38
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik - Tanaw Isang masinsin at makabuluhang pagbabalik- tanaw sa kasaysayan ng mundo - ang kasaysayan ng sangkatauhan tungo sa magandang kinabukasan. Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw " Life can be understood backwards, but it must be lived forward." Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo. Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga. Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang

Kasaysayan ng Mundo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kasaysayan ng Mundo

Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik - TanawIsang masinsin at makabuluhang pagbabal ik-tanaw sa kasaysayan ng mundo - ang kasaysayan ng sangkatauhan tungo sa magandang kinabukasan.

 Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."

Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.

Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.

Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.

Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.

Page 2: Kasaysayan ng Mundo

Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

Kami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.

Layunin ng blog na ito na:1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito.3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasan

Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.

Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!

Ang Pag-usbong ng Kabihasnan sa Mundo

T H U R S D A Y , J A N U A R Y 1 , 2 0 0 9

ANG PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO 

Katuturan ng Kabihasnan  nagmula sa salitang "civis" o "civitas" (lungsod)

mataas na lebel ng pamumuhau

KALINANGAN/ SIBILISASYON

maunlad na pamumuhay

Mga Salik ng Pagkakaroon ng Kabihasnan 

organisadong pamahalaan

sining/ panitikan

relihyon/ pagsamba

kalakalan

Page 3: Kasaysayan ng Mundo

teknolohiya

edukasyon (agham at matematika)

sistema ng pagsulat

Ekonomiya

istruktura

antas o uri ng tao sa lipunan 

ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA 

 

Matatagpuan ito sa rehyon ng Fertile Crescent

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang

ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”.

Nangngahulugang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito:

ang mga Ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan

ngArmenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.

Ang Ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman

sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong

Golpo mula sa dagat Mediterranean.

Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: ang Sumer, Babylonia,

Akkad, at Assyria

Ang Mga Sumerians 

3000 - 2340 B.C.E. 

Page 4: Kasaysayan ng Mundo

Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga pamayanang

malapit sa ilog ay bumuo ng 12lungsod-estado na pinamumunuan ng isng lugal o

hari.

Matatagpuan sa bawat lungsod estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.

Ito ay nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod. Ito ay

sagradong lugar kung kaya’t tanging mga pari lamang ang maaring pumasok dito.

 

Ang mga diyos nila ay anthropomorphic o may katingaan at kaugaliaang pangtao.

Ang mga kaganapan sa Sumerian ay nagagawang itala sa pamamagitan ng

kanilang sistema pagsulat. Ito ay tinatawag na cuneiform na nag ibig sabihin ay

hugis-sinsel o wedge-shaped.

 

Ang mga Sumerian ay nagsulat sa clay table o mga basing luwad na lapida gamit

ang stylus.

Page 5: Kasaysayan ng Mundo

 

Ang mga Sumerian ay may sasakyang pandigma na tinatawag na chariot.

 

Nalikha rin ng mga Sumerian ang gulong at araro.

Ang ilan sa mga tinatanim ng mga Sumerian

aybarley,chickpeas,lentils,millet,wheat,dates,lettuce,leeks, singkamas, mustasa,

sibuyas at bawang.

Ang mga Akkadians 

2340 - 2100 B.C.E. 

Page 6: Kasaysayan ng Mundo

 

Pagbagsak: 

Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang

pagiging malaya.

Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod

nba ito ay naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian. 

2100 B.C.E.- panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan

ang Sumer at Akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.

Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur Nammu na si Ibbi-Su ang Ur ay bumagsak

sa pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia.

Ang mga Babylonians 

1792 - 1595 B.C.E. 

Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop

ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 B.C.E.

Ang Babylon ang naging kabisera ng Imperyong Babylonia.

Page 7: Kasaysayan ng Mundo

 

Hammurabi's Code 

Ang katipunan ng nga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of

Hammurabi o Batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga

sinaunang tao sa kabihasnan.

1595 B.C.E- sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay

sila at nakuha nila ang estatwa ni Marduk, ang patron ng Babylon.

Pinaniniwalaang ang mga Kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng

Hurrian sa Mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.

Ang mga Kassite at Hurrian ay mula sa mga tala ng New Kingdom sa Egypt at

Hittite sa kanluran.

Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangang bahagi ngBlack Sea.

Ang mga Assyrians 

1813 - 605 B.C.E. 

Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyong nasa hilaga ngBabylonia

Ang rehiyong ito ay nagmula sa sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na

kabundukan ng Armenia.

Shamshi-Addad I (1813B.C.E.-1781B.C.E.)- napasakamay niya ang Ashur ang

unang kabisera ng Assyria.

==> Ng pumanaw si Shamshi-Addad I

Page 8: Kasaysayan ng Mundo

·Nagsimulang bumagsak ang imperyo .·Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging

bukas sa pananalakay. 1120 B.C.E - Tigalath-Pileser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa

Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin

ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian.

