Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    1/23

    144

    Module 626666

    FilipinoMga Kuwento Wakasan mo

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    2/23

    145

    Alam mo bang may mga kuwentong sadyang hindi tapos?Ginawa nila ito upang ipaubaya nila sa mambabasa ang paghulasa wakas kaya sa modyul na ito atin itong pag-aaralan.

    Nakapagbibigay ng angkop na wakas sa kuwentong binasa.

    Basahin ang talata. Itiman ang bilog na katapat ng angkopna wakas sa bawat isa.

    1. Barumbado at palasagot sa magulang si Arnel. Maging

    ang kanyang mga kapatid ay hindi niya kasundo. Sa

    kabilang banda, mabait at sunud-sunuran siya sa

    kanyang mga kabarkada. Walang hiniling ang mga ito

    na hindi niya ginawa. Minsan kinantyawan nila si Arnel

    na agawan ng cellphoneang isang lalaki. Agad siyang

    tumakbo palayo. Subalit hinabol siya ng may-ari na

    nooy may dalang baril.

    Kaya lang mas mabilis tumakbo si Arnel at agad

    nakapagtago.

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    3/23

    146

    Nang makita ni Arnel na may humahabol sa kanya

    ipinasa niya angcellphonesa isang di kilala.

    Agad siyang pinaputukan sa paa at dinala sa presinto

    para ireklamo.Nang hindi matanaw ang magnanakaw dahil sa makapal

    na tao, nagsumbong na lamang ang lalaki sa pulisya.

    2. Masama na ang pakiramdam ni Fe nang umuwi mula sa

    trabaho. Gayon man nagluto siya ng hapunan para sa

    asawa at maliit na anak na masayang naglalaro sa sala.

    Naghahanda siya ng mesa nang maramdaman niyang

    umiikot ang mga bagay sa paligid. Noon namay

    papasok sa kusina ang panganay niyang anak para

    sabihing gutom na sila. Nakita niya nang unti-unting

    bumagsak sa swelo ang kanyang nanay.

    Lumapit siya at nag-iiyak nang nag-iiyak.

    Dali-dali siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay.Hinawakan niya ang dalawang kamay ng nanay niya at

    tinulungang tumayo.

    Bumalik siya sa sala at tinawag ang tatay niya.

    3. Madalas na umiiyak si Erika. Halos sumuko sa siya

    tuwing naririnig ang mahahayop na puna ng hurado

    tungkol sa kanyang pag-arte, pag-awit at pagsayaw.

    Gayon man, tinatagan niya ang kanyang loob.

    Ipanangako niya sa sariling pagbubutihan pa niya sa

    susunod nilang pagahaharap ng limang finalists sa

    patimpalak. Kaya naman wala siyang sinayang na

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    4/23

    147

    sandali. Nagpraktis siya nang nagpraktis. Hanggang

    sumapit ang gabi ng pagpili ng grand questor.

    Hindi nakasali si Erika. Nagkasakit siya at hindi niya

    kayang bumangon sa pagkakahiga.

    Tulad ng kanyang inaasahan, humanga ang balana lalo

    ang mga hurado sa husay niya. At siya ay nagwagi.

    Halos mawalan siya ng malay nang marinig ang desisyon

    ng mga hurado. Talo siya.

    Bigla siyang kinabahan at natakot na makarinig ng hindi

    magagandang puna kaya dali-dali siyang umuwi.

    4. Naging napakahirap ng buhay ni Waldo mula nang

    siyay maulila sa mga magulang. Wala siya ni isang

    kamag-anak na maaring kumupkop sa kanya. Ang

    kalye ang naging kanyang tahanan at nabuhay siya sa

    pagtitinda ng dyaryo. Isang araw habang siyay

    naglalakad, anong gulat niya nang isang bag anginihagis sa kanya ng isang rumaragasang lalaki. Agad

    siyang nagkubli at nagmasid sa paligid.Mayamaya.

    Naramdaman niya ang paghila sa kanya ng matandang

    nakakita sa pangyayari sabay agaw sa bag.

    Natanaw niya ang isang babaeng sigaw nang sigaw na

    wariy itinuturo sa kasamang pulis ang dinaanan nang

    lalaking nag-agaw ng kanyang bag.

    Dumating ang iba pang batang nagtitinda ng dyaryo at

    tinulungan nila si Waldo na makatakas.

