16
”Inspirasyon Ko; Kuwento ng Buhay Mo”

” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay Mo”

  • Upload
    admon

  • View
    204

  • Download
    8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay Mo”. Essential Question. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panahon ? Anu - ano ang mga naging sandigan ng mga Pilipino?. Unit Questions. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan ? - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

”Inspirasyon Ko; Kuwento ng Buhay Mo”

Page 2: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Essential Question

1.Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panahon?

2.Anu-ano ang mga naging sandigan ng mga Pilipino?

Page 3: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Unit Questions

1. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan?

2. Ano ang karaniwang tema o paksang ginamit ng mga manunulat sa panahong ito?

3. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa pag-aaral ng maikling kuwento at sa ating pakikipagkomunikasyon?

Page 4: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Content Questions1. Anu-ano ang mga senariong nagaganap sa

loob ng klase?2. Ano ang kulturang ipinakita ng mga tauhan sa

kwento?3. Ano ang pagkakaiba ng mga kabataan noon at

ngayon?4. Bakit napapagalitan ng mga guro ang mga

mag-aaral?5. Ano ang guro at bata batay sa kilos,

damdamin at pananalita?6. Ano ang nais sabihin ng kwento sa iyong sarili,

sa iyong kamag-aral at sa pangkalahatan?7. Ano ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa?8. Ano ang papel na ginagampanan ng aspekto

ng pandiwa sa ating pang-araw-araw na buhay?

9. Ano ang naitulong ng mga aspekto ng pandiwa sa pag-unawa sa maikling kwento?

Page 5: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Targeted Content Standards

Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito.

Page 6: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Unit SummarySa araling ito ay aalamin ang naiambag ng akdang pampanitikan na sumibol at nagpatanyag sa Panahon ng Kasarinlan partikular na ang Maikling kwento. Gayundin ang araling panggramatika na Aspekto ng Pandiwa. Maipapamalas din ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng video presentation ng masining na pagkukuwento na gagampanan ng mga mag-aaral bilang tagapagsalaysay o tagapagkuwento.

Page 7: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Student Objectives/Learning Outcomes

1. Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng teksto.

2. Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan.

3. Naipahahayag ang mga makabuluhang kaisipang nais ipabatid ng may-akda.

4. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas.

Page 8: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

5. Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto.

6. Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto.

7. Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak ang kakayahan at pananaw sa buhay.

Page 9: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

8. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan.

9. Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa.

10. Nakasusulat ng Maikling kuwento batay sa kultura ng lugar na pinagmulan.

11. Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda hango sa sariling karanasan (nasaksihan, napakinggan/napanood/nabasa).

Page 10: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

12. Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo.

13. Naipamamalas ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon.

14. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipagkomunikasyon.

15. Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon.

Page 11: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

Talaan ng mga GawainUNANG LINGGO

ARAW GAWAIN

1 Panimulang pagtataya.

2 Brainstorming.

3 Pagbasa ng akdang pampanitikan.

4 Peer discussion.

5 Pangkatang gawain.

Page 12: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

PANGALAWANG LINGGO

ARAW GAWAIN

1 Pagbabalik-aral at oral recitation.

2 Pagtatalakay sa bagong paksa.

3 Pagbuo ng makahulugang pahayag.

4 Pagsasanay tungkol sa paksa.

5 Interaktibong pagsusulit.

Page 13: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

PANGATLONG LINGGO

ARAW GAWAIN

1 Introduksyon sa proyekto at paglalahad sa rubric.

2 Pagbisita sa website tungkol sa proyektong gagawin.

3 Paggawa ng balangkas sa kanilang kwento.

4 Actual writing.

5 Pagsagawa ng video presentation.

Page 14: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

PANG-APAT NA LINGGO

ARAW GAWAIN

1 Pagpapaunlad at pag-eedit.

2 CD Burning.

3 Presentasyon at pagmamarka.

4 Paggawa ng repleksyon tungkol sa proyekto.

5 Pagpasa ng portfolio.

Page 15: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

PAMANTAYAN 3 2 1 Sarili Kaklase

Guro

Presentasyon Ang presentasyon ay mahusay ang pagkakagawa at nakapanghihikayat ng kawilihan sa mga tagapanood.

Magaling ang pagkakagawa ng video presentation ngunit hindi nagpapanatili ng atensyon sa mga tagapanood.

Maganda ang pagkakagawa ng video presentation ngunit kailangan pang pag-ibayuhin.

Boses o Tinig Ang boses / tinig ng tagapagsalaysay ay maayos at malinaw para sa mga tagapakinig / tagapanood. Gumagamit ng iba’t ibang himig o pagbabago-bago ng boses sa pagpapahayag ng damdamin.

Ang tinig ng tagapagsalaysay ay hindi gaanong malinaw para sa mga tagapakinig / tagapanood. Gumagamit lamang ng iilang himig sa pagpapahayag ng damdamin.

Kinakailangang linangin ang paggamit ng angkop at pagbabago-bago ng boses / tinig para sa pagpapahayag ng damdamin at para sa malinaw na pagpapaunawa.

Ekspresyon sa Mukha

Mababanaag sa kanyang mukha ang pagiging sinsero at kampanti sa pagpapahayag ng kanyang damdamin. Ang mga emosyon ay hindi lamang sinasabi kundi pinapakita.

Hindi gaanong naipapahiwatig ang emosyong nais ipadama sa mga tagapakinig / tagapanood at nakikitaan pa ng pangamba at di-kahandaan.

Ang mga damdaming nakalahad sa kuwento ay hindi nakikita sa ekspresyon ng mukha ng tagapagsalaysay.

Page 16: ” Inspirasyon Ko ; Kuwento ng Buhay  Mo”

PAMANTAYAN 3 2 1 Sarili Kaklase Guro

Video Production Gumagamit ng epektibong pag-iilaw. Ang trabaho ng camera ay nagpapakita ng naaangkop na paggamit ng mahaba, katamtaman, at malapitan na shot.

Ang paggamit ng camera ay may di-kaaya-ayang paggalaw na nakasira sa video.

Ang galaw ng camera ay hindi maayos at nasira nito ang presentasyon.

Ang paggamit ng font style, font size, transitions at animations ay kaaya-aya , malinaw at malikhaing nagawa, nababasa ng mga tagapanood kahit na nasa malayo.

Ang paggamit ng ilang font style, font size, transitions at animations ay hindi masyadong kaaya-aya at hindi malinaw at hindi masyadong nababasa ng mga tagapanood.

Ang lahat ng font style, font size, transitions at animations ay hindi angkop, hindi kaaya-aya at hindi malinaw at hindi nababasa ng mga tagapanood.

Ang antas ng tunog ay sapat. Ang music at sound effects ay nagpapahusay sa presentasyon.

Ang boses ng tagapagsalaysay ay madalas na natatabunan ng mga sound effects.

Ang music and sound effects ay nangingibabaw ang lakas kaysa sa tinig ng tagapagsalaysay.

Ang pag-eedit ay mainam at madaling maintindihan na may magandang simula at katapusan na natapos sa haba ng minutong inilaan.

Magaling ang pag-eedit sa simula at katapusan ngunit lumampas sa haba ng minutong inilan.

Hindi naedit nang maayos ang presentasyon, nakakabagot nang panoorin at hindi umabot sa haba ng minutong inilaan