22
ANG ANIM (6) NA MGA SALIGAN O BATAYAN NG PANINIWALA SA PANANAMPALATAYANG ISLAM (Arkan ul Iman) Dalil: (Qur’an, Surah Al-Baqara(2):177) Level 1-Lesson 5 Inihanda ni: Bro. Abdul Khabir " عبد الخبيرBenilan

Level 1-Lesson 5 1-Lesson 9_ Ang ANI… · Sa Kanyang Pagka-Panginoon o Pagka-Diyos ... Anghel Israfel –Taga-ihip ng tambuli o trumpita kapag nagpasya na ang Allah (swt) na hatulan

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • ANG ANIM (6) NA MGA SALIGAN O BATAYAN

    NG PANINIWALA SA PANANAMPALATAYANG

    ISLAM

    (Arkan ul Iman)Dalil: (Qur’an, Surah Al-Baqara(2):177)

    Level 1-Lesson 5

    Inihanda ni:

    Bro. Abdul Khabir “عبد الخبير" Benilan

  • 1. ANG PANINIWALA SA KAISAHAN NG ALLAH o NAG-IISANG

    DIYOS (Iman billahi)

    Sa Kanyang Pagka-Panginoon o Pagka-Diyos

    Siya lamang ang karapat-dapat sambahin.

    Paniniwala sa kanyang mga pangalan at katangian.

    Sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an:

    “Ipahayag! Siya ang Allah-Ang Nag-iisa, Ang walang hanggan, Angganap, at sandigan ng lahat. Hindi Siya nagka-anak at hindi Siyaipinanganak at sa Kanya ay walang makakatulad.

    (Surah Ikhlas (112:1-4)

  • 2. ANG PANINIWALA SA MGA ANGHEL

    (Iman bi al-Malaikah)

    Ang Anghel ay isa sa mga nilikha ng Allah mula sa liwanag,

    marami ang kanilang bilang subalit tanging ang Allah lamang ang

    nakakaalam sa dami ng kanilang bilang.

    Dapat maniwala tayo sa kanilang pangalan at tungkulin, ilan sa

    kanila ay nakasaad sa Banal na Qur’an.

    Isinalaysay ni Malik bin Sa’sa’a (RA) na sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS):

    ...... Pagkatapos ay ipinakita sa akin ang “Al-Bait-ul-Ma 'mür” (ie, bahay ng Allah). Tinanong

    ko si Jibril tungkol dito at sinabi niya, Ito ay “Al-Bait-ul-Ma'mur” na kung saan ang

    pitumpung libong mga anghel (70,000) ay nagsasagawa ng Salah (pagdarasal) dito araw-

    araw, at kapag sila ay umalis kailanman ay hindi na sila makakabalik dito (ngunit palaging

    isang bagong batch ang dumating dito Araw-araw). [Sahih Bukhair Vol. 4: 320]7

  • “Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay

    kay Allah, ang (tanging) Nagpasimula ng Paglikha

    sa kalangitan at kalupaan, na lumikha sa mga

    anghel na tagapagbalita na may pakpak,

    dalawa o tatlo o apat…”[Qur’an 35:1]

  • Anghel Gabriel (Jibreel) - siya ang minsahiro ng Allah ta’aala sa

    mga Propeta upang ipahayag ang Kanyang ribilasyon. [at ganun

    narin kay birhing Maria] (Q 2:97-98) [pinakamalaki sa lahat ng

    Anghel na may 600 na pakpak na jewels, ang kanyang laki singlaki

    ng langit at lupa. {Sahih Muslim}]

    Malakal Mawt - Anghel ng kamatayan (Qur’an 6:61)

    Anghel Israfel – Taga-ihip ng tambuli o trumpita kapag nagpasya na

    ang Allah (swt) na hatulan ng kamatayan ang mga nilikha at

    wakasan ang daigdig. Mamamatay ang lahat ng may buhay kapag

    narinig niya ito (Sahih Muslim)

    Anghel Mikael – nakatalaga sa gawain upang magbigay o

    magpamalisbis ng Ulan (2:97-98)

  • Anghel Nakir at Munkar – Dalawang Anghel na nakatalaga sa libingan,na kung saan sila magtanong ng tatlong bagay

    ➢Sino ang iyong Rabb (Diyos) [Man Rabbuka]

    ➢Ano ang iyong Deen o Relihiyon [Ma Deenuka]

