Upload
marek
View
96
Download
0
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Kataga ng Buhay. Hulyo 2009. “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tànga.” (Lc 12:33). - PowerPoint PPT Presentation
Citation preview
Kataga Kataga ngng
BuhayBuhay
Hulyo 2009Hulyo 2009
“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo
sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi
naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na
hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na
magnanakaw at walang makapaninirang tànga.” (Lc
12:33)
Kabataan ka ba at nangangarap ng isang buhay na may mataas
na mithiin, ganap na pananagutan at radikal na
pagbabago? Makinig ka kay Jesus, dahil walang sinuman sa
mundo ang hihingi sa iyo ng higit pa. Ito ang pagkakataon na
patunayan ang iyong pananampalataya,
kagandahang-loob at kagitingan.
May sapat ka bang gulang at naghahanap ng maayos na
pamumuhay na may halaga at paninindigan, na hindi ka bibiguin?
O may edad ka na at nais mong ibigay ang mga
huling taon ng buhay mo sa isang hindi manloloko, at
mamumuhay ka na walang inaalala? Ang
mga salitang ito ni Jesus ay para sa iyo.
Ito ang katapusan ng sunod-sunod na mga pangaral kung saan hinihingi ni Jesus na huwag mag-alala tungkol sa kakainin o
susuotin, bagkus ay tingnan ang mga ibon sa langit na hindi naghahasik, at ang bulaklak sa
parang na hindi humahabi.
Alisin sa puso ang lahat ng pagkabalisa sa mga bagay dito sa lupa. Ang Ama mismo ang mag-aalaga sa iyo dahil mahal ka Niya nang
higit pa sa mga ibon at bulaklak. Kaya’t sinasabi sa iyo ni Jesus:
“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo
sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi
naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na
hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na
magnanakaw at walang makapaninirang tànga.”
Hinihingi ng Ebanghelyo, sa
kabuuan nito at sa bawat salitang taglay nito, ang
buo mong sarili at lahat ng iyong ari-
arian.
Hinihingi ng Ebanghelyo, sa
kabuuan nito at sa bawat salitang taglay nito, ang
buo mong sarili at lahat ng iyong ari-
arian.
Bago dumating si Kristo dito sa
mundo, hinding-hindi humingi ng
sukdulan ang Diyos. Sa Lumang Tipan,
ang mga kayamanan sa lupa ay kinikilala bilang
isang mabuting bagay, isang biyaya
mula sa Diyos. Kailangang
magbigay ng limos sa
nangangailangan, isa itong paraan
upang makamit ang pagpapala ng Diyos
na Makapangyarihan.
Paglipas ng panahon, naging
pangkaraniwan para sa mga Judyo ang kaisipan ng isang
gantimpala sa kabilang buhay. May
isang hari, na binigyan ng
matinding babala dahil nilustay niya
ang lahat niyang ari-arian, ang nagsabi,
“Nag-ipon ang aking mga ninuno ng
kayamanan para sa buhay dito sa lupa, ngunit ako ay nag-ipon ng kayamanan para sa susunod na
buhay.”
Kakaiba ang mga salita ni Jesus dahil
humihingi Siya ng ganap na
handog. Hinihingi Niya
sa iyo ang lahat. Ayaw ni
Jesus na pagtuunan
lang natin ng pansin ang
mga bagay dito sa mundo. Nais
Niya na sa Kanya lang
tayo umasa.
Alam Niya na ang mga
kayamanan dito sa lupa ay malaking
hadlang dahil maaaring ito ang sumakop
sa puso natin. Nais ni Jesus na sa
Kanya lamang
mapabilang ang puso
natin. Kaya inuulit Niya
sa atin:
“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo
sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi
naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na
hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na
magnanakaw at walang makapaninirang tànga.”
Kung hindi natin maaalis ang ating mga ari-arian dahil sa ating pamilya o ibang
pananagutan, o kaya’y hinihiling ng ating katungkulan sa lipunan ang isang uri ng
pamumuhay, iminumungkahi dito na kahit sa paraang espiritwal ay kumalas tayo sa mga bagay na ito. Tayo ay mga tagapamahala
lamang ng kayamanang ito.
Sa ganitong paraan, kahit
may kayamanan ay maaari pa rin
tayong magmahal ng
kapwa. Sa pamamahala
nito, magtitipon
tayo ng kayamanan na hindi maaaring sirain ng tànga
o kunin ng magnanakaw.
Paano tayo makatitiyak kung
ano ang ating kikipkipin at ano
ang ating ipapamigay?
Makinig tayo sa tinig ng Diyos sa
ating puso. At kung hindi ka
makapagpasya, humingi ka ng payo sa iba.
Magbigay. Magbigay sa mga wala. Isabuhay mo ang mga salita ni Jesus,
“Ipagbili… at magbigay.” Kung ganito ang gagawin
mo, pupunuin mo ang lukbutan ng mga bagay
na hindi lilipas.
Matutuklasan mo na marami kang sobra sa iyong mga ari-arian. Huwag
mo itong itago.
Ngunit ayaw ng Diyos na mabahala
ka tungkol dito. Isipin mo lamang
kung paano magkakaroon ng sapat na halaga upang mamuhay
ayon sa iyong pangangailangan. At
sa sobra:
Dahil ikaw ay nasa mundo, makatwiran
lang na isipin mo ang pera at
materyal na bagay.
“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo
sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi
naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na
hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na
magnanakaw at walang makapaninirang tànga.”
Tunay na dukha si Papa Pablo VI. Isang patunay ay ng ninais niyang ilibing sa isang simpleng kabaong sa lupa. Bago namatay ay
sinabi niya sa kanyang kapatid, “Matagal nang handa ang aking maleta para sa mahalagang paglalakbay na ito.” Ito rin ang dapat nating
gawin, ihanda natin ang ating maleta.
Noong panahon ni Jesus, tinatawag
itong lukbutan, ibig sabihin ay maliit na bag.. Ihanda mo ito araw-araw. Punuin
mo ito ng mga bagay na mahalaga
para sa kapwa. Tunay na pag-aari mo ang mga bagay na ibinibigay mo.
Isipin mo kung gaano kalaki ang
gutom dito sa mundo, malaking
paghihirap, maraming
pangangailangan
Ilagay mo rin sa iyong maleta ang bawat pag-ibig at kabutihan na ginagawa mo sa kapwa. Gawin mo ang lahat para sa Diyos, at sabihin mo sa iyong puso, “Ito ay para sa Iyo.” Ganap
mong tupdin ang bawat gawain, dahil nakatakda ito sa langit. Mananatili ito sa buhay
na walang hanggan.
“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa
mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi
naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y
walang makalalapit na magnanakaw at walang
makapaninirang tànga.” (Lc 12:33)
Sinulat ni Chiara Lubich