16
34567 AGOSTO 1, 2014 MAHALAGA KA BA SA DIYOS?

MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

  • Upload
    hatruc

  • View
    306

  • Download
    13

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

34567AGOSTO 1, 2014

MAHALAGA KA BASA DIYOS?

Page 2: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

34567AGOSTO 1, 2014

MAHALAGA KA BA

SA DIYOS?

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa pulitikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and TractSociety of New York, Inc. � 2014 Watch TowerBible and Tract Society of Pennsylvania.Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaanito bilang bahagi ng pambuong-daigdig napagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Malibang ibaang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banalna Kasulatan.

Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay 8

Tularan ang Kanilang Pananampalataya—“Pakisuyo, Pakinggan Ninyo ang Panaginip na Ito” 10

Tanong ng mga Mambabasa . . .Sino ang gumawa sa Diyos? 15

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:45,944,000 SA 214 NA WIKA AGOSTO 1, 2014�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

SA ISYU RING ITO

s BASAHIN ONLINE � www.jw.org/tl

Vol. 135, No. 15August 1, 2014

SemimonthlyTAGALOG

Mahalaga Ka ba sa Diyos? PAHINA 3-7Pinahahalagahan Ka ba ng Diyos? 3Binabantayan Ka ng Diyos 4Nauunawaan Ka ng Diyos 5Maaaliw Ka ng Diyos 6Inilalapıt Ka ng Diyos sa Kaniya 7

SAGOT SA IBA PANG TANONG SA BIBLIYA—Isa Lang Bang Puwersa ang Diyos?(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ SAGOT SA MGA TANONGSA BIBLIYA)

r

MADA-DOWNLOADANG MAGASING ITO SAIBA’T IBANG FORMAT

(

(

Page 3: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

AGOSTO 1, 2014 � 3

“Ako ay napipighati at dukha. Pinahahalagahan ako ni Jehova.”�—DAVID NG ISRAEL, IKA-11 SIGLO B.C.E.

Tama bang asahan ni David namahalaga siya sa Diyos? Pi-nahahalagahan ka nga ba ng Diyos? Marami ang nahihira-pang maniwala na interesado sa kanila ang Diyos na ma-kapangyarihan-sa-lahat. Bakit?Ang isang dahilan ay iniisip nilang napakataas ng

Diyos. Mula sa mataas na posisyon ng Diyos sa langit, ang“mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba; at ibi-nibilang silang gaya ng manipis na alikabok sa timba-ngan.” (Isaias 40:15) Isang manunulat na hindi naniniwalasa Diyos ang nagsabing “isang kalabisan na maniwalangmay isang Diyos na personal na interesado sa iyong kapa-kanan.”Pakiramdam naman ng iba, wala silang halaga sa Diyos

dahil sa mga nagagawa nila. Halimbawa, sinabi ni Jim:“Lagi kong ipinagdarasal na sana’y maging kalmado akoat pasensiyoso, pero pagkatapos n’on, lagi naman akongnagagalit. Kaya naisip ko tuloy na siguro sagad sa buto angkasamaan ko at hindi ako matutulungan ng Diyos.”Napakalayo ba ng Diyos para mapansin tayo? Ano ba

talaga ang nadarama niya sa makasalanang mga tao?Kung hindi ipakikilala ng Diyos ang kaniyang sarili, wa-lang sinuman ang makasasagot nang tama sa mga tanongna iyan. Pero tinitiyak sa atin ng Salita ng Diyos—ang Bib-liya—na nagmamalasakit siya sa atin. “Sa katunayan,” angsabi ng Bibliya, “hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.”(Gawa 17:27) Tatalakayin ng susunod na apat na artikuloang tungkol sa pagpapahalaga ng Diyos sa bawat indibi-duwal at kung paano niya ipinakikita ang kaniyang mala-sakit sa iyo.

� Awit 40:17; Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

TAMPOK NA PAKSA

PINAHAHALAGAHAN KA BANG DIYOS?

“Ang mga bansa ay gaya ngisang patak mula sa timba.”

—ISAIAS 40:15

Page 4: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

KUNG BAKIT NAG-AALINLANGAN ANG ILAN: Ayon sa pinakahu-ling pag-aaral, sa ating galaksi pa lang ay may mga 100 bilyongplaneta na. Sa sobrang lawak ng uniberso, marami ang nagtata-nong, ‘Bakit pa titingnan ng makapangyarihan-sa-lahat na May-lalang ang ginagawa ng hamak na tao sa isang napakaliit na pla-neta?’

KUNG ANOANG ITINUTURO NG SALITA NG DIYOS: Hindi basta ibi-nigay ng Diyos sa atin ang Bibliya, at pagkatapos ay bahala natayo sa buhay natin. Sa halip, tinitiyak sa atin ni Jehova: “Mag-papayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.”—Awit32:8.

Kuning halimbawa si Hagar, isang babaing Ehipsiyo noongika-20 siglo B.C.E. Walang galang si Hagar sa amo niyang si

Sarai, kaya hiniya siya nito. Da-hil dito, tumakas siya sa disyerto.Hindi na ba mahalaga sa Diyos siHagar dahil sa pagkakamali niya?Iniulat ng Bibliya: “Nasumpungansiya ng anghel ni Jehova.” Sinabing anghel kay Hagar: “Narinig ni

Jehova ang iyong kapighatian.” Kaya sinabi ni Hagar kay Jehova:“Ikaw ay Diyos ng paningin.”—Genesis 16:4-13.

Binabantayan ka rin ng “Diyos ng paningin.” Isipin ito:Mas bi-nabantayan ng mapagmahal na ina ang maliliit niyang anak, da-hil miyentras masmaliit ang bata, mas kailangan nito ng higit naatensiyon. Mas binabantayan din tayo ng Diyos kapag mahinatayo atmalungkot. “Nananahan akongmataas at banal,” ang sabini Jehova, “ngunit naroon din ako sa nagsisisi at aba sa espirituupang pasiglahin ang espiritu ng mga aba at bigyang-buhay angpuso ng mga nagsisisi.”—Isaias 57:15, Biblia ng Sambayanang Pili-pino.