    Lumabas siya sa pinagtataguan at hinabol ang lalaking

    naghagis sa kanya ng bag.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    5/23

    148

    5. Kinalimutan ni Sherwin ang ginagawang pagtulong ng

    kanyang mga negosyanteng magulang sa mahihirap.

    Pinauutang nila ang mga kababayan nang may

    napakaliit na tubo upang may mapuhunan sapaghahanapbuhay. Nang siyay makatapos sa pag-

    aaral, siyay may masidhing pagnanais na makatulong

    sa mahihirap na gaya ng kanyang mga magulang. Kaya

    nagpasya siyang bumalik sa bansa at

    Ipinamudmod sa mahihirap ang kayamanang naiwan ng

    mga magulang.

    Naghanap ng trabaho at pinagsisilbihan ang mahihirap.

    Nagpagawa siya ng isang ampunan para sa mahihirap na

    matatanda at mga alila.

    Nagtayo siya ng isang bangko na mahihiraman ng mga

    kababayan para makapagsimula ng sariling negosyo.

    Kung ang kuha mo ay 4 o 5, magaling! Ngunit kailangan mo

    pa rin ang modyul sa ito. Kung ang kuha mo ay 3 pababa, huwag

    kang mag-alala ang modyul na ito ay para sa iyo.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    6/23

    149

    Ang Alamat ng Gagamba

    Noong unang panahon may isang babaing nagngangalangAriadne ang nanirahan sa Gresya. Kilala siya dahil sa kanyangkagandahan. Subalit higit siyang nakilala sa pambihira niyangkahusayan sa paghabi. Nakahahabi siya ng ibat-ibangmagagandang tela. Kung kaya naman halos lahat ng kababaihansa Gresya ay humahanga sa kanya. Maging ang mga diyos atdiyosang sinasamba ng mga Greyego (mga tao sa Gresya) aytagahanga rin niya.

    Dahil sa mga papuring umaabot sa pandinig ni Ariadne,

    napagtibay niya sa kanyang sarili ang paniniwalang higit siyangmahusay maghabi kaysa sa diyosang si Athena. Kaya isang araw,naisipan ni Ariadne na hamunin si Athena. Kung inaakala mongikaw ang pinakamahusay maghabi sa Gresya, hinahamon kitangpatunayan iyan. Magpaligsahan tayo.

    Pag-aralan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    7/23

    150

    Nainsulto si Athena sa paghamon ni Ariadne. Ikaw na isangkaraniwang tao? Hahamon sa aking kakayahan sa paghabi? Kayatinanggap ng diyosa ang hamon ng tagalupa.

    Nang matapos ang paghahabi ng dalawa, ang telang ginawa

    ng bawat isa ay iniharap kay Zeus, ang pinakadakilang diyos ngmga Greyego at ama ni Athena.

    Maingat na sinipat-sipat ni Zeus ang ginawang tela niAthena, gayon din ang kay Ariadne. At nakabuo siya ng pasya.

    Napakagandang tela nito buong paghangang nasambit niZeus habang itinataas ang telang hinabi ni Ariadne. Ipinahahayagkong panalo si Ariadne sa paligsahang ito.

    Ganoong na lamang ang galit ni Athena. Hindi maaari ito!Ako na isang diyosa ay matatalo ng isang karaniwang tao lamang?Kailangan akong makahiganti sa kanya!

    Kaya isinumpa ni Athena si Ariadne. Maging isa kang hayopna hindi titigil sa paghahabi ng sapot mula sa sarili mongkatawan habambuhay.

    Pag-usapan natin:

    1.Ano ang pambihirang talento ni Ariadne?2.Bakit niya hinamon si Athena?3.Ano ang nangyari kay Ariadne pagkatapos ng paligsahan

    nina Athena.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    8/23

    151

    Ang kuwento na ating binasa ay halimbawa ng isangkuwentong walang wakas. Sadyang hindi tinapos ang alamat.Kung itutuloy ang mga pangyayari, alin sa mga sumusunod, sa

    palagay mo, ang pinakaangkop na wakas?

    Mabuti na lamang at dumating si Zeus. Napigilan siAthena at pinalaya si Ariadne.

    Subalit lumaban si Ariadne, nakatakas siya at hindi naniya muling hinamon ng paligsahan sa paghahabi siAthena.

