Click here to load reader

Halamang Gamot Ago

  • View
    2.926

  • Download
    9

Embed Size (px)

Text of Halamang Gamot Ago

Halamang gamotBawang (Allium sativum)

Ang bawang ay sikat hindi lamang sa kusinang Pilipino kundi pati sa larangan ng panggagamot. Pinaniniwalaang nakagagamot ang halaman ng mga sakit sa puso, tulad ng high blood pressure, high cholesterol, at atherosclerosis. Ibinababa raw kasi ng bawang ang mga free radicals sa dugo, kaya nababawasan ang pamumuo ng mga atherosclerotic plaque o bara sa mga blood vessel.

Lagundi (Vitex negundo)Dahil sa napatunayan na ang epekto nito sa iba't ibang karamdaman, isa ang lagundi sa mga halamang-gamot na inirerekomenda ng Departamento ng Kalusugan. Ang mga dahon ng lagundi ay malimit na ipinantatapal sa mga bahagi ng katawan na may rayuma at pilay. Ang langis na taglay nito ay napatunayang nakapagpapaalis ng pamamaga at pamumula ng balat. Samantalang ang katas naman nito, na kinakikitaan ng mga katangiang antibacterial, antifungal at analgesic, ay itinitimpla at ipinaiinom sa mga pasyenteng may matinding ubo.

Luyang Dilaw (Zingiber officinale)

Ang luyang dilaw ay ginagamit bilang panglunas sa sipon, ubo, lagnat at pananakit ng lalamunan. Nakakatulong din ito sa pagtunaw at absorpsyon ng pagkain at pagginhawa sa pagsusuka. Ang luyang dilaw ay may sangkap na anti-fungal, antiseptic, anti-viral at anti-inflammatory.Gamot sa balakubak, sa may lagnat na nabinat, sa may rayuma o nananakit na kasu-kasuan.

Akapulko (Cassia alata)Ang halamang-gamot na ito ay kilala din bilang "bayabas-bayabasan" o "ringworm bush" sa wikang Ingles. Ito ay ginagamit na panglunas ng kagaw at iba pang impeksyon sa balat. Ang pinagpakuluan ng dahon ay ginagamit naman na panglunas ng brongkitis at hika.Gamot sa kati sa balat o herpes, buni, singaw ng sanggol sa balat

Ampalaya (Momordica charantia)

Ayon sa mga pag-aaral, ang prutas at dahon nito ay naglalaman ng iron, calcium, at phosphorus na mahahalagang mineral sa katawan. Sinasabing ang pagiging mapait ng prutas nito ay dahil sa quinine, isang anti-malarial, antiinflammatory na kemikal. Gayunpaman, wala pang mabusising pag-aaral ang naisasagawa upang patotohanan ito. Ayon sa pinaniniwalaan, ang ampalaya ay nakatutulong sa paglunas ng type-II diabetes. Dahil dito, marami nang gumagawa at nagbebenta ng food supplements na gawa sa halaman ng ampalaya, kahit wala pang siyentipikong batayan ang ipinapahayag na husay nito.

Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.)Ang Niyog-niyogan ay kilala din bilang "Chinese honey suckle". Ito ay epektibong nakakapagpalabas ng mga bulate sa bituka lalo na ang Ascaris at Trichina. Ang mga tuyo at hinog na mga buto lamang ang nakagagamot -buksan at kainin ang mga buto dalawang oras bago kumain (5 hanggang 7 buto sa mga bata at 8 hanggang 10 buto para sa mga matatanda). Kung hindi lalabas ang mga bulate nang isang dosi, maghantay ng isang linggo bago ulitin muli ang dosi.

Halamang Ornamental

Gumamela

Ang Gumamela ay isa sa mga pinakapamilyar na bulaklak sa Pilipinas dahil ito ay paboritong dekorasyon sa hardin ng mga Pilipino. Kilala rin ito sa tawag na Hibiscus, Rosemallow, China Rose at Shoeflower. Sa Pilipinas, ito ay tinatanim upang gawing palamuti o dekorasyon. Katangian Ang Gumamela ay isang palumpong na lumalaki ng mula isang metro hanggang apat na metro. Ang mga bulaklak ay malalaki, kitang-kita at kahugis ng trumpeta. Mayroon itong lima o higit pang talulot na tumutubo sa iba't ibang kulay: pula, dilaw, puti, lila, kahel, rosas at iba pang kombinasyon ng kulay.

