EPEKTIBONG PAGSULAT NG KOMPOSISYON.FIL3.pptx

Embed Size (px)

Citation preview

EPEKTIBONG PAGSULAT NG KOMPOSISYON

EPEKTIBONG PAGSULAT NG KOMPOSISYONA. Katuturan ng PagsulatAng pagsulat ay ang uri ng pagpapahayag ng kung saan isinasatitik ang mga kaalaman, iniisip at nadarama.B. GABAY SA EPEKTIBONG PAGSULATKAISAHANTiyakin na ang diwang ipinahahayag ay maayos. Malinaw ang mga kawil ng mga pangyayari.Ang mga pangungusap na bubuo sa komposisyon ay kinakailangang may kaugnayan sa isat isa.B. GABAY SA EPEKTIBONG PAGSULAT2. PAGKAKAUGNAYTiyakin na ang kawil ng mga pangyayari ay maingat na maisaayos ayon sa takbo ng mga pangyayari.Ang mga pangyayari sa komposisyon ay kinakailangang may kaugnayan sa isat isa upang ang daloy ay maging tuluy-tuloy.B. GABAY SA EPEKTIBONG PAGSULAT3. DIINSa pagbuo ng isang komposisyon, ang diin ay dapat na mangibabaw.C. PAGSULAT NG KOMPOSISYONAng pagsulat ng komposisyon ay isang uri ng pahayag na maaaring nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad o nangangatwiran.C. PAGSULAT NG KOMPOSISYONANG PAMAGATAng pamagat aay ang siyang gaby kung ano ang tatalakayin o nilalaman ng isang pahayag.Ito ay maaaring buod ng pahayag, mahalagang pangyayari, lugar na pinangyarihan, matinding damdaming namamayani sa ipinahahayag at isang mahalagang pangyayari.C. PAGSULAT NG KOMPOSISYONANG PAKSAAng paksa ay ang nilalaman ng isang pahayag. Dapat itong kapulutan ng aral at magbigay ng magandang halimbawang matutunan ng mambabasa. Nagiging makabuluhan ang paksa kung ito ay nagiging daan sa isang indibidwal, na mabago ang takbo ng kanyang buhay tungo sa kaunlaran.MGA URI NG KOMPOSISYONDESKRIPTIBO O PAGLALARAWANG KOMPOSISYONAng deskriptibong komposisyon ay ang paglalarawan ng nadarama, nakikita, naiisip at naririnig.Ito ay malinaw na pagbuo ng larawan sa balintataw ng mambabasa o nakikinig.MGA URI NG KOMPOSISYONDESKRIPTIBO O PAGLALARAWANG KOMPOSISYONAng sumusulat ng paglalarawan ay kailangang may malinaw na larawang maikikintal sa kanyang isipan.Ang pagkakaroon ng malikot na guni-guni sa inilalarawan ay malaking tulong.MGA URI NG KOMPOSISYONDALAWANG URI NG PAGLALARAWAN:

