4
Mesopotamia: Lunduyan ng Kabihasnan Ang Mesopotamia ay hanggo sa mga salitang Griyego na Meso na ang ibig sabihin ay pagitan at potamos na ang ibig sabihin ay ilog. Sa makatuwid, ang ibig sabihin ng Mesopotamia ay lupa sa pagitan ng ilog. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog sa kanlurang asya, and Tigris at Euphrates. Naging importante ang lokasyon ng Mesopotamia sa pagusbong ng mga kabihasnan dito. Dahil malapit ito sa mga anyo ng tubig tulad na lang ng Tigris at Euphrates, naging mayaman ang lupain ng mesopotamia. Napabilang din ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile Crescent sa Kanlurang Asya. Nagbigay daan din ang mga ilog ng para sa pangagalakal ng mga taga Mesopotamia sa ibang mga bansa tulad ng China, India, at Egypt. Dahil dito, ay naging kaakit akit sa mga karatig na mga bayan at sa pag usbong ng iba't ibang kabihasnan dito ay tinawag na lunduyan ng kabihasnan o cradle of civilization ang Mesopotamia. Nagpatayo ang mga taga Mesopotamia ng mga Ziggurat sa mga lungsod estado. Ito ay mga templo na nagsisilbi ding mga tahanan ng patron o diyos ng bawat lungsod. Ito ay itinuturing isang sagradong lugar kaya ang mga pari lamang ang pwedeng pumasok sa mga ito. Naitala ang mga pangyayari sa panahon ng mga imperyo ng Mesopotamia dahil nagkaroon sila ng sariling sistema ng pagsulat. Ito ay tinatawag na Cuneiform na ang ibigsabihin ay hugis sinsel o wedge shape. Ito ay isinusulat o iniuukit sa isang clay tablet o stele gamit ang stylus na kadalasang gawa sa tambo o reed. Nagkaroon na ng iba't ibang pagbabago ang Cuneiform. Apat na Imperyo ng Mesopotamia Nagkaroon ng apat na imperyo sa Mesopotamia, ang Imperyo ng Akkadia, Imperyo ng Babylonia, Imperyo ng Assyria, at Imperyo ng Chaldea o ang NeoBabylonian Empire. Akkadian Bago maitatag ang imperyo ng Akkadia, nakatira ang mga Akkadians sa hilaga ng Mesopotamia habang ang mga Sumerians naman ay nakatira sa bahaging timog. Nahati ang mga lugar na ito sa ilang Citystates na may kanyakanyang pinuno. Kadalasan, ang mga citystates na ito ay nakikipaglaban sa isa’t isa at ang natatalo ay kadalasang nasasakop ng mananalong citystate. Isang halimbawa nito ang pag atake

Imperyo ng Mesopotamya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Imperyo sa Mesopotamya (Four empires in Mesopotamia. Babylonian, Akkadian, Assyrian, Chaldean

Citation preview

Page 1: Imperyo ng Mesopotamya

Mesopotamia: Lunduyan ng Kabihasnan  

Ang Mesopotamia ay hanggo sa mga salitang Griyego na Meso na ang ibig sabihin ay pagitan at potamos na ang ibig sabihin ay ilog. Sa makatuwid, ang ibig sabihin ng Mesopotamia ay lupa sa pagitan ng ilog. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog sa kanlurang asya, and Tigris at Euphrates. Naging importante ang lokasyon ng Mesopotamia sa pagusbong ng mga kabihasnan dito. Dahil malapit ito sa mga anyo ng tubig tulad na lang ng Tigris at Euphrates, naging mayaman ang lupain ng mesopotamia. Napabilang din ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile Crescent sa Kanlurang Asya. Nagbigay daan din ang mga ilog ng para sa pangagalakal ng mga taga Mesopotamia sa ibang mga bansa tulad ng China, India, at Egypt. Dahil dito, ay naging kaakit akit sa mga karatig na mga bayan at sa pag usbong ng iba't ibang kabihasnan dito ay tinawag na lunduyan ng kabihasnan o cradle of civilization ang Mesopotamia.  

 Nagpatayo ang mga taga Mesopotamia ng mga Ziggurat sa mga lungsod estado. 

Ito ay mga templo na nagsisilbi ding mga tahanan ng patron o diyos ng bawat lungsod. Ito ay itinuturing isang sagradong lugar kaya ang mga pari lamang ang pwedeng pumasok sa mga ito.  

