Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    1/12

    174

    Module 646666

    FilipinoGamitin ang mga Pangatnig

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    2/12

    175

    Binabati kita ng maganda araw!

    Lahat ng gawaing ipinagkaloob sa iyo ay para sa kaunlaran atpagpapalawak ng iyong kaalaman. Naging matalas at mabisa angiyong pagkatuto kung kasabay nito ang sipag at tiyaga. Binabatikita sa lahat ng iyong tagumpay lalo na sa iyong pagkakatuto saibat-ibang mga aralin.

    May tamang pamamaraan ang bawat araling naibibigay saiyo. Pagsikapan ang lubusang pag-unawa nito upang mas lalongmaintindihan mo ang bawat gawaing ibinibigay.

    Ngayon matutuhan mo kung paano nasasabi atnaipaliliwanag ang gamit ng mga pangatnig.

    Isulat sa inyong sagutang papel ang angkop na pangatnig naginagamit sa bawat pangungusap.

    1.Ikaw ang nagbigay ng tuntunin_________ikaw rin ang hindi

    sumunod dito.

    a. ngunit b. kung c. kapag

    2. Sa iyong pag-iisa,________maalala mo ako.

    a. datapwat b. pag c. sana

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    3/12

    176

    3. _______saan mo iniwan ang iyong sapatos, doon mo riniyon babalikan.

    a. kung b. sapagkat c. ngunit

    4. Magpapakabait ka ba______ibabalik kita sa inyong nayon.

    a. kahit b. samantala c. o

    5. Maghanap ka munang mabuti ________ ka magbintang.

    a. bago b. kaya c. man

    6. ________masama ang pakiramdam, pumasok pa rin siya sapaaralan.

    a. maliban b. kapag c. kahit

    7. Hindi ka pa nagbibihis________ayaw mong sumama.

    a. kung di b. maging c. samakatuwid

    8. Pinagsabihan kita________hindi ka nakinig.

    a. habang b. saka-sakali c. datapwat

    9. __________naghintay si Ina walang tigil sa kaiiyak ang bata.

    a. habang b. gayon man c. kahit

    10. Nailigtas si Janice sa sakuna______nawalan siya ngpaningin.

    a. bagaman b. paano c. nang

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    4/12

    177

    Gusto mo bang makatapos ng pag-aaral? Ano ang iyonggagawin? Basahin at pag-aralan ang pag-uusap ng mag-inakung papaano kaya makatapos ng pag-aaral.

    O, alam mo na ngayon kung paano makapagtapos ngpag-aaral kung wala talagang pera para panggastos sa pag-aaral.

    Napapansin mo ba ang mga salitang may kahon

    ginagamit sa pag-uusap ng mag-ina? Alam mo ba kunganong mga salita iyon? Hindi ba ito ang mga sagot mo:subalit, kaya, kung, at, upang.

    Kung magkapareho ang ating mga sagot, magaling kapero kung hindi iwasto mo.

    Ano ang tawag sa mga saliatng nasa kahon?

    Pag-aralan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    5/12

    178

    Pangatnig- ang tawag sa salitang nasa kahon na ginamit sa usapan. Ang mga pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng

    pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan. Ito ang bahagi ng pananalita na

    nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay atpangungusap.

    May mga ibat-iba tayong uri ng pangatnig.

    1.Pamuklod- ginagamit upang itangi ang isa sa ibang bagayo kaisipan

    Ikaw o siya ang dadalo sa binyagan.

    2.Paninsay- ginagamit sa mga tambalang pangungusapkung ang unang parte ay salungat sa ikalawa

    datapwat sukdang gayon man bago

    bagaman habang bagkus kung sa bagay

    subalit samantala maliban kahit

    3.Panubali- ginagamit sa kaisipang nagsasaad ng pasubali opasakali

    kung

    kung di sana

    pag kapag

    sakali saka-sakali

    Maliligo kami sa dagat sa Linggo sana hindi uulan.

    4.Pananhi- tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaad ngkadahilanan

    dahil sapagkat dangan

    gawa ng kasi

    kung kaya mangyari

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    6/12

    179

    Umiiyak si Annie mangyari nawala ang bagoniyang paying.

    5.Panlinaw- ginagamit upang linawin ang nasabi na

    anupat samakatuwid

    sa biglang sabi kaya

    kung gayyon kung baga

    Ibinagsak niya ang dalawang basket anupatsinabihan siyang ahas ang laman nito.

    6.Panulad- ginagamit sa pagtutulad sa gawa at pangyayari

    kung ano, siya rin

    kung alin, iyon rin

    kung paano, ganondin

    kung saan, doon din

    kung gaano,gayon din

    Kung gaano mo minahal ang iyong kapwa, gayondin ang isusukling pagmamahal sa iyo.

    7.Panapos- ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita

    at sa wakas sa bagay na ito

    upang sa lahat ng ito

    nang para

    At sa wakas, lumigaya rin ang magkapatidmatapos ang mga pagsubok sa buhay.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    7/12

    180

    Kahunan ang angkop na pangatnig sa diwang ipinahahayagsa pangungusap.