    ➢Sino ang iyong Propeta [Man nabiyyuka]

    (Tirmidhi vol. 2:1071 , Bukhari vol. 2:1338:)

    Anghel Haroot at Maroot – Dalawang Anghel na nagtuturo ngsalamangka/mahika bilang pagsubok sa tao o para sa di-naniniwala.(Qur’an 2:102 / & 74:31)

    Anghel Kiraman Katibin – nakatalaga sa mga tao (Kanan at kaliwangbalikat) bilang tagasulat ng kaniyang gawa mabuti man o masama(Qur’an 82:10-12)

    Anghel Malik –Anghel an nakatalaga sa Impyirno (Qur’an 43:77)

    Anghel Ridwan –Anghel na nakatalaga sa Paraiso.

  • Hafadha (Guardian Angel) -nag protekta sa mga tao.

    Qur’an 13:10-11

    “ Ang Allâh ay mayroong mga anghel na nagsasalit-salitan sapagmamatyag sa sinumang tao, na mayroon sa mga ito ang nasakanyang harapan at nasa kanyang likuran, at pinangangalagaansiya sa anumang pangyayari sa pamamagitan ng pag-aatas ng Allâh atitinatala nito ang anumang nagmumula sa kanya, mabuti man omasama.”

    Qur’an 6:61

    “Siya ang Tagapagsupil ng Kanyang mga alipin at Siya ay nagpapadalang mga tagapagbantay [na anghel] sa inyo, hanggang kapag angkamatayan ay dumating sa isa sa inyo, siya ay kukunin ng Aming mgasugong [Anghel]. At kailanman sila ay hindi nagpapabaya sa kanilangmga tungkulin.

  • Angel TASK

    Angel Jibril The angel who is assigned to inform the Messengers about the Revelations of Allah

    Angel Mikael The angel who carries out the heavenly commands related with Nature

    Angel Israfeel The angel responsible for the task ofgiving life again.The angel who holds the trumpet

    Angel Malakal Mawt The angel responsible for the task of taking life.The “Angel of Death”

    Angel Ridhwan The Angel who is in charge of Maintaining the Paradise

    Angel Malik The Angel in charge of Hellfire

  • Angels TASK

    Khadamul Jannah Angels who are serving in the Paradise

    Zabaniyyah Angels who punishes in hell

    Hamalatul ‘Arsh Angels who are carrying the Throne

    Hafadha Angels who are protecting the people

    Kiraman Katibin Angels who are in charge of listing everything people’s do.

  • Hadeeth:

    “Sinuman ang maglayong gumawa ng mabuti o masama. Isinalaysay ni

    Abdullah Ibn Abbas (RA): Ang sugo ng Allah ay nagsalaysay tungkol sa

    kanyang Panginoon [Rabb] at nagsabi: “Ang Allah ay nag-utos sa itinalagang

    Anghel sa inyo na ang mga mabubuti at masasamang gawa ay kanilang itala, at

    pagkaraan ay Kanyang ipinakita [ang paraan] kung paano [itala ito]. Sinuman

    ang maglayong gumawa ng mabuti at ito ay hindi ginawa, magkagayon man,

    ito ay itatala ng Allah bilang ganap ng kabutihan [sa talaan nito na nasa

    Kanya]; at sinumang ang maglayong gumawa ng mabuti at ito ay kanyang

    isinakatuparan, magkagayon, itatala ng Allah para sa kanya na ang gantimpala

    ay mula sa sampu hanggang pitong daang ulit o higit pa at sinuman ang

    maglayong gumawa ng isang kasamaan at ito ay hindi niya ginawa,

    magkagayon, itatala ito ng Allah bilang ganap na kabutihan [sa kanyang

    talaan, at kung siya ay maglayon ng gawin ito [ang kasamaan] at ito ay

    kanyang isinagawa, magkagayon, ito ay itatala ng Allah para sa kanyang talaan

    bilang isang masamang gawa lamang (Sahih Bukhari vol.8 hadith bilang 488)

  • 3. PANINIWALA SA MGA (BANAL) KASULATAN

    (Iman bi al-Kutub)

    ➢ Ang kasulatang ipinahayag ng Allah sa Kanyang mga Propetao Sugo bilang gabay at patnubay sa kani-kanilang hinirasyon.Maliban sa Qur’an na ito ay para sa sangkatauhan.

    ➢ Kung baga ito’y nagsisilbing manual sa sangkatauhan.

    Sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an:

    “Kami ay walang pag-alinlangan aming ibinaba ang hulingkapahayagan at tiyak babantayan naming ito mula sa mgakatiwalaan (Al-Nur 15:9)

  • ANG MGA BANAL NA KASULATAN:

    SUHUF (Scroll) – Ang Banal na kasulatan na ibinaba kay PropetaIbrahim o Abraham (AS) [Qur’an 87:19]

    TORAH (mga batas) - Ibinaba kay Propeta Moises o Musa (AS) [Qur’an5:44]

    ZABOOR (Psalmo ni David o mga awit) – Ibinaba kay Propeta David oDawud (AS) [Al-Isra (17):55]

    INJEEL (Ibanghilyo o Gospel ni Hesucristo) – Ang banal na kasulatanna ibinaba kay Propeta Hesus o ‘Eesa (AS) [Al Maida (5):46]

    Qur’an - ay ang kahuli-hulihang Kasulatan o Ribilasyon na ipinadalang Allah (swt) sa sangkatauhan at ipinagkaloob kay Propeta Muhammad (SAWS) [Qur’an 96:1-4]

  • 4. PANINIWALA SA MGA PROPETA O SUGO NG ALLAH

    (Iman bi Ar-Rusul)

    Sila ang mga taong ipinadala at pinagkakatiwalaan

    ng Allah upang iparating ang minsahi sa

    sangkatauhan na ang Allah lamang ang karapat-

    dapat sambahin. (Surah Al-Nahl 16:36, Mu,minun 23:52, Al-Imran 3:161, 3:184,3:183, An-Nisa(4):152)

  • Ang mga Propeta (Qur’an):

    1. Adan (Adam)

    2. Enoch (Enoch)

    3. Noe (Nooh)

    4. Hud (Hud)

    5. Saleh (Saleh)

    6. Abraham (Ibraheem)

    7. Lot (Lut)

    8. Ismael (Isma’el)

    9. Isaac (Ishaq)

    10.Jacob (Ya’qoob

    11. Joseph (Yusuf)

    12. Shuaib (Shuaib)

    13. Job (Ayyub)

    14. Ezekiel (Dhulkifl)

    15. Moises (Musa)

    16. Aaron (Haron)

    17. David (Daud)

    18. Solomon (Solaiman)

    19. Elias (Ilyas)

    20. Elisha (Alyasa)

    21. Jonah (Yunos)

    22. Zacharias (Zakariyya)

    23. John the Baptist

    (Yahya)

    24. Jesus (Iesa)

    25. Muhammad

  • 5. ANG PANINIWALA SA PINAKAHULING ARAW AT ARAW NA

    PAGHUHUKOM (Iman bi al-Yawmal akhir)

    Tayong lahat ay bubuhaying muli ng Allah (swt) mula sa ating libinganupang harapin ang araw ng paghuhukom.

    Sinabi ng Allah :

    “Ang bawat isa sa kanila ay haharap sa Kanya sa araw ng paghuhukom naNag-iisa.” (Surah Maryam 19:95)

    Sinabi pa ng Allah :

    “At pagkatapos, hindi magtatagal kayo ay mamatay narin at sa araw ngpaghuhukom kayo ay bubuhaying muli (Al-Mu’minun 23:15-16).

    Sinabi pa ng Allah (swt):

    “Ang paglikha sa inyong lahat at ang pagbubuhay sa inyong muli aykasintulad sa pagkalikha sa iisang tao.” (Lucman 31:28)

  • 6. PANINIWALA SA QADAR (Kahihinatnan o Tadhana)[Iman bi al-Qadar)

    Ang lahat ng mga pangyayari na nakatakdang mangyari sa buhay ngtao o ng mga nilikha ng Allah (swt) ay nakasulat na sa Talaan ngTadhana.

    Ang paniniwala sa naitakdang kapalaran ay ang wagas napaniniwala na ang Allah ang lumikha ng lahat ng bagay, angnamamahala at ang nagmamay-ari nito at siya ang nagtakdang mga naitakdang kapalaran ang mabuti at masama nito,ang matamis at mapait nito at siya rin ang lumikha sa ligaw nalandas at tamang landas ang kasamaan at ang kabutihan . Angnagtatakda ng buhay at ang taga-panustus ay nakasalalay sakanyang kamay maluwalhati siya at kataas-taasan.