Ashurnasirpal II- isa siya sa mahalagang pinuno ng Assyria na nagpadala ng mga

ekspidisyong militar pakanluran upang mapasakamay amg mahahalaganh rutang

pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.

745 B.C.E – napasakamy ni Tiglath- Pileser III ang kapangyarihan at isinailalalim

ang iba pang mga estado sa isang imperyo.

Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula

sa Iranhanggang Egypt. Kabilang dito ang haring sina Sennacherib at

Essarhaddon .

Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B,C.E

Siya ay hinalilihan ng kanyang anak na si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na pamamahala.

Ang mga Chaldeans 

612 - 539 B.C.E. 

Ang Chaldean ay mtatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang

pampang ng Euphrates River.

612 B.C.E- Panibagong imperyo ng Babylonia ang tinatag at pinamunuan ito ng

isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar (612 .BC.E – 605 B.C.E)

625 B.C.E – Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian

na siyang kumontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.

627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal ,

angAssyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.

614 B.C.E. – isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa

lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur

621 B.C.E. – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nobopolassar,

ang hari ng Babylon, ang lungsod ng Niniveh.

Page 9: Kasaysayan ng Mundo

609 B.C.E. –tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni

Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.

610 B.C.E. – 605 B.C.E. – Nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.

Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia ang rurok ng

kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa

buong daidig sa kanyang panahon.

Hanging Garden of Babylon ipinagwa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang

asawa, kinikilala ng mga Grek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.

 

PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa

panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-

usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian.

539 B.C.E.- ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob angBabylon.

Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong

imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na

imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt Hanggang India. Sa pagusbong ng

sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng

hari ng Macedonia na si Alexander the Great.

ANG KABIHASNANG PERSIA  Ang mga Persian ay nagatatag ng isang malawak na imperyo at tinwag nila itong

Imperong Achaemenid.

Nagsimulang manakop nagmga Persian sa panahon ni Cyrus the Great (559

B.C.E. – 530 B.C.E.) at napasailalaim sa kanila ang Medes at Chaldean sa

Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)

Page 10: Kasaysayan ng Mundo

Darius the Great (521 B.C.E.-486 B.C.E.), - umabot ang sakop ng imperyo

hanggang India.

Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng

gobernador o satrap.

Royal Road – may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito

ngalalakbay ang mga mangangalakal, opisyal at mensahero.

Zoroastrianism – relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinangaral

ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at

masama at pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos ng kabutihan.

ANG KABIHASNANG TSINO 

Heograpiya Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow

River oHuang Ho at Yangtze River.

Page 11: Kasaysayan ng Mundo

 

Mga Dinastiya sa Tsina 

 

Mga Kontribusyon at Pamana 

Astronomong Tsino

Kalendaryo batay sa paglitaw ng araw at buwan

Sulatan ng taon batay sa pag-ikot sa mundo

Halaman bilang paggamot sa tao

Kompas na patnubay ng barko sa dagat

Masining na kasangkapang yari sa tanso

Sistemang decimal

Page 12: Kasaysayan ng Mundo

Panghuhula at pakikipag-usap sa mga espiritu

Tatlong uri ng pagsulat

ANG KABIHASNANG INDUS 

Heograpiya 

 

Ang lambak ilog Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya.

Ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa Hilaga.

Ang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush ay may ilang landas sa ilang

kabundukan nito,tulad ng Khyber Pass.

Page 13: Kasaysayan ng Mundo

Khyber Pass - Nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan mula sa Kanluran at

Gitnang Asya.

 

Lupaing Indus 

Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa

sinaunang Egypt atMesopotamia

Sakop nito ang malaking bahagi ng Hilagang Kanluran ng dating Indiaat ang

lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.

 

Ilog Indus 

Ang tubig ng ilog ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa

Katimugang Tibet.

Page 14: Kasaysayan ng Mundo

Ito ay may hababng 1,000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong

kapatagan ng Pakistan.

Ang pag-apaw ng ilog ang nagsisilbing pataba sa lupa na nagbibigay daan para

malinang ang lupain.

Ito ay nagaganap sa pagitan ng Hunyo at Setyembre.

Sa kasalukuyan ang India ay isa lamang bansa sa Timog Asya.

Kabihasnang Harrapa 

2700 - 1500 B.C.E. 

Ang kabihasnang Harappa na natuklasan sa lambak Indus ay tinatayang

umusbong noong 2700 B.C.E.

Ang Harappa ay matatagpuann sa kasalukuyang Punjab na bahagi ngPakistan.

Sa kabilang dako ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyan

ngIndus River.

Lungsod 

Ang bawat lungsod ay may sukat na halos isang milya kwadrado at may

tinatayang halos 40,000 katao.