Pero bakamaisip mo: ‘Paano ako binabantayan ng Diyos? Pan-labas na hitsura lang ba ang nakikita niya o ang buo kong pag-katao? Talaga bang nauunawaan niya ako?’

BINABANTAYAN KA NG DIYOS“Ang kaniyang mga mata

ay nasa mga lakad ngtao, at ang lahat ng

hakbang nito ay nakikitaniya.”—JOB 34:21.

Miyentras mas maliitang bata, maskailangan nito nghigit na atensiyon

4 � ANG BANTAYAN

Page 5: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

KUNG BAKIT NAG-AALINLANGAN ANG ILAN: Iniisip ng maramina nakikita lang ng Diyos ang mga tao bilang makasalanan—ma-rumi at walang halaga. Nade-depress at labis na nakokonsiyen-siya si Kendra dahil hindi niya nasusunod ang mga kahilinganng Diyos. Kaya ang sabi niya, “Hindi na ako nananalangin.”

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG SALITA NG DIYOS: Hindi lagingkamalian mo ang tinitingnan ni Jehova. Kilala niya kung sino katalaga. “Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin,” ang sabing Bibliya, “na inaalaalang tayo ay alabok.” Bukod diyan, hindiniya tayo pinakikitunguhan ayon “sa ating mga kasalanan,” kun-di maawain niya tayong pinatatawad kapag nagsisisi tayo.—Awit103:10, 14.

Pansinin si Haring David ng Israel na binanggit sa unang arti-kulo. Nanalangin siya sa Diyos: “Nakita ng iyong mga mata ma-ging ang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay nakatala ang la-hat ng bahagi nito . . . Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin moang aking puso.” (Awit 139:16, 23) Oo, kumbinsido si David nakahit nagkakasala siya—mabigat panga kung minsan—nakikita ni Jeho-va na talagang nagsisisi siya.

Mas nauunawaan ka ni Jehovakaysa kaninuman. Sinasabi ng Bib-liya: “Ang tao ay tumitingin sa kungano ang nakikita ng mgamata; ngu-nit kung tungkol kay Jehova, tumi-tingin siya sa kung ano ang nasapuso.” (1 Samuel 16:7) Nauunawaan ng Diyos kung bakit mo na-gawa ang isang bagay. Alam niya kung paanong ang iyong pag-katao ay nahuhubog ngmga katangiangminanamo, ng kinalak-han mo, at mga paggawi mo. Nakikita at pinahahalagahan niyaang iyong pagsisikap, kahit nagkakamali ka.

Yamang nauunawaan ng Diyos ang buo mong pagkatao, paa-no ka niya maaaliw?

NAUUNAWAAN KA NG DIYOS“O Jehova, siniyasat moako, at kilala mo ako.”—AWIT 139:1.

“Nakita ngiyong mga mata

maging ang akingpagkabinhi.”—AWIT 139:16

5

Page 6: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

6 � ANG BANTAYAN

KUNG BAKIT NAG-AALINLANGAN ANG ILAN: Kahit hirap na hirapna, pakiramdam ng ilan ay makasarili sila kung ilalapit pa nila saDiyos ang mga problema nila. “Sa dami ng tao sa mundo—at sa bi-gat ng mga problema nila,” ang sabi ni Raquel, “waring napakaliitlang ng problema ko para hingin pa ang tulong ng Diyos.”KUNG ANO ANG ITINUTURO NG SALITA NG DIYOS: May gi-

nawa na ang Diyos para tulungan at aliwin ang mga tao. La-hat tayo ay nagmana ng kasalanan kaya hindi tayo nakaaabotsa mga kahilingan ng Diyos. Pero ang Diyos ay “umibig saatin at nagsugo ng kaniyang Anak [si Jesu-Kristo] bilang pampa-

lubag-loob na hain para sa atingmga kasalanan.” (1 Juan 4:10) Isi-nakripisyo ng Diyos ang buhayni Jesus para mapatawad angating mga kasalanan, at magka-roon tayo ng malinis na budhiat pag-asang mabuhaymagpaka-ilanman sa mapayapang bagongsanlibutan.� Pero ang sakripisyo

bang iyon ay pangkalahatan lang, o ipinakikita nito na interesadosa iyo ang Diyos bilang indibiduwal?

Kuning halimbawa si apostol Pablo. Talagang naantig siya ngsakripisyo ni Jesus. Isinulat niya: “[Namumuhay ako] sa pananam-palataya sa Anak ng Diyos, na umibig sa akin at nagbigay ng kani-yang sarili para sa akin.” (Galacia 2:20) Totoo na namatay si Jesusbago pa naging Kristiyano si Pablo. Pero para kay Pablo, ang sak-ripisyong iyon ay personal na regalo ng Diyos sa kaniya.

Ang sakripisyong kamatayan ni Jesus ay personal ding regalo ngDiyos sa iyo. Ipinakikita nito kung gaano ka kahalaga sa Diyos.Ma-aari kang magkaroon ng “walang-hanggang kaaliwan at mabutingpag-asa” at sa gayon ay ‘mapatatag ka sa bawat mabuting gawa atsalita.’—2 Tesalonica 2:16, 17.

Gayunman, halos 2,000 taon na mula ng isakripisyo ang buhayni Jesus. May katibayan ba na gusto ng Diyos na maging malapıtka sa kaniya ngayon?

� Para sa higit na impormasyon tungkol sa sakripisyo ni Jesus, tingnan ang ka-banata 5 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mgaSaksi ni Jehova.

MAAALIW KA NG DIYOS“Ang Dios na umaaliw samga nalulugmok ang siya

ring umaliw sa [atin].”—2 CORINTO 7:6, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.

