAMA 2.MALI 3.MALI 4.MALI 5.TAMA

Pangwakas na Pagsusulit 1.B 2.D 3.C 4.B 5.A