    Unti-unting nagbago ang anyo ni Ariadne. At siya angpinaniniwalaang unang gagamba.

    - Ang angkop na wakas sa kuwento ay Unti-unting nagbagoang anyo ni Ariadne, at siya ang pInaniniwalaang unanggagamba, di ba? Ito ang angkop na wakas sa dahilang angpamagat nito ay Alamat ng Gagamba. Sa Tatlongpagpipilian, ang ikatlo lamang ang nagasabi na nagbagoang anyo ni Ariadne. Pangalawa, ang larawang nasakuwento ay may larawan ng isang gagamba. Ibig sabihin,nagbago ang anyo ni Ariadne at naging gagamba.

    Subukan mo nga ang mga pagsasanay upang lalo mo pa

    itong maunawaan:

    Anong wakas ang ibibigay mo batay sa mga pangyayari sabawat kuwento? Isulat ang sagot Sa mga patlang.

    1.Minsan, iniwan ng nanay sa sampung taong gulang niyanganak ni si Elma ang kanyang bunso na bago pa lamangnatututong maglakad. Mahigpit niyang ipinagbilin na huwagna huwag iiwan ang nakakabatang kapatid dahil kaya na rinniyong akyatin ang harang sa hagdanan. Mabilis namangnangako si Elma. Pero matapos mapatulog ang bunsongkapatid, dali-dali siyang bumaba ng bahay at masayangnakipaglaro sa mga kaibigan. Nawili siya nang husto. Hindi

    Gawin Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    9/23

    152

    niya alam na nagising na ang kanyang kapatid. Umiyak iyonnang walang makitang tao sa kanyang paligid. Bumangon atnaglakad patungo sa hagdanan.______________________________________________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    2.Malimit umuwing inis na inis si Richard dahil sa kantiyaw ngmga kalaro. Paano kasi palagi niyang sinasabing magigingbodybuilding instructor siya paglaki niya gayong tutpik ngaang tukso sa kanya dahil sa napakanipis niyang katawan.Ipinangako niya sa sariling aabutin niya ang kanyang

    pangarap. Sinimulan niya sa pagkain nang wasto at pagtulognang sapat. Nang siyay magtitin-edyer, nag-enrol siya saisang fitness programna ginagawa niya pagkalabas saeskwela. Naging masigasig siya sa pagpapaganda ngkanyang katawan. Nagwagi siya sa ilang bodybuildingcompetition. Nang lumaon____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    __________________________________________________________.3.Lumaki sa layaw si Junior sa kanyang ina. Sunud-sunuran

    ang nanay sa bawat naisin ng anak. Madalas nitongpinagtatakpan ang anak sa asawang tangingpinangingilagan ni Junior. Isang araw, inatake sa puso angama at tuluyang namatay. Ang kaunting nakuhang pera sakompanya ang tanging naiwan sa mag-ina. Gayon man,walang pinagbago si Junior. Hindi na nakatutulong,nagpapabigat pa sa mahirap nang buhay ng ina. Minsan,ginising ng kararating pa lamang na si Junjior ang ina.Humingi ng malaking halaga para ipambayad sa kanyangpagkakautang sa sugalan. Mayamaya, sunud-sunod namalalakas na katok ang gumulantang sa mag-ina. Nangbuksan ang pinto,_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    10/23

    153

    _____________________________________________________________________________________________________________________.

    4.Magbobote ang magkapatid na Dorina at Alla, Pang-aliw niDorina sa kapatid ang kanyang pag-awit tuwing itoy

    napapagod na sa kalalakad. Isang araw, isang babae angnakaulinig sa malamyos na tinig ni Dorina habangnamamahinga ang magkapatid sa ilalim ng isangpunungkahoy. Inalam ng babae ang tirahan ng magkapatidat kinausap ang mga magulang nito. Nais niyang bigyan ngpagkakataon si Dorina sa larangan ng pag-awit. Nagingmaganda ang kapalaran ng bata matapos ang puspusangpagsasanay at paglabas-labas sa ilang programangpantelebisyon. Sa ngayon,___________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    5.Sapo ang ulo nang lumabas ng silid ng president ngkompanyang pinagtatrabahuhan si Martin. Dahil sa matagalna niyang paglilingkod ay siya ang pinakamalakas magbentang mga produkto ng kompanya. Binigyan siya ng dalawanglinggo para maibalik ang malaking halaga ng salapi ng