SampaguitaNoong 1 Pebrero 1934, kinilala ni Gobernador-Heneral Frank Murphy ang Sampaguita (Jasminum sambac) bilang pambansang bulaklak ng Pilipinas, dahil sa natatanging halimuyak, kasikatan at ornamental na kahalagahan nito. Tinatawag itong Arabian Jasmin sa Ingles, Manul ng mga Bisaya at Sampaga o Pongso ng mga Kapampangan. Katangian Ang sampaguita ay isang shrub na tumutubo ng may taas na mula isa hanggang dalawang metro. Ang mga dahon ay makintab, hugis bilog o pahaba. Ang bulaklak naman nito ay kulay puti, mahalimuyak, at may hugis na parang-bituin. Ito ay maaaring paramihin sa pamamagitan ng stem-cutting at layering. Namumuhay ito sa matabang lupa at matatagpuan sa buong bansa.

Waling-walingAng Waling-waling (Vanda sanderiana), Reyna ng mga Orkidya sa Pilipinas, ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamagandang orkidya sa mundo. Natuklasan ito ng isang Aleman na taxonomist na si Heinrich Gustav Reicheinback, noong 1882 sa Mindanao. Simula noon, ito na ang isa sa mga hinahanap-hanap ng bulaklak sa bansa. Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Davao, Sultan Kudarat at ilan pang parte ng Mindanao. Katangian Ang waling-waling ay tumutubo ng may taas na 60 hanggang 120 sentimetro. Ito ay nagsisimulang mamukadkad kapag ito ay may haba na 30 sentimetro at may ilang bilang ng mga patag at baluktot na mga dahon. Ang bulaklak, ang pinakamalaki sa lahat ng orkidya sa Pilipinas, ay may lapad na 7.5 hanggang 12.5 sentimetro

SantanAng Santan ay isang palumpong na mayroong maliliit na pulang bulaklak. Ang uring ito ay nagmula sa India, pero ito ay itinanim at napalago na rin sa Pilipinas. Ang mga bata ay mahilig mag-ipon ng mga bulaklak ng santan upang gawing kwintas. Ang mga matatanda naman ay kumukuha ng mga ito upang gawing gamot sa daragas at iba pang mga sakit. Katangian Tumutubo ang Santan sa taas na dalawa hanggang tatlong metro. Ang mga dahon ay walang tangkay (kung mayroon man, maikli), pahaba, lima ang siyam na sentimetrong haba at hugis puso. Ang mga bulaklak naman ay maliliit, tumutubo ng maikli o kadalasan ay walang tangkad, at kulay rosas o pula.

EverlastingKilala rin sa tawag na paper daisy o straw flower, ang Everlasting ay bulaklak na simbolo ng Baguio City. Ang mga tali ng ganitong bulaklak ay binebenta sa mga palengke at kalsada ng "Summer Capital" ng Pilipinas. Dahil sa tagal ng buhay ng Everlasting, paborito ito ng mga deboto na isabit sa kanilang mga altar. Katangian Isang magandang katangian ng bulaklak na Everlasting ay ang kakayahan nitong panatilian ang kulay kahit na putulin sa sanga at patuyuin. Tumatagal ang magandang kulay nito ng mahabang panahon, at minsan pa ay umaabot ng taon.

Punong KahoyNarraAng Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense.

PinoAng pino (Ingles: pine o pine tree, Kastila: pino, Pinus Kesiya, Linn.) ay isang uri ng puno na may mga dahong laging-lunti at kahawig ng mga karayom.Matatagpuan ito sa kabundukan sa lalawigan ng Benguet at boong saklaw ng kaitaasan sa hilagang Luzon. Ang pino ay kilalang saleng sa salitang katutubo ng nasabing rehiyon.Kauri nito ang mga pino sa Tsina at may sapantaha ang mga agham sa mga halaman na ito ay nagmula sa Asya na dinala ng mga naglalakbay na mga hayop na tumwid sa tulay na lupa libong taon nang lumipas.

AkasyaAng akasya (Ingles at Kastila: acacia) ay isang uri ng matinik na punung-kahoy.[1] Nasa genus ito ng mga palumpong at puno at kabilang sa subfamily Mimosoideae ng family Fabaceae. Una itong sinalarawan nit Carolus Linnaeus noong 1773 sa Aprika.

Ipil (Intsia bijuga)Ang ipil[1] (pangalang pang-agham: Intsia bijuga) ay isang malaking punong napagkukunan ng matigas at matibay na mga kahoy. Tinatawag din itong taal sa ibang pook sa Pilipinas.

KamatsileAng kamatsile o kamatsili (Ingles: guamachili, Manila tamarind o monkeypod, pangalang pang-agham: Pithecellobium dulce) ay ang tawag sa isang uri ng puno o bunga nito. May mga butong napaliligiran ng nakakain at mapuputing laman ang mahabang bunga ng punong ito. Ginagamit naman sa pagbibigay ng maitim na kulay sa balat (Ingles: tanning) ang balat ng puno ng kamatsile. [1]