14
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) Filipino Unang Markahan –Modyul 4 Paggamit ng Paghahambing Maritess G. Adriatico A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT 8 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

  • Upload
    others

  • View
    48

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Filipino Unang Markahan –Modyul 4 Paggamit ng Paghahambing

Maritess G. Adriatico

A Joint Project of

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY

and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

8 PAG-A

ARI NG PAMAHALAAN

HINDI I

PINAGBIB

ILI

Page 2: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maritess G. Adriatico Editor: Zenaida M. Sebumpan Tagasuri: Riela Angela C. Josol – EPS - Filipino Tagaguhit : Tagalapat : Kevien Ian I. Albon

Tagapamahala : Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag, - Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo, PDO II- Project Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 4: Aralin 1: Paggamit ng Paghahambing Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Page 3: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

1

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)

1. Uri ng Paghahambing

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Week 1)

1. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupimistikong pahayag)

F8WG-Ia-c-17 Inaasahang din na ikaw ay:

a. nailalahad sa katangian ng hambingang magkatulad at di - magkatulad. b. nakikilala ang mga panlapi / susing salita sa hambingang magkatulad at di-

magkatulad. c. naitatala ang kaibahan ng bawat karunungang-bayan gamit ang

paghahambing.

PANIMULANG GAWAIN A: PAGTATAYA Panuto: Unawain ang mga tanong sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon

Nabubuo ang isang makatotohang proyektong panturismo

Subukin

Page 4: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

2

_____1. Alin sa mga pares ng panlapi/ susing salita ang ginagamit sa pagpapalawak ng hambingang magkatulad? A. Sing-, pareho C. Magsin-, lalo B. Higit, kapwa D. Magsing-, di gaano _____2. Ano itong paraan ng paglalahad na tumutulong upang mabigyang-linaw ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba? A. Paghahalimbawa C. Pagsasaulo B. Paghahambing D. Pag-iisa-isa _____3. Alin sa hambingang di-magkatulad ginagamit ang susing salita na higit, lalo, mas at di-hamak? A. Palamang C. Pasahol B. Magkatulad D. Pasahol at palamang _____4. Alin sa hambingang di-magkatulad ang nagsasabing kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing? A. Palamang C. Magkatulad B. Pasahol D. Palamang at pasahol _____5. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa paghahambing? Upang____ A. Madaling maintindihan ang kausap B. Madaling matukoy ang hinahanap C. Mapag-aralan ang katangian D. Mapakilala nang husto ang bagay GAWAIN B. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na panlapi / susing salita sa paghahambing upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Sa sagutang papel isulat ang sagot.

6. ________ nakaaaliw ang bugtong sa palaisipan. 7. ________ na malalim ang kahulugan ng sawikain kaysa salawikain. 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _______ saya ng paglalaro. 9. ________ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay _________ ng pag-ibig, nakatago ang tunay na kahulugan. GAWAIN C. Panuto: Ipakilala kung hambingang magkatulad o di magkatulad ba ang mga pangungusap sa ibaba. 11. Lahat ng mga tao ngayon ay parehong butas ang bulsa dahil sa pandemya. 12. Mahirap maging tanga, higit kung pinagmumukha ka talagang tanga. 13. Ginagamit ito ng tao araw-araw at tumitingkad kapag gabi pareho ng mga bituin. 14. Mas hawak sa leeg si Anita ngayon ang kanyang ikalawang nobyo. 15. Magsinglinaw sila ng tubig at may iba’t ibang hugis na kinagigiliwan ng mga babae.

Sing-, kapwa, ga-, pareho/ng, kawangis,

Gaya Higit, lalo, mas, di- gaano, di masyado

Page 5: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

3

Aralin 1

Uri ng Paghahambing

Sa nakaraang aralin, natutunan natin ang mga karunungang-bayan o

tinatawang ding kaalamang – bayan. Nasalamin natin doon kung paano namuhay

at nakibagay sa payak na pamumuhay ang ating mga ninuno. Nakita din natin

kung paano nila pinaunlad ang sariling kamalayan at ang paraan ng pakikitungo

sa iba. Sinasabing ang katas ng ngayon ay ang punla nila noon.

Bugtong at palaisipan ang naging libangan o pampagising sa isipan ng

ating mga ninuno upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin, patunay

lamang na sanay mag-isip ang mga sinaunang tao na ipinamana sa henerasyon

ngayon at ang nauna naman ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.