‘Ang Anak ng Diyosay umibig sa akin atnagbigay ng kaniyangsarili para sa akin.’—GALACIA 2:20

Page 7: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

KUNG BAKIT NAG-AALINLANGAN ANG ILAN: Maraming naniniwa-la sa Diyos ang nakadaramang malayo sila sa kaniya. “Alam kongang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay,” ang sabi ni Christina,taga-Ireland na linggo-linggong nagsisimba. “Pero hindi ko talagasiya kilala. Niminsan ay hindi ko naramdamangmalapıt ako sa ka-niya.”KUNG ANO ANG ITINUTURO NG SALITA NG DIYOS: Kapag waringnaliligaw tayo, laging nariyan si Jehova. Ganito inilarawan ni Jesusang pagmamalasakit ng Diyos sa atin: “Kung ang isang tao aymag-karoon ng isang daang tupa at maligaw ang isa sa kanila, hindi baniya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa mga bundok at hahayo sapaghahanap sa isa na naliligaw?”Ang aral? “Sa gayunding paraanhindi kanais-nais na bagay sa aking Ama na nasa langit na ang isasa maliliit na ito ay malipol.”—Mateo 18:12-14.

Bawat “isa sa maliliit na ito” ay mahalaga sa Diyos. Pero paanohinahanap ng Diyos ang “isa na naliligaw”? Ayon sa siniping teks-to sa umpisa ng artikulong ito, inilalapit ni Jehova ang mga tao sakaniya.

Pansinin na angDiyos ang kumilos para ilapit sa kaniya angmgataong taimtim. Noong unang siglo C.E., isinugo ng Diyos ang Kris-tiyanong alagad na si Felipe para kausapin ang isang Etiopengopisyal tungkol sa kahulugan ng hula sa Bibliya na binabasa nito.(Gawa 8:26-39) Nang maglaon, inutusan ng Diyos si apostol Ped-ro na puntahan ang Romanong opisyal na si Cornelio, na nanana-langin at sumasamba sa Diyos. (Gawa 10:1-48) Inakay rin ng Diyossi apostol Pablo at ang mga kasama nito sa isang ilog sa labas nglunsod ng Filipos. Nakilala nila roon ang “isang mananamba ngDiyos” na si Lydia, at “binuksang mabuti ni Jehova ang kaniyangpuso upang magbigay-pansin.”—Gawa 16:9-15.

Ipinakikita ng mga ito na binibigyan ni Jehova ng pagkakataonang mga humahanap sa kaniya na makilala siya. Sino sa nga-yon ang nagbabahagi ng mensahe ng Bibliya tungkol sa Diyossa mga tahanan at pampublikong lugar? Marami ang magsasabi,“mga Saksi ni Jehova.” Tanungin ang sarili, ‘Ginagamit kaya silang Diyos para mapalapıt ako sa kaniya?’ Hinihimok ka namin naipanalangin sa Diyos na tulungan kang tumugon sa mga ginagawaniya para mapalapıt ka sa kaniya.� ˇ

� Para sa higit na impormasyon, panoorin sa www.jw.org/tl ang video na BakitMagandang Mag-aral ng Bibliya?

INILALAP´IT KA NG DIYOS

SA KANIYA

“Walang taong makalalapitsa akin malibang ilapit siyang Ama, na nagsugo saakin.”—JUAN 6:44.

Sino sa ngayon angnagbabahagi ng mensaheng Bibliya tungkol sa Diyos

sa mga tahanan atpampublikong lugar?

Page 8: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

8 � ANG BANTAYAN

ANG AKING NAKARAAN: Lumaki ako sa Rmaysh, malapit saborder ng Israel at Lebanon, noong panahon ng gera sibil.Malinaw pa sa isip ko ang pagsabog ng nakatanim na mgabomba, pati ang inosenteng mga biktimang nawalan ngkamay o paa. Mahirap ang buhay, at laganap ang krimen atkarahasan.Ang aming pamilya ay kabilang sa Maronite Church, isa

sa mga Eastern Catholic Church. Subsob sa trabaho si Tataypara buhayin kaming 12 sa pamilya. Isinasama naman kamini Nanay sa pagsisimba. Nang maglaon, nadama ko na angsimbahan, gaya ng lipunan, ay walang nagagawa para sa ma-hihirap.Noong tin-edyer pa ako, nahilig ako sa kung fu. Nagsanay

ako nang husto at naging bihasa sa pagsuntok at pagsipa atsa paggamit ng iba’t ibang sandata sa martial arts. Naisip ko,‘Hindi ko man mapahinto ang digmaan, maaari ko namangsubukang pigilan ang mga taong marahas.’ Kapag nakakitaako ng dalawang taong nag-aaway, umaawat agad ako. Ma-iksi ang pasensiya ko, at madaling uminit ang ulo ko. Sigaako sa buong katimugan ng Lebanon. Tinangka kong laba-nan ang kawalang-katarungan at karahasan.

Noong 1980, sumama ako sa isang club ng kung fu saBeirut. Umuulan ng bomba at missile araw-araw, pero tuloypa rin ako sa pag-eensayo. Wala akong ginawa kundi kuma-in, matulog, at gayahin si Bruce Lee, isang Tsino-Amerika-nong aktor at kampeon sa kung fu. Ginaya ko ang kaniyangistilo ng buhok, paglalakad, at pagsigaw. Hindi ako ngumi-ngiti.

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Gustokong maging propesyonal na kung fu fighter sa China. Isanggabi, habang nagsasanay ako nang husto bilang paghahandasa biyahe ko sa China, may kumatok sa bahay. Isang kaibiganang dumalaw kasama ng dalawang Saksi ni Jehova. Suot koang aking itim na uniporme sa kung fu at pawis na pawis.Sinabi ko sa kanila, “Wala akong alam sa Bibliya.” Hindi

