27
Komunikasyong Interpersonal: Munting Grupo

Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

comm3 fil pulumbarit

Citation preview

Page 1: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Komunikasyong Interpersonal: Munting Grupo

Page 2: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Komunikasyong Munting Grupo• Kumpara sa ibang uri ng komunikasyon ay

maaring mas malakas o kaya’y mas mahinang uri.

Kahinaan• mas matagal ang paghahanap ng solusyon

kung ikukumpara sa isang indibidwal lamang na may sapat na kaalaman ang haharap sa paksa.

• Kinakailangan ng pagtugon ng mga kagrupo at ang kanilang kooperasyon

Page 3: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Komunikasyong Munting Grupo

Kalakasan• bawat aspeto tungkol sa paksa ay maaaring

matalakay at mabigyang halaga. • mas maraming impormasyon at abilidad ayon

sa mga kontribusyon ng mga miyembro.• Demokratiko• Responsibilidad ng miyembro sa kanyang

grupo• Malakas na solusyon sa isang paksa

Page 4: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Komunikasyong Munting Grupo

Ayon kay Joseph Luft“Ang isang lipunan na nagbibigay ng

pinakamataas na pagpapahalaga sa kalayaan ng isang indibidwal ay siya ring naguudyok ng pinakamalakas na malayang kaisipan, malayang gawa, malayang responsibilidad. Ang kaakibat na layunin ng isang magandang grupo sa isang lipunan ay ang pagpapatibay sa tunay na kalayaan habang kinakamit ang pangangailangan ng grupo patungkol sa mga responsibilidad at kagandahang loob.”

Page 5: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Grupo1. Pamilya

- una at pinakamahalagang grupo- dito nabuo ang ating konsepto sa sarili

- dahilan: reaksiyong tinatanggap mula sa pamilya

- nagsisilbing panimulang karanasan na magiging impluwensiyal sa ating paraan ng paglahok sa iba pang mga grupo- dahilan: pakikitungo sa mga kamag-anak sa loob

ng bahay

Page 6: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Grupo

2. Grupong Panlipunan- nilalahukan upang may makasama at

makapalitan ng mga opinyon at damdamin- maaaring impormal o pormal na grupo- may layunin ang mga miyembro sa

paglahok dito- Hal.: madebelop ang kakayahan, magkaroon ng

dagdag-kaalaman

Page 7: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Grupo

3. Pansamantala o Temporaryong Grupo- ang pagkakaroon ng isang layunin ang

nagbubuklod sa mga miyembro ng grupo- Hal.: mga estudyante na nagtatalakayan bago

kumuha ng pagsusulit upang higit na maunawaan ang mga paksang tinalakay sa klase

Page 8: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Kalikasan ng Komunikasyon sa Isang Munting Grupo

• Ayon Kay Horace Rashkopf:“ Ang komunikasyong namamagitan sa isang munting grupo ay isang maayos na proseso ng seryoso at kritikal na pagpapalitan ng mga opinyon na naglalayong lumikom ng karagdagang impormasyon at magbigay-halaga sa mga nasabing kaisipan ukol sa isang paksa o kaya’s humanap ng lunas sa isang suliranin.”

Page 9: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Modelo Nina Monroe at Ehninger ng Komunikasyon sa Isang Munting Grupo

Page 10: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mahalagang Katangian ng Talakayan

1. May tiyak na layunin ang isang talakayan at ang mga kalahok ay nagtutulungan upang matamo ang nasabing layunin.

2. Ang kahusayan ng isang talakayan ay nasusukat sa pamamagitan ng matino at makabuluhang pagpapasya sa lahat ng miyembro ng grupo.

3. Kailangan maglaan ng seryosong pag-uukol ng isip ang mga kalahok sa talakayan.

Page 11: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

• Mas higit kaysa pasiya ng isang tao ang pasiyang inaabot sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ilang taong may kanya-kanyang kaalaman at karanasan ukol sa paksa.

