8
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 5 Bilang 2• Hunyo 2018 Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected] Noong ika-13 ng Abril ay bumisita ang grupo ng Grandt Planners, Inc. (GPI) sa Atimonan upang makipag- pulong sa Punongbayan ng Atimonan na si Engr. Rustico Joven “Ticoy” U. Mendoza at sa mga bumubuo ng Sanggu- niang Bayan sa pangunguna ng Pangalawang Punongbayan Nida Veranga. Ang inisyal na pagpupulong ay oryentasyon kaugnay sa gagawing town planning sa buong bayan ng Ati- monan at pagkalap ng paunang impormasyon, datos at il- ang proseso kaugnay ng gawaing ito. Ang GPI, sa pangunguna ni Architect Grace Ramos, ay isang pribadong ahensya na kinuha ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) para bumuo ng Comprehensive Land Use Plan o CLUP. Sila ang magiging katulong ng lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pagguhit at pagbalangkas ng mga plano at aktibidad na tututok sa pangangailangan ng bayan na makakapag-ambag sa mas tiyak na kaunlaran at pagbabalanse sa konsiderasyon ng socio-political, cultural, eco- nomic, at environmental na mga isyu. Malaking bahagi din ng pagpaplanong ito ang napipintong konstruksyon at opera- syon ng planta ng A1E. Noong ika-24 ng Mayo ay isinagawa ang unang workshop na dinaluhan ni Mayor Mendoza, Konsehala May Tamayo, Konsehala Merly Pesigan, Konsehal Elmer Santander, Konsehal Nestor Laude, mga piling empleyado ng munisipyo at ng mga piling miyembro ng mga Non- Government Organizations (NGOs). Ang pangalawang workshop ay isinagawa noong ika-22 ng Hunyo. Sa pangalawang workshop ay tinalakay ang iba’t- ibang uri ng panganib sa isang lugar na maaring mang- yari gaya ng pagguho ng lupa, pagbaha at pagtaas ng lebel ng dagat. Ang mga panganib na ito ay posibleng maging hadlang sa pagpaplano at maaring magdulot ng trahedya. Pagkatapos malaman ang mga maaring magdulot ng pan- ganib sa bayan ay pinag-usapan naman kung saan ang posi- bleng paglinangin na lugar sa bayan na maaring magdulot ng kaunlaran. Ang paggawa ng CLUP ay isang proyekto ng A1E upang matulungan ang bayan ng Atimonan na mapaunlad at maisaayos ito. Ito rin ay isang patunay na hindi pa man naitatayo ang planta ay kaisa na ng bayan sa pagpapaunlad ang kumpanya. Ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) o kilala rin bilang isang pangkala- hatang plano, master plan o plano sa paggamit ng lupa, ay isang dokumento na dini- disenyo upang gabayan ang mga pagkilos sa hinaharap ng isang komunidad. Nag- tatanghal ito ng pangitain para sa hinaharap, na may matagal na saklaw na mga layunin at layunin para sa lahat ng mga aktibidad na nakakaapekto sa lokal na pamahalaan. Comprehensive Land Use Plan para sa Atimonan, sinimulan na Masusing pinag-aaralan nina Medla Oviar, Municipal Assecor Staff; Mayor Ticoy Mendoza, Carlito Marasigan, OIC Municipal Trea- sury; Alma Aguilar, Budget Office Staff; Teresa Parco, SB Staff; at John Francis Luzano, Municipal Admin ang mga nais nilang plano para sa Atimonan upang mas lalo itong mapaunlad sa darating na panahon.

Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

  • Upload
    lenhan

  • View
    229

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang TinigLathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 5 Bilang 2• Hunyo 2018

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Noong ika-13 ng Abril ay bumisita ang grupo ng Grandt Planners, Inc. (GPI) sa Atimonan upang makipag-pulong sa Punongbayan ng Atimonan na si Engr. Rustico Joven “Ticoy” U. Mendoza at sa mga bumubuo ng Sanggu-niang Bayan sa pangunguna ng Pangalawang Punongbayan Nida Veranga. Ang inisyal na pagpupulong ay oryentasyon kaugnay sa gagawing town planning sa buong bayan ng Ati-monan at pagkalap ng paunang impormasyon, datos at il-ang proseso kaugnay ng gawaing ito. Ang GPI, sa pangunguna ni Architect Grace Ramos, ay isang pribadong ahensya na kinuha ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) para bumuo ng Comprehensive Land Use Plan o CLUP. Sila ang magiging katulong ng lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pagguhit at pagbalangkas ng mga plano at aktibidad na tututok sa pangangailangan ng bayan na makakapag-ambag sa mas tiyak na kaunlaran at pagbabalanse sa konsiderasyon ng socio-political, cultural, eco-nomic, at environmental na mga isyu. Malaking bahagi din ng pagpaplanong ito ang napipintong konstruksyon at opera-syon ng planta ng A1E.

