16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya- Tanka at Haiku (Tula) Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Filipino...Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 1: Tanka at Haiku (Tula mula saJapan) Unang Edisyon,

  • Upload
    others

  • View
    106

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 1:

    Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya- Tanka at Haiku (Tula)

    Zest for Progress Zeal of Partnership 9

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 1: Tanka at Haiku (Tula mula saJapan) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad saBatas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban samodyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Sheila Mae M. Magale

    Editor /Tagasuri: Glydell P. Calago/ Alma R. Santiago/ Riela Angela C. Josol

    Tagalapat: Gerald V. Dumat-ol

    Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

  • 1

    Alamin

    Simulan natin ang ating aralin gamit ang inyong matang mapanuri! Inaasahan na

    pagkatapos ng ating paglalakbay ay matutuhan mo ang mga sumusunod:

    Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (F9PN-IIa-

    b-45)

    Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at

    haiku (F9PB-IIa-b-45)

    Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang

    ginamit sa tanka at haiku (F9PT-IIa-b-45)

    Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-IIa-

    b-47)

    Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas

    ng tanka at haiku (F(WG-IIa-b-47)

    Simulan nating lakbayin ang Silangang Asya at alamin ang kanilang

    panitikan at kultura na nag-ambag ng impluwensya sa ating mga Pilipino.

    Aralin

    1 Tula: Tanka at Haiku

    Kumusta kaibigan? Binabati kita dahil natapos mo ang

    iyong paggalugad sa mga panitikan sa Timog-Silangang

    Asya. Ako ang iyong kaibigang si Toto na gagabay sa iyong

    paglalakbay patungo sa bagong kaalaman.

    Nakahanda ka na bang malaman at matuklasan ang

    panitikan ng isa pang rehiyon sa Asya? Dito natin

    sisimulan ang bagong yugto ng iyong pag-aaral.

    Isa na namang rehiyon ang ating bibisitahin, ang

    Silangang Asya. Binubuo ito ng mga bansang Tsina,

    Japan, Timog Korea, Hilagang Korea, Mongolia at Taiwan.

    Babasahin natin ang kanilang panitikan at sisimulan

    natin sa tula ng bansang Hapon.

    Tara na! Maglakbay na tayo.

    Photo credit from Quang Le

    Duc,retrieve aAug 31, 2020; https://www.behance.net/gallery/

    11042355/Student-Illustration

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustrationhttps://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 2

    Ating tutuklasin ang tulang tanka at haiku na nagmula sa bansang Japan, kung

    ano ang kanilang anyo at estilo, ang mga kahulugan ng matatalinghagang salitang

    ginamit sa tula. Mapag-aaralan din natin ang mga ponemang suprasegmental na

    ginamit sa pagbigkas ng tanka at haiku.

    Balikan

    Ang akdang matatalakay natin ay isang tula. Bago tayo maglakbay sa Japan

    upang makilala ang kanilang tula ay balikan muna natin kung ano ang tula.

    Bigyang kahulugan ang mga nasa kahon.

    Tuklasin

    Sa kasunod na Gawain, tuklasin natin kung may alam ka na sa pagkakaiba ng tanka at

    haiku.

    Gawain 1: Suriin mo

    Basahin ang tanka at haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng nais ipabatid nito

    at punan ang kasunod talahanayan. Gayahin ang pormat sa inyong sagutang papel.

    Tanka Haiku

    Naghihintay Ako

    ni Prinsesa Nukada Isinalin sa Filipino ni M.O.Jocson

    Naghihintay ako, oo Nanabik ako sa’yo.

    Pikit-mata nga ako Gulo sa dampi

    Nitong taglagas

    Anyaya

    ni Gonzalo K. Flores

    Ulilang damo Sa tahimik na ilog

    Halika, sinta

    Pamagat Paksa Mensahe

    tanka

    Naghihintay Ako

    haiku

    Anyaya

    Ano ang tula?

    Ano ang

    sinasalamin ng

    tula?

    Ano-ano ang

    elemento ng isang

    tula?

