3
© 大田区 2021 GABAY SA BUHAY SA OTA CITY Inilathala ng Ota City 大 田 区 大田区くらしのガイド外国語版 Tagalog

GABAY SA BUHAY SA OTA CITY Sunog/Emergency P.1 2021 119

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GABAY SA BUHAY SA OTA CITY Sunog/Emergency P.1 2021 119

・Kapag may sunog

・Kapag may malubhang karamdaman at sakuna

Sunog/Emergency

・Kapag may aksidente

・Kapag may krimen/pagnanakaw

Pulisya

Impormasyon tungkol sa pamamaraan ng pamahalaan,

pang araw-araw na buhay, at pag-aaral

Konsultasyon sa iba’t-ibang lenggwahe

☎119

☎110

https://www.ota-goca.or.jp.e.ahr.hp.transer.com/consultation/

Global City Ota Cooperation AssociationMultilingual Consultation Desk

☎03-6424-8822

© 大田区

https://www.city.ota.tokyo.jp/

Opisyal na website ng Ota City

https://twitter.com/city_ota

Opisyal na Twitter ng Ota City

P.1

P.2

P.13

© 大田区 2021

GABAY SA BUHAY SA OTA CITY

Inilathala ng Ota City

大 田 区

大田区くらしのガイド外国語版

Tagalog

2021

大田区くらしのガイド外国語版

GA

BA

Y S

A B

UH

AY

SA

OT

A C

ITY

Tagalog

Page 2: GABAY SA BUHAY SA OTA CITY Sunog/Emergency P.1 2021 119

大田区くらしのガイド タガログ語版発行日 2021 年3月発行 大田区国際都市・多文化共生推進課   国際都市・多文化共生担当   東京都大田区蒲田5丁目 13 番 14 号   電話:03-5744-1227

Paliwanag sa larawan sa pabalat

Haneda Innovation City

Katsu Kaishu Memorial Museum

Fireworks FestivalTama River

Grupo ng mga estudyanteng

dumadalaw sa Salem City Karanasan ng

tea ceremony

Ikegami Baien (Plum Garden)

Hot spring ng maitim na tubig

Public bath

Senzokuike Shunsho-no-Hibiki

Ota Industrial FairIndustrial Plaza Pio

Tamagawadai Park

Pagbati ng Mayor ng Ota City

Welcome sa Ota City. Malugod namin kayong tinatanggap.Mula noong 2010, nagsimulang magsikap ang Ota City na maging “Global City Ota”, at para dito inilabas ang “Deklarasyon ng Global City Ota” noong Marso, 2017. Dito ipinapakita at itinataguyod ang tatlong pangunahing bagay bilang tunguhin sa “Global City Ota”; komunidad na puno ng ngiti dahil ang bawat isa na may iba't ibang personalidad ay pinapahalagahan at puwedeng magkaroon ng mahahalagang papel, komunidad na buhay at may maraming bagay na kaakit-akit, at komunidad na pinagmumulan ng bagong industriya kung saan ang kasanayan ng dalubhasang artisano na ipinagyayabang ng Ota City ayon sa inaasahan ng buong daigdig.Nitong nakalipas na 10 taon mula noong nagsimulang magsikap na maging “Global City Ota”, naging 25,300 ang populasyon ng dayuhan sa Ota City, nadagdagan ito ng mga 6,500 mula sa 18,800. At noong katapusan ng 2019, naging mga 4,290,000 ang bilang ng dayuhan na pumasok sa Japan mula sa Haneda Airport, nadagdagan ito nang mahigit limang ulit mula 750,000. Sa ganitong paraan, maraming dayuhan ang dumadalaw at nakatira dito. Sa pagtatapos ng COVID-19, inaasahang dadami muli ang bilang ng dayuhan na titira o dadalaw sa Ota City. Kaya, sisikapin ng Ota City ang pagsasagawa ng mga hakbang para maging internasyonal na lungsod habang umaalinsabay sa uso sa buong daigdig, ang pagiging aktibo ng lipunan sa pamamagitan ng pagkakasari-sari at paggawa ng daigdig na walang isa man ang maiiwan.Inilathala ang “Gabay sa Pamumuhay sa Japan, Bersyon sa Banyagang Wika” para sa lumipat sa Japan sa unang pagkakataon at nagsisimulang tumira sa Ota City na hindi mahihirapan sa pamumuhay dito.Nilalaman ng booklet na ito kung paano gagawin ang mga proseso sa Ota City Office at impormasyon na makakatulong sa araw-araw na pamumuhay. Dahil ginawa ito sa laki na madaling dalhin kahit saan, umaasa kami na malaki ang maitutulong nito para sa inyo.Nawa'y maging kasiya-siya at makabuluhan ang inyong buhay dito sa Ota City.

Marso 2021Mayor ng Ota City: Tadayoshi Matsubara

Page 3: GABAY SA BUHAY SA OTA CITY Sunog/Emergency P.1 2021 119

Nilikha ng Ota City noong Marso 12, 2017 ang Declaration of Global City Ota para makamit ang pangitain bilang isang Global City Ota at malinaw na maiparating ang mga layunin.Ang deklarasyong ito ay nagbibigay-alam sa benipisyo at presensya ng Global City Ota sa loob ng bansa at sa buong mundo.

Deklarasyon ng Global City Ota-Pagpapakilala ng kakayahan ng komunidad sa lahat ng dako ng mun-

do-

Pagpapalaganap ng mabuting pakikitungo, malugod na pagtanggap sa lahat ng tao sa buong mundo.

Bilang isang lungsod na may makulay at kaakit-akit na kapaligiran, buong puso naming sasalubungin ang lahat ng taong tatangkilik dito.

Pagpapalaganap ng pakikipagkapwa tao,pakikibahagi ng iba't ibang kultura.

Pag-unawa sa katangian ng bawa’t isa para sa isang matagumpay na lungsod na puno ng ngiti.

Pagpapalaganap ng posibilidad sa kinabukasan, magtulong-tulong sa pag-gawa ng daan para sa isang masaganang bukas.

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng buong mundo,ipinagmamalaki namin ang mga katangi-tanging kakayahan ng mga manggagawa ng Ota

na syang magiging daan sa paggawa ng bagong industriya.

Bilang gateway ng Japan, ang lungsod ng Ota ay pinagtitipon ang kakayahan ng komunidad upang gumawa ng daan patungo sa maka-

bagong panahon. Ipinagmamalaki naming ideklara na ang “Global City Ota" ay patungo na

sa pakikisabay sa buong mundo.

Ika-12 ng Marso 2017Lungsod ng Ota