Noong ika-24 ng Mayo ay isinagawa ang unang workshop na dinaluhan ni Mayor Mendoza, Konsehala May Tamayo, Konsehala Merly Pesigan, Konsehal Elmer Santander, Konsehal Nestor Laude, mga piling empleyado ng munisipyo at ng mga piling miyembro ng mga Non- Government Organizations (NGOs). Ang pangalawang workshop ay isinagawa noong ika-22 ng Hunyo. Sa pangalawang workshop ay tinalakay ang iba’t-ibang uri ng panganib sa isang lugar na maaring mang-yari gaya ng pagguho ng lupa, pagbaha at pagtaas ng lebel ng dagat. Ang mga panganib na ito ay posibleng maging hadlang sa pagpaplano at maaring magdulot ng trahedya. Pagkatapos malaman ang mga maaring magdulot ng pan-ganib sa bayan ay pinag-usapan naman kung saan ang posi-bleng paglinangin na lugar sa bayan na maaring magdulot ng kaunlaran. Ang paggawa ng CLUP ay isang proyekto ng A1E upang matulungan ang bayan ng Atimonan na mapaunlad at maisaayos ito. Ito rin ay isang patunay na hindi pa man naitatayo ang planta ay kaisa na ng bayan sa pagpapaunlad ang kumpanya.

Ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) o kilala rin bilang isang pangkala-hatang plano, master plan o plano sa paggamit ng lupa, ay isang dokumento na dini-disenyo upang gabayan ang mga pagkilos sa hinaharap ng isang komunidad. Nag-tatanghal ito ng pangitain para sa hinaharap, na may matagal na saklaw na mga layunin at layunin para sa lahat ng mga aktibidad na nakakaapekto sa lokal na pamahalaan.

Comprehensive Land Use Planpara sa Atimonan, sinimulan na

Masusing pinag-aaralan nina Medla Oviar, Municipal Assecor Staff; Mayor Ticoy Mendoza, Carlito Marasigan, OIC Municipal Trea-sury; Alma Aguilar, Budget Office Staff; Teresa Parco, SB Staff; at John Francis Luzano, Municipal Admin ang mga nais nilang plano para sa Atimonan upang mas lalo itong mapaunlad sa darating na panahon.

Page 2: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 2

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Isang Tinig

Lupong Patnugutan

Litz Santana Chris ChuaTagapayong Patnugot

Cynthia PardoPatnugot

Claire FelicianoKasangguni sa Editoryal

Jester Querubin Fhilip Santander Patrick Collantes

Grupong Editoryal

Address: 2/f Parco Building, Jose Rizal cor. Quezon St. Brgy. Zone 1 Atimonan Quezon 4331

Tel.No.: 1800-10-7275859Email: [email protected]

Naging matagumpay ang isinagawang pagtitipon o asemb-leya ng New Carinay Homeowners’ Association, Inc. (NCHOA) na isinagawa noong ika-18 ng Hunyo sa New Carinay Multi-Purpose Hall, Brgy. Villa Ibaba. Ang asembleyang ito ay dinaluhan ng 46 residente ng nasabing pamayanan. Kasama ring dumalo sa pangka-lahatang pagpupulong ang mga lokal na opisyales ng barangay Villa Ibaba na aktibong nakinig sa mga nakalinyang mga programa ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa kanilang komunidad. PinangunahanniJesterQuerubin,CSROfficerngA1E,angasembleyang ito at inilatag ang ilan sa programang nais dalhin ng kumpanya para sa kanila na makakapagbigay ng dagdag kita at be-nepisyo. Binigyang pansin ang ilang mga nakabinbin na usapin na dapat pag-ukulan ng aksyon ng bawat isang kaanib ng komunidad kagaya ng paglalagay ng sand bag sa gumuguhong parte ng basketball court, paglilinis sa buong kapaligiran kasama ang lugar punlaan (nurs-ery), pagtatayo ng waiting shed o kubol, iskedyul ng pangongolekta ng basura, at ilang proseso sa pagsali sa project bidding sa tuwing may pangangailangang serbisyo ang kumpanya. Inimbitahan din ng A1E ang Kagawaran ng Kalakalan at In-dustriya (Department of Trade and Industry o DTI) sa nasabing pagtitipon upang magbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa paggawa ng mga produkto na yari sa kawayan kagaya ng lampshade, flower vase, wine, gadget holder, key chain, basket at iba pa. Bukod pa dito, nagbigay din sina Grace Ledesma at Lawrence Velasco, mga kinatawan ng DTI, ng mga mahahalagang puntos at pamantayan sa pagnenegosyo. Ilan pa sa mga halimbawang paksang tinalakay sa pagtitipon ay pagkakaroon ng palagiang iskedyul sa paglilinis sa baybayin ng dagat at paglilinis ng kanal tuwing huling Sabado ng bawat buwan, pagtatanim ng balinghoy upang gawing cassava chips, pagbubuo ng organisasyon ng mangingisda, iskedyul ng libreng sakay ng bangka, kaukulang donasyon sa paggamit ng multi-purpose hall at magiging

