57
Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.] Written by Philippine Communist Party (PKP-1930) Sunday, 27 January 2013 15:25 - Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930)            Enero 2013 ____________________________________________________________________________ ___________________________________________ Website : www.pkp1930.com E-mail address : [email protected]  CONTENTS OF THE JANUARY 2013 ISSUE OF SULONG ! (Forward !), THE MONTHLY ORGAN OF THE PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930, THE PHILIPPINE COMMUNIST PARTY) 1 / 57

Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930)            Enero 2013

_______________________________________________________________________________________________________________________

Website : www.pkp1930.com E-mail address : [email protected]

 

CONTENTS OF THE JANUARY 2013 ISSUE OF SULONG ! (Forward !),

THE  MONTHLY  ORGAN  OF  THE  PARTIDO  KOMUNISTA NG  PILIPINAS

(PKP-1930, THE PHILIPPINE COMMUNIST PARTY)

1 / 57

Page 2: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

1. Patindihin ang Pakikibaka Laban sa Visiting Forces Agreement (VFA) at sa Mutual

Defense Treaty (MDT) !

2. Pagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga Magsasaka,

Mangingisda at Manggagawa sa Agrikultura (AMMMA).  

3. Mass Murders --- Isang Aspeto ng Kultura ng Karahasan sa USA.

4. PKP-1930 Greetings on the 54th Anniversary of the Triumph of the Cuban

Revolution.

5. Political Statement on the Way Out of the Euro, the NATO and the EU.

2 / 57

Page 3: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

6. Statement in Solidarity with Kuwaiti Detainees.

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

PATINDIHIN ANG PAKIKIBAKA LABAN SA VISITING FORCES

AGREEMENT (VFA) AT MUTUAL DEFENSE TREATY (MDT) !

Ang pagsadsad nitong Enero 17 sa Tubbataha Reef marine sanctuary ng US Navyminesweeper na USS “Guardian”, at ang lumilitaw na paggamit ng USA ng mga “drones”(unmanned airborne vehicles) sa ilang bahagi ng ating bansa, ay dagdag na mgakatwiran para sa agarang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) na inaprobahan

3 / 57

Page 4: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

ng rehimeng Erap noong Pebrero 1998, at sa Mutual Defense Treaty (MDT) na inaprobahan ng rehimeng Quirino noon pang Agosto 1951.

Ang Tubbataha Reef National Marine Park, na bahagi ng lalawigan ng Palawan, ay isangprotected area na kabilang sa pandaigdigang Natural Heritage Sites na kinikilala ng UNEducational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Ito’y pinarangalan ngUNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang Asya na mahalaga parasa pandaigdigang bio-diversity. Ito ay sanctuary ng napakaraming uri ng mga isda atibon na hindi makikita sa ibang mga lugar sa Pilipinas o maging sa iba pang islandnations.

Bilang isa sa pinaka-produktibong coral reefs sa mundo, ang marine park na ito angpinagmumulan ng mga binhi ng corals na likas na naitatanim sa Silangang Palawan, saKanlurang Mindanao, Kanlurang Negros, Kanlurang Panay, at sa mga isla ng Sulu atTawi-Tawi. Ang Tubbataha kung gayon ay susi sa patuloy na pagiging produktibo ngSulu Sea, at sa pagbibigay ng kabuhayan sa milyun-milyong kababayan natin nanakasalalay at umaasa sa Sulu Sea bilang pangunahing pinanggagalingan ng pagkain atkabuhayan.

Pagsadsad ng USS Guardian

4 / 57

Page 5: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

sa South Atoll ng Tubbataha

Ang Tubbataha marine park ay may kabuuang lawak na 33,000-ektarya, at nasakalagitnaan ng Sulu Sea na nasa pagitan ng mga isla ng Palawan, Mindanao, Negros atPanay. Ang Tubbataha ay nasa layong mga 640-kilometro sa Timog-Kanluran ng Maynila.Mayroon itong 2 pangunahing coral atolls na may mga wawa (lagoons) sa gitna, at angmga lagoons na ito ay gumaganap na mga sanctuaries ng ibat-ibang uri ng mga isdahabang maliliit pa lamang sila.

Ang North Atoll ay may haba na 16-km at lapad na 3-km, at sa katimugang dulo nito aynakatayo ang isang ranger station para sa mga nagbabantay sa marine park na ito. AngSouth Atoll naman ay may haba na 5-km at lapad na 3-km, at may parola (lighthouse) nanakatayo sa katimugang dulo nito.

Ang 2 pangunahing coral atolls na ito ay malinaw na nakaguhit sa mga maritime maps, atmaging sa maraming mga ordinaryong mga mapa, kayat nakapagtataka kung bakitpumunta at sumadsad rito ang USS Guardian. Ang Tubbataha ay malayo sa mgadesignated sea-lanes na pwedeng daanan ng mga barko. Sa kabila ng mga babala naipinaabot ng ranger station, at sa kabila ng malinaw na babala na ipinapahiwatig ngparola (lighthouse), ang USS Guardian ay sumadsad sa hilagang bahagi ng South Atoll,o halos sa pagitan ng ranger station at ng parola, noong madaling-araw nitong Enero 17.

5 / 57

Page 6: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang USS Guardian, na inilunsad noon pang 1990 at nagkakahalaga daw ng $277-Milyon,ay bahagi ng US 7th Fleet na naka-base sa Pearl Harbor sa Hawaii. Ito ay may haba na68-metro, may bigat na 1,300-tonelada, at may 79 na tripulanteng masasabingtatanga-tanga. Sa kabila kasi ng pagiging isang minesweeper na ang pangunahinggawain ay ang paghanap sa mga mines (mga nakalutang at nakalubog na mga patibongna pampasabog sa mga barko), hindi daw nakita ng mga tauhan nito ang Tubbatahacoral reefs !

Dahil daw sa “faulty digital nautical charts” ng US Navy, nagkamali daw ang navigatorsnito sa pag-aakala na nasa layong 8 nautical miles pa ang barko mula sa Tubbataha. Angsabi naman ng opisina ni Vice-Admiral Scott Swift, hepe ng US 7th Fleet na may kontrolsa mga 70 barkong pandigma ng USA sa Asya-Pasipiko, tinangay daw kasi ang USSGuardian ng malalakas na agos (“strong currents”) papunta sa pinag-sadsaran nito.

Ngunit ang Tubbataha ay malayo nga sa mga designated sea-lanes, at hindi dapatdumaan rito ang mga barko, lalo na ang isang barkong pandigma. (Ang binibigyanlamang ng natatanging pahintulot sa pagpasok rito ay mga maliliit na barkong maykinalaman sa ecology research at tourism.) Ang USS Guardian ay naglalayag noongaling sa Subic Bay at papunta daw sa Indonesia at Timor Leste para sa isang “trainingexercise”. Sang-ayon sa Protected Area Management Board ng Tubbataha, kinontak ngkanilang ranger station sa North Atoll ang USS Guardian upang balaan ito na bawalpumasok at dumaan sa Tubbataha, at ang barko ay nalalapit na sa South Atoll. Ngunitang kanilang babala ay binale-wala ng kapitan ng barko, na nagsabi na kung mayroongangal sa kanilang pagdaan doon ay ipaalam na lang ito sa US embassy sa Maynila.

Nang makita ng mga park rangers na sumadsad ang barkong ito sa South Atoll, ginamitnila ang kanilang patrol boat upang siyasatin ang naging sira sa barko at angpagkawasak sa coral reef, ngunit sila’y inumangan ng mga armadong US navymen at

6 / 57

Page 7: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

pinalayo mula sa USS Guardian. Sa ngayon, ang USS Guardian ay binabantayan ngisang US navy task force na binubuo ng destroyer na USS “Mustin” at ilang supportvessels, at pinangungunahan ni Rear Admiral Thomas Carney. Ang USS Guardian ayunti-unting babaklasin daw ng Smit Salvage Company ng Singapore, na kinontrata ng USNavy para sa “recovery operations” na tinatayang tatagal hanggang Disyembre 2013.

Pangwawasak at Pandaramay --- Laging

Hatid ng mga “Dumadalaw” na Puwersang Kano

Hanggang sa matapos ang pagbaklas sa USS Guardian sa pagtatapos ng taong ito ayhigit pang pagkasira ang maidudulot ng sumadsad na barkong ito sa Tubbataha, lalo nakung hindi mapipigilan ang pagtagas ng krudo, langis at iba pang delikadong bagay nadala nito. Ang ganitong pagkasira ng ating kalikasan ay katulad rin ng idinudulot ng mgalive-fire military exercises na isinasagawa ng mga puwersang Kano sa ibat-ibang bahaging ating bansa, tuwing magsasagawa sila ng “Balikatan”, “Carat” at iba pang mgamilitary exercises.

Higit pa rito, sa Tubbataha ay nananatili rin ngayon ang panganib ng isang aksidentengpagsabog ng mga torpedoes at depth charges na laging dala ng isang minesweepertulad ng USS Guardian. At dahil sa pagpasok sa eksena ng destroyer na USS Mustin atilan pang support vessels ng US navy, higit na malaking panganib ng aksidenteng militar

7 / 57

Page 8: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

(at maging aksidenteng nukleyar, kung may dalang ganitong mga armas ang USSMustin) ang kinakaharap ng ating bansa at sambayanan.

Ang insidenteng ito ay isa na namang leksiyon sa atin na habang nagpapatuloy ang“pagdalaw” sa Pilipinas ng mga barko at puwersang pandigma ng USA, patuloy ringmahaharap ang ating bansa at sambayanan sa mga panganib ng aksidenteng militar oaksidenteng nukleyar. Dapat rin nating pansinin na ang pangyayaring ito sa Tubbatahaay may kaugnayan sa lumalaking presencia sa ating bansa ng mga pwersang Kano,kasunod ng bagong “pivot” o bagong-pagtutuon ng mga pwersang Kano sa rehiyon ngAsya-Pasipiko.

Ang pagdalas ng “pagdalaw” sa Pilipinas ng mga barko at puwersang pandigma ng USAay may kinalaman sa bagong istratehiya ng pakikipag-komprontasyon ng USA sa Tsina.Kung magkaroon ng biglaang sagupaan sa pagitan ng USA at Tsina, ang ating bansa aymadadamay at magiging isang larangan ng kanilang labanan dahil sa pamamalagi rito ngmga puwersang Kano.

Ang pakikipag-komprontasyon ng USA sa Tsina ay may kinalaman rin sa pagnanais ngUSA na makontrol ang mga yaman sa kanlurang karagatan ng Pilipinas (na inaangkin rinng Tsina), at gayundin ang mga yaman sa Sulu Sea. Hindi nakapagtataka kung angpagdaan ng USS Guardian sa Sulu Sea ay ginamit rin sa pag-survey (pagtukoy opagtuklas) sa oil resources at iba pang likas na yaman na gustong kontrolin ng mgaKano sa karagatang iyon.

8 / 57

Page 9: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

“Drone War” ng USA :

Nasa Pilipinas na rin.

Nitong Enero 7 ay may natagpuan ang mga mangingisda na kanilang inakalang isangmalaking bomba (na 12-talampakan ang haba) malapit sa dalampasigan ng Ticao Islandsa Masbate. Iyon pala ay isang US drone (unmanned aerial vehicle). Sang-ayon satagapagsalita ng US embassy sa Maynila na si Bettina Malone, ang natagpuan daw ayisang “expended” o gamit nang BQM-74E “Chukar-III” type ng target drone na napadpadlamang daw sa karagatan ng Pilipinas.

Iyon daw ay inilunsad ng US navy ship na USS “Chafee”, isang guided-missile destroyer,noong Setyembre 19, 2012 pa, nang isagawa ang “Valiant Shield” missile target militaryexercise sa Guam. Ang gayong tipo daw ng drone ay ginagamit lang bilang target ngmissiles ; iyon daw ay hindi isang attack drone kaya wala siyang dalang armas, at hindihindi rin daw ito isang surveillance drone na ginagamit sa pagmamatyag sa ikinikilos ngmga tao sa isang tukoy na lugar.