    kompanyang kanyang pinakialaman. Natukso siya samalaking tubong inialok sa isang bagong negosyo. Sakasamaang palad, wala nang tinubo, nawala pa rin angpuhunan. Magulung-magulo ang isip na pinatakbo ni Martinang kanyang kotse hanggang makarating siya saexpressway.Sa di-inaasahan,______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    Kung ang kuha mo ay 4 o 5, dumiretso ka sa Mga Dagdagna Gawain! Kung ang kuha mo ay 3 pababa sagutin mo munaang Gawain 1.A bago mo sagutin ang Mga Dagdag na Gawin.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    11/23

    154

    Gawain 1.A

    Basahin ang kuwento at ibigay ang wakas nito.

    Alberto, halika na! Dali! malakas na sigaw ni Rod.Mag-uumpisa na silang maglaro. Baka tayo mahuli.

    Si Alberto ay kasalukuyang nag-aaral nang marinig angtinig ni Rod. Huling Markahang Pagsusulit na kayapinagbubuti niya ang pagbabalik-aral. Nag-aaral ako. Di battest natin bukas? Bakit narito ka? tanong ni Alberto habangnakadungaw sa bintana.

    Mamaya ka na mag-aral. Mas masayang makipaglaro

    sa mga bata sa kabilang kalye, wariy nanunuksong wika niRod.

    Teka, teka aayusin ko lamang ang mga gamit ko,sagot ni Alberto na nananabik ding makalabas ng bahay.

    Wala ang nanay at tatay ni Alberto. Libreng libre siyanggawin ang ano mang gusto niya. Walang pipigil sa kanya.Kaya ngayon lalabas siya. Pero nasa hagdan na siya nangbigla siyang mapaurong.

    Huh! Baka ako bumagsak sa test. Tiyak na wala akongmaisasagot kung hindi ako mag-aral ngayon, bulong niAlberto sa sarili.A, hindi na lang ako makikipaglarongayon.

    Bumalik siya sa bintana at sumigaw.Rod, huwag natayong makipaglaro ngayon. Mag-aral tayo sa halip. Di batmay warning na ka kapag hindi mo naipasa ang mgapagsusulit sa huling markahan ay babalik ka sa greyd 6?

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    12/23

    155

    Sige na. Umuwi ka na at nang makapag-aral ka nangmabuti.

    Masyado ka namang nerbyoso. Maaari pa namantayong mag-aral mamayang gabi, a, pakantyaw na wika niRod. Tiyak ma maipapasa ko ang mga pagsusulit. Ikaw pa

    kaya,e, mas marunOng ka kaysa sa akin.A, basta, ayoko. Ikaw na lamang kung gustO mo

    matatag Na tugon ni Alberto.Walang nagawa si Rod kundi ang umalis nang hindi

    kasama si Alberto. Gayon man, binalewala niya ang dipagsama ng kaibigan. Nakipaglaro siya sa ibang bata atumuwi lamang nang madilim na ang paligid. Dahil samatinding pagod, pagkatapos na pagkataos kumain nghapunan, nakatulog na si Rod.

    KinabukasanRod,bangon na. Maleleyt ka na sa klase. Maligo ka at

    magsipilyo. nakahanda na ang almusal, usal ng ina.Pabalikwas na bumangon si Rod. Naku! hindi ako

    nakapag-aral kagabi. Tatlo pa naman ang test ko ngayon.Sa paaralanSa silid-aralan nina Alberto at Rod.Hinid ko alam ang sagot sa mga tanong na ito,

    nagkakamot ng ulong naisaloob ni Rod. Tumingin siya kayAlberto. Buti pa siya, mukhang nadadalian siya sapagsagot.

    Tulad ng inaasahan, pawang bagsak ang mga resultang pagsusulit ni Rod sa unang araw. Bagaman naipasa niyaang tatlong test ng sumunod na araw, hindi naging sapatiyon upang mahila pataas ang pangkalahatang marka niRod.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    13/23

    156

    Alberto,uulit daw ako ng greyd 6, malungkot na balitani Rod sa kaibigan.

    Pinaalalahanan na kita pero hindi ka nakinig, tugon niAlberto. Buti na lang hindi ako nagpasulsol sa iyo.

