30
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 4: Istruktura ng Pamilihan 9

Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

  • Upload
    others

  • View
    95

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 4:

Istruktura ng Pamilihan

9

Page 2: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Suplay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Vennesa N. Pagaduan Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD

Emily F. Sarmiento, PhD

Page 3: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

9

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 4:

Istruktura ng Pamilihan

Page 4: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

ii

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Istruktura ng Pamilihan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Suplay .

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

iii

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

iv

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

1

Alamin

Isa ka ba sa mga mamimili na bago bumili ng isang bagay ay inaalam mo

muna kung kasya ang iyong badyet o kaya naman ay sinusuri mo muna ang produkto kung ito ba ay tama lang sa presyo? Minsan pa nga ay kinukumpara mo muna ang presyo at kalidad ng produkto sa iba pang tindahan. Malamang din naiisip mo na ang pagprepresyo ng mga negosyante ay batay sa kanilang puhunan at inaasahang tubo para sa kanilang kita. Tama ka kung ito ang iyong naiisip.

Ngunit hindi lamang ang presyo ang batayan ng pagbibili at pabili ng produkto. Mahalagang salik din ang maunawaan ang mekanismong nag-uugnay sa mamimili at nagbibili—walang iba kundi ang pamilihan. Ngunit ano ang pamilihan? Paano nakakaapekto ang estruktura ng pamilihan sa presyo ng bilihin?

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang kasanayang: Nasusuri ang

kahulugan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan (AP9MKY-IIi-12). Kaugnay nito, nabibigyan mo ng kahulugan ang salitang pamilihan at istraktura ng pamilihan; natutukoy mo ang iba’t ibang katangian at anyo ng pamilihan at ang mga epekto nito sa presyo; nasusuri ang mga epekto ng kahulugan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan; at naimumungkahi ang paraan ng pagtugon sa suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan.

Nahahati sa dalawang aralin ukol sa Pamilihan ang modyul na ito, kabilang na ang:

• Aralin 1 – Kahulugan at kahalagahan ng Pamilihan • Aralin 2 – Iba’t ibang Istruktura ng Pamilihan

Matapos basahin at sundin ang nilalaman ng modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na:

1. nakapagbibigay ng malawak na kahulugan ng PAMILIHAN; 2. nailalarawan ang mga anyo ng pamilihan at mga epekto nito sa presyo; 3. nakasusuri ng mga katangian ng pamilihan; at 4. nakapagmumungkahi ng mga paraan ng pagtugon sa kahalagahan ng

pamilihan sa maunlad na pamumuhay.x

Page 8: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

2

GRAPIKONG PANTULONG SA ARALIN

Subukin

Piliin ang pinakatamang sagot at isulat ang titik nito sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo?

a. bangko b. kusina c. pamilihan d. sanglaan

2. Ano ang tawag sa uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na

gumagawa ng produkto at nagbibigay ng serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili?

a. monopolyo b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition

Pamilihan

IBA'T IBANG ISTRUKTURA

ANYO

KATANGIAN

Page 9: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

3

3. Ano ang tawag sa pag-aanunsiyo bilang mabisang pamamaraan para maipakilala ng mga porodyuser ang kanilang mga prodyuser?

a. agreement b. advertisement c. announcement d. propaganda

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa product

differentiation? a. Eksaktong magkakahawig ang mga produkto b. Walang pagkakapareho ang mga katangian ng mga produkto c. Maraming produkto ang ipinagbibili ng iisang prodyuser lamang d. May pagkakapareho ngunit di eksaktong magkakahawig ang katangian

ng mga produktong ipinagbibili

5. Paano nagaganap ang collusion sa pagitan ng dalawang bahay-kalakal? a. pag-aagawan ng mga suki o tapat na mga mamimili b. pagtatakda ng araw ng pagtitinda ng kanilang mga produkto sa

pamilihan c. pagtatakda ng presyo at paghahati sa mga pamilihang magbebenta ng

kanilang mga produkto d. pagtatakda ng parusa sa mga lumalabag sa wastong paggamit ng

sangkap at sukatan ng timbang

6. Ang sumusunod ay tumutukoy sa kahulugan ng pamilihan. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang?

a. Nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng konsyumer ang kanilang pangangailangan

b. Sagot sa maraming kagustuhan ng tao c. Dito itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung

gaano ito karami d. Isa itong mekanismo kung saan nagaganap ang alokasyon ng

pinagkukunang-yaman

7. Ano ang tawag sa isang sistema sa pamilihan na kung saan iisa ang mamimili habang marami an nagtitinda ng produkto o serbisyo?