Paniwalaan man natin o hindi ang paliwanag ng tagapagsalita ng US embassy,kataka-taka kung paano ang drone na ito na nagmula pa kuno sa Guam ay hindi

9 / 57

Page 10: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

napadpad sa hilagang-silangang baybayin ng Luzon, at kung paano ito lumusot sapagitan ng Sorsogon at Samar upang makapasok sa gitnang bahagi ng ating karagatankung saan naroon ang Ticao Island ng Masbate.

Sang-ayon kasi sa panayam na ibinigay ni PNoy sa Agence France Presse noong Marso2012, kinumpirma niya na pinapayagan ng Pilipinas ang pagpapalipad ng US drones parasa reconnaissance flights sa ibabaw ng ating teritoryo, bagama’t hindi daw pinapayaganang pagsasagawa ng “strikes” o pambobomba rito ng mga drones na ito. Ang mgapuwersang Kano daw kasi ay mga advisers at trainers para sa sandatahang lakas ngPilipinas, at bawal ang pagsangkot ng mga puwersang Kano sa mga combat operationssa Pilipinas.

Gayunpaman, walang guidelines ang operasyon ng mga drones sa ating bansa. Sakatunayan, kung ginagamit ang drones para sa pag-survey sa mga likas na yaman ngating bansa, para sa paniniktik sa ating mga kababayan rito, o kaya’y para sapagpapasabog sa mga itinuturing na kaaway ng USA, ito’y pawang isinasangkalan sakarapatan sa paggamit o “unrestricted movement” sa ating airspace ng mga puwersangKano sa ilalim ng VFA.

Sa ibang bansa tulad ng Iraq, Afghanistan, Pakistan, Yemen at Somalia, walangpatumanggang isinasagawa ng mga Kano ang kanilang “drone war” laban sa mgaitinuturing nilang kaaway. Ang mga drones na lumilipad sa mga bansang iyon aykontrolado ng mga Kanong sundalong technicians mula sa kanilang mga consoles saUSA, at parang pinaglalaruan na lang nila ang buhay ng mga taong sinisipat attina-target nila sa pamamagitan ng drones.

10 / 57

Page 11: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

May mga ulat na ang US “drone war” ay isinasagawa na rin sa Pilipinas. Sa isangartikulo na ipinalabas ng Al Jazeera noong Marso 5, 2012, isinulat nina Akbar Ahmed atFrankie Martin na may isinagawang US drone attack sa Jolo, Sulu, noong Pebrero 2012,na pumatay sa 15 katao. Ang target daw ng US drone attack na iyon ay mga hinihinalangpinuno ng mga teroristang grupong Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah (na orihinal nanaka-base sa Indonesia). May ibang ulat rin na nagsasabi na ang 2 sa napatay sa droneattack na iyon ay sina Umbra Jumdail (alias Dr. Abu, isang pinuno ng grupong AbuSayyaf na kumidnap sa mga turista sa Dos Palmas, Palawan, at Sipadan, Malaysia,noong 2001) at Zulkifli bin Hir (isang pinuno ng Jemaah Islamiyah).

Ngunit sa isang artikulo naman na pinamagatang “The Drone Zone” na lumabas sa NewYork Times noong Hulyo 6, 2012, isinulat ni Mark Mazzetti na noon pang 2006 ay mayisinagawa na raw na drone attack ang mga Kano dito sa Mindanao. Gamit daw ang isang“Predator” drone, pinaulanan daw ng mga “Hellfire” missiles ang isang kagubatan saMindanao kung saan hinihinalang nagtatago ang teroristang Indones na si Umar Patek,ang isa sa mga namuno sa pambobomba sa Bali, Indonesia.

Hindi napatay si Patek sa drone attack na iyon (bagamat siya’y nahuli kalaunan atnahatulan sa Indonesia ng 20-taong pagkabilanggo dahil sa kanyang papel naginampanan sa pambobomba sa Bali). Sang-ayon kay Mazzetti, pinalabas na lang daw naang drone strike na iyon ay bahagi ng isang operasyong militar ng sandatahang lakas ngPilipinas.

11 / 57

Page 12: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang Pagyurak ng VFA at MDT sa

ating Pambansang Soberanya

at Integridad na Pang-teritoryo

Sa lahat ng mga naturan sa itaas, malinaw na ang VFA at MDT ay ginagamit lamang parasa pansariling kapakanan ng Estados Unidos, at bilang isang paraan ng pagyurak saating pambansang soberanya at integridad na pang-teritoryo. Simula pa noong 2002 aylagi nang naka-station (o “bumibisita”) ang mga 600 US special forces, lalo na saMindanao. Bahagi daw ng sinasabing “US global war on terror” ang halos permanentengpamamalagi ng Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) na mga USSpecial Forces sa Mindanao, lalo na sa mga lugar kung saan aktibo ang mga grupongterorista at sesesyonista.

Kaugnay ng VFA, panay rin ang pagdalaw sa ating bansa ng mga barko at eroplanongpandigma ng Kano, na maaaring pagmulan ng mga aksidenteng militar o aksidentengnukleyar. Panay rin ang pagsasagawa ng mga puwersang Kano ng iba’t ibang militaryexercises sa ating teritoryo, na nakasisira lamang sa ating kapaligiran. At dahil sapananatili rito ng mga puwersang Kano, ang ating bansa ay naituturing na kaaway ngmga kalapit na bansang nais i-“contain” ng USA. Ganito ang pangyayari ngayon kungsaan ang Pilipinas ay nakakaladkad sa istratehiyang kontra-Tsina ng imperyalismongKano.

12 / 57

Page 13: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Para sa ating bansa, ang pagtatanggol sa ating pambansang soberanya at integridad napang-teritoryo --- ang pagpawi sa banta ng aksidenteng militar o aksidenteng nukleyar,ang pagpigil sa pagkawasak ng ating kapaligiran, at ang pagtapos sa pangangaladkad saatin ng mga tunguhing militar ng imperyalismong Kano --- ay sa pamamagitan ngagarang pagwawakas sa Visiting Forces Agreement (VFA) at sa Mutual Defense Treaty(MDT).

Sa likod ng malawak na pag-aakala na sa ilalim ng MDT ay tinitiyak ng USA angpagtulong sa Pilipinas kapag tayo’y may katunggali, ito’y hindi totoo. Ito’y ipinakita nanoong magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia hinggil sa Sabah sapag-uumpisa ng dekada ‘60, kung saan ang USA ay pumanig pa sa Malaysia. Sa kabilangdako, ang MDT ay ginamit na pang-puwersa sa Pilipinas na lumahok sa pandirigma ngUSA sa Biyetnam noong pagtatapos ng dekada ’60, at sa pandirigma ng USA sa Iraqnoong 2003. Ang MDT kung gayon ay hindi isang tratadong dedepensa sa atin, at walarin ditong “mutual” na pakinabang ; ito ay isang tratado ng pagkasupapi  osubservience ng Pilipinas sa USA. Ito’y isang tratado ng pandaramay at pangangaladkadsa Pilipinas sa mga pananalakay ng USA sa ating mga kapwa bansa sa Asya.

Sa harap ng kasalukuyang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, hindi maaasahanna makatutulong sa atin ang Estados Unidos sa ilalim ng MDT. Noon pa mang 1950s,kung kailan ang Tsina ay isa pa lamang mahirap na bansa na kalaban ng imperyalismongKano, kinuwestiyon na ni Claro M. Recto at iba pang makabayan kung bakit sa MDT aywalang awtomatikong probisyon ng pagtulong sa atin ang USA kung sakaling tayo aykalabanin ng Tsina. Kung noon pa man ay wala nang ganitong probisyon, maasahan pakaya natin na ang USA ay awtomatikong kakampi at tutulong sa Pilipinas, laban saanumang pananalakay ng Tsina, sa panahon ngayon kung kailan isa nang superpowerang Tsina na ang ekonomya ay pangalawa lamang sa USA ? Isang kahibangan kung angating pambansang seguridad ay iaasa natin sa imperyalismong Kano sa ilalim ng VFA atMDT.

13 / 57

Page 14: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Sa harap ng kasalukuyang mga kalagayan, isa lamang ang tanging “daang matuwid” nadapat tahakin ng administrayong PNoy sa larangang pang-seguridad : ANG AGARANGPAGBABASURA SA VFA AT SA MDT !At tungo sa pagiging katuparan nito, dapat lamang nating patindihin ang atingpakikibaka laban sa VFA at sa MDT !

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

PAGBATI NG PKP-1930 SA IKA-16 NA ANIBERSARYO

NG ANIBAN NG MGA MAGSASAKA, MANGINGISDA

AT MANGGAGAWA SA AGRIKULTURA (AMMMA)

14 / 57

Page 15: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

(Enero 7, 2013, BSWM Auditorium, QMC, Lungsod Quezon)

Ka. Julian Llorera, Sr., Pambansang Pangulo ng AMMMA ;

Ka. Eduardo Landayan, Pangalawang Pangulo ng AMMMA ;

Mga kasama at mga kaibigan :

Una sa lahat ay nais kong ipaabot ang mainit na pagbati ng Partido Komunista ngPilipinas (PKP-1930) sa Ika-16 na Taong Anibersaryo ng pederasyong ito ng AMMMA.

Nais ko rin munang batiin at saluduhan ang mga pinuno at kasapi ng AMMMA salalawigan ng Pampanga, at ang mga pinuno sa pambansang tanggapan nito, dahil sanatamong hustisya ng mga magsasaka sa Hacienda Arrastia na may lawak na mga200-ektarya sa Lubao, Pampanga. Matapos ng matagal na pakikibaka para sa lupa ngmga tenants doon, kasama na ng isang dekada ng paglaban sa pandarahas ngpanginoong maylupa sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo na backer ng asyendangiyon, ngayon ay nagkakaroon na ng linaw ang karapatan ng mga tenants na magkaroonsila ng kani-kanilang parcela ng lupa na kanilang mahuhulugan sa makatarungangpresyo, upang sa wakas ay magkaroon sila ng lupang sakahang matatawag nilang tunayna pag-aari na nila.

15 / 57

Page 16: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Patatagin ang Hanay

Para sa Tagumpay

Sana, ang mga pakikibaka ng mga kasapi ng AMMMA sa iba’t-ibang natitirang asyendasa Mindanao, Visayas at Luzon, ay magkaroon rin ng hustisya na nararapat lamang parasa mga magsasaka at manggagawa sa agrikultura. Sa ngayon, ang maituturing napinakamaigting na pakikibaka ninyo ay iyong sa mga sakahan na nakapalibot saPhilippine Communications Satellite (Philcomsat) site sa Pinugay, Baras, Rizal --- lalo nasa mga sakahang inaangkin ng pamilya ni Senate President Juan Ponce Enrile. Mabigatang laban ng mga magsasaka sa malawak na lupaing ito na mga 700-ektaryang sakop ngmga bayan ng Baras, Morong, Tanay at Antipolo.

Bago pa man naitayo ang satellite earth station ng Philcomsat sa pampublikong lupaingito noong pagtatapos ng 1960s, ay taniman na ito ng mga 400 maliliit na magsasaka.Ngunit noong panahon ng martial law ay nagpalabas si Marcos ng PD-1845 na nagtakdasa 3-kilometrong radius mula sa Philcomsat site bilang isang “security zone”, atnaglagay pa doon ng kampong militar (ng 59th IB). Labis na pandarahas ang naranasanng mga magsasaka doon sa panahon ng diktadurang Marcos.

