2
SINALIKSIK NI EUGENENE SPENCER C. LOPEZ GR.8-C.V. ESS FILIPINO 8 Si Gemiliano Pineda ay isang Pilipinong manunulat at dating pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, o FAMAS. Unang nakilala si Pineda bilang isang manunulat sa mga sanaysay at komiks. Ang kanyang mga gawa ay nailathala sa mga magasin tulad ng Ilang-ilang at Liwayway. Ang kanyang mga sanaysay ay itinipon sa dalawang libro: Mga Sanaysay (1956), at Laging May Bituin (1971). Noong 1950 unang nailathala sa Liwayway ang komiks na“Tulisang Pugot,” na kanyang isinulat at iginuhit naman ni Alfredo Alcala. Tungkol ito sa isang tulisang walang ulo na naghasik ng lagim sa bayan ng Santo Tomas, noong panahon ng Kastila. Dahil sa kasikatan nito, ginawan ito ng pelikula noong 1953. Nang lumaon, nagkaroon ito ng “crossover” na serye sa “Kerubin” ni Clodualdo del Mundo na pinamagatang “Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot” noong 1954 sa Hiwaga Komiks. Ginawan din ito ng pelikula sa taong iyon. Naging bahagi din si Pineda sa paggawa ng propaganda para sa dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang manunulat sa komiks na “Dangal at Bayan (Kasaysayan ni Ferdinand Marcos)” sa Liwayway noong Hulyo 12, 1965. Kasama rin siya sa pagsusulat ng kwento sa mga pelikula gaya ng "Hiyasmin" (1953), "Aawitan Kita" (1959), at "Siyam na Langit" (1962). Noong 1960s, bilang pangulo, ay naisalba niya ang tuluyang pagkasira ng reputasyon ng FAMAS. Nagsimula ang gulo sa FAMAS dahil dadalawang studio lamang ang nanalo ng parangal sa FAMAS noong 1959: ang Sampaguita Pictures at LVN Productions. Dahil dito, nagreklamo ang ibang mga malalaking studio, at nagkaroon ng mga akusasyon na may bentahan ng boto. Para matigil ang gulo, tinanggal ni Pineda ang Board of Regents ng FAMAS at nag-imbita pa ng mga hurado mula sa hanay ng mga kritiko ng pelikula. Laging May Bituin Isang tala o malaking bituin ang nagsabog ng liwanag na naging patnubay ng tatlong Haring Mago buhat sa Silangan upang matunton

ESS Filipino Research

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

Page 1: ESS Filipino Research

SINALIKSIK NI EUGENENE SPENCER C. LOPEZ GR.8-C.V. ESS FILIPINO 8

Si Gemiliano Pineda ay isang Pilipinong manunulat at dating pangulo ng Filipino

Academy of Movie Arts and Sciences, o FAMAS.

Unang nakilala si Pineda bilang isang manunulat sa mga sanaysay at komiks. Ang

kanyang mga gawa ay nailathala sa mga magasin tulad ng Ilang-ilang at Liwayway.

Ang kanyang mga sanaysay ay itinipon sa dalawang libro: Mga Sanaysay (1956), at

Laging May Bituin (1971).

Noong 1950 unang nailathala sa Liwayway ang komiks na“Tulisang Pugot,” na

kanyang isinulat at iginuhit naman ni Alfredo Alcala. Tungkol ito sa isang tulisang

walang ulo na naghasik ng lagim sa bayan ng Santo Tomas, noong panahon ng

Kastila. Dahil sa kasikatan nito, ginawan ito ng pelikula noong 1953.

Nang lumaon, nagkaroon ito ng “crossover” na serye sa “Kerubin” ni Clodualdo

del Mundo na pinamagatang “Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot” noong

1954 sa Hiwaga Komiks. Ginawan din ito ng pelikula sa taong iyon.

Naging bahagi din si Pineda sa paggawa ng propaganda para sa dating Pangulong

Ferdinand Marcos bilang manunulat sa komiks na “Dangal at Bayan (Kasaysayan

ni Ferdinand Marcos)” sa Liwayway noong Hulyo 12, 1965.

Kasama rin siya sa pagsusulat ng kwento sa mga pelikula gaya ng "Hiyasmin"

(1953), "Aawitan Kita" (1959), at "Siyam na Langit" (1962).

Noong 1960s, bilang pangulo, ay naisalba niya ang tuluyang pagkasira ng

reputasyon ng FAMAS. Nagsimula ang gulo sa FAMAS dahil dadalawang studio

lamang ang nanalo ng parangal sa FAMAS noong 1959: ang Sampaguita Pictures

at LVN Productions. Dahil dito, nagreklamo ang ibang mga malalaking studio, at

nagkaroon ng mga akusasyon na may bentahan ng boto. Para matigil ang gulo,

tinanggal ni Pineda ang Board of Regents ng FAMAS at nag-imbita pa ng mga

hurado mula sa hanay ng mga kritiko ng pelikula.

Laging May Bituin

Isang tala o malaking bituin ang nagsabog ng liwanag na naging

patnubay ng tatlong Haring Mago buhat sa Silangan upang matunton

Page 2: ESS Filipino Research

ang sabsabang sinilangan ng sanggol na magiging “Hari ng mga Hari.”

Sa paglalakbay sa disyerto, ang mga Arabe o Israelita ay

tumitingala tuwina sa mga bituin upang di sila maligaw ng landas sa

patutunguhan.

Sa gitna ng karimlan, kung ang buwan ay sakmal ng mga ulap,

waring ang mga bituin ang tanging nagbibigay-liwanag at sa gayo’y

pumapawi sa karimlang nakaambang maghari sa kalooban ng tao.

Ngunit may mga gabi ring maging ang mga bituin ay ayaw pakita o

ikinukubli ng mga ulap. Gayunman, hindi nawawala ang ating panalig

na ang mga bituin ay naroon pa rin – sa likod ng mga ulap.

Mga Sanggunian

Sulyap sa mga lathalaing Tagalog noong 1946 - Roberto Anonuevo,

Alimbukad.com

Gemiliano Pineda Filmography - IMDB.com

Gemiliano Pineda Bibliography - OpenLibrary.org

FAMAS History

Dangal at Bayan (Kasaysayan ni Ferdinand Marcos) ni Gemiliano Pineda - Unang

Labas.com

Ilang halaw mula sa “Laging May Bituin ni Gemiliano Pineda” - Panitikan ng

Pilipinas, GoogleBooks