Page 12: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

• Ayon sa obserbasyon ni Jaime Bulatao, S.J. ng mga talakayang nilalahukan ng mga Pilipino:– nararapat na bilang ng mga kalahok ay anim

hanggang walo– pag higit sa walo, nagkakaroon ng impormal na

paghahati sa dalawang maliliit na grupo o kaya’y nababawasan ang paglahok ng ilang miyembro

– pag kulang sa anim, kadalasa’y may isa o dalawang namamayani sa talakayan

Page 13: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Talakayan Na Walang Pormal na mga Tagapakinig

1. Talakayang Round Table (Round Table Discussion)

- may lima hanggang sampung tao- impormal ang pagpapalitan ng opinyon- may pinuno ngunit hindi niya kailangan gampanan

ang mga pormal niyang katungkulan- alam ng mga kalahok ang mga paraan ng talakayan

at layunin nila sa paglahok dito

Page 14: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Talakayan Na Walang Pormal na mga Tagapakinig

2. Talakayan ng Komite (Committee Discussion)- layunin nito ay gumawa ng planong tungo sa

pagpapatupad ng proyektong iniatas ng pamunuan ng organisasyong kinabibilangan

- pamamaraan ng talakayan ay tulad sa talakayang round table

- Higit na kontrol muna sa pinuno ang kailangan upang matamo ang layunin ng talakayan

Page 15: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Talakayan Na May Pormal na mga Tagapakinig

1. Talakayan ng Isang Lupon (Panel Discussion)- binubuo ng pinuno at ilang kalahok na nagpapalitan

ng opinyon ukol sa isang paksa o suliranin- isinasagawa ang talakayan sa harap ng isang

promal na tagapakinig na maaaring magtanong o magbigay ng sariling opinyon matapos ang talakayan ng lupon

2. Colloquy- dalawa ang kalahok sa talakayan na kung saan

nagpapalitan sila ng kaalaman sa isang impormal ngunit maayos at kritikal na paraan

- maaaring lahukan ng isang dalubhasa sa paksa

Page 16: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Talakayan Na May Pormal na mga Tagapakinig

3. Sampaksaan (Symposium)- nilalahukan ng tatlo o apat na mananalita- bawat isa’y nagbibigay ng iba’t ibang aspeto ng

isang masaklaw na paksa- dapat maiwasan ang pagtalakay na muli sa mga

naibigau nang impormasyon ng mga naunang nagsalita

4. Lecture-Forum- may isang mananalitang tumatalakay sa mga

isyung may kinalaman sa paksa o suliranin- mas higit na marami ang bilang ng mga pormal na

tagapakining kung ikukumpara sa sampaksaan

Page 17: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Katangian ng Isang Makabuluhang Talakayan

1. nauukol sa isang makabuluhang paksa

2. maayos

3. gumagamit ng seryosong pag-iisip

4. nababatay sa mabisang paggamit ng mga kalahok ng mga sagisag at senyas tulad ng wika, tinig at kilos ng katawan

5. nagbubuhay sa masiglang paglahok at interaksiyon ng mga kalahok

Page 18: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Interaksiyong Nagaganap sa Talakayan

Sentralisado: Gulong- Isang tao lamang,

kadalasan ang pinuno, ang sentral na kalahok

- Malaya siyang makipagkomunika sa apat pang kalahok

- Hindi nakikipagkomunika ang mga nasabing kalahok sa isa’t isa

Page 19: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Interaksiyong Nagaganap sa Talakayan

Sentralisado: Tanikala- Ang tatlong kalahok na

magkakalapit sa gitna at malayang makipagkomunika sa bawa’t isa

- Ang dalawang nasa dulo ay maaaring makipagkomunika sa katabi lamang nila

Page 20: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Interaksiyong Nagaganap sa Talakayan

Sentralisado: Y- Ang tatlong kalahok na

magkakalapit sa gitna at malayang makipagkomunika sa bawa’t isa

- Ang dalawang nasa dulo ay maaaring makipagkomunika sa katabi lamang nila

Page 21: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Interaksiyong Nagaganap sa Talakayan