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

Tinangka kong labananang kawalang-katarunganat karahasan

AYON SA SALAYSAY NIANTOINE TOUMA

ISINILANG1960BANSANG PINAGMULANLEBANON

DATING KUNG FU EXPERT

Page 9: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

AGOSTO 1, 2014 � 9

ko akalain na iyon na pala ang magpapabago sabuhay ko.Ipinakita sa akin ng mga Saksi mula sa Bibli-

ya kung bakit hindi kailanman lubusang maaalisng tao ang kawalang-katarungan at karahasan. Ipi-naliwanag nila na si Satanas na Diyablo ang tu-nay na dahilan ng gayong mga problema. (Apocalip-sis 12:12) Humanga ako sa pagiging mahinahon ngmga Saksi at nakita kong alam nila kung ano angsinasabi nila. At naantig ako nang sabihin nila namay pangalan ang Diyos. (Awit 83:18) Ipinabasa rinnila sa akin ang 1 Timoteo 4:8: “Ang pagsasanay sakatawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti; ngunitang makadiyos na debosyon ay kapaki-pakinabangsa lahat ng mga bagay, yamang hawak nito ang pa-ngako sa buhay ngayon at yaong darating.” Binagonito ang aking buhay.Sayang at hindi ko na nakita ang mga Saksi, kasi

sinabihan sila ng pamilya ko na huwag nang buma-lik. Pero nagdesisyon na akong ihinto ang kung fuat mag-aral ng Bibliya. Tutol dito ang mga kapatidko, pero desidido akong hanapin ang mga Saksi niJehova at makipag-aral ng Bibliya sa kanila.Patuloy kong hinanap ang mga Saksi pero hindi

ko sila nakita. Samantala, lungkot na lungkot akosa biglang pagkamatay ni Tatay, pati na sa iba pangtrahedyang nangyari sa aming pamilya. Nagtraba-ho ako sa isang kompanya ng konstruksiyon. Isangaraw, tinanong ako ng katrabaho kong si Adel kungbakit ako malungkot. Ipinakita niya sa akin mula saBibliya ang pag-asang pagkabuhay-muli. Sa sumu-nod na siyam na buwan, matiyaga akong tinuruansa Bibliya ng mapagmalasakit na Saksing ito.

Habang nag-aaral kami, nakita kong kailangankong magbago. Hindi ito madali. Lagi akong iri-table at madaling mapikon. Natutuhan ko mula saBibliya kung paano kokontrolin ang aking galit athuwag magpadala sa emosyon. Halimbawa, ganitoang payo ni Jesus sa Mateo 5:44: “Patuloy na ibiginang inyong mga kaaway at ipanalangin yaong mgaumuusig sa inyo.” At nagbabala ang Roma 12:19:“Huwag ipaghiganti ang inyong sarili, . . . sapagkatnasusulat: ‘ “Akin ang paghihiganti; ako ang gagan-ti,” sabi ni Jehova.’ ”Ang mga tekstong gaya nito ay

nakatulong sa akin na unti-unting maging mahina-hon.

KUNGPAANOAKONAKINABANG: Bagamansalansangnoon ang pamilya ko sa desisyon kong makipag-aralsa mga Saksi ni Jehova, natutuhan nilang igalangang mga Saksi. Sa katunayan, isa sa mga kapatidkong lalaki ay naging Saksi ni Jehova rin. Noongnabubuhay pa si Nanay, ipinagtatanggol niya angpananampalatayanamin.Pinagpala rin akong magkaroon ng isang mahu-

say at tapat na asawa, si Anita, ang aking mahal nakasama sa buong-panahong ministeryo. Mula no-ong taong 2000, kami ni Anita ay tumira sa Eskilstu-na, Sweden, kung saan nagtuturo kami ng Bibliya samga taong nagsasalita ng Arabe.Naaawa pa rin ako sa mga nagdurusa dahil sa ka-

rahasan. Pero dahil alam ko ang tunay na dahilannito—at na malapit na itong wakasan ng Diyos—na-kadarama ako ng tunay na kagalakan at kapayapa-an.—Awit 37:29. ˇ

Masayang-masaya kamingmag-asawa sa ministeryo.Gusto naming turuan ang ibatungkol kay Jehova

Page 10: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

10 � ANG BANTAYAN

MALUNGKOT na nililingon ni Jose ang silanganat iniisip na sana’y makatakas siya mula sa

caravan. Nasa kabila lang ng mga burol sa di-kala-yuan ang kanilang tahanan sa Hebron. Papagabi naat magpapahinga na ang kaniyang amang si Jacob.Walang itong kamalay-malay sa nangyayari sa kani-yang paboritong anak. Pero hindi na makauuwi siJose. Basta ang alam niya, posibleng hindi na niyamakita pang muli ang kaniyang minamahal na ama.Binabantayan ngmgamangangalakal si Jose habangtinatahak ng kanilang mga kamelyo ang landas nalaging dinaraanan patimog. Pag-aari na nila ngayonsi Jose, at hindi nila hahayaang mawala ito sa ka-nilang paningin. Ang batang ito ay isang mahala-gang kargamento gaya ng mabangong dagta at la-ngis—mamahaling kalakal sa Ehipto.Mga 17 anyos lang noon si Jose. Tinanaw niya

ang langit sa gawing kanluran at nasilaw sa papa-lubog na araw sa Malaking Dagat. Hindi niya ma-intindihan kung bakit biglang gumuho ang mundoniya. Hindi siyamakapaniwala na halos patayin siyang mga kapatid niya at saka ipinagbili bilang alipin.Tiyak na nahirapan si Jose na pigilin ang kaniyangmga luha. Hindi niya alam kung ano ang mangyaya-ri sa kaniya.Bakit napakasaklap ng sinapit ni Jose? Ano ang

matututuhan natin sa pananampalataya ng kabata-ang ito na naging biktima at itinakwil ng kaniyangmga kapamilya?