a. monopolyo b. kompetisyong monopolistiko c. oligipolyo d. monopsonyo

Page 10: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

4

8. Sa istrukturang ito maaaring maganap ang sabwatan sa pamamagitan ng kartel ng mga negosyante?

a. monopolyo b. kompetisyong monopolistiko c. oligopolyo d. monopsonyo

9. Kailan masasabi na may sistemang oligopolyo sa inyong pamilihan? a. Kung limitado ang suplay ng produktong kinakalakal b. Limitado ang daloy ng pinagkukunang yaman sa pamilihan c. May kalayaang sumali o umalis ang ang mamumuhunan sa industriya d. Kung may iilang industriya lamang ang gumagawa at nagbebenta ng

pare-parehong produkto at serbisyo

10. Paano naiiwasan ng mga prodyuser ang kompetisyon sa ilalim ng oligopolyo? a. Nagkakaroon sila ng sabwatan o kasunduan b. Nagpaparaya sila sa unang prodyuser na nagpahayag ng intensyong

makipagdayalogo sa pamahalaan c. Naghihintay sila sa patakarang mula sa pamahalaan d. Nagsasagawa muna sila ng survey o panayam para malaman ang

kailangan ng mga konsyumer

11. Ano ang pagkakapareho ng oligopolyo at monopolyo? a. malayang kalakalan sa bilihan b. may limitadong kapangyarihan sa pamilihan c. maraming prodyuser at konsyumer d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

12. Bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pwersa ng mga sangkot sa

pamilihan? a. Makapagdedesisyon ka nang tama sa pagpili ng produkto b. Makakukuha ng mas malaking diskwento ang mga mamimili c. Makaiiwas ka sa mataas na bayarin sa buwis d. Makatitipid ka ng oras sa pamimili

13. Suriin ang mga nasa larawan sa ibaba.

Para sa bilang 13 at batay na rin sa iyong pagsusuri, ang mga nasa larawan ay kabilang sa estrukturang --?

a. monopoly b. oligopolyo c. ganap na kompetisyon d. monopolistikong kompetisyon

Page 11: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

5

14. Bago pa man nagkaroon ng pandemic ng COVID-19 sa Lungsod ng Angeles, masigla ang pamilihan sa Pampang. Alin sa mga sumsunod ang halimbawa ng masiglang kompetisyon sa pamilihan?

a. Magkakatabi ang mga magkakauring paninda b. May takdang araw na maaari lamang makapagtinda c. May takdang dami lamang ang maaaring bilhin ng mamimili d. Magkakaiba ang presyo ng mga magkakauring produkto sa pamilihan

15. Kung naghahanap ka ng mga produkto mula sa iba’t ibang bansa, maaari kang magpunta sa Duty-free shop na makikita sa Clark, Pampanga. Saan nabibilang na kategorya ayon sa lawak ang pamilihang tulad nito?

a. lokal b. panrehiyon c. pambansa d. pandaigdig

Balikan

Napag-aralan mo na may interaksyong nagaganap sa pagitan ng demand at suplay na bunga naman ng magkasalungat na pagtugon sa presyo ng mamimili at nagtitinda. Ang magkasalungat na pagtugon ng mga mamimili at nagtitinda ay nagbunga ng magkasalungat na pagpapasya, Pinakamababang presyo ang gusto ng mga mamimili samantalang gusto naman ng mga nagtitinda na magbili sa pinakamataas na presyo. Ang ekwilibriyong presyo ang dahilan ng bilihan ng produkto sa pagitan ng mamimili at nagbibili.

Page 12: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

6

Tuklasin

Gawain 1.1 ITO ANG BET KO!

Panuto: Maglista ng tigtatlong tatak ng produkto o serbisyo sa bawat kategorya at piliin ang pinakapaborito mo.

KATEGORYA MGA BRAND PABORITO MO

1. Sasakyan

2. Sabong Panligo

3. Barberya o Salon

4. Sapatos

5. Fastfood

Page 13: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

7

Tuklasin

Mula sa mga nailista mong tatak o brand ng produkto o serbisyo sa sinagutang gawain sa Tuklasin, may napansin ka bang partikular na hinahanap mong katanngian sa mga produktong paborito mo? Saan mo nabibili ang mga ito? Kung ang sagot mo ay sa pamilihan, tama ka.

