16
9 Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya: DULA Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Z P Filipino€¦ · Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya:Dula Unang Edisyon, 2020

  • Upload
    others

  • View
    145

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

  • 9

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 7:

    Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya: DULA

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

    Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

  • Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya:Dula

    Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    InilimbagsaPilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Roisa R. Natividad at Zenaida Sebumpan

    Editor: Lea Jane T. Lañoso/ Alma R. Santiago, MT-1

    Tagasuri: Alma R. Santiago, MT-1

    Tagalapat: Jessa Rose D. Ajero

    Tagapamahala:

    Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD

    Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino

    Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

  • Alamin

    Ikaw ay inaasahang makamtan ang mga karunungang:

    Nauuri ang tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa

    napakinggang diyalogo o pag-uusap(F9PN-IIg-h-48) Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito

    (F9PB-IIg-h-48) Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at

    elemento ng bawat isa (F9PD-IIg-h-48) Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang

    pangkat ng tao sa ilang bansa sa Asya (F9PU-IIg-h-51) Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula

    (F9WG-IIg-h-51)

    Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

    Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-

    unawa sa mga piling akdang tradisyunal ng

    Silangang Asya.

    Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling

    akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa

    pagiging isang Asyano

    Magandang araw! Ikaw ay aking binabati sapagkat

    masaya akong ibahagi sa’yo ang bagong kaalaman

    na aking hatid. Maglakbay tayo sa panibagong paksa

    na ating tatalakayin! Handa ka na ba?

    1

  • Balikan

    Modyul

    7 DULA – ANG MUNTING PAGSINTA

    Sanggunian:https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php

    Ang Mongolia ay nasa border ng Tsina at Russia. Bahagi ito ng pinakamalaking kontinente sa buong mundo, walang iba kundi ang Asya o Asia sa Ingles. Ang mga

    nakatira dito ay may mga medyo singkit na mata. Maraming isport na makikita at

    matatagpuan sa bansang ito. Ang ilan sa kanila ay lumalaban sa mga internasyonal na

    mga kumpetisyon sa iba't ibang bansa.

    Ang pamumuhay sa bansang Mongolia ay natatangi sanhi ng lokasyon nito. Ito’y

    nakapagitan sa bansang Siberia at China at napapalibutan ng mga disyerto at mga ilog.

    Ang Mongolia ay binubuo ng iba’t ibang tribo at karaniwang namumuhay silang mga

    lagalag. Ang kalagayang ito ay masisilayan sa kanilang panitikan.

    Sanggunian: Panitikang Asyano 9

    Minsan ang tao ay parang lugar na maari mong balikan

    kahit na sinukuan mo na. Gayundin sa ating paksa,

    tingnan nga natin kung naalala niyo pa ba ang tinalakay

    sa ating modyul. Ibalik natin ang dapat ibalik.

    KAHON NG PAGBABALIK TANAW!

    Panuto: Ilagay sa kahon ang iyong kaalaman tungkol sa maikling

    kwento na tinalakay sa nakaraang modyul

    MAIKLING

    KWENTO

    2

    https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php

  • Tuklasin

    Sa ngayon bago tayo magsimula, magkakaroon muna tayo ng isang

    laro na tinatawag nating 4 PICS 1 word. Pamilyar ba kayo sa larong ito?

    Tara na’t maglaro!

    A. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Pansinin kung ano ang mga

    ipinapakita nito. Handa ka na bang maglaro? Simulan na! Pagkatapos

    sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    1.Ano ang nais ipinapahiwatig sa larawan? ___________________________________________________________________________

    2. Tungkol saan kaya ang mga larawan?

    ___________________________________________________________________________ 3. Batay sa mga larawan, saan kadalasan ito ginaganap?

    ___________________________________________________________________________

    4.Paano mo mailalarawan ang pangyayari na makikita sa larawan ___________________________________________________________________________

    3

  • Suriin

    Ano nga ba ang dula?

    Sa palagay mo, tama kaya ang iyong sagot? May

    ideya ka na ba sa ating paksa

    ngayon? Kung ganun

    magsimula na tayo.