ISANG KOMPLIKADONG PAMILYASi Jose ay galing sa napakalaking pamilya—pero

watak-watak at hindi maligaya. Ang paglalarawanng Bibliya sa pamilya ni Jacob ay malinaw na kati-bayan ng negatibong mga epekto ng pagkakaroonng maraming asawa, o poligamya—na pinahintulu-tan noon ng Diyos sa kaniyang bayan hanggang saisauli ng kaniyang Anak ang orihinal na pamanta-yan ng monogamya. (Mateo 19:4-6) Si Jacob ay maydi-kukulangin sa 14 na anak sa apat na babae—mulasa kaniyang dalawang asawa na sina Lea at Raquel,at sa kanilang mga alilang sina Zilpa at Bilha. Sa si-mula pa lang, ang magandang si Raquel na ang la-man ng puso ni Jacob, at hindi ang ate nitong si Lea,na napakasalan ni Jacob dahil sa panlilinlang. Ma-

TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA � JOSE

“Pakisuyo, Pakinggan Ninyoang Panaginip na Ito”

Page 11: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

tinding selos ang namagitan sa dalawang babae nanakaapekto sa kanilang mga anak.—Genesis 29:16-35; 30:1, 8, 19, 20; 37:35.Matagal na naging baog si Raquel. Nang sa wa-

kas ay isilang niya si Jose, naging espesyal kay Jacobang anak na ito sa kaniyang katandaan. Halimba-wa, nang ang pamilya ay makikipagtagpo sa ma-paghiganting kapatid ni Jacob na si Esau, tiniyakni Jacob na si Raquel at ang batang si Jose ay nasaligtas na lugar sa hulihan ng buong sambahayan. Ti-yak na hindi nakalimutan ni Jose ang maigting naaraw na iyon. Gunigunihin ang nadama niya noongumagang iyon. Takang-taka siya kung bakit ang ka-niyang may-edad na pero malakas na ama ay iika-ika ngayon. Tiyak na namangha siya nang malamanniya ang dahilan: Nakipagbuno nang gabing iyonang kaniyang ama sa isang malakas na anghel! Ba-kit? Kasi gusto ni Jacob na pagpalain siya ng Diyosna Jehova. Bilang gantimpala, ginawa ng Diyos naIsrael ang pangalan niya. Dadalhin ng buong bansaang pangalan niya! (Genesis 32:22-31) Sa kalaunan,nalaman ni Jose na ang mga anak ni Israel ang ma-giging ama ng mga tribo ng bansang iyon!Nang maglaon, naranasan ng batang si Jose ang

malungkot na pangyayari nang maagang mamatayang pinakamamahal niyang ina. Namatay ito sa pa-nganganak sa bunso niyang kapatid, si Benjamin.Labis na namighati ang kaniyang ama. Isip-isipin siJacob habang pinupunasan ang mga luha sa mata niJose at inaaliw ito ng pag-asang ipinang-aliw rin kay

Jacob ng lolo niyang si Abraham. Naantig ang dam-damin ni Jose nang malaman niya na isang araw aybubuhaying muli ni Jehova ang nanay niya! Mara-hil lalo pang sumidhi ang pag-ibig ni Jose sa bukas-palad na “Diyos . . . ng mga buhay.” (Lucas 20:38;Hebreo 11:17-19) Pagkamatay ni Raquel, patuloy naipinadama ni Jacob ang kaniyang pagmamahal sadalawang batang naulila ni Raquel.—Genesis 35:18-20; 37:3; 44:27-29.Maraming bata ang nagiging spoiled o lumalaki

ang ulo kapag pinakitaan ng pantanging atensiyon.Pero natuto si Jose sa magagandang katangian ngkaniyang mga magulang. Nagkaroon siya ng mati-bay na pananampalataya at mahusay na pagkauna-wa sa kung ano ang tama at mali. Sa edad na 17, na-ging pastol siya at tumulong sa kaniyang mga kuya.Napansin niyang may ginagawa silang masama. Na-tukso ba siyang manahimik na lang para hindi ma-pag-initan? Hindi, ginawa niya ang tama. Sinabiniya ito sa kaniyang ama. (Genesis 37:2) Marahil da-hil sa katapangang ipinakita ni Jose, lalo pa siyangnapamahal kay Jacob. Napakahusay na halimba-wa na dapat tularan ng mga kabataang Kristiyano!Kapag natutuksong pagtakpan ang malubhang ka-salanan ng iba—marahil ng isang kapatid o kaibi-gan—matalinong tularan si Jose at tiyakingmalamanito ng mga puwedeng tumulong sa nagkasala.—Le-vitico 5:1.May matututuhan din tayo sa pamilya nina Jose.

Bagaman ang mga tunay na Kristiyano ngayon ay

Nawala ang kalayaan ni Jose pero hindi ang kaniyang pananampalataya

Page 12: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

hindi nagsasagawa ng poligamya, marami sa kanilaang may mga pamilya mula sa muling pag-aasawa ostepfamily. Nakita natin sa pamilya ni Jacob na angpaboritismo at pagtatangi ay sumisira sa pagkakai-sa ng pamilya. Kaya dapat gawin ng mga magulangna may stepfamily ang buo nilang makakaya na ipa-kita sa bawat isa sa kanilang mga anak ang pagma-mahal nila. Dapat din nilang ipadama sa bawat isana sila ay espesyal at nakadaragdag sa kaligayahanng pamilya.—Roma 2:11.

NAG-UGAT ANG INGGITMarahil dahil sa lakas-loob na paninindigan ni

Jose sa kung ano ang tama, niregaluhan siya ni Ja-cob. Nagpagawa siya ng isang espesyal na damitpara sa kaniyang anak. (Genesis 37:3) Malamang naito ay elegante at mahabang kasuutan na umaabothanggang paa at may mahabang manggas. Marahilkatulad ito ng isinusuot ng maharlika o prinsipe.Tiyak na mabuti ang intensiyon ni Jacob at naan-

tig si Jose sa ipinakitang pagpapahalaga at pagma-mahal ng kaniyang ama. Subalit ipapahamak siyang damit na ito. Tandaan na isa siyang pastol. Ma-bigat na trabaho iyan. Isip-isipin ang isang kabata-ang nakamaharlikang kasuutan habang naglalakadsa talahiban, umaakyat sa mga batuhan, o nag-aalisng isang nakasalabid na kordero sa tinikang-palum-pong. Bukod diyan, ano kaya ang epekto sa mgakuya ni Jose ng espesyal na regalo ni Jacob?Ganito ang sabi ng Bibliya: “Nang makita ng ka-

niyang mga kapatid na iniibig siya ng kanilang amanang higit kaysa sa lahat ng kaniyang mga kapatid,sila ay nagsimulang mapoot sa kaniya, at hindi silamakapagsalita sa kaniya nang mapayapa.”� (Gene-sis 37:4)Mauunawaan naman kung bakit sila naiing-git. Pero hindi katalinuhan para sa mga kuya ni Josena magpadala sa gayong nakapipinsalang damda-min. (Kawikaan 14:30; 27:4) Naranasan mo na bangmainggit nang husto sa isa na tumanggap ng atensi-