 Naitala ang mga pangyayari sa panahon ng mga imperyo ng Mesopotamia dahil 

nagkaroon sila ng sariling sistema ng pagsulat. Ito ay tinatawag na Cuneiform na ang ibig­sabihin ay hugis sinsel o wedge shape. Ito ay isinusulat o iniuukit sa isang clay tablet o stele gamit ang stylus na kadalasang gawa sa tambo o reed. Nagkaroon na ng iba't ibang pagbabago ang Cuneiform.   Apat na Imperyo ng Mesopotamia 

 Nagkaroon ng apat na imperyo sa Mesopotamia, ang Imperyo ng Akkadia, 

Imperyo ng Babylonia, Imperyo ng Assyria, at Imperyo ng Chaldea o ang Neo­Babylonian Empire.  Akkadian  

Bago maitatag ang imperyo ng Akkadia, nakatira ang mga Akkadians sa hilaga ng Mesopotamia habang ang mga Sumerians naman ay nakatira sa bahaging timog. Nahati ang mga lugar na ito sa ilang City­states na may kanya­kanyang pinuno. Kadalasan, ang mga city­states na ito ay nakikipaglaban sa isa’t isa at ang natatalo ay kadalasang nasasakop ng mananalong city­state. Isang halimbawa nito ang pag atake 

Page 2: Imperyo ng Mesopotamya

ng city­state ng Sumer na Uruk sa Akkad noong 2300 BC. Nagawang ipagtanggol ng Akkad ang kanilang teritoryo sa pamumuno ni Sargon I. Si Sargon I and pinakaunang pinuno na nagkaroon ng sarili niyang permanenteng hukbo. Si Sargon I and pinakaunang pinuno na nagkaroon ng sarili niyang permanenteng hukbo. Nasakop din ng mga Akkadians ang mga karatig na bayan at naitatag ang unang imperyo sa Mesopotamia, ang Imperyo ng Akkadia.  

Nakamit ng Imperyo ng Akkadia ang rurok nito sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Sargon I na si Naram Sin. Ngunit pagkamatay ni Naram Sin, nagsimula na din bumagsak ang imperyo ng Akkadia at kalaunan ay nasakop ng mga Amorites nuong 2000 BC.  Babylonian  

Pagkatapos ng pagbagsak ng imperyong Akkadia, dalawang imperyo ang nagsimulang umusbong sa Mesopotamia, ang imperyo ng Babylonia sa timog at Assyria sa hilaga. Nagsimula ang pagusbong ng imperyong Babylonia nang maupo bilang pinuno si Hammurabi noong 1792 BC. Nagawang sakupin ni Hammurabi ang buong Mesopotamia kabilang na ang teritoryo ng mga Assyrian sa hilaga. Sa pamumuno ni Hammurabi, naging pinaka malaki at makapangyarihang siyudad ang Babylon noong panahon na iyon. Umusbong din ang iba’t ibang larangan tulad ng sining, matematiko, siyensa, at literatura.   

Ang pinaka malaking naiambag ni Hammurabi ay and Code of Hammurabi. Ito ay 282 na mga batas na kanyang ipinatupad, gamit ang gabay ng mga diyos, at ipinaukit sa dalawa't kalahating metro ng itim na diorite na poste. Inilagay ang Code of Hammurabi sa templo upang makita ng kanyang mga nasasakupan. Ito ay itinuturing isa sa mga unang batas at sinasabing pinagkuhanan ng inspirasyon ng iba pang kilalang batas at pati na rin ang mga modernong batas na meron tayo ngayon. Ang Code of Hammurabi ay sumusunod sa prinsipyo ng mata para sa mata, ngipin para sa ngipin (eye for an eye, tooth for a tooth). Ibig sabihin nito, ang bawat krimen na ginawa mo sa iyong kapawa ay may katumbas din parusa na ipapataw sa iyo. Ngunit tinitignan din ng Code of Hammurabi ang estado sa buhay ng taong may sala. Halimbawa, kung ang isang lalake na nabibilang sa mataas na uri ay nakasakit ng mata ng kapwa mataas na uri, sasaktan din ang kanyang mata. Kapag ang nasaktan ay ordinaryong tao lamang, babayaran ng may sala ang nasaktan ng isang mina ng pilak. At kung ang nasaktan naman ay isang alipin, kailangan magbayad ng may sala ng katumbas sa kalahati ng presyo ng alipin na nasaktan. 