Unang asembleya ng NCHOA, isinagawakatiwala nito, pagpipin-tura ng grills ng multipur-pose hall at ilang bahagi ng pasilidad ng kapilya. Tinalakay din sa pagpu-pulong ang panibagong scholarship na handog ng A1E na may kinala-man sa heavy equipment operation at Alternative Learning System (ALS) buhat sa Kagawaran ng Edukasyon para sa mga kabataang di nakat-apos ng elementarya at sekundarya. Sa huling bahagi ay nagpasalamat ang ilang pangunahing lider ng

Iba’t-ibang klase ng negosyo na gagamit ng kawayan ang masusing ipinaliliwanag at itinuturo ni G. Lawrence Velasco ng DTI sa mga miyembro ng NCHOA at Sangguniang Barangay ng Villa Ibaba.

barangay sa pag-asang bitbit ng pinagsanib na puwersa ng A1E at DTI upang sila ay matulun-gang makabuo ng isang pamayananang nagtu-tulungan, nagkakaisa at kayang tumayo sa sarili nitong mga paa sa pamamagitan ng mga pro-gramang pangkabuhayan at benepisyong buhat sa mga ito. Samantala, nakatakdang magkaroon ng magkakasunod na pagsasanay ukol sa pagne-negosyo gamit ang kawayan kagaya ng pag-tatanim at pagpaparami gayundin ang pagga-wa ng mga handicrafts na produktong yari dito upang ihabol na maibenta ito sa mga lokal na residente at turista sa nalalapit na kapistahan ng bayan sa buwan ng Agosto.

Page 3: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 3

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Isang botika ang binuksan para sa mga residente ng Sitio Carinay noong ika-4 ng Abril. Layunin nito na makapaghatid ng malapit na pasili-dad kung saan makakakuha ng murang gamot ang mga nangangailangan. Ang Botika sa Carinay ay magsisilbi ring negosyo para sa New Ca-rinay Homeowners’ Association, Inc. (NCHOA) at ang unang suplay ng gamot na nagsilbing kapital ay nanggaling sa Atimonan One Energy, Inc. (A1E). Sa kalaunan, ang botikang ito ay makakatulong rin hindi lamang sa mga taga-Carinay kundi maging sa mga taga-Sitio Tabuan at baran-

Botika para sa Sitio Carinay, binuksan na

Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa bakuran o backyard farming bilang alternatibong pagkakakitaan ng mga residente ng New Carinay Housing Project. Namigay ang A1E at ang Lokal na Kagawaran ng Agrikultura (Municipal Agricul-turalOfficeoMAO)ngmgabinhinggulaygayangmustasa,pechay,pipino,kamatis,patola,upoatlabanossabawatbahay. Ang iba ay naengganyo din na magdagdag ng iba pang pananim gaya ng okra, talong at ng iba pang gumagapang na gulay kagaya ng talbos at kalabasa. Bukod sa pananim na gulay ay nagbigay din ang kumpanya ng organikong pataba upang masiguro na maganda at maayos ang kalidad ng anihing gulay ng mga residente. Malaking tulong ang gulayan sa bakuran sapagkat natutugunan nito ang problema sa kalusugan, nakakapagbigay ng masustansyang pagkain at nagsisilbing karagdagang kita para sa mga pamilya. Sa patuloy na pagtutulungan ng New Carinay Homeowners’ Association, Inc. (NCHOA) at A1E ay unti-unting nababago ang pamumuhay at pananaw ng mga tao sa Sitio Carinay.

Gulayan sa bakuran para sa mga residente ng New Carinay

gay Villa Ilaya. Maaring mabili sa botika ang mga bitamina, gamot sa ubo, lagnat, sipon, at iba pang over-the-counter na gamot o iyong mga gamot na hindi nangangailangan ng reseta mula sa doktor. Lahat ng kikitain mula sa botika ay ipam-bibili muli ng gamot hanggang sa ito ay kanil-ang mapalago. Ang pamamalakad ng botika ay nasa ilalim ng opisyales NCHOA na pat-uloy ding ginagabayan ng A1E upang mag-ing matatag at independyente sa hinaharap. Patuloy ang pag-alalay ng A1E sa NCHOA upang masiguro na mapapalakad ng maayos ang lahat ng kanilang nasim-ulang negosyo. Isa lamang ang botikang ito sa mga negosyo na nasimulan na sa Carinay tulad ng catering, maliliit na konstruksyon, nursery at masahe. Sa loob ng isang taon ay nararamdaman na ng mga residente sa pa-bahay ng A1E ay pagkalinga ng kumpanya at sila ay nagpapasalamat at nakikiusap na hanggang sa makaya na nila ay lagi sana sil-ang gabayan.

Masayang pagtanggap at taos-pusong pasasalamat ang ipinaramdam ng New Carinay Homeowners Association, Inc. Officers sa pangunguna ni G. Manuel Trapalgar- pangulo (gitna) kay Cynthia Pardo-A1E External Affairs Man-ager (pang-apat mula sa kanan pakaliwa) para sa mga gamot na pang negosyo at dagdag kita ng Asosasyon.