Ang pamilihan o merkado ay tumutukoy sa mekanismo ng interaksyon ng mamimili (konsyumer) at nagbibili (prodyuser o suplayer) upang magtakda ng presyo kapag nangyayari na ang palitan ng mga produkto at serbisyo. Hindi lamang ito isang lugar o tindahan na pinagdarausan ng bilihan ng mga kalakal. Nagkakaroon ng konotasyon na ang pamilihan ay isang lugar na pinagdarausan ng mga transaksyon at interaksyon ng mga prodyuser at konsyumer. Sa ngayon, tinatawag rin itong palengke, tiyangge o mall. Sa modernong panahon, lalo na habang may pandemya at limitado pa rin ang paglabas ng bahay, maging ang online selling ay nagiging alternatibo na rin sa pisikal na pagpunta sa pamilihan. Totoo ito, sapagkat kung saan may interaksyon sa pagitan ng namimili at nagbibili, at nagkakaroon ng bilihan ng produkto at serbisyo saan mang lugar, iyon ay maaaring tawaging pamilihan. Sa lawak ng sistemang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa at pandaigdig. Hallimbawa, kapag ang produkto ay mabibili lamang sa isang pook, ito ay may lokal na pamilihan. Ang bigas mula sa Gitnang Luzon ay maaaring ipagbili ng mga taga NCR, kaya tatawagin na itong panrehiyong pamilihan. Kung sakaling iluluwas naman ito sa Japan o kaya ay sa South Korea, magkakaroon ito ng pandaigdig na pamilihan. Dahil na rin sa pagsusulong ng globalisasyon, maraming produktong pandaigdig na pamilihan.

Sa isang sistemang pamilihan, ang lahat ay may presyo. Ang presyo ang tumatayong halaga ng produkto sa pera. Noong panahong umiiral pa ang sistema ng barter, maaari mong ipagpalit ang isang produkto o serbisyo sa ibang produkto o serbisyo din. Sa kasalukuyan, dala marahil ng pagkakataon kung saan hindi gaaanong makapamili ang tao, bumabalik ang interes ng marami sa barter. May online group na naitatag sa Pampanga kung tawaging ay Barter Pampanga, na naglalayong makipagpalitan ng gamit o produkto sa pamamagitan lamang ng pakikipag-chat online. Upgraded na anyo.Halimbawa, ang limang kilo ng mangga ay ipagpapalit sa parehong timbang ng ibang produkto tulad ng abokado o bigas.

Senyales din ang presyo ng kasunduan sa pagitan ng mga mamimili at nagbibili. Halimbawa, kapag bumili ka ng isang bolpen na nagkakahalaga ng sampung piso, ibig sabihin nito ay nagkasundo kayo ng nagtitinda na iyong binilhan na ang halaga sa iyo ng binili mong bolpen ay talagang sampung piso at gayundin sa kanya. Itinakda ng pamilihan ng bolpen ang halaga nito at sa pamamagitan ng boluntaryong kasuduan, napunta sa iyo ang bolpen. Ang presyo din ang naghuhudyat o nagbibigay senyales sa mga prodyuser at konsyumer kung ano ang mas mabili sa pamilihan. Kung nais ng mga konsyumer ng higit na marami pang

Page 14: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

8

bilang ng produkto o serbisyo, ang presyo nito ay tataas. Ito ay senyales sa mga prodyuser na higit na maraming suplay ang kailangan.

Noong 2019, matapos mapabalita ang tungkol sa naging sakit ng mga manok na kung tawagin ay Avian flu, bumaba ang suplay nito at tumaas ang presyo ng litson manok sa mga karinderya. Dahil sa pagtaas ng presyo ng manok, nahikayat ang mga may poultry farm na mag-alaga pa ng maraming manok. Sa pagtaas din ng presyo ng manok, naghanap naman ang mga konsyumer ng alternatibong produkto para umiwas muna pagkain ng mahal na manok, tulad ng baboy at isda. Ang pagtaas at pagbaba ng presyo sa pamilihan ng mga produkto ay nasusunod din sa salik ng produksyon gaya ng lupa at paggawa (labor). Kung higit na maraming magsasaka ang kailangan upang magtanim at umani ng palay, ang presyo o sahod ng mga magsasaka ay tataas. Ang pagtaas na ito ng sahod ay hihikayat sa iba pang tao na magsaka rin. Ang presyo ang nagsisilbing batayan ng mga desisyon ng mga mamimimili (konsyumer) at nagbibili (suplayer o prodyuser) sa isang pamilihan. Ang mas mataas na presyo ang nagiging dahilan ng pagbaba ng dami ng produktong binibili ng konsyumer, subalit humihikayat naman sa prodyuser upang paramihin ang produksyon. Ang mas mabababa namang presyo ay maghihikayat ng pagkonsumo subalit nakapagpapababa ng produksyon. Samakatuwid, ang presyo ang tagapagbalanse ng transaksyon sa pamilihan. Kapag may balanse sa pagitan ng iba’t ibang mamimimili at nagbibili, mayroon tayong tinatawag na market equilibrium o ekwilibriyum sa pamilihan. Ibig sabihin nito ay ibibigay ng prodyuser o suplayer sa konsyumer ang produkto o serbisyo sa presyong katugma ng ibabayad ng mga konsyumer.