16 / 57

Page 17: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Sa pagbagsak ng rehimeng Marcos ay na-sequester ng PCGG ang Philcomsat bilangisang crony corporation. Matagal nang itinigil ang operasyon ng Philcomsat, at binaklasna rin ang satellite earth station, kaya naman hindi na maaari pang ituring na “securityzone” ang mga sakahang nakapalibot rito. Maging ang DAR ay aminado na ang mgamatagal nang nagsasaka sa mga tanimang nakapaligid sa Philcomsat ay dapat nangmabiyayaan sa ilalim ng CARP.

Ngunit nagawang palabasin ng mga ganid na pinuno ng Philcomsat na kanila na angmga lupaing nakapaligid sa Philcomsat site, na dating mga lupang publiko, at may mganakapagbenta na ng mga lupain sa ibang mga korporasyon. Mayroong mga lupaingnaipailalim na rin sa CARP, ngunit ang mga korporasyong kontrolado ng pamilya ni JuanPonce Enrile ang tumutol nang husto sa CARP coverage. Naging mahayap angtunggalian sa mga lupaing ito na dapat ring maipasailalim sa CARP, at labis naharassment ang isinagawa ng private security force ng Philcomsat, sa tulong na rin ngkalapit na kampong militar, laban sa mga tenants doon, lalo na sa mga magsasakangpinamumunuan ng AMMMA. Ang isa sa mga lider magsasaka ng AMMMA sa lugar naiyon --- si Ka. Pascual San Diego --- ay dinukot na nawala na lamang noong 1989. Ni hindina nakita ng kanyang pamilya ang kanyang bangkay.

Isa sa mga umaangkin sa ilang lupaing nakapaligid sa Philcomsat site ay ang GalaxieAgro-Industrial Corp. na pag-aari ng pamilya ni Juan Ponce Enrile. Ang korporasyonmismo ng Philcomsat ay pinamumunuan ni Katrina Ponce Enrile, na noong 2009 ayhumiling pa sa pamahalaang bayan ng Baras ng fencing permit upang pigilan angpatuloy na pagtatanim ng mga magsasaka sa mga paligid na lugar. Dahil sa oposisyonng AMMMA ay napigilan ang balak na iyon ng mga Enrile, ngunit iba’t-ibang paraannaman ng panggigipit ang ipinatutupad laban sa mga magsasaka sa pagdaan nila samga checkpoints ng Philcomsat.

17 / 57

Page 18: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Kapag panahon ng taniman, bawal ang pagpasok ng pataba, binhi at iba pang gamit sapagtatanim. Kapag panahon naman ng anihan, bawal ilabas ang palay at iba pang ani ngmga magsasaka. Kinukumpiska ng mga guwardiya at tauhang militar sa checkpoints ngPhilcomsat ang mga gamit pambukid at mga ani ng mga magsasaka. Kahit matagal nangtapos ang martial law, animo’y martial law pa rin sa buong kapaligiran ng Philcomsat, atkahit mga opisyal ng DAR, CHR at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay hindimakapag-imbestiga o makapasok man lamang sa lugar na ito.

Bale ang sinasabi ng Philcomsat at ng mga Enrile sa mga  magsasaka doon ay : Bawalkayong magtanim ; Ayaw namin na mayroon kayong anihin ; Gusto namin wala kayongkabuhayan. Sa mga propagandang elektoral na maririnig natin mula kay Jackie Enrile,sinasabi niya na sa Cagayan ay naparami kuno niya ang produksiyong agrikultural, atnais daw niya na laging maraming pagkain ang mga tao. Ngunit malinaw sa realidad ngPhilcomsat area, na kontrolado ng pamilyang Enrile, na ang sinasabi sa mga magsasakadoon ay ganito : Gusto namin, wala kayong pagkain ; Gusto namin, magutom kayo atlumayas kayo.

Dito sa ipinaglalaban ng AMMMA na karapatan sa agrarian reform ng mga magsasaka sapaligid ng Philcomsat, ay makikita ang tunay na mukha ng kalagayang agraryo sa atingbansa --- ang tunggalian ng uri sa pagitan ng mga maliliit na magsasaka, at ng mgamalalaking panginoong maylupa na kadalasang kaduda-duda ang pinagmulan ngkanilang pag-aari sa lupa. Inaasahan namin sa PKP-1930 na kung paanong ang mgakasapi ng AMMMA sa Hacienda Arrastia ay matatag na tumindig para sa kanilang mgakarapatan, higit pang katatagan ang maipakikita ng mga kasapi ng AMMMA sa paligid ngPhilcomsat site, dahil higit na malaki at marahas na katunggali ang kanilang kinahaharapsa kanilang pakikibaka para sa hustisya.

18 / 57

Page 19: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang Mahaba nang Landas

ng Ating mga Pakikibaka 

Ang pederasyong ito ng AMMMA ay may maipagpaparangalang kasaysayan ng 16 nataon ng pakikibaka para sa pagtatanggol at pagsusulong sa kapakanan ng mgamagsasaka, mangingisda at manggagawa sa agrikultura. Higit pa sa 16 na taong ito,marami sa mga beteranong pinunong lokal at pambansa ng AMMMA ay kasama na samga pakikibaka mula pa noong pagtatapos ng dekada ‘60, sa panahon pa ng MalayangSamahang Magsasaka (MASAKA, ang pinaka-militanteng samahan ng mga magsasakanoon, na idineklarang illegal sa panahon ng martial law ni Marcos).

Ang mga ipinaglaban ng AMMMA ay hindi lamang para sa mga partikular na mgakapakanan ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawa sa agrikultura, kundi paradin sa pagpapalaya sa ating pambansang lupain at katubigan mula sa pamamalagi atpakikialam ng mga base at puwersang militar ng Estados Unidos. Magkakasama tayo sapakikibaka para sa pagpapaalis sa mga base militar ng Kano noong panahon ninaMarcos at Cory. Magkakasama rin tayo sa pakikibaka laban sa pagbibigay ng rehimengErap sa mga Kano ng Visiting Forces Agreement.

Matagal na tayong magkakasama sa maraming pakikibaka para sa pambansangkaunlaran at karapatang pantao. Tayo’y magkakasamang lumaban sa mga patakaran ngpamahalaan --- maging sa panahon ng rehimeng militar, at hanggang sa sumunod namga administrasyon  na kung tawagin ay “neo-liberal” --- na nakabatay sa privatization,

19 / 57

Page 20: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

deregulation at liberalization na itinatakda ng World Bank, IMF, WTO, ADB at iba pangsentrong pampatakaran ng pandaigdigang finance capital o imperyalismo.

Inilaban natin ang pagkakaroon ng subsidy para sa ating lokal na produksiyongagrikultural. Tumutol tayo sa liberalisasyon ng panlabas na kalakalan, at sa pagtatakdang mga Minimum Access Volumes sa ilalim ng panghuling Uruguay Round ng GATT,dahil alam nating iyon ang magiging daan sa pagkumpetensiya at pagsikil sa ating lokalna produksiyon. Tumutol tayo sa panukala ng administrayong Ramos na tayo’ymapailalim agad sa WTO. Kinontra natin ang mga pangako ng mga pangunahingtagapagtulak ng WTO noon na sina Kalihim Sebastian at Senadora GloriaMacapagal-Arroyo --- na magkakaroon naman daw ng “safety nets” para sa ating mgamagsasaka. Hanggang sa ngayon, itinatanong pa rin natin : Nasaan na ang mgaipinangakong “safety nets” para sa ating lokal na produksiyon, na ngayon ay nalulunodsa pagbaha ng mga imported na mga produktong agrikultural ?

Gayundin, tumutol tayo sa privatization ng mga korporasyong pampamahalaan tulad ngPetron, Napocor at MWSS, na ang kinatunguhan ay ang pagtataas ng mga presyo atsingilin na pinakikinabangan lamang ng mga pribadong kumpanyang pinaboran ngiba’t-ibang administrasyon. Tumutol tayo sa deregulasyon ng mga industriya ngpetrolyo, kuryente, tubig at transportasyon, na nagbunga ng kawalang kontrol ngpamahalaan sa panayang pagtataas ng mga singilin na nagpapahirap sa masangPilipino.

Sama-sama tayong tumutol sa paglalapat ng VAT at E-VAT, na naging higit na mgapabigat sa masang Pilipino. Sama-sama tayong tumutol sa pagtatapos ng CARP, atinilaban natin ang pagkakaroon ng extension at enhancement nito. At sama-sama rintayong tumutol sa corruption sa pamahalaan, kasama na iyong mga katiwalian sa mgaahensiya na nasa larangang agrikultural.

20 / 57

Page 21: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang Paglunas sa Kahirapan sa Kanayunan

Tema ng anibersaryong ito ng AMMMA ang paglaban sa kahirapan sa kanayunan.Nananatiling suliranin ng nakararaming magsasaka ang kakulangan ng kita mula sakanilang inaani. Mas nakalulunos naman ang nagpapatuloy na mga suliranin ngnakararaming manggagawa sa agrikultura --- ang kawalan ng sariling lupang masasaka,ang kawalan o kakulangan ng trabaho sa kanilang mga kanayunan, at ang kababaan ngkita o sahod kung sila man ay nakakahanap ng panaka-nakang trabaho. Ang resulta ngmga ito ay ang paghayap ng paghihirap o pagdarahop, ang pagkakahuli sa larangangpang-edukasyon, at maging ang pagdanas ng kagutuman at mahinang kalusugan, ngmalalawak na sektor sa kanayunan.

Ang mga problema sa agrikultura ay masalimuot, dahil na rin sa mga tagibang nakalagayan sa pagmamay-ari ng lupa na ipinamana sa atin ng matagal na kasaysayan ngkolonyal na pananakop rito ng Espanya at ng Estados Unidos. Batay sa kasalukuyangpambansang kalagayan, at sa pandaigdigang takbo ng mga pag-unlad sa agrikultura,masasabi natin na ang kalutasan sa mga suliranin sa kabuhayang agrikultural, at angkatubusan ng mga uring magsasaka at manggagawang-bukid, ay hindi matatagpuan saloob lamang ng mga patakarang pang-agrikultura, kundi sa kabuuan ng sistemangpangkabuhayan ng ating bansa .

 

21 / 57

Page 22: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Simula pa noong maitatag ito, ang PKP-1930 ay nakibaka na para sa land reform, atmaraming mga expropriations at pamamahagi ng mga asyenda at friar estates noonpang 1930s ang nangyari dahil sa pamumuno ng mga Komunista sa kilusangmagbubukid noon. Hanggang sa ngayon, inaadhika ng PKP-1930 ang pamamahagi ngmga lupaing agrikultural sa mga tunay na nagsasaka nito, bilang solusyon sa “landhunger” sa marami pang bahagi ng ating bansa. Bahagi ng Pambansang Demokratikongsistema na siyang pang-unang inaadhika ng PKP-1930 ang pag-kompleto sa repormangagraryo. Ito’y mangangahulugan ng mas malawakang land redistribution na sasakop salahat ng pangunahing pananim (staple crops), at gayundin ng malawakangpagsasa-kooperatiba (mga kooperatibang hawak at ari dapat ng mga magsasaka) sa mgapataniman ng mga cash crops at export crops.

Hinggil nga pala rito, narinig nating lahat kanina lamang ang talumpati ngUnder-Secretary for Legal Affairs ng DAR na si Atty. Anthony Parungao, kung saantiniyak niya na ang land distribution sa mga tubuhan na sakop ng Hacienda Luisita saConcepcion, Tarlac, ay mauumpisahan na bago matapos ang Hunyo ng taong ito.Markahan natin ang pangako niyang iyon, dahil sa isyu ng land reform sa HaciendaLuisita ay nakatali ang kredibilidad ng administrasyong PNoy.