Mga residente ng NCHOA na sina Asuncion Tripulca (kaliwa) at Adriano Mirandilla (kanan) habang namumuti ng kanilang itinanim na upo sa kanilang gulayan.

Page 4: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 4

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental ang mga residente ng barangay Villa Ilaya, Villa Ibaba at Caridad Ilaya noong ika-25 ng Mayo. Ginanap ang aktibidad sa mababang paaralan ng Caridad Ilaya. Umabot sa 184 ang kabuuan ng pasyente sa na-karaang libreng gamutan na binubuo ng 76 pasyente sa medikal at 108 sa dental.

Mga residente naserbisyuhan ng libreng medikal at dental ng A1E

Muling dinagsa ng mga kabataang lalaki na may edad na walong ta-ong gulang pataas ang programang “Operation Tule” noong ika-18 ng Mayo 2018. Ito ay pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) ng lokal na pamahalaan ng Atimonan, Atimonan One Energy, Inc. (A1E), Leon Guinto Memorial College (LGMC) Alumni at grupong medikal buhat sa opisina Pangalawang Punumbayan ng Marikina City. Ang nasabing maghapong pagtutule na isinasagawa taun-taon ay ginanap sa gymnasium ng LGMC kung saan umabot sa 141 na bilang ng ka-bataan buhat sa iba’t-ibang barangay ang nakinabang sa libreng programa. Malaki ang pasasalamat ng mga magulang at ng mga bata dahil malaki ang natipid nila at hindi na kinailangan gumastos para sa ligtas na operasyon at kailangang gamot. Ang pagtutule sa mga lalaki ay ginagawa sa pagpapanatili ng pansar-iling kalinisan (personal hygiene), maiwasan ang posibilidad na magkaroon ng impkesyon sa daluyan ng pag-ihi at iba pang kondisyong medikal. Inaasahang magpapatuloy sa mga susunod pang mga taon ang ka-

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinalawig ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) ang serbisyong den-tal na kung saan dinayo ng mga boluntaryong dentista ang bilangguan ng bayan upang magbigay serbisyo sa sampung bilanggo na nais

pit-kamay na pakikipag-ugnayan ng A1E sa iba pang sangay ng gobyerno maging sa mga pribadong sektor upang makapag-bigay ng libreng serbisyong medikal sa bayan ng Atimonan.

Proyektong libreng Tule, muling isinagawa sa Atimonan

Maingat na inooperahan ng mga bulontaryong doktor mula sa Marikina ang mga kabataan na sumasailalim sa libreng tuli ngayong bakasyon katulong ang mga staff ng RHU ng Atimonan.

Masusing tinatanung ni Dr. Richard Argulla ang mga nararamdaman ng isang na-katatandang mamamayan na galing Brgy. Caridad Ilaya upang malapatan ito ng kaukulang lunas.

Binunutan ng ngipin ni Dra. Cherry Tan ang isa sa nakatatandang mamamayan ng Villa Ibaba

Maingat na binubunutan ni Dra. Aurea Pacheco(kaliwa) at Dr. Alma Conti ang mga bilango sa piitan ng Atimonan.

magpabunot ng ngipin. Iba’t-ibang klase ng gamot sa medikal at den-tal kasama ang mga bitamina ang libreng ibinigay ng A1E sa tulong ng mga boluntaryong nurses buhat sa Atimonan Rural Health Unit (RHU).

Muling kasama ng A1E sa proyek-to ang mga kawani ng RHU sa pan-gunguna ni Dr. Richard Argulla, mga boluntaryong dentista buhat sa Lopez, Quezon na kinabibilangan nina Dr. Cherry Tan, Dr. Aurea Pacheco at Dr. Victoria Alma Conti, barangay nutri-tion scholars at barangay health work-ers. Naging katuwang din ang Sang-guniang Barangay ng Caridad Ilaya na naging punong-abala naman sa pagha-handa at kaayusan ng lugar.

Matatandaang ang libreng serbisyong medikal at dental na ito ay inilunsad ng A1E noong taong 2014 at dalawang beses sa isang taon ito ginagawa. Ito ay naglalayon na makatulong sa mga mahihirap na mamamayan ng Atimonan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng medikal na konsultasyon, pabunot ng ngipin at pagbibigay ng libreng gamot at bitamina.

Naglaan rin ang A1E ng libreng sakay sa bangka buhat sa Villa Ilaya upang makasiguro na makakapunta ang mga residente nito na magpapa-tingin sa kalagayan ng kanilang kalusugan at mag-papabunot ng ngipin. Inaasahan ang susunod na libreng gamutan sa Nobyembre para sa mga residente ng mga na-sambit na barangay. Ang serbisyong ito ay nagpapakita lamang na laging bukas ang A1E sa pagtulong at pagka-linga sa mga Atimonanin lalo’t higit sa mga bata at

matatanda na nangangailangan ng atensyong medikal at dental. Ang proyektong ito ay bahagi rin ng programa ng A1E na naglalayon na masigurong maayos ang kalusugan ng mga resi-dente ng mga komunidad sa lugar kung saan ito magtatayo ng planta ng kuryente.

