6
H E K A S I 4 Modified InSchool OffSchool Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELFINSTRUCTIONAL MATERIALS ANG KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

H E K A S I  4 

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 

ANG KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG 

TIMELINE 

Department of Education 

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 

Page 2: KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 

DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education 

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

  This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.  

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

1

GRADE IV

ANG KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

Suriin mo at pag-aralan ang larawan.

• • • • • • • • • • • • •

Tingnan mo ang larawan ng lubid na may mga buhol. Bawat buhol ay sumasagisag ng isang taon. Ilang taon ka ng mag-enrol ng nursery? ng Kinder I? ng Kinder II? Ilang taon ka noong mag Grade I?

Ano ang naaalala mo noong magbirthday ka? May mahalaga bang

pangyayari na di mo makalimutan? Isulat mo ang petsa ng kapanganakan ng

iyong mg kapatid para makita mo ang kaayusang sunud-sunod. Isulat mo sa tapat ng buhol ang taon ng kanilang birthday.

• • • • • • • • • • Sa modyul na ito makikilala mo ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral

ng kasaysayan at matutukoy ang mga natutuhan sa mga pangyayari sa

nakaraan na maaaring may kaugnayan sa kasalukuyan.

ALAMIN MO

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Page 4: KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

2

Tingnan ko kung may naaalala kang pangyayari sa mga petsang ito. Isulat

sa tapat ng petsa kung anong okasyon ang ipinagdiriwang natin taun-taon.

1. Enero 1 – 2. Pebrero –

3. Mayo 1 – 4. Abril 9 – 5. Nobyembre 1 –

May mahalagang pangyayari na naging bahagi na ng kasaysayan ng bansa, tulad ng pagdating ni Magellan at pagtuklas sa Pilipinas, naganap na Sanduguan sa pagitan nina Magellan, Raha Kulambot at Raha Siagu at ginanap

ang unang misa sa pamumuno ni Padre Pedro de Valderama. Ang mga pangyayaring ito ay maaari nating ipakita sa pamamagitan ng TimeLine.

Umpisahan muna natin sa pagsusunud-sunod ng pangyayari. Isayos mo

ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga petsang ito. 1. Hunyo 12, 1898 – Ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan.

2. Hunyo 19, 1861 – Kapanganakan no Dr. Jose Rizal. 3. Agosto 23, 1896 – Simula ng Himagsikang Pilipino. 4. Disyembre 30, 1896 – Pagkamatay ni Dr. Jose Rizal.

5. Pebrero 4, 1899 – Digmaang Pilipino-Amerikano.

Ngayon ipapakita ko ito sa timeline.

PAG-ARALAN MO

PAGBALIK-ARALAN MO

Kapanganakan ni

Dr. Jose P. Rizal

1850 1860 1870 1880 1890 1900

x x x x

Digmaang Pil-Amerikano

Himagsikang Pilipino at kamatayan ni Dr.Jose P. Rizal

Kalayaan ng

Pilipinas

Page 5: KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

3

Tingnan mo ang TimeLine. Anu-ano ang mga taon na nababasa mo sa

bawat guhit? Ayos ba ang pagkakasunud-sunod ng taon? Ilang taon ang pagitan ng bawat isa?

Subukan mong gumawa ng timeline na may isang taon ang pagitan.

Ilagay sa iyong timeline ang sumusunod na pangyayari.

Setyembre 20, 1519 – Simula ng paglalayag ng pangkat ni Magallanes

patungong Silangan

Marso 17, 1521 – Pagdating nina Magallanes sa Pilipinas Marso 31, 1521 – Unang misa sa Pilipinas Abril 27, 1521 – Labanan sa Mactan Setyembre 6, 1522 – Pagbabalik ng mga Espanyol sa Espanya

Ang timeline ay ang grapikong paglalahad ng mga pangyayari sa

kaayusang sunud-sunod. Ito ang paraan ng paglilista, pagsasaayos at

paghahambing ng mga pangyayari sa ilang panahon. Sa ganitong paraan lalong nagiging madali ang pang-unawa sa mga pangyayari.

Mahalaga para sa atin na malaman natin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas para maisalin ito sa darating pang henerasyon.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

GAWIN MO

Page 6: KASAYSAYAN SA PAMAMAGITAN NG TIMELINE

4

Panuto: Ilagay sa timeline ang sumusunod na pangyayari.

1519 – Umalis ang pangkat ni Magellan sa Espanya 1521 – Dumaong ang pangkat ni Magellan sa pulo ng Homonhon sa

Samar

1543 – Dumating ang pangkat ni Roy Lopez de Villalobos 1565 – Dumating sa Pilipinas ang pangkat ni Legazpi sa Cebu 1571 – Itinatag ni Legazpi ang pamayanan ng Maynila

Igawa mo ng timeline ang sumusunod na pangyayari.

bago ang 1521 – Pagtanggap sa kulturang Arabo, Indian at Tsino 1521 – Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas

1565 – Paglaganap ng Kulturang Espanyol sa Pilipinas 1898 – Pagdating ng mga Amerikano at paglaganap ng kulturang

Amerikano

1841 – Pagtatangka ng Hapon na mapalaganap ang kulturang Hapones

PAGTATAYA

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN