15
HIBIK NG PILIPINAS SA INANG ESPANYA HERMINIGILDO FLORES Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingnit sa dalita’y di na makaiwas! Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, Sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; Ngayo’y inuusig at di pagitawin Ng mga Prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasamong kagaling- galingan, Ayaw ng Prayleng ako’y makinabang, Sa mga anak ko’y ang ibig nga lamang Isipay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid Na laban sa madla nilang ninanais Palibhasa wala silang iniisip Kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. Kaya nga’t kahima’t malaban sa utos Ng Konsilyo’tRegla nilang sinusunod Yuyurakang lahat kapag mabubusog Ang uhaw sa yaman nilang mga loob. Sa pagpapalago ng kanilang yaman Bendita’t bendisyon lamang ang puhunan Indulehensiya’t sampu ng iba pang bagay Na mga sagrado naman ang kalakal. Sapagka’t anumang bilhin sa kanila, Kaya namamahal, dahil sa bendita, Kahit anong gawin pag may halong kanta Ay higit sa pagod ang hihinging upa. Ito ang dahilan kaya di ihayag Nila ang aransel sa kurang sinulat Niyong Arsobispong banal at marilag Na si D. Basilio Sancho ang pamagat. Ano pa nga’t sila’y walang ninanasa Kundi ang yumamang lubos at magdaya Sa mga anak ko’t sabugan ng sama Ang balang tuntungan nilang mga lupa. Ibig ng simbaha’t kumbentong marikit Organo’t kampana, aranyang nagsabit Damaso’t iba pa, datapwa’t sa pawis Ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. Ang lahat ng iya’y kapag nawari na Sa magandang puso at gasta ng iba; 1

FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

HIBIK NG PILIPINAS SA INANG ESPANYA HERMINIGILDO FLORES Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingnit sa dalita’y di na makaiwas! Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, Sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; Ngayo’y inuusig at di pagitawin Ng mga Prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasamong kagalinggalingan, Ayaw ng Prayleng ako’y makinabang, Sa mga anak ko’y ang ibig nga lamang Isipay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisi

Citation preview

Page 1: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

HIBIK NG PILIPINAS SA INANG ESPANYAHERMINIGILDO FLORES

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,nasan ang iyong pagtingin sa anak?

akong iyong bunsong abang Pilipinastingnit sa dalita’y di na makaiwas!

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,Sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;

Ngayo’y inuusig at di pagitawinNg mga Prayleng kaaway mong lihim.

Sa bawat nasamong kagaling-galingan,Ayaw ng Prayleng ako’y makinabang,Sa mga anak ko’y ang ibig nga lamang

Isipay bulagin, ang bibig ay takpan.

Nang di maisigaw ang santong matuwidNa laban sa madla nilang ninanais

Palibhasa wala silang iniisipKundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.

Kaya nga’t kahima’t malaban sa utosNg Konsilyo’tRegla nilang sinusunodYuyurakang lahat kapag mabubusogAng uhaw sa yaman nilang mga loob.

Sa pagpapalago ng kanilang yamanBendita’t bendisyon lamang ang puhunanIndulehensiya’t sampu ng iba pang bagay

Na mga sagrado naman ang kalakal.

Sapagka’t anumang bilhin sa kanila,Kaya namamahal, dahil sa bendita,

Kahit anong gawin pag may halong kantaAy higit sa pagod ang hihinging upa.

Ito ang dahilan kaya di ihayagNila ang aransel sa kurang sinulat

Niyong Arsobispong banal at marilagNa si D. Basilio Sancho ang pamagat.

Ano pa nga’t sila’y walang ninanasaKundi ang yumamang lubos at magdaya

Sa mga anak ko’t sabugan ng samaAng balang tuntungan nilang mga lupa.Ibig ng simbaha’t kumbentong marikitOrgano’t kampana, aranyang nagsabitDamaso’t iba pa, datapwa’t sa pawis

Ng bayan kukunin, mahirap mang kahit.