Page 15: Kasaysayan ng Mundo

Malalapad at planado ang mga kalsada.

Hugis-parisukat ang mga gusali

Ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo,at ang ilan ay may ikalawang

palapag

Ang pagkakaroon ng mga palikuran ay itinuturing na kauna-unahang paggamit ng

sitemang alkantarilya o sewer system sa kasaysayan

Pamahalaan 

Walang tala ng mga pangalan ng hari o reyna o namahala rito.Wala ring

impormasyong naitala tungkol sa kabuhayan dito kung sila ba ay napopondohan

sa pamamagitan ng pagbubuwis.

Dibisyon sa Lipunan 

Ang lipunang Harappan ay kinakitaan ng malinaw na pagpangkat-pangkat ng mga

tao.

Ang ganitong dibisyon sa lipunan sa lipunan ay nanatilisa India hanggang sa

kontemporaryong panahon.

Uri ng Lipunan 

Masasabing may hirarkiya ng uri ng lipunan ang Kabihasang Indus.

Ang mga nakatira sa mataas na moog ay masasabing naghaharing uri

Kabilang sa kanila ang paring-hari, mga opisyal ng lungsod at eksperto.

Sa mababang moog nakatira ang mga mabababang uri ang mga mangangalakal,

artisano at magsasaka.

Ang mga magsasakaang gumagawa ng dike at kanal para sa irigasyon sa

pananim.

Page 16: Kasaysayan ng Mundo

Sistemang Caste 

 

CASTE-hango sa salitang Casta na nangangahulugang “angkan”.

Ekonomiya 

Tulad sa Sumer, kulang sa likas na yaman ang Indus, walang ,metal, kahoy o

semi-precious stone sa kapaligiran nito.

Ilan sa kanilang mga pananim ay:

trigo-barley

melon-datte

bulak Ang sistema ng irigasyon ng lupa ay mahalaga sa mga magsasaka.

 

Page 17: Kasaysayan ng Mundo

Mayroon din silang sistemang pamantayan para sa mga timbang at at sukat ng

butil at ginto.

Nag aalaga rin sila ng elepante,tupa at kambing.

Ang bulak ay hinahabi para maging tela.

Gumagawa ang mga artisano ng mga palayok at alahas na gawa sa ivory,ginto at

shell.

Nakipagkalakalan ang mga ito sa baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf

hanggang sa mga lungsod ng Sumer lulan nito ang mga ss: perlas, tanso, ivory,

tela, butil

Mga produktong pankalakal pearl gem,kasangkapang tanso at isang ivory

reliquary.

Relihyon 

 

Page 18: Kasaysayan ng Mundo

Sumasamba ang mga Dravidian sa mga Diyos na sumisimbolo sa kalikasan

Ang mga eksperto ay walang nahukay na malalaking templo sa halip ay mga

estatwang hugis hayop at tao.

Isa sa mga sinasamba nilang hayop ay ang BULL.

Pamana at Ambag sa Daigdig 

Urban planning o pagplaplanong lungsod. (Grid Pattern)

SEWERAGE SYSTEM

DRAINAGE SYSTEM

PAGPAPATAYA AT PAGSUSUKAT NG HABA,BIGAT AT ORAS

Mayroon ding kaalaman ang mga taga indus sa panggamot at pagbubunot ng

ngipin.

Page 19: Kasaysayan ng Mundo

VEDAS (sanskrit”knowledge”)-naglalaman ng mga pangyayari sa panahon sa

panahon ng unang milenyong pangyayari sa panahon ng unang milenyong

paghahari ng mga Aryan sa Hilaga at India.

Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European.

Ang wikang dinala nila sa India ay tinawag na SANSKRIT

SANSKRIT-ang wikang klasikal ng panitikang Indian.

MAHABHARATA-the Great Story of Bharata.

RAMAYANA= Rama’s way

BHAGAVAD GITA =itinuturing na pinakadakilang tulang pilosopikal sa daigdig.

PANCHATANTRA=maaaring isinulat sa pagitan ng 1500B.C.E. at 500B.C.E.

ARTHASHASTRA=isinulat ni Kautilya sa aspetong pamamahala.Ito ang kauna-

unahang akda hingil sa pamahalaan at ekonomiya.

AYURVEDA= “agham ng buhay”

SURGERY

Page 20: Kasaysayan ng Mundo

AMPUTATION

CS(CAESARIAN SECTION)

CRANIAL SURGERY

PI

KONSEPTO NG ZERO

ARKITEKTURA

BORUBUDUR, INDONESIA

BODDHISATTVAS BAMIYAN

KHAJURAHO

TAJ MAHAL, INDIA

 

ANG KABIHASNANG EGYPT 

Heograpiya