Page 5: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 5

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Halos 600 katao ang boluntaryong nakiisa sa isang malawakang paglilinis ng lahat ng baybayin na nasasakupan ng Atimonan noong ika-8 at ika-9 ng Mayo, isang aktibidad na isinagawa taun-taon upang ipagdiwang ang World Oceans Day. Tinatayang 12-kilometro ang haba ng baybayin na nasakop ng dalawang araw na paglilinis kung saan 151 na sako o 1,760 kilo ng basura ang nakolekta sa baybayin. Lahat ng barangay na nasa tabing dagat tulad ng

Sama-samang paglilinis sa baybayin ng Atimonan bilang paggunita sa World Oceans DayBrgy. Lumutan, Buhangin, Balubad, Angeles, Zone 1-Pobla-cion, Zone – II Poblacion, Zone – III Poblacion, Caridad Ibaba at Caridad Ilaya. ItinaponsasanitarylandfillsaBarangayInaclaganangmga basurang napulot na kinabibilangan ng 15 hanggang 20 toneladang bunot, siit ng kawayan, damo na galing sa dagat at mga bulok na kahoy ang itinapon at ibinaon din dito. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Atimonan One Energy, Inc.(A1E) at Municipal Environment and Natu-ralResourcesOffice(MENRO)ngAtimonan. Umabot ng 587 ang kabuuang bilang ng mga nag-bu-luntaryong sumama galing sa ibat ibang NGOs, bumbero, empleyado ng munisipyo, opisyales ng barangay, Sangguniang Bayan at ng iba pang ahensya at residente ng bayan. Ang paglilinis ng tabing dagat ay palagiang ginagawa ng A1E sapa-gkat isa ito sa pangu-nahing pro-grama ng Corporate Social Re-sponsibility (CSR).

Tuluy-tuloy ang serbisyong ipinagkakaloob ng Atimonan One Energy, Inc (A1E) sa komunidad matapos ilunsad nito ang pagsasanay sa tradisyunal na paghihilot o “Massage / Hilot Wellness NCII” noong Hunyo 19. Mayroong 20 residente mula sa barangay Caridad Ilaya, Villa Ilaya at Sitio Tabuan at Carinay ng Villa Ibaba ang sumailalim sa 10 araw na pagsasanay sa pakikipagtulungan ng College of Sci-ence Technology and Communication Inc. (CSTC). Ang pagsasanay na ginawa sa New Carinay Multipurpose Hall ay naglalayong maipaunawa ang kahalagahan at tamang

paraan ng paghihilot. Ang mga nakiisa ay tinuruan din ng tamang pagkuha ng blood pressure na un-ang hakbang bago isagawa ang paghihilot. Umabot sa 38 na aplikante buhat sa mga nabanggit na mga barangay ang dumaan sa isang pagsusulit na ibinigay ng CSTC upang masubok ang kanilang pangkalahatang kaalaman. Matapos nito ay personal na kinapanayam ng pangkat ng A1E-Corporate Social Responsibility (CSR) ang mga nakapasa at pumili ng tig-lilimang pinaka-mataas na grado sa bawat barangay para sa aktu- wal na pagsasanay. Tinutulungan ng A1E sa pag-oorganisa at pagpapa-rehistro ng samahan ang mga mag-sisipagtapos upang kilalaning mga lehitimo at propesyunal na massage therapists sa bayan ng Ati-monan. Nakatanggap ang bawat isa ng training kit buhat sa A1E na naglalaman ng bath towel, hand tow-el, face towel, alcohol at massage oil na magagamit nila sa pagsisimula ng kanilang bagong propesyon. Ang proyekto ay parte ng programang pang-kabuhay ng A1E na naglalayong makatulong sa pagtataguyod ng mga pangangailangan ng kanil-ang pamilya at pagbabago sa antas ng buhay ng mga taga Atimonan.

Programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng paghihilot o pagmamasahe

Ipinapakita ng mga empleyado ng Atimonan One Energy na kanilang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng palagian paglilinis ng kapaligiran at pagsali sa ibat-ibang aktibidad para sa kalikasan

Kakibat sa mga programang pangkalikasan ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng mamamayan sa iba’t-ibang Barangay ng Atimonan

Masusing na itinuturo ni Maam Analyn Aguilan, CSTC Massage Trainor, (gitna na nakatayo) sa mga nagsasanay ang tamang proseso at kasanayan sa paghihilot upang hindi ito makasama sa mga kustomer.