� Ayon sa ilang mananaliksik, para sa mga kuya ni Jose ang rega-lo ng tatay nila kay Jose ay patunay na balak nitong ibigay rito angkarapatan sa pagkapanganay. Alam nilang si Jose ang panganay niJacob sa paborito nitong asawa—ang isa na una niyang gustong pa-kasalan. Isa pa, ang panganay ni Jacob na si Ruben ay sumiping sababae ng kaniyang ama, anupat ipinahiya ang kaniyang ama sa ga-yo’y naiwala ang kaniyang karapatan sa pagkapanganay.—Genesis35:22; 49:3, 4.

yon o karangalan na gusto mo? Alalahanin ang mgakuya ni Jose. Ang kanilang inggit ay humantong sapaggawa ng mga bagay na labis nilang pagsisisihan.Ang kanilang halimbawa ay nagpapaalaala sa mgaKristiyano na mas mabuting “makipagsaya sa mgataong nagsasaya.”—Roma 12:15.Tiyak na naramdaman ni Jose ang matinding galit

ng kaniyang mga kuya. Itinatago kaya niya ang ka-niyang magandang damit kapag nariyan sila? Bakanaisip niyang gawin iyon. Pero tandaan na gus-to ni Jacob na ang damit ay maging tanda ng kani-yang pabor at pagmamahal kay Jose. Gusto namanni Jose na maingatan ang tiwala ng kaniyang ama,kaya lagi niya itong suot. Matututo tayo sa halimba-wa niya. Hindi nagtatangi ang ating Ama sa langit,pero kung minsan, binibigyan niya ng espesyal naatensiyon ang kaniyang tapat na mga lingkod at pi-nagpapala sila. Bukod diyan, hinihiling niya na ma-ging iba sila samasama at imoral na sanlibutang ito.

Minahal ni Jacob si Jose dahil ito ay tapat at matuwid

12 � ANG BANTAYAN

Page 13: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

AGOSTO 1, 2014 � 13

Gaya ng espesyal na damit ni Jose, ang paggawi ngmga tunay na Kristiyano ay naiiba sa mga nasa pali-bot nila. Kung minsan, dahil sa gayong paggawi, silaay kinaiinggitan at kinapopootan. (1 Pedro 4:4) Da-pat bang itago ng isang Kristiyano ang kaniyang tu-nay na pagkakakilanlan bilang lingkod ng Diyos?Hindi—kung paanong hindi rin itinago ni Jose angkaniyang damit.—Lucas 11:33.

MGA PANAGINIP NI JOSEHindi pa natatagalan, nagkaroon si Jose ng dala-

wang pambihirang panaginip. Una, nakita ni Josena siya at ang kaniyang mga kuya ay nagtatali ngkani-kaniyang tungkos ng mga butil. Pumalibot atyumukod ang mga ito sa kaniyang tungkos. Ikala-wa, ang araw, buwan, at 11 bituin ay yumuyukodkay Jose. (Genesis 37:6, 7, 9) Ano ang dapat gawinni Jose sa kakaiba at napakalinaw namga panaginipna iyon?Galing sa Diyos na Jehova ang mga panaginip, at

gusto niyang ipahayag ni Jose angmakahulangmen-saheng ito sa iba. Dapat gawin ni Jose ang gaya ngginawa ngmga propeta nangmaglaon. Inihayag nilaang mga mensahe at kahatulan ng Diyos sa Kani-yang suwail na bayan.Mataktikang sinabi ni Jose sa kaniyangmga kuya:

“Pakisuyo, pakinggan ninyo ang panaginip na ito naaking napanaginipan.” Naintindihan nila ang pana-ginip, pero hindi nila ito nagustuhan. Sinabi nila:“Ikaw ba ay talagang maghahari sa amin? o, Ikaw baay talagangmagpupuno sa amin?” Sinabi pa ng ulat:“Nagkaroon sila ng bagong dahilan upang kapoo-tan siya dahil sa kaniyang mga panaginip at dahil sakaniyang mga salita.” Nang ikuwento ni Jose angikalawang panaginip sa kaniyang ama at mga kuya,ganoon din ang reaksiyon nila. Ayon sa ulat: “Pina-simulan siyang sawayin ng kaniyang ama at sinabisa kaniya: ‘Ano ang kahulugan ng panaginip na itona iyong napanaginipan? Ako ba at gayundin angiyong ina at ang iyong mga kapatid ay talagang ya-yaon at yuyukod sa lupa sa harapmo?’ ” Gayunman,naging palaisipan ito kay Jacob. Maaari kayang na-kikipag-usap si Jehova kay Jose?—Genesis 37:6, 8,10, 11.Hindi si Jose ang una ni ang huling lingkod ni Je-

hova na pinag-usig dahil sa paghahatid ng makahu-

lang mensahe na hindi nagustuhan ng mga tao. SiJesus ang pangunahin sa kanila, at sinabi niya sa ka-niyang mga tagasunod: “Kung pinag-usig nila ako,pag-uusigin din nila kayo.” (Juan 15:20) Bata man omatanda, maramingmatututuhan angmga Kristiya-no sa pananampalataya at lakas ng loob ng kabata-ang si Jose.

