27

Kataga ng Buhay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kataga ng Buhay. sinulat ni Chiara Lubich. Enero 2009. “Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.” ( 1 Cor 12,20). - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: Kataga ng Buhay
Page 2: Kataga ng Buhay

“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.” (1 Cor 12,20)

Page 3: Kataga ng Buhay

Nakakita ka na ba ng isang buhày na sambayanan na binubuo ng mga tunay na

Kristiyano? Nakadalo ka na ba sa ilan nilang pagtitipon? Sinubukan mo bang

unawain ang kanilang buhay?

Page 4: Kataga ng Buhay

Kung gayon, maaaring napansin mo na ang mga taong bumubuo nito ay may iba’t ibang tungkulin: mayroong may kakayahang magsalita kaya’t siya

ang nagpapahayag ng mga katotohanang espiritwal na nakakaantig ng puso.

Page 5: Kataga ng Buhay

Mayroong may kakayahang tumulong, mag-aruga ng maysakit, o magkaloob. Nakakatuwang makita ang kanilang ginagawa para sa mga naghihirap.

Mayroon ding nakakapagturo nang may karunungang nagpapatibay ng pananampalatayang

angkin na natin. May marunong mag-ayos at mamahala. Mayroon ding marunong umunawa at

umalo sa mga nangangailangan.

Page 6: Kataga ng Buhay

Oo, napansin mo ang mga bagay na ito. Ngunit ang higit na nakakaakit sa iyo sa ganitong sambayanan ay ang kanilang iisang diwa.

Nararamdaman mo ito, may isang bagay na nag-uugnay sa sambayanang ito upang maging

iisang katawan.

Page 7: Kataga ng Buhay

“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”

Page 8: Kataga ng Buhay

Gayundin si San Pablo, higit sa lahat, nakatagpo siya ng mga

buhày na sambayanang Kristiyano na sumibol dahil sa kanyang

kakaibang kakayahang magpahayag.

Isa dito ay ang bagong sambayanan ng Corinto na bukas-palad na

biniyayaan ng Banal na Espiritu ng maraming handog, ang tinatawag

na karisma. Bukod dito, noong panahong iyon ay maraming

pambihirang karisma na ipinagkaloob para sa natatanging

bokasyon ng kasisilang na Simbahan.

Page 9: Kataga ng Buhay

Ngunit pagkatapos nitong dakilang karanasan kung sila ay pinunô ng maraming handog ng

Banal na Espiritu, nagsimula ang tunggalian at kaguluhan, lalo’t higit sa kanila na nakatanggap

ng handog na ito.

Page 10: Kataga ng Buhay

Ipinaliwanag niya na bagamat magkakaiba ang karisma at mga tungkulin, tulad ng sa mga

alagad, propeta o guro, iisa lamang ang Panginoon na nagkaloob lahat nito.

Kaya’t humingi sila

ng tulong mula kay

Pablo na nasa Efeso noon. Mabilis ang

naging tugong sulat ni Pablo, ipinaliwanag

niya kung paano gamitin

ang mga natatanging

biyayang ito.

Page 11: Kataga ng Buhay

Sinabi niya na sa sambayanan, may mga gumagawa ng milagro, may nagpapagaling, may

naglilingkod at may namamahala. May nagpapahayag at may nagpapaliwanag nito.

Ngunit iisa lamang ang Diyos na nagkaloob ng mga handog na ito.

Page 12: Kataga ng Buhay

Dahil ang iba’t ibang handog ay pagpapahayag ng iisa at tanging Banal na Espiritu na malayang

nagkaloob sa kanila, lagi silang nagkakasundo at nagtutulungan.

Page 13: Kataga ng Buhay

Hindi sila kumikilos para sa sariling kapakanan o upang magyabang o magpatotoo sa sarili. Sila ay pinagkalooban ng mga handog upang bumuo ng

sambayanan.

Ang mithiin nito ay paglilingkod kaya’t hindi ito dapat maging dahilan ng tunggalian o kaguluhan.

Page 14: Kataga ng Buhay

Bagamat binibigyang halaga ni Pablo ang mga tanging handog na ipinagkaloob sa buong

sambayanan, naniniwala rin siya na lahat ng bahagi nito ay may angking sariling talino at

kakayahan na dapat gamitin para sa kabutihan ng lahat. Dapat matuwa ang lahat sa kung ano

ang kanyang tinanggap.

