61
GUSTO MONG YUMAMAN (Librong Gabay Spiritual) By: Bro. Roger Alim Rodriguez Naipalimbag sa tulong ng: www.iCheckDomainS.com

GUSTO MONG YUMAMAN

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

GUSTOMONG

YUMAMAN(Librong Gabay Spiritual)

By:

Bro. Roger Alim Rodriguez

Naipalimbag sa tulong ng:

www.iCheckDomainS.com

Gusto Mong Yumaman

Philippine Copyright 2015By Bro. Roger Alim Rodriguez Maliban sa mga talata (“verses”) na nakasulat sa babasahing ito na hinango mula sa Ang Dating Biblia 1905 Version, walang bahagi man na makikita sa babasahing ito ang maaaring kopyahin, paramihin o iimbak man kahit sa ano mang pamamaraan kahit na “electronic, mechanical, aerial or signal data transmission” o kahit na ano pa mang maiibentong pamamaraan sa ngayon o sa darating na panahon, nang walang kapahintulunan sa amin.

Published by Bro. R.A. RodriguezPara po sa inyong Libre na Kopya Email us at: [email protected]

2

GUSTO

MONG

YUMAMAN(Librong Gabay Spiritual)

3

PAUNANG SALITA

Sino ang ayaw maging mayaman?

Hindi masama ang mangarap na yumaman. Ngunit saan natin gagamitin ang kayamanan kung makamtan man natin ito?

Sa karaniwan ang pagyaman ay nakakamit ng iba sa pag-sisikikap na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho o hanapbuhay, o kaya ay sa pagtitiyagang makapag-ipon, at pati na sa pagiging masipag sa paggawa.

4

Sa alin mang larangan ng buhay kapag ang ating pag-gawa ay may kalakip ng mga ito (sikap, tiyaga at sipag) ang bunga ay pagtatagumpay na maabot ang ating ninanasang mabuti sa buhay.

Ngunit sapat na nga ba ang mga iyon?

Inaanyayahan po namin kayo na basahin, unawain at hanapin ang karunungan sa mga pangyayari na mga nakatala sa Biblia na isinipi namin ng hiwalay dito upang masaliksik at masagot ng may katalinuhan ang

5

katanungang: GUSTO MONG YUMAMAN?

Panalangin ko po nawa ay makamit ninyo ang mga mabubuting hangarin ng inyong puso.

Nagmamahal,

Bro. Roger Alim Rodriguez

6

Ang Mayaman

“Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana: At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan, At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat. At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala

7

ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.

At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.

At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. Datapuwa't

8

sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan. At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.

At sinabi niya, ipinamamanhik ko nga sa

9

iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama; Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.

Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.

At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi.

10

At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay. (Luke 16:19-31). (Ang Biblia). (Ang paglalagay ng guhit ay amin).

11

Ang Kasaganahan ng Mayaman

”At sinabi niya (ni Jesus) sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.

At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:

At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin

12

ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga?

At sinabi niya, ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pagaari.

At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa, marami ka nang pagaaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.

Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na

13

haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?

Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios. (Luke 12:15-21). (Ang Biblia). (Ang paglalagay ng guhit ay amin).

14

Ang Mayamang Maralita

”Magsiparito ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating.

Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga.

Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. Kayo'y

15

nagtipon ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw.

Narito, ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng mga hukbo.

Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa araw ng patayan. Inyong hinatulan, inyong pinatay ang matuwid; hindi

16

niya kayo nilalabanan. (James 5:1-6). (Ang Biblia).

17

Ang Mas Higit Pa Sa Yaman ng Tao

”Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.

Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang

18

sarili ng maraming mga kalumbayan.

Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.” (1 Timoteo 6:9-11). (Ang Biblia). (Ang guhit ay sa amin).

”Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?

19

Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” (Mateo 6:31-33). (Ang Biblia). (Ang guhit ay sa amin).

20

Ang Habilin sa Maya yaman

“Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;

Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi; Na mangagtipon sa

21

kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay. (1 Timoteo 6:17-19). (Ang Biblia).