UMABOT SA SUKDULAN ANG PAGKAPOOTDi-nagtagal, inutusan ni Jacob si Jose na punta-

han ang kaniyang mga kapatid. Nagpapastol silasa gawing hilaga malapit sa Sikem, kung saan nag-karoon sila kamakailan ng mahihigpit na kaaway.Natural lang na mag-alala si Jacob sa mga anak niyakaya pinapunta niya si Jose para tingnan sila. Anokaya ang naramdaman ni Jose? Alam niyang galıt nagalıt sila sa kaniya! Ano kaya ang magiging reaksi-yon nila kapag dumating siya bilang tagapagsalitang ama nila? Pero sumunod pa rin si Jose.—Genesis34:25-30; 37:12-14.Malayong paglalakbay iyon—marahil mga apat o

limang araw na lakarin. Ang Sikem ay mga 80 kilo-metro sa hilaga ng Hebron. Subalit pagdating sa Si-kem, nalaman ni Jose na ang kaniyang mga kuyaay lumipat na sa Dotan, mga 22 kilometro pahilaga.Nang malapit na si Jose sa Dotan, natanaw siya ngmga kapatid niya. Nagpuyos sila sa galit. Ayon saulat: “Sinabi nila sa isa’t isa: ‘Narito! Dumaratingang mapanaginiping iyan. At ngayon ay halikayo atpatayin natin siya at ihagis sa isa sa mga balon; atsabihin natin na isangmabalasik atmabangis na ha-yop ang lumamon sa kaniya. Pagkatapos ay tingnannatin kung ano ang mangyayari sa kaniyang mgapanaginip.’ ” Pero hinikayat sila ni Ruben na ihagisna lang si Jose nang buhay sa balon, sa pag-aakalangmaiaahon niya ito pagkaraan.—Genesis 37:19-22.Nilapitan sila ni Jose nawalang kamalay-malay sa

kanilang maitim na balak. Umaasa siyang hindi nilasiya aawayin. Pero sinunggaban nila siya! Hinubadnila ang kaniyang espesyal na damit, kinaladkad, atinihagis sa tuyong balon. Kawawang Jose! Sinubu-kan niyang tumayo, pero hindi siya makaahon mulasa balon. Ang nakikita lang niya mula sa butas ngbalon ay ang langit. Habang humihina ang tinig ngpapalayo niyang mga kuya, sumigaw siya at nagma-kaawa. Ngunit hindi nila siya pinansin. Wala silang

Page 14: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

awa, nakuha pa nilang kumain malapit doon. Ha-bang wala si Ruben, binalak na naman nilang pata-yin si Jose, pero kinumbinsi sila ni Juda na ipagbilina lang ito sa mga mangangalakal. Ang Dotan aymalapit sa ruta ng kalakalan patungo sa Ehipto. Di-nagtagal, dumaan ang caravan ng mga Ismaelita atMidianita. Bago pa makabalik si Ruben, naipagbilina nila si Jose bilang alipin sa halagang 20 siklo.�—Genesis 37:23-28; 42:21.Diyan nagsimula ang ating kuwento. Habang di-

nadala si Jose patungo sa Ehipto, waring kinuha nasa kaniya ang lahat. Sapilitan siyang inihiwalay sapamilya! Sa loob ng maraming taon, wala na siyangmababalitaan tungkol sa kanila. Hindi na niyamala-laman ang pagdadalamhati ni Ruben nang pagbaliknito ay wala na siya; ang pamimighati ni Jacob nangpapaniwalain siyang patay na ang minamahal ni-yang si Jose; ang mangyayari sa kaniyang may-edad

� Tumpak ang ulat ng Bibliya kahit na sa maliit na detalyeng ito.Ipinakikita ng mga dokumento noong panahong iyon na 20 siklonga ang karaniwang presyo ng mga alipin sa Ehipto.

nang lolo na si Isaac; at ang tungkol sa kaniyangkapatid na si Benjamin, na hahanap-hanapin niya.Pero wala na nga bang natira kay Jose?—Genesis 37:29-35.Mayroon. May isang bagay na hindi maaaring ku-

nin ng mga kapatid niya: ang kaniyang pananampa-lataya. Malapıt na malapıt siya sa kaniyang Diyosna si Jehova, at walang anuman ang makapaglalayokay Jose sa kaniyang Diyos—hindi ang pagkawalaysa pamilya, ni ang hirap ng malayong paglalakbaypatungong Ehipto, ni ang kahihiyan na maipagbilibilang alipin sa mayamang Ehipsiyo na si Potipar.(Genesis 37:36) Lalo pang tumibay ang pananam-palataya at determinasyon ni Jose na manatilingmalapıt sa Diyos dahil sa mga pagdurusang iyon.Sa susunod na mga artikulo, makikita natin kungpaanong ang kaniyang pananampalataya ay nagingdahilan upang higit pa siyang magamit ng Diyos naJehova at makatulong din sa kaniyang pamilya. Na-pakaganda ngang tularan ang pananampalataya niJose! ˇ

Nanindigan si Jose sa kung ano ang tama, pero kinapootan siya ng mga kuya niya

Page 15: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

AGOSTO 1, 2014 � 15

Isipin ang isang ama na nakikipag-usap sa kaniyangpitong-taong-gulang na anak. Sinabi niya, “Noongunang panahon, ginawa ng Diyos ang lupa at ang la-hat ng nandito pati na ang araw, buwan, at mga bi-tuin.” Nag-isip sandali ang bata at saka nagtanong,“’Tay, sino po ang gumawa sa Diyos?”

“Walang gumawa sa Diyos,” sagot ng ama. “Umiiralna talaga siya.” Sapat na para sa bata ang sagot naiyon. Pero habang lumalaki siya, palaisipan pa rin itosa kaniya. Hindi niya maunawaan kung paanong angsinuman ay walang pasimula. Kahit nga ang unibersoay may pasimula. ‘Saan nagmula ang Diyos?’ naisipniya.