Page 15: Kataga ng Buhay

Nakikita niya ang sambayanang

Kristiyano bilang isang katawan kaya

nagtanong siya, “Kung ang buong katawan mo ay isa

lang mata, paano ka makakarinig? At kung

ito’y isang tainga lang, paano ka

makakaamoy? Ngunit inilagay ng Diyos

itong magkakahiwalay na bahagi sa isang

katawan. Kung magkakapareho ang

mga bahagi, paano ito magiging isang

katawan? Kaya nga,

Page 16: Kataga ng Buhay

“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”

Page 17: Kataga ng Buhay

Ngunit kung tayo’y magkakaiba, bawat isa sa atin ay maaaring maging handog para sa iba. Kaya’t

maging totoo tayo sa sarili at matutupad natin ang plano sa atin ng Diyos sa ugnayan natin sa kapwa.

Sa sambayanan kung saan ang magkakaibang handog ay tunay na ginagamit sa paglilingkod sa lahat, tinawag ni Pablo ang katotohanang ito ng

magandang pangalan: Kristo.

Page 18: Kataga ng Buhay

Ang katawang ito na binubuo ng mga bahagi ng sambayanan ay ang Katawan ni Kristo. Sa katunayan, si Kristo ay patuloy na namumuhay sa Kanyang Simbahan at ang Simbahan

ang Kanyang katawan.

Page 19: Kataga ng Buhay

Sa pamamagitan ng binyag, pinag-iisa ng Banal ng Espiritu ang sumasampalataya kay Kristo at siya’y nagiging bahagi ng sambayanan. Kaya’t

lahat ng bahagi ay si Kristo, bawat paghihiwalay ay napapawi at nalalampasan ang lahat ng

diskriminasyon.

Page 20: Kataga ng Buhay

“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”

Page 21: Kataga ng Buhay

Dahil iisa ang katawan,

maisasakatuparan ng mga bahagi ng sambayanang

Kristiyano itong bagong pamumuhay, makakamit nila ang pagkakaisa sa kabila

ng pagkakaiba at pluralismo. Ang isang sambayanan ay hindi isang blokeng hindi

kumikilos, ito ay isang buhay na

organismo na may iba’t ibang

bahagi.Para sa isang Kristiyano, ang

paglikha ng pagkakahiwalay ay

kabaligtaran ng nararapat nilang

gawin.

Page 22: Kataga ng Buhay

“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”

Page 23: Kataga ng Buhay

Paano natin isasabuhay itong Kataga ng Buhay?Igalang nating mabuti ang iba’t ibang

tungkulin, handog at talino ng sambayanang Kristiyano.

Page 24: Kataga ng Buhay

Maging bukas tayo sa buong Simbahan,

hindi lang sa kilalà o kinabibilangan nating

sambayanan, samahan o kilusan.

Maging bukas tayo sa pangkalahatang

Simbahan at lahat nitong

pagpapahayag.

Page 25: Kataga ng Buhay

Kaya’t kung pinapahalagahan

at pinangangalagaa

n natin ang bawat bahagi ng ating katawan, gayundin ang gawin natin sa bawat bahagi

nitong katawang espiritwal.

Pahalagahan natin ang lahat

ng bahagi upang maging

kapakapakinabang sila sa

Simbahan.

Angkinin natin ito bilang atin dahil bahagi

tayo nitong isang katawan.

Page 26: Kataga ng Buhay

(…) Huwag mong maliitin ang hinihiling sa iyo ng Diyos sa sandaling ito. Kahit mukhang maliit at paulit-ulit ang ating ginagawa araw-araw, lahat tayo ay kabilang sa iisang katawan. Bilang mga

bahagi, bawat isa ay kasali sa ginagawa ng buong katawan. Kahit nananatili tayo sa lugar na ninais sa

atin ng Diyos.

Page 27: Kataga ng Buhay

Ang mahalaga ay taglay natin ang karisma, na tulad ng ipinahayag ni Pablo, ay nakahihigit sa

lahat. Ito ay ang pag-ibig, pag-ibig para sa bawat taong ating nakakatagpo, pag-ibig sa

lahat ng tao. Sa pamamagitan ng pag-ibig, ng pagmamahalan, ang maraming bahagi ay

magiging isang katawan.

Sinulat ni Chiara Lubich