  • 3

    Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

    Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang

    Hapon. Ginawa ang tanka noong ikalawang siglo at ang haiku noong ika-15 siglp. Sa mga tulang ito layong pagsa-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan

    ng kakaunting salita lamang.

    Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.

    Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang

    impluwensya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon. Ang

    mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang Sistema ng pagsulat. Sa

    pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang Sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog

    ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.”

    Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historical ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na

    ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.

    Maiikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin. Bawat tanka at nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na

    may limang taludtod ang tradisyunal na tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-pito bilang pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod.

    Nagiging daan ang tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng mga aristocrats ang tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka.

    Sa ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon

    ang haiku. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap

    ang haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang

    pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o

    hinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa

    ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay

    kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala sa bawat berso.

    Suriin Binabati kita sa iyong pagsisikap na

    matuklasan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku. Ngayon ay basahin at unawain mo ang

    kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku upang lubos mong maunawan kung paano pinahahalagahan

    ng mga taga-Japan ang kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan ng ilang akdang pampanitikan.

    Photo credit from Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 4

    Ang mga salita na ginagamit at maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Mahalagang maunawaan ng babasa ang tanka at haiku ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

    Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku

    Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin

    ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.

    Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring

    magkapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig at tatlumpu’t isang pantig pa rin.

    Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang

    ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod

    ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig ay labimpito

    pa rin.

    Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang

    paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong

    nagpapahayag

    ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.

    Pinaghanguang aklat: Panitikang Asyano, Peralta, Romulo N.,et.al.pahina

    93-94

    Binabati kita sa iyong pagsisikap na

    mabigyang-kahulugan ayon sa hinihingi ang mga salita sa itaas. Ngayon ay basahin at unawain mo

    ang kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku upang matuklasan mo kung paano

    pinahahalagahan ng mga taga-Japan ang kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan ng ilang

    akdang pampanitikan.

    Photo credit from Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 5

    Gawain 1. Kahon ng Kaalaman

    Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa binasang kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku. Hanguin ang pormat sa papel.

    Alam mo ba na…

    kung may tanka at haiku ang Japan, tayo naman sa Pilipinas ay may tanaga? Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika. Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.

    Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan

    Mahusay at napaghambing mo nang wasto

    ang tanka at haiku. Masasalamin sa mga tulang ito

    ang kultura at paniniwala ng mga Hapon. Ngayon ay basahin mo ang tanka at haiku sa ibaba at bigyang

    kahulugan ang mga salita/pahayag ayon sa pahiwatig nito.

    Huwag kalimutang maaari kang magpatulong sa iyong mga kapatid o magulang. Handa ka na ba?

    Photo credit from Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    Tanka Haiku

    Pagkakatulad

    Pagkakaiba

    Bilang ng pantig

    Bilang ng taludtod

    Sukat ng bawat

    taludtod

    Tema o paksa

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 6

    Tanka ni Ki ni Tomonori Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

    Hapon Ingles Filipino

    Hi-sa-ka-ta no

    Hi-ka-ri no-do-ke-ki Ha-ru no hi ri

    Shi-zu ko-ko-ro na-ku Ha-na no chi-ru-ra-mu

    This perfectly still

    Spring day bathed in soft light From the spread-out sky

    Why do the cherry blossoms So restlessly scatter down?

    Payapa at tahimik

    Ang araw ng tagsibol Maaliwalas

    Bakit ang Cherry Blossoms

    Naging mabuway.

    Haiku ni Basho

    Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

    Hapon Ingles Filipino

    Hatsu shigure

    Saru mo komino wo Hoshigenari

    An old silent pond…

    A frog jumps into the pond,

    Splash! Silence again.

    Matandang sapa

    Ang palaka’y tumalon Lumalagaslas

    Batay sa kultura ng mga taga-Hapon, isulat sa loob ng kahon ang mga salitang

    kaugnay ng denotasyong kahulugan o literal na kahulugan at konotasyon o malalim na pahiwatig ng mga salitang nasa biluhaba. Gayahin ang pormat sa

    inyong sagutang papel.