Binusog naman tayo sa salawikain ng magandang asal at pangaral upang akayin

sa kabutihang –asal, nagsilbi din itong tuntunin ng kagandahang –asal. Ang

sawikain naman ay nagtataglay talinghaga o hiwaga dahil nakatago ang

kahulugan nito. Ibig sabihin ng nakatago ay hindi mo agad makikita sa unang

sulyap ang nais niyang sabihin o ipahiwatig. Tinatawag din itong idyoma.

Makikita rin sa kasabihan ang pagpapalabas ng damdamin na mas kilala sa

bagong panahon na #hugotlines. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna

sa kilos ng isang tao.

Gawain A: Ipakilala mo na Ako! Kilalanin ang mga karunungang-bayan

sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot. 1. Bigla na lamang lomobo ang katawan ni Nena dulot ng ilang buwang quarantine. A. Bugtong 2. Madaling sabihin pero mahirap gawin. B. Salawikain

Balikan

Page 6: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

4

3. Mabenta ito tuwing pasko, kulay pula C. Sawikain at kinakain ng tao. 4. Aanhin pa ang damo, kung patay na D. Palaisipan ang kabayo 5. May limang krayola si Isko sa mesa nang E. Kasabihan biglang hawakan ni Ana ang isa, ilan ang natira? F. Kawikain

Gawain B: Sino Ang Pipiliin Ko!

Panuto: Pumili sa kung alin sa dalawa ang gusto mo at maglaan ng rason. Isulat sa sagutang papel ang sariling sagot.

1. Lechon baboy o adobo 2. Shirt o pants 3. Kathniel o Lizque 4. Matulog o mangapitbahay 5. Pia Wurtzback o Catriona Gray

Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahalagang pag-unawa kung ano ang paghahambing at ang dalawang uri nito. Pahayaw rin na malalaman ang ukol sa pang-uri . Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.

PAGHAHAMBING

Sinasabing ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw –araw na buhay. Sang –ayon ka ba? Bakit Oo at bakit hindi?

Sa paggising pa lang sa umaga ay namimili na tayo kung tatayo na ba sa higaan o matutulog pa ulit kahit gising na. Maliligo kaya o huwag na. Mag-aalmusal

Tuklasin

Suriin

Page 7: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

5

pa ba o di na dahil baka mahuli sa klase. Magnonobyo na ba o susundin muna si nanay na saka na lang. Si Piolo na ba o si Coco Martin? Ang mga ito ay kadalasang maisasagawa kung mayroon tayong paghahambingan.

Sa paglalahad na ito ay may isang mahalagang sangkap at ito ang hambingan ng pang-uri.

Ano ng paghahambing?

Ano ang pang-uri?

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita ng naglalarawan sa katangian ng pangngalan. Halimbawa ng pang-uri ay ang sumusunod: tangkad, ganda, talino, sipag ,kapal, itim, mahabang buhok,lapad, at bigat.

Sa madaling salita, ihahambing natin ang katangian ng dalawang tao, bagay , pook at maging pangyayari.

May dalawang uri ng Paghahambing:

1. Pahambing na Magkatulad – patas ang katangian ng dalawang pinaghahambing. Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin, ga-, at mga salita na pareho, kapwa, kawangis, pares, pawing at tulad.

Halimbawa:

1. Magsingputi sina Bea at Anne.

Panlapi pang-uri o katangian na pareho sina Bea at Anne

2. Ang mga labahin ni inay ay gabundok na talaga.

3. Ang bugtong at palaisipan ay kapwa nakaaliw.

Pang-uri

Salita/ susing salita sa hambingang magkatulad at nagpapahiwatig na pareho lamang ang bugtong at palaisipan na nakaaaliw.

2. Pahambing na Di Magkatulad – ang dalawang pinaghambing ay di magkatulad

a. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.

- Ginagamitan ng salitang higit, lalo, mas, at di-hamak

Panlapi at ang katangian ng bundok ang itinulad sa labahin ni inay

Page 8: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

6

Halimbawa: 1. Di –hamak na gwapo at matalino ang nobyo ko sa nobyo niya.