Ang lahat ng iya’y kapag nawari naSa magandang puso at gasta ng iba;Di rin gagamitin kahima’t sa fiesta

Kung ang baya’y hindi magbigay ng kuwalta

Ani sa asyendat kita sa simbahanSa minsang mapasok sa mga sisidlanNg mga kumbento’y di na malilibawKaya naghihirap, balang masakupan.

Ang duloy marami sa mga anak moAng di makabayad sa mga impuwesto

Sa gayo’y tataas ng mga rekargoPagkat kailangan naman ng estado.

Sa bagay na iyan, ang mga mahihirapNa walang pagkunan ng dapat ibayad,

Sa takot sa sibil, aalis ngang agad,

Iiwan ang baya’t tutunguhi’y gubat.

Dito pipigain naman ang maiwan,Na di makalayo sa loob ng bayan,

Siyang pipiliting magbayad ng utangKahima’t wala ng sukat na pagkunan.

Maghanapbuhay ma’y anong makikitaWala ng salapi, ibayad ang iba

Pagkat naubos nang hititin ng kuraSa pamamagitan ng fiesta’t iba pa.

Sa limit ng fiesta’t mga kasayahanAy walang ginhawang mapala ang bayan

Kundi ang maubos ang pinagsikapangSa buha’y ng tao’y lalong kailangan.

Ang kapalaluang paggugol ng pilakNang dahil sa fiesta, ay di nag-aakyatSa langit kundi ang santong pagliyagNg puso ang siya lamang hinahanap

Niyong ating amang hindi madadayaSa inam ng fiesta, at laki ng handa,

Sapagkat ang ating gawang masasamaAy di mangyayaring bayran ng tuwa.

Ngunit ang prayleng walang hinahangadKundi magpalalot ang baya’ymaghirap.

Pagkat sa kanila’y wala nang mainamParis ng fiestat dayain ng bayan

Upandin ang kuwalta’t na pinaghirapanNg mga anak ko’y kanilang makamtan.

1

Page 2: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Ang pangako nila sa mga anak koAy magbigay lamang sa mga kumbento

Ng kuwalta’y sa langit naman patutungoAt ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Sa gayong pangako’y sino baga kayaAng di mabighaning sumunod sa daya

Ng mgaPrayle, bakit ang akalaNg mga anak ko’y banal na mistula.

Saka sasabihing ang kanilang aralAy utos ni Kristong dapat na igalangBagay hindi gayo’t kauna-unahangLumalabag sila sa Poong Maykapal.

Sa harap ng altar, sa loob ng temploKahiman at hawak yaong santisimoMinumura nila kung minsan ang tao

Iyan ang pagsunod sa Poong kay Kristo!

At saka madalas sila’y mananampalKahima’t sa loob ng mga simbahan,

Anaki ay hindi nila nalalamangAng loob ng templo’y dapat na igalang.

Iyan ang pagsunod sa utos ng DiyosIyan ang kanilang kababaang loob!

Iyan nga ang kawang gawa’t paglilimosNg mga Prayleng sa yaman ay bantog.

Sa gayong ugali ang di makabataAy pinahuhuli’t bibigyan ng sala

Kung saka sakali’t hindi makakayaNama’y lilihaping papatayin sila.

Tingna’t sa kaliwang kamay nababakas

SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINASMARCELO H. DEL PILAR

Puso ko’y nahambal ng aking marinigbunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik,

wala ka, anak kong, sariling hinagpisna hindi karamay ang in among ibig.

Wala kang dalita, walang sa kahirapanna tinitiis kang di ko dinaramdam:

ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal,ang kadustaan mo’y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanagnang panahong ako’y di pa nagsasalat

walang inadhika ang in among liyagkundi puspusin ka ng ginhawa’t galak.

Sa awa ng langit ikaw ay saganang sukat iyamang malalagong lupa,lahat ng pananim wala mang alaga

sa kaparangan mo’y tumutubong kusa.

Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulakabaka at tubo’y kailangang lahat,

sa mga lupa mo’y tantong naggugubatitong sa sangmundo’y hirap mahagilap.

Sarisaring kalap na sakdal ng tibaysakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;hindi makikita sa sangdaigdigan,

ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang.

Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakalang ginto at pilak ay nangahuhukay

sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’ysarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mong dagat ng China’t dagat Pacifico

balang mangangalakal sa buong sangmundopawang naakit dumalaw sa iyo.

Talaga nga manding ikaw ang hantunganng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;

ikaw nga’t di iba dapat makinabangnang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal.

Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulatisip ay gisingi’t nang makatalastas

ng sukat asaliing ipagkakapaladsa buhay na ito’t nang di ka maghirap.

Akong iyong ina’y taga-tupad bilangng mga tadhana ng Poong Maykapal,ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang

musmos na isip mo’y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loobsa nagkakandiling maawaing Diyos;

matuto ka namang sumamba’t umirog,puso mo sa kanya’y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,makapagtanggol ka sa kapanahunanng aring tinamo’t maapamahalaan

tapat na paggamit ng santong katwiran.

2

Page 3: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Ang tagapagturo’y pinakapili ko,hinirang sa lalong mabait na tao;

ako’y nabighani’t umaasang totoosa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaansa harap ng Diyos, na anaki’y tunay,

na ito raw mundo’y kusang tatalikdan,kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;prayle ang siyang aking hihiranginna tagapag-iwi blang taga-tingin

sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taonna iniiwi kang prayle ang may kandong;

katiwala akong sa gayong panahonang isip mo’t yaman nama’y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto kasa landas ng iyong sukat iginhawa;katiwala akong dangal mo’t ligaya

ngayo’y tinatanghal na walang balisa.

Tatlong sacerdote ang ipinabitay,bukod sa maraming pinahihirapan,

at dili umano’y nakapipigil dawng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino’t ang buo kong asaay pagmamasakit ang ginawa nila,

sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunangmagdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko’t laking kamalian!laking pagkasawi! laking kadustahan!

ng ipagpabaya sa kapahamakan,ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastasna ang nangaaba at kinulang palad

ay pawing mabait, pawing nagsisikapdangal ta’t katwira’y igalang ng lahat.

Prayle’y napoot sa magandang naisng sa ati’y tapat kung magmalasakit

ngayon ko natanto, ngayon ko nabatidang kandili niya’y bagkus panggagahis,

Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsamngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan

at dinadaya kang di mo raw kakamtamang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhenkung di ka bumili ng sintas at kalmen;pag hindi mainam ang pagpapalibingang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,maraming naghirap, at nasa kombento

ang kanilang yama’t sila’y ingkilinona namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapanng magulang nila’t mga kanunuan

ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamayng hindi nagpagod at di namuhunan.

Ang laki at higpit sa pana-panahonng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,

makasingil lamang ay di nililingonhirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwisay walang katumbas kung di ang maghapis,

tanghaling sagana ang hindi nagpawis,maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito’y ninanais sanang malagyang lunas ng sinta mong ina,

ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na,hapo na sa hirap ako’t walang kaya.

Ang mga balitang Legazpi’t Salcedoat iba’t iba pang inaasahan ko

sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,ngayon ay wala na’t inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao’y nabubuhayoo’t may mabait, bayani at paham;

ngunit sia-sila’y nangag-iiringandi magkasundo sa anumang pakay.

Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba,sa balang kuruin ay di magkaisa

walang mangyayari tungol may halagasa gayo’y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,matutong magtiis iayon ang loob,

sa madlang dalita, kung ayaw kumilosang mga anak mo sa pagkakatulog.

3

Page 4: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanyaat iba pang nasyon ditto sa Europa

ay nangaghirap din sa prayle ng unapawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpissa paniniwala’t maling pananalig,

sa prayleng nagpanggap ng taong malinisna nagpakadukaha’t nag-anyong mabait.

Bayan, palibhsang marunong mahabag,ay nahambal ngani sa nakitang hirap,

ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap,ang mga kumbento’y sumaganang lahat.

Prayle’y hindi naman nagpapahalatadaddaga’t dagdagan pag-aanyong aba,

hindi napapansin lihim nilang bantana ang namamaya’y kanilang mapiga.