    Pagsasanib ng Wika at Gramatika

    palaka cherry

    blossoms taglagas

    Kahulugan:

    Kaugnay o

    konotasyong

    kahulugan

    Kahulugan:

    Kaugnay o

    konotasyong

    kahulugan

    Kahulugan:

    Kaugnay o

    konotasyong

    kahulugan

    Magaling at nasagot mo nang mahusay ang mga nakalipas na Gawain. Batid kong naunawaan mo na

    ang tanka at haiku. Ang pagbigkas ng tula tulad nito ay nangangailanan ng wastong paggamit ng diin, tono

    at hinto. Tinatawag itong mga ponemang

    suprasegmental. Halina’t ating alamin ang kahulugan ng suprasegmental. Pagkatapos ay sagutin ang mga

    kasunod na Gawain.

    Photo credit from Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 7

    Gawain 3: Bigkasin Mo

    Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas. Isulat sa iyong sagutang papel.

    1. /PU:no/- ______________ /pu:NO/-_________________

    2. /ba:BA/-_______________ /BA:ba/-_________________

    3. /ba:SA/- ______________ /BA:sa/-__________________

    Ponemang Suprasegmental

    Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na

    naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o

    intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.

    1. Diin-ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may

    iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng

    kahulugan nito.

    Mga halimbawa:

    a.) BU:hay= kapalaran ng tao b.) LA:mang= natatangi bu:HAY=humihinga pa la:MANG=nakahihigit o nangunguna

    2. Tono/Intonasyon- ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba;t ibang damdamin,

    makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapuwa.

    Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad

    ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman,

    at bilang 3 sa mataas.

    Mga halimbawa:

    a) kahapon = 213, pag-aalinlangan kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

    b) talaga = 213, pag-aalinlangan

    talaga= 231, pagpapatibay, pagpapahayag 3. Antala/Hinto- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging

    malinaw ang mensaheng ibig iapahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling (-).

    Mga halimbawa: a) Hindi/ ako si Joshua.

    (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na

    maaaring siya’y napagkamalan lamang na sa Arvyl.)

    b) Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang

    kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi sa Joshua.)

    c) Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang

    nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)

    Pinaghanguang aklat: Panitikang Asyano, Peralta, Romulo N.,et.al.pahina 98-99

  • 8

    Photo credit from

    dreamstime.com,retrieve Aug 31, 2020; https://www.dreamstime.com/old-man-cane-

    goes-down-street-image143925868

    4. /TA:la/-_______________ /ta:LA/-__________________

    5. /sa:YA/-_______________ /SA:ya/-__________________

    Pagyamanin

    Mahusay! At napagtagumpayan mong sagutin ang mga Gawain sa itaas. Higit pa nating

    lilinangin at pagyayamanin ang iyong kaalaman sa pagsagot sa mga sumusunod na

    Gawain.

    Gawain 1: Interpret Mo ang Haiku

    Mababasa mo ngayon ang haikuna isinulat ni Matsuo Basho ang tinaguriang

    master ng Haiku. Suriing mabuti at bigyang-kahulugan ang mga pahayag na may

    salungguhit at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

    Isinulat ni Basho ang sunod na Haiku sa kalagitnaan ng paglalakbay sa

    Osaka. Sa panahong ito ay unti-unti na siyang nanghihina.

    Ito ang huling haikung isinulat ni Basho sa banig ng kamatayan.

    Photo credit from Pixa bay,retrieve Aug 31,

    2020; https://pixabay.com/vectors/mountains-tatry-landscape-nature-3661319/

    Mundong ‘sang kulay

    Nag-iisa sa lamig

    Huni ng hangin

    Ngayong taglagas

    ‘Di mapigil pagtanda

    Ibong lumilipad

    Photo credit from victorstock.com,retrieve Aug

    31, 2020; https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/tree-with-birds-vector-1676638

    Kahulugan:

    _____________

    Makabuluhang

    pangungusap:

    ________________

    Kahulugan:

    _____________

    Makabuluhang

    pangungusap:

    ________________

    Lakbay ng hirap

    Pangarap na naglayag

    Tuyong lupain

    Kahulugan:

    _____________

    Makabuluhang

    pangungusap:

    ________________

    Kahulugan:

    _____________

    Makabuluhang

    pangungusap:

    ________________

    https://www.dreamstime.com/old-man-cane-goes-down-street-image143925868https://www.dreamstime.com/old-man-cane-goes-down-street-image143925868https://pixabay.com/vectors/mountains-tatry-landscape-nature-3661319/https://pixabay.com/vectors/mountains-tatry-landscape-nature-3661319/https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/tree-with-birds-vector-1676638https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/tree-with-birds-vector-1676638

  • 9

    Gawain 2: Hinto/Antala

    Basahin ang sumusunod na pahayag. Ipaliwanagang bawat pahayag sa paggamit

    ng hinto at antala.