1.MASINING NA PAGLALARAWAN2.PANGKARANIWANGPAGLALARAWANMASINING NA PAGLALARAWANSa uri ng paglalarawang ito, ang bumabasa ay kinakailangang makita ang buhay na larawan ng tauhan, lugar o pangyayari ayon sa inilarawan ng may-akda. Karaniwan ito ay nasusulat sa matayutay na pamamaraan.PANGKARANIWANG PAGLALARAWANSa uri ng paglalarawang ito, ang naglalarawan ay nagbibigay lamang ng karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa kanyang paningin at pang-unawa.II. NARATIBONG KOMPOSISYONAng komposisyong ito ay ang paglalahad ng pagkakasunud-suond ng mga pangyayari. Ang pagbibigay liwanag ay batay sa pananaw ng isang sumusulat.Ito ay madalas gamitin sa pang-araw-araw na buhay. Ibinabahagi dito ang karanasan sa pamamagitan ng paglalahad.II. NARATIBONG KOMPOSISYONItinutuwid ng mga magulang ang mga maling gawain ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa maaaring maidudulot nito sa kanilang buhay.Sa paaralan, madalas gamitin ang paglalahad sa pagsagot sa mga katanungan maging pasalita o pasulat. II. NARATIBONG KOMPOSISYONSamakatuwid, ang naratibong komposisyon ay ang paglalahad ng mga kawil ng pangyayari sa isang salaysay.Ang payak na kahulugan ng paglalahad ay pagpapaliwanag.MGA KATANGIAN NG MABISANG PAGLALAHAD1. Simpleng bokabularyo o pananalita.2. Tiyak ang bawat halimbawang babanggitin.3. May kaugnayan ang halimbawa sa diwang ipinahahayag.4. Binibigyang diin ang diwang nais ipabatid.MGA BAHAGI NG ISANG SULATIN/ KOMPOSISYON1. PANIMULAAng panimula ay karaniwang bahagi ng isang sulatin na kung saan hinuhusgahan ng mambabasa ang isang paglalahad kung itutuloy itong basahin o hindi. Ang bahaging ito ay kinakailangan maging kaakit-akit upang maganyak ang babasa. MGA URI NG PANIMULAA. ISANG PAMBUNGAD NA SALAYSAYB. ISANG MAKATAWAG PANSING PANGUNGUSAPC. ISANG TANONG/ TANONG PANGRETORIKAD. ISANG SIPIE. ISANG USAPAN O PALITAN NG SALITA

MGA BAHAGI NG ISANG SULATIN O KOMPOSISYON2. KATAWAN O NILALAMANAng bahaging ito ng sulatin ay ang pinakatugatog ng paglalahad. Kailangang maingat na maihanay ang takbo ng mga pangyayari na may maliwanag na kaugnayan sa isat isa.Kailangan lahat ng mga detalye ay may kaisahan upang mapatingkad ang ipinapaliwanag.MGA BAHAGI NG ISANG SULATIN O KOMPOSISYON3. WAKAS O KATAPUSANAng wakas ay ang bahagi ng sulatin na kinakailangang gumising sa diwa ng mambabasa.MGA PARAAN SA PAGWAWAKAS NG PAGLALAHAD:A. PagtatanongB. Pagbuod sa mahalagang nabanggitC. Paggamit ng angkop na sipi, bahagi ng awit, bahagi ng tula at kasabihan.III. EKSPOSISYON1. Pagbibigay katuturan, depenisyon o interpretasyon2. sanhi at Bunga1. ANG PAGBIBIGAY KATUTURANIsang uri ng pagpapaliwanag sa isang kaisipan, konsepto o ideya. Nagiging malinaw at makabuluhan ito sa pamamagitan ng pang-uuri, pagpapangkat-pangkat, pagtutulaf o paghahambing at pagbibigay ilustrasyon.DALAWANG URI NG PAGBIBIGAY KATUTURAN1. PORMAL NA KATUTURANAng pormal na katuturan ay ang resulta ng pag-aaral na nagdaan sa maagham at siyentipikong paraan. Ang katuturan ay pormal kung hango sa diksyonaryo at iba pang aklat na nagbibigay ng interpretasyon.DALAWANG URI NG PAGBIBIGAY KATUTURAN2. IMPORMAL o DI-PORMAL NA KATUTURANAng uri ng katuturang ito ay naglalayong magpaliwanag upang higit na maunawaan ang ideya, konsepto o kaisipan.2. SANHI AT BUNGASa pagsusulat ng ganitong komposisyon, kailangang may maliwanag na paksang tatalakayin. Batid ng sumusulat ang kanyang layunin, kung bakit ang isang bagay ay nagaganap, nangyayari, at umiiral. Ano ang epekto ng mga bagay-bagay na ito sa tao, sa mundo o sa pang-araw-araw na kabuhayan.IV. ARGUMENTO/PANGANGATWIRAN/ DEBATEPANGANGATWIRAN: ito ay isang uri ng pahayag tungkol sa kaalaman at paniniwala sa bagay, pangyayari o ideya na binibigyang katarungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag, upang makahikayat.Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang pangkat na magkaiba ang paniniwala at paninindigan.