Ang Programang Reporma sa Lupa

Ang programang Land Reform ay unang ginawang komprehensibo para sa mga palayan

22 / 57

Page 23: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

at maisan sa panahong kadedeklara pa lamang ng martial law ni Marcos. Ito’y ginawangparaan upang maibsan ang panlipunang tensiyon dahil sa “land hunger” ngnapakaraming mga kasama o tenants. Sa teorya, ang ganitong land reform sa ilalim ngsistemang kapitalista ang inaasahang sasagip sa mga tenants mula sa kahirapan, dahilmagkakaroon ng insentibo na pataasin nila ang produksiyon kung sila’y naghuhulog nasa mga lupang kanilang magiging pag-aari. Sa teorya rin, ang yaman ng mga datingpanginoong maylupa, na nakatali sa mga lupain nila, ay magiging pera dahil sa paunangibabayad sa kanila ng pamahalaan at sa magiging hulog ng mga dating tenants, at itoang magagamit nila upang maging mga bagong negosyante sa ilalim ng sistemangkapitalista.

Pero sa realidad, dahil sa kakulangan ng suporta para sa mga dating tenants sa ilalim ngsistemang kapitalista, lalo na sa paglilimita sa mga programang pautang para sa kanila,kaunti lamang sa kanila ang naging matagumpay na nag-aaring magsasaka (bagamatmayroon rin namang mga ilan na naging “kulaks” at traders, na nagkaroon na ngpagkakataong makapagsamantala sa ibang mga magsasaka at sa maraming mgamanggagawang bukid). Ang karamihan sa mga naging benepisyaryo ng programangland reform ay patuloy pa rin sa pagiging mga naghuhulog o amortizing ownershanggang sa ngayon. Ang iba pa ay nababaon sa utang, napipilitang ibenta na angkanilang nga CLT o CLOA, at may bumabagsak pa sa pagiging marginalized namanggagawa sa agrikultura.

Sa realidad rin, walang katiyakan na ang mga dating panginoong maylupa aymakakapagnegosyo mula sa partial payment at mga paghuhulog na ibinabayad sa kanilang mga dati nilang tenants. Ang mga halagang ito ay kadalasang napupunta lamang sapagbili ng magagarbong mga sasakyan at maluluhong gamit-pambahay na lagingnaka-advertise sa sistemang kapitalista. Ilan lamang sa kanila ang nakakapag-pundarmula rito ng mga bagong negosyo, at ang kanilang pamumuhunan ay kadalasangnahihigop sa pagiging sub-contractors o distributors lamang ng mga malalakingkorporasyong transnasyunal.

23 / 57

Page 24: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Maaasahan naman natin na talagang hindi magkakaroon ng tunay na kalutasan ang mgasuliraning agraryo at agrikultural sa ilalim ng sistemang kapitalista. Totoong ang paghahati-hati at pagbebenta sa mga tenants ng kanilang sinasakang lupaay napakahalaga upang angkupan ang land hunger ng mga tenants. Ngunit hanggangkailan makakasuporta ang maliliit na sakahan sa dumaraming bilang ng kanilang mgaanak at apo, lalo pa at ang average na sukat ng palayan na ari ng bawat magsasaka saating bansa ay mga 1.2 ektarya lamang, at samantalang karaniwan sa kanila ay may 3hanggang 4 na mga anak ? Paano makatutustos sa pangangailangan sa kinabukasan nglumalaking pamilya ang ganitong sukat ng lupa, lalo pa kung ang karamihan ng anak aymagpapatuloy sa gawain ng pagsasaka dahil wala namang pagkakataong lumipat sapagiging manggagawa o empleyado na mas may katiyakan ang kabuhayan ? Sakatunayan, dahil sa pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya, kasama na ng mekanisasyon,paliit nang paliit ang bilang ng mga kinakailangang magtrabaho sa agrikultura.

Batid ng PKP-1930 na ang land redistribution ay hindi ang katapusang solusyon sa kalagayang agraryo sa ating bansa, sapagkat ang kalagayang agraryo ay dapat naiugnay rin sa isyu ng patuloy na food security para sa ating sambayanan. Alam natin naang pagkain ang siyang pangunahing pangangailangan ng anumang lipunan, at angkatiwasayan sa pagkain ay dapat na tiyakin ng estado. Ngunit sa isang kapitalistangkalagayan tulad ng sa atin, walang tunay na kapangyarihan ang pamahalaan upangkontrolin ang supply, presyo at sistema ng pamamahagi ng mga pangunahing pagkain(food staples) na hawak ng pribadong sector (kasama na ang tinatawag na “Binondocartel”). At sa kapitalistang kalagayan tulad ng sa atin, wala ring makapipigil sa mgamagsasaka na i-convert o ibenta na lamang ang mga lupang kanilang pribadongpag-aari, kahit na ang mga iyon ay irrigated at may panlipunang tungkulin na maituon saproduksiyon ng kinakailangang pagkain para sa ating sambayanan.

Sa pagtingin sa parating na kalagayang agrikultural, tinitignan ng PKP-1930 angkabuuang scenario ng kahihinatnan ng income level para sa magsasaka, ng foodsecurity para sa bayan, at ng employment-generation at industrial development para saating bansa.

24 / 57

Page 25: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang Mahalagang Papel ng Kooperatiba

at ng Makabansang Industriyalisasyon

Dapat magtakda ang pamahalaan ng mga komprehensibong patakaran hinggil sapagtulong nito sa kooperatibang sektor, isang sektor na dapat na magkaroon ngmalaking papel sa agrikultura. Bahagi ng pambansang demokratikong programa ngPKP-1930 ang restructuring sa agrikultura, kung saan dapat magkaroon ng mgasumusunod na 3 sektor :

Una rito ang sektor pang-estado, sa pamamagitan ng mga state farms mula sapagsasabansa ng mga malakihang plantations na nagsasagawa ng canning, bottling oiba pang industrial processing (tulad ng plantations sa goma, pinya, saging, asukal at ibapang export crops).

Ikalawa rito ang sektor pang-kooperatiba, sa pamamagitan ng mga cooperative farms na

25 / 57

Page 26: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

dapat tulungan ng pamahalaan, lalo na sa pag-uumpisa ng pagtatayo nila ng kapasidadsa pagpro-proseso ng kanilang mga ani. Ang ganitong pagtulong ng pamahalaan sakooperatibang sektor ay magiging pagtulong na rin sa lokal na negosyo ng paggawa ngmga makinaryang pang-agrikultura. Sa tulong at direksiyon ng pamahalaan, kailangangmakontrol rin ng kooperatibang sektor ang pamamahagi ng mga farm inputs nakailangan ng mga magsasaka, ang pagpapautang ng mga production loans, at angmarketing ng mga ani ng mga magsasaka.

Ikatlo rito ang pribadong sektor ng mga indibidwal na sakahan, na dapat bigyan rin ngsuporta at direksiyon ng pamahalaan. Mahalaga ang pagbibigay-direksiyon ngpamahalaan kung aling mga pananim (cropping patterns) ang dapat isagawa ngpribadong sektor na ito bilang pagtupad sa plano upang mapunan ang pangangailanganng bawat lugar. Dapat ring kontrolin ng pamahalaan ang conversion ng mga lupangagrikultural na naaangkop sa mga mahahalagang pagkain at pananim, at kungkinakailangan ay bigyan ng subsidyo ang patuloy na produksiyon ng ganoong mgapananim upang huwag i-convert ang gayong mga lupain tungo sa ibang gamit.

Sa umpisa pa lamang ay binanggit ko na na ang kalutasan sa mga suliranin ngkabuhayan ng agrikultura, at ang katubusan ng mga uring magsasaka atmanggagawang-bukid, ay hindi matatagpuan sa loob lamang ng mga patakarangpang-agrikultura, kundi sa kabuuan ng sistemang pangkabuhayan ng ating bansa. Angpag-asa para sa uring magsasaka at manggagawa sa agrikultura ay nasa pagbubukas ngpagkakataon para sa kanilang paglipat tungo sa pagiging manggagawa sa industriya atserbisyo, at ito ay sa pamamagitan lamang ng makabansang industriyalisasyon. Ang makabansang industriyalisasyon, o ang pagpapalakas sa kapasidad ng atingbansa na gumawa ng mga kalakal mula sa mga hilaw na sangkap na galing mismo saating bansa, ay matagal nang pinipigilan sa pamamagitan ng mga diktasyon ng WB, IMF,WTO, ADB at iba pang ahensiyang pampinansiya ng imperyalismo.

26 / 57

Page 27: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Dahil sa diktasyong imperyalista ay wala tayong mga batayang industriya, kayanananatili tayong tagapagluwas ng mga hilaw na sangkap at tagapag-angkat ng mgayaring produkto. Hindi nakapagtataka na samantalang tayo ay nagluluwas ng maramingiron ores na pangunahing sangkap sa paggawa ng bakal at asero, nakadepende namantayo sa importasyon ng mga kinakailangan nating mga martilyo, pliers, screw drivers atiba pang batayang kasangkapan o basic tools. Lalong wala sa kakayahan natinhanggang sa ngayon ang paggawa ng mga magagaan at mabibigat na makinarya. Sapamamagitan ng makabansang industriyalisasyon, ang malaking “value-added” odagdag na halaga mula sa pagpro-proseso ng mga hilaw na sangkap tungo sa mgayaring produkto, ay mapupunta na sa ating bansa, at mabubuksan pa ang kapasidad nama-absorb ang labor force na hindi na kailangan sa larangan ng pagsasaka.

Sosyalismo ang Tunay na Lunas

sa mga Suliraning Pangsakahan

Ang pambansang demokrasya ay isang transitional na sistema at yugto na magbubukasng daan tungo sa isang mas mataas at mas makatao pang sistema at yugto sa pag-unladng sangkatauhan --- ang sosyalismo. Maraming aspeto ang sosyalismo namangangailangan ng mahabang pagpapaliwanag. Ngunit para sa ating okasyon ay naisko lamang tiyakin na ang sosyalismo ay nakatuon sa pagtiyak na mapupunan ang mgabatayang pangangailangan ng sambayanan. Kaya naman tinitiyak sa ilalim ngsosyalismo ang katiwasayan o seguridad sa pagkain, bilang pagtiyak sa karapatan sasapat na nutrisyon ng bawat mamamayan. Tinitiyak rin sa ilalim ng sosyalismo angpagkakaroon ng trabaho para sa lahat, at ang pagtatakda ng nakabubuhay na pasahod(living wage) para sa mga nagtratrabaho --- maging sa industriya, sa  agrikultura o samga serbisyo --- bilang pagtiyak sa karapatan sa dignidad ng bawat mamamayan.

27 / 57

Page 28: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Gayundin, tinitiyak sa ilalim ng sosyalismo ang disente at abot-kayang pabahay ; angabot-kayang mga utilities (tubig, kuryente, atbp.) ; ang compulsory at libreng edukasyonpara sa mga bata ; ang libreng edukasyon para sa mga may kakayahang mag-aralhanggang sa pinakamatataas na antas ; ang libreng serbisyong medikal, kasama na anggamot at ospitalisasyon ; ang sapat na serbisyong panlipunan bilang kalinga para sabawat pamilya (kasama na ang mga crèches, nursing homes at iba pang serbisyongpangkomunidad na magpapagaan sa mga gawaing-bahay) ; ang sapat na pensiyon parasa mga nagreretiro sa katandaan ; at ang pagkakaroon ng mga pagkakataon sapangkulturang kaunlaran at malusog na pagliliwaliw o recreational activities para salahat.

Ang sosyalismo ay unang naging realidad sa pagtatagumpay ng Dakilang RebolusyongSosyalista sa Rusya noong Nobyembre 7, 1917. Ang rebolusyong ito rin ang nag-umpisasa konsepto ng stewardship sa paggamit sa mga lupain --- sa rural at urban lands --- atmaging sa kalikasan. Ngunit pangunahin sa pagtatatag ng sosyalismo angpangangailangan na ang pamamahala sa lipunan, o ang kapangyarihang pampulitika, aydapat munang mailipat sa kamay ng mga manggagawa’t magsasaka. Ito ang batayangprinsipyo ng sosyalismo.