    1.Hindi nakapasok sa paaralan si Relyn (kaya, dahil, upang)masakit ang kanyang tiyan.

    2.Pwede ka nang kumain ng tinapay (at , o, ni) prutaspagkatapos mong maligo.

    3.Dapat magkaisa ang kasamahan (upang, kung, dahil)walang mag-away.

    4.Hindi niya lahat binasa ang mga tanong (o. kapag, kaya)mababa ang nakuha niya sa pagsusulit.

    5. Lumakad ka na (dahil, kasi, habang) may tao pa sa bahay.

    Hanapin sa bilog ang angkop na pangatnig sa bawatpangungusap.

    1. Umalis ka nang maaga ____________ hindi ka mahuli sa

    paligsahan.2. Maligo ka __________ magdala ka ng tuwalya sa loob ng

    banyo.3. Aalis ako mamaya ________ may kasama ka na sa

    pagtulog.4. Naglalako ng kakanin ang Ate _________ ang kanyang

    bunso ay naglilinis sa bakuran.5. Maligaya siya_______buo ang kanilang pamilya.

    Mga Dagdag na Gawain

    Gawin Natin

    kung ano dahilupang samantalakapag at

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    8/12

    181

    Pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitangnagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pangsalita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan. Ito ang bahaging pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnayat pangungusap.

    Mga uri ng pangatnig

    1.Pamuklod- ginagamit upang itangi ang isa sa ibangbagay o kaisipan

    ni kaya man o maging

    Ano ang gusto mo mag-aral o magtrabaho?

    2.Paninsay- ginagamit sa mga tambalangpangungusap kung ang unang parte ay salungat saikalawa

    datapwat sukdang gayon man bagobagaman habang bagkus kung sa bagay

    Subalit samantala maliban kahit

    Naglalaba siya habang nagsisindi ng basura si Ana.

    3.Panubali- ginagamit sa kaisipang nagsasaad ngpasubali o pasakali

    kungkung di sanapag kapagsakali saka-sakali

    Pupuntahan mo ang iyong kapatid pag nataposmo na an a uhit.

    Tandaan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    9/12

    182

    4.Pananhi- tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaadng kadahilanan

    dahil sapagkat

    gawa ng kasi

    kung kaya mangyari

    dangan

    Pinutol niya ang punong santol dahilnakakasira ang mga dahon sa atip.

    5.Panlinaw- ginagamit upang linawin ang nasabi na

    anupat samakatuwid

    sa biglang sabi kaya

    kung gayon kung baga

    Nagkagulo ang paligid kaya hindi niyanamalayang nawala ang kanyang bag.

    6.Panulad- ginagamit sa pagtutulad sa gawa atpangyayari

    kung ano, siya rin

    kung alin, iyon rin

    kung paano, ganondin

    kung saan, doon din

    kung gaano,gayon din

    Kung ano ang kanyang nakamit natagumpay siya rin ang pinagtaksilan ngpagkakataon.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    10/12

    183

    7.Panapos- ginagamit sa pagsasaad ng wakas ngpagsasalita

    at sa wakas sa bagay na ito

    upang sa lahat ng ito

    nang para

    Galing sa lahat ng ito ang pagsisikap na inialayniya sa kapwa.

    Salungguhitan ang ginamit na pangatnig sa pangungusap.

    1.Ang problema ay ang sirang pintuan at mganaglalabasang katakut-takot na balita.

    2.Kumain ka ng gulay at mga prutas para ka lumusog.

    3.Marami ang sumali sa karera ng kabayo ngunit kaunti langang nanonood.

    4.Pinabayaan kasi niya ang bagong bahay kaya madalingnasira ang paligid ng bakuran.

    5.Kung saan mo iniwan ang kagamitan, doon din kayomaghanap.

    Sariling Pagsusulit

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    11/12

    184

    Buuin ang usapan sa pamamagitan ng paglalagay ngpangatnig sa patlang, mula sa kahon sa ibaba.

    1.Umuwi na siya _________ nagbagong buhay.

    2.Dadalaw sana si Eden sa inyo _________ hindi siya pinayagan.

    3._________ ngayong gabi, hindi matutuloy ang programa.

    4.Mag-aral ka nang maigi __________ umunlad ang iyongbuhay.

    5.Nadulas si Ana _________ siya ay napilay.

    Pagyamanin Natin

    kaya kungupang peroat habang

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 64 - Gamitin ang mga pangatnig.pdf

    12/12

    185

    Subukin Natin1. a 6. c2. c 7. c3. a 8. c4. c 9. a5. a 10.a

    Gawin Natin1.dahil2.at

    3.upang4.kaya5.habang

    Mga Dagdag na Gawain1. upang2. at3. kapag4. samantalang5. dahil

    Sariling Pagsusulit1.at2.para, at3.ngunit4.kasi,kaya5.kung saan, doon din

    Pagyamanin Natin1.at

    2.pero3.kung4.upang5.kaya

    Gabay sa Pagwawasto