Sapagkat ang prayle’y hindi kaparisnitong mga Paring itim kung manumit,ang prayle ay anak sa bundok at yungib

ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita’y buong pagsasalatwalang nalalamang gawaing paghahanap

kaya kailangang tuyuin ang lahatupang manariwa ang sariling balat.

Pag may mamatay na tila mayamanprayle ang aagap magpapakumpisal,

at inuukilkil na ang pamanahanng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutinsa oras na iyon, siyang sasabihin,kalulwa’t yaman dapat na ihain

sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin.

Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pang bala-balaking panilo ng kuarta

kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo’y lumaki nga namanang ari ng prayle’t naghirap ang bayan;

mahalinhang bigla ng kapalaluanang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-apibuong kataksilan ang pangyayari,

ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampibaya’y namighati sa pagkaduhagi.

Ganda ng babae, ang dunong ang yamanay nagiging sanhi ng kapahamakan,

walang sumaklolong may kapangyarihansa kualita’t nayuko baras ng katwiran.

Ang balang magsabi, ang balang mag-isipng magpaaninaw ng santong matuwid,walang nararating kungdi ang maamis

luha’y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka’t ang balang mapaghinalaanna sa hangad nila’y di maaasahan

ay ipapahuli at pararatanganng salang dakila’t madlang kataksilan.

At sa bilanggua’y agad kukulunginsa gutom at uhaw ay papipitiin,

ang lamig ng lupa’y siyang babaniginng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw.

Hindi tutulutang magtamong liwanagsa araw at gabi ay kahabag-habag

kung hapong-hapo na sa gayong paghirapay paaamining siya nga’y nagsukab.

May ipinapangaw ang dalawang paakamay at katawa’y gagapusin muna,saka tatapatan ang sakong ng baga

hanggang di umamin sa paratang nila.

At kung masunod na ang kanilang nasaumamin sa sala ang lipos-dalita

tali nang kasunod, parusa’y ilalagdasa martir ng prayle’t mapapanganyaya.

Ang parusa noo’y samsamin ang yamanSaka unti-unting alisan ng buhay;Idaraan muna sa isang simbahan

Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahandana naglalalagablab na malaking siga,diyan igagatong sa harap ng madla

ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga.

Taghoy ng sinigan at madlang kaharapluha ng magulang, hinlog, kamag-anakpagtangis ng madla ay walang katapat

kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

4

Page 5: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Yutang-yutang tao ang nanguuyamng panahong yaon sa gayong paraan,ang payapa’t aliw noon ay pumanaw

nalipos ng luksa libo-libong bayan.

ang yaman nasamsam, buhay na nakitilay di babahagya’t noo’y walng tigil,

ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.magsabog ng dusa, gutom at hilahil.

Ano pa nga’t noon ay kulang na lamangAng nangaulila’y magpapatiwakal;

Niloob ng langit, nanangagsangguinianat nangagkaisang sila’y magdamayan.

Diyata nga kaya, ang winika nila,at wala nang lunas sa ganitong dusa?

diyata nga baga’t itong binabatasa inaanak nati’y ipapamana pa?

Huwag magkagayo’t yayamang namalas,na sa daang ito’y nasubyang ang landas,

ay hawanin nating, sakitin ng lahat,ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki’t, babae, matanda at bata,ngayo’y manalangin, sa langit paawa,

ang santong matwid sa kusang dinustaay ibangon nati’t Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,prayle’y inusig pinutlan ng ulo,

ang balang makitang prayleng nakatakbokung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya’y kakila-kilabotwalang pagsiyahan ang kanilang poot,ang mga kombento’y kanilang sinunog

inuring pugad ng masamang hayop.

Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kayasa galit ng bayan ang magiging kuta!

ang payapang dagat, pasiyang nagbalaay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,dating mapagtiis, at mapagpasahol,

inunos ng dusa’t malalaking alonng paghihiganti noo’y luminggatong.

Walang nakapigil, walang nakasangga,palibhasa’y bayan ang magpaparusaang mga pinuno’y nawalan ng kaya,

umayon sa baya’t nang di mapag-isa.

Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayonang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,

kahit na bata ay nagsisipukolinu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahal,ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw;ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan

at muling naghari ang kapayapaan.

Ngunit hindi naman ako nagpapayoang ganoong paraan baga’y asalin mo,

ako’y walang sukat na maisaklolo,kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,na di namumuhunan ng pamamayani;kung hindi mo kayang prayle’y iwaksimagtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Ang mga anak mo’y nangagugupiling,sa dusting lagay mo’y di nahihilahil,

magdarayang hibo ng kaaway na lihimsiiyang diniringig, luha mo’y di pansin.

Diyata ay sino ang dapat mag-adyasa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?kung sa mga anak mo’y di makaaasa,

walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila’y magka-isang loobat mangagkagising sa pagkakatulog;ang araw na iyan, ang araw ng Diyos

baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila’y mahiratisa pagmamasakit sa bayang sarili:

Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .huwag lilimuting ganito ang sabi:

“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan“at pawang panglugod ang balang matanaw,

“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.”

Alinsunod dito’y aling hirap kayaang sukat indahin sa pagka-kalinga,sa sariling baya’t upang matimawa,

sa madlang pahirap at sumapayapa?

5

Page 6: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man,maging taga bukid, maging taga bayan,

lalaki’t babae, pantas man at mangmang,santong matwid mo’y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliinsila ng sa iyo’y tapat na pagtingin:

ang pagpapabaya’y pananagutan din,sa harap ng Diyos sila’y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay“kayong nagpabaya sa sariling bayan,

“anya’y dapat naming Aking pabayaan!”

Ilayo ng langit sa ganitong sumpaang mga anak mo, bunsong minumutya:

sa iyo’y matuto ng pagkakalingamatutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagotng salantang ina sa hibik mo, irog;

sasakyan mo’y gipo, huwag matutulogang mga anak mo’t masigwa sa laot.

KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINASANDRES BONIFACIO

Sumikat na Ina sa sinisilanganang araw ng poot ng Katagalugan,

tatlong daang taong aming iningatansa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak

sa bagyong masasal ng dalita't hirap;iisa ang puso nitong Pilipinas

at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...ang layaw ng anak: dalita't pasakit;pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,hinain sa sikad, kulata at suntok,

makinahi't biting parang isang hayop;ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;barilin, lasunin, nang kami'y malipol.

Sa aming Tagalog, ito baga'y hatolInang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,

kaya kung ihulog sa mga libingan,linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinasna layaw sa Ina kundi pawang hirap;tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,

rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,kasabay ng utos na tuparing pilit,

may sa alumbrado---kaya kaming tikis,kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,

bukid at tubigang kalawak-lawakan,at gayon din pati ng mga halaman,sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,huwag nang saysayin, O Inang Espanya,

sunod kaming lahat hanggang may hininga,Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,kami'y di na iyo saan man humanggan,

ihanda mo, Ina, ang paglilibingansa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabogang barila't kanyong katulad ay kulog,ang sigwang masasal sa dugong aagos

ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awang mga Tagalog, O Inang kuhila,

paraiso namin ang kami'y mapuksa,langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,paalam na Ina, itong nasa hirap,

paalam, paalam, Inang walang habag,paalam na ngayon, katapusang tawag.

6

Page 7: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

WALANG KATAPUSAN ANG HIBIK NG FILIPINAS

GEN. MACARIO LEON SAKAY

Kung hindi sa iyongErehe’t filibusterong hibik

Hindi namin narinig ang dalit Na kipkip rin sa dibdib

Ng mga Katagalugan mong kapatid

Tayo nga’y magkapatidKapwa nakaugat ang ating pusod

Sa likaw na landasin ng Tondo.Tadtad ng mga sugat

Itong nagisnan nating tahanan

Sa gabi at araw, pinagnanaknak itoNg riple ng mga Guardia Civil

Ng reglamento, sedula, at espadaNg Malacañan at Royal AudienciaAt ng estampita, rosaryo’t sutana