Page 6: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 6

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Naging kabahagi ang Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa paglulunsad ng Brigada Eskwela noong ika-28 ng Mayo hang-gang ika-2 ng Hunyo taong 2018. Pinangunahan ng Parent and Teachers Association (PTA) ng Atimonan National Compre-hensive High School (ANCHS) ang nasabing programa kung

Taunang Brigada Eskwela sa Atimonan National Comprehensive High School, sinuportahan ng A1E

Pito (7) pang karagdagang barangay sa bayan ng Ati-monan ang tumanggap ng donasyong canopy tents mula sa Ati-monan One Energy, Inc. (A1E) noong ika-12 ng Abril. Ang mga benepisyaryo ay ang barangay Inaclagan, Kilait, San An-dres Bundok, Matanag, Kulawit, Habingan at Inalig. Mayroon nang 35 na canopy tents na naipamigay ang A1E sa nakalipas na dalawang taon. Ang mga canopy tents na ito ay gawa ng mga lokal na manggagawa sa Atimonan. Ang proyektong ito ay bunsod ng kahilingan ng pam-bayang pederasyon ng liga ng mga barangay na mabigyan sila ng tig-iisang canopy tent upang magamit sa kani-kanilang barangay tuwing may mga okasyon, pagdiriwang at mga pag-pupulong. Maaari din nila itong pagkakitaan sa pamamagitan ng pagpapa-upa sa mga pribadong tao o organisasyon.

Upang patuloy na makapagbigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa mga pasahero buhat o patungo sa kalapit na isla ng Alabat, Perez at Quezon Quezon, 20 na bagong upuan ang ipinagkaloob ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa Atimonan Port Management Of-fice(PMO)noongika-21ngMayo.Angproyektongitoay tutugon sa dumadaming bilang ng mga pasahero lalo na kung mga espesyal na araw o mahabang bakasyon. Malaking tulong ang mga upuang ito upang maging mas komportable ang mga pasahero habang sila ay naghihin-tay ng pag-alis o dating ng bangka.

Canopy Tents para sa barangay, nakumpleto na

saan nagkaloob ang A1E sa ANCHS ng mga matery-ales na makakatulong sa pagsasaayos ng pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa napipintong pagbab-alik-eskwela. Ilan sa mga ibinigay na materyales ay 10 galon na puting pintura, 10 sako ng semento at mga iba pang mga gamit sa pagpipintura. Ang aktibidad ay sinimulan ng isang parada na aktibong nilahukan ng mga magulang, mag-aaral, guro at miyembro ng mga grupong sibiko at organi-sasyon. Nagkaroon din ng maikling palatuntunan sa nabanggit na paaralan upang bigyang diin ang impor-tansya at diwa ng bayanihan sa paaralan. Layunin ng Brigada Eskwela na matiyak na ma-giging maayos at ligtas ang pagbubukas ng klase, sa pamamagitan nang paglilinis sa kapaligiran, pagkum-puni sa mga gamit at mga pagsasaayos ng mga pasil-idad ng bawat paaralan. Ang ANCHS ay binubuo ng humigit kumulang na 2,900 na estudyante. Ang briga-da eskwela ngayong taon ay may temang “Pagkakaisa para sa Handa, Ligtas at Matatag na Paaralan tungo sa Magandang Kinabukasan”.

Makikita sa mukha ang kagalakan ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Ina-clagan habang dali-dali sila sa pagbuo ng bagong-bago na canopy tent galing sa Atimonan One Energy.

Lubos ang pasasalamat ng mga guro ng ANCHS sa pangunguna ng kanilang punong-guro sa mga ma-teryales na ibinigay ng Atimonan One Energy bilang pagsuporta sa taunan Brigada Eskwela, kasama din sa larawan sina Patrick Collantes-A1E CSR Assistant; Dr. Jessie Quesea-Punong-guro; Rowe-na Tanyang-Guro; Cynthia Pardo-A1E External Affairs Manager; Jester Querubin-CSR Officer; Mercedes Infante-Guro; Reynante Velasco-Guro; at Aldred Arandella-Guro (mula kaliwa pakanan)

Port Management Office nakatanggap ng 20 bagong upuan mula sa A1E

Kumportableng ginagamit ng mga pasahero ang mga ibinigay na upuan ng A1E sa PMO-Atimonan

Page 7: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 7

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Mga donasyon ng A1E mula Abril hanggang Hunyo

Nagpakita ng pagsuporta ang Atimonan One Energy, Inc (A1E) sa katatapos na prestihiy-osong kumpetisyon na bahagi ng “Aliwan Fiesta” na ginanap noong ika-28 ng Abril. Dalawang bayan mula sa probinsya ng Quezon – ang Atimonan at Dolores ang nabigyan ng pagkakataon na maipakita ang ningning ng kani-kanilang kultura. Ibinida ng Atimonan ang ipinagmamalaking “Tagultol Fishing Festival”,“Atimonan Float” at ang “Mutya ng Atimonan” na rumampa sa Reyna ng Ali-wan. Ang taunang patimpalak na ito ay ay ginanap sa CCP Complex sa Pasay City at nilahukan ng labing anim (16) na piling siyudad at munisipalidad buhat sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng lokal na pamahalaan na lumahok sa ganitong kalaking pa-timpalak upang maipakita ang angking ganda at ya-

