10
Ang Daigdig ay Naghahanap ng isang Guro ni Dr. Teresita Cruz- Arceo

Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Nilalaman ng slides presentation ang tulang "Ang Daigdig ay Naghahanap ng isang Guro"

Citation preview

Page 1: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang Daigdig ay Naghahanap ng isang Guro

ni Dr. Teresita Cruz-Arceo

Page 2: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na maganda ang panloob na kaanyuan tapat sa mag-aaral at magbibigay sa kanila ng pagmamalaki.

Page 3: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na may mataas na pagpapahalaga sa sarili

at sa isang banda ay nagbubuo ng mabuting pagpapahalagasa kanila.

Page 4: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na malikhaing naghahanda

ngunit ang unang prayoridad ay ipadama na siya’ynagmamahal.

Page 5: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng guro na marunong ngumitio tumawa

na nasisiyahan sa kanyang ginagawa at nagsisikap sa tuwina.

Page 6: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na interesadoat hindi pala-iwas na gumagalang sa kanyang mag-aaral

Kahit sila’ynaghahanap pa sabuhay

Page 7: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na naniniwalanglahat ng mag-aaral ay may kakayahang matuto na pumupurisa kanilang pagsisikap

at ibinibigay niya angpinakamabuti sakanila.

Page 8: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na marunongmakipagtalastasan sa mga magulang

Mahinahon at piling-pili ang mga salita kung may suliraningpag-uusapan.

Page 9: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng guro na magpupuno sa paghahangad na matuto ng maraming kaalaman

araw-araw na may pagnanais na walang pagod.

Page 10: Ang Daigdig ay Naghahanap ng Guro

Ang daigdig ay naghahanap ng isang guro na pupuno sakakulangan sa kanilang pagkatao na tutuklas sa mag-aaralna magkaroon ng pangarap.

Ang daigdig ay naghahanap sa IYO!