Pang-uri/ katangian na lamang o mas mataas

Salita/ susing salita sa di magkatulad at palamang

2. Makapal lalo ang ginamit na kumot sa ikalawang araw ng camping.

Salita/ susing salita sa di magkatulad at nasa palamang

Pang-uri / katangian na lamang o mas mataas

3. Mas malalim ang kahulugan ng sawikain kompara sa kasabihan

Pang-uri/ katangian na lamang o mas mataas

Salita/ susing salita sa di magkatulad at nasa palamang

b. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. - Ginagamitan ito ng mga salita/ susing salita na di gaano, di

gasino, at di masyado.

Halimbawa:

1. Di masyadong palaaral si Kapatid kopara kay Bunso.

Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing

Salita/ susing salita sa di magkatulad

2. Di gaano masarap magluto si Ate kaysa kay inay.

Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing

Salita/ susing salita sa di magkatulad

3. Di gasinong tamad si bunso ngayon kompara kay kuya.

Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing

Salita/ susing salita sa di magkatulad

Maaaring ilagay sa gitna o sa unahan ng iyong pangungusap ang mga susing salita/ panlapi sa paghahambing depende sa gustong ayos ng pangungusap.

Alalahanin na sa paghahambing ay dapat may katangian kang inihahambing. Maaring dalawang tao o higit pa ang kasangkot sa paghahambing.

Malinaw ba? May tanong pa ba? Alam kung lubos mong naunawaan ang ating klase at binabati kita kasi ay hand aka na para susuungin ang susunod nating mga gawain. Halika at samahan ako sa pagtuklas

Page 9: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

7

Gawain A. Ako Ba Talaga Iyan? Panuto: Isulat sa sagutang papel ang panlapi/ susing salita na ginamit sa pangungusap/pahayag sa ibaba at ipakilala kung hambingang magkatulad o di magkatulad ba ang mga ito.

1. Di gaanong malaki at umiilaw ito, pero dito mo makikita ang mundo. 2. Masasabing kapwa napabayaan sa kusina ang mag-anak na iyan. 3. May limang kambing si Mang Kanor,uminom ng tubig ang isa at ang dalawa ay parehong lumundag. Ilan ang natira? 4. Ang crush ay tulad ng math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo na lang. 5. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay higit na di makakarating sa paroroonan.

Gawain B. Bumuo ng isang halimbawa sa alin man sa mga karunungang-bayan at palawakin ang paggamit ng paghahambing. Isulat ang pagha -hambing na ginamit sa sagutang papel.

Halimbawa:

Bugtong

1. Malambot ito na pareho ng isang unan,dumidikit sa ngipin kapag iyong tinikman.

Sagot: pareho- makatulad

Sawikain

2. Pawang matataas ang kanilang marka, palibhasa’y nagsusunog ng kilay gabi-gabi.

Sagot: Pawang – magkatulad

Pagyamanin

Page 10: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

8

Gawain A. Panuto: Ibigay ang katangian ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano makikilala ang hambingang di magkatulad?

2. Ano ang palatandaan na pasahol ang ang ginamit na paraan sa paghahambing?

3. Kailan masasabi na ang paghahambing ay nasa palamang?

4. Ano ang ibig sabihin ng paghahambing na di magkatulad?

5. Ano ang paghahambing?

Isagawa Gawain 1- Naman! Ano-ano ang kahalahagahang naibigay ng paghahambing sa araw araw na pakikipagsapalaran? Sagot: 1.____________________________________________________________________ 2.____________________________________________________________________ 3.___________________________________________________________________ Gawain 2. Mga Suki! Panuto: Gumawa ng maikling iskript ng patalastas. Maaring ito’y paraang kanta, rap song o kahit anong paraan ng paglalahad na nanghihikayat. Palawakin ang paggamit ng limang (5) paghahambing. Halimbawa: (Kanta ang paraan ng paglalahad) Dito na kayo sa tindahan ko, mas malinis at walang mga ipis. Higit sa lahat ang tindera ko’y laging nagbibigay-tawad. Di –hamak na masisiyahan kayo na animo’y nanalo sa lotto. Tiyak babalik ka pa na parang paru-paru.