A1E nakiisa sa Aliwan Fiesta; mga Atimonanin, ibinida ang Tagultol Fishing Festival

Lumutang ang kagandahan ng “Atimonan Float” sa iba pang kalahok dahil sa tingkad ng kulay at tila nasa dagat na tema nito, idinagdag pa ang kagandahan ng Mutya ng Atimonan na si Rhadel Berbon na nakasakay sa itaas nito.

man ng kultura ng bayan ng Atimonan. Naging saksi sa pagpapamalas ng kulturang Atimonanin ang mga empleyado ng A1E na nagbigay ng moral na suporta sa mga kalahok. Nagbigay rin ng tulong ang A1E sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain para sa mga residente ng Atimonan na lumahok sa tatlong araw na kompetisyon.

Barangay/Organisasyon Aktibidad/Gawain Donasyon PetsaNew Carinay, Brgy. Villa Ibaba Botika sa Carinay Medicines for "Botika sa Carinay", and One (1) 4 Drawer

Plastic Cabinet April 04, 2018

Brgy. Caridad Ibaba Barangay Assembly Meeting 3 (5kg) Sacks of Rice April 07, 2018Brgy. Zone III-Poblacion Barangay Assembly Meeting 2 (5kg) Sacks of Rice April 09, 2018

Brgy. Sokol, Brgy. San Jose Balatok Barangay Assembly Meeting 3 (5kg) Sacks of Rice April 10, 2018

Municipal of Atimonan Atimonan Basketball League Electronic Scoreboard and Buzzer April 10, 2018

Brgy. Manggalayan Bundok Barangay Assembly Meeting 3 (5kg) Sacks of Rice April 11, 2018Brgy. San Jose Balatok, Brgy. Kulawit, Brgy. Matanag, Brgy.

Inalig, Brgy. Habingan, Brgy. Kilait and Brgy. Inaglagan. Donation of Canopy Tent One (1) Set of Large Canopy Tent April 12, 2018

Brgy. Sapaan Barangay Assembly Meeting 3 (5kg) Sacks of Rice April 14, 2018Brgy. Villa Ibaba Barangay Villa Ibaba Feeding Program Graduation Medicines (Vitamins for Children) April 16, 2018Brgy. Villa Ibaba Barangay Basketball League One (1) Basketball April 20, 2018

Municipal of Atimonan Aliwan Festival 2018 Meals for Participants during rehearsals April 26-28, 2018Brgy. Malinao Ilaya 50th Golden Anniversary of Our Lady of Lourdes Parish Rental of Sound System with LED Screens May 04, 2018

Brgy. Villa Ilaya Barangay Fiesta "Sayawan" Seventy (70) Boxes of Assorted Juice, and One (1) Cannister of Sandwich Spread May 09, 2018

Municipal Health Office of Atimonan Operation Tuli Room Accomodation for 30 Makati Medical Team May 17-18, 2018Port Management Office (PMO)/ LGU-Atimonan Bench Chairs for Atimonan Port Area Twenty (20) Sets of Cofta White Bench May 21, 2018

Brgy. Villa Ibaba Barangay Fiesta "Amateur Singing, Basketball, and Muse Contest"

1. 5 pcs Fiber Glass Basketball Trophies Size 182. 5 pcs. 2L Ordinary Trophies 18"3. 5 pcs. 2L Ordinary Trophies 16"4. 5 pcs. DR Size 3 MVP Trophies

5. 1 pc Fiber Glass Trophy Size 16 for Muse6. 3 pcs. Fiber Glass Trophies Size 16 for Signing Contest

May 22, 2018

SB of Villa Ibaba Brgy. Villa Ibaba Rental of Sound System May 22-23, 2018Brgy. Villa Ibaba Barangay Fiesta "Sayawan" Merienda for 500 Pax May 23, 2018

Atimonan National Comprehensive High School (ANCHS) Brigada Eskwela 2018

1. Twenty (20) Gallons of White Paint for Cement2. Ten (10) Bags of Fortune Cement

3. Ten (10) Pcs. Paint Rollers4. Five (5) Roller Tray

5. Ten (10) Pcs. Paint Brush

May 28, 2018

MSK of Brgy. Villa Ibaba Metal Grills for NCHOA Chapel Installation of Metal Grills Door and Windows for NCHOA Chapel May 29, 2018

4L (Local Lady Legislators' League) Atimonan Chapter Lakbay Aral Two (2) Van Service June 04, 2018MENRO Atimonan World Environment Day "Coastal Clean-up" Assorted Bread and Beverage for 1000 participants June 08-09, 2018

Sitio Halupag, Brgy. Villa Ilaya Sitio Barangay Fiesta 30 Boxes of Juice (10 pcs each) and 1 Box of Bingo Cookies (300 pcs) June 11, 2018

New Carinay Home Owners Association NCHOA 1st General Assembly Assorted Beverage and Biscuits for 150 Participants June 18, 2018

