Filipino 6 DLP 29 - Panuto Panuto Panuto

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Learner's module

Citation preview

  • 130

    Module 29

    6666

    Filipino PanutoPanutoPanuto

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 131

    Isang magandang araw sa iyo, kaibigan. Naway nasa mabuti kang kalagayan. Hindi maiiwasan ng bawat mag-aaral ang mga panuto. Sa pagkuha ng mga pagsusulit at kahit sa paggawa sa mga pagsasanay sa modyul na ito ay hindi maiiwasan ang mga panuto. Kaya mahalagang pag-aralan natin ang mga ito.

    Sa modyul na ito ay matutuhan mo kung paano makasusulat ng mga panuto (instruction) para sa pagsasagawa ng isang bagay sa tulong ng isang dayagram o mga larawan.

    Ang ika-anim na baitang na mag-aaral sa Agripina Elem. School ay gumawa ng liham pangkalakal. Ayon sa kanilang guro, dapat nilang tandaan ang paraan ng pagtutupi ng liham pangkalakal. Gamit ang mga larawang nasa ibaba, sumulat ka ng panuto tungkol dito.

    1. _________________________________

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 132

    2. _________________________________

    3. ________________________________

    4. _______________________________

  • 133

    Ang lahat ay abala sa paaralan nina Delia. Araw ng pagbisita ng mga magulang. Ipakikita ng mga mag-aaral ng ika-anim na baitang ang kanilang ginagawa sa paaralan. Abala ang mga batang lalaki sa pag-aayos ng kanilang proyekto sa EPP. Isusulat nila ang mga hakbang sa paggawa ng mga ipakikita nilang proyekto. Makikita ang ganito. Ash Tray na Yari sa Bao

    1. Kumuha ng baong walang butas at linising mabuti ang labas at loob.

    2. Pakinisin ito gamit ang papel de liha.

    3. Kumuha ng apat na maliliit na piraso ng lata na may sukat na 2 sentimetrong parisukat.

    Pag-aralan Natin

  • 134

    4. Hubugin ang mga lata sa hugis na magiging patungan ng sigarilyo.

    5. Sa gilid ng bao, umukit ng apat na guwang na tapat-tapat at may kaparehong sukat at hugis ng mga piraso ng lata.

    6. Ilapat ang mga piraso ng lata sa mga guwang at idikit gamit ang glue.

    7. Pintahan ng gusto ninyong kulay ang bao ng niyog.

  • 135

    - Ito ang ash tray na yari sa bao.

    Pag-usapan Natin

    1. Bakit naging kasiya-siya sa mga magulang ang panonood sa mga ginawa ng mga anak nila?

    2. Malinaw ba ang mga direksyong ibinigay ng mga bata sa

    paggawa ng mga proyekto nila sa paaralan?

    Isang paraan ng pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba ang pagbibigay ng tuntunin, direksyon at panuto. Sa mga paglalaro o paggawa ng isang bagay, kailangan ang direksyon o mga tuntunin na susundin upang maging madali at maayos ang paggawa ng mga ito.

    Balikan natin ang panuto kung paano ang paggawa ng ash tray

    na yari sa bao. Ano ang iyong nasaksihan? Malinaw ba ang panuto? Magkatugma ba ang bawat panuto at larawan? Sa tingin mo, masusunod kaya ninyo ang mga panuto sa tulong ng mga larawan?

    May mga laro at ehersisyo na ginagamitan ng ring o bilog na kahoy. Pag-aralan ang mga larawang nasa ibaba at isulat ang wastong panuto tungkol dito.

    Gawin Natin

  • 136

    1. Panuto: 2. Panuto: __________________________ ___________________________ __________________________ ___________________________ __________________________ ___________________________

    3. Panuto: 4. Panuto: __________________________ ____________________________ __________________________ ____________________________ __________________________ ____________________________

    1 2

    3 4

  • 137

    Kung ang kuha mo ay 4, sagutin mo kaagad ang Mga Dagdag na Gawain. Ngunit kung ang kuha mo naman ay 3 o pababa, sagutin mo muna ang Gawain 1A bago mo sagutin ang Mga Dagdag na Gawain. Gawain 1- A Marunong ka bang gumawa ng isang kard? Pag-aralan mo ang bawat larawang nasa ibaba at sumulat ka ng mga panuto tungkol dito.

    1. _______________________________

    Maghanda ng: - papel - krayola o - watercolor - papel na maykulay - gunting

    - pandikit

  • 138

    2. _______________________________

    3. _______________________________

    4. _______________________________

  • 139

    Gumawa tayo ng manika gamit ang mga kagamitang ito.

    Pagkatapos, pag-aralan ang mga larawan at sumulat ng mga panuto tungkol dito.