May nangahas sa ating mga kapatidNa itambuli ang yaring mga sakit

Nagpunta pa sila sa Barcelona at Madrid,Sa ibayong dagat,

Upang kay Inang España’y umamot ng habag

Nagngitngit ang panulat ng La SolidaridadSa mga hagupit ng latigo at kura

Hinubdan at sinaling ng Noli at FiliAng bundat na mga fraile

Ngunit lumawit na ang kanilang dila'yNagtaingang-kawali lamang si Ina

Kaya nang itatag mo ang KatipunanSa agad ako sa nag-ingat ng lihim

Dapitan ang siyang ginamit na bansag,Pangalang kaylan ma’y ‘di mabubuwag

Sa pingkian ng katwiran at tapang

Bangungot sa amin ang pagdalo moSa pugad ng mga ‘di magkasundo

Yaring gusot ng Magdiwang at MagdaloAy siya rin palang mag-uunat

Ng iyong katawanSa hukay ng pagkakanulo

“Don” kung tawagin si Kapitan Miong,At ang taguring ito’y

Naging etiketa ng kanyang pamumuno.

Samantala, ano’t kanilang sininoAng talino mong itinuro ng pawis at dugo?Ang iyong pagpaslang ay nag-iwi ng hiwaKapatid sa kapatid ang pumatid ng iyong

hininga

Samantala, nang maharuyoSa ilang tagumpay ng pakikihamok,

Iwinagayway ni AguinaldoSa kanyang balkonahe

Ang dating layang nakalugmokAt lukob ng bandilang dayo

Ngunit kung paglaya man ito,Ito’y ningning at hindi liwanag,

Gaya ng habilin sa atin ni PingkianSa kanyang pahayag, Kasamang Supremo,Isinandig ni Aguinaldo sa Estados Unidos

Ang laya nating matagal na tinuos.

Tuso ang mga dayo, Kasamang SupremoNakipagkasundo ang España na sumuko sa

AmerikaSa halagang $20,000,000, binili ng Amerika ang

ating lupa at layaKatugunan iyon, samakatwid,

Sa propesiya ni Laong-Laan sa kanyang“Filipinas Dentro de Cien Años”

Agilang mula sa KanluranAy lumapag sa ating bandila

Matapos ang moro-morong digmaanSa Lawa ng Maynila

Kung paano nangyari iyonAy sadyang mapanloko ang mga Amerikano

Nakapalibot na tayo sa IntramurosNgunit pinigilan tayong umatake sa sentro

Nang dumating ang 15,000 sundalo mula sa Estados Unidos,

Saka nila sinalakay ang moog

Kasamang Supremo,Itinaboy tayo ng mga AmerikanoSa pusod ng ating pagka-Pilipino.

Kinubkob tayo ng mga bagong dayoUpang gawin daw tayong sibilisado

“Mapagkandiling pananakop”Ang pangakong pagkupkop

Ipinatikim nila ang mansanas

7

Page 8: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

Ikinuwento ang lamig ng niyebeNgunit ang pagkukunwari’y

‘Di naitagong lihimGinamit nila ang ating lupa, dagat, at hangin

Kaya sa ika-4 ng Pebrero 1899,Hahantong sa pingkianAng dahas at katwiran

Ng dati raw magkaibigan.Tila dagang tinugis si Aguinaldo

Hanggang masukol at manikluhodSa mga bagong mananakop

Gayunman,Habang nangyayari ito,

Nakikipagkasundo na ang mga ilustradosa grupo ni Schurmann

Wika nina Benito Legarda at Felipe Buencamino,

“Wala tayong kakayahang maging isang bansa;

Kailangan natin ang patnubay ng Amerika”