Ang sistemang sosyalista ay may pandaigdigang relevance para sa lahat ng bansa.Batay dito, ang PKP-1930 ay hindi nawawalan ng pananaw at pag-asa na dito man saating bansa ay makakamit rin natin ang sosyalismo, na siyang tanging sistemangmagwawakas sa kamangmangan at panghuhuthot, at siyang huhubog sa sangkatauhantungo sa tunay na makataong pagtuturingan.

28 / 57

Page 29: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Pagdalaw Kamakailan ng mga Opisyal ng

Pilipinas sa isang Bansang Sosyalista

May ilang buwan pa lang ang nakalilipas ay mayroong grupo ng pinakamatataas na mgapinuno ng Kagawaran sa Agrikultura ang nakadalaw sa isang sosyalistang bansa --- saRepublika ng Cuba. Ang grupong ito ay kinabibilangan nina Kalihim Proceso Alcala,USec Siegfredo Serrano, USec Edicio de la Torre (ang pari na dating pinuno ngChristians for National Liberation sa ilalim ng NDF), at ASec Dante de Lima. Doon aynakita nila ang katotohanan ng sistemang sosyalista.

Sa kabila ng mga paghihirap ng sambayanang Cubano dala ng mahigit kalahating siglong blokada at panggigipit ng imperyalismong Kano, ang Cuba ay nagpapatuloy sa landasng pag-unlad para sa lahat, kung saan napawi na ang grabeng mga sakit ng isangneokolonyal na bansa tulad ng sa atin. Doon ay walang namamalimos. Walangpamilyang napipilitang maging palaboy o mamuhay sa kariton. Walangnangangailangang manirahan sa ilalim ng tulay o sa gilid ng riles ng tren.

Walang kabataang hindi makapag-aral doon, dahil libre ang edukasyon, pati na ang lahatng gamit sa pag-aaral at ang pagkain habang nasa paaralan. Walang nagugutom

29 / 57

Page 30: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

bagama’t simple lamang ang mga karaniwang lutuin, dahil may food security ataffordable ang mga batayang pagkain. Walang may karamdaman na hindi mabigyan ngkalingang pangkalusugan, dahil ang ospitalisasyon, gamot at serbisyong medikal aylibre. Walang sindikatong kriminal. Walang inequality o pagdedehado sa kababaihan, atnakalalamang pa ang kababaihan sa mahahalagang mga propesyong tulad ng maykinalaman sa medisina, edukasyon, hudikatura at batas, atbp. At sa bawat pagdaan ngkalamidad na bagyo, walang hindi natutulungan sa paglikas at muling pagbangon.

Mga kasama at mga kaibigan :

Ang PKP-1930 ay patuloy na kumikilos upang dito sa ating bansa ay makamit natin angpambansang demokrasya na magpapalaya sa atin mula sa kontrol ng imperyalismo.Inaadhika rin ng PKP-1930 ang higit pa nating pagsulong sa mas mataas pang yugto ngsosyalismo na siyang tanging sistemang magwawakas sa anumang pang-aapi atpanghuhuthot, at siyang huhubog sa ating sambayanan tungo sa tunay na makataongpagtuturingan. Inaasahan ng PKP-1930 na ang AMMMA ay magiging kaagapay nito lagisa mga gawain, pagkilos at pakikibaka tungo sa pagtatayo ng pambansang demokrasyaat sosyalismo sa ating bansa.

Muli pa, manit na pagbati sa Ika-16 na Anibersaryo ng AMMMA, at inaasahan namin anghigit pang paglawak at paglakas ng pederasyong ito.

30 / 57

Page 31: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Mabuhay ang AMMMA !    Ipagpatuloy natin ang pakikibaka para sa PambansangDemokrasya at Sosyalismo !

Maraming salamat po sa inyong pakikinig.

Ka. Tony Paris

Pangkalahatang Kalihim

PKP-1930

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

31 / 57

Page 32: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

MASS MURDERS --- ISANG ASPETO NG

KULTURA NG KARAHASAN SA U.S.A.

Nitong Disyembre 14, 2012, isang 20-anyos na lalaki sa Newtown, Connecticut, USA, angpumatay sa sarili niyang ina sa kanilang bahay, at matapos nito ay nagdala ng mgaassault rifles sa paaralang pinaglilingkuran ng kanyang ina sa bayan ring iyon --- angSandy Hook Elementary School.

Doon ay pinagpapatay niya ang principal at 5 pang empleyado ng paaralan, at 20mag-aaral sa first grade na may edad na 6 at 7 taon pa lamang. Ang namaril na si AdamLanza ay nasanay at mahusay sa pagtudla, kaya iisa lamang ang nabuhay sa kanyangmga binaril. Natigil lamang ang massacre nang mapatay ng rumespondeng mga pulis siLanza. Ito sa ngayon ang itinuturing na isa sa pinakagrabeng school massacres sakasaysayan ng USA.

Marami sa atin ang nakidalamhati sa mga pamilya ng mga napatay, ngunit wala nangnagugulat pa o nagtataka na ang ganitong mga pamamaril ay paulit-ulit na nangyayari saUSA. Sa katunayan, dumadalas na ang ganitong mga mass murders sa USA. Angmaramihang pamamaslang ay pang-araw-araw na pangyayari na sa USA, at laman lagi

32 / 57

Page 33: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

ng mga pahayagan. May mga pamamaslang ng sariling pamilya, lalo na kungnabuburyong dahil sa pagkawala ng trabaho o sa pagkakailit ng tahanan. May mga“drive-by shootings” na kadalasang bahagi ng labanan ng mga teenage gangsters. Atmay mga pamamaril na isinasagawa ng mga indibidwal na “distressed”, may racial oreligious na pagkamuhi, o kaya’y nababaliw, na nangyayari sa mga paaralan,pamantasan, sinehan, shopping malls at iba pang mga pampublikong lugar.

Bago mangyari ang pamamaslang sa Sandy Hook Elementary School, and itinuturing napinakagrabeng pamamaril sa isang paaralan sa USA ay iyong isinagawa sa ColumbineHigh School sa Littleton, Colorado noong Abril 20, 1999. Doon, pinagbabaril ng 2teenagers na sina Eric Harris at Dylan Kiebold ang sinumang makita nila, at nakapataysila ng 13 at nakasugat sila ng 21, bago sila kapwa nagpakamatay. Ang pamamaril naiyon ng mga mag-aaral sa Columbine ang pumukaw sa sentimyento ng mga Kano labansa kawalan ng gun control sa USA, at iyon ay naging paksa pa ng isang mahalagangdocumentary film na ginawa ng progresibong manunulat at film-maker na si MichaelMoore.

Sang-ayon sa ABC News ng USA, sa 14 na taon mula sa pangyayaring iyon saColumbine noong 1999, ay nagkaroon ng 31 school massacres sa USA (na angpinakahuli nga ay itong pamamaslang sa Sandy Hook). Hindi pa rito kasama ang mgapamamaslang sa mga sinehan, shopping malls at iba pang mga pampublikong lugar.Ang maramihang pamamaril ng mga inosenteng tao ay isang malinaw na aspeto ngkakaibang kultura ng karahasan na wari’y natatangi sa USA.

33 / 57

Page 34: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang Dumadalas na mga

Mass Murders sa USA

Tatlong araw bago mangyari ang pamamaril sa Sandy Hook, ang 22-anyos na si JacobTyler Roberts ay bigla na lang nangratrat sa isang shopping mall sa Clackamas TownCenter sa Oregon, gamit ang isang semi-automatic rifle, at nakapatay ng 2 tao bago siyanagpakamatay. Noong Setyembre 27, 2012, namaril ang 36-anyos na si AndrewEngeldinger sa Accent Signage Systems sa Minneapolis, Minnesota, nang siya aymawalan ng trabaho. Nakapatay siya ng 5 at nakasugat sa 3, bago siya nagpakamatay.

Noong Agosto 5, 2012, namaril ang 40-anyos na US Army veteran na si Wade MichaelPage sa isang Sikh temple sa Oak Creek, Wisconsin, kung saan siya nakapatay ng 6 naSikhs at nakasugat ng 4 na iba pa, bago siya nagpakamatay. Noong Hulyo 20, 2012, ang24-anyos na si James Holmes ay namaril, gamit ang ilang automatic rifles, sa isangmidnight screening ng pinakabagong Batman movie sa isang sinehan sa Aurora, Colorado. Doon ay 12 inosenteng tao ang kanyang napatay, at 58 iba pa ang nasugatan,bago siya nahuli ng mga pulis.

Noong Mayo 29, 2012, namaril si Ian Stawicki sa Café Racer Espresso sa Seattle,Washington, kung saan siya nakapatay ng 5 katao bago siya nagpakamatay. Noong Abril6, 2012, binaril nina Jake England (19-anyos) at Alvin Watts (32-anyos) ang limang itim nalalaki sa Tulsa, Oklahoma, at tatlo sa kanilang binaril ang namatay. Noong Abril 2, 2012,pinasok ng 43-anyos na si One Goh ang Oikos University, isang Korean Christian collegesa Oakland, California, kung saan binaril at napatay niya ang 7 katao.

34 / 57

Page 35: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Noong Oktubre 14, 2011, pinagbabaril ng 41-anyos na si Scott Evans Dekraai ang mgatao sa Meritage Hair Salon sa Seal Beach, California, kung saan 6 na babae at 2 lalaki angkanyang napatay, at isang babae pa ang nasugatan. Noong Setyembre 6, 2011, pumasokang 32-anyos na si Eduardo Sencion sa IHOP restaurant sa Carson City, Nevada, kungsaan pinagbabaril niya ang 12 katao --- 5 ang namatay, kabilang na ang 3 miyembro ngNational Guard. Noong Enero 8, 2011, pinaputukan ng 22-anyos na si Jared Loughnerang isang pakikipagpulong ni Congresswoman Gabby Giffords sa Safeway market saTucson, Arizona, kung saan 6 ang napatay at 13 ang nasugatan, kasama na si Giffords.

Noong Agosto 3, 2010, pinagbabaril ng 34-anyos na si Omar Thornton ang Hartford BeerDistributor sa Manchester, Connecticut, matapos siyang mahuling nagnanakaw ng beer.Nakapatay siya ng 8 at nakasugat ng 2, bago siya napatay. Noong Nobyembre 5, 2005,may 43 katao ang pinagbabaril ni Army psychiatrist Nidal Hasan sa Fort Hood army basesa Texas, matapos niyang maghihiyaw ng “Allahu Akhbar!” (“si allah ang pinakadakila”).Nakapatay siya ng 13 at nakasugat ng 29. Noong Abril 3, 2009, namaril ang 41-anyos nasi Jiverly Wong sa immigration center sa Binghamton, New York, kung saan siyanakapatay ng 13 at nakasugat ng 4, bago siya nagpakamatay.

Noong Marso 29, 2009, pinagbabaril ng 45-anyos na si Robert Stewart ang mga tao saPinelake Health and Rehab nursing home sa Carthage, North Carolina, kung saannagtratrabaho ang asawang humiwalay sa kanya. Walo ang napatay niya, at nasugatanniya ang kanyang asawa. Noong Pebrero 14, 2008, ang 27-anyos na si StevenKazmierczak ay namaril sa isang lecture hall ng Northern Illinois University, kung saannakapatay siya ng 6 at nakasugat ng 21, bago siya nagpakamatay. Noong Pebrero 7,2008, 6 ang napatay at 2 ang nasugatan sa pamamaril ni Charles Lee Thornton sa isangpublic meeting sa City Hall ng Kirkwood, Missouri. Napatay ng mga rumespondeng pulissi Thornton na isang construction contractor na hindi nabigyan ng kontrata.