Sa pamilihan, ang lahat ng bagay ay may presyo – bawat produkto at serbisyo. Maging ang iba-ibang gawain ng tao ay may presyo na nakabatay sa antas ng pasahod o wage rate. Nakatanggap ang isang maggagawa ng sahod sa kanilang ibinibigay na paglilingkod at ginagamit nila ito upang bilhin ang mga gusto nila.

Ang presyo rin ang nagbibigay hudyat sa mga kalahok sa pamilihan. Kapag nais ng mga mamimili ng mas maraming produkto, halimbawa ay bigas, tataas ang order para rito. Halos nag-uunahan ang mga mamimili sa pagbili ng mas maraming bigas, patataasin ng mga nagtitinda ang presyo upang maipamahagi ang limitadong suplay. Ipinapalagay na bawat produkto ay may bibili subalit kapag ito ay nanatili sa mga bodega o nakaimbak lamang, ito ay walang pamilihan kaya ito ay tinatawag na stock.

Page 15: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

9

Aralin

1 Instruktura ng Pamilihan

Suriin

Ang istruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa

sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing balangkas----ang pamilihan na may ganap na kompetisyon (Perfectly Competitive Market (PCM)) at ang pamilihang hindi ganap ang kompetisyon (Imperfectly Competitive Market (ICM)). Ang mga ito ay teoretikal na balangkas ng pamilihan. Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng istruktura nito. Ang katangian ng dalawang pangunahing balangkas ng pamilihan ay maipapaliwanag ng sumusunod na pahayag:

Pamilihang May Ganap na Kompetisyon - Ito ang istruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.

Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming

nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Dahil dito, ang mga konsyumer ay may pamimilian kung saan at kanino bibili ng isang partikular na produkto o serbisyo. Ito ay nangangahulugan ng balangkas na lubhang napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang ng mga prodyuser sa pamilihan.

Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may kakayahang idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo. Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at

Page 16: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

10

konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag ng konsepto ng price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.

Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon - Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong istruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Ang sumusunod na anyo ang bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap na kompetisyon. I. Monopolyo – Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili. Dahil dito, siya ay may kakayahang impluwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan. Sa ganitong kadahilanan, ang mga konsyumer ay napipilitang tanggapin na lamang ang pagiging makapangyarihan ng mga monopolista. Ang mga halimbawa ng mga prodyuser na nasa ganitong uri ay ang mga kompanya ng kuryente sa aspekto ng transmission, tubig, at tren.

Kaugnay nito, batay sa World Intellectual Property Organization, ang copyright ay isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary works) o akdang pansining (artistic works). Kabilang din dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, mapa, at technical drawings.

Samantala, ang patent naman ay pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon. Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat, at iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang imbensiyon. Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hinaharap para magkaroon ng inobasyon at pag-unlad.

Ang trademark naman ay ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.

Sa kabilang banda, mayroon din tayong mga prodyuser na kabilang sa tinatawag nating natural monopoly o iyong mga kompanyang binibigyang karapatan na magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang mga produkto at serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas maraming kompanya. Ang mga halimbawa ng mga serbisyo na ibinigay sa konsyumer sa ganitong istruktura ng pamahalaan ay serbisyong nagbibigay ng tubig at kuryente sa taumbayan, gayundin ang serbisyo ng pampublikong tren tulad ng PNR (Philippine National Railways.)

Page 17: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

11

2. Monopsonyo - Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic enforcer, at iba pa. Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo ng mga nabanggit bilang empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga ito.