    1. Kapitan Juan, ang ama ko.

    Paliwanag: ___________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________ 2. Kapitan Juan ang ama ko.

    Paliwanag: ___________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________ 3. Kapitan, Juan, ang ama ko.

    Paliwanag:

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Gawain 3: Diin

    Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita ayon sa wastong diin nito.

    1. /PA:so/- _____________________________________________________

    2. /bu:NOT/-___________________________________________________

    3. /bu:HAY/-____________________________________________________

    4. /TA:la/-_____________________________________________________

    5. /a:SO/-______________________________________________________

    Isaisip

    Gawain 1: Puno ng pagkatuto

    Isulat ang iyong mga natutunan sa modyul na ito sa ating puno ng pagkatuto.

    Binabati kita kaibigan at mahusay mong

    natugunan ang bawat Gawain. Nahihinuha kong

    lubos na ang iyong pag-unawa sa tulang tanka at haiku maging ang ponemang suprasegmental.

    Sa bahaging ito ngayon ay alalahanin natin ang iyong kaalaman sa mga nasabing paksa. Punan

    nang buong katapatan ang mga talahanayan at mga pahayag.

    Photo credit from Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 10

    pinagkukunan ng larawan ( Download Oak Tree Silhouette)

    Isagawa

    Gawain: Makata ako

    Sumulat ka ng isang tulang tanka at isang haiku alinsunod sa anyo at estilo nito.

    Pagkatapos ay iyong bibigkasin ng may wastong diin, tono at hinto/antala. Ikaw ay itataya sa rubrik sa ibaba.

    Rubriks ng Pagtataya

    Mga Pamantayan Laang Puntos Akmang

    Marka

    Orihinalidad

    5

    Kaangkupan sa paksa 5

    Wastong anyo at sukat

    5

    Nabibigkas nang angkop na diin, tono at hinto/antala

    5

    Madamdamin ang pagkakabigkas 5

    Malinaw na pagbasa at interpretasyon 5

    Kabuuang Puntos 30

    Pamagat (Tanka)

    Pamagat (Haiku)

    Ang aking

    natutuhan… Ang aking

    natutuhan… Ang aking

    natutuhan…

  • 11

    5- napakahusay 2 – Di-gaanong mahusay 4- Mahusay 1- Sadyang Di- Mahusay

    3 – Katamataman

    Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

    1. Ilang pantig binubuo ang isang haiku?

    A. 31 C. 17

    B. 12 D. 15

    2. Alin ang mga sumusunod ang tumutukoy sa tanka?

    A. Binubuo ito ng 17 pantig. B. Ito ay may tatlong taludturan.

    C. Kalikasan ang madalas na tema ng tula. D. Pagbabago at pag-ibig ang karaniwang paksa.

    Araw na mulat Sa may gintong palayan

    Ngayong taglagas Di ko alam kung kelan

    Puso ay titigil na 3. Ano ang ibig ipahiwatig ang may salungguhit na pahayag sa itaas?

    A. May sakit sa puso ang taong nagmamahal.

    B. Ihihinto na niya ang pagmamahal niya sa tao. C. Dinidibdib siya ang sakit na ibinibigay ng kanyang minamahal.

    D. Naghihintay siyang masuklian ang kanyang pag-ibig.

    4. Dama niya ang saya ng kapatid nang manalo ito sa isang paligsahan. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakadiin?

    A. damit na isinuot ng babae B. kaligayahan

    C. Siyang pakay D. hangarin o ninanais

    5. Kapitan Pablo ang tatay ko. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? A. Ipinakilala niya kay Kapitan ang tatay niyang si Pablo.