35 / 57

Page 36: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Noong Disyembre 5, 2007, namaril sa isang department store sa Westroads Mall saOmaha, Nebraska, gamit ang isang semi-automatic rifle, ang 19-anyos na si RobertHawkins na nakapatay ng 9 at nakasugat sa 4 bago siya nagpakamatay. Noong Abril 16,2007, ang Virginia Tech University sa Blacksburg, Virginia, ang pinangyarihan ngdeadliest school massacre sa USA nang pinagbabaril ng estudyanteng si Seung HuiChoi ang 56 katao, na ikinasawi ng 33 sa mga ito. Noong Pebrero 12, 2007, namaril ang18-anyos na si Sulejman Talovic sa Trolley Square Mall sa Salt Lake City, Utah, kungsaan 5 ang napatay at 4 ang nasugatan niya. Noong Oktubre 2, 2006, pinasok ng32-anyos na si Charles Carl Roberts ang West Nickel Mines School, isang Amishschoolhouse sa Lancaster, Pennsylvania, kung saan pinaghiwalay niya ang mga batanglalaki at babae ; ang mga batang babae ay itinali at pinagbabaril niya. Lima ang napatayat 6 ang nasugatan sa mga batang babae, bago nagpakamatay si Roberts.

Noong Marso 25, 2006, 7 ang napatay at 2 ang nasugatan ng 28-anyos na si Kyle AaronHuff sa kanyang pamamaril sa Capitol Hill sa Seattle, Washington. Noong Marso 21,2005, binaril ng teenager na si Jeffrey Weise ang kanyang lolo at ang girlfriend ng loloniya, bago niya pinaputukan ang mga tao sa campus ng Red Lake Senior High School saRed Lake, Minnesota. Nakapatay siya ng 9 at nakasugat ng 5 sa campus, bago siyanagpakamatay. Noong Marso 12, 2005, namaril ang 44-anyos na si Terry MichaelRatzmann sa assembly ng kanilang Living Church of God sa Sheraton Hotel saBrookfield, Wisconsin. Pinatay niya ang pastor, ang 16-anyos na anak ng pastor, at 7 ibapa, bago siya nagpakamatay.

Noong Hulyo 8, 2003, namaril si Doug Williams sa kanyang pinaglilingkurang planta ngLockheed Martin sa Meridian, Michigan, kung saan 7 negro ang pinatay niya at 7 pangiba ang nasugatan niya. Noong Setyembre 15, 1999, namaril si Larry Gene Ashbrook saisang Christian rock concert at teen prayer rally sa Wedgewood Baptist Church sa ForthWorth, Texas, kung saan nakapatay siya ng 7 at nakasugat ng 7 pang iba, bago siya

36 / 57

Page 37: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

nagpatiwakal. Noong Hulyo 29, 1999, pinatay ng 44-anyos na si Mark Orrin Barton angkanyang asawa at anak, bago niya pinagbabaril ang 2 stock trading companies saAtlanta, Georgia. Nakapatay ng kabuuang 12 (kasama ang kanyang pamilya), atnakasugat ng 13 iba pa, bago nagpakamatay si Barton na naubos ang kabuhayan nangnalugi (o matalo) nang malaki sa trading ng stocks.

Ang mga naturan sa itaas ay hindi isang kumpletong talaan, at ang mga iyon ay ilanlamang sa mga mass murders na kadalasang isinasagawa ng “nagwawalang” mgaputing Kano sa kanilang mga middle-class na mga komunidad. Marami pang mga massmurders ang nangyayari sa mahihirap na mga komunidad sa USA, lalo na sa mgaghettos ng nagdarahop na mga itim ay may-kulay na mga Kano. Na-highlight nga langang nakalistang mga kaso sa mass media ng USA dahil wari’y mga “exceptions” langdaw ang mga iyon sa normal na “dignidad” ng behavior ng mga puting Kano. Pero kapagmay maraming nagpapatayan sa mga gang wars at pagwawala ng naghihirap na mga itimat de-kolor na mga Kano sa kanilang mga ghettos, itinuturing iyon na natural lamang nabehavior ng mga sub-humans dahil hindi sila puti.

Ang “Gun Culture” sa USA

Sa USA ay may tinatawag na “gun culture”, kung saan ang mga mamamayan ay mayipinagyayabang na karapatan sa ilalim ng kanilang konstitusyon na mag-ari ng malalakasna mga baril, pati na ng mga pang-giyerang mga uri ng mga sandata. Iniulat ng AgenceFrance-Presse nitong buwang ito na mahigit 40% ng mga pamilyang Kano ang umaaminna may baril silang iniingatan, at ang USA ang may pinakamataas na bilang ng mga baril

37 / 57

Page 38: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

na pribadong pag-aari ng mga mamamayan nito. Sa tinatayang mahigit sa 304 milyongKano, sila’y may pribadong pag-aari na hindi daw kukulangin sa 270 milyong baril nglahat ng uri ng kalibre --- isang nakagugulat na ratio na 88.8 baril sa bawat 100mamamayan.

(Note : May pagtaya naman si William Blum, author ng maraming aklat at artikulo hinggilsa US military at sa CIA, na ang mga baril na personal na pag-aari ng mga Kano ay hindikukulangin sa 300 milyon, o halos isang baril bawat Kano --- kasama na sa bilang anglahat ng mga sanggol, paslit, teenagers, kababaihan, may kapansanan, mga pacifists atrelihiyoso, at mga matatandang naka-wheelchair o nasa nursing home at ospital na !)

Iniulat rin ng Agence France-Presse na noong 2011, may 32,163 ang napatay sagunshots sa buong USA, at 11,101 doon ang sinadyang pamamaslang (murders). Balemga 30 tao sa USA ang sadyang pinapaslang sa pamamagitan ng baril araw-araw, at itoay 20 ulit na mataas kumpara sa ibang mauunlad na bansa. Sa 25 mga pinaka-mauunladna bansa sa mundo, ang USA daw ang may pinakamataas na bilang ng mga murders athomicides na gamit ang baril. (Note : Sa mga papaunlad na mga bansa naman, angnangunguna daw sa ganitong record ay ang South Africa, El Salvador, Colombia, Mexicoat Pilipinas.)

Sang-ayon pa sa Agence France-Presse, ang USA rin ang may pinakamataas na gunsuicide rate na 6.3 sa bawat 100,000 populasyon. Ang isa sa pinaka-maimpluwensiyanglobby group sa USA ay ang National Rifle Association (NRA) na may kasaping4.24-milyong Kano, at laging nagtatanggol sa “karapatan” ng mga Kano na pribadongmag-ari ng kahit anong uri ng baril. Hindi nakapagtataka na isa sa mga negosyo nawalang pagkalugi sa USA ay ang gunstores, kung saan maluwag na mabibili kahit angmga assault rifles (tulad ng Russian AK-47 na kadalasang mabibili sa halagangUSD$500.00).

38 / 57

Page 39: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Madalas kung gayon isinisisi ang mga mass murders sa kawalan o kahinaan ng guncontrol sa lahat ng estado, at maging sa federal na level (regulasyon sa pag-aari ng barilpara sa kabuuan ng USA). Walang lakas ng loob ang mga namumunong elite sa USA namagtakda ng mahigpit na mga gun control laws sa state at federal levels. Ang NRA kasiay isang mayamang lobby group na may impluwensiya sa lahat ng lebel ng pamahalaan,at marami pa rin sa mga Kano ang kontra sa anumang restriction sa itinuturing nilangconstitutional right na magkaroon ng malalakas na mga baril sa kanilang tahanan.

Samantalang may nananawagan para sa mahigpit na mga gun control laws, mayroonring nananawagan para sa pagkakaroon ng mas marami pang mga armas upangmaprotektahan daw ng mga tao ang kanilang mga sarili at pamilya laban sa mgakriminal. Sinasabi kasi ng pangulo ng NRA na si Wayne LaPierre na : “Ang tangingmakapipigil sa isang masamang tao na may baril ay ang isang mabuting tao na maybaril.” May ilang kongresista at senador pa ang nananawagan para sa pag-aarmas ngmga guro at tagapangasiwa ng mga paaralan, at ang pagtatalaga ng mga armadongguwardiya sa lahat ng paaralan, sinehan at shopping malls.

Siyempre pa, tuwang-tuwa sa ganitong mga panukala ang mga gumagawa atnagnenegosyo ng mga baril. Mayroon pang isang negosyante sa bansang Colombia (angsentro ng mga sindikato sa mga drogang papunta sa USA) ang nakaisip na mag-exportagad sa USA ng mga bullet-proof na mga kasuotan at mga backpacks para sa mgabatang mag-aaral. Nagkaroon daw kasi bigla ng demand para sa ganitong mgapambatang kasuotan sa merkado ng USA, mula nang mangyari ang pamamaslang ngmga paslit sa Sandy Hook Elementary School.

39 / 57

Page 40: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ngunit ang pagtitining lamang sa “solusyon” ng pagkontrol o higit na pagpaparami ngmga baril, at ng paggamit ng mga bata ng bullet-proof na mga kasuotan, ay umiiwas sakatotohanan na ang phenomenon ng mga mass murders ay isang sakit na madalasnakikita lamang sa USA. Maraming ibang bansa ang mayroon ring mga mamamayangmay sakit sa utak, at marami ring mga armas na hawak ng kanilang sambayanan. Ngunitsa USA lamang paulit-ulit na nangyayari ang maramihang pamamaslang ng mga bata samga paaralan.

Kasaysayang Puno ng Karahasan,

Kaya May Kultura ng Karahasan

Maliban pa sa isyu ng gun control, ang dapat kontrolin rin ng lipunang Kano sapangkabuuan ay ang malalim nitong kultura ng karahasan. Ang pagkakabuo mismo ngUSA ay isang kasaysayan ng grabeng karahasan sa mga indigenous na mamamayan ngteritoryo nito --- ang mga American Indians na milyun-milyon ang minassacre ng mgalumunsad na puting Europeo. Ang sumunod na pag-unlad ng kabuhayan at yaman ngUSA ay nag-ugat rin sa kagimbal-gimbal na pandarahas ng mga plantation owners at ngnamamahalang elite sa mga aliping hinuli at hinakot na parang mga hayop mula saAprika. Ang karahasan ay nagpatuloy rin bilang isang aspeto ng pampulitika atpanlipunang buhay sa buong kasaysayan ng USA, mula sa pang-aagaw ng mga teritoryong Mexico, sa pag-agaw sa mga dating kolonya ng Espanya noong pagtatapos ng ika-19na dantaon, at hanggang sa pagpapalawak ng imperyong Kano sa buong mundo noongika-20 dantaon.

40 / 57

Page 41: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Ang  karahasan ay laging lumilitaw sa panlipunang buhay ng mga Kano dahil angpandaigdigang kapangyarihan ng USA ay lumago sa paligid ng mga institusyon atinstrumento ng karahasan. Ang USA ang may pinakamalaking gastos militar sa buongmundo,  at noong 2012 ay USD$711-Bilyon ang gastos militar nito, o mahigit 40% ngkabuuang gastos militar ng buong mundo. Ang USA ay may 800 base militar sa labas ngsarili nitong teritoryo, at may pinakamalaking arsenal ng mapamuksang mga sandata nalabis-labis ang kakayahang gunawin ang buong mundo.

Mula sa pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig ay maraming ulit na ginamit ngUSA ang kanyang kakayahang militar upang kontrolin at dominahan ang maramingbansa at rehiyon ng mundo. At kabilang sa milyun-milyong biktima ng mga panggigiyerang USA sa El Salvador, Nicaragua, Guatemala at iba pang bansa sa Amerika Latina anglibu-libong mga paslit na ka-edad ng mga pinatay sa Sandy Hook Elementary School.