  • Sinabi pa ng Allah :“At hindi ninyo alam na batid sa kaalaman ng Allah ang nilalaman ng langit at lupa?Katotohanan, ito ay lahat nakatala sa “Lauhal-mahfuz) talaan ng tadhana (bago naminlikhain). Katotohanan ito ay magaan para sa Allah (Al-Hajj 22:70)Sinabi ng Allah (swt):“Katotohanan, aming nilikha ang lahat sa tamang panukala, sukat at timbang (AlQamar 54:49)Sinabi ng Allah (swt):“Katotohanan, Aming nilikha ang lahat ng bagay batay sa Qadar (naitakdangkapasiyahan), At wala ang Aming Kautusan kundi isang beses lang, nang parang kisapmata” [Al qamar:49-50]At Sinabi ng Propeta (saws):“Itinala ng Allah ang mga tadhana ng Kanyang mga nilalang bago pa Niya nilikha angmga kalangitan at kalupaan ng Limampung Libong (50,000) taon” (Sahih Muslim:2653)Pinarating sa atin ni Propeta Muhammad , na noong likhain ng Allah angPANULAT, Kanyang sinabi sa panulat: “isulat mo, sinabi ng panulat; “ano ang isusulatko?‟, sinabi ng Allah; “isulat mo ang anumang kaganapan‟, kaya‟t simula noon aysinulat nito ang anumang kaganapan hanggang sa Araw ng Paghuhukom.” [Imamahmad]

  • 2 uri ng QADAR:

    1. QADAR AL-KAWNIYA (Ang pagkatakda sa lahat ng bagay)

    Wala siyang kakayahang pumili at hindi niya kagustuhan ang nangyari sakanya.

    Wala tayong kasalanan sa ating nagawa sapagka’t ito ay kagustuhan ngAllah (swt)

    Halimbawa:

    ▪ Kung sino ang naging magulang mo.

    ▪ Bakit ka naging Filipino.

    ▪ Bakat ganyan ang itsura mo (gwapo, pangit, matangkad, mababa).

    ▪ Bakit ka dyan umupo sa kina-uupuan mo.

    ▪ Bakit ka umakyat sa isang mataas ng bagay at ikaw ay nalaglag.

  • 2. QADAR ASSHAR’IYAH (Ang pagpapasya na batay sa batas ng Allah (swt)

    Kagustuhan ng Allah at kagustuhan ng bawat isa.

    Merong free will at pwiding baguhin ng Allah sa pamamagitan ngDu’a

    Halimbawa:

    ▪ Ang pagiging Muslim mo ay ginusto ng Allah (swt) subalit hindi monaman sinunod ang mga kautusan, na kung ito’y iyong sinunodmeron kang gantimpala ngunit kung hindi ikaw ay pananagutan.

    ▪ Bumili ka ng sasakyan, Cellphone, Laptop at iba pa, ito ay kaloobng Allah (swt) subalit na sa iyo ang pagpapasya kung gamitin moito sa masama o gamitin sa mabuti. Kung sa masama maypananagutan kung sa mabuti may Gantimpala.

  • Sa katunayan, may naligaw pa rin sa Qadar na dalawang

    pangkat:

    UNA: Ang “Jabariyyah”sila ang nagsasabi na ang isang lingkod ay

    napipilitan sa kanyang ginagawa, wala siyang sariling desisyon at

    kalayaang pumili. (labis na paniniwala, ito’y nagtutulak sa tao upang

    gumawa ng masama)

    Halimbawa: Magnanakaw, ang kanyang sinasabi Qadar ito sa kanya ngunit

    kung siya ay putulan ng kamay Qadar din ito sa kanya.

    PANGALAWA: Ang “Qadariyyah” sila ang nagsasabi na ang isang lingkod ay

    may sariling desisyon at kakayahan at walang kunikseyon dito ang

    kapahintulutan ng Allah at ng Kanyang kapangyarihan. (hindi naniniwala,

    kaya pag meron mangyari na masama sa kanyang sarili o pamilya sabihin

    niya malas or hindi niya matanggap sa kanyang sarili)

  • Ang mga tao ay nahahati sa tatlo pagdating sa Qadar:

    Mufarrit (nagmamalabis sa Qadar),

    Mufrit (hindi naniwala sa Qadar),

    Muqtasid (totoong naniwala sa Qadar).

  • JAZAKUMULAHU KHAIRAN