11
In Loving Memory of Our Departed Classmates U.S.T. Medicine ‘67

In Loving Memory of Our Departed Classmates U.S.T. Medicine ‘67

  • Upload
    maida

  • View
    119

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

In Loving Memory of Our Departed Classmates U.S.T. Medicine ‘67. “SUNDAN ANG MGA TANGLAW” by Vladimir B. Santos a pictorial and Tagalog verse presentation of Zinnia B. Giron’s composition “ FOLLOW THE LIGHTS”. Iwaksî ang pangambá at pagmasdán ang mga ilaw - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

In Loving Memory of

Our Departed Classmates

U.S.T. Medicine ‘67

“SUNDAN ANG MGA TANGLAW”

by Vladimir B. Santosa pictorial and Tagalog verse

presentationof Zinnia B. Giron’s

composition “FOLLOW THE LIGHTS”

Iwaksî ang pangambá at pagmasdán ang mga ilaw

Tuntunín itong landás, ang mga paról ang tatanglaw

Sa inyo’y nananawagan, mga kaibigang nagsipanaw

Pagbigyan ang hilíng na makipagkita ngayong araw

Makisali sa pagtitipon, tayo ay magtagayán

Hanapin yaong nawaglít, sa ati’y nagbuklod minsan

Piniling karapat-dapat, tunay kayong pinagpalà

Naunang kinuha ng Maykapal, bilang gantimpalà

Sinadya naming tawirín, malawak na karagatán

Upang ngayong gabi, sama-sama nating ipagdiwang

Walang kupas na alaala ng ating nakaraán

Ang pinagkaloób na buhay ay ‘di pangmatagalan

Katawan ay babalík sa alabók na pinagmulán

Ganoón pa man, itong handóg, ang halaga’y sukdulan

Makabubuting mga minamahal ay pahalagahan

Kapiling sila ng Diyós, puwáng sa ating puso’y bigyán

Bago kayo ay tuluyang maglaho sa kadiliman

H’wag na sanang lumingon, ang tangi naming kahilingan

Ang mga sandaling ito ay mahalaga sa amin

Ang mabilis na pagdaloy ng luha’y kapansin-pansin

Nagsisising baka ito na’ng huling ugnayan natin

Ang pinagkaloób na buhay ay ‘di pangmatagalan

Katawan ay babalík sa alabók na pinagmulán

Ganoón pa man, itong handóg, ang halaga’y sukdulan

Makabubuting mga minamahal ay pahalagahan

Kapiling sila ng Diyós, puwáng sa ating puso’y bigyán

Buntong-hininga ng mga alon sa dalampasigan

Mga kabibeng hungkag, sa buhangin ay nasilayan

Nagpaluha sa amin ay mabituing kalangitan

Ang pinakamalumanay na halik, hanging nagdaan

Ito’y isang gabing hindi natin dapat kaligtaan

Ito’y isang gabing hindi natin dapat kalimutan

KAPAYAPAAN

Sa mga Pumanaw Naming Kamag-aral

Tagalog translation by Vladi Santos of Zinia Giron’s “Follow the Lights”

“Sundan ang mga Tanglaw”

Zinnia B. Giron on the Piano

Follow the Lights Composed by Zinnia B. Giron, MD for the Ruby Jubilee of UST Med’67 in 2007