    B. Sina Kapitan at Pablo ay ipinakilala niya sa kanyang tatay.

    C. Ang tatay niyang ay ipinakilala kay Kapitan Pablo. D. Ang pangalan ng tatay niya ay Kapitan Pablo.

    6. Anong uri ng tula kung may hati ng pantig na 5-7-5-7-7? A. Haiku C. Tanka

    B. Tanaga D. Karaniwang tula

    Tayahin

  • 12

    7. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng

    tinig na maaaring makapagsigla, makapagbigay-kahulugan at makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin?

    A. Tono C. Hinto B. Diin D. Antala

    8. Ito ay tumutukoy sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang ponemang suprasegmental na ito ay _____?

    A. Tono C. Hinto B. Diin D. Antala

    9. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga tula partikular ang tanka? A. Manyoshu C. Kiru

    B. Kana D. Kireji

    10. Alin sa mga sumusunod na katangian ang pagkakatulad ng tanka at haiku?

    A.May parehong bilang pantig sa bawat linya B. Binubuo ng 5 taludturan

    C. Kapuwa kalikasan ang paksa ng tula

    D. Nagpapahayag ng masidhing damdamin

    11. Bakit nagbabago ang kahulugan ng isang salita kahit magkapareho man ang

    pagbabaybay nito? A. dahilan sa tono C. dahil sa diin

    B. dahil sa antala D. dahilan sa hinto

    Para sa aytem 12 at 13

    Napakalayo pa nga Wakas ng paglalakbay

    Sa lilim ng puno Tag-init noon Gulo ang isip.

    12. Ano ang kahulugang denotasyong kahulugan ang salitang may salungguhit? A. pakikipagsapalaran C. pag nanais

    B. paghahangad D. paglayo

    13. Anong uri ng tula ang nasa halimbawa?

    A. Haiku C. Tanka B. Tanaga D. Karaniwang tula

    14. Natabig niya ang basong may tubig kaya damit niya ay nabasa. Ano ang ibig

    sabihin ng salitang nakadiin? A. pag-unawa sa nakasulat

    B. napatakan ng likido C. pagtunghay sa aklat

    D. nadumihan at nasira

    15. Ano ang sinasalamin ng tulang tanka at haiku sa bansang kanilang

    pinagmulan?

    A. kultura B. wika

    C. pamumuhay D. pag-ibig

  • 13

    Karagdagang Gawain

    1. Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba pang uri ng tula?

    ___________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________

    2. Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula?

    ___________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    Binabati kita sa matiyaga mong

    pagsama sa pagtatalakay sa Aralin 1. Alam kong nakapapagod maglakbay,

    ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mahahalagang

    konseptong nakapaloob sa aralin.

    Bilang pabaon sa susunod mong paglalakbay ay sagutin ang ating

    karagdagang Gawain.

    Photo credit from Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

  • 14

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian

    MELCS 2020-2021- pahina 179

    Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue, Pasig City.

    Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-

    IMCS).

    Baisa-Julian, Ailene,et.al.2015.Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix

    Publishing House, Inc.

    Internet (larawan)

    Quang Le Duc,retrieve aAug 31, 2020;

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustration

    Pixa bay,retrieve Aug 31, 2020; https://pixabay.com/vectors/mountains-tatry-

    landscape-nature-3661319/

    Victorstock.com,retrieve Aug 31, 2020; https://www.vectorstock.com/royalty-

    free-vector/tree-with-birds-vector-1676638

    Dreamstime.com,retrieve Aug 31, 2020; https://www.dreamstime.com/old-

    man-cane-goes-down-street-image

    https://www.behance.net/gallery/11042355/Student-Illustrationhttps://pixabay.com/vectors/mountains-tatry-landscape-nature-3661319/https://pixabay.com/vectors/mountains-tatry-landscape-nature-3661319/https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/tree-with-birds-vector-1676638https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/tree-with-birds-vector-1676638https://www.dreamstime.com/old-man-cane-goes-down-street-imagehttps://www.dreamstime.com/old-man-cane-goes-down-street-image