Ang mga Kano ay sumusulwak ang galit tuwing may nagwawala at pumapatay ng mgabatang mag-aaral sa USA, pero bihira sa kanila ang nagagalit kapag libu-libong mga bataang napapatay sa mga pambobombang ginagawa sa ibang bansa sa utos ng pangulo ngUSA. Ilan sa kanila ang naki-dalamhati sa pagkamatay ng libu-libong mga bata saVietnam, Laos at Cambodia noong mga dekadang ’60 at ’70, kung kailan araw-araw aypinauulanan ng mga bomba, napalm at “Agent Orange” ang mga bansang iyon?

Ang karamihan ng mga puting Kano ay may sakit na superiority complex, na higit nilangipinapakita kapag sila’y nasa labas ng USA, lalo na sa mga papaunlad na bansa.Nahahawa rin sa ganitong sakit ang mga itim na Kano at maging ang mga Pinoy at ibapang dayuhan na nakakukuha ng citizenship o permanent residency (“green card”) saUSA, sa kabila ng kanilang sariling mapapait na mga karanasan sa racial segregation atdiscrimination sa USA. Tulad ng mga zionistang Israeli, ang karamihan sa mga Kano, sakabila ng kanilang sariling nararanasang kahirapan sa USA, ay naniniwala na sila’y masmahusay kaysa sa ibang mga tao ; na sila lamang ang mas may kakayahang manguna sa

41 / 57

Page 42: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

mundo at may karapatang kumontrol sa mga likas na yaman ng ibang bansa ; na angkanilang mga pananaw at itinuturo ang siyang dapat panularan at sundin ng buongmundo ; at kung kinakailangan ay may karapatan sila na makialam at manakop sa ibangbansa upang maipasunod ang gusto nila.

Ang ganitong superiority complex ay hindi kataka-taka dahil ang USA ay naitatag atlumawak batay sa brutal na paggamit ng dahas. Ang ekonomya nito ay nakabatay saindustriyang militar. Ang isang violent culture ang kinakailangan upang patuloy naumunlad ang industriyang militar nito, at upang matanggap ng lipunang Kano ang“pangangailangan” para sa patuloy na paglulunsad ng mga brutal na giyera ng USAlaban sa ibang sambayanan na may ibang kultura.

Ang pandarahas ay itinatanim sa lipunang Kano, lalo na sa kabataan, sa pamamagitanng pagtuturo ng mga konsepto ng superyoridad ng kanilang bansa, at ng pagtatanim nggalit at diskriminasyon laban sa ibang sambayanan o grupo. Ang media, advertising atiba pang di-tuwirang paraan ng edukasyon ang ginagamit tungo sa ganitongindoctrination, lalo na sa paghubog ng mga consumerist values na makasarili atmilitaristic. Ang karahasan at brutalidad ay dinadakila sa mga pelikula at video games.Ang mga palabas sa TV at sinehan ay kadalasang puno ng karahasan, kriminalidad atsadistang pagpapahirap at pagdanak ng dugo. Ang mga bida sa mararahas na mgapelikula ay pinararangalan, at itinatanghal bilang mga idolo at panularan ng batang mgahenerasyon.

Ang mga cowboys na pumapatay at lumulupig sa mga American Indians, at ang mgabandidong tulad nina Jesse James at Bonnie and Clyde, na itinatampok sa mga palabassa sine at TV, ay itinatanghal bilang ehemplo ng mga tunay na Kano. Ang mga ito aypawang mga puting mamamatay-tao na ang kabuhayan ay nagmula sa pandarambong,ngunit ini-idolo at ginagamit sa pagtatanim ng mga attitudes na white-supremacist.

42 / 57

Page 43: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Maging ang mga cartoons at mga pelikulang pambata sa USA ay nagpapalabas ngmararahas at brutal na mga istorya o eksena. Ang mga laro sa computers ay kadalasangmarahas at militaristic, at nagbibigay ng impression na ang pamamaslang sa iba aynakatutuwa at walang negatibong consequencia. Bale sinasanay ang lipunang Kano natanggapin na natural na lamang ang karahasan, sexual aggression, pagpapahirap atpamamaslang sa pang-araw-araw na buhay --- at ang paggawa ng mga ito sa mga“kalaban” o sa naiibang mga sambayanan ay “exciting” na mga pagkakataon.

ALALAHANIN RIN ANG MGA BATANG BIKTIMA

NG MGA PANDIRIGMA AT PANANAKOP NG USA

Habang inaalala ng mga Kano ang mga batang biktima ng mga pamamaslang sa mgapaaralan sa USA --- mula sa Columbine hanggang sa Sandy Hook --- dapat ring ipaalalasa lahat ang milyun-milyong bata na namatay nitong nakaraang kalahatang dantaon nadahil sa pandirigma at pandarahas ng USA (lalo na sa Amerika Latina, sa GitnangSilangan, sa Korea, Vietnam, Laos, Cambodia at iba pang bahagi ng Timog-SilangangAsya). Sa pagitan lamang ng 1991 at 2003 ay tinatayang 650,000 mga batang Iraqi angnamatay dahil sa blokadang ipinatupad ng USA at UK laban sa Iraq. At mula nanglusubin ng USA at ng kanyang mga kasapakat ang Iraq noong Marso 2003, libu-libo pangmga bata ang nangamatay sa mga labanan. Ang US-NATO occupation sa Afghanistan aymayroon ring kahalintulad na epekto sa mga batang Afghan.

43 / 57

Page 44: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Maraming mga bata rin ang namatay at patuloy na namamatay sa pag-atake ng mgaunmanned US drones sa mga hangganan ng Afghanistan at Pakistan. Ang mgapambobomba sa Libya ng US-NATO forces noong 2011 ay kumitil rin sa buhay nglibu-libong mga bata. At sa ngayon, ang USA, sa pakikipagkutsabahan ng mga kaalyadonitong mga reaksiyunaryong rehimen sa Qatar, Saudi Arabia at Turkey, ang siyangnagtutustos ng lahat ng suportang militar para sa mga rebelde at foreign mercenaries nanagsasagawa ng brutal na pag-massacre sa mga bata sa ibat-ibang panig ng Syria.

Maliban pa rito, ang USA ang laging taga-suporta sa pandirigma ng zionistang Israellaban sa mga Palestino at iba pang sambayanang Arabo, sa kabila ng katotohanan namaraming mga bata ang tina-target ng Israel. Napakaraming mga batang Palestino angpinatay ng Israel, gamit ang mga armamentong bigay ng USA, sa pananalakay nito saPalestine noong “Operation Cast Lead” (mula Disyembre 2008 hanggang Enero 2009), atnoong “Operation Pillar of Defence” (nitong Nobyembre 2012). Napakaraming mgabatang Lebanese ang pinatay rin ng Israel, gamit ang mga armamentong bigay ng USA,sa pananalakay nito sa katimugang Lebanon noong 2006.

Sino ang naki-dalamhati sa pagkamatay ng mga batang iyon sa nakaraang mga dekada ?Hindi ang karaniwang mga Kano na walang sapat na alam o walang pakialam sa mgaisinasagawang panggi-giyera ng kanilang pamahalaan. Aling mass media ang nagtuonng atensiyon sa massacre ng mga inosenteng batang iyon ? Hindi ang CNN o BBC oalinman sa mga pangunahing western media. Ang kawalan ng pagiging makatao ng mgaadministrasyong Kano at ng mga institusyong Kano ay nai-impose nito sa sambayanangKano sa pamamagitan ng kanilang corporate control sa mass media.

44 / 57

Page 45: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Naitatago mula sa sambayanang Kano (at maging sa mga neokolonyal na bansa tulad ngPilipinas, kung saan ang lokal na mass media ay nakasuso sa mga pangunahing westernmedia) na ang tunay na ugat ng mga digmaan at karahasan sa mundo ay ang pagnanaisng imperyalismo na makontrol ang mga economic resources, pampulitikang poder, atmaging ang pang-relihiyon at pang-kulturang sentimyento, ng ibang bansa. Kungmapipigil at mawawakasan ang imperyalistang mga naising ito, mapipigil atmawawakasan ang mga digmaan at violent conflicts sa mundo, at maiaalis ang isa sapinaka-kasumpa-sumpang krimen laban sa sangkatauhan --- ang pag-massacre sa mgabata.

Ang Pagbabalik sa USA ng

Karahasang Iniluluwas Nito

Maraming mahihirap na mga Kano na lumaki at nahasa sa kultura ng karahasan angnatural na madaling masilaw sa military draft o sa paglilingkod militar. Nariyan angpagnanais na makatakas sa kahirapan sa mga ghettos, ang pagnanais na magkaroon ngkahit na anong trabaho na may regular na suweldo, at ang pagnanais na magkaroon ngpagkakataong makapag-aral o makakuha ng technical skills. Mayroon din namang may“jingoist” na pagnanais sa pagkakataon na magamit ang kanilang mga mararahas nakakayahan laban sa mga itinuturing na “kaaway” ng kanilang pamahalaan ; para sa mgaito, tama lagi ang pamahalaang Kano, at masasama lagi ang pumipigil o lumalaban sapuwersa ng Kano.

45 / 57

Page 46: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Mayroon rin namang nagnanais na magkaroon ng katuparan ang kanilang mga pantasya,na napulot nila sa “entertainment” industry ng USA, hinggil sa pagkakaroon ng“kapangyarihan” sa ibabaw ng ibang mga sambayanan, na magagawa nilang takutin atmaging patayin sa pamamagitan ng superyoridad ng kanilang mga armas. Wika nga ngilan, join na sa puwersang militar ng USA upang makapunta sa iba’t-ibang bahagi ngmundo, upang makakita ng iba’t-ibang uri ng tao, at magkaroon ng kasiyahan sapagpatay sa mga iyon.

Ang karamihan sa mga pumapasok sa paglilingkod militar ay pinadadala sa ibang bansaupang isagawa ang mga panggi-giyera ng USA --- mga panggi-giyerang walangkinalaman sa inaakala nilang “pagtatanggol” sa USA. Marami ang hindi nakauunawa nasila’y ginagamit lamang upang isulong ang kapakanan ng military-industrial complex atng transnational corporations ng USA. Itinataya ang kanilang buhay at katawan upanghigit pang yumaman ang iilang mga bilyonaryong monopolistang Kano. Sa pagpasoknila sa serbisyong militar ay hindi sila dapat magtanong ng anuman o magsalita nganuman, at dapat ay maging handa lamang lagi sila sa pagsunod sa mga utos ng lahatng “nakatataas”.

Sinasabi ng pamahalaan ng USA na ang serbisyong militar ay nagbibigay ng “equalopportunity” employment para sa kababaihan, kaya naman daw dumarami ang bilang ngkababaihang Kano na nag-e-enlist rito. Ngunit sa katunayan, ang marami sa kababaihangito ay mahihirap at walang trabaho, at napipilitan lamang na pumasok sa ganitonggawain upang mabuhay, kahit alam nila na ang kanilang pagsabak sa mga labanan aybahagi ng “equal opportunity” na ibinibigay ng serbisyong militar para sa kababaihan.

Sang-ayon pa sa progresibong manunulat at film-maker na si Michael Moore, mga 19,000kababaihang sundalo sa sandatahang lakas ng USA ang nakararanas ng rape o sexualassault taun-taon, sa kamay ng kanilang mga kalalakihang ka-tropa. Kung ang

46 / 57

Page 47: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

kababaihang sundalong Kano mismo ay nagiging biktima ng panghahalay, lalo namanitong nangyayari sa kababaihan ng mga ginigiyerang bansa, na kadalasang pinapatay narin upang pagtakpan ang panghahalay.

