14
LARAWANG PAMPAHAYAGAN (photojournalism) Tagaulat : Russell Jade V. Flores

Larawang pampahayagan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Larawang pampahayagan

Citation preview

Larawang pampahayagan

Larawang pampahayagan(photojournalism)

Tagaulat : Russell Jade V. FloresAng larawang pampahayagan ay isang sining at agham sa pagkuha ng larawan at ang pagsasama g larawan at ng sulatin tungkol dito.

Kahalagahan ng mga larawan sa Pahayagan at Magasin

Nakatutulong sa isang mabisang paglalahad ng balitaNagbibigay buhay sa kaanyuan ng pahina sa pamamagitan ng paghidwa sa abuhing talataan (breaking up gray matter or solid types.Nagbibigay buhay at sigla sa mga lathalainNagiging makatotohanan ang balita sa mga mambabasaPinaiikli ang teksto. Ang isang larawan, ayon sa kasabihang Intsik, ay katimbang ng 10,000 salitaKatangian at panghalina ng larawan(appeal of pictures)Tunggalian (Struggle)Takot o sindak (Fear)Pagdamay o simpatya (Sympathy)Mga bata (children)Mga hayop Kasarian Ganda ( Beauty )Lubos na pagkakilala (Familiarity)Galaw, aksyon (action)Kahalagahan ng Balita (news value)Mga larawang ukit(Types of newspaper art engravings in letter press printing) Half toneLine etchingLinoleum

Pamantaya sa pagpili ng larawanKahalagang pang-etniko ( Technical value ) tumutukoy sa mga larawang ganap, maliwanag, walang dumi o mantsa at madaling kopyahin sa pamamagitan ng kamera.

Kahalagahang pag-editoryal ( Editorial value ) tumutukoy sa mga larawang kawili-wili at nagsasalaysay kahit sa unang sulyap pa lamang; may mga saglit na katotohanan at kabuuan.

Mga panutong dapat tandaan ng potograpoKumuha ng larawang may kilos (action pictures) nang ilang tao lamangTagubilinan ang mga kukunan ng larawan na huwag sa kamera tumingin.ang mga pangunahing tauhan ay kailangang siyang pagsasamahin at ayusin ng naturalMaging maagap sa pagkuha ng larawan ng mga tagpong di pangkaraniwanKunan ng larawan ang mga makatawag-pansin, maka-antig-damdaming mga tagpo.Kunan ng larawan ang tagpong sa iyong pagpasya ay magsasalaysay ng isang pangyayariHigit sa lahat, iwasan ang mga larawang nakikipagkamay , larawang nakaayos ( posed pictures or firing squad pictures) at mga nag-uumpukang larawan (crowded pictures)Tagubilin sa pagpili ng larawan para sa pahayaganIsaisip ang mga sangkap na kailangan ng isang pamahayagang larawanTandaan ang tungkulin ng larawan sa pahayaganLaging gamitin ang larawang may kaugnay sa balitaPag-aralan kung saang bahagi ng larawan ang mahalagaPiliin ang mga larawang may aksyon at buhayIwasan ang mga larawang nakaayos (posed) at at larawang nag-uumpukan (crowded) maliban na lamang kung kailangang ipakita ang dami ng tao.Piliin ang larawang maayos ang komposisyonGamitin ang tamang proporsyon ng larawan

9. Alamin ang kahalagahang pang-editoryal10. Alamin ang kahalagahang pag-teknikal ng bawar larawan11. Lalong mabisa ang malapitan ang kuha (close-up) na larawan12. Sa mga larawang sakuna, iwasan ang magtanghal ng mga tagpong kakila-kilabot.13. Sikaping magkaroon ng mainam na larawan sa bawat pahinaMga paraan sa pagpapabisa ng mga larawanPagtatabas o cropping. Nangangahulugan itosa pagputol ng bahagi ng larawan na hindi kailangan upang maipakita ang pangunaheng mensahe at maragdagan ang dating nito sa pamamagitan ng madraman anggulo

Retouching. Ito ay pag-aalis ng hindi magandang sanligan o background upang mapalutang ang pangunahing mensahe nito

3. Bleeding. Sa layuning mapaganda pa lalo ang kaanyuhan ng pahina ay inilimbag ang larawan na lumalabas sa lugar na dapat kalagyan nito. Ito ay karaniwang ginagamit sa akdang lathalain at isports.Mga bahagi ng kapsyonAng kapsyon ay tekstong kasama sa larawan, gawang sining o guhit. Karaniwang nagtataglay ito ng mga sumusunod:

Catchline nagsisilbing maikling pamagat ng kapsyonat nakalimbag sa maitim na tipo at sa malalaking titik

Katawan nagpapaliwanag sa larawan

Credits ang litratistang kumuha o nagbigay ng larawan.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng kapsyonGawing maikli lamang ngunit hindi gaanong maikli na nabibitin ang mambabasa tungkol sa napapaloob na sitwasyonGumamit ng payak at maikling kapsyon maliban sa palarawang istorya serye nga mga larawan na may minimum na mga salita tulad ng mga akdang may paano.Punan at ipaliwanag ang nasa larawan, ngunit huwag nang sabihin ang anumang kitang-kita naGamitin ang mga pandiwang nasa pangkasalukuyang banghayIpakilala ang mga taong nasa larawan. Kung marami ang taong nasa hanay ay nanggitin sila isa-isa ang buong pangalan mula kaliwa pakanan. Kung may maraming hanay, unahing ipakilala ang nasa harapan. Kung ang tao ay nasa pabilog na posisyon, unahin ang sa gawing kaliwa. Tiyaking wasto ang pangalan ng taong sangkotTiyaking tama ang bilang ng nasa kapsyon at ang nasa larawanHanggat maaari sabihing kung saan at kailan kinunan ang larawan lalo na ang larawang pambalita.Ang hating-katawang larawan na walang mensahe maliban sa pagkakakilanlan ay kailangang ilagay ang apilyedo nito bilang kapsyon.Ibahin ang tipo ng kapsyon sa ginagamit na istorya para magkaroon ng pagkaibahan. Gumamit ng pahilis o italics , pinaitim at pinalaking tipo kaysa sa tipo ng katawan.Ang mabisang kapsyon ay pumupuno sa bawat linya. Ang kapsyong pumupuno lamang ng sang-katlo sa huling linya ay di-maganda dahil nag-iiwan ito ng puting espasyo.