3. Oligopolyo – Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Sa ganitong uri ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na umiiral sa pamilihan. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa pamilihan ay ang semento, bakal, ginto, at petrolyo. Maaari din nilang gawin ang hoarding o ang pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo. Sa ganitong sistema, maaring magkaroon ng pagkontrol o sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na collusion. Ito ay nagaganap partikular na sa presyo sa ilalim ng kartel o samahan ng mga oligopolista. Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng kutsabahan o pagkakasundo ng mga prodyuser o alliances of enterprises. Hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa ating bansa upang mabigyan ng proteksiyon at isulong ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinatakda ng Consumers Act of the Philippines o Republic Act 9374 na isinabatas noong Abril 23, 2011. Ito ay kanilang proteksyon sa mga mamumuhunan upang maiwasan ang collusion o sitwasyon kung saan dalawa o higit pang bahay-kalakal ang nagkasundo sa pagtatakda ng presyo o hatiin ang pamilihan para sa kanilang kapakinabangan sa pagsasagawa ng sama-samang desisyon.

Ayon kay Adam Smith, sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” (1776), ipinahayag niya na may nagaganap na conspiracy sa pagitan ng mga negosyanteng pareho ang mga ipinagbibiling produkto at nagagawa nila ito sa kanilang mga business meeting. Imposible raw mapigilan ang mga ito dahil kasama ang mga ganitong pagpupulong sa kanilang karapatan at sa ilalim ng makatarungang lipunan. Ayon din kay Smith, mga negosyante ay hindi aktuwal na nagkikita upang pag-usapan ang takbo ng kanilang mga negosyo subalit sila ay nagkakaroon ng pagkakaunawaaan sa pamamagitan ng sabwatan sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

Ang Organization of Petroleum of Exporting Countries (OPEC) ay isang halimbawa ng pandaigdigang kartel sapagkat sila ang nagtatakda ng supply at presyo ng produktong petrolyo sa buong daigdig. Ang samahang ito ay naitatag noong September 10-14, 1960 sa ginanap na Baghdad Conference sa Baghdad, Iraq. Ito ay pinasimulan ng five founding countries na binubuo ng Iran, Iraq, Kuwait, Saudi Arabia, at Venezuela. Sa kasalukuyan, mayroon itong kabuuang 15 bansang kasapi na kinabibilangan ng Algeria, Angola, Ecuatorial Guinea, Ecuador, Gabon, The Republic of the Congo, Libya, Nigeria, Qatar, at United Arab Emirates (UAE), bukod sa unang limang bansang nagtatag. Ilan sa mga produktong nasa

Page 18: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

12

estrukturang oligopolyo ay ang semento, langis at gasoline, mga mineral tulad ng chromite, bakal at iba pa.

1. Monopolistic Competition o Monopolistikong Kompetisyon– Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer. Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng presyo ng kanilang mga produkto. Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig. Ang kanilang pagkakapareho ay maaaring sa uri ng produkto gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste. Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging, labeling, presentasyon, at maging sa lasa o flavor. Ginagawa ito ng mga prodyuser sapagkat ang kanilang layunin sa product differentiation ay kumita at mas makilala ang kanilang mga produkto. Layunin din ng mga prodyuser na maitaas ang antas ng kasiyahan ng konsyumer. Ang advertisement o pag-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Ang mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang may monopolistic competition ay ang mga sabong panlaba at pampaligo, toothpaste, pabango, fabric conditioner, cellphone, laptop, softdrinks, appliances, fastfood restaurant, serbisyo ng mga ospital, hair salon, beauty & cosmetics product, at marami pang iba. (Balitao, 2012)

Pagyamanin

SALI-CONCEPT MAPPING Panuto: Batay sa binasa mong teksto, sagutin ang pamprosesong tanong sa iyong kwaderno at kumpletuhin ang concept map sa iyong kwaderno. Pamprosesong Tanong:

1. Anu –ano ang nais ipahayag ng binasa mong teksto? Maglista ng tatlo. 2. Ano ang mahalagang konsepto ang nakapaloob sa teksto? 3. Pumili ng limang salita sa teksto na iyong pag-uugnay-ugnayin upang

maipaliwanag ang konsepto ng pamilihan. Gamitin ang concept mapping chart na matatagpuan sa ibaba upang itala ang iyong kasagutan sa bilang #3 at ang text box naman para sa iyong mabubuong ugnayan ng mga napiling salita.

Page 19: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

13

ALISTO SA PAGBABASA? Panuto: Batay sa tekstong binasa, gumawa ng Data Retrieval Chart sa iyong kwaderno ukol sa istruktura mg pamilihan. Gamitin ang tekstong binasa kanina bilang basehan. Ang unang bilang ay ginawa na bilang halimbawa.

Estruktura ng

Pamilihan Pagtatakda ng

Demand Pagtatakda ng

Suplay Pagtatakda ng

Presyo Ganap na Kompetisyon

Hindi maaaring itakda

Hindi maaaring itakda

Hindi maaaring itakda

Di-Ganap na Kompetisyon

• Monopolyo

• Oligopolyo

• Monopolistikong Kompetisyon

• Monopsonyo

PAMILIHAN

____

____

_________

_____

Page 20: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

14

PABILI O PAPALIT?