    1. ___________________________

    Mga Dagdag na Gawain

    A. Maghanda ng:

    - puting plastik na kutsara

    - ibat ibang kulay ng papel

    - gunting - pandikit - marker pen - tape

  • 140

    2. ________________________________

    3. ________________________________

    Sa mga pagsasanay na ating ginawa, ano ang natutuhan mo?

  • 141

    Ang panuto ay binubuo ng mga hakbang na sinusunod sa paggawa ng isang bagay. Halimbawa: Kapag kumukuha ka ng eksamen, ang panuto ay

    magsasabi sa iyo kung sa kaliwa o sa kanan isusulat ang iyong sagot, kung letra o buong salita ang isusulat mo.

    Ang panuto rin ang susundan mo kung may gagawin kang isang bagay na nangangailangan ng hakbang-hakbang na kilos. Halimbawa:

    1. Paggawa ng isang kard. 2. Paano gagawin ang isang ehersisyo, atbp.

    Ito ang mga pamatnubay sa pagsulat ng panuto: 1. Pag-aralang mabuti ang mga larawan o dayagram. 2. Isipin munang mabuti ang iyong isusulat tungkol sa

    larawan. 3. Tuwirang ibigay o ilahad nang malinaw ang

    tuntunin. Iwasan ang paliguy-ligoy na panuto. 4. Ilahad ang mga panuto nang sunud-sunod. 5. Gumamit ng mga payak na salita.

    Tandaan Natin

  • 142

    Sino ang iyong paboritong bayani? Gumawa ng kwadro para sa kanyang larawan. Pag-aralan ang mga larawan at gumawa ka ng mga hakbang kung paano ito gagawin.

    A. Maghanda ng:

    - dalawang pirasong cardboard na 5 x 8 pulgada - lapis - ruler - pandikit - krayola o - water color

    Sariling Pagsusulit

  • 143

    1. ________________________

    2. _________________________ 3. ___________________________

    4. ________________________ 5. ___________________________

    harap likod

  • 144

    Kung ang kuha mo ay 4 o 5, binabati kita, handa ka na sa susunod na modyul. Kung ang kuha mo naman ay 3 o pababa, sagutin mo muna ang Pagyamanin Natin.

    Mag-ehersisyo tayo. Pag-aralan ang mga larawan at sumulat ng

    mga panuto tungkol dito.

    1. ___________________________________

    2. ___________________________________

    3. ___________________________________

    4. ___________________________________

    Pagyamanin Natin

    1 2 3 4

  • 145

    Subukin Natin

    1. Gumamit ng malinis na papel. Tiklupin ito ng tatlong beses. 2. Tingnan muli kung ang papel ay nahahati sa tatlong parte. 3. Siguraduhing may sobrang pulgada sa papel na tiniklop. 4. Pagkatapos ay ipasok ang liham sa loob ng sobre.

    Gawain 1

    1. Humarap sa kapareha. Itaas ang ring sa kanang tagiliran na hawak ng dalawang kamay.

    2. Ilagay ang ring sa ibabaw ng ulo. 3. Ulitin ang hakbang 1. 4. Ibaba ang ring.

    Gawain 1 A

    1. Tiklupin ang papel ng apat na beses. 2. Gumuhit ng disenyo na naaayon sa selebrasyon o mensahe.

    Kulayan ang disenyo. 3. Sumulat ng mensahe para sa padadalhang kaibigan, nanay o

    tatay. 4. Maaaring dikitan ng papel na may ibat ibang hugis at kulay.

    Mga Dagdag na Gawain

    1. Guhitan ng mukha ang kutsara. 2. Gumuhit ng disenyo ng damit na nababagay para sa manika.

    Gumupit-gupit ng mga makulay na papel para sa damit at buhok ng iyong manika.

    3. Lagyan ng tape ang likod ng magawang damit at idikit sa kutsara.

    Gabay sa Pagwawasto

  • 146

    Sariling Pagsusulit

    1. Gumuhit ng parihaba sa isang kardbord na may palugit na dalawang daliri sa bawat gilid.

    2. Gupitin at lagyan ng butas sa gitna ang unang kardbord. Sundan ang guhit na inilagay.

    3. Gumuhit ng larawan ng paboritong bayani. 4. Idikit sa kardbord ang iyong naiguhit na larawan ng iyong

    paboritong bayani. 5. Lagyan ng pandikit ang paligid ng may butas na kardbord.

    Ipatong ito sa kardbord. Pagyamanin Natin

    1. Ilagay ang kanang paa at mga kamay sa harapan. 2. Ibaluktot at itaas ang kanang tuhod sa harapan na ang kamay ay

    nakataas. 3. Ulitin ang bilang 1. 4. Tumayo nang tuwid.