 

Page 3: Imperyo ng Mesopotamya

May mga nakasaad din sa Code of Hammurabi tungkol sa karapatan ng mga alipin at kababaihan. Ang mga alipin ay maaaring magkaroon ng sarili nilang ari­arian at bilin ang kanilang kalayaan. Ang mga kababaihan naman ay may karapatang iwanan ang kanilang mga asawa kung sila ay napabayaan ng asawa. Sila rin ay may karapatang kunin ang mga anak ang kanyang sariling ari­arian kung mag desisyong iwanan sila ng kanilang asawa 

 Nang mamatay si Hammurabi, napasa ang pamumuno sa kanyang mga anak 

ngunit hindi sila kasing galing ng kanilang ama at nagdulot ng pag hindi ng Imperyong Babylonia. Dahil dito, naging bukas ito sa pananalakay ng Hittites noong 1595 BC at pagsakop ng mga Kassites.  Assyrian 

Umusbong muli ang imperyo ng Assyria noong 1360 BC at hindi lamang hilagang Mesopotamia ang nasakop nila. Nasakop nila ang buong Mesopotamia at ila pang mga karatig na bansa tulad ng Egypt, Israel, at Turkey. Nakamit nito ang rurok sa ilalim ng pamumuno ni Tiglath­Pileser I.  

 Naging kilala ang mga Assyrian sa kanilang karunungan sa gyera pati na rin sa 

ang kanilang pagiging agresibo. Gumagamit sila ng brutal na pamamaraan para pasukuin ang mga kalaban. At sa pagkakataong sila ay nasakop, minamaltrato, ginagahasa o pinupugatan ng ulo ang mga ito.Ibinabalandra rin nila ang mga patay na katawan para makita ng publiko. SInusunog din ng mga Assyrians ang mga bahay ng kanilang mga kalaban at sinisira ang kanilang mga taniman. 

 Naging mabilis ang pagbagsak ng Imperyo ng Assyria. Dalawang puwersa ang 

kinailangan niton labanan, ang Medes at ang Babylonians. At sa ilalim ng pamumuno ni Cyaxares, nasakop ng mga Medes ang Ashur noong 616 BC. Nasakop naman ang Niniveh noong 612 BC sa tulong ng pagsanib pwersa ng mga Medes at Babylonians. Pagkatapos ng dalawang taon, nasakop na din ang huling teritoryo ng mga Assyrians na Haran at tuluyang bumagsak na ang Imperyo ng Assyria.  Chaldean/Neo­Babylonian 

 Sa pagbagsak ng Imperyong Assyria, kinuha ng Chaldeans ang pagkakataong 

ito para kunin muli ang Babylon noong 612 BC. Sa pamumuno ni Nabopolassar, naging matagumpay ang pagaalsa nila laban sa mga Assyrians. Nakamit naman ng Chaldeans o Neo­Babylonians ang rurok sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II.  

Page 4: Imperyo ng Mesopotamya

Ipinagawa muli ni Nebuchadnezzar II ang ziggurat sa lungsod. Nagpagawa rin siya ng kanal o moat sa palibot ng lungsod. Naging kilala ang Babylon sa larangan ng arkitekto. Ipinagawa rin niya ang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa na si, Reyna Amytis. Intinuturin din ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.  

 Nang mamatay si Nebuchadnezzar II noong 529 BC, nagsimulang bumagsak ng 

Imperyo ng Neo­Babylonia. Dahil dito nakaraoon ng pagkakataon sakupin sila ng mga Persyano at napabilang ang Baybylonia sa Imperyo ng mga Persyano.    Sanggunian: http://soaringeagleons.weebly.com/mesopotamia.html http://www.ancient.eu/article/167/ http://project­history.blogspot.com/2006/06/geography­of­ancient­mesopotamia­tigris.html http://www.ushistory.org/civ/4c.asp http://www.timemaps.com/civilization/ancient­mesopotamia http://www.ducksters.com/history/mesopotamia/akkadian_empire.php http://www.academia.edu/7801675/Kings_of_Akkad_Sargon_and_Naram­Sin