Panuto: Suriin ang mga pangungusap, Isulat sa patlang ang PABILI kung wasto ang nakasaad. Palitan ng wastong salita ang nakasalungguhit sakaling mali ang nakasaad upang maging tama rin ito.

_________________ 1. Ang mall, supermarket at tiyangge ay maituturing na pamilihan.

_________________ 2. Wage rate ang tawag sa presyong katumbas ng serbisyo o trabaho ng isang tao mula sa kanyang amo.

_________________ 3. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming pagpipilian.

_________________ 4. Nangyayari ang kartel o pagkakaroon ng kutsabahan o pagkakasundo ng mga prodyuser o alliances of enterprises sa ilalim ng monopolyo.

_________________ 5. Ang copyright ay ang karapatang-ari na pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.

_________________ 6. Ang MERALCO ay isang monopolistang tagasuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig bayan kaya naitatakda nito ang presyo ng kuryente.

_________________ 7. Sa ganap na kompetisyon, walang pwersa ang mamimili at nagtitinda na magtakda ng presyo.

_________________ 8. Ang mga sikat na fastfood stores tulad ng McDonalds, Jollibee, Shakey’s at KFC ay halimbawa ng uri ng monopolistikong kompetisyon.

_________________ 9. Nakadepende sa mga sangkot sa pamilihan ang presyong itinatakda ng mga tindahan.

_________________ 10. Walang hangganan ang kapangyarihan ng pamilihang oligopolyo at monopolitikong kompetisyon.

PAGRERESIKLO: BOOK-AS NA ISIPAN!

Panuto: Gamit ang mga mareresiklong colored paper at magasin, gumawa ng isang book mark na may laking 2 x 4na cardboard of lumang folder. Maglagay ng isang kasabihan ukol sa istruktura ng pamilihan.

BATAYAN PAMANTAYAN IYONG PUNTOS Kaangkupan sa tema o paksa

8 puntos

Kahusayan sa pagpapahayag ng mensahe gamit ng sining

7 puntos

Kahusayan sa pagreresiklo

5 puntos

Kabuuang Maka 20 puntos

Page 21: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

15

GAMITIN ANG ISIP! Panuto: Unawain, suriin at sagutin ang sumusunod na tanong ukol sa larawan. Isulat ang kumpletong sagot sa isang malinis na papel.

1. Ano ang pinapakita ng dalawang larawan? 2. Ano ang naging batayan mo upang matukoy ang konseptong

ipinahahatid ng mga larawan? 3. Bukod sa palengke, paano natatamo ng tao mga kagustuhan o mga

pangangailangan nila?

DOBLE GRABE Panuto: Pumili ng dalawang istruktura ng pamilihan na sa palagay mo ay nababagay sa ugali at paniniwala ng mga Pilipino. Paghambingin ang dalawang ito gamit ng Venn Diagram. PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO PAGKAKAIBA

Page 22: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

16

Isaisip

Panuto: Punan ng wastong sago tang mga patlang upang mabuo ang diwa ng mga

pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita. Isulat sa kwaderno

ang tamang sagot.

1. Ang pamilihan ay isang _______________________ng ugnayan ng -

_________________at nagtitinda sa pagtatakda ng _____________at dami ng

produktong ipagbili at bibilhin.

2. May pangunahing anyo ang pamilihan—ang pamilihang may ganap na kompetisyon at pamilihang may _______________na kompetisyon.

3. Ang ___________________itinatakda ng _______________________ay ayon sa pwersa ng mga sangkot sa pamilihan at ______________________presyo ang dahilan ng bilihan ng ____________________________sa pagitan ng mamimili at _____________________.

presyo pamilihan produkto

dalawang mekanismo mamimili

ekwilibriyon di-ganap nagbibili

Page 23: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

17

UPWARD ARROW KNWLEDGE CHART

Panuto: Layunin ng gawaing ito ang matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran sa pagkatuto .Punan ang IRF (Initia,Refined, Final Idea) upang masukat ang inisyal na ideya (Intial Idea) kasagutan ay sasagutan mo lamang pagkatapos ng bahagi ng Suriin at ang final idea ay pupunan mo lamang pagkatapos ng gawain sa Karagdagang Gawain ang iyong IRF chart. Maaari mo itong ilagay sa iyong portfolio o kuwaderno dahil ito ay iyong kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito.