    Nagsisisi na nga ako. Pero huli na ang lahat. Isang aral

    ang natutuhan ko sa aking kamalian. Sa susunod dapatakong gumawa ng tamang pasya para makaiwas sasuliranin.

    Kung bibigyan mo ng wakas ang kuwentong iyongbinasa, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo? Lagyan ng ang patlang na katapat ng sagot. Sumangguni sa guropara sa pagwawasto ng iyong sagot.

    ________ Nang umuwi ni Rod noong hapon iyon, agadsiyang sinalubong ng galit niyang nanay.Pinagsalitaan siya ng masasakit atpinagbantaang patitigilin na sa pag-aaral.

    ________ Sa takot ni Rod sa mga magulang, hindi siyaumuwi sa kanilang tahanan noong hapong iyon.Lakas-loob na sumakay sa bus patungo salalawigan ng kanyang lolo. Habang nasa daan,

    ipinangako ni Rod na magbabago na siya sasandaling patawarin siya ng kanyang mgamagulang.

    ________ Malungkot na umuwi si Rod mula sa paaralan.Ipinagtapat niya ang totoo sa kanyang mgamagulang at mapagkumbabang humingi ngtawad. Nangako rin siyang uunahin na ang pag-

    aaral kaysa sa paglalaro.

    Kung tama ang sagot mo, dumiretso ka na sa Mga Dagdagna Gawain! Kung hindi, sagutin mo muna ang Gawain 1.A bagomo sagutin ang Mga Dagdag na Gawain.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    14/23

    157

    Basahing mabuti ang sumusunod na maiikling kuwento.Bigyan ng sariling wakas ang bawat isa batay sa mga pangyayari.

    1. Mahirap lamang ang mag-anak nina Mang Ruel at AlingConching ngunit masisipag at masisikap ang kanilangmga anak. Maraming tinitiis na hirap ang magkapatidna Albert at Dennis sa kanilang pagpasok. Madalassilang walang baong pera kaya, bagaman malayo,naglalakad lamang sila hanggang sa paaralan.

    Nakararaos sa binabalot nilang kanin at tuyo para satanghalian sa araw-araw nilang pagpasok. Hanggangnakatapos sila ng hayskul. Sa pagtitiyaga ngmagkapatid at sa ginawang pagpapakasakit ngkanilang mga magulang, nagtapos ng komersiyo siAlbert at pag-inhinyero si Dennis. Pareho na silangayong tumatanggap ng malaking sahod sakompanyang kanilang pinagtatrabahuhan. Sakagustuhang mabigyan ng kasiyahan ang kanilang mgamagulang,___________________________________________

    ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    2. Maagang gumising si Mang Andoy.Tuluy-tuloy siya sakanyang bangka at sumagwan hanggang sumapit siyasa kanyang baklad. Labis ang pagtataka ni Mang Andoy

    nang pawang maliliit na isda ang kanyang nahuhuligayong sinadya niyang hindi sumalok sa loob ng ilangaraw para mapalaki ang mga iyon. Malungkot naumuwi si Mang Andoy. Ngunit may nakapagbalita sakanyang maybahay na maraming ipinagbiling isda siDolfo noong nakaraang araw. Wala naman itongbaklad. Nagkaroon ng hinala ang mga kanayon.Sinubukan nila si Dolfo isang gabi. Huling-huli nilang

    Mga Dagdag na Gawain

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    15/23

    158

    sinasalok ni Dolfo ang baklad ni Mang Andoy. Napahiyasi Dolfo kaya__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    3. Magkaibigan ang mga mag-anak na Reyes at Albano.Nagbibigayan sila ng ulam kung may masarap nainiluto ang isat-isa. Nagdadamayan sila kung maynagkakasakit ang kanilang mga kaanak. Anupattalagang namumuhay sila bilang mabubutingmagkapitbahay. Ngunit isang araw,nagsumbong ang

    anak ni Ginang Reyes na hindi tumakbo ang tubig sakanilang kanal. Sinabi pa rin nito na ang basura ngmga Albano ay sa kanal nila itinambak. Sinabi niGinang Reyes ang bagay na ito kay Ginang Albano.Hindi ito minabuti ni Ginang Albano at pinaratanganpang sinisiraan siya ng kapitbahay. Mulanoon,__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    _____________________________________________________.