Ano ang sagot ng Bibliya? Halos parehong-parehorin ng sagot ng ama na binanggit kanina. Isinulat niMoises: “O Jehova, . . . bago naipanganak ang mgabundok, o bago mo iniluwal na waring may mga kirotng pagdaramdam ang lupa at ang mabungang lupa-in, mula pa sa panahong walang takda hanggang sapanahong walang takda ay ikaw ang Diyos.” (Awit 90:1, 2) Nasabi rin ni propeta Isaias: “Hindi mo ba nala-man o hindi mo ba narinig? Si Jehova, ang Maylalangngmga dulo ng lupa, ay Diyos hanggang sa panahongwalang takda”! (Isaias 40:28) Gayundin, binanggit saliham ni Judas na ang Diyos ay umiiral “sa buong wa-lang-hanggang nagdaan.”—Judas 25.

Ipinakikita ngmga tekstong ito na ang Diyos ay “Ha-ring walang hanggan,” gaya ng paglalarawan sa ka-niya ni apostol Pablo. (1 Timoteo 1:17) Ibig sabihin,umiiral na talaga ang Diyos, gaano man natin kalayobalikan ang nakaraan. At patuloy siyang iiral sa hina-harap. (Apocalipsis 1:8) Kaya ang kaniyang walang-hanggang pag-iral ay isang mahalagang katangian ngMakapangyarihan-sa-lahat.

Bakit mahirap maunawaan ang ideyang ito? Limita-do kasi ang haba ng buhay natin, kaya ang ating pang-malas sa panahon ay ibang-iba sa pangmalas ni Jeho-va. Dahil walang-hanggan ang Diyos, ang isang libongtaon ay gaya ng isang araw para sa kaniya. (2 Ped-ro 3:8) Para ilarawan: Mauunawaan kaya ng isang ti-paklong, na ang buhay ay hanggang 50 araw lang,ang haba ng buhay natin na 70 o 80 taon? Hinding-

hindi! Pero ipinaliliwanag ng Bibliya na tayo ay parangmga tipaklong lang kung ihahambing sa ating Daki-lang Maylalang. Maging ang ating kakayahang mag-isip ay walang-wala kung ikukumpara sa kaniya. (Isa-ias 40:22; 55:8, 9) Kaya hindi kataka-taka na maymga aspekto ng katangian si Jehova na hindi maaa-bot ng isip ng tao.

Bagaman hindi natin lubusang maintindihan angideya ng pagiging walang hanggan ng Diyos, makiki-ta natin na makatuwiran naman ito. Kung may luma-lang sa Diyos, ang isang iyon angmagiging Maylalang.Pero gaya ng paliwanag ng Bibliya, si Jehova ang ‘lu-malang ng lahat ng bagay.’ (Apocalipsis 4:11) Alamdin natin na may panahong hindi umiiral ang uniber-so. (Genesis 1:1, 2) Saan ito nanggaling? Kailangangumiral muna ang Maylalang nito. Umiral din Siya bagopa man nagkaroon ng matatalinong nilalang, gaya ngkaniyang bugtong na Anak at ng mga anghel. (Job 38:4, 7; Colosas 1:15) Maliwanag namay panahong nag-iisa lang siya. Hindi siya nilalang; walang umiiral napuwedeng lumalang sa kaniya.

Ang pag-iral natin at ng buong uniberso ay ebiden-siya na may walang-hanggang Diyos. Talagang lagingumiiral ang Isa na nagpapagalaw sa ating napakala-wak na uniberso, ang Isa na nagtatag ng mga bataspara makontrol ito. Siya lamang ang makapagbibigayng buhay sa lahat ng iba pa.—Job 33:4. ˇ

TANONG NG MGA MAMBABASA . . .

Sino ang gumawa sa Diyos?

Page 16: MAHALAGA KA BA SA DIYOS? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1d/wp_TG_20140801.pdf · paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo,

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

wp

14

08

/01

-TG

14

04

29

Lahat ba ng relihiyon aymula sa tunay na Diyos?Kapag nakikinig ka ng balita sa buong daigdig, mala-mang na mapansin mong ginagamit kung minsan angrelihiyon sa paggawa ng masama. Hindi lahat ng relihi-yon ay mula sa tunay na Diyos. (Mateo 7:15) Oo, kara-mihan sa mga tao ay nailigaw ng relihiyon.—Basahinang 1 Juan 5:19.Gayunman, nakikita ng Diyos ang taimtim na mga

tao na gustong gawin kung ano ang mabuti at tama.(Juan 4:23) Inaanyayahan sila ng Diyos na alamin angkatotohananmula sa kaniyang Salita, ang Bibliya.—Ba-sahin ang 1 Timoteo 2:3-5.

Paano mo makikilalaang tunay na relihiyon?Pinagkakaisa ng Diyos na Jehova ang mga taomula saiba’t ibang relihiyon sa pamamagitan ng pagtuturo sakanila ng katotohanan. Tinuturuan din niya sila na ibi-gin ang isa’t isa. (Mikas 4:2, 3) Kayamakikilalamo angnagsasagawa ng tunay na relihiyon sa pagmamalasa-kit nila sa isa’t isa.—Basahin ang Juan 13:35.Nakasalig sa Bibliya ang pananampalataya at pamu-

muhay ng tunay namgamananamba. (2 Timoteo 3:16)Pinararangalan din nila ang pangalan ng Diyos. (Awit83:18) Sinusuportahan nila ang Kaharian ng Diyos bi-lang ang tanging pag-asa ng mga tao. (Daniel 2:44) Ti-nutularan nila si Jesus at ‘pinasisikat ang kanilang li-wanag’ sa paggawa ng mabuti sa kanilang kapuwa.(Mateo 5:16) Kaya makikilala mo rin ang mga tunayna Kristiyano sa pamamagitan ng kanilang pagbaba-hay-bahay para ibahagi ang mabuting balita tungkol saKaharian ng Diyos.—Basahin ang Mateo 24:14; Gawa5:42; 20:20.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SA IBAPANG MGA TANONG SA BIBLIYA

Pinagkakaisa ng Diyos na Jehovaangmga tao sa tunay na pagsamba.—Awit 133:1

Para sa higit pangimpormasyon, tingnanang kabanata 15 ng aklatna ito na inilalathala ngmga Saksi ni JehovaAvailable din sawww.jw.org/tl

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samahigit 100 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

n

o

p