Habang nakataya ang buhay ng mga sundalong Kano sa mga giyera ng USA sa ibangbansa, walang katiyakan ang mga sundalong ito na mapangangalagaan ang kapakananng kanilang mga pamilya sa USA. Sang-ayon pa kay Michael Moore, maramingforeclosures o pag-ilit ang ginagawa ng mga bangko o financing companies sakabahayan ng mga pamilya ng ganitong mga sundalo. Sinabi rin niya na napakalaki nang bilang ng mga beteranong bumalik mula sa mga giyera na wala nang bahay namatirahan --- gabi-gabi raw ay hindi kukulangin sa 60,000 mga war veterans angnatutulog sa mga kalsada at parke sa buong USA.

Kahit na gaano pa man nasanay o nahasa sa mararahas na mga pamamaraan ang mgatropang Kano, marami na rin sa kanila ang hindi na makayanan ang war assignments. Sakatunayan, sang-ayon pa rin kay Moore, mas maraming mga sundalo sa active serviceang nagpapakamatay, kaysa sa napapatay sa labanan (may 323 suicides daw mula Enerohanggang Nobyembre 2012, kumpara sa mga 210 combat deaths sa Afghanistan). Angmga suicides na ito ay kadalasang sanhi ng combat fatigue, pagka-desperado atdepression sa kalagayan nila o ng kanilang pamilya, na siya ring mga sanhi ng pagkasirang utak ng iba pa.

Hinggil naman sa mga beterano ng mga giyera na nakabalik na sa USA, binanggit niMoore na mga 18 beterano ang nagpapakamatay araw-araw. Bale isa sa bawat limangnagsu-suicide sa USA ay isang beterano, na kadalasan ay may kapansanang natamo sagiyera at ang kalagayan sa pag-iisip ay pinalala pa dahil sa pangkabuhayang krisis.

47 / 57

Page 48: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Maraming sundalo at beterano na narindi sa mga giyera ang bumabalik sa USA atnakikitang walang pinagbago (o lumubha pa) ang kalagayan ng kanilang mga pamilyadahil sa patuloy na krisis sa kabuhayan doon. Bumabalik sila na wala o bibihira angmapasukang trabaho, wala ring pagkakataon para makapag-aral, o kaya’y nailitan pa ngbahay at iba pang ari-arian dahil sa krisis. Ang ilan pa sa kanila ay umuuwi mataposmagtamo ng mga kapansanang physical o mental sanhi ng labanan. Hindi nakapagtatakana ang ganitong mga tao ay maaaring bigla na lang mag-“huramentado”, namakadaragdag pa sa mga pangyayari ng mass murders at brutal na karahasan sa USA.

Masyadong malalim ang nakatanim nang mga ugat ng kultura ng karahasan sa USA, atang panaka-nakang paghu-“huramentado” ng ilang tao na nauuwi sa mga mass murdersay may kaugnayan rin sa mga paghihirap ng maraming Kano dala ng krisis ng sistemangkapitalista na laging nagpapatuloy sa bansang iyon. Ngunit tungo sa pag-aalis ng kulturang karahasan sa USA, ang pangunahing hakbang ay ang pagtitigil kaagad ng mgapanggi-giyera ng USA sa ibang bansa. Ang mga giyerang ito ay mga sistematikong massmurders laban sa ibang mga sambayanan, na nagiging inspirasyon ng ilang mgadesperado sa pagsasagawa rin ng mga mass murders sa sarili nilang komunidad. Attungo sa pagtitigil sa mga panggi-giyera ng USA sa ibang bansa, kailangan angpagkamulat ng sambayanang Kano sa kawalang-katarungan ng mga panggi-giyerangiyon. Ito ang patuloy na isinasagawa ng mga komunista at iba pang progresibo sa USA,bagama’t sila ay isa pa ring maliit na minorya.

Mayroon ring ilan sa hanay militar ang namumulat at nag-uumpisang magtanong kungbakit nila dapat lupigin ang ibang bansa, at kung bakit nila dapat pahirapan at patayinang mga mamamayan roon na wala namang ginagawa upang makasakit sa USA. Ngunitang iilang ito ay tinutugis, bina-bartolina at hinahabla bilang “traidor” sa USA. Ang isa samga ito ay ang matapang na bayaning si Army Private Bradley Manning, na nagsiwalatng mga katibayan hinggil sa ilang war crimes na isinagawa ng mga puwersang Kano saIraq at Afghanistan. Ilan sa mga isiniwalat ni Manning sa pamamagitan ng “WikiLeaks”ay ang mga video ng pamamaslang sa grupo ng mga sibilyan (kasama na ang ilang bata,at ang ilan pang sibilyan na lumapit upang tumulong lamang sa mga naunang biktima)na kagagawan ng ilang sundalong Kano na sakay ng isang Apache helicopter.

48 / 57

Page 49: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Sana naman, sa pamamagitan ng pagbibigay-atensiyon sa mga war crimes ng mgapuwersang Kano (na tulad ng isiniwalat ni Manning), higit na maraming Kano angmamumulat sa katotohanan ng imperyalistang mga patakaran ng kanilang bansa, atmatututong lumaban sa mga patakarang iyon. Kung paanong noong panahon ngVietnam War ay nakatulong ang pasisiwalat sa noo’y mga sikretong “Pentagon Papers”upang mapahupa ang suporta ng sambayanang Kano para sa giyerang iyon, malaki rinang maitutulong ng mga pagsisiwalat hinggil sa mga war crimes ng USA ngayon saAfghanistan, Iraq, Libya, Syria, atbp. upang mapahupa ang suporta ng sambayanangKano para sa mga giyerang ito.

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

PKP-1930 GREETINGS ON THE 54TH ANNIVERSARY

OF THE TRIUMPH OF THE CUBAN REVOLUTION

49 / 57

Page 50: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

( PKP-1930 )

(Philippine Communist Party)

Website : www.pkp1930.com

e-mail : [email protected]

January 1ST, 2013

H.E. JORGE REY JIMENEZ

Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary

50 / 57

Page 51: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

EMBASSY OF THE REPUBLIC OF CUBA

Makati City, Metropolitan Manila

e-mail : [email protected]

Your Excellency :

Through your esteemed Embassy, we wish to express to the Communist Party of Cuba,and to the government and people of the Republic of Cuba, our sincerest congratulationsand best wishes on the occasion of the 54TH Anniversary of the Triumph of the CubanRevolution.

We especially salute the revolutionary leaders of Cuba, primarily former Pres. FidelCastro and present Pres. Raul Castro, who deserve the great respect, admiration andaffection of all revolutionary forces internationally for their steadfastness in guidingsocialist construction in Cuba despite all odds. Comrades Fidel and Raul Castrocontinue to inspire peoples throughout the world with their devotion to the cause ofsocialism, and for their consistent reaffirmation that socialism remains the future of thewhole of humanity.

51 / 57

Page 52: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

The great victory of the Cuban Revolution on New Year’s Day in 1959, in a country whichis so near the US imperialist giant, is a continuing lesson that a people that is unitedunder an inspiring revolutionary movement can defeat the neocolonial system ofimperialism. And the steady growth of the revolutionary strength of socialist Cuba sincethen is another lesson that a united people conscious and proud of the historiclibertarian mission of socialism can resist and overcome all imperialist plots andpressures.

Kindly accept also, Your Excellency, the assurances of our highest consideration andbest personal wishes for your goodself and your family.

With warmest regards,

ATTY. ANTONIO E. PARIS

General Secretary

52 / 57

Page 53: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

POLITICAL STATEMENT ON THE WAY

OUT OF THE EURO, THE NATO AND THE EU

(Tala : Sa inisyatiba ng Partido Comunista de los Pueblos de Espana, isangpagpupulong ng ilang mga Marxista-Leninistang partido sa Europa ang idinaos saMadrid noong Disyembre 15, 2012. Ang tema ng pagpupulong ay ang pagbaklas sa mgasumusunod : sa sistemang pang-pananalapi ng Euro, sa mapanalakay na North AtlanticTreaty Organization [NATO], at sa burges na alyansang European Union [EU]. Hiniling ngmga nagsipagpulong na partido ang pagkatig ng iba pang mga Partido Komunista atPartido Manggagawa sa buong mundo para sa sumusunod na Pampulitikang Pahayag nanabuo sa pagpupulong na iyon. Ang PKP-1930 ay kabilang sa mga partido ay kumatig sanagkakaisang paglalabas ng sumusunod na Political Statement.) 

53 / 57

Page 54: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

Capitalism is undergoing a very deep crisis of capital over-accumulation, which showsthe historical limits of this system. Despite the bail-outs with enormous amounts ofmoney given by bourgeois governments for the financial system and for the bigmonopoly groups in general, the bourgeois governments still face very grave problemsin the management of the crisis.

It is a fact that, independently from the pro-monopoly formula of economic management,the policies implemented by bourgeois governments are hostile to the working class andthe popular strata. In the conditions of the capitalist crisis, capital becomes moreaggressive, intensifying the exploitation of the workers, destroying a huge amount ofproductive forces, throwing to misery millions of workers, restraining and abolishingtheir social rights, and violating the sovereignty of the peoples with new imperialist wars.

For the preservation of this socio-economic system in Europe, the EU --- i.e., theimperialist alliance organized to advance the demands of the monopoly capital of thedifferent European countries --- is imposing a policy which means poverty for millions ofworkers in the EU countries, deepening day after day in the inter-imperialistcontradictions, and facilitating, among other things, the upsurge and strenghtening offascist organizations. Nowadays the policies coming from the EU, and being fullyimplemented by the governments of its member states, express the interests of themonopoly capital of this imperialist union.

The communist parties and organizations signing this statement express readiness tooppose the strategy of capital, the EU and the rest of the imperialist organizations. Weexpress once more that in order to put an end to the growing inpoverishment of theworkers, to their exploitation by the capitalist oppressors, and in order to guarantee theirsocial and labour rights, it is completely necessary to overthrow capitalism and itsreplacement by socialism.

54 / 57

Page 55: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

We consider that the peoples of Europe will be really sovereign only with the seizing ofworkers' and peoples' power, the construction of socialism, and at the same time, gettingout of the EU, the Euro and the NATO. For these reasons we struggle for the way out ofour countries from these imperialist alliances, and commit ourselves to raise our level ofinter-party cooperation for that goal.

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - - 

STATEMENT IN SOLIDARITY WITH KUWAITI DETAINEES

55 / 57

Page 56: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

(Tala : Sa inisyatiba ng Democratic Progressive Tribune of Bahrain, ang sumusunod napinagkaisahang pahayag ay ipinalabas ng mga Partido Komunista at PartidoManggagawa ng buong mundo. Ang PKP-1930 ay kabilang sa mga partidong sumuportasa pagpapalabas ng pinagka-isahang pahayag na ito.)

The organizations listed below express their full solidarity with the Kuwaiti people in itsopposition to the monopoly of power, its opposition to the entrenchment of theshiekdom, and its resistance to the attempts at restricting public liberties and democraticrights.

We also support the actions of the Kuwaiti people aimed at achieving democraticchange all the way to parliamentary democracy.

We demand that Kuwaiti authorities halt the police response to popular demands andactions. We demand the immediate release of young Kuwaiti detainees in Kuwaitiprisons, accused of practicing their natural and constitutionally-sanctioned right toassemble, protest and express their opposition to the undemocratic practices of theKuwaiti authorities.

56 / 57

Page 57: Pahayagan ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS · PDF filePagbati ng PKP-1930 sa Ika-16 na Anibersaryo ng Aniban ng mga ... UNESCO bilang isang natatanging coral reef sa Timog-Silangang

Philippine CP (PKP-1930), January 2013 Issue of Sulong [En.]

Written by Philippine Communist Party (PKP-1930)Sunday, 27 January 2013 15:25 -

- - -   o o o   0 0 0   (END)   0 0 0   o o o   - - -

 

57 / 57