    Sa bahaging ito ng modyul,madagdagan ang iyong kaalaman

    tungkol sa paksang-aralin upang mas maintindihan mo kung

    saan ito napapatungkol.

    Ang dula ay isang uri ng panitikan at naiiba dahil hindi ito isinulat para lamang basahin kundi itanghal. Ito ay nagsimula sa tula o tuluyang pangungusap na naglalarawan ng

    buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan. Mahalagang tandaan ng bawat dula ay may panimula, gitna at katapusan.

    Elemento ng Dula

    1. Iskrip

    ▪ pinakakaluluwa ng isang dula ▪ lahat ng bagay na isinasasaalang-alang sa dula ay naayon sa isang iskrip

    ▪ walang dula kapag walang iskrip

    2. Gumaganap o Aktor ▪ ang mga actor o gumaganap ay nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.

    ▪ sila ay bumibigkas ng diyalogo. ▪ sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

    ▪ sila ang pinanonood na tauhan sa dula.

    3. Tanghalan ▪ Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isnag dula ay tinatawag na

    tanghalan.

    4. Direktor ▪ Ang direktor ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.

    ▪ Siya ang nagbibigay buhay sa iskrip mula sa pagpasiya sa kaayusan ng tagpuan ng kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga

    tauhan

    5. Manonood

    ▪ Sa kanila inilalaan ang isang dula ▪ Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor

    6. Diyalogo

    ▪ Ito ay may dalawang katangian: una, ito ay ginagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mga mangyayayei pa at kasalukuyang

    nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita.

    7. Tema

    ▪ pinakapaksa ng isang dula

    4

  • Bahagi ng Dula

    1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ang tabing bawat yugto upang makapanghina ang mga natatanghal gayon din ang nanonood.

    2. Tanghal – kung kinakailangang magbago ang ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati

    sa yugto. 3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.

    Upang mas maging maganda ang daloy ng pagsulat ng isang iskrip ng dula, maari

    tayong gumamit ng mga angkop na pang-ugnay. Upang maiwasan ang paulit-ulit na

    paggamit ng mga salita.

    Ano nga ba ang Pang-ugnay?

    ▪ Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay at pangungusap gaya ng

    pangatnig, pang-angkop at pang-ukol ▪ Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang

    yunit sa pangungusap.

    PANGATNIG ▪ Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na

    pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

    ▪ Halimbawa ng pangatnig ay at, pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya, kung gayon at iba pa.

    Halimbawa:

    1. Si Rossy ay nagsusunog ng kilay upang makakuha ng maraming medalya. 2. Habang tumatagal ang COVID-19 lalong nahihirapan ang mga tao sa kanilang

    paghahanap-buhay.

    PANG-ANGKOP ▪ Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. May dalawang pang-angkop

    na itinuturing sa Filipino ang na at ng

    ▪ Ang na ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa

    titik n. Halimbawa:

    1. Mabait na ate. 2. Matamis na tsokolate.

    ▪ Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig.

    Halimbawa:

    1. Mapag-arugang ama si Ben sa kaniyang pamilya. 2. Isang napakagandang binibini si Angela.

    PANG-UKOL

    ▪ Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang salita sa pangungusap.

    ▪ Ng, ni,nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay, alinsunod sa/kay,hinggil sa/kay at tungkol sa/kay.

    Halimbawa: 1. Ang pinakamainit na balita ngayon ay ang tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

    2. Gumawa ng tula si Max para sa kanyang nobya na si Gel.

    5

  • Pagyamanin

    Ngayon dahil naintindihan mo na ang ating tinalakay. Meron akong

    inihandang mga gawain na tiyak makakatulong upang mas tatatak sa

    iyong isipan ang kaalaman. Bago tayo tutungo sa Gawain, babasahin

    muna natin ang dula na may pamagat na Munting Pagsinta na hinalaw

    ni Mary Grace A. Tabora sa pelikula ni Sergei Bordov na mula sa Mongolia.

    MUNTING PAGSINTA

    mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

    Mga Tauhan:

    Temüjin - anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin

    Yesügei - ama ni Temüjin Borte - isang dalaginding na taga - ibang tribo

    Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang

    sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.

    Temüjin: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama . . . .

    Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali? Temüjin: Bakit Ama?

    Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay-patay.

    Mahalaga ang ating sasadyain. Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing

    mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon? Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay dapat ka nang

    pumili ng iyong mapapangasawa. Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda

    lamang. Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng

    babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili lamang ng

    babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan. Temüjin: Ganoon po ba iyon?

    Yesügei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.

    Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang ating tribo.

    Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y makababawi sa

    kanila. Temüjin: Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila ‘yon nang ganoon

    na lamang? Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting may

    gawin akong paraan kaysa sa wala. Temüjin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama. Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.

    Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo. Temüjin: Mabuti ‘yan Ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid.

    Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka. Tagpo: Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si

    Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temüjin.

    Borte: Aaay! May magnanakaw!

    6

  • Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala akong gagawing

    masama. Borte: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)

    Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako kang hindi ka na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako masama (Habang dahan-dahang inaalis

    ang kamay sa bibig ni Borte.) Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala.

    Temüjin: Kahit di mo ako kilala, kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti. Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin) Aber paano mo patutunayan ‘yang sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo)

    Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay. Borte: Tingnan natin.

    Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi) Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala ang tatawa.

    Temüjin: Heto na, handa ka na ba?

    Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman. Temüjin: Nais ko sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang babaeng

    mapangasawa ko. (Mababa ang tono) Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.

    Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba? Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?

    Temüjin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili ako ng aking

    mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko.

    Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo? Temüjin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon

    sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.

    Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige na nga.

    Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka magsisi sa

    iyong desisyon. Borte: (Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon?

    Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin kay Borte) Pero darating ang panahon na tayo’y mamumuhay sa iisang bubong. Magkatuwang na

    aarugain ang ating mabubuting anak. Borte: Matagal pa iyon.

    Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika puntahan natin

    si Ama. (Kukunin ang kamay ni Borte.) Tagpo: Magkahawak kamay na naglalakad sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa ama

    kay Yesügei na kanilang makikita nanakatunghay sa ilog. Temüjin: Ama!

    Yesügeii: (Mapapaharap at magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa kanilang kamay) Anong…Sino siya…Bakit?

    Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte.

    Borte: Magandang hapon po. Kumusta po kayo? Yesügei: Pero…

    Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di nagpapaalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y maunawaan n’yo

    po ako. Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong kagustuhan.

    Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na titingnan si Borte) Okay lang ba sa iyo?

    Borte: Opo!

    Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga magulang mo Borte. Matapos makipagkasundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay

    pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis Khan.)

    7

  • GAWAIN: Palawakin Mo!

    Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga tanong na nasa loob ng graphic organizer.

    Isaisip

    Gawain F: Try mong sagutin!

    1. Paano nakakatulong ang paggamit ng mga angkop na pang-ugnay sa mga

    pangungusap?

    2. Ano ang sangkap ng mabisang dula?

    3. Paano nakakatulong ang mga elemento ng dula?

    Mongol: Ang Magandang Kapalaran ni Temujin

    Angkop ba ang lugar

    na pinangyarihan sa

    dula? Ipaliwanag.

    Malinaw ba ang iskrip

    diyalogo/tagpuan tauhan na matatagpu-

    an sa dula? Ipaliwanag.

    Masasabi mo bang totoo

    ang pagganap ng mga tauhan batay sa kanilang

    diyalogo? Ipaliwanag.

    Makikita ba sa dula ang karaniwang pamu

    muhay ng mga tao?

    Ipaliwanag.

    Maihahalintulad mo ba sa iyong buhay ang

    mga pangya-yaring makikita sa dula?

    Patunayan.

    8

  • Isagawa

    Gawain: Buhay Mo! Itala Mo!

    Magtala ng mga mahahalagang pangyayari na hindi mo makakalimutan sa iyong

    buhay at tukuyin kung saang bahagi at katangian ng dula ito naayon.

    Tayahin

    Paalala: Basahin ang mga sumusunod na pahayag bago sagutan ang bawat bilang.

    Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno.

    Para sa 1-5: Suriin ang mga pahayag sa ibaba ayon sa elemento ng dula. Piliin sa

    loob nag kahon ang tamang sagot.

    1.

    2.