Samantala, ang mga nanatiling lumabanPara sa kalayaan ay tinaguriang

Insurecto, ladrones, at bandoleroMahigpit na ipinagbawal

Ang pagwagayway ng bandila

Sinunog at minasaker,O kundi maý ni-reconcentrado

Ang Batangas, Laguna,Balangiga sa Samar, Albay, Kabite,

Kudarangan at Laksamana sa Kotabato,At ang Bud Dajo sa Sulu

Ngunit gaya ng iyong habilin,Panata ang dugong nahiwa sa bisig

Hanggang sa huling sandaliNg pakikitunggali ang layang minimithi

Itinayo ko sa Bundok ng San CristobalSa pagitan ng Tanay at Laguna

Ang ating Republika ng Katagalugan

Gayong batid ko rin namanAng halaga sa pagtatatag

Ng Union de Impresores de FilipinasAt ng Union Obrera Democratica nina Ka

Belong

Naging matapat na kasama sina:

Lucio de VegaFrancisco CarreonFaustino Guillermo

Benito Sta. AnaCiriaco Contreras

Cosme CaroBriccio PantasValentin Diaz

Pio ValenzuelaApolonio Samson

Hernogenes BautistaTomas de Guzman

Julian MontalanCornelio Felizardo

Aniceto OrugaLeon Villafuerte

Lahat sila’y mula sa hanayNg uri nating pinagmulan

Dumating ang panahongKailangan kong isalong ang aking armas.

Kasamang Supremo, kapalit nito’yPagpapalaya sa tatlumpong libong

Rebolusyonaryong nakakulongNa sa lihim na pakikipagpulong ay handa

naminMuling isulong ang panata ng panahon

Ngunit tuso ang AmerikanoHabang nasa Kabite, hinuli nila kami

Hanggang sa litisin ng sedisyonNg bandolerismo

Ng pagtataksilAt saka hinatulang mamatay sa garote

Kasamang SupremoSa araw ng aming pagbitay,

Naisigaw namin ang ating dangal

“Sa malaot madali,ang lahat ng tao’y mamamatay,

kaya’t haharap ako nang mahinahonsa panginoon. Subalit gusto kong

sabihin sa inyong lahat na hindi akobandido at magnanakaw tulad

ng ibinibintang ng mga Amerikano.Rebolusyonaryo akong nagtatanggolsa ating inang bayan, ang Pilipinas!Paalam! Mabuhay ang Republika!

At nawa’y muling isilang ang ating kalayaan

8

Page 9: FIL11 Sagutang Hibik Ng Pilipinas

sa hinaharap! Paalam!Mabuhay ang Pilipinas!”

Sa aming pagkamatay, Kasamang Supremo, IPinagkait ng mga Amerikano

Na saplutan kami ng bandila ng Katipunan

Kung nakita mang sadyang paitAng sinapit nitong Republika ng Katagalugan,

Sadya ring dapat mabatid kung paanongAng pagkabigkisbigkisbigkis-ng-bisig

Ay tumamlay at lumuwagHanggang sa magkahiwalay-hiwalay

Sapagkat sa gitna ng risiris na itoTumitingkad ang krisis

Sa pingkian ng ningning at liwanag;Naiguguhit ang lunggati at layong

Naghihiwalay sa gitna ng uri at ‘di kauri,Ng mga bundat at salat,Ng mahina at malakas,

Ng totoo at nagbabalatkayo

At ito ang totoo, Kasamang Supremo,Walang katapusan ang hibik ng Pilipinas

Hanggang ang mga manggagawa’y

Kinakain ng makina; hanggang ang mga kamayNg magsasaka’y nakatanikala sa lupa;

Hanggang ang laya ng bayanAy lukob ng dayong bandila;

Hanggang ang mga namumunoNa kahit Filipino ay may maskarang

Kamukha ng imperyalista

Walang katapusan ang hibik ng FilipinasAt walang katapusan ang pakikitalad

Sapagkat sa lupang dinuhagi,Pulang rosas na nag-aapoy,Nagliliyab sa silong ng arawAng bawat patak ng dugo

Bumubukad sa matikasNa paninindigan at pakikihamok

Bukal din ang lahat ng pookNa habang tanod natin ang libong sulo,‘Di matutuyo ang langis na masasalok

Sapagkat magkaisa tayo sa naisHanggang hindi nagliliyab ang laya at dingal ng

puloWalang katapusan ang hibik ng Pilipinas

Walang katapusan ang pakikitaladWalang katapusan

Wala…!

9