Hindi Sentralisado: Bilog

- Ang bawa’t kalahok ay maaaring makipagkomunika sa dalawang tabi niya

- Higit ang pagkakataon ng bawa’t isa na lumahok sa talakayan

Page 22: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Interaksiyong Nagaganap sa Talakayan

Hindi Sentralisado: Lahatang Daluyan

- Lahat ng linya ng komunikasyon ay bukas

- Ang mga kalahok ay malayang makipagkomunika sa bawa’t isa

Page 23: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Uri ng Interaksiyong Nagaganap sa Talakayan

• Ayon sa eksperimento ni H.J. Leavitt:– Higit na mabilis na matatamo ng grupo ang layunin

kapag ginamit ang interaksiyong gulong– Kumukuha ng higit na oras bago matamo ang layunin

kapag ginamit ang interaksiyong pabilog

• Ayon sa eksperimento ni Marvin Shaw:– Ang mga sentralisadong interaksiyon ay mabisa sa

paglutas ng mga simpleng suliranin– Ang mga hindi sentralisadong interaksiyon ay

mabisa sa paglutas ng mga higit na komplikadong mga suliranin

Page 24: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Katungkulan ng Pinuno

1. Kailangang lubusan ang kaalaman ng pinuno ukol sa paksa upang mabisa niyang mapatnubayan ang takbo ng talakayan.

2. Kailangang ipakita ng pinuno ang magagandang katangiang personal tulad ng pagiging mapagkumbaba, magalang, mapagbigay, masigla, obhetibo at matandain sa mga impormasyong tinatanggap. Ang lahat ng mga katangiang ito ay kailangan upang maing mabisa ang interaksiyon ng grupo.

Page 25: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Katungkulan ng Pinuno

3. Kailangang isagawa ng pinuno ang kanyang mga pormal na katungkulan.

A. Bago magtalakayan:• Makipagkita sa mga miyembro ng grupo upang

pagkasunduan at linawin ang saklaw ng talakayan at ang pamamaraang gagamitin.

• Ihanda ang sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ukol sa paksa/suliraning tatalakayin at sa pamamagitan ng pagkilala sa iba pangkalahok at sa magiging tagapakinig.

• Pamahalaan ang paghahanda ng lugar ng pagdarausan ng talakayan.

B. Habang nagtatalakayan:a. Magbigay ng maikling panimula ukol sa paksa/suliraning

tatalakayin.

Page 26: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Katungkulan ng Pinunob. Enganyuhing sumali ang lahat sa talakayan.c. Maging mapanuri sa mga impormasyon/katwirang

tinatanggap.d. Iwasan ang paligoy-ligoy na talakayan at mga

komentaryong walang kabuluhan sa paksa/suliraning tinatalakay.

e. Pamalagiin ang maganda at masiglang interaksiyon ng grupo.

f. Magbigay ng paminsan-minsang pagbubuod upang madaling masundan ang daloy ng talakayan.

C. Sa Pagtatapos ng Talakayan:a. Magbigay ng masaklaw na buod, o kaya’y tumawag ng isa

sa mga kalahok upang magbigay ng buod.b. Pamunuan ang panayam na lalahukan ng mga

tagapakinig.

Page 27: Komunikasyong Interpersonal Pangmunting Grupo

Mga Katungkulan ng Kalahok

1. Kailangang maunawaan ang layunin ng talakayan, ang kahalagahan nito at ang mga pamamaraan ng mabisang interaksiyon.

2. Kailangang sapat ang kaalaman ng kalahok ukol sa paksa/suliraning tinatalakay.

3. Kailangang maging mapanuri hindi lamang ng opinyon ng ibang kalahok kundi gayon din ng mga impormasyong ibinibigay bilang kalahok.

4. Kailangang maging isang mabisang tagapakinig at mananalita.