    4. Tinanggap ni G. Santos ang trabahong kanyanginaplayan bagaman nalaman niyang magsisimula siyasa mas mababang pwesto at higit na maliit na sweldo.Pinagbuti ni G. Santos ang kanyang pagtatrabaho.Naging mahusay siya sa bawat gawaing iniaatas sakanya. Hindi nalingid sa pamunuan ang pagigingmabuti niyang kawani. Hindi naglaon, ginantimpalaanang kanyang kasipagan atkahusayan.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    16/23

    159

    Ang ibang mga makabagong manunulat ay hindimagwawakas ng kuwento nang tahasan. Ipinauubaya nila sa mgamambabasa ang paghula sa wakas sa pamamagitan ng mgapahiwatig.

    5. Lumaking sunod sa layaw si Anita.Bawat naisin niyaynapapasakanya. Subalit nag-iba ang takbo ng kanilangbuhay nang bumagsak ang mga negosyo ng kanilangpamilya. Isa-isang naibenta ng kanilang mga ari-arianpara may maibayad sa kanilang mga pagkakautang.

    Nasimot na rin ang naipong pera sa bangko ngkanyang mga magulang. Inatake sa sakit sa puso angkanyang ama na siya nitong ikinamatay. Para mayikabuhay, nagbukas ng maliit na tindahan ang nanayniya sa harap ng apartment na kanilang nirerentahan.Pagkagaling sa iskul at tuwing walang pasok, si Anitaang nagbabantay sa kanilang tindahan.Ngayon__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________________________________________.

    Ano ang natutuhan mo sa ating mga ginawa?

    Tandaan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    17/23

    160

    Bigyan ng angkop na wakas ang sumusunod na mga talata.Piliin sa kahon at isulat sa mga linya ang titik ng tamang sagot

    1.Nasa panganib ang buhay ng inang magsisilang ng sanggoldahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Agad sinuri angtipo ng kanyang dugo. Mabilis namang nakahanap ngkauring dugo at agarang isinalin sa ina. Subalit sa halip nabumuti ang kalagayan, ang ina ay hindi na nagisinghanggang sa namatay. Kaya, silay isinakdal ng mga kaanakng biktima. Makalipas ang masusing paglilitis,

    ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    Sariling Pagsusulit

    a. tanyag na siya sa buung bansa. Kabi-kabila angkanyang mga imbitasyon.

    b.laging abala si Ditas sa pag-aalaga kay Frisky at sa

    tatlo nitong kuting. Mas masaya siya ngayon nanadagdagan ang kanyang alaga.c. nagtanda na si Rico. Hindi na siya kumakain nang

    sobra na kayang tunawin ng tiyan niya.d.napatunayang silay nagkasala. Sila ay tinanggalan ng

    lisensya sa pagkadoktor at nahatulang makulong nangdi-bababa sa limang taon.

    e. tinawagan ng punungguro ang magulang ni Arnel.Matapos ang pagpapaliwanagan, napagkasunduannilang bigyan ng karampatang parusa si Arnel.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    18/23

    161

    2.Noon pay pangarap na ni Sheryn na maging isang tanyagna mang-aawit . Mahabang oras ang ginugugol niya araw-araw sa pagsasanay. Walang paligsahan sa pag-awit angkanyang pinalampas.Sinusunod niyang bawat payo ng mgatumutulong sa kanya para lalo pa siyang mahasa. Nagulat

    siya sa mga dumarami niyang tagahanga. Nang lumaon,napapanood na siya sa mga programa sa telebisyon. Sangayon__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    3.Nahigpit na bilin ni Aling Daisy kay Arnel na dumaan satindahan ng bulaklak bago siya umuwi mula sa paaralan.Ngunit ginabi si Arnel dahil nalibang ang kanyang grupo sa

    paglalaro ng basketbol. Wala na siyang mabilhan ngbulaklak. Alam niyang mapapagalitan siya kapag umuwingwalang dalang bulaklak. Biglang pumasok sa isip niya angmagandang halamanan sa kanilang paaralan. Dali-dali siyangbumalik at nagsimulang mamitas ng mga bulaklak. Walanganu-anoy nakarinig siya ng sunud-sunod na pito. Agaddinala ng gwardya si Arnel sa opisina ng punungguro nanooy abala sa mga gawain. Inamin niyang siyay nagkasalaat humingi ng paumanhin. Gayon man___________________________________________________________

    ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    4.Naglalakad si Ditas pauwi nang mapansin ang kuting nasunud nang sunod sa kanya. Mula noon, naging miyembrona ng pamilya ang kuting na tinawag na Frisky. Alagang-alaga ito ni Ditas. Laging malinis at busug si Frisky. Nanatiliitong malambing hanggang sa naging ganap na itong pusa.Minsan , hindi dinatnan ni Ditas si Frisky sa bahay-bahayan

    nito. Sa likod-bahay niya ito natugpuan na may kasamangisang barakong pusa. Makalipas ang ilang buwan nagsilangsi Frisky ng tatlong kuting. Ngayon___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    19/23

    162

    5.Pyesta sa Barangay Maligaya.Tuwang-tuwa si Rico.Napakaraming pagkaing nakahain sa kanilang malakingmesa. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang isa-isa nanghinahanap ang mga paborito niya. Nang magsimula ang

    kainan, hindi makausap si Rico. Kumain siya nang kumain.Huminto lamang siya sa pagsubo nang makaramdam ngsobrang kabusugan. Dali-dali siyang tumakbo at nakipaglarosa mga batang panauhin. Abala sa pagbibidahan ang mgamagulang nang marinig ang iyak ng isang bata. Nanglabasin, nakita nila si Ricong namilipit sa sakit ng tiyan.Dahil sa karanasang ito,_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    __________________________________________________.

    Basahin ang kuwento.Ibigay ang wakas nito. Ipawasto sa

    iyong guro ang wakas ng kuwentong naibigay mo.

    Ganting Biyaya

    Pagyamanin Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    20/23

    163

    Sa isang dampang malapit sa kanilang sakahan sa BarangayMalitlit nakatira ang mag-anak nina Mang Selo at Aling Pining. Sakasipagan ay walang masasabi sa mag-asawang ito. Habang anglalaki ay subsob sa paggawa sa bukid, ang maybahay namanniyay nagpapala sa apat nilang supling. Matiwasay ang kanilang

    pamumuhay.Bagaman di-gaanong malaki ang kinikita sa lupang sakahan,

    pinagsisikapan ng mag-asawang maitaguyod ang pag-aaral ngkanilang mga anak.Gayon man, ang pagtulong sa kapway hindinila isinasantabi. Walang nangangailangan na di nila dinamayan.Walang humingi ng tulong na kanilang binigo. Dahil diyan,napamahal sa kanilang mga kabarangay ang mag-anak. Inihalalpang pinuno ng kanilang barangay si Mang Selo.

    Isang hapon, matamlay na dumating si Mang Selo mula sabukid. Ito ay hindi nakaila kay Aling Pining.

    May dinaramdam ka ba, Selo? Anot wala kang siglangayon? may pag-aalalang tanong ni Aling Pining na nooynaghahanda ng pagkain para sa kanilang hapunan.

    Walang ano man ito. Para lamang akong akong sisipunin.Masakit nang bahagya ang aking ulo. A, marahil sa tindi ng initkanina sa bukid,maagap na turan ng lalaki.

    Baka nga. Ang mabuti pay hubarin mo nayang pantrabahomo at magpalit ka. Baka tuluyan kang magkasakit pag natuyuanng pawis sa likod. Mayamaya lamang kakain na tayo.

    Magmula ng hapong iyon, hindi na nagbalik ang sigla ni

    Mang Selo. Sa twina wala syang kibo at wariy malalim na nag-iisip.Hanggang napilit siyang magsalita ni Aling Pining.

    Nag-aalala ako, Pining. Baka mahinto sa pag-aaral ang mgaanak natin. Malaki ang iniurong ng ating ani ngayon. Hindi koalam kung ano ang dapat kong gawin para makatawid tayo sataong darating.

    Huwag kang gaanong malumbay. May awa ang Diyos, aliwng babae sa asawa.

    Ang nangyari sa tanim ni Mang Selo ay hindi nalingid sakanyang mga kabarangay. Lihim na tumawag ng pulong ang ilangmatatanda nang mapag-usapan ang paraang nararapat paramatulungan ang mag-anank ni Mang Selo.