    Isang maligayang pagbati dahil malapit mo ng matapos ang modyul na

    ito. Pero bago iyan, susubukin muna natin ang iyong kakayahan sa

    pagsulat.

    1.

    2.

    3.

    4.

    5.

    1.

    2. 3.

    4.

    5.

    “Naguguluhan ako sa iyo ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing

    mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon? .” “Ita’y ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa

    matatanda lamang.”

    “Bakit sa tribong Merit siyang magmula? Hindi naman iyon angating tribo?”

    Mahalagang

    Pangyayari sa

    Buhay

    Bahagi o Katangian

    ng Dula

    “Mapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na

    si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak nag pinto ng kanilang

    kusina na likha nag aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.”

    a. tauhan/aktor b. iskrip c. diyalogo d. tagpuan/tanghalan

    e. manonood f. tema g. direktor

    9

  • 3.

    4.

    5.

    Para sa aytem 6-9 Analohiya

    Panuto: Basahing mabuti ang nasa ibaba at piliin ang angkop na elemento ng dula na naaayon nito.

    6.

    7.

    8.

    9.

    Temujin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili

    ako nag aking mapapangasawa. ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko. Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo? Temujin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng

    pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal tayo.

    Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero…sige na nga.

    “Ang pag-aasawa ay hindi isang laro na maari mong talikuran kapag

    ika’y nagsawa na sapagkat ika’y nakatali na habang buhay.”

    “1, 2, 3 ACTION! “CUT!” “STOP!”

    a. Dapat humingi ng basbas sa magulang bago magpasya. Upang ikaw ay magabayan sa mga planong nais mong mangyari.

    b. Nananaig pa rin ang pagmamahal sa kabila ng maraming humadlang.

    Temujin:Borte : Munting Pagsinta Manuel:Don Arkimedes :Dahil sa Anak

    Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa

    isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan: Munting Pagsinta Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay mayaman. Makikita sa loob ng

    bahay ang kasangkapang antik o sinauna. : Dahil sa Anak

    Ayon sa ama ni Temujin na dapat ang kanyang mapapangasawa ay mula sa

    Tribu ng Merit.” : Munting Pagsinta “Hindi nagustuhan ni Don Arkimedes ang babaeng mapapangasawa ng kanyang

    anak dahil ito ay isang anak ng labandera lamang.” :Dahil sa Anak

    a. Tema b. Tanghalan c. Direktor d. Diyalogo e. Tagpuan f. Iskrip

    10

  • Para sa 10-15 Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng

    tamang sagot.

    10.

    11.

    12.

    13.

    14.

    15.

    a. saglit na kasiglahan b. sulyap sa suliranin

    c. tagpuan d. tauhan e. yugto

    Temujin: Mabuti ‘yan ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid. Yesugei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka. Tagpo: Mapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto

    ng kanilang kusina na likha nag aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.

    Borte: Aaaa! Magnanakaw!

    Don Cristobal: Ispin mo, primo na ang tinawag mong walang-hiya ay tunay mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo nag nasira… Don Arkimedes: (Titindig at magpapahalata ng kapootan) Primo … iya’y hindi ko na anak, mula sa sandaling iya’y makaisip na gumawa nag napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang ginawa..siya’y hindi ko na anak… Siya’y hindi

    karapat-dapat na magtaglay nag aking apelyido… Si Manoling ay kahiya-

    hiya…! Karima-rimarim…! Oo, walang patawad ang kaniyang ginawa. Don Cristobal: Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isip…. Ang nangyari sa inyong mag-ama’y nangyayari sa lahat….

    Yesugei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temujin ay dapat ka nang pumili ng iyong mapapangasawa. Temujin: Ita’y ako’y masaydo pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang.

    Yesugei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng

    pamimili lamang nag babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakaksalan.

    Temujin: Ganoon po ba iyon?

    Temujin: anak ni Yesugei na mula sa Tribong Borjigin Yesugei: Ama ni Temujin Borte: isang dalaginding na taga-ibang Tribo

    Temujin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili

    ako nag aking mapapangasawa. ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko. Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo? Temujin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa kain. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na

    ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.

    Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero…sige na nga.