Isagawa

MARKETING POWER

Panuto: Mag-ipon ng hindi lalampas ng dalawampung pabalat ng produkto o magasin na nagpapakita ng mga tinatangkilik ninyo ng inyong pamilya. Kapanayamin ang magulang at mga kapatid kung bakit ito ang gusto nila. Tanungin kung ano ang magiging reaksyon nila kung lahat ng tao ay pipiling tangkilikin o bilhin ang mga produktong nakalista. Idikit sa folder ang mga pabalat ng produkto. Tukuyin kung anong istraktura ng pamilihan ang iyong nararanasan.

Initial Idea

Refined Idea

Final Idea

Tanong: Paano mo ilalarawan ang pamilihan na malapit sa sa inyong lugar at ang istrukura nito?

Page 24: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

18

RUBRIC SA PAGWAWASTO

CRITERIA INDICATOR ISKOR Nilalaman (8 puntos) Ebidensya ng kaalaman

sa paksang tinatalakay

Presentasyon (5 puntos) Maayos at malinis ang pagkakasulat

Kaangkupan sa Paksa (7 puntos)

Magkaugnay ang mga karanasan sa paksang tinatalakay

Kabuuang Iskor 20 puntos

Tayahin

Piliin ang tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Dito itinatakda ang kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami.

a. Sanglaan b. kusina c. pamilihan d. bangko

2. Sa uring ito ng pamilihan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay ng serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili?

a. monopolyo b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition

3. Ito ang mabisang pamamaraan para maipakilala ng mga prodyuser ang

kanilang mga produkto. a. agreement b. advertisement c. announcement d. propaganda

4. Ang product differentiation ay nangangahulugang ___________________.

a. Maraming produkto ang ipinagbibili ng iisang prodyuser lamang b. Eksaktong magkakahawig ang mga produkto c. Walang pagkakapareho ang mga katangian ng mga produkto d. May pagkakapareho ngunit di eksaktong magkakahawig ang

katangian ng mga produktong ipinagbibili

Page 25: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

19

5. Nagkakaroon ng collusion sa pagitan ng dalawang bahay-kalakal kapag a. pag-aagawan ng mga suki o tapat na mga mamimili b. pagtatakda ng araw ng pagtitinda ng kanilang mga produkto sa

pamilihan c. pagtatakda ng presyo at paghahati sa mga pamilihang magbebenta ng

kanilang mga produkto d. pagtatakda ng parusa sa mga lumalabag sa wastong paggamit ng

sangkap at sukatan ng timbang

6. Isa sa mga sumusunod ay hindi sumusuporta sa kahulugan ng pamilihan. Tukuyin ito.

a. Nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng konsyumer ang kanilang pangangailangan

b. Sagot sa maraming kagustuhan ng tao c. Dito itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung

gaano ito karami d. Isa itong mekanismo kung saan nagaganap ang alokasyon ng

pinagkukunang-yaman

7. Sa pamilihang ito iisa ang nagtitinda ng walang kauring produkto. a. monopolyo c. oligopolyo b. kompetisyong monopolistiko d. monopsonyo

8. Kapag may nagaganap na sabwatan sa pamamagitan ng kartel ng mga negosyante, ito ay may ___________________.

a. monopolyo c. oligopolyo b. kompetisyong monopolistiko d. monopsonyo

9. Sa sistemang oligopolyo ___________________. a. limitado ang suplay ng produktong itinitinda b. Limitado ang daloy ng pinagkukunang yaman sa pamilihan c. May kalayaang sumali o umalis ang mamumuhunan sa industriya d. May iilang industriya lamang ang gumagawa at nagbebenta ng pare-

parehong produkto at serbisyo.

10. Kapag may oligopolyo ___________________. a. Nagkakaroon ng sabwatan o kasunduan ang mga negosyante. b. Nagpaparaya sa unang prodyuser ang isang negosyante na nagpahayag

ng intensyong makipagkasundo sa pamahalaan c. Naghihintay sila sa patakarang mula sa pamahalaan d. Nagsasagawa muna sila ng survey o panayam para malaman ang

kailangan ng mga konsyumer

Page 26: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

20

11. Ang oligopolyo at monopoly ay may pagkakatulad. Tukuyin ito. a. malayang kalakalan sa bilihan b. may limitadong kapangyarihan sa pamilihan c. maraming prodyuser at konsyumer d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