    Tayo naman ang aani sa linggong ito. At sa ating nakikita,masaganang ani ang ating inaasahan,wika ng isa sa mgananguna sa pulong. Ano ang iyong maimumungkahi paramadamayan ang pamilyang kailan man hindi nagkait ng tulong saatin tuwing tayoy nangangailangan.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    21/23

    164

    Iminumungkahi ko pong bahagian natin sila ng atingani,ani isang magsasaka.

    Pinangangalawahan ko,sigaw ng isa pa.Mayroon bang tumututol? tanong ng lider.Wala sabay-sabay na sagot ng lahat.

    Nang matapos ang pagpupulong, napagkaisahangmagbabahagi ng tig-iisang kaban ng palay ang may maliliit nasakahan at makapagdaragdag kung gaano man ang ibig nangmay malalaking saka. Pinagtibay rin ang kasunduang ilihim kayMang Selo ang kanilang balak hanggang makalap ang lahat ngmga ipinangakong abuloy. At saka nila sama-samangsosorpresahin angmga-anak.

    Ilang arawmatapos ang anihan,

    nagulat ang mag-anakni Mang Selo nang isa-isay naghintuan satapat ng kanilangbahay ang anim nasasakyang may hila-hilang treyler na punong mga sako ng palay.

    Magandangumaga, Kapitan, bati ng mga taga-barangay Malitlit nang

    makababa sa mga sasakyan.Hindi nakahuma ang mag-asawa. Takang-taka sila sa di-

    inaasahang pagdating ng mga kabarangay. Lalo na angnapakaraming kaban ng palay na nakaparada sa harapan ngkanilang dukhang tahanan.

    Di ka man umani, Kapitan, may bahagi ka sa iyong mgakasama. Hindi ka namin pababayaan dahil kailan may hindinamin malilimot ang iyong kabutihan,nakangiting turan ng isangmagsasaka.

    Totoo po iyan, Kapitan, bulalas ng iba pa na bakas sa mgamukha ang kasiyahan.

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    22/23

    165

    Subukin Natin

    1.Agad siyang pinaputukan sa paa at dinala sa presintopara ireklamo,

    2.Bumalik siya sa sala at tinawag ang tatay niya.3.Tulad ng kanyang inaasahan, humanga ang balana lalo na

    ang mga hurado sa husay niya. At siya ay nagwagi.4.Natanaw niya ang isang babaeng sigaw nang sigaw na

    wariy itinuturo sa kasamang pulis ang dinaanan nglalaking nang-agaw sa kanyang bag.

    5.Nagtayo siya ng isang bangko na mahihiraman ng mgakababayan para makapagsimula ng sariling negosyo.

    Gawin Natin (Mga Paosibleng Sagot)

    1.Dinala sa hospital ang bata dahil nahulog ito sahagdanan.

    2.Sumali siya sainternationalna kompetisyon sa bodybuilding.

    3.May balita ang pulis na nakapatay ang kanyang anak nanakakita ng away sa sugalan.

    4.Si Dorina ay isang sikat na singer at naging mayaman angkanilang pamilya.

    5.Nabangga siya at namatay.

    Gawain 1.A

    Malungkot na umuwi ni Rod mula sa paaralan. Ipinagtapat

    niya ang totoo sa kanyang mga magulang at mapagkumbabanghumingi ng tawad. Nangako rin siyang uunahin na ang pag-aaralkaysa sa paglalaro.

    Gabay sa Pagwawasto

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 62 - Mga Kuwento Wakasan Mo.pdf

    23/23

    166

    Mga Dagdag na Gawain (Mga Posibleng Sagot)

    1.Nagpatayo sila ng magandang bahay para sa kanilangmagulang.

    2.Humingi siya ng tawad at nangakong hindi na gagawin

    uli.3.Naging magka-away ang dalawang pamilya.4.Napromotesiya at ngayon ay malaki-laki na ang kanyang

    sahod.5.Hirap pa rin ang kanilang buhay at patuloy niyang

    tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan.

    Sumangguni sa guro para sa pagwawasto ng iyong sagot.Maaaring naiiba ang iyong sagot.

    Sariling Pagsusulit

    1.d2.

    a3.

    e4.

    b5.

    c

    Pagyamanin NatinSumangguni sa iyong guro para sa pagwawasto ng iyong

    sagot.