Page 8: Isang Tinig - atimonan1energy.ph · Noong ika-7 ng Marso, ika-isang taon ng paglipat sa pabahay ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), inilunsad ng kumpanya ang programang gulayan sa

Isang Tinig 8

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

Responsableng anak, mapagmahal na asawa at mapagka-lingang ina, maka-Diyos, mabuting kaibigan at masipag na ilaw ng tahanan, ilan lamang ito sa paglalarawan kay “Mommy” na kung turan ng karamihan sa komunidad ng New Carinay. Siya si Margarita Ortiz Trapalgar. Ipinanganak noong Nobyembre 17, 1950, pangatlo sa anim na magkakapatid at anak ng namayapang sina Aurea Graniel at Faustino Ortiz. Si Mommy ay tubong Ati-monan at likas na taga Sitio Carinay, Villa Ibaba. Pangarap niyang maging guro ngunit siya ay hindi nakat-apos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng buhay. Katuwang ang kanyang asawang si Eduardo, sila ay nagsumikap sa buhay sa pamamagitan ng paglulukad o pag-kokopra, pangingisda at pag-sasasaka na pangunahing pinagkukunan nila ng pang araw-araw na gastusin. Sila ay nagsumikap upang palakihin ng maayos ang kanilang mga anak na sina Edmar Trapalgar, Maria Fe Amador, Norabel Cortez at Oddesa Saniel. Dahil sa kahirapan, si Mommy ay nagpunta sa ibang bansa

Si “Mommy” at ang kuwento ng kanyang sipag at tiyaganoong taong 1993. Dalawampung taon siyang nama-sukan bilang kasambahay sa Hong Kong. Bunga ng kanyang pagsisikap, nakapagpundar siya noon ng isang pampasaherong jeep at sariling bangka ngunit ang mga ito ay naipagbenta din kalaunan. Nakabili din siya ng lupain na pinatamnan niya ng mga puno ng niyog na ngayon ay kanila nang napapakinaban-gan. Sa kasalukuyan, tatlo sa kanyang mga anak na babae ay nagtatrabaho na din sa Hong Kong. Likas na masipag at mahilig sa paghahalaman, si Mommy. Siya din ang nagmamay-ari ng pinakama-gandang taniman ng sitaw sa New Carinay Livelihood Area. Tuwing ikalawang araw ay umaani siya ng nasa 30 hanggang 50 tali ng sitaw na kanyang dinadala sa mga kalapit-barangay at naibebenta niya sa halagang tatlo hanggang limandaang piso. Bukod pa dito, hilig din niya ang pananahi ng damit at gamit na gawang kamay. Mahilig din siyang kumanta at sumayaw na kanyang tanging libangan. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kalagayan ng kanilang buhay. Ayon sa kanya: “Maging masaya lang sa bawat ginagawa at gawin ng may kagalakan at pagmamahal, nakatitiyak na ang tatamuhin ay kaganapan ng matiwasay na buhay.” Ito si Mommy... isang huwarang ina, masipag at mabuting halimbawa sa mga kabataan at sa kanyang kapwa magulang. Isang patotoo sa buong komunidad na ang pagsisikap at pagtitiyaga ay nagbubunga ng kaginhawaan sa buhay. Dalawang bagay lamang ang kanyang sikreto upang makamit ang mga bagay na kanyang tinatamasa sa ngayon at nais niyang ibahagi sa marami, ito ay ang sipag at tiyaga. Si Mommy o Gng. Trapalgar ay kasama sa mga nabigyan ng sariling bahay ng Atimonan One Energy sa New Carinay.

Larawan ng masayang pagsasama habang-buhay sa hirap at ginhawa ng mag-asawang sina Gng. Mar-garita “mommy” Trapalgar at G. Eduardo Trapalgar.

Word Search Puzzle by Gefford Asidera Bagong pamunuan ng MMT inorganisa Nagkaroon ng pagre-organisa ang bagong miyembro sa pangkat ng Mu-ti-Partite Monitoring (MMT) na pinangu-nahan ng grupo ng Health, Safety and Environment (HSE) ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa pangunguna ni Engr. Gefford Asidera noong ika 28-29 ng Mayo, sa Playa de Lu-cia Hotel, Brgy. Balubad, Atimonan, Quezon. Ang pag-reoganisang ito ay batay sa DENR Administrative Order 2017-15 na kung saan ang walong pangunahing mi-yembro ay kinabibilangan ni Ms. Rita Chavez ng Municipal Environment and Natural ResourcesOffice,Dr.RichardArgulla ngRuralHealthUnit, JhonnyAmbon angBrgy. Chairman ng Villa Ibaba, Letty Abella ng Department of Energy, Demosthenes Hernandez ng Municipal Agricultural and Fishery Council, Ms. Aurea A. Mendoza ng Women’s Sector kinatawanan ni Roceliza Uy, Arnel J. Gunio ng Philippine Coast Guard at Academe Sector.