12. Kapag ang mamimili ay may sapat na kaalaman sa pamilihan,

___________________. a. Makapagdedesisyon siya ng tama sa pagpili ng produkto b. Makakukuha ng mas malaking diskwento ang mga mamimili c. Makakaiwas siya sa mataas na bayarin sa buwis d. Makatitipid siya ng oras sa pamimili

13. Kapag nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga mamimili sa isang

ekonomiya, ito ay nasa sistemang ___________________. a. Monopoly b. Oligopolyo c. ganap na kompetisyon d. monopolistikong kompetisyon

14. Ang mga sumusunod, maliban sa isa ay patunay na may masiglang interaksyon

ang mga mamimili ang nagtitinda. a. Magkakatabi ang mga magkakauri na paninda b. May takdang araw na maaari lamang makapagtinda c. May takdang dami lamang ang maaaring bilhin ng mamimili d. Magkakaiba ang presyo ng mga magkakauring produkto sa pamilihan

15. Ang mga produktong galing sa ibang bansa na makikita sa mga duty free shops

ay nabibilang sa pamilihang ___________________. a. lokal b. panrehiyon c. pambansa d. pandaigdig

Page 27: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

21

Karagdagang Gawain

GAWAIN: BAWAL ANG JUDGMENTAL!

Panuto: Gumawa ng paghahambing sa istruktura ng pamilihang umiiral sa dalawang magkaibang bansa. Maglista ng mga pangunahing pagkakaiba at pagkakapareho gamit ang malaking Venn Diagram. Isumite ang iyong sagutang papel sa iyong guro.

5 4 3 2 1

Nilalaman

Napaka- komprehensibo ang nilalaman ng pananaliksik

Komprehensibo ang ginawang pananaliksik

Maayos ang ginawang pananaliksik

Simple ang ginawang pananaliksik

Nangangailangan ng ibayong pananaliksik

Organisasyon

Napakahusay ng presentasyon ng pananaliksik

Higit na mahusay ang ginawang presentasyon

Mahusay ang presentas yon

Nangangailangan ng kaunting pagbabago sa presentasyon

nangangailangang baguhin ang presentasyon

Paraan ng pagsulat

Lubhang napakahusay ng pagkakasulat ng ulat

Nakapahusay ng pagkakasulat

Mahusay ang pagkaka- sulat

Nangangailangan ng kaunting pagbabago sa paraan ng pagsulat

Nangangailangang baguhin ang ulat

UPWARD ARROW KNOWLEDGE CHART

Panuto: Layunin ng gawaing ito ang matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran sa pagkatuto. Punan ang IRC (Initial, Refined, Final Idea) upang masukat ang inisyal na ideya (Intial Idea) kasagutan ay sasagutan mo lamang pagkatapos ng bahagi ng Suriin at ang final idea ay pupunan mo lamang pagkatapos ng gawain sa Karagdagang Gawain ang iyong IRF chart. Maaari mo itong Ilagay sa iyong portfolio o kuwaderno dahil ito ay iyong kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito.

Page 28: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

22

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1.C 2.A 3.B 4.D 5.C 6.B 7.D 8.C 9.D 10.A 11.B 12. A 13.C 14.D 15.D

GAWAIN 1

1.TOYOTA – kotse 2.7 Eleven – pagkain 3.LEVIS – Pantalon 4.GRAB – food delivery 5.My Phone – cellphone

GAWAIN 3

1.PABILI 2.PABILI 3.magkakaiba 4.OLIGOPOLYO 5.patent 6.kuryente 7.PABILI 8.PABILI 9.PABILI 10.Limitado

Subukin

1.C 2.A 3.B 4.D 5.C 6.B 7.D 8.C 9.D 10.A 11.B 12. A 13.C 14.D 15.D

Refined Idea

Final Idea

Tanong: Paano mo ilalarawan ang pamilihan na malapit sa sa inyong lugar at ang istrukura nito?

Page 29: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

23

Sanggunian Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Erwin D.J., De Guzman,

Apollo D., Lumibao, Juanito L, Mateo, Alex P., Mondejar, Irene J. (2017). EKONOMIKS Araling Panlipunan 9 Modyul Para sa Mag-aaral, pp. 197-217.

Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Lim, Alice(2000)

EKONOMIKS; Manwal ng Guro para sa Ikaapat na Taon, pp. 52-66 Rillo, Julia D., Cruz, NIlda, and Balitao, Bernard R. (2005). Ekonomiks

Pagsulong at Pag-unlad, pp.145-151

Page 30: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang . Alternative Delivery Mode . Unang Markahan – Modyul 2: Suplay . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, city of San Fernando (P)