    Temujin: Salamat sa iyo ako’y labis mong pinaligaya.Asahan mong hindi ka magsisi sa iyong desisyon.

    Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng

    bahay ang kasakangpang antik o sinauna.

    11

  • Karagdagang Gawain

    Gawain A: Dula Mo, Isulat Mo!

    Sumulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang pangkat ng

    tao sa ilang bansa sa Asya gamit ang mga angkop na pang-ugnay.

    Mga Krayterya 4 3 2 1

    Nilalaman Lubos na

    naipapahatid ang nilalaman

    o ang kaisipan

    Naipahatid

    ang nilalaman o kaisipan

    Di-gaanong

    naipaha tid ang

    nilalaman o kaisipan

    Di naipahatid

    ang nilalaman o kaisipan

    Organisasyon Mahusay ang

    pagkakasunod-sunod ng mga

    ideya.

    Maayos ang

    organisasyon o pagkakabuo

    ng mga ideya

    Di gaanong

    maayos ang pagkakabuo

    at pagkaka-

    sunod ng mga ideya

    Hindi maayos

    ang organisasyon

    ng mga ideya

    Paggamit ng

    angkop na

    pang-ugnay

    Tama at

    angkop ang pang-ugnay na

    ginamit sa pangungusap

    Tama ang

    pang-ugnay na ginamit sa

    pangungusap

    Di tama ang

    mga pang-ugnay na

    ginamit

    Di tama at

    hindi angkop ang mga

    pang-ugnay na ginamit sa

    pangungusap

    Istilo/Pagkama-

    likhain

    Ang ideya ay

    nagpapakita ng lubusang

    pagkamalik hain

    Kakitaan ng

    pagkamalik hain

    Di-gaanong

    nagpapakita nag maayos

    na istilo at pagkamalik

    hain

    Di nakitaan

    ng maayos na istilo at

    pagkama likhain

    Maligayang Pagbati! Dahil ngayon ay natapos mo na ang modyul na ito alam

    kong nadagdagan ang kaalaman mo tungkol sa dula at sa paggamit angkop

    na pang-ugnay sa pangungusap. Hanggang sa susunod na talakayan sa

    modyul! Palaging tandaan na ang batang masipag mag-aral ay tiyak na

    magtatagumpay!

    12

  • Susi sa Pagwawasto

    Tayahin

    1. d 2. a 3. c

    4. f 5. g

    6. g 7. e

    8. a 9. 10. c

    11. b 12. b

    13. d 14. a

    15. c

    Isaisip

    Nakadepende

    ang mga sagot

    sa mag-aaral

    kung paano

    nila

    ipinaliwanag

    o sariling

    opinyon ng

    mga bata.

    Pagyamanin

    Gawain : Nakadepende sa opinyon ng mga mag-aaral.

    Karadagdang Gawain

    A: Depende sa opinyon ng mga mag-aaral.

    13

  • Sanggunian

    AKLAT

    FILIPINO MELCS

    PANITIKANG ASYANO 9 Modyul ng mga Mag-aaral

    INTERNET

    Sanggunian: http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.html

    Sanggunian: https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hI

    SQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6Bg

    gAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-ab

    Sanggunian: https://brainly.ph/question/453221

    Sanggunian: https://brainly.ph/question/66385

    Sanggunian: https://prezi.com/lfikodlrzfmx/filipino-9-aralin-

    25/?frame=1d9c6015a322f4238ea8cffa0ab55aa2435c8634

    Sanggunian: https://www.slideshare.net.mobile/rednightena_0517/pang-ugnay-53237493

    Sanggunian: http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.html?m=1

    Sanggunian: https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php

    Ibang larawan: Bitmoji

    14

    http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.htmlhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://brainly.ph/question/453221https://brainly.ph/question/66385https://prezi.com/lfikodlrzfmx/filipino-9-aralin-25/?frame=1d9c6015a322f4238ea8cffa0ab55aa2435c8634https://prezi.com/lfikodlrzfmx/filipino-9-aralin-25/?frame=1d9c6015a322f4238ea8cffa0ab55aa2435c8634https://www.slideshare.net.mobile/rednightena_0517/pang-ugnay-53237493http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.html?m=1https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php