22

Kawikaan 3:1-35(Ang Biblia 1905)

~~~~~~~~~~~~~~

Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.

Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: Itali mo sa palibot ng iyong

23

leeg; ikintal mo sa iyong puso: Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, Sa paningin ng Dios at ng tao.

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, At Kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

24

Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, At utak sa iyong mga buto. (Ang guhit ay inilagay namin bilang pagbibigay diin). Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, At ng mga unang bunga ng lahat mong ani: Sa gayo'y mapupuno ang

25

iyong mga kamalig ng sagana, At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; Ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

26

Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.

Mahalaga nga kay sa mga rubi; At wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa

27

kanang kamay niya, Sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, At lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: At mapalad ang bawa't isa na

28

nangamamalagi sa kaniya.

Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.

Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, At ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog.

29

Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, At biyaya sa iyong leeg.

Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, At ang iyong paa ay hindi matitisod.

30

Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.

Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.

31

Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.

Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, At bukas ay magbibigay ako; Pagka ikaw ay mayroon.

Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong

32

kapuwa, Na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.

Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.

Huwag kang managhili(ma-inggit) sa taong marahas, At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. Sapagka't ang suwail ay

33

kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.

Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.

Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwa-hagi, Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.

34

Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang. (Kawikaan 3:1-35. Ang Biblia).

35

ANG

PAKINABANG

SA

KARUNUNGAN

36

Kawikaan 4:1-27(Ang Biblia 1905)

~~~~~~~~~~~~~

Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.

Sapagka't ako'y anak sa aking ama, Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.

37

At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:

Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:

Huwag mo siyang pabayaan at iingatan

38

ka niya; Ibigin mo siya at iingatan ka niya.

Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.

39

Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.

Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. Aking itinuro ka sa daan ng karunungan;

40

Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay. Huwag kang pumasok sa landas ng

41

masama, At huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. Ilagan mo, huwag mong daanan; Likuan mo, at magpatuloy ka. Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; At ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.

42

Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, At nagsisiinom ng alak ng karahasan. Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.

43

Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.

Sapagka't buhay sa nangakaka-sumpong, At kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong

44

sikap; Sapagka't dinadaluyan ng buhay, Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. Tuminging matuwid ang iyong mga mata, At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.

Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, At mangatatag

45

ang lahat ng iyong lakad.

Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan. (Kawikaan 4;1-27. Ang Biblia 1905).

46

MGA DAGDAG KARUNUNGAN

1.) KASUKLAM SUKLAM ANG LUMUHOD SA MGA REBULTO o MGA IMAHEN:

”Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga

47

magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.” (Deuteronomio 5:8-10. Ang Biblia 1905)

”Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.” (Roma 1:25. Ang Biblia 1905)

48

2.) MAGING ABALA SA MGA MABUBUTING GAWA:

”Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.”(Kawikaan 22:6)

”Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.” (Kawikaan 21:17)

”Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman.” (Hosea 4:11)

49

”Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.” (2 Timothy 2:22)

”Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.” (1 Corinto 15:33)

50

3.) GAWAIN ANG LAHAT NG BAGAY NG MAY PANANAMPALATAYA:

”Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.” (Santiago 2:26)

”Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.” (Santiago 2:17)

51

4.) MANAMPALATAYA NA DIOS SI CRISTO HESUS:

”Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” (Filipos 2:6-8)

52

5.) MAG-BIGAY NG AWA AT TAYO DIN NAMAN AY KAAAWAAN:

"Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya. At kung siya'y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya." (Lucas 17:3-4)

"Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay

53

sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid." (1 John 4:20-21)

"Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pagaari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya? Mumunti kong mga anak,

54

huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan." (1 John 3:17-18)

55

6.) ANG ATING KALULUWA AY HIGIT PA SA LAHAT NG MGA KAYAMANAN SA MUNDO:

"Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?" [Mateo 16:26. Ang Dating Biblia 1905].

56

ANG MABUTING PAALALA~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.

Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, At hindi ninyo inibig ang aking saway:

Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan:

Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang

57

iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.

Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, At hindi pinili ang takot sa Panginoon.

Ayaw sila ng aking payo; Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't

58

sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. (Kawikaan 1:23-31. Ang Biblia 1905).

59

PAANYAYA

Isang maliit na bahagi pa lamang po ng Biblia ang inyong nabasa; hangad namin na sana po ay mabasa rin ninyo ang buong Biblia. Unti-unti, ayon sa ating kaya, tuwing umaga sa bawat araw na ibinibigay na buhay sa atin ng Dios ay makakaya rin nating mabasa ang lahat na pahina ng banal na aklat, ang Biblia, ang aklat na sagana sa mga aral, payo at salita ng Dios. Ang mga Salita ng Dios ay magsisilbing pagkain natin sa araw-araw, magpapalakas at

60

magbibigay sigla sa ating buhay.

Bro. Roger Alim Rodriguez

61