Isaisip

Page 11: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

9

Tayahin: Panuto: Unawain ang mga tanong sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel. _____1. Alin sa mga pares ng panlapi/ susing salita ang ginagamit sa pagpapalawak ng hambingang magkatulad? A. Sing-, labis B. Higit, kapwa C. Magsin-, sing- D. Sim-, di gaano _____2. Ano itong paraan ng paglalahad na tumutulong upang mabigyang-linaw ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba? A. Paghahalimbawa B. Paghahambing C. Pagsasaulo D. Pag-iisa-isa _____3. Alin sa hambingang di-magkatulad ginagamit ang susing salita na higit, lalo, mas at di-hamak? A. Palamang B. Magkatulad C. Pasahol D. Pasahol at palamang _____4. Alin sa hambingang di-magkatulad ang nagsasabing kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing? A. Palamang B. Pasahol C. Magkatulad D. Palamang at pasahol _____5. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa paghahambing? Upang____ A. Madaling maintindihan ang kausap B. Madaling matukoy ang hinahanap C. Mapag-aralan ang katangian D. Mapakilala nang husto ang bagay GAWAIN B. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na panlapi / susing salita sa paghahambing upang mabuo ang diwa ng pangungusap . Sa sagutang papel ilagay ang sagot.

Sing-, kapwa, ga-, pareho/ng, kawangis, gaya

Higit, lalo, mas, di- gaano, di hamak

Page 12: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

10

6. ________ na nagpapalito ang bugtong kaysa sa palaisipan. 7. ________ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain at sawikain. 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _______ saya ng paglalaro. 9. ________ na nagbibigay kagandahang asal ang kasabihan kompara sa salawikain. 10. Ang sawikain ay _________ ng pag-ibig, nakatago ang tunay na kahulugan. GAWAIN C Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang paghahambing ay magkatulad at ekis kung ang paghahambing ay di magkatulad. 11. Ang buhay ng mahirap at mayaman ay pareho lamang na nagsusumikap para umangat. 12. Mahirap maging tanga, higit kung pinagmumukha ka talagang tanga. 13. Ginagamit ito ng tao araw-araw at tumitingkad kapag gabi pareho ng mga bituin. 14. Lalong butas ang bulsa ng mga Pinoy dahil sa pandemya. 15. Magkatulad sa pinaggalingan at sa kaputian, isawsaw sa suka ay ang namnam.

Karagdagang Gawain Gawain 1- Ano Nga Kaya?: Sumulat ng sanaysay na binubuo ng tatlong bahagi ( simula, gitna at wakas). Ihambing ang panahon natin noon at ngayon bilang paksa. Isulat sa sagutang papel ang sagot. _________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________. __________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________. __________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 13: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

11

RUBRIKS

Pamantayan 5 4 3 2 Organisasyon Malinaw at

maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Di gaanong malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Di malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Magulo ang ayos at ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Nilalaman Ginamitan ng sampung paghahambing

Ginamitan ng walong paghahambing

Ginamitan ng anim na paghahambing

Ginamitan ng apat paghahambing

Kawastugang Gramatikal

Wasto ang paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

May mali sa paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

Maraming mali sa paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

Halos lahat may mali sa paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

Kakintalan Nag-iwan ng impresyon sa mambabasa upang mahikayat

Di gaanong nag-iwan ng impresyon sa mambabasa upang mahikayat

Nag-iwan ng impresyon sa mambabasa ngunit di mahikayat

Walang iniwan na impresyon sa mambabasa upang mahikayat

KABUUAN 20

Susi sa Pagwawasto

Subukin 1. A 2. B 3. A 4. B 5. B 6. Mas 7. Higit 8. Sing- 9. Lalo,mas 10. Gaya 11. Magkatulad 12. Di magkatulad 13. Magkatulad 14. Di Magkatulad 15. Magkatulad

Pagtataya 1. C 2. B 3. A 4. B 5. B 6. Higit 7. Pareho 8. Sing- 9. Di-gaano 10. Gaya- 11. √ 12. ꓫ 13. √ 14. ꓫ 15. √

Page 14: I G - AN Filipino · 8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _____ saya ng paglalaro. 9. _____ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan. 10. Ang sawikain ay

12

Sanggunian 1. Pluma 8, 2017 edition 2.https://www.google.com/search?q=To+remember+symbol+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjD0PzevOPqAhUD1ZQKHYfzA2sQ2-cCegQIABAC&oq=To+remember+symbol+clipart&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzoECAAQEzoGCAAQBxAeOgYIABAFEB5Q3IIBWN2hAWDhqQFoAHAAeACAAfsCiAG9I5IBBzAuMS44LjeYAQCgAQHAAQE&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=5I8ZX8POGYOq0wSH54_YBg